Ba-bye, Angkong :( Enjoy reading, hwag kalimutan, bumoto, magkomento at mag-iwan ng review.
“Can you and the kids stay with me tonight?”Napataas siya ng kilay sa narinig. “What?”Raphael chuckled, “I promise no monkey business. I just don’t want to be alone.”Nailagak na sa huling hantungan si Yuan Yapchengco. Kasalukuyan silang nasa mansyon ng mga Yapchengco, kasama ang mga bata. Nang maipaliwanag nila sa mga bata na nawala na ang kanilang lolo ay naintindihan naman ng mga ito. “Aba. Nanliligaw ka pa lang sa lagay na ‘yan,” umirap siya at natawa si Raphael.“I know. I just need you guys to be there, I promise babawi ako bukas. I’ve been preoccupied lately. I hope you understand that,” malambing na wika nito.She isn’t complaining about anything. Naiintindihan niya ang sitwasyon ni Raphael, he is still grieving. Natatakot lang siya na kapag um-oo siya ay isipin ni Raphael na hanggang ngayon ay patay na patay siya rito. Giving him ideas how to hurt her. Sumugal siya pero hindi mawala ang takot sa puso niya. “I wouldn’t take advantage of you. I know better now,” he said with
Sumalubong sa kanya si Raphael nang makalabas siya sa hospital. Humalik ito sa pisngi niya. “How was your work?” tanong nito at pinagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nitong makasakay. “Seat belt, please.”“Gano’n pa rin naman. Ang mga bata?” tanong niya. Ngumiti ito, “They’re excited to see you.” Sinara nito ang pinto at umikot papunta sa driver’s seat. Nang makapasok ito sa kotse ay may kinuha ito sa likod. Isang paper bag iyon. Nagtataka man siya ay tinanggap niya iyon. “Ano ‘to?”“Binili ko ang paborito mo,” he said.Natigalgal siya nang makita ang laman ng paper bag, mayroong kwek-kwek at isaw. Napatingin siya kay Raphael. “Don’t tell me dumayo ka pa sa dating skwelahan natin?” Tumango ito, “Yeah. Matagal ka na ring hindi nakakain niyan. Next time, dadalaw na tayo kay Manong.”Napa-awang ang labi niya sa gulat. “T-that was two hours drive from here. Kaka-out mo lang sa opisina, hindi ba?”“Don’t worry maaga kong tinapos lahat ng paper works ko. I got off from work arou
“Baby wake up.”Napaungol siya nang may marahan na humaplos sa mukha niya. “Wife.”Awtomatikong nagmulat siya ng mata nang rumehistro sa isipan niya ang boses ni Raphael. Napabalikwas siya mula sa pagkakaupo at naglapat ang mga labi nila. Parehong nanlaki ang mga mata nila sa gulat. Kumurap siya at unti-unting napagtanto ang nangyari. Hindi siya makakilos dahil sa gulat.Lumunok si Raphael dahil sa kaba, inilayo nito ang labi mula sa labi niya.“Shit!” Raphael cursed. “I am sorry. H-hindi ko sinasadya bigla ka kasing bumangon.”“Why are you here?!” she hissed. Tinakpan niya ang labi niya at sinamaan ng tingin ang asawa. “Why are you in our house—shit.” “You’re in our house,” paalala nito. “Gago ka. Where are the kids?” she spat.Aawayin niya sana si Raphael nang maalala na katabi pala nila itong matulog. Syempre napapagitnaan nila ang mga bata, hindi sila makatanggi sa request ng mga ito. Lalo pa’t ginamitan na sila ng charming smile ng mga ito. Sino ba sila para tanggihan ang mumu
“Sana all maganda ang love life,” wika ni Lali na nakabusangot. Sabay na naman silang magkakaibigan na nagla-lunch sa cafeteria. Kapag magkaparehong umaga ang schedule niya ay sabay silang kumakain ng tanghalian. Kasama roon sag mag-asawang ZD at Mimi. “Sino bang may love life rito? Kami lang naman ng honey ko,” maarte na wika ni ZD. “Sana all sinusuyo. Sana all nililigawan. Sana all!” mariing sambit ni Mimi. “Sana all ka d’yan. Bakit gusto mo ring ligawan ka?” ismid na wika ni ZD.Umirap si Mimi. “Alam mo yung sarcasm, Babe?”“‘Yan na naman sila. Nang-iinggit na naman.” Ngumuso lang siya sa mga pang-asar ng mga kaibigan niya. They know that Raphael’s courting her again. Sino ba naman ang hindi makakaalam kung ang lakas mambakod ni Raphael? He would always make sure na may meriend siya or lunch everyday at sa mga staffs rin ng hospital ay namimigay siya. At tuwing tapos na ang duty niya ay wala itong palya na sunduin siya. “Wala bang pa merienda si mayor ngayon?” biro pa ni ZD.
“Mama!” magkapanabay na tawag sa kanya ng mga anak niya ngunit hindi siya makasagot. Wala siyang maisagot sa mga katanungan ng mga ito. Natanggap niya ang balitang naaksidente ang sinasakyang eroplano ni Raphael. At hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol rito at hinahanap pa rin ang asawa niya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga bata, ayaw naman niyang magsinungaling. She doesn’t want to break their hearts. Kakabalik pa lang ni Raphael sa mga buhay nila at natatakot siya sa posibilidad na wala na ito. “Mama is that Mama Lola?” tanong ng bunso niya. Ngumiti siya ng tipid. Nanginginig ang laman niya sa kaba. Kahit naman marami silang issues ni Raphael ay ayaw niyang mapahamak ito at lalong-lalo na ngayon na kilala na ito ng mga bata. And the kids loves Raphael. Sanay na ang mga ito sa presensya nito kahit pa ilang linggo pa lamang na nagkakasama ang mga ito. “Mama, are you okay?” nag-aalala na tanong ng panganay niya. “Mama… your hands are shaking.” Napalunok siy
“Wala pa rin bang balita kay Raphael, Teh?” nag-aalala na tanong ni ZD.Tipid siyang ngumiti, “Wala pa rin, e. The rescue team is searching for any survivors.” She paused and swallowed hard, “I pray that Raphael’s one of them. I don’t know how to explain to the kids that their dad is missing.”“Ilang araw na ang lumipas, ah!” sabat ni Mimi. Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita patungkol kay Raphael. Hinahanap na ito ng mga bata ngunit wala siyang matino na maisagot. Panay lang siya palusot na abala si Raphael at uuwi rin sa makalawa. Ayaw niyang magsinungaling sa mga bata. She wants to tell them the truth but she doesn't know how. At isa pa, hindi pa sila nawawalan ng pag-asa na makabalik si Raphael sa kanila. “Ipagdasal na lamang natin na sana makabalik na siya. Lalo pa’t attached na ang mga bata sa kaniya.”Tinuon muna niya ang atensyon sa pagtatrabaho. Buong araw ay abala siya sa mga pasyente niya. May iilan na kinausap niya para sa mga operasyon.
Dumating sila sa mansyon ng mga Yapchengco, excited na excited ang mga bata. Agad na kumaripas papasok ng mansyon. Napahawak siya sa dibdib niya, hindi niya alam pero mabigat ang pakiramdam niya ngayong araw. Inakbayan siya ng ni Archer. “Bukas, ah? Hintayin mo ang ipapadala kong bodyguard mo. And I already talked with Mrs. Yapchengco, she’ll be assigning two guards for you. And the kids, dito lang sila sa bahay. Mahigpit naman ang seguridad rito kaya panatag ako. And please stop stressing yourself, Princess.”Umirap siya, “Paanong hindi. May nililihim kayo sa ‘kin.”“Wala naman. I am just being careful,” giit ni Archer. Tumabi rin si Austin sa kanila. Hinaplos ang buhok niya. “Don’t mind Archer. He’s just being paranoid. Anyway, be good. Okay? And if there’s any problem, call us.”“Ano ako bata?” Austin wrinkled his nose. “Yeah, my baby. Let’s date on your day off. Kami naman ang i-date mo!” "Don't worry about us, Princess. Ang alalahanin mo lang ngayon ay ang trabaho mo. Don't th
Buong magdamag siyang ‘di makatulog. Inaantay niya ang resulta ng DNA test sa bangkay ni Raphael. Kung magmamatch ba ito sa tatay nito. Pero malakas ang kutob niyang hindi iyon ang asawa niya. Hindi siya mahilig mag-dasal pero nang gabing iyon halos tawagin na niya lahat. She’s planning on filing a leave. Hindi siya makakapagtrabaho nang maayos kapag hindi pa natatagpuan si Raphael. Baka imbes makatulong sa mga pasyente ay lumipad kung saan-saan ang utak niya. “Good morning, Mama!” bati ni Ryker na unang nagising kaysa sa mga kapatid nito–ang dalawa ay tulog na tulog pa. Humalik ito sa pisngi niya. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot niya. Hiling niya ay sana hindi si Raphael ang natagpuang bangkay dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa mga bata ang pangyayari. Hindi niya kayang wasakin ang puso ng mga ito. “Anak?” Tumayo siya nang marinig ang pamilyar na boses. Nagtungo siya sa pinto at binuksan iyon, sumalubong sa kanya ang biyenan na bihis na bihis. “Mommy?” aniya
“What do you mean, anak?” nalilitong tanong ni Gabriella kay Raphael. “A-Anong kasal Raphael? Don’t tell me?”Ngumisi si Raphael, “Yeah.” “Oh, God!” Bumuhos na ang luha ni Gabriella, halos ngumawa na siya sa tuwa. Niyakap niya si Raphael, “Oh, God! You don’t know how hard I prayed to God na magkabalikan kayo.” Bumaling ito kay Tati. “Oh, my daughter-in-law!” At niyakap si Tati. “Mommy,” anas ni Tati ay niyakap panalik ang biyenan. “So, did Raphael propose again? Magpapakasal na ba kayo ulit? Oh my God! We should hire the best wedding coordinator in the country–” “Mommy, kalma. Hindi pa namin na pag-uusapan, okay? But we’re okay now,” agap ni Tati sa biyenan. “Oh,” malungkot na sambit ng biyenan.“Pero we’re not closing that idea, Mommy. Isa pa, kakabalikan lang namin.” “Well, tama ka naman d’yan anak. Ito ang pinaka magandang regalo ngayong birthday ko! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na malaman na ayos na kayong dalawa. Simula noon ay pinagdarasal ko na kayo na sana ang ma
Nagtitipon ang lahat sa baybayin, maliban kay Raphael at Athalia. May mahabang mesa at mga upuan. May maliit na entablado na nasa harapan. Na napapalibutan ng mga balloons at bulaklak. Masayang nagtitipon ang lahat para sa kaarawan ng nag-iisang Gabriella Yapchengco.Saglit pa ay dumating na si Tati at Raphael, hawak-hawak ang mga anak nila. Naluluha naman si Gabriella nang makita ang tagpong iyon. Sa tinagal-tagal ng panahon, isa siya sa naniniwala na balang araw ay magiging maayos ang pagsasama ni Raphael at Tati. At noon pa man ay alam na niyang mahal ni Raphael si Tati. Nang ipinakilala ng anak si Tati sa kanya ay ramdam niya agad na may kakaiba sa pagitan ng mga ito. Saksi siya sa paghihirap ni Athalia, saksi rin siya sa paghihirap ni Raphael nang iwan ito ni Tati. Kaya isa siya sa pinaka nasasaktan sa tuwing may pagsubok na naman sa pag-iibigan ng mga ito. Ilang insenso na ang sinindihan niya kakadasal na balang araw ay magkakatuluyan ang mga ito. Kaya hindi niya mapigilang mapa
Thirteen years ago… “Hiwalay na ba kayo ni Athalia?” Biglang tanong ng kasamahan ni Raphael sa soccer team. Kumunot ang noo ni Raphael. Napahinto siya sa pag-iinat ng katawan.“What are you talking about?” “Hindi ko na kasi kayo madalas makitang magkasama. That’s why I am asking you if the two of you are still together. Kasi kapag hindi, ayos lang ba sa ‘yong ligawan ko si Athalia?” “What the fuck is your problem?!” Napatayo si Raphael sa ginagawa niya. Hindi niya nobya si Athalia o mas kilala bilang Tati. Magkaibigan lang sila ng mahigit dalawang taon na rin. Tinuturing ni Raphael ang babae bilang best friend niya. Maasahan ito at higit sa lahat mabait. Kahit ang mga magulang niya ay gustong-gusto ito. But they’re just friends…Ngunit ayaw na ayaw ni Raphael na lumapit ang kahit sino kay Tati. Ni mga kaibigan niya ay hindi pinapalapit rito. Hindi niya gusto ang ideya na may lalaking umaaligid kay Tati kahit pa mismo kaibigan niya. Para kay Raphael, parang nakababatang kapatid ni
Hindi mapakali si Raphael. Palakad lakad lang siya sa labas ng silid ni Athalia. Para siyang hayop na hindi maire. Kinakabanahan siya, hinihintay niya kasi si Tati na lumabas sa silid nito. Ngayong gabi ay lalabas sila nang wala ang mga bata. Napapayag niya rin kasi sa wakas si Tati na mag-date kasama siya. Hindi tuloy mapakali si Raphael habang hinihintay si Tati. Daig niya pa ang high school student habang hinihintay ang babaeng una niyang i-di-date. Ang mga nangyari kahapon ay naging daan para makamit niya ang matamis na “oo” ni Tati para sa isang date. Masama rin kasi ang titig ng mga kapatid ni Tati sa kanya, parang kakalasin ng mga ito ang bawat buto sa katawan niya. Inaakala siguro ng mga ito na ginagamit niya lang ang amnesia niya para mas makalapit kay Tati at maayos ang kung anumang maaari pa nilang ayusin. Hindi naman sa ginagamit ni Raphael ang nangyari sa kanya pero wala naman siyang magagawa kung may amnesia siya. Pero nais niyang bigyan siya ni Tati ng pagkakataon na m
“Are you guys ready?” Tanong ni Gabriella sa lahat. Nasa lobby sila ng hotel at hinihintay ang tour guide. “Yes, Lola!” Sigaw ng mga bata. “That’s greta. ‘Wag niyo kalilimutan maglagay ng sunscreen, okay? Mainit pa naman,” paalala ni Gabriella. Dahil marami sila ay dalawa na small yatch ang inarkila nila para sa island hopping. Medyo hindi pa masakit ang sikat ng araw dahil alas siete pa lang ng umaga. Ang mga bata ay tuwang-tuwa. Habang ang mga matatanda naman ay tahimik, dahil masasakit ang ulo. Abala si Tati sa paglalagay ng sunscreen sa mga anak niya. Katabi niya sa magkabilang gilid ang mga kapatid niya. Walang kamalay-malay si Tati na masama ang titig ng mga ito kay Raphael. Nasa isang sulok lang si Raphael, pinagmamasdan ang mag-iina niya habang naglalambingan. Nais man niyang makisali ay bugbog sarado siya sa mga titig nina Archer at Austin. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali sa mga ito dahilan upang tapunan siya ng mga masasamang tingin. “Are they mad becaus
Nagising si Tati dahil sa matinding uhaw. Ngunit agad na nawala ang uhaw niya nang may maramdamang mabigat sa tiyan niya. Nanigas ang buong katawan niya sa takot. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at napasinghap siya nang makitang nakapulupot sa kanya ang isang kamay. Nang lumingon siya ay nakita nuya ang tulog na tulog na si Raphael.Nakahinga siya nang maluwag na ito ang katabi niya at hindi isang estranghero. Pero bakit niya katabi ito? May ginawa na naman ba siyang katangahan? Biglang sumakit ang ulo niya nang isipin iyon. Dahan-dahan na inalis ni Tati ang kamay ni Raphael sa tiyan niya pero bgla nitong binalik ang kamay nito sa tiyan ni Tati. Kumunot ang noo ni Tati at sinulyapan ang nakapikit pa rin na lalaki. Muli niyang inalis ang kamay nito at muli rin naman binalik ni Raphael ang kamay niya.“Alam kong gising ka Raphael. Tigil-tigilan mo ako sa pag-arte mo. Why are we in the same bed?” Humalakhak si Raphael at unti-unting nagdilat ng mata. “Mukhang hindi ako pasado bilan
“Daddy! Mommy!”Magkapanabay na sigaw ng tatlo nang mamataan ang mga magulang nila sa pool area. Ngunit hindi sila narinig ng mga magaulang nila na abala sa pag-uusap. Nagkatinginan an tatlong bata at magkasabay na ngumisi.Umahon kasi muna sila sa pool para kumain. Iniwan nila kasama ng lola at lolo nila ang anak ng Tita Mimi at Tito ZD nila na si Laura. Seryoso ang ekspresyon ni Tati at Raphael habang nag-uusap, ngunit sa mga mata ng bata ay iba. Nagmamadaling tumakbo ang tatlo bata at yumakap sa mga magulang nila. Napaigtad si Tati at Raphael sa gulat. Bumungisngis ang tatlong bata at sa hindi inaasahan ay malakas na tinulak ang mga magulang nila sa pool. Kung saan bumagsak si Tati at Raphael sa pool.“Kids!” saway ni Tati sa mga anak niya. Si Raphael naman ay natawa. “Bye, Mommy, Bye Daddy!” Sigaw ng tatlong bata at muling kumaripas ng takbo. Napabuntong hininga na lang si Tati. Napaigtad siya nang bigla siyang yakapin ni Raphael. Ni lingon niya ito. “Bitiwan mo nga ako!” asi
Tulala lang si Tati habang pinagmamasdan ang karagatan, nakatambay sila sa restaurant, magkasama silang lahat sa isang mahabang mesa. Hindi mga pagkain ang nasa mesa kundi mga alak. Ang mga bata naman ay nasa mga magulang ni Raphael kaya kampante lang si Tati. “Huy!” “What the!” gulat na sigaw ni Tati, napaigtad pa siya sa gulat. Bigla kasi sinundot ni ZD si Tati sa tagiliran. Sinamaan ni Tati ng tingin ang kaibigan niya. Nakangisi lang si ZD, halatang inaasar siya nito. “What is your problem?” asik ni Tati. “Tulala ka kasi, Teh! Kanina pa kita tinatanong ‘di ka naman sumasagot. Saan na naman ba lumilipad ang utak mo, Aber?” tinaasan pa ni ZD ng kilay si Tati. Umirap si Tati, “Wala. Namimiss ko lang magtrabaho.” “Kung iba pa ‘yan! Ayaw na magtrabaho. Hindi ko sinasabing si ZD ‘yan ha,” pabirong sambit ni Jean.“Teh, sino naman ang gustong mapagod? Nakakapagod kayang magtrabaho. Pero kailangan kumayod para sa pamilya,” saad pa ni ZD. “Itong si Tati naman, iba ang hulma! Workaholi
“Kids! Careful!”Paalala ni Gabriella sa mga bata na nakapila sa kiddie slide. Nakaupo lang sila sa pool lounge chair. Tinatanaw ang apat na bata na naglalaro sa kiddie pool. Mababaw lang naman ang tubig kaya ‘di sila natatakot na malunod ang mga bata. At mayroon ring lifeguard ngunit hindi maiwasan ni Gabriella na mag-alala lalo pa’t mga apo niya iyon. “We’re okay Lola!” Sigaw ni Ryder habang kumakaway nasa dulo ito ng pila. Humahagikgik naman si Laura, Ryker at Ryler. Nagkakasundo ang mga ito sa kalokohan habang si Ryder naman ang designated leader ng tatlo. Ang siyang taga saway sa mga ito. “Ready?” Tanong noong taga-bantay sa gilid ng slide kay Ryler.Ngunit bago pa makasagot si Ryler ay tinulak na siya nang tumatawang si Ryker. Hindi naman umiyak si Ryler kundi bumungisngis lang rin. Hindi naman mahaba ang slide, maiksi lang iyon kaya kampante rin ang guide na nakatayo sa gilid. Tanaw na tanaw ng mag-asawang Yapchengco ang mga bata. Namutla si Gabriella sa nangyari, hinawakan