Elara PovGaya ng sinabi ng mother-in-law ko ay nagpahinga muna kami pagkatapos naming kumain. At nang makapagpahinga na kami ay naghanda naman kami para mag-snorkeling. Island hopping sana ang gagawin namin ngunit biglang nagka-emergency ang tour guide namin kaya sa halip na island hopping ay snorkeling na lang muna. Bukas na lamang namin itutuloy ang pag-island hopping. But it's okay dahil nag-enjoy naman kami sa snorkeling.Pagkatapos naming mag-dinner ay agad na akong pumasok sa silid namin ni Alexander. Si Edzel at Alexander ay nagpasyang magtungo sa pinakamalapit na bar mula sa hotel namin at siyempre hindi papayag si Hannah na hindi siya kasama.Naligo ako at pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako sa terrace. Hinayaan kong matuyo sa natural na hangin ang basa kong buhok.Habang nakatingin ako sa kadiliman ng gabi ay hindi ko maiwasan ang isipin ang sitwasyon ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagpakasal ako sa lalaking kinamumuhian ko at siyang dahilan kun
Elara PovAlam ko na dala lamang ng biglaang sitwasyon kaya no choice si Alexander kundi ang tumabi sa akin sa kama para hindi mahalata ng momm niya na hindi pala kami natutulog sa iisang kama. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhan dahil ang taong nag-reject sa akin noon at naging dahilan ng aking karamdaman ay katabi ko ngayon sa higaan at nakayakap pa sa akin."Why are you hugging me?" mahina ang boses na sita ko sa kanya. Akmang itutulak ko siya nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang biyenan ko na biglang napangiti nang makita ang posisyon namin samantalang ang kasama nitong babae na walang iba kundi si Hannah ay madilim na madilim ang mukha sa labis na selos.Hindi yata nakatiis ang babae kaya lumapit siya sa amin at galit na sinita kami ni Alexander."Anong ginagawa ninyo? Bakit kayo magkayakap at natutulog sa iisang kama?" Halos mag-apoy na ang mga mata ni Hannah sa tindi ng selos na nararamdaman nito."What's wrong wi
Alexander PovNakangiwing bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig habang hinihimas ng palad ko ang bahagi ng puwit ko na nasaktan mula sa pagkakahulog ko sa kama. Gayunpaman ay hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita ko ang hitsura ng mukha ni Elara nang magising siyang nakayakap siya sa akin. Nanlaki ang mga mata nito na para bang nakakito ito ng multo."It's too early in the morning but you have a lot of strength," sabi ko sa kanya. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama at medyo napangiwi pa ako nang muling sumakit ang nasaktan kong puwit. Ang malas ko naman na naunang bumagsak ang puwit ko kaysa sa katawan ko."Bakit ka nakayakap sa akin? You're taking advantage of me," nanlalaki ang butas ng ilong na wika nito."Excuse me, my dear wife. Hindi ako ang yumakap sa'yo kundi ikaw ang yumakap sa akin. Nakita mo naman pagmulat mo ng mga mata kung sino sa ating dalawa ang nakayakap," mabilis kong sagot. Pero ang totoo ay ako naman talaga ang yumakap sa kanya. Nagising kasi ako d
Elara PovHindi ko mapigilan ang matawa habang tinutulungan ko si Alexander na pahirin ang lotion na kumalat sa mukha nito at leeg nang ibato ko sa kanya ang bote ng aking lotion. Mabuti na lang at plastic lamang ang lagayan ng lotion ko kaya hindi siya nasaktan. Iyon nga lang ay nakalimutan ko na bukas pala ang lotion ko dahil tinaggal ko ang takip. Hindi kasi masyadong lumalabas ang lotion kapag pinipindot ko kaya inalis ko na lamang ang takip. Mang ibinato ko kay Alexander ito ay tumapon sa mukha at keeg niya ang halos kalahati ng lotion ko. "Anong nakakatawa? Kasalanan mo kung bakit ako naghilamos ng lotion mo," nakasimangot na wika ni Alexander."No. It's your fault. Bakit kasi bigla na lamang pumasok sa kuwarto nang hindi kumakatok?" paninisi ko sa kanya. Alam naman niyang hindi lamang siya ang umuukopa sa kuwarto tapos bigla na lamang papasok ng hindi kumakatok. Natural nagulat ako nang makita ko siyang pumasok habang nakataas ang suot kong slack. Hanggang sa may dulo pa naman
Elara PovBahagyang inunat ko ang aking mga braso habang nakaupo ako sa aking upuan sa loob ng opisina ko. Isa akong fashion illustrator sa maliit ngunit rising company na itinayo ko kasama ang business partner at gay best friend kong si Liam. Three years pa lang ang kompanya namin ngunit nagawa naming makagawa ng sarili naming pangalan sa mundo ng fashion."Are you done, my dear?" Pumasok sa loob ng opisina ko si Liam at tiningnan ang mga sketches ko ng gown na isusuot ng isang sikat at kilalang actress sa bansa. I was thrilled that this actress chose me over other famous designers to design sa isusuot nitong gown sa isang awards night. Nagustuhan kasi nito ang dalawang gown na isinuot ng dalawang candidates sa katatapos na local beauty pageant na ipinalabas sa telebisyon kaya kinontak ako ng manager nito para magpagawa ng dalawang gown na isusuot nito sa award night."I'm done. Check mo kung pasado ba sa'yo or kung may dapat bang baguhin bago natin i-present sa client ang mga sket
Elara PovNakatulala lamang ako at walang reaksiyon habang inaayusan ng makeup artist na ipinadala ng kaibigan ng Mama ko, ng aking future mother-in-law. Pagkatapos ng ilang na pag-iisip ay nagdesisyon akong pumayag na magpakasal sa anak ng kaibigan ni Mama. Inisip ko na para sa kabutihan ni Papa ang gagawin kong ito. At isa pa, naisip ko na pagkatapos kong mag-dalantao sa lalaking iyon ay makikipag-divorce ako sa kanya. And then, babalik na ako sa sarili kong buhay. Free and unrestrained. Habang aking ama naman ay nadugtungan ang buhay niya. Sa side naman ng mapapangasawa ko ay hindi na sila lugi dahil mapupunta sa kanila ang anak ko kaya magkakaroon na sila ng pinapangarap nilang heir. Alam ko na mapapabuti ang kalagayan ng anak ko sa kanila kaya hindi ako mag-aalala na iwan ang bata sa kanila.Pagkatapos kong pumayag na magpakasal sa anak ng kaibigan ng aking ina ay agad na nakipagkita kami sa aking future mother-in-law. Kahit na hindi pa kami nagkikita ng aking husband-to-be ay m
Elara Pov 7 years ago..."Maganda na ba ako, Liam? Sa tingin mo ba magagandahan sa akin si Alexander? Baka i-reject niya ang proposal ko," nag-aalalang tanong ko kay Liam matapos niya akong lagyan ng makeup sa mukha. Buong araw akong excited at kinakabahan. Ni hindi na nga ako nakakain ng maayos sa araw na ito dahil excited ako sa pagdating ng gabi.Mahalaga sa akin ang gabing ito. Tonight is our senior high school graduation ball. Ngunit hindi lang iyon. Dahil ngayong gabi ay balak kong mag-propose kay Liam. Tatanuningin ko siya kung puwede ko ba siyang maging boyfriend.Liam and I are schoolmates. Hindi man kami magkaklase ay madalas pa rin kaming magkasama sa loob ng school ng campus. Malapit kasi kami sa isa't isa. Siya ang tinaguriang male campus crush samantalang ako naman ang female campus crush. Marami ang nagpi-pair sa amin as a couple kahit na hindi naman siya nanliligaw sa akin. Ngunit hindi man siya nanliligaw sa akin ay hindi rin naman niya kinokontra ang mga schoolmates
Elara Pov"Elara? Hey?" Malakas na tapik sa aking balikat ang napagbalik sa aking isip sa kasalukuyan. Bigla kasing dumaloy sa aking isip ang alaala kung bakit ako nawalan ng paniniwala sa pag-ibig nang makita ko ang mukha ni Alexander na siya palang groom ko. "Anong nangyari sa'yo? Bakit ka huminto sa paglalakad? Para kang nakakita ng multo.""Look at the groom," mahina ang boses na sabi ko kay Liam. Hindi pa yata nito napansin ang groom ko kaya.Tumingin nga si Liam sa groom at hindi nito napigilan ang mapatili ng bahagya nang makita ang seryosong mukha ni Alexander. Halos magdikit na ang mga kilay nito sa labis na pagkakakunot ng noo habang nakatingin sa akin. Akala naman ng mga taong nasa paligid namin na na-guwapuhan lamang si Liam sa groom kaya ito napatili kaya nagtawanan ang mga ito. Hindi nila napapansin ang tension na unti-unting nabubuo sa paligid namin."Oh my God, Elara! Is this a joke? Binibiro ka ba ng tadhana?" hindi napigilang komento ni Liam sa mahinang tinig. "We
Elara PovHindi ko mapigilan ang matawa habang tinutulungan ko si Alexander na pahirin ang lotion na kumalat sa mukha nito at leeg nang ibato ko sa kanya ang bote ng aking lotion. Mabuti na lang at plastic lamang ang lagayan ng lotion ko kaya hindi siya nasaktan. Iyon nga lang ay nakalimutan ko na bukas pala ang lotion ko dahil tinaggal ko ang takip. Hindi kasi masyadong lumalabas ang lotion kapag pinipindot ko kaya inalis ko na lamang ang takip. Mang ibinato ko kay Alexander ito ay tumapon sa mukha at keeg niya ang halos kalahati ng lotion ko. "Anong nakakatawa? Kasalanan mo kung bakit ako naghilamos ng lotion mo," nakasimangot na wika ni Alexander."No. It's your fault. Bakit kasi bigla na lamang pumasok sa kuwarto nang hindi kumakatok?" paninisi ko sa kanya. Alam naman niyang hindi lamang siya ang umuukopa sa kuwarto tapos bigla na lamang papasok ng hindi kumakatok. Natural nagulat ako nang makita ko siyang pumasok habang nakataas ang suot kong slack. Hanggang sa may dulo pa naman
Alexander PovNakangiwing bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig habang hinihimas ng palad ko ang bahagi ng puwit ko na nasaktan mula sa pagkakahulog ko sa kama. Gayunpaman ay hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita ko ang hitsura ng mukha ni Elara nang magising siyang nakayakap siya sa akin. Nanlaki ang mga mata nito na para bang nakakito ito ng multo."It's too early in the morning but you have a lot of strength," sabi ko sa kanya. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama at medyo napangiwi pa ako nang muling sumakit ang nasaktan kong puwit. Ang malas ko naman na naunang bumagsak ang puwit ko kaysa sa katawan ko."Bakit ka nakayakap sa akin? You're taking advantage of me," nanlalaki ang butas ng ilong na wika nito."Excuse me, my dear wife. Hindi ako ang yumakap sa'yo kundi ikaw ang yumakap sa akin. Nakita mo naman pagmulat mo ng mga mata kung sino sa ating dalawa ang nakayakap," mabilis kong sagot. Pero ang totoo ay ako naman talaga ang yumakap sa kanya. Nagising kasi ako d
Elara PovAlam ko na dala lamang ng biglaang sitwasyon kaya no choice si Alexander kundi ang tumabi sa akin sa kama para hindi mahalata ng momm niya na hindi pala kami natutulog sa iisang kama. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng tadhan dahil ang taong nag-reject sa akin noon at naging dahilan ng aking karamdaman ay katabi ko ngayon sa higaan at nakayakap pa sa akin."Why are you hugging me?" mahina ang boses na sita ko sa kanya. Akmang itutulak ko siya nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang biyenan ko na biglang napangiti nang makita ang posisyon namin samantalang ang kasama nitong babae na walang iba kundi si Hannah ay madilim na madilim ang mukha sa labis na selos.Hindi yata nakatiis ang babae kaya lumapit siya sa amin at galit na sinita kami ni Alexander."Anong ginagawa ninyo? Bakit kayo magkayakap at natutulog sa iisang kama?" Halos mag-apoy na ang mga mata ni Hannah sa tindi ng selos na nararamdaman nito."What's wrong wi
Elara PovGaya ng sinabi ng mother-in-law ko ay nagpahinga muna kami pagkatapos naming kumain. At nang makapagpahinga na kami ay naghanda naman kami para mag-snorkeling. Island hopping sana ang gagawin namin ngunit biglang nagka-emergency ang tour guide namin kaya sa halip na island hopping ay snorkeling na lang muna. Bukas na lamang namin itutuloy ang pag-island hopping. But it's okay dahil nag-enjoy naman kami sa snorkeling.Pagkatapos naming mag-dinner ay agad na akong pumasok sa silid namin ni Alexander. Si Edzel at Alexander ay nagpasyang magtungo sa pinakamalapit na bar mula sa hotel namin at siyempre hindi papayag si Hannah na hindi siya kasama.Naligo ako at pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako sa terrace. Hinayaan kong matuyo sa natural na hangin ang basa kong buhok.Habang nakatingin ako sa kadiliman ng gabi ay hindi ko maiwasan ang isipin ang sitwasyon ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagpakasal ako sa lalaking kinamumuhian ko at siyang dahilan kun
Elara Pov Wala kaming choice ni Alexander kundi sundin ang gusto ng ina niya na sa iisang silid kami matulog. Kapag ipinagpilitan namin na sa magkaibang silid kami matulog ay baka pagdudahan nito ang tunay na estado ng relasyon namin ni Alexander. Si Hannah ay sobrang matalim ang tingin sa akin kapag walang ibang nakatingin sa kanya. Tiyak nag-aalburoto ang kalooban nito dahil magkasama kami ni Alexander sa iisang silid. "So paano ang magiging arrangement natin mamayang gabi pagpatulog na tayo?" tanong ni Alexander pagkapasok namin sa silid. Maganda at maluwang ang silid na napunta sa amin. May maliit na sofa na kasya at puwedeng higaan ng isang tao. "Tinatanong pa ba iyan? Siyempre sa sofa ka matutulog at ako sa kama," nakataas ang kilay na sagot ko sa kanya. Kailangan pa niyang itanong sa akin iyon? Kung gentleman siya ay automatic na sa sofa siya matutulog mamayang gabi. "What? Bakit ako ang matutulog sa sofa? For your information, hindi ako sanay matulog sa sofa at hindi s
Elara Pov Hindi naitago ni Alexander ang pagsimangot nito nang makita si Sam na bumaba mula sa kotse nito na pumarada sa tapat ng bahay ng aking mother-in-law. Agad niya akong hinila sa isang tabi para sitahin. "Bakit nandito ang lalaking iyan?" Kanina nang hindi pa nito nakikita si Sam ay maganda ang mood nito ngunit ngayon ay biglang nagbago. Hindi ko kasi sinabi sa kanya o kahit sa mother-in-law ko na may kasama akong kaibigan. Baka kasi hindi makasama si Sam kahit na nagsabi naman na siya sa akin na sasama siya sa out of town. "Hindi ba sabi mo ay puwede akong magsama ng kaibigan?" sagot ko, hindi ko na lamang pinansin ang biglang pag-iiba ng kanyang mood. "Akala ko ang kaibigan na isasama mo ay si Liam? Bakit ang lalaking iyan pa ang isinama mo?" hindi pa rin nawawala ang pagsimangot na tanong nito sa akin. "Hindi puwede ang bestie ko dahil busy siya kaya si Sam na lamang ang isinama ko para may kausap ako." Sigurado kasi na si Hannah palagi ang kausap nito kaya mas
Elara PovOne week sa hospital ang mother-in-law ko bago siya pinayagan ng doktor na ma-discharge. At sa loob ng mga araw na nasa hospital ito hanggang sa paglabas ay palaging nakabantay sa kanya si Hannah. Kapag pumupunta ako sa hospital para bisitahin siya ay palagi akong hindi nagtatagal dahil sa presence ng babaeng iyon. Maging nang araw na lumabas sa hospital ang biyenan ko ay kasama rin si Hannah at umaakto na parang siya ang manugang. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya kahit na minsan ay pinaparinggan niya ako. Ayokong mag-aksaya sa mga walang kuwentang tao. Mas mabuting ituon ko na lamang sa trabaho ang aking atensiyon."May bisita ka, beshy," sabi ni Liam sa akin matapos pumasok sa opisina ko."Sino ang—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pumasok sa loob ng opisina ko si Alexander. "Anong ginagawa mo rito?"napakunot ako ng noo. Himala na binisita niya ako sa workplace ko."Iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo, beshy," ani Liam bago tumalikod at lumabas na sa opis
Elara PovNagpaalam ako kay Liam na hindi na muna ako makakapasok sa trabaho dahil babantayan ko sa hospital ang aking biyenan. Kahit naman mag-asawa lamang kami sa papel ng anak niya ay sa mata ng tao mag-asawa pa rin kaming dalawa. Hindi magandang tingnan kung hindi ko man lang siya babantayan sa hospital gayong asawa ako ng nag-iisang anak niya."It's alright, beshy. I can handle the works here. So kumusta naman ang mother-in-law mo?" ani Liam matapos kong ipaalam sa kanya ang nangyari kung bakit hindi muna ako makakapasok sa trabaho."She's okay now. Nagpapagaling na lamang siya. Sabi ng doktor ay mabuti at nadala agad sa hospital ang biyenan ko kaya naagapan pa ang buhay niya at nailigtas. Kahit mild stroke lang ang nangyari sa kanya kung hindi naman agad nadala sa hospital ay manganganib ang buhay niya o di kaya ay tuluyan siyang namatay.""So may utang-na-loob na sa'yo ang Alexander na iyan dahil ikaw ang savior ng ina niya. Dapat singilin mo siya," ani Liam habang nakaupo sa s
Elara PovPag-uwi ko sa bahay ni Alexander ay iniwasan ko siya. Kahit na minsan ay parang tinatangka niya akong kausapin ay agad akong umaalis. Kapag nasa bahay siya ay umaalis ako kagaya ngayon. Mukhang wala siyang balak na umalis ng bahay kaya nagpasya akong ako na lang ang aalis. Naisipan kong dalawin ang aking mother-in-law at kamustahin. Kahit naman may hiniling siyang kapalit sa pagtulong sa pamilya ko ay hindi pa rin maikakaila na kung hindi dahil sa pera niya ay baka wala na ngayon ang aking ama. And speaking of my father, matagumpay ang naging operasyon niya sa puso at kasalukuyang nagpapagaling na lang sa hotel na tinutuluyan nila sa ibang bansa. Next month ay babalik na sila para dito na lamang tuluyang magpagaling.Palabas na ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Alexander sa aking likuran. Paglingon ko ay nakita ko siyang pababa sa hagdan."I said where are you going?" tanong ulit nito nang hindi ko sinagot ang kanyang tanong."Akala ko ba wala tayong pakialamanan