KABANATA 18: GroceryNALAHindi maalis ang ngiti sa labi ko habang binabasa ang mga nutrition facts na nakalagay sa likod ng products dito sa grocery at pagkatapos ay nilalagay ko ito sa pushcart na tulak-tulak ni Hugo.“Can you please go faster, Nala? Just put it in the cart and move. Don’t mind the prize,” yamot na utos ni Hugo habang tulak-tulak pa rin ang pushcart na malapit nang mapuno ang basket na nasa baba.Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. “Huwag ka ngang diktador. Hindi ka batas kaya manahimik ka diyan. Ikaw ang nakaisip nito kaya huwag kang magreklamo,” sabi ko at nagpatuloy sa pagpili ng mga bibilhin.Tinitingnan ko kasi ang mga expiration date dahil baka ‘yong malapit nang mag-expire ‘yong mabili namin. Mahirap na baka dito pa kami mamatay dahil sa food poison.Kagabi kasi— este kaninang madaling araw pagkatapos akong sermunan ni Hugo ay sinabi niya sa akin na maggo-grocery daw kami ngayon para hindi na daw ako lumabas ng gano’ng oras. Sinabi niya din na hindi na muna
KABANATA 19: DeterminationNALALiteral na nakakabinging katahimikan ang siyang bumalot sa pagitan naming dalawa ni Hugo. Bukod sa tunog ng aircon ay wala nang ibang naririnig sa apat na sulok ng silid niya.Seryoso ako habang dinadampi ang malinis na bulak na may alcohol sa gilid ng tiyan niya kung saan may medyo malaking hiwa doon na alam kong galing sa matalas na patalim. Hindi ko alam kung saan ‘to nanggaling dahil hindi pa ‘ko nagtatanong kay Hugo.Nang tapos ko nang malinisan ang sugat niya at malagyan ng betadine ay pinuluputan ko na ito ng gasa para hindi na ito mahanginan pa na magiging dahilan upang magkaroon ng germs na galing sa hangin.Tumayo ako pagkatapos habang dala-dala ang maliit na planggana na my lamang maligamgam na tubig na siyang ginamit ko para linisan ang sugat niya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Pumasok ako sa banyo para itapon ang ginamit kong tubig pagkatapos ay nilabhan ko na rin ang towel ‘tsaka ito sinampay sa towel rack.Pagkatapos kong maghugas ng kama
KABANATA 20: First killNALANoong bata pa ‘ko hindi ko pinangarap na humawak ng baril. Hindi ko rin pinangarap na ipahamak muli ang buhay ko subalit ito nga talaga siguro ang tadhana ko. Simula nang mamatay si Mama at iwan kami, hindi na ulit pumasok sa isip ko na bumalik sa dati kong buhay dahil gusto kong bumawi kahit wala na siya. Gusto kong ipakita sa kaniya na kaya kong tuparin ang kahuli-hulihang bilin niya.Pumikit ako ng mariin habang mahigpit ang hawak ko sa grip ng baril. Alam kong ito na ang tamang oras para ilabas ko ang naging resulta ng ilang buwan naming pagta-training. Kung baga magsisilbi itong summative test sa parti ko dahil dito ko mailalabas ang mga natutunan ko. Dito masusukat kung hanggang saan ang kaya ko.Inaamin ko, kinakabahan ako at natatakot dahil alam kong maling galaw ko lang ay pwede akong mamatay. Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko habang iniisip ang pwedeng mangyari sa akin pero kailangan kong paalalahanan ang sarili ko na hindi ako pwedeng p
KABANATA 21: WeakNALA“Kaya ko na,” wika ko habang pilit na inaagaw kay Hugo ang kutsarang hawak niya.“No, I will feed you,” malamig niyang turan dahilan upang magsalubong ang kilay ko ngunit pinagsawalang bahala ko na lang ‘yon agad.“Kaya ko namang kumain ng mag-isa,” pagpupumilit ko pa.“I said, I’ll feed you. Stop being hardheaded and just listen to me!” seryosong sermon niya at marahang nilapit sa bibig ko ang kutsarang may pagkain na sinusubo niya.Huminga muna ako ng malalim bago ‘yon tinanggap. Hindi ko alam kung ano ba’ng problema niya. Kanina pa siya seryoso simula no’ng pumasok siya dito sa kwartong inaakupa ko dito sa hospital. Para bang kapag hinawakan ko siya o hindi kaya’y kinausap ay sasabog na siya sa hindi malamang dahilan.Kakagising ko lang tapos ganiyan siya. Tsk!Pagkatapos niya akong pakainin ay pinainom niya naman ako ng gamot na binilin ng doctor kanina. Nagpumilit pa ulit ako na kaya ko naman pero senermunan niya na naman ako kagaya ng ginawa niya kanina ka
KABANATA 22: FoldedHUGO“Hey,” I muttered as we entered my condominium. Nala’s calmness is bothering me so bad, fuck!She looked at me without saying a word. I can’t read what she’s thinking, even though I am now looking at her beautiful yet emotionless chocolate eyes.“Ano ‘yon? May sasabihin ka ba?” she asked coldly.I can’t help but feel amused and nervous at the same time. I’m amused because she doesn’t know how hot she is with her cold expression registered on her face, yet I’m nervous at the same time because I don’t want her to be like this.I gulped. “Are you mad?” I asked gently.Umiling siya dahilan upang madagdagan ang kaba sa dibdib ko.“Huwag mo nang isipin ‘yon. Magpapahinga na ‘ko.” She turned her back to me, but I didn’t let her foot step away from me. I hold her wrist.“I’m sorry,” I said, but I’m not fucking sincere. If I were to decide, I’d stick with my plan. I want her to live with me in my house, not for my personal reasons but for her safety.I don’t trust Lawr
KABANATA 23: MadNALAPinanood ko na munang tuluyang makalayo ang sasakyan kung saan lulan si Hugo bago ako pumasok sa bahay. Ginamit ko ang susi na laging nakatago sa nakasabit na paso na may mayabong na dahon ng bulaklak sa katabi lang ng pinto.Hindi ko mapigilang mapangiti ng makitang magaganda pa rin ang tubo ng mga halaman ko kahit ilang buwan akong nawala. Sigurado akong si Lawrence ang nagdidilig ng mga halaman ko dito no’ng wala ako.“Nala, hija?”Akma na sana akong papasok sa loob nang biglang may magsalita sa likod ko. Lumingon ako dito.“Oh, Aling Iska magandang tanghali po,” magalang na bati ko at ngumiti nang makilala ko kung sino siya.Si Aling Iska ang nagbabantay noon kay Nadine no’ng wala pang sakit ang kapatid ko. Sa kaniya ko iniiwan noon si Nadine dahil nag-aaral ako. Siya ang katabing bahay ni Aling Perla na may ari naman ng sari-sari store sa may kanto kung saan kami tumambay ni Lawrence noon.“Jusko, ikaw nga!” Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang yumakap sa a
KABANATA 24: TemptNALA“Anong ginagawa mo dito?” hindi makapaniwalang tanong ko habang nanlalaki pa rin ang matang nakatingin sa kaniya.“I’m going to stay here,” tugon niya at saka dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay ko at nilampasan ako.“Anak ng kagang— akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito?!” Ang dami-dami kong sinabi kanina tapos dito rin lang naman pala ang bagsak niya!“Let’s just talk tomorrow, baby. I’m exhausted,” nakapikit niyang sabi habang nakaupo sa kawayan upuan sa sala at nakasandal ang likod sa sandalan nito.Kinilabutan na naman ako nang marinig ko na naman ang madalas niyang tawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang sawayin siya sa pagtawag niya sa akin ng gano’n.Sinarado ko ang pinto at saka nakapamewang na hinarap niya.“Saan ka ba kasi galing? Bakit dito ka pa sa bahay ko pumunta sa halip na sa bahay mo, ha?!”Binuksan niya ang mata niya. Bakas ang pagod doon. Nakaramdam naman ako ng kaunting guilt dahil sa inaakto ko. “I’m from the off
KABANATA 25: VisitorNALADahan-dahan kong binuksan ang mata ko nang may tumamang sinag ng araw sa muka ko mula sa bintana ng kwarto ko. Sa kahoy na kisame kaagad ng aking kwarto tumama ang aking mga mata. Kusang kumurba ang aking labi dahil sobrang sarap ng tulog ko na ngayon ko lang ulit naranasan.Hindi pa man tuluyang bumabalik sa katinuan ang isip ko nang dagliang mabura ang ngiti sa labi ko dahil may napagtanto. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umupo sa ibabaw ng kama. Tumingin ako sa kanang bahagi ng kama ngunit wala na akong katabi doon.“Shit…” mahinang sabi ko at saka itinakip sa ibabaw ng bibig ko ang dalawang kamay ko habang nanlalaki pa rin ang mata. Sinuko ko na ba talaga ang bataan? Natuloy na ba ang naudlot sa Cambodia?Dumako ang tingin ko sa katawan ko. May suot naman akong maluwag na t-shirt at pajama. May underwear din ako at brassiere na maayos na nakakabit. Panaginip lang ba ‘yon? Bakit parang totoo?Akma na sana akong bababa sa kama ngunit halos mangisay ak
WAKASHUGOAs I sit on the terrace of my condo unit, sipping a glass of rum, I am captivated by the city of Brussels. The city is a vibrant mix of old and new, with stunning architecture that tells a story of centuries past.The Grand Place, with its ornate buildings and intricate facades, is a true masterpiece. The Atomium, a modern marvel, stands tall in the distance, symbolizing the city's forward-thinking nature.The streets are alive with the sound of laughter and chatter as locals and tourists alike explore the countless shops and cafes.The scent of Belgian waffles fills the air, tempting me to indulge in a sweet treat. As the sun sets, the city comes alive with a kaleidoscope of lights, illuminating the night sky.It’s been two years and three months since I moved here to give Nala the space she wanted. Honestly, it’s hard without her by my side because I know that she’s my strength that keeps me alive, yet I need to respect her decision.I know that she loves me. Hanggang nga
KABANATA 51: ForgivenessNALA“I’m sorry, Hugo…” Iyon ang unang lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa mga mata niya.Nanggilid ang luha sa mata ko habang inaalala ang mga nangyari noon. Kung paano kami maging masaya sa piling ng isa’t isa. Kung paano namin nalagpasan ang lahat ng pagsubok ng magkasama at kung paano ako sumuko ng sobrang bilis.Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at saka yumuko. Hindi siya tumugon kaya muli akong nagsalita. Gusto kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin bago pa mahuli ang lahat.“I’m sorry for hurting you back then. I’m sorry for being too much and not thinking about how you feel. Hindi ko naisip na nasasaktan ka rin sa pagkamatay ni Lorcan.”“L-Lorcan?” tanong niya.Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa mata ko. “Lorcan ang ipinangalan ko sa anak natin. Lorcan Amani Cabral Fabellon.”Nanlaki ang mata niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. “D-Did you just really follow his last name with me?” hindi makapaniwalang tanong niya.Kinagat ko a
KABANATA 50: GardenNALANakangiti ako sa human-size mirror habang tinitingnan ang sarili ko suot ang royal blue evening gown na pinadala kanina ni Tito Gael para sa event na dadaluhan ko ngayong gabi kasama si Mr. Joseph Zuniga.Manghang-mangha ako habang walang sawang pinagmamasdan ang gown na suot ko na tila isa iyong bula na biglang mawawala kapag kinurap ko ang mga mata ko.Ang gown features ay strapless sweetheart neckline na mas nakapagpatingkad sa balikat at collarbone ko. Ang bodice ng gown naman ay iniayon sa pagiging perpekto. Yumayakap ito sa baywang ko at lumilikha ng isang eleganteng silweta. Samantalang ang skirt naman ay floor-length A-line style.Napansin ko rin na ang telang ginamit ay mamahaling satin na sigurado akong mahal pa kaysa sa sahod ko. Hindi ito makati sa balat hindi kagaya ng ibang mamahaling damit na mainit na nga makati pa. Pinalamutian rin ito ng madaming beading at sequin na siyang limilikha ng shimmering effect sa ilalim ng mga ilaw.Ang gown featur
KABANATA 49: DrunkNALA“Do I look like a bouncer to you?”Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang sobrang pamilyar na baritonong boses na ‘yon. Nahigit ko ang aking hininga nang unti-unti siyang lumingon sa gawi ko at doon ko nakumpirma ang aking hinala.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Biglang nagkabuhol-buhol ang matino kong pag-iisip dahil sa mabilis na pangyayari.Napalunok ako nang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumama ang gunmetal blue niyang mga mata na kinahuhumalingan ko ng sobra noon. Kanina lang ay iniisip ko siya tapos ngayon ay nandito na siya ngayon sa harapan ko. Tatlong taon na ang nakakalipas nang huli ko siyang makita at masasabi kong sobrang dami niyang pinagbago physically.Mas lalong naging mature ang muka niya. Mula sa mga mata niyang parang palaging nang-aakit, ang kaniyang makapal na kilay at matangos na ilong ay mas lalong nadipina. Ang kaniyang labi na mas lalong pumula sa natural
KABANATA 48: New LifeNALA“Uy, sunod ka na lang Nala, ha? Hihintayin ka namin doon,” paalala ni Jenna na nakahanda na sa pag-alis kasama ang iba pa naming katrabaho.Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya. “Sige. Mag-iingat kayo!” dagdag ko pa.Nang makaalis na sila ay pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng mga gamit ko sa lamesa ko. Alas tres na ng hapon at mag-o-out na kami sa trabaho. Maaga talaga kaming nag-o-out kapag biyernes dahil walang pasok sa opisina kinabukasan. Weekdays lang kasi ang pasok namin na pinagpapasalamat ko naman.Saktong pagkapatay ko ng lampshade sa table ko ay tumunog naman ang aking cellphone na nasa loob ng aking bag. Kinuha ko ‘yon at mabilis kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan na naka-flash sa screen nito.“Hello, Tito Gael?” bungad ko pagkasagot ko.“Hello, hija. Did I disturb something?”Umiling naman ako kaagad kahit hindi niya ako nakikita. “Wala naman po, Tito. Sa katunayan po ay paalis na po ako. May ipag-uutos ka po ba?”“Can you co
KABANATA 47: BegNALA“Kumain ka na, Nala. Magkakasakit ka sa ginagawa mong ‘yan,” sabi ni Lawrence matapos niyang kumatok mula sa labas ng kwarto ko dito sa bahay ko sa Parañaque.“Iwan mo na sabi ako, Lawrence. Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na!” pagtataboy ko sa kaniya sa hindi mabilang na pagkakataon habang nakatalukbong ng kumot.Simula nang pumunta siya kaninang alas nuwebe ng umaga dito sa bahay ay hindi niya na ako tinantanan. Maya’t maya siya kumakatok at nagsisimula na akong mairita.Dito ako pumunta pagkatapos naming mag-usap ni Hugo kahapon sa may park. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba na dito ako sa bahay dumiretso o hindi. Naaalala ko kasi ang mga memories naming dalawa dito. Sa bawat sulok ng bahay na ‘to ay nakikita ko siya kahit hindi ko naman siya kasama.Magang-maga na ang mata ko kakaiyak. Simula kahapon ay hindi pa ‘ko kumakain at ang tanging ginawa ko lang ay umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako.Halo-halo na ang emosiyon ko at sobrang bigat ng dibdi
KABANATA 46: PainNALALumabas ako ng hospital na halo-halo ang emosiyon. Gusto kong sumigaw pero parang wala akong boses. Gusto kong umiyak pero parang wala akong lakas para humagulhol. Nanginginig ang kamay ko habang wala sa sarili na naglalakad sa tabi ng kalsada, walang pakialam kung mahagip man ako ng mga sasakyan.Mainit ang sinag ng araw pero wala akong maramdamang hapdi. Namamanhid ang buong katawan ko dahil sa aking nalaman.I felt betrayed.All this time hindi na pala ako buntis. Dalawang linggo akong walang alam sa nangyari sa anak ko! Hindi ko man lang magawang magluksa dahil pinagkait nila sa akin ang totoo!Ang sakit! Sobrang sakit bilang isang ina na mawalan ng anak. Hindi ko man lang siya nakita, nahawakan, nahalikan o ano pa man. Hindi ko man lang naparamdam sa kaniya ang alagaan ng isang ina. Hindi ko man nagawang humingi ng tawad ng mas maaga. Napabayaan ko siya. Hindi ko siya nagawang protektahan!Kasalanan ko ‘to.Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko sa
KABANATA 45: ChildNALANauna akong nagising kay Hugo kinabukasan. Dahan-dahan pa akong bumangon para hindi siya magising. Sa pagkakaalala ko kasi ay hindi kaagad siya natulog pagkatapos namin gawin ang bagay na ‘iyon’ kaya alam kong puyat pa siya. Hindi ko alam kung ano pa ang ginawa niya dahil nakatulog na kaagad ako kagabi.Pumasok ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay bumaba naman ako para maghanda ng almusal. Hindi naman siguro makakasama sa ‘kin kung gumalaw ako dito sa bahay, ‘di ba? Okay naman na ako sabi ng doktor.Suot ko pa rin ang maluwag na damit ni Hugo nang makababa ako. Okay lang naman ‘yon dahil kaming dalawa lang naman ni Hugo dito sa loob ng bahay pero may mga guards pa rin naman sa labas.Wala na si Daniel Cordova na siyang pinagpapasalamat ko. Hindi ko alam kung buhay pa siya pero siniguro sa akin ni Hugo na hindi niya na ako— kami guguluhin ulit. May tiwala ako sa kaniya kaya naniniwala ako sa sinabi niya.At dahil nga tapos na ang laban namin
KABANATA 44: BathNALA“So, how are you feeling? Don’t you feel anything strange about your body?” tanong ni Doc Tami habang nagbabalat siya ng orange.Umiling naman ako. “Okay na ‘ko, Doc Tami. Actually, pwede na nga ‘kong ma-discharge ngayon eh,” biro ko.Doc Tami pa rin ang tawag ko sa kaniya kahit alam kong kapatid ko siya dahil hindi pa ako komportableng tawagin siyang Ate o Ate Tami. Nasabi ko na rin naman ‘yon sa kaniya no’ng pangalawang araw simula nang magising ako at naiintidihan niya naman daw. Understandable naman daw ang nararamdaman ko dahil kakikilala pa lang namin. Everything takes time nga raw sabi niya.Tumaas naman ang kilay niya. “Don’t be so sure. Baka mamaya niyan kung kaylan na-discharge ka na ‘tsaka ka naman makakaramdam ng iba.”Ngumuso naman ako. “May gano’n ba?”“Of course. Hindi naman imposible ‘yon. May mga naging patient ako dati na kakalabas lang ng hospital pero bumalik kaagad dahil may naramdaman daw na ganito tapos ganiyan,” pagkwe-kwento niya. “Here.