Hi guy's, may chapter 139 na pala. Para mabasa ay iremove niyo sa library ang kwento at ibalik muli. Happy reading, mga bebe. And favor pala hehe please i-rate niyo po ang kwento, nasa inyo na kung ilang stars sa paningin niyo ang deserve nila Tati at Raphael. Comments and votes are also welcome.
Maraming bagay ang pinagsisisihan ni Raphael, isa naroon ang pananakit niya sa sariling asawa. Pinalaki siyag matino ng nanay niya–siya lang itong gago. Lahat ng pananakit ay nagawa na niya sa asawa. Kaya ngayon ay sising-sisi iya lalo pa’t biniyayaan pala sila ng mga anak. Hindi niya lubos maisip na sa limang taong wala siya sa buhay ni Athalia ay may tatlong bata itong inaalagaan. He felt sorry for his wife.Napatingin siya sa mga bata, nakasampa si Athalia sa hospital bed. Nakasandal sa kanya ang tatlong bata habang nanunuod ng palabas sa cellphone. Namamangha siya sa tagpong iyon, maganda ang asawa niya pero mas lalong gumanda ito sa paningin niya nang malamang ina ito ng mga anak niya.Kaya pala iba ang pakiramdam niya nang makita niya ang mga ito sa mall. Iyon siguro ang tinatawag na lukso ng dugo. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya maalis ang tingin sa mga bata nang makita niya ang mga ito. Nang makita niya ang mga ito sa hospital ay halo-halong emosyon ang naramdaman
“Raphael…” tawag niya rito, nag-angat ito ng tingin. “Can I meet them tomorrow?” tanong nito sa kanya. Pauwi na sila ngayong araw, si Austin ang sumundo sa kanila. Ayaw pumayag ng mga kapatid niya na ihatid sila ng Raphael–naiintindihan naman niya ang mga ito. Na pinoprotektahan lang sila ng mga ito. She smiled, “Kausapin ko muna sila. If pumayag sila I will inform you right away.” “Thank you,” sumulyap ito sa mga bata na nasa sasakyan. “Can I tell Mom about them?” “Sure, I will explain everything to the kids. I will inform you kapag pwede niyo silang ma-meet.” Naintindihan ng mga bata na si Raphael ang tunay nilang ama. Ngunit nais niyang ipaliwanag ang lahat ng bagay. Dahil baka malito ang mga ito, lalo pa na sigurado siyang kukulitin siya ng biyenan niya. “Can I kiss them?” parang batang tanong nito. “Of course–” “Siguraduhing sa bata ang halik. Hindi kasama ang nanay,” singit naman ni Austin na hindi pala pumasok sa sasakyan. Nakatayo ito sa gilid kaya napaatras siya.
Halos mapaluha si Athalia nang makita kung saan sila unang pumunta–sa sementeryo, kung saan nakalagak ang namayapa na nilang anak na si Baby Boo. Napatingin si Raphael sa kanya at ngumiti. Naikukwento naman niya sa mga bata na may kapatid sila na pumanaw na. Matagal-tagal na rin na gusto ng mga bata na makita ang puntod ng kapatid nila.Nang bumaba sila sa kotse ay may dala silang bulaklak, karga ni Raphael ang bunso habang napapagitnaan nila ang dalawa. Nang makarating sila sa museleo ay manghang-mangha ang tatlo. “Mama sino nakatira rito?” tanong ni Ryker–nagpapababa ito sa ama niya, binaba rin naman ni Raphael.“Dito nakatira ang Ahma natin, Lola ko. Lola niyo rin siya,” paliwanag nito. “Dito rin nakatira ang kapatid niyo si Boo.”“Wow! Ito bahay ni Baby Boo, Mama?” si Ryler na nag-uumpisa nang maglibot-libot sa museleo. “Mama kapag ba ako namatay rin dito rin ako titira?” biglang tanong ni Ryker na mabilis na nagpalingon sa kanilang dalawa ni Raphael. “Ryker!” nahihindik na wika
“Mom, Dad, Angkong…” aniya saka tinignan ang mga ito, parehong nakaupo sa mahabang sofa.Kinakabahan siya paano ipapaliwanag rito, hindi dahil baka magalit ang mga ito kay Athalia. Magalit na naman sa kanya, he knows that they will blame him–ganoon rin naman siya. Sinisisi niya ang sarili niya. Kung hindi lang siya gago sana may kumpletong pamilyang ang mga anak niya. Sana nasa iisang bubong silang lima, hindi iyong kinakailangan niya pang makiusap para makita ang mga ito. “What?” hindi mapigilang wika ng ina niya.“I have to tell you something,” he said.Napaawang ang labi ng ina niya, kumurap ito ng ilang beses at saka lumunok. “Did you get someone pregnant again? Ipaalala ko lang sa ‘yo Raphael you are still legally married!” nahihindik na wika ng ina niya. “What did you do this time? Akala ko ba you are trying to win Athalia back? May pa iyak-iyak ka pang nalalaman–”“Mom, calm down!” aniya.Hindi niya alam kung ma-o-offend ba siya o matutuwa dahil mahal na mahal nito ang asawa n
“Call me kapag magpapasundo na kayo,” Austin said.Tinanguan niya ang kapatid, “I know. See you later.”Humalik siya sa pisngi ng kapatid, umupo rito ito para maging ka-level ang mga bata, hinalikan niya ang mga ito isa-isa. “Magpakabait kayo, okay? Watch over your Mama for us.”“Austin!” saway niya sa kapatid, tumayo ito at mapang-asar na ginulo ang buhok niya.“Uuwi ka pa rin naman sa ‘tin, right?”Alam niyang natatakot ang mga ito na umalis siya–na lumipat siya ng bahay. Mahal na mahal siya ng mga kapatid niya at mahal niya rin naman ang mga ito. They want her to stay with them–gumawa ng mga memoryang magkasama sila. They lost twenty seven years, nais ng mga ito na mas makasama pa siya. She smiled. “Of course, Kuya. I’ll see you later. You know that I love you, right?”“I know…” hinalikan siya nito sa noo–Austin’s the most affectionate one between him and Archer.“Papa, I love you!” Hindi rin nagpatalo ang mga anak niya. Nagtatalon-talon pa ang mga ito, ginulo ni Austin ang mga bu
“Doktora!” sigaw ni ZD nang makita siya–lumipat kasi ito ng ospital, silang dalawa ng asawa nito. First day ng mga ito ngayon. “Ano, kumpleto na ba tayong mga super heroes?” biro niya pa, si Jean na lang ang kulang sa grupo nila. Nagbabakasyon pa kasi ito, matapos ng dinaluhan nitong conference sa Australia ay mas naging abala ito. Hindi nila mahagilap pero kapag chismisan ang usapan ang bilis sumagot ng bruha.“Sila Doc Jean at Max na lang ang kulang–” unfortunate, Max went back to London. Dalawang linggo lang ang inilagi nito sa Pinas. “Ay nga pala, Doktora. Invite namin kayo sa birthday ng anak namin sa linggo, sama mo na rin mga anak mo. Alam mo naman bet kitang maging manugang!” biro pa ni Mimi.Nakilala ng mga ito ang mga anak niya nang mahospistal ang mga bata. Kaya ayun dagdag na naman ang dalawa sa group chat nila. Kinukulit nga siya ng mga ito na gumawa ng social media account kaso ayaw niya. Masyado siyang pribadong tao at tinatamad rin siyang mag-post ng mga kung anu-ano.
“Dad,” tawag niya sa tatay niyang nakabusangot habang umiinom ng tsaa. “Daddy!” tawag niya rito ulit ngunit hindi siya nito pinapansin. Nagtatampo kasi ito dahil masyado siyang abala sa trabaho at nitong mga nakaraan ay palagi siyang pumupunta sa mga Yapchengco dahil madalas siyang hanapin ni Angkong.Napabuntong hininga siya saka tumayo at niyakap ang ama, “Daddy h’wag kang magtampo, oh!”“Pagalitan mo nga ‘yan Dad. Madalas do’n sa kabila kaysa sa ‘tin,” reklamo ni Archer, inirapan niya ang kapatid.“S****p!” ismid niya. Balak niya kasing dumalo mamayang alas tres sa party ng anak ni Mimi at ZD, isasama niya ang mga bata. And her Dad has been whining dahil day off niya raw pero hindi siya sa bahay magdi-dinner. “Tama ang kuya mo. Madalas ka sa labas, Hija. Kung hindi trabaho ang inaatupag mo, nandun ka sa kabila. Akala ko ba maghihiwalay na kayo ng lalaking yun?”“Dad!” saway niya rito, ayaw niyang marinig ng mga bata iyon baka magtanong pa. Kung saan-saan pa naman napapadpad ang ka
“Oh, ba’t ka aburido?” usisa ni ZD.Sabay silang kumain magkakaibigan sa cafeteria, hindi dapat siya magla-lunch kaso pinilit siya ng mga ito. “Wala,” tipid niyang sagot. Huminga siya ng malalim saka ibinaba ang hawak na kubyertos. “Do you guys think, I need to date?”“What?! Malapit na bang magunaw ang mundo?” biro ni ZD.“Wala,” umirap siya. “I am just asking okay. I never had a boyfriend, kinasal agad ako. I am just curious about having one.“Having a boyfriend is like having a husband pa rin naman–you’re just not legally together. Ganern!” sagot ni Mimi.“Lah, parang nagka-boyfriend rin siya!” asar ni ZD sa asawa.“Duh, boyfriend kaya kita!”“Beh, girlfriend mo ‘ko!”“Try using dating apps, Ate!” suhestyon ni Lali. “Nah. I’d pass on that,” ayaw niyang gumamit ng mga dating apps dahil pakiramdam niya binibenta niya ang sarili niya. Tinaas ni ZD ang dalawang kamay, “Teka nga. I am sure mas may malalim na dahilan d’yan. Spill it.”“No. Imagination mo lang ‘yun. I am just curious, o
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr