Happy reading <3 maaaring bumoto, magkomento at mag-iwan ng review.
“Oh, ba’t ka aburido?” usisa ni ZD.Sabay silang kumain magkakaibigan sa cafeteria, hindi dapat siya magla-lunch kaso pinilit siya ng mga ito. “Wala,” tipid niyang sagot. Huminga siya ng malalim saka ibinaba ang hawak na kubyertos. “Do you guys think, I need to date?”“What?! Malapit na bang magunaw ang mundo?” biro ni ZD.“Wala,” umirap siya. “I am just asking okay. I never had a boyfriend, kinasal agad ako. I am just curious about having one.“Having a boyfriend is like having a husband pa rin naman–you’re just not legally together. Ganern!” sagot ni Mimi.“Lah, parang nagka-boyfriend rin siya!” asar ni ZD sa asawa.“Duh, boyfriend kaya kita!”“Beh, girlfriend mo ‘ko!”“Try using dating apps, Ate!” suhestyon ni Lali. “Nah. I’d pass on that,” ayaw niyang gumamit ng mga dating apps dahil pakiramdam niya binibenta niya ang sarili niya. Tinaas ni ZD ang dalawang kamay, “Teka nga. I am sure mas may malalim na dahilan d’yan. Spill it.”“No. Imagination mo lang ‘yun. I am just curious, o
Sumalampak siya sa swivel chair, kakatapos lang ng operasyon niya ngayong araw at pagod na pagod siya. Gusto na lang niyang umuwi at humilata sa bahay ngunit hindi pa tapos ang duty niya. Nasa mga Yapchengco ulit ang mga bata lalo pa’t gustong-gusto ng patriyarka na naroon ang mga ito. Natutuwa ito sa kabibohan ng mga anak niya. And her husband? Tatlong araw na niyang iniiwasan. Nabwi-bwisit siya sa pagmumukha nito. Kahit boses lang nito ang narinig niya ay agad na nag-iinit ang ulo niya. Kaya kapag nagtatawagan ang mga anak niya at si Raphael ay lumalayo siya. Nakarinig siya nang katok. Napaupo siya nang tuwid. “Sino ‘yan?” tanong niya. “Doc, si Sarah po ‘to.” “Pasok!” aniya. Bumukas ang pinto, “may problema ba?” Break time niya ngayon kaya nagbabalak siyang umidlip. Nag-inat pa siya habang pinagmamasdan si Sarah na nalilito kung ano ang gagawin. “Doc, may naghahanap sa ‘yo.” “Pasyente ba?” tanong niya rito. Umiling ito, “Asawa niyo raw ‘ho.” “Wala akong asawa. H’wag m
Matapos niyang mag-rounds ay dumiretso siya sa station para kausapin ang mga nurse. Unang napansin niya agad si Mimi na parang hindi mapakali kaya mabilis siyang lumapit rito. “Oh, anyare?”“Shit!” mahinang mura nito na natataranta. Tinapik niya pa ito sa balikat, “What happened?”“Doktora…”Lumingon siya nang may narinig at laking gulat niyang nakita si Richard. Napansin niya itong may hawak na paper bag at bulaklak. Lumapit ito sa kanya. Nginitian niya ito.“Oh, anong atin Ricardo?” pagbibiro niya pa. Lumabi ito, “Doktora naman. Richard nga kasi!” natatawang aniya nito. Pinasok niya ang kamay niya sa magkabilang bulsa. “Is there a problem? May nararamdaman ba ulit si Nanay…” she paused and blinked for a while. “Don’t tell me may sakit ka?”Napakamot ito sa ulo nito habang namumula ang buong mukha nito. Unti-unti niyang napagtanto kung bakit ito naroon. Sa hawak pa lamang nito bulaklak ay mag ibig sabihin na. Ngunit ayaw niyang mag-assume na para sa kanya iyon.“Oh…” huminto siya
“Good evening, Mommy!” bati nya sa biyenan. Akmang lalapit ito upang yakapin siya ay mabilis siyang umatras at umiling. “Kakagaling ko lang po sa hospital.” “Oh. You can go upstairs first para magshower. Bumaba ka rin agad para sabay tayong mag-dinner lahat.” Iginiya siya ng kasambahay sa kwartong may mga damit niya, habang ang mga bata ay nakikipaglaro sa Daddy at Tito Rem ng mga ito. Mabilis lang siyang naglinis ng katawan, nakakahiya naman kung siya na lang ang hinihintay ng lahat. Hindi na rin siya nag-abalang patuyuin pa ang buhok niya. Nadatnan niyang naglalambing ang mga anak niya sa Angkong ng mga ito. Nakaupo ang matanda sa sofa habang niyayakap ng tatlo. Tumabi siya kay Rem na nakangiting pinagmamasdan ang mga pamangkin. “Ate,” wika nito nang mapansin siya. “Rem,” humalik ito sa pisngi niya, tinapik niya ang braso nito. “Glad you’re here!” “Thank you, Ate!” malambing na aniya nito. “For what?” “Thank you for letting the kids come here,” aniya. “I already took a
“Back at the party, our friends told us they sleep together in the same bed with their Mama and Papa. That is why we were sad at Minnie’s birthday!” nakalabing sambit ng bunso nila. “Why can’t we stay together?” dagdag naman ni Ryder.“Why do we have to sleep in a different house?” Sunod-sunod na tanong ng mga anak nila na ikinasakit ng ulo niya. Sumulyap siya sa asawa na bakas rin sa mukha nito ang lungkot. Kasalanan nila kung bakit nararanasan ng mga anak nila ang tagpong ito. Ngunit hindi naman nila maaaring ipilit ang mga bagay-bagay lalo pa’t alam nila ang kahahantungan. Naging miserable sila noon at ang mga anak nila ay nagdurusa rin sa mga desisyon nila.Humingang malalim si Raphael bago sumagot, “Daddy made a mistake, so Mama and I aren’t together anymore. It was my fault that Mama had to raise the three of you alone. Kaya nga ngayon niyo lang nakita na meet si Daddy, right? And I am trying to make things better for us. Mama was hurt, that is why we can’t be together… for now
Hindi porque pumayag siya sa gusto ni Raphael ay aayaw na siya sa date na hinihingi sa kanya ni Richard. Naisip niya wala namang mali kung pumayag siyang magpaligaw sa asawa. Ngunit wala rin namang mali kung mag-entertain rin siya ng iba. She want to explore thing that is why she decided to just go with the flow but she will not allow her self to be tied down. It’s been two days since she allowed Raphael to court her. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay naka-duty siya sa hospital kaya ang tanging nagagawa na lamang ni Raphael ay padalhan siya ng pagkain at bulaklak. Madalas rin itong tumawag sa kanya–sinasagot na naman niya ang tawag nito pero madalas ay aburido siya rito–wrong timing kasi kung tumawag. “Mama, where are you going?” tanong ng anak niya habang pinagmamasdan niya ang sariling repleskyon sa salamin. “Mama is going out. Mag-behave kayo, ah! Kapag good boys kayo Mama will buy you any toys!” parang walang narinig si Ryker, lumapit ito sa mga kapatid nito at nakisali s
“Ma’am Tati!” bungad sa kanya ng mga kasambahay nang makapasok siya sa bahay. Napangiti siya nang makita naroon pa rin ang mga ito. Niyakap niya isa-isa ang mga ito. Nilisan na niya ang bahay na ito ngunit sila ay nanatili roon. Umtras siya nang matapos yakapin ang mga ito. “Kumusta kayo?” sensirong tanong niya.Ngumiti si Doris, “Naku! Ayos lang po. Nagkabalikan na po kayo ni Sir?”Umiling siya, “Hindi. May kailangan lang ako sa kanya. Asa’n ang Sir niyo?”“Nasa taas ‘ho, Ma’am. Hindi po lumabas ngayon. Kahit anong katok namin ayaw lumabas ni Sir. Hindi rin po siya kumain, buong araw lang siya sa kwarto.”“Saang kwarto siya?” “Sa kwarto niyo po,” tukoy nito sa kwarto nilang mag-asawa. Nang paakyat na siya nang hagdan ay napansin niyang may malaking litrato nila ni Raphael ang nakasabit sa dingding. Kuha iyon noong nasa kolehiyo silang dalawa. Pareho silang nakangiti, nakaakbay sa kanya si Raphael. Hindi niya makalimutan ang araw na iyon. Nalaman kasi nitong birthday niya ilang ar
“Athalia Lagdamaeo!” mariing wika ng ama niya na nagpaigtad sa kany sa gulat nang makapasok siya sa bahay. Namilog ang mata niya sa gulat nang makita ang amang nakaupo sa sofa. Napatayo siya nang tuwid. Matalim ang titig ng ama niya sa kanya. “Daddy…” she whispered. “Hindi uwi ng matinong babae ngayon!” sabay turo nito sa orasan na pasado alas once na ng gabi. “Daddy, naman!” “Are you dating your husband again?!” Napalunok siya sa tanong nito. Hindi naman totoo iyon but she is giving a chance to Raphael. At importante sa kanya ang opinyon ng tatay niya. Bumuntong hininga siya at lumapit sa tatay niya. “Dad, I am not…” lumunok siya’t pumikit. “But I am trying to give him a chance, Daddy. Mali ba ang ginawa ko?” “Come sit beside me,” tinapik nito ang gilid ng inuupuan nito. “Sit beside me, anak.” Umupo siya katabi nito, “Daddy.” “Walang mali sa magiging desisyon mo ‘nak. Hindi ako galit o kung ano.” “But you were mad a while ago!” ismid niya. “Because that stupid husb
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr