Share

Kabanata 0006

Author: MysterRyght
last update Last Updated: 2024-06-03 19:59:38

Sarina

Hala, ano itong nararamdaman ko? Ganito ba talaga ang pakiramdam?Hindi naman ako inosente at nakaranas na rin akong maging intimate sa dati kong nobyo hindi nga lang all the way, pero iba ang pakiramdam na ibinibigay sa akin ng kamay ni Maximus. “You were saying, love?” ang tanong niya. Nakapikit na ako dahil sa sensasyong dulot ng [aglalaro ng mga daliri niya pero mabilis kong naidilat ang aking mga mata ng marinig ko ang boses niya.

“Ohh.. ang sarap ng donut ni Manang Lisa.” ang sabi ko na siguradong pulang pula ang mga pisngi ko. Pasalamat na lang ako at hindi niya ako nakikita.

“Yung donut talaga ang masarap?” ang tanong niyang nanunukso habang nakangising nakatingin sa akin. Shit talaga, bakit parang nakikita niya ako kung makangisi siya? Kung hindi ko lang alam sa simula pa lang na bulag ito at pilay ay iisipin kong niloloko lamang ako nito. Kaya lang ay sa mansyon pa lang ay alam na ng mga katulong ang nangyari dito.

“Oo, tikman mo pa oh.” ang sagot ko sabay subo sa kanya ng donut. Pinilit ko talagang isalpak sa bunganga niya dahil nakakaloko na talaga ang pagkakangisi niya.

“L-love n-naman–” ang nabibilaukan pa niyang sabi kasabay ng pagbawi niya sa kamay niyang nawalan na siguro ng ganang maglaro sa mga u***g ko. Kumuha naman ako ng juice dahil baka mategi ito eh konsensya ko pa.

“Oh, inom.” tapos ay itinapat ko sa bibig niya ang baso na mabilis naman niyang tinungga.

“Balak mo ba akong patayin, love?” ang tanong niyang nakakunot ang noo. Tapos ay nakita kong umangat ang kanyang kamay at huli na para makalayo ako sa kanya dahil nahapit na naman niya ako. “Hindi ko nga kinukuha agad ang binayaran ko tapos ganyan ka pa. Don’t tell me wala kang balak na tuparin ang kontrata natin?” ang tanong niya. Nakakainis lang dahil ang lapit lapit ng mukha niya tapos ay inaamoy amoy pa niya ako na naging dahilan para maging conscious ako sa sarili ko.

“H-hindi n-naman k-kita pinagbabawalan ah. Desisyon mo yan, hindi sa akin.” ang sabi ko at nakita ko ng muli ang pagngisi niya. Mukha talaga siyang manyakis kapag ganyan ang asta niya. Pero bakit ganun? Hindi rin siya mukhang nakakadiri at nakakatakot, bagkus ay nakakabasa pa ng panty?

“Sa ngayon, I will only endulge myself with touching you. Gusto kong maangkin ka ng nakikita ko kung gaano ka nasasarapan sa ginagawa ko.”

“K-kung ganon ay kumain ka muna.” sabi ko sabay subo ulit ng donut na kinagat naman niya. Sheesh.. Para na niya akong n*******n dahil sa pagkagat niya sa kinakain ko.

Lumipas pa ang mga araw at nagsimula na rin ang therapy ni Maximus. Nakikita ko kung gaano siya kadesididong makalakad kaya naman masaya ako para sa kanya. At kagaya ng sinabi niya ay nakuntento muna siya sa pasalat salat at pahalik halik. Gwapo naman ito at mabango ang hininga kaya naman tinutugon ko na rin. Isa pa nasa contract namin iyon.

Oo nga at hindi ko siya mahal, pero aminin ko man o hindi ay nasasrapan naman ako sa ginagawa niya. Napaisip tuloy ako kung ganito ba ang pakiramdam ng mga babaeng nagbebenmta ng aliw. Ang pagkakaiba lang kasi namin ay iisang lalaki lang ang nakaka tikim ng alindog ko. Shit, maka alindog wagas eh kagaya nga ng sabi ng manyakol na si Maximus ay flatchested ako.

Nasa hospital kami galing sa check up niya sa eye doctor niya at para na rin mai-schedule na ang kanyang operasyon. Iba talaga kapag mayaman, nagagawa agad agad ang gusto. Pagkatapos ng pag-uusap nila ng doctor niya ay nagpunta naman kami sa therapist niya.

Hindi ko kilala ang therapist, bago siguro. Nung nagtatrabaho kasi ako sa hospital na to ay wala pa siya. Hinayaan ko na lang at pinanood ko na lang ang ginagawa nila. Madalas ko silang makitang nagbubulungan, hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila kaya sa palagay ko nagbubulungan sila. Hindi ako maka marites eh.

“Max, aalis muna ako.” ang paalam ko na ikinalingon nila pareho.

“Where are you going?” ang tanong ng asawa kong mukhang ayaw pumayag.

“Bibili lang ng makakain. Anong gusto mo?” tinanong ko na para naman hindi niya maisip na napaka selfish ko.

“Okay, I’ll have coffee.” ang sagot naman niya tapos ay iniwan ko na sila. Medyo magtatagal pa sila kaya naman kailangan ko ring mag meryenda. Light snack lang dahil gusto ni Maximus na kumain ng marami kapag dinner time.

Papunta na ako ng elevator ng makasalubong ko ang babaeng nakasalubong namin noong unang magpunta kami dito. At kagaya noong una ay nakatingin din siya sa akin na ikinakunot ng aking noo kasi parang ang sama ng tingin niya sa akin. Why? Anong nagawa ko? Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa kakabukas pa lang na elevator habang nakita kong nagpatuloy naman sa paglakad ang babae. Sino kaya ang pinupuntahan niya dito?

Dahil coffee ang gusto ni Maximus ay sa coffee shop nalang ako nagpunta. Doon na lang din ako namili ng gusto kong kainin kaysa naman maghanap pa ako ng iba. Nang matapos kong matanggap ang aking in-order na inabot ng siyam siyam dahil sa haba ng pila ay mabilis ko ng binalikan ang aking contracted husband.

Pagpasok na pagpasok ko ang therapy room ay kitang kita ko ang paghahalikan ng babaeng nakasalubong ko kanina at ng walang hiyang Maximus kaya naman hindi ko napansin na nabitawan ko ang mga dala ko na nag paigtad sa dalawa.

“Love, did someone come in?” ang tanong ng manyak.

“Sinong love ang tinatawag mo, ako o yang kahalikan mo?” ang tanong ko na kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay tumimbuwang na ito.

“Love, kakadating mo lang?” ang takang tanong niya. “Sino ang kasama ko dito?” Sa inis ko ay lumapit ako sa babae at sinampal iyon. Yung masakit para hindi niya makalimutan. Bakit ko ginawa iyon? Hindi ko rin alam. Siguro ay dahil mapagsamantala siya.

“How dare you!” ang galit na sigaw ng babae.

“Wait, Midori, is that you?” ang tanong ulit ni Maximus. At kilala niya ang boses ng babae?

“Yes, it’s me, babe.” ang malambing na sabi pa ng babaeng sakang. Yes, babaeng sakang dahil ngayon ko lang napansin na mukha itong haponesa. “You still remember my voice. I knew you still think of me.” ang dagdag pa nito sabay lapit ulit kay Maximus pero mabilis akong humarang.

“No matter how much he thinks of you, I don’t care,” ang matapang kong sabi sa kanya. “Sa ngayon hanggang pantasya na lang siya sayo dahil asawa ko na siya.” dagdag ko pa.

“What!” ang gulat na tanong ng babaeng sakang. Hangga’t asawa ko si Maximus ay hindi ako papayag na may ibang babaeng aali aligid sa kanya. Hindi ako tanga para magpaka martir. May respeto ako sa sarili ko kaya hindi uubra sa akin ang mga kabit!
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Melody Romano
super nakaka excite
goodnovel comment avatar
Joselina Beng Magcalas Navarro
how to go to next chapter
goodnovel comment avatar
Joselina Beng Magcalas Navarro
ang sayo sayo kaya dapat ipag laban...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Contract and Marriage   Kabanata 0007

    SarinaAng damuho! Heto ako sa isang bakanteng table sa coffeeshop na pinagbilhan ko ng kape ng manyakol na si Maximus at pinapanood siya at ang babaeng sakang na Midori ang pangalan habang nag-uusap. Nakikita kong manaka naka ang naging pagpahid nito ng kanyang mata na akala mo may luha na invisibl

    Last Updated : 2024-06-04
  • Contract and Marriage   Kabanata 0008

    MATURE CONTENT!!Sarina“Subukan mo Sarina na iwan ako ulit, malalaman mo ang hinahanap mo,” galit na sabi ni Maximus pero hindi ko naman siya pinansin at sige lang ang pag scroll ko sa aking cellphone. “Nakikinig ka ba?” tanong niya pero ganun pa rin, wapakels ako. Bakit ko naman iintindihin ang is

    Last Updated : 2024-06-05
  • Contract and Marriage   Kabanata 0009

    Sarina“Love, I need to go to the office,” sabi ni Maximus. Monday morning at kasalukuyan kaming nagbe-breakfast. Ako ang naghanda dahil wala si Manang Lisa, may importante daw itong kailangang attend-an para sa anak niya. Okay lang naman dahil marunong naman ako sa gawaing bahay.“Okay,” ang maikli

    Last Updated : 2024-06-06
  • Contract and Marriage   Kabanata 0010

    Sarina“Grandma,” ang bati ni Maximus. Nasa condo kami at kakarating lang ng kanyang lola. Ilang na ilang ako at hindi ko malaman ang gagawin dahil nakatingin ito sa akin at sa kamay kong hawak hawak ng apo niya. “Good morning po,” Syempre ay bumati na rin ako, baka sabihin ay wala akong galang. Tu

    Last Updated : 2024-06-07
  • Contract and Marriage   Kabanata 0011

    Sarina“Congratulations Mr. Lardizabal!” sabi ng therapist niya dahil finally, pwede na siyang maglakad ng normal. Masaya ako para kay Maximus dahil talaga namang mahirap ang nakaupo lang sa wheelchair tapos ay hindi pa magawa ang mga bagay na gustong gawin. Hindi na rin ako makapaghintay sa nalalap

    Last Updated : 2024-06-08
  • Contract and Marriage   Kabanata 0012

    SarinaPumunta na ako sa room ni Maximus pagkatapos naming mag-usap ni Jason at wala na ang dalawang bruha doon. Saan kaya sila na nagpunta. “Tapos ka na?” ang tanong ko sa asawa ko na nakaupo sa wheelchair niya habang hawak ang kanyang cellphone na mukhang may hinihintay at galit? Bakit? Kanino? Hu

    Last Updated : 2024-06-09
  • Contract and Marriage   Kabanata 0013

    WARNING!! MATURE CONTENT!!SarinaIniangat niya ang suot kong damit at dahil parang nagmamadali ito ay inangat ko na rin ang aking mga kamay upang tuluyan na niyang mahubad iyon kasunod ang pagdakma niya sa aking maliit na dibdib na nagpaungol sa akin dahil sa paglalaro ng daliri niya sa aking munti

    Last Updated : 2024-06-10
  • Contract and Marriage   Kabanata 0014

    SarinaMatapos ang unang pagsasanib ng aming katawan ay naging possessive na si Maximus. Lagi na lang niya akong tinatawag at gusto na nasa tabi niya ako. Ang nakakainis nga lang ay present pa rin ang lola niya kasama ang babaeng sakang na si Midori na kung minsan ay talagang sinasadya pang mag stay

    Last Updated : 2024-06-11

Latest chapter

  • Contract and Marriage   Kabanata 0439

    “Bakit ho?” tanong ko.“Ako si Ramiro Antonio, ang dati niyang amo.” Sa sinabi niya ay namilog ang aking mga mata. Hindi ko akalain na makakaharap ko ang lalaking ito. “Base on your expression, may palagay akong kilala mo na kung sino ako.”May katagalan pa akong nanatiling nakatingin sa kanya bago

  • Contract and Marriage   Kabanata 0438

    NinaNasa silid ako at inip na inip na kaya naman nagdesisyon akong lumabas ng silid. Pwede naman na dahil hindi naman ako magkikikilos ng husto. Sa may bandang taniman ko ako pumwesto dahil may klase si Riz sa lanai. Hindi naman mainit at may simoy pa rin ng hangin kaya okay lang.Gusto ni Chase na

  • Contract and Marriage   Kabanata 0437

    Chase“Hi, Daddy!!” masiglang bati ng aking anak na sumalubong sa akin kaya naman ibinuka ko ang aking mga kamay para makarga ko agad siya.“Kamusta ang sweetheart ko?” tanong ko.“Mabuti po, binabantayan ko rin po si Mama!” nagmamalaking tugon niya. Ang maganda lang sa batang ito ay napakadali niya

  • Contract and Marriage   Kabanata 0436

    Chase“Paanong naging ang Sising na ‘yon ang may pakana ng lahat?” tanong ko. “Last time na magkausap kami ni Lakeisha ay mukhang wala naman siyang balak na kahit na ano.”“Are you sure?” naninigurong tanong ni Channing. Tumango ako sa kanya at sinabi ko sa kanila kung bakit ayaw kong maniwala na m

  • Contract and Marriage   Kabanata 0435

    ChaseIsang linggo pa ang lumipas at tuluyan ng pinauwi ng doktor si Nina pero kailangan pa rin niya ang complete bed rest dahil nga sa natamo niyang pinsala. Medyo nalagay sa alanganin ang buhay ni Kapatid kaya kahit siya ay hindi na rin tumanggi“Pumasok ka na, love. Pahinga lang talaga ako at hin

  • Contract and Marriage   Kabanata 0434

    ChaseLooking forward ako sa result ng imbestigasyon nila Channing. Sana nga lang ay matagpuan na ang sino man na nasa likod nang panggigipit sa aming mag-asawa ng lalaking iyon kung meron man. Hindi pa muna umalis si Channing at sinamahan ako na maghintay na matapos ang pag-uusap nila Red at Nina

  • Contract and Marriage   Kabanata 0433

    Nina Umalis si Chase at iniwan kami. Pagtingin ko sa may pintuan ay napansin kong nandoon nga lang siya kaya nakahinga ako ng maluwag bago nagbaling ng tingin sa lalaking mataman ng nakatingin sa akin ngayon. “Red,” sabi ko. “Nina,” tugon din naman niya. “Kamusta ka na?” “Okay naman, medyo hindi

  • Contract and Marriage   Kabanata 0432

    Chase Nagising ako na masakit ang aking leeg. Nakayungyong ako magdamag sa kama ni Nina at hindi ko na nagawang lumipat sa sofa. Hindi ko rin naman kasi maatim na bitawan ang kanyang kamay kaya hindi na talaga ako umalis sa tabi niya. Isa pa, pumapasok din ang nurse at chinecheck siya kaya mas gust

  • Contract and Marriage   Kabanata 0431

    Chase Bakit ba napakaraming tao ang kasiyahan ng makita ang kapwa nila na nahihirapan? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang sila sa kung anuman ang meron ang iba? Bakit ba napakabilis nilang mainggit sa isang taong bago nakaranas ng kaligayahan ay sandamakmak namang hirap at pasakit ang pinagdaa

DMCA.com Protection Status