Happy reading, maaaring bumoto, magkomento at mag-iwan ng review! <3
Hindi porque pumayag siya sa gusto ni Raphael ay aayaw na siya sa date na hinihingi sa kanya ni Richard. Naisip niya wala namang mali kung pumayag siyang magpaligaw sa asawa. Ngunit wala rin namang mali kung mag-entertain rin siya ng iba. She want to explore thing that is why she decided to just go with the flow but she will not allow her self to be tied down. It’s been two days since she allowed Raphael to court her. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay naka-duty siya sa hospital kaya ang tanging nagagawa na lamang ni Raphael ay padalhan siya ng pagkain at bulaklak. Madalas rin itong tumawag sa kanya–sinasagot na naman niya ang tawag nito pero madalas ay aburido siya rito–wrong timing kasi kung tumawag. “Mama, where are you going?” tanong ng anak niya habang pinagmamasdan niya ang sariling repleskyon sa salamin. “Mama is going out. Mag-behave kayo, ah! Kapag good boys kayo Mama will buy you any toys!” parang walang narinig si Ryker, lumapit ito sa mga kapatid nito at nakisali s
“Ma’am Tati!” bungad sa kanya ng mga kasambahay nang makapasok siya sa bahay. Napangiti siya nang makita naroon pa rin ang mga ito. Niyakap niya isa-isa ang mga ito. Nilisan na niya ang bahay na ito ngunit sila ay nanatili roon. Umtras siya nang matapos yakapin ang mga ito. “Kumusta kayo?” sensirong tanong niya.Ngumiti si Doris, “Naku! Ayos lang po. Nagkabalikan na po kayo ni Sir?”Umiling siya, “Hindi. May kailangan lang ako sa kanya. Asa’n ang Sir niyo?”“Nasa taas ‘ho, Ma’am. Hindi po lumabas ngayon. Kahit anong katok namin ayaw lumabas ni Sir. Hindi rin po siya kumain, buong araw lang siya sa kwarto.”“Saang kwarto siya?” “Sa kwarto niyo po,” tukoy nito sa kwarto nilang mag-asawa. Nang paakyat na siya nang hagdan ay napansin niyang may malaking litrato nila ni Raphael ang nakasabit sa dingding. Kuha iyon noong nasa kolehiyo silang dalawa. Pareho silang nakangiti, nakaakbay sa kanya si Raphael. Hindi niya makalimutan ang araw na iyon. Nalaman kasi nitong birthday niya ilang ar
“Athalia Lagdamaeo!” mariing wika ng ama niya na nagpaigtad sa kany sa gulat nang makapasok siya sa bahay. Namilog ang mata niya sa gulat nang makita ang amang nakaupo sa sofa. Napatayo siya nang tuwid. Matalim ang titig ng ama niya sa kanya. “Daddy…” she whispered. “Hindi uwi ng matinong babae ngayon!” sabay turo nito sa orasan na pasado alas once na ng gabi. “Daddy, naman!” “Are you dating your husband again?!” Napalunok siya sa tanong nito. Hindi naman totoo iyon but she is giving a chance to Raphael. At importante sa kanya ang opinyon ng tatay niya. Bumuntong hininga siya at lumapit sa tatay niya. “Dad, I am not…” lumunok siya’t pumikit. “But I am trying to give him a chance, Daddy. Mali ba ang ginawa ko?” “Come sit beside me,” tinapik nito ang gilid ng inuupuan nito. “Sit beside me, anak.” Umupo siya katabi nito, “Daddy.” “Walang mali sa magiging desisyon mo ‘nak. Hindi ako galit o kung ano.” “But you were mad a while ago!” ismid niya. “Because that stupid husb
Isang masamang balita ang bumulabog sa pamilyang Yapchengco, pumanaw na ang patriyarka. And Raphael was devastated when he received a call from his father, stating that his grandfather passed away in his sleep. Hindi alam ni Raphael ang gagawin, nakatulala lang siya habang iniisip na masaya pa silang nag-uusap kahapon at nakikipaglaro pa ito sa mga apo nito sa tuhod. His grandfather was his best friend, he was his favorite grandchild. Mahal na mahal niya siya nito at ganoon rin siya rito. They may have had many issues these past few years but he still loves his grandfather. He was happy that his children met their Angkong.“Anak,” niyakap siya ng ina niya niya, ramdam niya ang panginginig nito at ang hikbi nito.Hindi siya makagalaw. Ayaw niyang maniwala. Para iyong bangungot na nais niyang lisanin. “Your grandfather is in a better place, anak. Alam kong mahirap tanggapin but we must face the truth. Your grandfather loves you and your children, paulit-ulit niyang sinasabi sa ‘kin na
“Can you and the kids stay with me tonight?”Napataas siya ng kilay sa narinig. “What?”Raphael chuckled, “I promise no monkey business. I just don’t want to be alone.”Nailagak na sa huling hantungan si Yuan Yapchengco. Kasalukuyan silang nasa mansyon ng mga Yapchengco, kasama ang mga bata. Nang maipaliwanag nila sa mga bata na nawala na ang kanilang lolo ay naintindihan naman ng mga ito. “Aba. Nanliligaw ka pa lang sa lagay na ‘yan,” umirap siya at natawa si Raphael.“I know. I just need you guys to be there, I promise babawi ako bukas. I’ve been preoccupied lately. I hope you understand that,” malambing na wika nito.She isn’t complaining about anything. Naiintindihan niya ang sitwasyon ni Raphael, he is still grieving. Natatakot lang siya na kapag um-oo siya ay isipin ni Raphael na hanggang ngayon ay patay na patay siya rito. Giving him ideas how to hurt her. Sumugal siya pero hindi mawala ang takot sa puso niya. “I wouldn’t take advantage of you. I know better now,” he said with
Sumalubong sa kanya si Raphael nang makalabas siya sa hospital. Humalik ito sa pisngi niya. “How was your work?” tanong nito at pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nitong makasakay. “Seat belt, please.”“Gano’n pa rin naman. Ang mga bata?” tanong niya. Ngumiti ito, “They’re excited to see you.” Sinara nito ang pinto at umikot papunta sa driver’s seat. Nang makapasok ito sa kotse ay may kinuha ito sa likod. Isang paper bag iyon. Nagtataka man siya ay tinanggap niya iyon. “Ano ‘to?”“Binili ko ang paborito mo,” he said.Natigalgal siya nang makita ang laman ng paper bag, mayroong kwek-kwek at isaw. Napatingin siya kay Raphael. “Don’t tell me dumayo ka pa sa dating skwelahan natin?” Tumango ito, “Yeah. Matagal ka na ring hindi nakakain niyan. Next time, dadalaw na tayo kay Manong.”Napa-awang ang labi niya sa gulat. “T-that was two hours drive from here. Kaka-out mo lang sa opisina, hindi ba?”“Don’t worry maaga kong tinapos lahat ng paper works ko. I got off from work arou
“Baby wake up.”Napaungol siya nang may marahan na humaplos sa mukha niya. “Wife.”Awtomatikong nagmulat siya ng mata nang rumehistro sa isipan niya ang boses ni Raphael. Napabalikwas siya mula sa pagkakaupo at naglapat ang mga labi nila. Parehong nanlaki ang mga mata nila sa gulat. Kumurap siya at unti-unting napagtanto ang nangyari. Hindi siya makakilos dahil sa gulat.Lumunok si Raphael dahil sa kaba, inilayo nito ang labi mula sa labi niya.“Shit!” Raphael cursed. “I am sorry. H-hindi ko sinasadya bigla ka kasing bumangon.”“Why are you here?!” she hissed. Tinakpan niya ang labi niya at sinamaan ng tingin ang asawa. “Why are you in our house—shit.” “You’re in our house,” paalala nito. “Gago ka. Where are the kids?” she spat.Aawayin niya sana si Raphael nang maalala na katabi pala nila itong matulog. Syempre napapagitnaan nila ang mga bata, hindi sila makatanggi sa request ng mga ito. Lalo pa’t ginamitan na sila ng charming smile ng mga ito. Sino ba sila para tanggihan ang mumu
“Sana all maganda ang love life,” wika ni Lali na nakabusangot. Sabay na naman silang magkakaibigan na nagla-lunch sa cafeteria. Kapag magkaparehong umaga ang schedule niya ay sabay silang kumakain ng tanghalian. Kasama roon sag mag-asawang ZD at Mimi. “Sino bang may love life rito? Kami lang naman ng honey ko,” maarte na wika ni ZD. “Sana all sinusuyo. Sana all nililigawan. Sana all!” mariing sambit ni Mimi. “Sana all ka d’yan. Bakit gusto mo ring ligawan ka?” ismid na wika ni ZD.Umirap si Mimi. “Alam mo yung sarcasm, Babe?”“‘Yan na naman sila. Nang-iinggit na naman.” Ngumuso lang siya sa mga pang-asar ng mga kaibigan niya. They know that Raphael’s courting her again. Sino ba naman ang hindi makakaalam kung ang lakas mambakod ni Raphael? He would always make sure na may meriend siya or lunch everyday at sa mga staffs rin ng hospital ay namimigay siya. At tuwing tapos na ang duty niya ay wala itong palya na sunduin siya. “Wala bang pa merienda si mayor ngayon?” biro pa ni ZD.
“What do you mean, anak?” nalilitong tanong ni Gabriella kay Raphael. “A-Anong kasal Raphael? Don’t tell me?”Ngumisi si Raphael, “Yeah.” “Oh, God!” Bumuhos na ang luha ni Gabriella, halos ngumawa na siya sa tuwa. Niyakap niya si Raphael, “Oh, God! You don’t know how hard I prayed to God na magkabalikan kayo.” Bumaling ito kay Tati. “Oh, my daughter-in-law!” At niyakap si Tati. “Mommy,” anas ni Tati ay niyakap panalik ang biyenan. “So, did Raphael propose again? Magpapakasal na ba kayo ulit? Oh my God! We should hire the best wedding coordinator in the country–” “Mommy, kalma. Hindi pa namin na pag-uusapan, okay? But we’re okay now,” agap ni Tati sa biyenan. “Oh,” malungkot na sambit ng biyenan.“Pero we’re not closing that idea, Mommy. Isa pa, kakabalikan lang namin.” “Well, tama ka naman d’yan anak. Ito ang pinaka magandang regalo ngayong birthday ko! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na malaman na ayos na kayong dalawa. Simula noon ay pinagdarasal ko na kayo na sana ang ma
Nagtitipon ang lahat sa baybayin, maliban kay Raphael at Athalia. May mahabang mesa at mga upuan. May maliit na entablado na nasa harapan. Na napapalibutan ng mga balloons at bulaklak. Masayang nagtitipon ang lahat para sa kaarawan ng nag-iisang Gabriella Yapchengco.Saglit pa ay dumating na si Tati at Raphael, hawak-hawak ang mga anak nila. Naluluha naman si Gabriella nang makita ang tagpong iyon. Sa tinagal-tagal ng panahon, isa siya sa naniniwala na balang araw ay magiging maayos ang pagsasama ni Raphael at Tati. At noon pa man ay alam na niyang mahal ni Raphael si Tati. Nang ipinakilala ng anak si Tati sa kanya ay ramdam niya agad na may kakaiba sa pagitan ng mga ito. Saksi siya sa paghihirap ni Athalia, saksi rin siya sa paghihirap ni Raphael nang iwan ito ni Tati. Kaya isa siya sa pinaka nasasaktan sa tuwing may pagsubok na naman sa pag-iibigan ng mga ito. Ilang insenso na ang sinindihan niya kakadasal na balang araw ay magkakatuluyan ang mga ito. Kaya hindi niya mapigilang mapa
Thirteen years ago… “Hiwalay na ba kayo ni Athalia?” Biglang tanong ng kasamahan ni Raphael sa soccer team. Kumunot ang noo ni Raphael. Napahinto siya sa pag-iinat ng katawan.“What are you talking about?” “Hindi ko na kasi kayo madalas makitang magkasama. That’s why I am asking you if the two of you are still together. Kasi kapag hindi, ayos lang ba sa ‘yong ligawan ko si Athalia?” “What the fuck is your problem?!” Napatayo si Raphael sa ginagawa niya. Hindi niya nobya si Athalia o mas kilala bilang Tati. Magkaibigan lang sila ng mahigit dalawang taon na rin. Tinuturing ni Raphael ang babae bilang best friend niya. Maasahan ito at higit sa lahat mabait. Kahit ang mga magulang niya ay gustong-gusto ito. But they’re just friends…Ngunit ayaw na ayaw ni Raphael na lumapit ang kahit sino kay Tati. Ni mga kaibigan niya ay hindi pinapalapit rito. Hindi niya gusto ang ideya na may lalaking umaaligid kay Tati kahit pa mismo kaibigan niya. Para kay Raphael, parang nakababatang kapatid ni
Hindi mapakali si Raphael. Palakad lakad lang siya sa labas ng silid ni Athalia. Para siyang hayop na hindi maire. Kinakabanahan siya, hinihintay niya kasi si Tati na lumabas sa silid nito. Ngayong gabi ay lalabas sila nang wala ang mga bata. Napapayag niya rin kasi sa wakas si Tati na mag-date kasama siya. Hindi tuloy mapakali si Raphael habang hinihintay si Tati. Daig niya pa ang high school student habang hinihintay ang babaeng una niyang i-di-date. Ang mga nangyari kahapon ay naging daan para makamit niya ang matamis na “oo” ni Tati para sa isang date. Masama rin kasi ang titig ng mga kapatid ni Tati sa kanya, parang kakalasin ng mga ito ang bawat buto sa katawan niya. Inaakala siguro ng mga ito na ginagamit niya lang ang amnesia niya para mas makalapit kay Tati at maayos ang kung anumang maaari pa nilang ayusin. Hindi naman sa ginagamit ni Raphael ang nangyari sa kanya pero wala naman siyang magagawa kung may amnesia siya. Pero nais niyang bigyan siya ni Tati ng pagkakataon na m
“Are you guys ready?” Tanong ni Gabriella sa lahat. Nasa lobby sila ng hotel at hinihintay ang tour guide. “Yes, Lola!” Sigaw ng mga bata. “That’s greta. ‘Wag niyo kalilimutan maglagay ng sunscreen, okay? Mainit pa naman,” paalala ni Gabriella. Dahil marami sila ay dalawa na small yatch ang inarkila nila para sa island hopping. Medyo hindi pa masakit ang sikat ng araw dahil alas siete pa lang ng umaga. Ang mga bata ay tuwang-tuwa. Habang ang mga matatanda naman ay tahimik, dahil masasakit ang ulo. Abala si Tati sa paglalagay ng sunscreen sa mga anak niya. Katabi niya sa magkabilang gilid ang mga kapatid niya. Walang kamalay-malay si Tati na masama ang titig ng mga ito kay Raphael. Nasa isang sulok lang si Raphael, pinagmamasdan ang mag-iina niya habang naglalambingan. Nais man niyang makisali ay bugbog sarado siya sa mga titig nina Archer at Austin. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali sa mga ito dahilan upang tapunan siya ng mga masasamang tingin. “Are they mad becaus
Nagising si Tati dahil sa matinding uhaw. Ngunit agad na nawala ang uhaw niya nang may maramdamang mabigat sa tiyan niya. Nanigas ang buong katawan niya sa takot. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at napasinghap siya nang makitang nakapulupot sa kanya ang isang kamay. Nang lumingon siya ay nakita nuya ang tulog na tulog na si Raphael.Nakahinga siya nang maluwag na ito ang katabi niya at hindi isang estranghero. Pero bakit niya katabi ito? May ginawa na naman ba siyang katangahan? Biglang sumakit ang ulo niya nang isipin iyon. Dahan-dahan na inalis ni Tati ang kamay ni Raphael sa tiyan niya pero bgla nitong binalik ang kamay nito sa tiyan ni Tati. Kumunot ang noo ni Tati at sinulyapan ang nakapikit pa rin na lalaki. Muli niyang inalis ang kamay nito at muli rin naman binalik ni Raphael ang kamay niya.“Alam kong gising ka Raphael. Tigil-tigilan mo ako sa pag-arte mo. Why are we in the same bed?” Humalakhak si Raphael at unti-unting nagdilat ng mata. “Mukhang hindi ako pasado bilan
“Daddy! Mommy!”Magkapanabay na sigaw ng tatlo nang mamataan ang mga magulang nila sa pool area. Ngunit hindi sila narinig ng mga magaulang nila na abala sa pag-uusap. Nagkatinginan an tatlong bata at magkasabay na ngumisi.Umahon kasi muna sila sa pool para kumain. Iniwan nila kasama ng lola at lolo nila ang anak ng Tita Mimi at Tito ZD nila na si Laura. Seryoso ang ekspresyon ni Tati at Raphael habang nag-uusap, ngunit sa mga mata ng bata ay iba. Nagmamadaling tumakbo ang tatlo bata at yumakap sa mga magulang nila. Napaigtad si Tati at Raphael sa gulat. Bumungisngis ang tatlong bata at sa hindi inaasahan ay malakas na tinulak ang mga magulang nila sa pool. Kung saan bumagsak si Tati at Raphael sa pool.“Kids!” saway ni Tati sa mga anak niya. Si Raphael naman ay natawa. “Bye, Mommy, Bye Daddy!” Sigaw ng tatlong bata at muling kumaripas ng takbo. Napabuntong hininga na lang si Tati. Napaigtad siya nang bigla siyang yakapin ni Raphael. Ni lingon niya ito. “Bitiwan mo nga ako!” asi
Tulala lang si Tati habang pinagmamasdan ang karagatan, nakatambay sila sa restaurant, magkasama silang lahat sa isang mahabang mesa. Hindi mga pagkain ang nasa mesa kundi mga alak. Ang mga bata naman ay nasa mga magulang ni Raphael kaya kampante lang si Tati. “Huy!” “What the!” gulat na sigaw ni Tati, napaigtad pa siya sa gulat. Bigla kasi sinundot ni ZD si Tati sa tagiliran. Sinamaan ni Tati ng tingin ang kaibigan niya. Nakangisi lang si ZD, halatang inaasar siya nito. “What is your problem?” asik ni Tati. “Tulala ka kasi, Teh! Kanina pa kita tinatanong ‘di ka naman sumasagot. Saan na naman ba lumilipad ang utak mo, Aber?” tinaasan pa ni ZD ng kilay si Tati. Umirap si Tati, “Wala. Namimiss ko lang magtrabaho.” “Kung iba pa ‘yan! Ayaw na magtrabaho. Hindi ko sinasabing si ZD ‘yan ha,” pabirong sambit ni Jean.“Teh, sino naman ang gustong mapagod? Nakakapagod kayang magtrabaho. Pero kailangan kumayod para sa pamilya,” saad pa ni ZD. “Itong si Tati naman, iba ang hulma! Workaholi
“Kids! Careful!”Paalala ni Gabriella sa mga bata na nakapila sa kiddie slide. Nakaupo lang sila sa pool lounge chair. Tinatanaw ang apat na bata na naglalaro sa kiddie pool. Mababaw lang naman ang tubig kaya ‘di sila natatakot na malunod ang mga bata. At mayroon ring lifeguard ngunit hindi maiwasan ni Gabriella na mag-alala lalo pa’t mga apo niya iyon. “We’re okay Lola!” Sigaw ni Ryder habang kumakaway nasa dulo ito ng pila. Humahagikgik naman si Laura, Ryker at Ryler. Nagkakasundo ang mga ito sa kalokohan habang si Ryder naman ang designated leader ng tatlo. Ang siyang taga saway sa mga ito. “Ready?” Tanong noong taga-bantay sa gilid ng slide kay Ryler.Ngunit bago pa makasagot si Ryler ay tinulak na siya nang tumatawang si Ryker. Hindi naman umiyak si Ryler kundi bumungisngis lang rin. Hindi naman mahaba ang slide, maiksi lang iyon kaya kampante rin ang guide na nakatayo sa gilid. Tanaw na tanaw ng mag-asawang Yapchengco ang mga bata. Namutla si Gabriella sa nangyari, hinawakan