THIRD PERSON POV Inihiga ni Aldric ang sarili niya sa kama. Hindi pa rin maalis-alis sa isipan niya ang sinabi ni Mandy sa kanya. ‘Sinong bumarìl sa kanya?’ nag-aalala niyang tanong sa dalaga. Naikuyom ni Mandy ang palad. ‘It's Eli, your friend,’ diretsahan nitong tugon sa binata. Naipikit ni Aldric ang mga mata niya. Alam niyang medyo tuliro ang utak ni Eli pero tapat naman itong kaibigan. Kahit baliw na baliw ito sa ex niyang si Samara ay hindi siya nito ginawan ng masama. Malaki ang respeto nito sa pagsasamahan nila at gano'n din siya. Tatlong magkakasunod na tunog ng doorbell ang nagpahinto sa kanya mula sa malalim niyang iniisip. Bumangon siya sa pagkakahiga at nagtungo sa pinto ng living room upang buksan ito. Tumambad sa kanya ang apat na pulis na may hawak na mga dokumento. Agad na napakunot ang noo ni Aldric. “Kayo po ba si Mr. Aldric Rodriguez?” bungad na tanong ng isa sa mga pulis sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito at medyo bugnutin ang itsura. Naningkit ang mg
MARCO POV Naiwan akong mag-isa sa kwarto ko. Lumabas kasi si Ara para salubungin sina Candice at Lolly dahil marami raw silang dalang pagkain. Hinabilin pa niyang bumili ang mga ito ng Korean Food kasi alam niyang paborito ko ‘yon. Napangiti ako sa pagiging maalaga niya. Hindi pa kami kinakasal ay pang-wife material na. Kinuha ko sa loob ng bag ko ang maliit na box na laman ang singsing na pinasadya ko pa talaga para sa proposal ko kay Ara. Gumaan ang pakiramdam ko habang patuloy ‘yong pinagkatitigan. Si Ara ang babaeng una kong minahal—at alam kong sa panghabang-buhay ay sa kanya lang ako nakalaan. Sumagi sa utak ko ang usapan namin ni Mr. Sanchez no'ng huli naming pagkikita. Napahinga ako nang malalim at bahagyang nalungkot sa nangyaring tagpuan. (FLASHBACK) ‘Sir Marius, totoo ho ba ang sinabi niyo sa akin sa telepono? Magbabalik ka na sa pamamahala ng Silvestre Business Empire?’ bungad na tanong ni Mr. Sanchez no’ng palihim kaming nagkita sa isang restaurant ng hotel na pagm
MARCO POV Mariin kong tinitigan ang batang lalaki na tinawag ni Lolly kanina na EJ. Kumakain siya ng ramyeon sa tapat ko. Kasalo rin namin sina Ara, Candice at Lolly sa iisang mesa. Mukhang nililigawan niya ang pamangkin ko, at dadaan muna siya sa butas ng karayom bago mangyari ‘yon. Kailangan naming mag-usap nang masinsinan. “Hoy,” paninimula ko ng usapan. Tinuktok ko ang mesa nang tatlong beses para maagaw ang atensyon niya. Napatigil siya sa pagsubo ng ramyeon at tumitig sa akin. “Kompleto na ba ‘yang mga buto mo? Ha?” mariing tanong ko sa kanya. Napakurap-kurap siya na para bang inisip pa kung ano ang ibig kong sabihin. Agad na sumingit si Ara. “Hay, Love naman. ‘Wag ka ngang maraming tanong d’yan. Kumain ka na lang. Baka ma-trauma pa ‘yang bata dahil sa ‘yo at ma-report ka for child abuse,” saway niya sa ‘kin at nilagyan ng gimbap ang plato ko. “May paligaw-ligaw na nalalaman, eh,” pangangatwiran ko sa kanya. “Ay, hayaan mo na,” saway niya sa ‘kin. Napapigil ng tawa si Ca
MARCO POV ‘Magsisimula ang fireworks display mamayang 12 AM sa MÒA complex bilang pagsalubong sa kaarawan ng nag-iisang anak na lalaki ng batikang negosyante na si Mr. Rovelle Silvestre. Bagama't mailap sa camera, ay matatandaan na ilang taong nawala ang anak ng ginoo at manunumbalik na nga ito sa pamamahala ng Silvestre Business Empire. Ang misteryosong anak na lalaki ng batikang negosyante na kailan man ay hindi pa naisasapubliko at lumaki sa South Korea ay pinaniniwalaan na siya ring henyo sa larangan ng pagnenegosyo na si Shadow Raven kaya sabik na sabik ang lahat kung tuluyan na nga siyang magpapakilala o pananatilihing lihim pa rin ang pagkatao niya…’ Naningkit ang mga mata ko sa napanood na balita sa telebisyon. Bahagya akong natawa. Iniisip talaga nila na isasapubliko ko ang pagkatao ko? Tch, silly. That will never happen. I’m enjoying my freedom. Mas madali ko ring nakikilala kung sino man ang mga nagbabalak na trumaydor sa akin sa larangan ng pagnenegosyo dahil wala sila
THIRD PERSON POV ‘Fly me to the moon Let me play among the stars Let me see what spring is like On a-Jupiter and Mars In other words: hold my hand In other words: baby, kiss me~’ “Uhhmm…” pag-ungol ni Mrs. Licaforte habang niroromansa siya ng kabit niya. Isinandal siya nito sa dingding saka siya nito pinasadahan ng halik sa leeg at balikat. Matapos tanggalin ng kabit ang damit niya pang-itaas ay kinarga siya nito patungo sa kama. Hindi mapaghiwalay ang labi ng dalawa na nilàsap nang husto ang isa't isa. Marahang binaba ng lalaki ang ginang sa kama saka niya ito pinatungàn. Naka-topless na lang ang kabit ni Mrs. Licaforte kaya malayang nahimàs ng ginang ang matipunong katawan ng lalaki. Malaki ang agwat ng edad nilang dalawa pero tila hindi nila ito alintana. Mrs. Licaforte enjoyed the pleasure. Isang sensasyong hindi naibibigay sa kanya ng kanyang asawa. Inilapit ng lalaki ang bibig niya sa tenga ng ginang. “I want all of you tonight,” bulong nito sa nang-aakit na boses. Hi
SAMARA POV Tatlong katok sa pinto ang nakaagaw ng atensyon namin nina Candice at Mandy. “Ms. Saldivar and Ms. Dela Rosa, handa na po ang decorations para sa pinahanda niyong dinner date sa rooftop,” saad ng isang nurse sa amin. Napasinghap si Candice. “Tapos niyo nang i-arrange lahat? Ang bilis niyo, ah. Bibigyan namin kayo ng bonus,” tumango-tango siya na mukhang satisfied talaga sa serbisyo nila. Ngumiti naman ang nurse. “Ay, ‘wag na po, Ma'am. Hindi naman po kami gaanong busy ngayon. Isa pa, first time pong mangyari ‘to rito sa ospital kaya nagboluntaryo rin ang iba na tumulong. Parang mas excited nga po kami, eh,” magiliw niyang sabi sa amin saka siya bumaling sa akin. “Congrats po, Ma'am. Best wishes,” bati niya. “Thanks,” pangiti kong tugon sa kanya. Bumaling sa akin si Mandy. “Ichi-check na muna namin sa taas, ah. Tsaka baka may maitulong din kami ro'n. Hintayin mo na lang ang message namin kung pwede ka nang umakyat,” saad niya sa ‘kin. Tumango ako bilang pagsang-ayon
SAMARA POV “Picture picture, smile,” sambit sa amin ni Candice saka niya clinick ang camera. Kasama namin ang mga nurses na tumulong mag-decorate sa rooftop. Kanina pa siya kumukuha ng pictures at ‘di na ata siya magsasawa. Si Mandy naman ay nag-ikot-ikot at kinunan ng video ang buong venue. Daglian niya kaming ini-interview. “What is love, Kuya?” tanong niya sa isang nurse. Napaisip naman ito. “Hmm, love? Love is blind,” kampante nitong sabi saka siya siniko no'ng isa pang nurse. “‘Wag ‘yan, p're. Bulag pa naman ‘yong pasyente. Palitan mo,” saway nito. “Ay, love is sweet na lang pala,” pagbawi no'ng nurse na tinanong ni Mandy. “‘Yon, apir!” puri ng isa pang nurse sa tabi nila. Natawa ako sa kakulitan nila. “OMG! OMG!” sabik na sabik na lumapit sa akin si Candice. Parang may nabasa siyang kung ano sa phone niya. “Tingnan mo, girl. Babalik na raw si Shadow Raven sa business industry. Anak pala siya no'ng batikang negosyante na si Rovelle Silvestre,” napapapitik ang daliri niy
SAMARA POV Akala ko ay hindi na ako magugulat kasi alam ko namang magpo-propose sa ‘kin si Marco—pero may inihanda pa pala siyang surpresa. Sinimulang patugtugin ng mga musikero ang kantang ‘Maybe This Time’ gamit ang violin. Nakita ko si Marco sa gitna ng stage na may hawak na mikropono at tila manghaharana. Agad akong natulala sa gwapo niyang mukha. Bumagay sa kanya ang suot na tuxedo na para siyang leading man sa isang Hollywood American movie. Walang babaeng hindi mahuhulog lalo sa angkin niyang kakisigan. “Two old friends meet again Wearin' older faces And talk about the places they've been,” paninimula niya saka umilaw ang fairy lights sa paligid. Naghiyawan ang mga nurses sa rooftop. Namula tuloy ang pisngi ko dahil sa kilig at pagkamangha kung paanong mas pinaganda ng nakikislapang ilaw ang venue. Napaka-romantic ng ambiance. “Two old sweethearts who fell apart Somewhere a long ago How are they to know Someday they'd meet again And have a need for more than re
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma
THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro
THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar
THIRD PERSON POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng
SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph
SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ
MARCO POV “Oh, Marco. Ba't parang nakakita ka ng multo?” kaswal na tanong ni Mandy sa akin pero halata mong may ibig sabihin. Tila nang-aasar ang mga mata niya. “Girl, bulag si Marco. Ni ‘di nga ata alam n'yan ang itsura ng multo,” natatawang bara ni Candice. Napailing na lang din si Ara sa mamimilosopo ng kaibigan. Nanatili akong nakatayo. Ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagtitig sa akin ni Mandy. Palihim—pero parang inuudyukan niya ako na sugurin siya. Kung walang mga tao sa paligid ay baka nagsalpukan na rin kami na gaya ng ginawa namin sa fire exit no'ng isang araw. Tumaas ang sulok ng labi nito na wari'y nagbabanta. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay hindi man lang siya kababakasan ng pagkailang o pangamba. Parang mas ginaganahan pa nga siya sa ideyang kilala ko na kung sino man ang babaeng nasa likod ng maskara. Ikinuyom ko ang palad ko. Ayokong magkagulo kaya pinigil ko ang sarili ko. Isa pa, kaibigan siya ni Ara. Walang ideya ang nobya ko na muntik na akong map
MARCO POV Kahit nasa dressing room ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na musika ng banda at hiyawan ng mga estudyante. Ngayon ang unang araw ng sportsfest dito sa Northford University. Ngayon din ang unang araw ko bilang mascot na unang beses kong masusubukan sa buong buhay ko. Medyo excited ako. ‘Sir, ano ba kasing ginagawa mo r'yan at kailangan pa talagang naka-off cam?’ tanong ni Jack sa kabilang linya. Kahit kasi nakalabas na ako sa ospital ay pursigido pa rin sila na bantayan ako na gaya ng bilin ni Mr. Sanchez. Napailing na lang ako dahil masyado nilang siniseryoso ang tungkulin nila. ‘Jack, ano ka ba. Nagbibihis si Sir. ‘Di ba, sportsfest nila ngayon? Privacy,’ saway ni Dos sa kanya. ‘Oh? Sportsfest? Anong sinalihan mo, Sir? Basketball? Soccer? Tennis?’ panghuhula ni Jack, bigla itong nanabik. ‘O baka golf? Kasi, ‘di ba? Pangyaman ‘yon? Pwede ring car racing. Bagay na bagay ‘yong mamahaling kotse sa nag-iisang Shadow Raven,’ buong pagmamalaking sambit ni Dos. ‘A
THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi