Elara Pov Hindi naitago ni Alexander ang pagsimangot nito nang makita si Sam na bumaba mula sa kotse nito na pumarada sa tapat ng bahay ng aking mother-in-law. Agad niya akong hinila sa isang tabi para sitahin. "Bakit nandito ang lalaking iyan?" Kanina nang hindi pa nito nakikita si Sam ay maganda ang mood nito ngunit ngayon ay biglang nagbago. Hindi ko kasi sinabi sa kanya o kahit sa mother-in-law ko na may kasama akong kaibigan. Baka kasi hindi makasama si Sam kahit na nagsabi naman na siya sa akin na sasama siya sa out of town. "Hindi ba sabi mo ay puwede akong magsama ng kaibigan?" sagot ko, hindi ko na lamang pinansin ang biglang pag-iiba ng kanyang mood. "Akala ko ang kaibigan na isasama mo ay si Liam? Bakit ang lalaking iyan pa ang isinama mo?" hindi pa rin nawawala ang pagsimangot na tanong nito sa akin. "Hindi puwede ang bestie ko dahil busy siya kaya si Sam na lamang ang isinama ko para may kausap ako." Sigurado kasi na si Hannah palagi ang kausap nito kaya mas
Elara Pov Wala kaming choice ni Alexander kundi sundin ang gusto ng ina niya na sa iisang silid kami matulog. Kapag ipinagpilitan namin na sa magkaibang silid kami matulog ay baka pagdudahan nito ang tunay na estado ng relasyon namin ni Alexander. Si Hannah ay sobrang matalim ang tingin sa akin kapag walang ibang nakatingin sa kanya. Tiyak nag-aalburoto ang kalooban nito dahil magkasama kami ni Alexander sa iisang silid. "So paano ang magiging arrangement natin mamayang gabi pagpatulog na tayo?" tanong ni Alexander pagkapasok namin sa silid. Maganda at maluwang ang silid na napunta sa amin. May maliit na sofa na kasya at puwedeng higaan ng isang tao. "Tinatanong pa ba iyan? Siyempre sa sofa ka matutulog at ako sa kama," nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Kailangan pa niyang itanong sa akin iyon? Kung gentleman siya ay automatic na sa sofa siya matutulog mamayang gabi. "What? Bakit ako ang matutulog sa sofa? For your information, hindi ako sanay matulog sa sofa at hindi s
Elara PovGaya ng sinabi ng mother-in-law ko ay nagpahinga muna kami pagkatapos naming kumain. At nang makapagpahinga na kami ay naghanda naman kami para mag-snorkeling. Island hopping sana ang gagawin namin ngunit biglang nagka-emergency ang tour guide namin kaya sa halip na island hopping ay snorkeling na lang muna. Bukas na lamang namin itutuloy ang pag-island hopping. But it's okay dahil nag-enjoy naman kami sa snorkeling.Pagkatapos naming mag-dinner ay agad na akong pumasok sa silid namin ni Alexander. Si Edzel at Alexander ay nagpasyang magtungo sa pinakamalapit na bar mula sa hotel namin at siyempre hindi papayag si Hannah na hindi siya kasama.Naligo ako at pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako sa terrace. Hinayaan kong matuyo sa natural na hangin ang basa kong buhok.Habang nakatingin ako sa kadiliman ng gabi ay hindi ko maiwasan ang isipin ang sitwasyon ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagpakasal ako sa lalaking kinamumuhian ko at siyang dahilan kun
Elara PovAlam ko na dala lamang ng biglaang sitwasyon kaya no choice si Alexander kundi ang tumabi sa akin sa kama para hindi mahalata ng momm niya na hindi pala kami natutulog sa iisang kama. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhan dahil ang taong nag-reject sa akin noon at naging dahilan ng aking karamdaman ay katabi ko ngayon sa higaan at nakayakap pa sa akin."Why are you hugging me?" mahina ang boses na sita ko sa kanya. Akmang itutulak ko siya nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang biyenan ko na biglang napangiti nang makita ang posisyon namin samantalang ang kasama nitong babae na walang iba kundi si Hannah ay madilim na madilim ang mukha sa labis na selos.Hindi yata nakatiis ang babae kaya lumapit siya sa amin at galit na sinita kami ni Alexander."Anong ginagawa ninyo? Bakit kayo magkayakap at natutulog sa iisang kama?" Halos mag-apoy na ang mga mata ni Hannah sa tindi ng selos na nararamdaman nito."What's wrong wi
Alexander PovNakangiwing bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig habang hinihimas ng palad ko ang bahagi ng puwit ko na nasaktan mula sa pagkakahulog ko sa kama. Gayunpaman ay hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita ko ang hitsura ng mukha ni Elara nang magising siyang nakayakap siya sa akin. Nanlaki ang mga mata nito na para bang nakakito ito ng multo."It's too early in the morning but you have a lot of strength," sabi ko sa kanya. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama at medyo napangiwi pa ako nang muling sumakit ang nasaktan kong puwit. Ang malas ko naman na naunang bumagsak ang puwit ko kaysa sa katawan ko."Bakit ka nakayakap sa akin? You're taking advantage of me," nanlalaki ang butas ng ilong na wika nito."Excuse me, my dear wife. Hindi ako ang yumakap sa'yo kundi ikaw ang yumakap sa akin. Nakita mo naman pagmulat mo ng mga mata kung sino sa ating dalawa ang nakayakap," mabilis kong sagot. Pero ang totoo ay ako naman talaga ang yumakap sa kanya. Nagising kasi ako d
Elara Pov Hindi ko mapigilan ang matawa habang tinutulungan ko si Alexander na pahirin ang lotion na kumalat sa mukha nito at leeg nang ibato ko sa kanya ang bote ng aking lotion. Mabuti na lang at plastic lamang ang lagayan ng lotion ko kaya hindi siya nasaktan. Iyon nga lang ay nakalimutan ko na bukas pala ang lotion ko dahil tinaggal ko ang takip. Hindi kasi masyadong lumalabas ang lotion kapag pinipindot ko kaya inalis ko na lamang ang takip. Mang ibinato ko kay Alexander ito ay tumapon sa mukha at keeg niya ang halos kalahati ng lotion ko. "Anong nakakatawa? Kasalanan mo kung bakit ako naghilamos ng lotion mo," nakasimangot na wika ni Alexander. "No. It's your fault. Bakit kasi bigla na lamang pumasok sa kuwarto nang hindi kumakatok?" paninisi ko sa kanya. Alam naman niyang hindi lamang siya ang umuukopa sa kuwarto tapos bigla na lamang papasok ng hindi kumakatok. Natural nagulat ako nang makita ko siyang pumasok habang nakataas ang suot kong slack. Hanggang sa may dulo pa
Elara Pov Isang malakas na alon ang humampas sa amin kaya pinakawalan ako ni Alexander. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa at hindi ko kayang itanong iyon sa kanya. "Alex! Elara! What happened?" Sabay kaming napatingin sa boses ng kanyang ina. Nakita namin na naglalakad silang tatlo palapit sa amin. I wonder kung nakita nila ang ginawang paghalik sa akin ni Alexander. Sa halip na sumagot ay hinila ako ni Alexander papunta sa mababaw na bahagi ng dagat. At nang abot na ang mga paa ang buhangin sa ilalim ay bahagya kong itinulak palayo sa akin si Alexander at ako na lamang ang naglakad papunta sa pampang. Sumunod naman silang apat sa akin. "What happened earlier, Alex? We saw you panicking kaya bigla kaming nalapit sa inyo," tanong ni Edzel sa kaibigan nito nang pare-pareho na kaming nakaahon sa tubig. Malakas ang dagundong ng dibdib ko habang nakatingin kay Alexander. Nakatingin din siya sa akin st seryoso ang mukha kaya bigla akong nag-iwas ng tingin. "Elara almost
Elara PovExcited na nakatayo ako sa arrival area sa airport at nakahawak sa bakal na harang. Tumawag kagabi ang mama ko at ipinaalam niya sa akin na ngayon ang flight nila pabalik sa bansa namin. Excited akong makita ang papa ko na sabi ng mama ko malakas na at bumalik na ang dating sigla.Maaga akong nagpunta sa airport para sunduin sila at ihatid sa bahay nila, ang dati naming bahay kung saan ako lumaki. Halos isang oras lamang akong naghintay bago ko natanaw ang mga magulang ko na naglalakad palapit sa arrival area."Mama! Papa! Here!" nakangiting kumaway ako sa kanila para makuha ko ang pansin nila at madali nila akong makita. Narinig ng mama ko ang boses ko kaya inilibot niya ang mga mata niya sa mga taong naghihintay sa pagdating ng kanilang mga love ones hanggang sa nakita niya ako. Maluwang na napangiti ang mama ko. Itinuro niya ako sa papa ko at sabay silang kumaway sa akin. Ilang saglit pa ay nasa harapan ko na sila. "I miss you, Mama. I miss you, Papa," madamdamin kong pa
Elara Nagising ako sa loob ng isang silid at nakahiga sa malamig na sahig habang nakatali ang mga kamay at paa ko. Kahit na hirap ay agad akong bumangon. Napakunot ang noo ko nang makita kong hindi lang pala ako nag-iisa sa silid na iyon. Dahil katulad ko ay nasa silid din si Hannah at nakatali ang mga kamay at paa habang nakahiga sa sahig. Walang malay pa ito kaya hindi nito alam ang sitwasyon nito ngayon. Gamit ang puwit ay lumapit ako kay Hannah at malakas na niyugyog ang mga balikat niya para magising siya. Ilang saglit pa ay nagmulat na ito ng mga mata. Agad na nanlaki ang mga mata nito at galit na tinapunan ako ng tingin nang makitang nakagapos ang mga paa at kamay nito. "How dare you kidnap me, Elara! Release me now, or else I will let your whole family be imprisoned!" galit na sigaw nito sa akin. Malakas na tinampal ko siya sa braso sa inis. "Una, wala akong pamilya na maipapakulong mo kasama ko dahil patay na ang mga magulang ko. Pinatay sila last week lamang. Pangala
ElaraMatapos bumalik ang lakas ko ay nagpasama ako kay Liam para bisitahin ang puntod ng mga magulang ko. Muli, hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa harap ng kanilang puntod. Ang sakit at bigat sa dibdib na wala na sila. Parang ngayon pa lang masyadong nagsi-sink in sa isip ko na wala na talaga sila. Na kahit kailan ay hindi ko na sila makikitang buhay at mayayakap ng mahigpit.Mas madali ko sigurong matatanggap na wala na ang mga magulang ko kung pareho silang namatay sa sakit o di kaya ay sa aksidente. Ngunit ang kaalaman na pinatay sila at pinilit nilang lumaban para mailigtas ang kanilang buhay ay nagpapahirap sa akin na tanggapin ang katotohanan na iniwan na nila ako."Tahan na, Beshy. Baka kung mapaano ka naman dahil sa labis na pag-iyak," awat sa akin ni Liam habang marahang hinahagod ng palad niya ang likuran ko.Pinahid ko ang aking mga luha at binigyan ng isang malungkot na ngiti ang kaibigan ko. "Don't worry, Bestie. Hindi na mauulit ang nangyari sa akin.""You can cry,
ElaraMasakit mang tanggapin ang nangyari sa mga magulang ko ay pilit ko iyong tinanggap. Hindi ako gagaling at babalik sa normal kung hindi ko ma-overcome ang trauma ko sa pagkamatay ng mga taong pinakaimportanteng tao sa sa akin. Ito na ang pangalawang beses na nagkaroon ako ng trauma. At parehong connected kay Alexander ang aking mga nagiging trauma. Hindi na dapat nagtagpo ang mga landas naming dalawa. Baka hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga magulang ko."Kumain ka, Beshy. Naglugaw ako para sa'yo. Sabi kasi ng doktor ay huwag ka munang pakainin ng matitigas na pagkain kaya pagtiyagaan mo na lamang ang niluto kong lugaw. "Dinala ni Liam sa bedside table ang dala nitong lugaw at isang baso ng tubig. Nakikita ko sa kilos at pagsasalita ng kaibigan ko na nais nitong maiyak ngunit pinigilan nito ang sarili. Siya na lamang ang kinakapitan ko. Kung katulad ko ay magbi-breakdown din siya ay sino na ang mag-aasikaso sa akin? Napakalaki ng utang na loob ko kay Liam. May sarili siyan
Elara Tulala ako habang nakahiga sa aking kama. Sa tabi ng kama ko ay nakaupo si Liam na hindi malaman kung ano ang gagawin. Magmula nang pagbalikan ako ng aking malay ay hindi pa ako nagsasalita. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng kakayahang magsalita. Hindi ko mahagilap ang boses ko kahit na gusto kong magsalita, humagulgol at sumigaw ng malakas. Paggising ko ay nakaupo na sa gilid ng kama ko ang aking kaibigan at marahang hinahaplos ang aking buhok. Halatado na katatapos pa lamang nitong umiyak. Siguro ay tumawag siya sa akin at nang hindi ko sinasagot ang tawag niya ay nagpunta na siya sa bahay ng mga magulang ko para alamin kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya. At malamang nang dumating siya ay nalaman niya mula sa mga taong nag-uusyuso kung ano ang nangyari sa mga magulang ko. "Magsalita ka naman, Beshy. Huwag ka namang ganyan. Tinatakot mo ako," kausap sa akin ni Liam. Bahagyang nag-crack ang boses nito sanhi ng pagpipigil nitong umiyak. "Ano na ang gagawin ko magi
Nagliligpit ako ng mga gamit ko sa ibabaw ng table ko at naghahanda para umuwi sa araw na iyon nang pumasok sa office ko si Liam. Malawak ang pagkakangiti nito nang maupo ito sa upuan na nasa harapan ng table ko. "What is it again this time? Malawak ang ngiti mo kaya natitiyak ko na may plano ka naman para sa akin, right?" Inunahan ko na siya. Kapag ganito kasi ang kilos niya pagpasok sa office ko ay tiyak may balak na naman itong gawin. "Don't worry, Beshy. This time, wala akong balak na iset-up ka ng date. I just came to follow-up," nakangiting sagot nito sa akin. Tumaas ang kilay sa sinabi niya. "Follow-up? For what?" Ano naman ang ipa-follow-up niya sa akin? "It's about my friend Rex. So, what do you think of him?" Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang siya. Maayos naman siyang kausap. Gentleman siya at hindi bastos." "That's it? Wala ka nang ibang sasabihin pa tungkol sa kanya?" tanong ni Liam na biglang nalukot ang ilong nang marinig ang sinabi ko. "Wala ka bang spark n
Elara Pagkalabas ni Alexander sa hospital ay ini-expect ko na pupuntahan niya ako sa bahay ng mga magulang ko. Ngunit hindi iyon nangyari. Aminin ko man o hindi ngunit nakaramdam ako ng disappointment dahil doon. Hindi na rin siya nagtangkang puntahan ako sa kompanya namin. Naisip ko na baka na-realized niyang mabuti nga siguro na magkahiwalay na kami para walang gulo. "Beshy, may lakad ka ba mamayang gabi?" tanong sa akin ni Liam. Nasa loob kami ng opisina niya at nagmi-meryenda. Breaktime kaya nagkaroon kami ng time na magkuwentuhan. "Wala naman. Bakit?" "Can you come with me?" Nagdududang tinapunan ko siya ng tingin. "Ano na namang kalokohan ang nais mong gawin?" Umirap sa akin si Liam bago sumagot. "Hindi ito kalokohan, girl. May kakilala akong gusto ka niyang makilala. Actually, nakita ka na raw niya ng ilang beses ngunit wala siyang courage na lumapit sa'yo at magpakilala. Kaya hiningi na niya ang tulong ko since alam naman niyang best friend kita." "Another blind d
Elara Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko mula sa doktor na nag-asikaso kay Alexander na maayos na ang kalagayan niya. Hindi naman grabe ang tinamong pinsala niya sa ulo. Pasalamat din ako nang lumabas ang resulta ng CT Scan nito at hindi nagkaroon ng damage ang utak nito.Nang malaman kong okay na si Alexander at ano mang oras ay magigising na ito ay saka lamang ako nagpasyang umalis ng hospital. Ngunit pinigilan ako ni Edzel nang makita niyang aalis na kami ni Liam."Hindi mo ba hihintayin na magising si Alex bago ka umalis, Elara? Tiyak hahanapin ka niya kapag nagkamalay na siya," sabi ni Edzel sa akin. Alam ko na nais lamang niyang manatili ako sa tabi ni Alexander para magkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap. Ngunit nakapagdesisyon na ako na tuluyan ko na siyang lalayuan kaya hindi ko na kailangan na manatili pa sa kanyang tabi."Sabi ng doktor ay ligtas na siya. Nandito naman kayo ni Rona kaya may magbabantay sa kanya," malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Pagkatapo
ElaraMagmula nang ni-reject ko sa harapan ng maraming tao ang marriage proposal sa akin ni Alexander ay himalang gumaling ako sa karamdaman ko. Biglang nawala ang aking social phobia. Kung ano-anong paraan na ang ginawa namin noon pero walang epekto. At hindi ko akalain na ang makakapagpagaling lang pala sa akin ay iyong maranasan din ni Alexander ang mapahiya sa harapan ng maraming tao na ako ang may kagagawan.Pinadalhan ko siya ng divorce paper para lubusan na akong makakawala sa kanya. Masakit pero kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang kami. Ilang araw lamang ay bumalik na sa akin ang divorce paper na pirmado ni Alexander. Para lubusang wala na kaming koneksiyon sa isa't isa ay binayaran namin ni Papa ang mga nagastos ng ina ni Alexander sa pagpapagamot kay Papa. Hinintay ko na kasuhan ako ni Alexander sa pag-breach ng contract agreement namin gaya ng sinabi niya sa akin noon ngunit hindi naman niya ako kinasuhan. Siguro ay nagi-guilty pa rin siya dahil kung hindi sa
ElaraSa halip na sa dinner sa isang restaurant ay sa bar ni Edzel ako pinapapunta ni Alexander. May sasabihin daw siya sa akin kaya sa bar na lang daw kami magkita.Alam ko nakita niya ang kotse ko paglabas nila ni Edzel ng bahay kanina ngunit hindi siya nag-abala na tawagan ako at i-confirm kung nasa bahay ba ako. Pero mabuti nga at hindi niya ako tinawagan dahil maririnig lamang niya sa boses ko ang pag-iyak.Tinawagan ko si Liam at pinapunta sa bahay para siyang magmaneho ng kotse ko. Hindi nagtagal ay dumating ito."Bakit need mo ng driver, beshy? May balak ba kayong magpakalasing ni Alexander kaya pinapunta mo ako?" nangiting biro sa akin ng kaibigan ko. Sa malas ay wala itong kaalam-alam sa nangyari."I will treat you dinner," sabi ko sa kanya."Bakit? Hindi ba tuloy ang dinner date ninyo ni Alexander?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot sa halip ay pumasok ako sa kotse ko. "What's wrong, Elara? Nag-away ba kayo ni Alexander kaya parang wala ka sa mood