Elara PovKanina pa ako medyo nabo-bored sa party. Nakaupo lamang ako sa upuan at tahimik na umiinom ng cocktail drink. Pasalamat ako na hanggang ngayon ay hindi naman nati-trigger ang aking phobia. Ngayon ko napatunayan na talagang nati-trigger lamang ito kapag sa akin nakapokus ang atensiyon ng lahat. Ngunit kapag ganito na halos walang pumapansin sa akin ay normal lamang ang nararamdaman ko.Kanina ay mga mga lalaki na nagnanais akong isayaw ngunit lahat sila ay magalang kong tinanggihan. Wala ako sa mood na makipagsayaw sa kahit na kanino. Meron ding mga lumapit sa akin at kinausap ako ngunit nang maramdaman nila na hindi ako interesado na makipag-usap sa kanila ay agad na silang nagpaalam sa akin. Gusto ko nang ayain si Sam na ihatid na ako pauwi ngunit nahihiya akong magsabi sa kanya. Nakikita ko kasi na nag-eenjoy siyang kausap ang mga kakilala at kaibigan niya. Madalas ay nilalapitan niya ako para tanungin kung okay lang ako na sinasagot ko lamang ng tango. Ang sabi nga pala
Elara Pov Balak ko sanang palampasin ang ginawa sa akin ni Hannah sa party ngunit nang marinig ko sa kanyang bibig mismo na siya ang nagpadala ng dalawang reporter na iyon para ipahiya ako ay agd na kumulo ang dugo ko. Lalo na at nagtawanan pa ang dalawa na tila siyang-siya sa nangyari. Hindi nila alam na labis akong naapektuhan sa ginawang iyon ni Hannah. Hindi ko alam kung may alam ba si Hannah sa tungkol sa aking social phobia kaya niya iyon ginawa ngunit hindi ko ito mapapalampas. Nang malapit na sila sa likuran ko ay lumingon ako sa kanila. Huling-huli ko ang pagkagulat sa mukha ng dalawa nang makita ako. Mukhang hindi nila ako nakilala dahil nakatalikod ako kaya walang preno ang bibig nila sa pagsasalita ng kung ano-ano laban sa akin. "Ikaw pala ang nasa likuran ng dalawang reporter na iyon, Hannah. Ano ba ang ginawa ko sa'yo at tila malaki ang galit mo sa akin? Wala ka bang magawa sa buhay mo kaya nang-aabala ka sa buhay ng ibang tao?" mariin ang boses na tanong ko sa kan
Elar Pov Galit na galit si Liam nang malaman ang nangyari paglabas ko ng hotel. Gusto nitong sugurin sa bahay si Alexander ngunit mabilis ko itong napigilan. Baka mas lalong lumala ang nangyari kapag hinayaan ko ang kaibigan ko na sugurin sa bahay nito ang lalaki. Akala ko ay nakauwi na siy sa bahay niya ngunit pagpasok ko sa loob ng bahay ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sala at nanunuod ng television habang naghihintay sa akin. Tinamad daw kasi siyang umuwi kaya hinintay na lamang ang pagbalik ko. Agad siyang nagtanong kung ano ang nangyari sa party. Wala sana akong balak na ipaalam sa kanya ang nangyari ngunit siguradong mapapansin niya ang galos sa braso ko kaya no choice ako kundi ipagtapat na lamang sa kanya ang lahat. "Kung nandoon lamang ako ay tiyak sinabunutan ko na ang babaeng iyon na nanulak sa'yo. At baka nasuntok ko rin si Alexander. Kahit bakla ako ay baka naging lalaki ako maipagtanggol lamang kita." Na-touch naman ako sa huling sinabi ni Liam. Hinawakan k
Elara PovPag-uwi ko sa bahay ni Alexander ay iniwasan ko siya. Kahit na minsan ay parang tinatangka niya akong kausapin ay agad akong umaalis. Kapag nasa bahay siya ay umaalis ako kagaya ngayon. Mukhang wala siyang balak na umalis ng bahay kaya nagpasya akong ako na lang ang aalis. Naisipan kong dalawin ang aking mother-in-law at kamustahin. Kahit naman may hiniling siyang kapalit sa pagtulong sa pamilya ko ay hindi pa rin maikakaila na kung hindi dahil sa pera niya ay baka wala na ngayon ang aking ama. And speaking of my father, matagumpay ang naging operasyon niya sa puso at kasalukuyang nagpapagaling na lang sa hotel na tinutuluyan nila sa ibang bansa. Next month ay babalik na sila para dito na lamang tuluyang magpagaling.Palabas na ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Alexander sa aking likuran. Paglingon ko ay nakita ko siyang pababa sa hagdan."I said where are you going?" tanong ulit nito nang hindi ko sinagot ang kanyang tanong."Akala ko ba wala tayong pakialamanan
Elara PovNagpaalam ako kay Liam na hindi na muna ako makakapasok sa trabaho dahil babantayan ko sa hospital ang aking biyenan. Kahit naman mag-asawa lamang kami sa papel ng anak niya ay sa mata ng tao mag-asawa pa rin kaming dalawa. Hindi magandang tingnan kung hindi ko man lang siya babantayan sa hospital gayong asawa ako ng nag-iisang anak niya."It's alright, beshy. I can handle the works here. So kumusta naman ang mother-in-law mo?" ani Liam matapos kong ipaalam sa kanya ang nangyari kung bakit hindi muna ako makakapasok sa trabaho."She's okay now. Nagpapagaling na lamang siya. Sabi ng doktor ay mabuti at nadala agad sa hospital ang biyenan ko kaya naagapan pa ang buhay niya at nailigtas. Kahit mild stroke lang ang nangyari sa kanya kung hindi naman agad nadala sa hospital ay manganganib ang buhay niya o di kaya ay tuluyan siyang namatay.""So may utang-na-loob na sa'yo ang Alexander na iyan dahil ikaw ang savior ng ina niya. Dapat singilin mo siya," ani Liam habang nakaupo sa s
Elara PovOne week sa hospital ang mother-in-law ko bago siya pinayagan ng doktor na ma-discharge. At sa loob ng mga araw na nasa hospital ito hanggang sa paglabas ay palaging nakabantay sa kanya si Hannah. Kapag pumupunta ako sa hospital para bisitahin siya ay palagi akong hindi nagtatagal dahil sa presence ng babaeng iyon. Maging nang araw na lumabas sa hospital ang biyenan ko ay kasama rin si Hannah at umaakto na parang siya ang manugang. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya kahit na minsan ay pinaparinggan niya ako. Ayokong mag-aksaya sa mga walang kuwentang tao. Mas mabuting ituon ko na lamang sa trabaho ang aking atensiyon."May bisita ka, beshy," sabi ni Liam sa akin matapos pumasok sa opisina ko."Sino ang—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pumasok sa loob ng opisina ko si Alexander. "Anong ginagawa mo rito?"napakunot ako ng noo. Himala na binisita niya ako sa workplace ko."Iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo, beshy," ani Liam bago tumalikod at lumabas na sa opis
Elara Pov Hindi naitago ni Alexander ang pagsimangot nito nang makita si Sam na bumaba mula sa kotse nito na pumarada sa tapat ng bahay ng aking mother-in-law. Agad niya akong hinila sa isang tabi para sitahin. "Bakit nandito ang lalaking iyan?" Kanina nang hindi pa nito nakikita si Sam ay maganda ang mood nito ngunit ngayon ay biglang nagbago. Hindi ko kasi sinabi sa kanya o kahit sa mother-in-law ko na may kasama akong kaibigan. Baka kasi hindi makasama si Sam kahit na nagsabi naman na siya sa akin na sasama siya sa out of town. "Hindi ba sabi mo ay puwede akong magsama ng kaibigan?" sagot ko, hindi ko na lamang pinansin ang biglang pag-iiba ng kanyang mood. "Akala ko ang kaibigan na isasama mo ay si Liam? Bakit ang lalaking iyan pa ang isinama mo?" hindi pa rin nawawala ang pagsimangot na tanong nito sa akin. "Hindi puwede ang bestie ko dahil busy siya kaya si Sam na lamang ang isinama ko para may kausap ako." Sigurado kasi na si Hannah palagi ang kausap nito kaya mas
Elara Pov Wala kaming choice ni Alexander kundi sundin ang gusto ng ina niya na sa iisang silid kami matulog. Kapag ipinagpilitan namin na sa magkaibang silid kami matulog ay baka pagdudahan nito ang tunay na estado ng relasyon namin ni Alexander. Si Hannah ay sobrang matalim ang tingin sa akin kapag walang ibang nakatingin sa kanya. Tiyak nag-aalburoto ang kalooban nito dahil magkasama kami ni Alexander sa iisang silid. "So paano ang magiging arrangement natin mamayang gabi pagpatulog na tayo?" tanong ni Alexander pagkapasok namin sa silid. Maganda at maluwang ang silid na napunta sa amin. May maliit na sofa na kasya at puwedeng higaan ng isang tao. "Tinatanong pa ba iyan? Siyempre sa sofa ka matutulog at ako sa kama," nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Kailangan pa niyang itanong sa akin iyon? Kung gentleman siya ay automatic na sa sofa siya matutulog mamayang gabi. "What? Bakit ako ang matutulog sa sofa? For your information, hindi ako sanay matulog sa sofa at hindi s
Elara PovExcited na nakatayo ako sa arrival area sa airport at nakahawak sa bakal na harang. Tumawag kagabi ang mama ko at ipinaalam niya sa akin na ngayon ang flight nila pabalik sa bansa namin. Excited akong makita ang papa ko na sabi ng mama ko malakas na at bumalik na ang dating sigla.Maaga akong nagpunta sa airport para sunduin sila at ihatid sa bahay nila, ang dati naming bahay kung saan ako lumaki. Halos isang oras lamang akong naghintay bago ko natanaw ang mga magulang ko na naglalakad palapit sa arrival area."Mama! Papa! Here!" nakangiting kumaway ako sa kanila para makuha ko ang pansin nila at madali nila akong makita. Narinig ng mama ko ang boses ko kaya inilibot niya ang mga mata niya sa mga taong naghihintay sa pagdating ng kanilang mga love ones hanggang sa nakita niya ako. Maluwang na napangiti ang mama ko. Itinuro niya ako sa papa ko at sabay silang kumaway sa akin. Ilang saglit pa ay nasa harapan ko na sila. "I miss you, Mama. I miss you, Papa," madamdamin kong pa
Elara PovIsang malakas na alon ang humampas sa amin kaya pinakawalan ako ni Alexander. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa at hindi ko kayang itanong iyon sa kanya."Alex! Elara! What happened?"Sabay kaming napatingin sa boses ng kanyang ina. Nakita namin na naglalakad silang tatlo palapit sa amin. I wonder kung nakita nila ang ginawang paghalik sa akin ni Alexander.Sa halip na sumagot ay hinila ako ni Alexander papunta sa mababaw na bahagi ng dagat. At nang abot na ang mga paa ang buhangin sa ilalim ay bahagya kong itinulak palayo sa akin si Alexander at ako na lamang ang naglakad papunta sa pampang. Sumunod naman silang apat sa akin."What happened earlier, Alex? We saw you panicking kaya bigla kaming nalapit sa inyo," tanong ni Edzel sa kaibigan nito nang pare-pareho na kaming nakaahon sa tubig.Malakas ang dagundong ng dibdib ko habang nakatingin kay Alexander. Nakatingin din siya sa akin st seryoso ang mukha kaya bigla akong nag-iwas ng tingin."Elara almost drowned," na
Elara PovHindi ko mapigilan ang matawa habang tinutulungan ko si Alexander na pahirin ang lotion na kumalat sa mukha nito at leeg nang ibato ko sa kanya ang bote ng aking lotion. Mabuti na lang at plastic lamang ang lagayan ng lotion ko kaya hindi siya nasaktan. Iyon nga lang ay nakalimutan ko na bukas pala ang lotion ko dahil tinaggal ko ang takip. Hindi kasi masyadong lumalabas ang lotion kapag pinipindot ko kaya inalis ko na lamang ang takip. Mang ibinato ko kay Alexander ito ay tumapon sa mukha at keeg niya ang halos kalahati ng lotion ko. "Anong nakakatawa? Kasalanan mo kung bakit ako naghilamos ng lotion mo," nakasimangot na wika ni Alexander."No. It's your fault. Bakit kasi bigla na lamang pumasok sa kuwarto nang hindi kumakatok?" paninisi ko sa kanya. Alam naman niyang hindi lamang siya ang umuukopa sa kuwarto tapos bigla na lamang papasok ng hindi kumakatok. Natural nagulat ako nang makita ko siyang pumasok habang nakataas ang suot kong slack. Hanggang sa may dulo pa naman
Alexander PovNakangiwing bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig habang hinihimas ng palad ko ang bahagi ng puwit ko na nasaktan mula sa pagkakahulog ko sa kama. Gayunpaman ay hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita ko ang hitsura ng mukha ni Elara nang magising siyang nakayakap siya sa akin. Nanlaki ang mga mata nito na para bang nakakito ito ng multo."It's too early in the morning but you have a lot of strength," sabi ko sa kanya. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama at medyo napangiwi pa ako nang muling sumakit ang nasaktan kong puwit. Ang malas ko naman na naunang bumagsak ang puwit ko kaysa sa katawan ko."Bakit ka nakayakap sa akin? You're taking advantage of me," nanlalaki ang butas ng ilong na wika nito."Excuse me, my dear wife. Hindi ako ang yumakap sa'yo kundi ikaw ang yumakap sa akin. Nakita mo naman pagmulat mo ng mga mata kung sino sa ating dalawa ang nakayakap," mabilis kong sagot. Pero ang totoo ay ako naman talaga ang yumakap sa kanya. Nagising kasi ako d
Elara PovAlam ko na dala lamang ng biglaang sitwasyon kaya no choice si Alexander kundi ang tumabi sa akin sa kama para hindi mahalata ng momm niya na hindi pala kami natutulog sa iisang kama. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhan dahil ang taong nag-reject sa akin noon at naging dahilan ng aking karamdaman ay katabi ko ngayon sa higaan at nakayakap pa sa akin."Why are you hugging me?" mahina ang boses na sita ko sa kanya. Akmang itutulak ko siya nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang biyenan ko na biglang napangiti nang makita ang posisyon namin samantalang ang kasama nitong babae na walang iba kundi si Hannah ay madilim na madilim ang mukha sa labis na selos.Hindi yata nakatiis ang babae kaya lumapit siya sa amin at galit na sinita kami ni Alexander."Anong ginagawa ninyo? Bakit kayo magkayakap at natutulog sa iisang kama?" Halos mag-apoy na ang mga mata ni Hannah sa tindi ng selos na nararamdaman nito."What's wrong wi
Elara PovGaya ng sinabi ng mother-in-law ko ay nagpahinga muna kami pagkatapos naming kumain. At nang makapagpahinga na kami ay naghanda naman kami para mag-snorkeling. Island hopping sana ang gagawin namin ngunit biglang nagka-emergency ang tour guide namin kaya sa halip na island hopping ay snorkeling na lang muna. Bukas na lamang namin itutuloy ang pag-island hopping. But it's okay dahil nag-enjoy naman kami sa snorkeling.Pagkatapos naming mag-dinner ay agad na akong pumasok sa silid namin ni Alexander. Si Edzel at Alexander ay nagpasyang magtungo sa pinakamalapit na bar mula sa hotel namin at siyempre hindi papayag si Hannah na hindi siya kasama.Naligo ako at pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako sa terrace. Hinayaan kong matuyo sa natural na hangin ang basa kong buhok.Habang nakatingin ako sa kadiliman ng gabi ay hindi ko maiwasan ang isipin ang sitwasyon ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagpakasal ako sa lalaking kinamumuhian ko at siyang dahilan kun