SAMARA POV Sabay-sabay kaming pumasok sa Northford University nina Candice at Mandy. 'Yon kasi ang napag-usapan namin. Klaro na rin sa aming tatlo na kahit pare-pareho kaming may gusto kay Marco ay hindi namin isasaalang-alang ang pagkakaibigan namin. “Tingnan niyo 'yong edits ko, oh, it's Marco and me,” pagyayabang sa amin ni Candice sa pictures sa phone niya na in-edit niya using AI. “Tapos may picture din kami na kasama si Lolly, happy family,” masigla niyang sabi. Family picture 'yon sa isang garden na ipinatong ang mukha nilang tatlo. Nababagot siyang tinitigan ni Mandy. “Korni mo talaga, Candice,” bara niya. “Bakit? Ikaw ba, wala? Patingin nga ng phone mo,” saad ni Candice sa kanya. Kinabahan si Mandy. “W-Wala, ‘no, tsaka lowbat ako,” dahilan niya. “Weh?” natatawang tugon ni Candice tapos may phone na tumunog. Kriiiing~ Alam naming alarm 'yon sa phone ni Mandy. “Ay shit!” agad siyang napamura. Kinuha naman ni Candice ang phone niya mula sa bulsa niya kaya nag-agawan at n
THIRD PERSON POV Nababagot na tinitigan ni Jei ang mga damit na hawak-hahak ni Monica. “Walang babagay sa 'yo r'yan,” puna niya rito. Prangka talaga siya. Napasalubong ang kilay ng dalaga sa sinabi niya. No'ng isang araw lang ay sinaktan siya ng lalaking ‘to. Ngayon naman ay nilalait ang mga damit niya. “Ano bang pakialam mo? Kahit magmukha akong clown, ako naman ang magsusuot,” padabog na binalik ni Monica sa malaki niyang maleta ang mga damit niya. Isasarado na sana niya 'yon pero hinawakan ni Jei ang kamay niya. “Teka lang,” nanunuksong ngumiti si Jei. Asset pa naman 'yon ng binata. Kapag nginitian ka niya ay hihimatayin kang talaga. Pinipigil ni Monica ang sarili niyang kiligin. Alam niyang ang Ate Ara niya ang gusto nito kaya ayaw na niyang paasahin ang sarili niya. Baka makisuyo na naman ito na gawin siyang tulay. “Hindi kami close ni Ate Ara, ok? H'wag ka nang mag-aksaya ng oras dahil wala kang mapapala sa ‘kin,” pagmamaldita ng dalaga. Tatayo na sana si Monica pero hin
THIRD PERSON POV Napakapit si Mr. Licaforte sa mesa dahil kamuntikan na siyang matumba nang biglang sumikip ang dibdib niya. His heart condition is getting worse every day. Hindi na rin siya sigurado kung hanggang kailan na lang tatagal ang buhay niya. “Are you alright, Sir? Ang sabi ng doktor sa inyo ay magpahinga na muna kayo. Lumalala na po kasi ang kalagayan ng puso niyo,” nag-aalalang sabi ng abogado niyang si Atty. Santivañez na inalalayan siyang makatayo nang maayos. Mabigat na huminga si Mr. Licaforte. “Don't think of this too much, Attorney. Nananakit lang minsan ang dibdib ko pero kaya ko pa naman. 'Yong pinabili ko sayong mga damit? Nand'yan na ba?” tanong niya sa abogado na ang tinutukoy ay ang mga pinabili niyang summer beach polo at T-shirt. Plano niya 'yong suotin sa bakasyon nila ng anak niyang si Samara sa Balesin. Makukulay ang mga ito na taliwas sa nakasanayan niyang kulay na itim o puti na madalas niyang suotin. Pormal ang mga polo shirt niya at long sleeves. Hi
SAMARA POV “Good morning, Manang,” pangiting bati ko nang madatnan ko si Manang Letty na gumagawa ng fruit cake sa kusina. Nakapantulog pa ako kasi alas kwarto pa lang ng umaga. “Oh, good morning, hija,” nakangiti ring tugon ni Manang Letty sa akin, “ang aga mo atang nagising?” dagdag niya. “Good mood kasi ako, eh,” kumikislap ang mga mata kong sabi habang nag-iinat. Kumuha ako ng muffin sa mesa at kinagat 'yon. Mukhang bagong luto. Agad akong natigilan dahil sa sarap at lambot no'n na lasang-lasa mo talaga ang flavor nitong ube at ang nakapaibabaw ritong keso. “The best ka talaga, Manang,” puri ko sa kanya. Humagikgik siya. Iginala ko ang paningin ko sa paligid habang patuloy na kumakain. Napansin ko agad ang mga katulong namin na nanonood ng K-Drama habang nagpupunas, nagpapagpag at nagliligpit ng mga gamit. Pinapanood nila ang sikat na K-Drama na ‘Flight Eleven.’ Hango ito sa trahedyang nangyari sa America noong September 11, 2001 na kilala rin bilang ‘9/11 Attacks.’ It's an i
SAMARA POV Nakangiti akong nagmaneho papasok ng Northford University. Napatingin ako sa dalawang bento box na nakalagay sa car seat ko. Isang maliit na bento box 'yon para sa akin at isang malaking bento box para kina Marco at Lolly. Tinulungan akong gumawa ng Bibimbap ni Manang Letty kaya sigurado akong mas masarap 'yong gawa ko kaysa sa binigay ni Mandy. Napailing ako at natawa. ‘Hay, I'm always winning talaga.’ Matapos mag-park ay bumaba ako ng kotse ko. Sabik na sabik kong dinala ang dalawang bento box habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada ng Northford University. Pakanta-kanta pa ako habang ini-enjoy ang sariwang hangin na dulot ng nagtatayugang puno sa tabi ng daan. Natanaw ko si Marco na mag-isa at abala sa worksheets namin habang nakaupo sa mini-park. Agad na kumislap ang mga mata ko at kumurba ang ngiti sa labi ko. Kinikiliti na naman kasi 'yong puso ko. Lalapitan ko na sana siya nang mapansin ko ang dalawang lovers na nakasilong sa punong acacia. Sweet na sweet
SAMARA POV Matapos naming makapagpasa ni Marco ng worksheets kay Sir Faredes ay naisip naming dalawa na maglakad-lakad na muna sa garden ng Northford University. Kakabago pa lang nitong landian phase namin ay parang ayaw na naming maghiwalay. Magkahawak kamay kaming naglalakad. “Hey, ang ganda ng mga bulaklak, oh. Alam mo paborito ko ang carnation flowers,” masiglang pagbabahagi ko sa kanya. Nagtaka siya. “Bakit naman?” “Hmm,” napaisip ako. “Kasi it's symbolizes mother's love. Paborito siya ng mommy ko, eh.” Pumitas ako ng bulaklak at inamoy ito bago ako nagpatuloy sa paglalakad kasabay ni Marco. Bumaling ako sa kanya. “Alam mo ba? Carnation dapat ang pangalan ko, pero sabi ni daddy baka mapagkamalan daw akong condensed milk, kaya ayon, Samara na lang. Hango 'yon sa pangalan ng paborito niyang artista na si Ara Mina,” confident kong sabi sa kanya. “Ara Mina?” napakunot ang noo niya. “'Di ba, sexy star 'yon?” natatawa pero naiilang niyang sabi. Napailing ako. Kahit pala bulag si
SAMARA POV Nakita kong nagtatakbuhan na ang mga estudyante palabas ng Northford University. Nagtutumbahan na rin ang mga poste. “Ano bang meron kasi?” curious ko na talagang tanong. “Hayaan mo lang 'yan,” nanghihina nang sabi ni Marco dahil sa lakas niyang bumayo. Medyo mahapdi na rin ang pagkababae ko, pero sige lang, push pa! Biglang tumigil si Marco at hingal na hingal na humiga na lang sa likuran ko. Naghahalo na ang pawis naming dalawa. “Hoy, Marco? Namatay ka na r'yan?” pangangamusta ko sa kanya pero ‘di siya umimik. Kinapa ko na lang ang phone ko na kanina pa pala may tumatawag. Pagka-check ko, si Candice pala. “Hello, girl?” sagot ko sa tawag niya sa ganoong posisyon pa rin namin ni Marco. ‘Agshsjaksnksksks,’ sagot ni Candice sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko. “Ano?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Tiningnan ko ang phone ko kasi baka sira lang ang signal pero okay naman. “Candice?” muling sambit ko sa pangalan niya. ‘Fsjahsjdksmsmkdskkks,’ pero gano'n pa rin
THIRD PERSON POV Suot ang isang magarang slit dress na yumayakap sa slim niyang katawan at mamahaling alahas. Tila ba isang dyamanteng kumikinang ang babaeng mataray at sopistikada na glamorosang naglalakad sa espaltadong kalsada na tinatahak ang mansyon ng pamilya Silvestre. Malapad ang suot niyang floppy hat kaya ‘di mo maaaninag agad ang mukha niya. Tanging ang labi niyang pulang-pula ang matatanaw mo kapag tinitigan mo siya nang malayuan. Nang makarating siya sa tapat ng mansyon ng pamilya Silvestre ay tumingala siya para pagmasdan ang pamamahay na kay tagal niyang iniwan. Sa eksenang 'yon ay nalantad ang kaakit-akit niyang mukha. She's Gracelyn Silvestre, na kilala rin bilang ‘Miss Grace.’ Isa siyang bigating international supermodel na napangasawa ng batikang negosyante na si Rovelle Silvestre. May mga sabi-sabing pera lang ang habol niya sa asawa. Makailang beses na siyang na-issue ng pangangaliwa pero patuloy pa rin silang nakatali sa pagsasamahan nila ni Rovelle Silv
MARCO POV“Ito na ang pinabili niyong Korean food, Sir Mar—”Mariin kong tinitigan si Dos na may halong pagbabanta. Mukhang madudulas pa ata. “I-I mean… Marco, haha, bro,” paglilihis niya at ngumisi sa akin. Mabuti naman at nakuha niya agad.Tumikhim siya at umupo para sumalo sa mesa. Si Jack naman ay inayos ang paper plates at kubyertos.Matamis na ngumiti si Ara at nilabas ang wallet. Maglalabas sana siya ng pera pero hindi niya napansing magkasabay pala sila ni Jill. “Ako na ang magbaba—” Natigilan ang dalawa at napasipat sa isa't isa. Sa pagkakasabay nilang magsalita ay parang may kuryenteng dumaloy sa pagitan nila.Lihim na natawa sina Dos at Jack sa nagbabadyang pagkokompetens’ya. Parang gusto pa nga nila akong tuksuhin ng, ‘Ang gwapo mo naman, Sir Marius, ikaw na.’Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nilang dalawa. “Ako na, binigyan naman ako ng paunang bayad ni Sir kanina,” nakangiti kong saad para ‘di na sila mag-alitan pa. Kumalma sila. Mabuti naman.Tahimik kaming kuma
THIRD PERSON POVNais kaltukan ni Marco ang sarili. Oo, sinabihan niyang pakakasalan niya si Jill pero mga bata pa sila no'n. Akala niya ay nabaon na sa limot ang mga katagang ‘yon at klaro na sa dalaga na hanggang magkaibigan lang sila.Pamartsang lumapit si Samara sa kanila. Mabibigat ang paghakbang. Hindi naman umawat at sumunod lang ang dalawang kaibigan.Napalunok si Marco. Ano ba ang dapat niyang gawin? Para sa kanya ay mas nakakatakot pa ang hagupit ng galit ng fiancée niya kaysa sa talim ng sampung katana.“Bee? Gusto mo beeg-wasan kita?” sarkastikong dugtong ng dalaga sa tawagan ng dalawa. Nakadilat pa ang dalawang mga mata. Nanggigigil itong i-landing ang palad sa mukha ng babaeng humalik sa lalaking pakakasalan niya.“Excuse me? Sino ka?” Kahit mahinhin ay bakas sa boses ng huli ang pagiging palaban. Sa paniniwala niya ay kanya si Marco at hindi siya welcome sa ideya na may aagaw rito.Napansin ni Samara ang katana sa likuran ni Jill at ang suot niyang itim. Doon rumehistro
THIRD PERSON POVAlistong sinundan ng mga mata ng binata ang direksyong pinuntahan ng taong ‘yon. Saka niya ito nakita sa itaas ng puno. Kumislap ang hawak nitong katana. Sa kuro-kuro niya ay isang ninja.Ilang beses pang nagpalipat-lipat ng posisyon ang taong ‘yon na parang pinag-aaralan ang lokasyon nila. Napabaling na rin ang tatlo sa pagkilos ng mga sanga sa ibabaw ng puno. Nakaramdam sila kaba at napatayo.“A-Ano ‘yon?” nauutal na tanong ni Jack dahil bahagyang nakadama ng takot. Nakatingalang sinuyod ng tingin ang paligid. Sina Dos at Vien ay hindi rin mapakali.Mariin lang na nagmasid si Marco. Pamilyar sa kanya ang kilos ng taong nakaitim pero nais niya munang makasiguro.“Labas!” mariing utos ng binata na tila nagbabanta.Bahagyang tumahimik ang paligid. Tanging mga ibon lang ang maririnig. Tila huminto ang oras sa pagpipigil nila ng paghinga. Tinatansya ang kasunod na mangyayari ano mang oras.Mabilis na napalingon si Marco sa bandang kanan nang may kumilos roon. Isang papar
THIRD PERSON POV Nakasuot ang tatlo ng school ID ng Northford University. Napangiti na lang sabay iling si Marco nang maalala ang pinagbilin ni Mr. Sanchez sa mga ito na bantayan siya. Parang batang paslit pa rin ang turing ng ginoo sa kanya. “Hala, bumibilis ang pagtaas-baba ng mga linya rito sa tracker. Ibig sabihin, nasa malapit lang si Sir Marius!” manghang sabi ni Vien sa dalawang kasama. May hawak itong gadget na nakakonekta sa satellite para madaling ma-locate ang kinaroroonan ng binata. Isa ito sa bagong teknolohiya na dini-develop ang mga Veilers. Mabilis na sumilip sina Dos at Jack sa hawak ng dalaga at nilibot ang paningin sa paligid. Lihim na natawa si Marco dahil wala silang kamalay-malay na kay lapit lang ng distansya nila. Tinanggal niya ang suot na relo na iniregalo ni Mr. Sanchez. Sa ospital pa lang ay malakas na ang kutob niya na may kasama itong locator. Binalot niya ‘yon ng makapal na aluminum foil at isinilid sa isang Faraday bag bago ito inilagay sa loob ng
SAMARA POVNapakunot ang noo ko at ibinaba ang phone para suriin ang taong nakaitim. Kinalabit ko si Candice. “Kasali ba sa show ang isang ‘yan?” tanong ko sa kanya.“Saan?” pagdungaw niya pero humalo na sa audience area ang taong ‘yon kaya hindi niya nakita.“‘Yong nakasuot ng nin—”“Samara, Candice, nandito lang pala kayo. Nagtawag ng practice si Sir para sa performance natin mamaya. Biglang kinabahan kasi mukhang magagaling daw ang kalaban,” natatawang saad ni Adelle sabay irap. Isa siya sa kasamahan namin sa cheerleading squad. Sinapo niya ang noo at mukhang kanina pa kami hinahanap.“As in, now na? Nanonood pa kami, oh,” maarteng tugon ni Candice. Mukhang nabibitin pa sa dance showdown.Mabigat na nagbuntong-hininga si Adelle. “Yes, now na, urgent,” pagdidiin nito sa huling salita. “Tara na, tara na, baka umusok na naman ang ilong ni Sir,” pag-aapura niya sa amin ni Candice. Nagliwanag naman ang mukha niya nang mapansin na kasama namin si Mandy. “Hey, girl! ‘Di ba nasa Photograph
SAMARA POV‘Oh, that's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huhThat's the way, uh-huh, uh-huhI like it, uh-huh, uh-huh’Napuno ng matitingkad na kulay ng banners, light sticks at flaglets ang kabuuan ng open field. Nagkanya-kanyang hiwayan at indakan ang mga estudyante mula sa anim na naglalakihang universities sa opisyal na pagbubukas ng pagtatagisan ng mga kalahok sa iba't ibang larangan ng sports at events. "Welcome, everyone, to the grand opening of this year's Inter-University Sportsfest! Palakpakan naman d'yan!” anunsyo ng emcee na siyang mas nagpaingay sa paligid. “Dito ba banda ang taga-Northford University? Kaway-kaway!” pang-eengganyo nito sa amin. Syempre, hindi kami nagpatalo. Kami kaya ang champion last year. Kinalampag namin ang buong open field.“Dito naman tayo sa Saint Therese University, gusto ko mas maingay!” pagtawag niya sa kabilang side na nagpahiyaw rin sa mga ito. Kasunod niyang tinawag ang Harrison University, Golden East University, Valoria Univ
MARCO POV “Oh, Marco. Ba't parang nakakita ka ng multo?” kaswal na tanong ni Mandy sa akin pero halata mong may ibig sabihin. Tila nang-aasar ang mga mata niya. “Girl, bulag si Marco. Ni ‘di nga ata alam n'yan ang itsura ng multo,” natatawang bara ni Candice. Napailing na lang din si Ara sa mamimilosopo ng kaibigan. Nanatili akong nakatayo. Ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pagtitig sa akin ni Mandy. Palihim—pero parang inuudyukan niya ako na sugurin siya. Kung walang mga tao sa paligid ay baka nagsalpukan na rin kami na gaya ng ginawa namin sa fire exit no'ng isang araw. Tumaas ang sulok ng labi nito na wari'y nagbabanta. Sa kabila ng ginawa niya sa akin ay hindi man lang siya kababakasan ng pagkailang o pangamba. Parang mas ginaganahan pa nga siya sa ideyang kilala ko na kung sino man ang babaeng nasa likod ng maskara. Ikinuyom ko ang palad ko. Ayokong magkagulo kaya pinigil ko ang sarili ko. Isa pa, kaibigan siya ni Ara. Walang ideya ang nobya ko na muntik na akong map
MARCO POV Kahit nasa dressing room ay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na musika ng banda at hiyawan ng mga estudyante. Ngayon ang unang araw ng sportsfest dito sa Northford University. Ngayon din ang unang araw ko bilang mascot na unang beses kong masusubukan sa buong buhay ko. Medyo excited ako. ‘Sir, ano ba kasing ginagawa mo r'yan at kailangan pa talagang naka-off cam?’ tanong ni Jack sa kabilang linya. Kahit kasi nakalabas na ako sa ospital ay pursigido pa rin sila na bantayan ako na gaya ng bilin ni Mr. Sanchez. Napailing na lang ako dahil masyado nilang siniseryoso ang tungkulin nila. ‘Jack, ano ka ba. Nagbibihis si Sir. ‘Di ba, sportsfest nila ngayon? Privacy,’ saway ni Dos sa kanya. ‘Oh? Sportsfest? Anong sinalihan mo, Sir? Basketball? Soccer? Tennis?’ panghuhula ni Jack, bigla itong nanabik. ‘O baka golf? Kasi, ‘di ba? Pangyaman ‘yon? Pwede ring car racing. Bagay na bagay ‘yong mamahaling kotse sa nag-iisang Shadow Raven,’ buong pagmamalaking sambit ni Dos. ‘A
THIRD PERSON POV Nakakunot ang noo ni Jill habang tinitipa ang telepono niya. She's been dialing Marius’ number consecutively. At ni isa, ay hindi man lang sinagot ng binata. “He's so rude,” nakanguso niyang sabi at inilagay na lang sa bag niya ang telepono saka niya iginala ang paningin sa paligid. Napatitig sa kanya ang iilang bisita na tila ba namamangha sa presensya niya. Her full name is Mary Jill Costova. Nag-iisang tagapagmana ng tanyag na angkan ng mga Costova na nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking kompanya ng mga alahas sa buong Asia at America. Nakasuot siya ng mamahaling pink dress na pinapalamutian ng mga lehitimong dyamante. Sa fashion pa lang niya at postura ay agad mo nang kababakasan ng pagiging anak mayaman. “Oh, Jill, hija. Kanina ka pa?” bati sa kanya ni Ms. Grace na siyang nag-held ng party para sa kaarawan ni Marius. Nagbeso-beso ang dalawa. Parang anak na ang turing nito sa kanya. “Kararating ko lang, Tita. Hindi lang ako nakalapit sa ‘yo agad kasi