KABANATA 30: RevengeNALA“Gorgeous!” puri ni Pinter habang pinamamasdan ang repleksiyon ng muka ko sa malaking salamin na nasa harapan namin.Namilog ang mata ko. “Ako ba talaga ‘to?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya at mas nilapit ang muka ko sa salamin upang makasigurado.Hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa mga make up na nilagay sa akin ni Pinter at sa pag-ayos niya sa brown kong buhok na naging dahilan upang mas lumitaw ang kaputian ko. Nag-iwan siya ng kaunting buhok sa harapan ng muka ko upang mas magandang tingnan.“Of course, Miss Nala. Wala nga akong masyadong ginawa sa muka mo because with or without make-up, you’re beautiful. No wonder Fafa Lion likes you so much. Oh my god, kinikilig talaga ako sa inyo.” Tumili ito. Napangiti naman ako at umayos ng upo. May business event kasi kami na dadaluhan ni Hugo ngayong gabi at heto ako’t inaayusan ni Pinter na isang international Filipino make-up artist na naka-base ngayon dito sa Manila. Madaldal si Pinter kaya hind
KABANATA 31: TalkNALA“Change,” seryosong sambit ni Hugo pagpasok namin sa loob ng isang kwarto dito sa bahay na pinagdalhan sa akin ni Lawrence kanina.Ngumuso ako. “Mamaya na. Mag-uusap muna kami ni Lawrence,” sabi ko at akmang lalabas ngunit hinigit niya ang palapulsuhan ko.Mas lalong dumilim ang muka nito at tiningnan ang gown na hanggang ngayon ay suot ko pa rin. “Mag-uusap kayo na ganiyan ang suot mo?”“Ano namang mali sa suot ko?”“You can talk to him after you change your clothes, baby. Pinagbigyan ko na siya kanina when he said that he will pick you up even though I don’t want to, but then I know that you are in danger wala akong choice dahil mas malapit ang location niya sa ‘yo kaysa sa sa ‘kin. And I’m glad that you’re safe.”Ibig niyang sabihin siya dapat ang susundo sa akin sa halip na si Lawrence?“Teka nga, matagal na ba kayong magkakilala ni Lawrence?” naguguluhang tanong ko.“No.” Umiling ito at bumuntong hininga. “We’ll talk about that later; just change first. Tha
KABANATA 32: LoveNALAI slowly opened my eyes when I felt a large arm wrapped around my waist. Kasunod nito ang marahang dampi ng halik sa tungki ng ilong ko. Ang pamilyar na aftershave scent kaagad ni Hugo ang rumihistro sa ilong ko. “Wake up, baby,” marahang bulong ni Hugo sa kaliwang tainga ko. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang mata ko ay ang kakaibang kulay ng mata niya kaagad ang nakita ko na natatamaan ng sinag ng araw na mula sa bintana ng kwarto niya. “Good morning,” bati ko sa kaniya sa paos na boses at ngumiti.Ngumiti siya pabalik at mabilis na hinalikan ang labi ko. Nanlaki naman ang mata ko dahil doon at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “What?” aniya nang mapansin ang reaksyon ko.Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at nagsalita, “Hindi pa ko nag-to-toothbrush!” I point out. Mahina naman siyang natawa. “So?”“Ano’ng so? Baka mabaho ang hininga ko!” Inamoy ko ang hininga ko habang nakatakip pa rin ang palad ko sa bibig ko. Wala naman akong naamoy na mabaho pero ma
KABANATA 33: JealousNALA“Hugo...” tawag ko sa kaniya habang nakaunan ako sa braso niya at mahigpit ang pagkakayakap ko sa bewang niya. Parehas kaming wala pa ring saplot sa katawan na natatakpan ng puting kumot.“Yes?” tugon niya.“Pwede ba ‘kong magtanong?” nag-aalinlangan turan ko.“Sure, go on,” turan niya habang marahang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.“Curious kasi ako sa tattoo mo. Pwede mo bang sabihin sa ‘kin kung ano ang ibig sabihin niya o kung may ibig sabihin ba ‘yan?” tanong sa kaniya. Dahan-dahan ko pang hinaplos ang tattoo niya na sakop ang itaas na parte ng biceps niya.Naalala ko na unang beses ko ‘tong nakita no’ng nasa yate kami na papunta sa Cambodia.Huminga siya ng malalim. “It means power, strength, and courage,” sabi niya. “Behind that tattoo is a scar.”Kumunot ang noo ko at bahagyang tumingala. “Scar? What do you mean?”“1 year ago, my dad planned to kill me because he wanted to get back to his former position. He planted a bomb in my car. Al
KABANATA 34: TruthNALAPakiramdam ko ay nabingi lang ako. Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ‘ko o talagang nangyayari ‘to. Hindi naman pwedeng nampra-prank lang sila dahil napakalaking kalokohan naman no’n ‘pag nagkataon. Nadako ang paningin ko kay Hugo na parang hindi naman nagulat sa presensiya ko pagkatapos ay kay Dominic naman na gulat na gulat habang nakatingin sa akin. “M-Mali lang ako ng pagkakarinig, di ba?” utal na tanong ko. Ramdam ko ang mabilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. “No. You heard it right,” sabi ni Hugo. Napapikit naman ako dahil sa narinig. Paano? Paano ko naging kapatid si Dominic? Nawawala ba siyang anak ni Mama? Pero imposible dahil alam ko na ang kwento niya. “You knew that she was here, right, Lion?” hindi makapaniwalang tanong ni Dominic kay Hugo. Nagkibit balikat naman si Hugo. “She deserves to know, Velasco. I’ve been keeping this to myself for the past few months. I realized that she needs to know who she is,” seryosong sabi niya at saka
KABANATA 35: AgainHUGO“Uy, Hugo.” I turned to Nala, who poked my shoulder while I was busy with my laptop.“Yes, baby?” I asked and turned to her. “Ipagtimpla mo ulit ako ng pineapple juice, please...” she said while blinking her eyes cutely. My brow creased a bit. “Baby, you just finished a pitcher of pineapple juice a while ago.”She pouted her lips. “Ayaw mo ba?”Umiling ako. “Hindi naman. I’m just worried that your mouth and food pipe might get sore if you drink too much pineapple juice. Baka makasama sa kalusugan mo.”“So, ayaw mo nga?” She asked and glared at me. She crossed her arms over her chest.I gulped. Galit ba siya? She misunderstood what I said! I inhale enough oxygen into my lungs and exhale it afterwards before standing up.“Ipapagtitimpla na kita,” I said. She grinned and kissed my cheeks quickly. “Thank you, baby. I love you!”Fuck!I bit my lower lip to stop myself from smiling. She really has this effect on me, huh?“I love you more, baby,” I responded, kissi
KABANATA 36: AbductedNALAHindi ko alam kung ano ba’ng dapat ‘kong gawin o maramdaman. Halo-halo na ang emosiyon ko ngayon at wala akong ideya kung pa’no ko ba ‘to iha-handle. Nasasaktan ako, kinakabahan, naiiyak, naiinis, at nagagalit. Gulong-gulo na ‘ko. Maraming tanong ang bumabagabag sa utak ko at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot.Hindi pa rin mawala ang panginginig ng kamay ko dahil sa nangyari. Hindi ko maintindihan kung ano ba talagang nangyayari. Para akong nasa loob ng isang maze at hindi ko alam kung saan o paano ako lalabas. Binitawan ng lalaking armado ang braso ko nang makapasok na kami sa loob ng isang kwarto. Kahit ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay nagawa ko pa ring pagmasdan ang kwartong pinasukan namin.Modern-Spanish ang style ng kwarto. Ang mga dingding ay pininturahan ng deep blue na may magarbong gintong mga accent na para bang nagpapahiwatig ‘yon kung gaano ito kamahal. Sa gitna ng kwarto ay may malaking four-poster bed na may plush, na
KABANATA 37: PositiveNALATulala ako habang nakatingin sa labas ng malaking bintana. Wala naman akong ibang nakikita doon kung hindi matataas na puno na may malalagong mga dahon. Ilang oras pa lang akong nandito sa pamamahay na ‘to pero pakiramdam ko ay sobrang tagal ko na dahil sa mga nangyari.Tatlong oras pa lang ang nakakalipas nang bisitahin ako dito ng tatay ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-absorb ng utak ko kung gaano talaga siya kasamang tao. Sinaktan niya ‘ko na ni minsan ay hindi ginawa sa ‘kin ni Mama noong nabubuhay pa siya.Pagak akong natawa.Sana nandito pa si Mama para makapag-sorry ako sa kaniya sa mga nasabi ko dati. Dapat pala magpasalamat pa ‘ko sa kaniya kasi hindi siya sumama sa tatay kong halang ang bituka. Dapat pala matuwa pa ‘ko kasi hindi ko siya kasama habang lumalaki ako dahil hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko kapag ganito ang trato niya sa akin habang tumatanda ako.Mabilis kong pinahid ang luha ko na nagkalat sa pisngi ko nang marinig
WAKASHUGOAs I sit on the terrace of my condo unit, sipping a glass of rum, I am captivated by the city of Brussels. The city is a vibrant mix of old and new, with stunning architecture that tells a story of centuries past.The Grand Place, with its ornate buildings and intricate facades, is a true masterpiece. The Atomium, a modern marvel, stands tall in the distance, symbolizing the city's forward-thinking nature.The streets are alive with the sound of laughter and chatter as locals and tourists alike explore the countless shops and cafes.The scent of Belgian waffles fills the air, tempting me to indulge in a sweet treat. As the sun sets, the city comes alive with a kaleidoscope of lights, illuminating the night sky.It’s been two years and three months since I moved here to give Nala the space she wanted. Honestly, it’s hard without her by my side because I know that she’s my strength that keeps me alive, yet I need to respect her decision.I know that she loves me. Hanggang nga
KABANATA 51: ForgivenessNALA“I’m sorry, Hugo…” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa mga mata niya.Nanggilid ang luha sa mata ko habang inaalala ang mga nangyari noon. Kung paano kami maging masaya sa piling ng isa’t isa. Kung paano namin nalagpasan ang lahat ng pagsubok ng magkasama at kung paano ako sumuko ng sobrang bilis.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka yumuko. Hindi siya tumugon kaya muli akong nagsalita. Gusto kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin bago pa mahuli ang lahat.“I’m sorry for hurting you back then. I’m sorry for being too much and not thinking about how you feel. Hindi ko naisip na nasasaktan ka rin sa pagkamatay ni Lorcan.”“L-Lorcan?” tanong niya.Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa mata ko. “Lorcan ang ipinangalan ko sa anak natin. Lorcan Amani Cabral Fabellon.”Nanlaki ang mata niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. “D-Did you just really follow his last name with me?” hindi makapaniwalang tanong niya.Kinagat ko a
KABANATA 50: GardenNALANakangiti ako sa human-size mirror habang tinitingnan ang sarili ko suot ang royal blue evening gown na pinadala kanina ni Tito Gael para sa event na dadaluhan ko ngayong gabi kasama si Mr. Joseph Zuniga.Manghang-mangha ako habang walang sawang pinagmamasdan ang gown na suot ko na tila isa iyong bula na biglang mawawala kapag kinurap ko ang mga mata ko.Ang gown features ay strapless sweetheart neckline na mas nakapagpatingkad sa balikat at collarbone ko. Ang bodice ng gown naman ay iniayon sa pagiging perpekto. Yumayakap ito sa baywang ko at lumilikha ng isang eleganteng silweta. Samantalang ang skirt naman ay floor-length A-line style.Napansin ko rin na ang telang ginamit ay mamahaling satin na sigurado akong mahal pa kaysa sa sahod ko. Hindi ito makati sa balat hindi kagaya ng ibang mamahaling damit na mainit na nga makati pa. Pinalamutian rin ito ng madaming beading at sequin na siyang limilikha ng shimmering effect sa ilalim ng mga ilaw.Ang gown featur
KABANATA 49: DrunkNALA“Do I look like a bouncer to you?”Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang sobrang pamilyar na baritonong boses na ‘yon. Nahigit ko ang aking hininga nang unti-unti siyang lumingon sa gawi ko at doon ko nakumpirma ang aking hinala.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Biglang nagkabuhol-buhol ang matino kong pag-iisip dahil sa mabilis na pangyayari.Napalunok ako nang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumama ang gunmetal blue niyang mga mata na kinahuhumalingan ko ng sobra noon. Kanina lang ay iniisip ko siya tapos ngayon ay nandito na siya ngayon sa harapan ko. Tatlong taon na ang nakakalipas nang huli ko siyang makita at masasabi kong sobrang dami niyang pinagbago physically.Mas lalong naging mature ang muka niya. Mula sa mga mata niyang parang palaging nang-aakit, ang kaniyang makapal na kilay at matangos na ilong ay mas lalong nadipina. Ang kaniyang labi na mas lalong pumula sa natural
KABANATA 48: New LifeNALA“Uy, sunod ka na lang Nala, ha? Hihintayin ka namin doon,” paalala ni Jenna na nakahanda na sa pag-alis kasama ang iba pa naming katrabaho.Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. “Sige. Mag-iingat kayo!” dagdag ko pa.Nang makaalis na sila ay pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng mga gamit ko sa lamesa ko. Alas tres na ng hapon at mag-o-out na kami sa trabaho. Maaga talaga kaming nag-o-out kapag biyernes dahil walang pasok sa opisina kinabukasan. Weekdays lang kasi ang pasok namin na pinagpapasalamat ko naman.Saktong pagkapatay ko ng lampshade sa table ko ay tumunog naman ang aking cellphone na nasa loob ng aking bag. Kinuha ko ‘yon at mabilis kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan na naka-flash sa screen nito.“Hello, Tito Gael?” bungad ko pagkasagot ko.“Hello, hija. Did I disturb something?”Umiling naman ako kaagad kahit hindi niya ako nakikita. “Wala naman po, Tito. Sa katunayan po ay paalis na po ako. May ipag-uutos ka po ba?”“Can you co
KABANATA 47: BegNALA“Kumain ka na, Nala. Magkakasakit ka sa ginagawa mong ‘yan,” sabi ni Lawrence matapos niyang kumatok mula sa labas ng kwarto ko dito sa bahay ko sa Parañaque.“Iwan mo na sabi ako, Lawrence. Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na!” pagtataboy ko sa kaniya sa hindi mabilang na pagkakataon habang nakatalukbong ng kumot.Simula nang pumunta siya kaninang alas nuwebe ng umaga dito sa bahay ay hindi niya na ako tinantanan. Maya’t maya siya kumakatok at nagsisimula na akong mairita.Dito ako pumunta pagkatapos naming mag-usap ni Hugo kahapon sa may park. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na dito ako sa bahay dumiretso o hindi. Naaalala ko kasi ang mga memories naming dalawa dito. Sa bawat sulok ng bahay na ‘to ay nakikita ko siya kahit hindi ko naman siya kasama.Magang-maga na ang mata ko kakaiyak. Simula kahapon ay hindi pa ‘ko kumakain at ang tanging ginawa ko lang ay umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako.Halo-halo na ang emosiyon ko at sobrang bigat ng dibdi
KABANATA 46: PainNALALumabas ako ng hospital na halo-halo ang emosiyon. Gusto kong sumigaw pero parang wala akong boses. Gusto kong umiyak pero parang wala akong lakas para humagulhol. Nanginginig ang kamay ko habang wala sa sarili na naglalakad sa tabi ng kalsada, walang pakialam kung mahagip man ako ng mga sasakyan.Mainit ang sinag ng araw pero wala akong maramdamang hapdi. Namamanhid ang buong katawan ko dahil sa aking nalaman.I felt betrayed.All this time hindi na pala ako buntis. Dalawang linggo akong walang alam sa nangyari sa anak ko! Hindi ko man lang magawang magluksa dahil pinagkait nila sa akin ang totoo!Ang sakit! Sobrang sakit bilang isang ina na mawalan ng anak. Hindi ko man lang siya nakita, nahawakan, nahalikan o ano pa man. Hindi ko man lang naparamdam sa kaniya ang alagaan ng isang ina. Hindi ko man nagawang humingi ng tawad ng mas maaga. Napabayaan ko siya. Hindi ko siya nagawang protektahan!Kasalanan ko ‘to.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko sa
KABANATA 45: ChildNALANauna akong nagising kay Hugo kinabukasan. Dahan-dahan pa akong bumangon para hindi siya magising. Sa pagkakaalala ko kasi ay hindi kaagad siya natulog pagkatapos namin gawin ang bagay na ‘iyon’ kaya alam kong puyat pa siya. Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa niya dahil nakatulog na kaagad ako kagabi.Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay bumaba naman ako para maghanda ng almusal. Hindi naman siguro makakasama sa ‘kin kung gumalaw ako dito sa bahay, ‘di ba? Okay naman na ako sabi ng doktor.Suot ko pa rin ang maluwag na damit ni Hugo nang makababa ako. Okay lang naman ‘yon dahil kaming dalawa lang naman ni Hugo dito sa loob ng bahay pero may mga guards pa rin naman sa labas.Wala na si Daniel Cordova na siyang pinagpapasalamat ko. Hindi ko alam kung buhay pa siya pero siniguro sa akin ni Hugo na hindi niya na ako— kami guguluhin ulit. May tiwala ako sa kaniya kaya naniniwala ako sa sinabi niya.At dahil nga tapos na ang laban namin
KABANATA 44: BathNALA“So, how are you feeling? Don’t you feel anything strange about your body?” tanong ni Doc Tami habang nagbabalat siya ng orange.Umiling naman ako. “Okay na ‘ko, Doc Tami. Actually, pwede na nga ‘kong ma-discharge ngayon eh,” biro ko.Doc Tami pa rin ang tawag ko sa kaniya kahit alam kong kapatid ko siya dahil hindi pa ako komportableng tawagin siyang Ate o Ate Tami. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa kaniya no’ng pangalawang araw simula nang magising ako at naiintidihan niya naman daw. Understandable naman daw ang nararamdaman ko dahil kakikilala pa lang namin. Everything takes time nga raw sabi niya.Tumaas naman ang kilay niya. “Don’t be so sure. Baka mamaya niyan kung kaylan na-discharge ka na ‘tsaka ka naman makakaramdam ng iba.”Ngumuso naman ako. “May gano’n ba?”“Of course. Hindi naman imposible ‘yon. May mga naging patient ako dati na kakalabas lang ng hospital pero bumalik kaagad dahil may naramdaman daw na ganito tapos ganiyan,” pagkwe-kwento niya. “Here.