Elara PovKanina pa ako nakahiga sa kama ngunit hindi ako makatulog. Naligo na nga ako para mapreskuhan ang pakiramdam ko at makatulog agad ngunit wala iyong epekto. Hanggang ngayon ay mulat pa rin ang mga mata ko at pabiling-biling sa higaan. Para bang maalinsangan sa katawan.Humugot ako ng malalim bago nagpasyang bumangon at bumaba sa kama. Kinuha ko ang nakasampay na puting bathrobe at isinuot bago ako lumabas sa kuwarto ko. May terrace sa tabi ng aking silid kaya nagpasya akong doon magpahangin at magpa-antok. Humawak ako sa barandilya at tumingala sa kulay blue na kalangitan. Maliwanag ang bilog na buwan kaya naman kitang-kita ko rin kung gaano kaaliwalas ng kalangitan. Napakatahimik pagmasdan ang mga ulap na marahang gumagalaw sa ihip ng hangin. Bigla tuloy akong naiinggit sa kanila. Mabuti pa sila, payapa sa itaas samantalang ang isip ko ay parang ulap na gumagalaw sa kahit saang panig dahil sa malakas na hangin na tumatangay sa kanila.Iniisip ko ang sinabi ni Liam sa akin.
Elara PovHindi ako masyadong nakatulog sa sofa kaya maaga akong nagising. Nagdesisyon akong umakyat sa silid ko para maligo dahil papasok ako sa office ng maaga. Doon na lang din ako kakain ng breakfast. Habang paakyat ako sa hagdan ay nakasalubong ko ang katulong na si Mercy."Good morning, Elara. Ba't ang aga mo yatang nagising ngayon?" bati niya sa akin nang nakangiti."Maaga akong pupunta sa office kaya gumising ako ng maaga," sagot ko sa kanya. Lihim akong nagpasalamat na nauna akong nagising bago pa man siya makababa sa sala kaya hindi niya ako nakitang sa sofa natulog.Tumango lamang si Mercy bago nag-excuse para gawin na ang nakagawian nitong trabaho sa ganoong oras. Ako naman ay itinuloy ang pagpunta sa silid ko. Nadatnan kong tulog pa rin si Alexander sa kama ko pagpasok ko sa silid. Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Gusto ko pag nagising na siya ay nakaalis na ako sa bahay niya. Mas mabuting wala na ako rito bago pa siya magising.I just took a quick shower. K
Alexander PovHindi mapigilan ni Edzel na pagtawanan ako matapos marinig ang ikinewento ko sa kanya. Sinabi ko kasi sa kanya ang ginawa ni Elara sa akin habang lasing ako."It's not funny, bro. Naiinis ako," nakasimangot na sabi ko sa kanya. Huminto naman siya sa pagtawa ngunit halatadong pinipigilan lamang nito ang sarili para huwag matawa."I think I started to like Elara, bro. Mabuti nga at hinila ka niya na para ng bigas at pinatulog sa kama niya kaysa naman hinila ka niya papuntang banyo at foon pinatulog," komento nito habang napapailing at natatawa pa ng bahagya. Ini-imagine siguro nito kung ano ang hitsura ko habang hinihila ni Elara at lalo na iyong sinabi nitong hinalik-halikan ko raw ang sahig dahil nagha-hallucinate ako na may diyosa sa harapan ko, kung totoo man ang sinabi niya at hindi lamang niya ako ginogoyo.Kahit anong ungkat ko sa aking isip ay hindi ko talaga maalala na ginawa ko ang bagay na sinabi ang babaeng iyon. Ini-imagine ko pa nga lang ang sarili ko na hina
Elara PovNapaganda ng panaginip ko. Naglalakad daw ako paakyat sa stage para tanggapin ang trophy bilang winner sa Intercontinental Fashion Designer Competition. Suot ko ay mahaba at makintab na pulang evening gown na umaabot hanggang sa aking talampakan at may mahabang slit sa kaliwang hita na nage-exposed sa maputi at makinis kong balat. Napakasaya ko dahil sa wakas ay natupad na rin ang matagal ko nang inaasam na mangyari. Ang mag-uwi ng trophy at karangalan para sa bansa ko at siyempre para makilal ang pangalan ko sa mundo ng pagdi-disenyo. Sa panaginip ko ay napakaraming tao ang nakatingin sa akin at lahat sila ay nakangiti. Lahat sila ay masaya sa karangalang nakamit ko. Maraming nagkikislapang camera mula sa mga photographer at media mula sa iba't ibang bansa ang kumukuha sa akin ng litrato. Hindi na ako takot sa maraming tao. Kaya ko nang humarap sa kanila nang nakangiti at nakataas ang noo.Ngunit nang tatanggapin ko na ang trophy ay bigla na lamang akong nagising sa napak
Elara Pov"Congratulations, Elara! Sinasabi ko na nga ba't ikaw ang mananalo sa contest." Tuwang-tuwa na iniabot ni Liam sa akin ang napakagandang trophy na napanalunan ko sa katatapos pa lamang na designer's competition. Kung ini-expect ng kaibigan ko na ako ang mananalo sa contest ay kabaliktaran naman ang iniisip ko. Maraming magagaling na fashion designer ang kasali sa contest kaya hindi ako nag-expect na mananalo ako. Masaya na nga ako kahit makapasok lamang sa top ten ang design ko, iyon pa kayang ako ang manalo? Kaya naman sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.Kadarating pa lang ni Liam mula sa ibang bansa kung saan ginanap ang contest. Ang kaibigan ko ang nag-proxy sa akin at siyang tumanggap ng award. Kahit anong tanong sa kanya ng mga reporter kung sino si EN ay wala silang nakuhang impormasyon sa kanya. Ang EN ay nagmula sa Elara Nobleza na siyang tunay kong pangalan. Nag-alyas ako dahil ayokong may makaalam sa tunay kong pagkatao. Hindi naman ako naging fashion designer
Elara Pov"Sagutin mo ang tanong namin, Miss. Ikaw ba ang asawa ni Mr. Alexander Reed na isang bilyonaryo?" tanong ulit sa akin ng reporter."Bigyan mo naman kami ng tips paano makakasungkit ng mayamang bilyonaryo,"sabi naman ng isa pang reporter.Paulit-ulit ang tanong nila. Nakangiti sila sa akin na para bang masaya sila na nakapangasawa ako ng bilyonaryo ngunit sa kalooban nila ay pinagtatawanan nila ako. Kinukutya. Dahil iniisip nila na pinikot ko lamang si Alexander kaya niya ako pinakasalan. Pera lamang niya ang habol ko sa kanya. Ang tingin nila sa akin ay walang pinagkaiba sa tingin sa akin ng mga ka-schoolmate ko noon. Iyong klase ng tingin na may ginawa akong kasalanan. Isang imoral na kasalanan na hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng tao.Unti-unting bumalong ang luha sa aking mga mata. Tinakpan ko ng mga palad ko ang aking magkabilang tainga at bahagyang napayuko. Ang katawan ko ay nanginginig at nagpapawis. Nahihirapan akong huminga. Bakit nila ito ginagawa sa akin? An
Elara Pov Pag-uwi ko sa bahay ay hindi na ako nagtaka nang makita kong naghihintay sa akin si Alexander. Nakaupo ito sa sala at agad na tumayo nang makita akong pumasok sa loob ng bahay. "Bakit ngayon ka lang, Elara? Kanina pa ako naghihintay sa'yo. Alam mo ba kung anong oras na?" may halong inis ang boses na sita sa akin ni Alexander. "Sinabi ko ba na hintayin mo ako? At baka nakakalimutan mo na nasa contract agreement natin na uuwi ako kung kailan ko gusto at wala tayong pakialamanan sa isa't isa," inis na paalala ko sa kanya. Hindi umimik si Alexander at tumitig lamang sa akin. "Tell me, why are you waiting for me?" tanong ko kahit na nahuhulaan ko na kung bakit nagtiyaga siyang maghintay sa akin hanggang ganitong oras. Sinadya ko talagang umuwi ng dis-oras ng gabi para pagdating ko sa bahay ay tulog na ang lahat. Nanatili muna ako sa bahay ni Liam at doon na rin ako kumain ng hapunan bago nagpahatid sa kanya pauwi sa bahay. "I just want to know if you're okay. Nakita ko k
Elar PovSuot ang skyblue strapless gown na abot hanggang kalahati ng hita ko ay natutuwang pinaikot ako ni Liam sa harapan ng salamin. Ang kaibigan ko ang pumili ng isusuot kong formal dress para sa party na dadaluhan namin ni Sam. Ito ang unang beses na mag-aattend ako sa party magmula nang magkaroon ako ng social phobia kaya naman gusto nito ay maging magandang-maganda ang hitsura ko, though hindi naman makikita ng mga guest ang mukha ko dahil magsusuot ako ng maskara na katerno ng kulay ng aking gown.Simpleng tube gown lamang ang suot ko. Walang ibang design maliban sa backless at kumikinang na mga glitters na nagkalat sa buong dress. Maging ang isusuot kong maskara ay may mga glitters din na tiyak kapag matamaan ng ilaw mamaya ay siguradong mas kikinang.Tenernuhan ko ng white na sapatos na may one and a half inches heels ang damit kaya mas lalo akong tumangkad. At siyempre, para mas bagay ay isang branded na kulay skyblue na clutch bag ang ibinigay sa akin ni Liam. Regalo raw
ElaraMatapos bumalik ang lakas ko ay nagpasama ako kay Liam para bisitahin ang puntod ng mga magulang ko. Muli, hindi ko napigilan ang mapahagulgol sa harap ng kanilang puntod. Ang sakit at bigat sa dibdib na wala na sila. Parang ngayon pa lang masyadong nagsi-sink in sa isip ko na wala na talaga sila. Na kahit kailan ay hindi ko na sila makikitang buhay at mayayakap ng mahigpit.Mas madali ko sigurong matatanggap na wala na ang mga magulang ko kung pareho silang namatay sa sakit o di kaya ay sa aksidente. Ngunit ang kaalaman na pinatay sila at pinilit nilang lumaban para mailigtas ang kanilang buhay ay nagpapahirap sa akin na tanggapin ang katotohanan na iniwan na nila ako."Tahan na, Beshy. Baka kung mapaano ka naman dahil sa labis na pag-iyak," awat sa akin ni Liam habang marahang hinahagod ng palad niya ang likuran ko.Pinahid ko ang aking mga luha at binigyan ng isang malungkot na ngiti ang kaibigan ko. "Don't worry, Bestie. Hindi na mauulit ang nangyari sa akin.""You can cry,
ElaraMasakit mang tanggapin ang nangyari sa mga magulang ko ay pilit ko iyong tinanggap. Hindi ako gagaling at babalik sa normal kung hindi ko ma-overcome ang trauma ko sa pagkamatay ng mga taong pinakaimportanteng tao sa sa akin. Ito na ang pangalawang beses na nagkaroon ako ng trauma. At parehong connected kay Alexander ang aking mga nagiging trauma. Hindi na dapat nagtagpo ang mga landas naming dalawa. Baka hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga magulang ko."Kumain ka, Beshy. Naglugaw ako para sa'yo. Sabi kasi ng doktor ay huwag ka munang pakainin ng matitigas na pagkain kaya pagtiyagaan mo na lamang ang niluto kong lugaw. "Dinala ni Liam sa bedside table ang dala nitong lugaw at isang baso ng tubig. Nakikita ko sa kilos at pagsasalita ng kaibigan ko na nais nitong maiyak ngunit pinigilan nito ang sarili. Siya na lamang ang kinakapitan ko. Kung katulad ko ay magbi-breakdown din siya ay sino na ang mag-aasikaso sa akin? Napakalaki ng utang na loob ko kay Liam. May sarili siyan
Elara Tulala ako habang nakahiga sa aking kama. Sa tabi ng kama ko ay nakaupo si Liam na hindi malaman kung ano ang gagawin. Magmula nang pagbalikan ako ng aking malay ay hindi pa ako nagsasalita. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng kakayahang magsalita. Hindi ko mahagilap ang boses ko kahit na gusto kong magsalita, humagulgol at sumigaw ng malakas. Paggising ko ay nakaupo na sa gilid ng kama ko ang aking kaibigan at marahang hinahaplos ang aking buhok. Halatado na katatapos pa lamang nitong umiyak. Siguro ay tumawag siya sa akin at nang hindi ko sinasagot ang tawag niya ay nagpunta na siya sa bahay ng mga magulang ko para alamin kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag niya. At malamang nang dumating siya ay nalaman niya mula sa mga taong nag-uusyuso kung ano ang nangyari sa mga magulang ko. "Magsalita ka naman, Beshy. Huwag ka namang ganyan. Tinatakot mo ako," kausap sa akin ni Liam. Bahagyang nag-crack ang boses nito sanhi ng pagpipigil nitong umiyak. "Ano na ang gagawin ko magi
Nagliligpit ako ng mga gamit ko sa ibabaw ng table ko at naghahanda para umuwi sa araw na iyon nang pumasok sa office ko si Liam. Malawak ang pagkakangiti nito nang maupo ito sa upuan na nasa harapan ng table ko. "What is it again this time? Malawak ang ngiti mo kaya natitiyak ko na may plano ka naman para sa akin, right?" Inunahan ko na siya. Kapag ganito kasi ang kilos niya pagpasok sa office ko ay tiyak may balak na naman itong gawin. "Don't worry, Beshy. This time, wala akong balak na iset-up ka ng date. I just came to follow-up," nakangiting sagot nito sa akin. Tumaas ang kilay sa sinabi niya. "Follow-up? For what?" Ano naman ang ipa-follow-up niya sa akin? "It's about my friend Rex. So, what do you think of him?" Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang siya. Maayos naman siyang kausap. Gentleman siya at hindi bastos." "That's it? Wala ka nang ibang sasabihin pa tungkol sa kanya?" tanong ni Liam na biglang nalukot ang ilong nang marinig ang sinabi ko. "Wala ka bang spark n
Elara Pagkalabas ni Alexander sa hospital ay ini-expect ko na pupuntahan niya ako sa bahay ng mga magulang ko. Ngunit hindi iyon nangyari. Aminin ko man o hindi ngunit nakaramdam ako ng disappointment dahil doon. Hindi na rin siya nagtangkang puntahan ako sa kompanya namin. Naisip ko na baka na-realized niyang mabuti nga siguro na magkahiwalay na kami para walang gulo. "Beshy, may lakad ka ba mamayang gabi?" tanong sa akin ni Liam. Nasa loob kami ng opisina niya at nagmi-meryenda. Breaktime kaya nagkaroon kami ng time na magkuwentuhan. "Wala naman. Bakit?" "Can you come with me?" Nagdududang tinapunan ko siya ng tingin. "Ano na namang kalokohan ang nais mong gawin?" Umirap sa akin si Liam bago sumagot. "Hindi ito kalokohan, girl. May kakilala akong gusto ka niyang makilala. Actually, nakita ka na raw niya ng ilang beses ngunit wala siyang courage na lumapit sa'yo at magpakilala. Kaya hiningi na niya ang tulong ko since alam naman niyang best friend kita." "Another blind d
Elara Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko mula sa doktor na nag-asikaso kay Alexander na maayos na ang kalagayan niya. Hindi naman grabe ang tinamong pinsala niya sa ulo. Pasalamat din ako nang lumabas ang resulta ng CT Scan nito at hindi nagkaroon ng damage ang utak nito.Nang malaman kong okay na si Alexander at ano mang oras ay magigising na ito ay saka lamang ako nagpasyang umalis ng hospital. Ngunit pinigilan ako ni Edzel nang makita niyang aalis na kami ni Liam."Hindi mo ba hihintayin na magising si Alex bago ka umalis, Elara? Tiyak hahanapin ka niya kapag nagkamalay na siya," sabi ni Edzel sa akin. Alam ko na nais lamang niyang manatili ako sa tabi ni Alexander para magkaroon kami ng pagkakataong makapag-usap. Ngunit nakapagdesisyon na ako na tuluyan ko na siyang lalayuan kaya hindi ko na kailangan na manatili pa sa kanyang tabi."Sabi ng doktor ay ligtas na siya. Nandito naman kayo ni Rona kaya may magbabantay sa kanya," malamig ang boses na sagot ko sa kanya. Pagkatapo
ElaraMagmula nang ni-reject ko sa harapan ng maraming tao ang marriage proposal sa akin ni Alexander ay himalang gumaling ako sa karamdaman ko. Biglang nawala ang aking social phobia. Kung ano-anong paraan na ang ginawa namin noon pero walang epekto. At hindi ko akalain na ang makakapagpagaling lang pala sa akin ay iyong maranasan din ni Alexander ang mapahiya sa harapan ng maraming tao na ako ang may kagagawan.Pinadalhan ko siya ng divorce paper para lubusan na akong makakawala sa kanya. Masakit pero kailangan kong tanggapin na hanggang dito na lang kami. Ilang araw lamang ay bumalik na sa akin ang divorce paper na pirmado ni Alexander. Para lubusang wala na kaming koneksiyon sa isa't isa ay binayaran namin ni Papa ang mga nagastos ng ina ni Alexander sa pagpapagamot kay Papa. Hinintay ko na kasuhan ako ni Alexander sa pag-breach ng contract agreement namin gaya ng sinabi niya sa akin noon ngunit hindi naman niya ako kinasuhan. Siguro ay nagi-guilty pa rin siya dahil kung hindi sa
ElaraSa halip na sa dinner sa isang restaurant ay sa bar ni Edzel ako pinapapunta ni Alexander. May sasabihin daw siya sa akin kaya sa bar na lang daw kami magkita.Alam ko nakita niya ang kotse ko paglabas nila ni Edzel ng bahay kanina ngunit hindi siya nag-abala na tawagan ako at i-confirm kung nasa bahay ba ako. Pero mabuti nga at hindi niya ako tinawagan dahil maririnig lamang niya sa boses ko ang pag-iyak.Tinawagan ko si Liam at pinapunta sa bahay para siyang magmaneho ng kotse ko. Hindi nagtagal ay dumating ito."Bakit need mo ng driver, beshy? May balak ba kayong magpakalasing ni Alexander kaya pinapunta mo ako?" nangiting biro sa akin ng kaibigan ko. Sa malas ay wala itong kaalam-alam sa nangyari."I will treat you dinner," sabi ko sa kanya."Bakit? Hindi ba tuloy ang dinner date ninyo ni Alexander?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot sa halip ay pumasok ako sa kotse ko. "What's wrong, Elara? Nag-away ba kayo ni Alexander kaya parang wala ka sa mood
ElaraGaya nga ng sinabi ni Alexander ay tinulungan niya akong ma-overcome ko ang aking fear sa pagharap sa mga tao lalo na kung sa akin naka-pokus ang kanilang atensiyon. Isinama niya ako sa mga parties at events na kanyang dinadaluhan. Sinasadya niya na maagaw ko ang atensiyon ng mga tao para subukan kong makakaya kong humarap sa kanila ng hindi nati-trigger ang aking phobia. Ngunit kahit anong gawin niya ay wala talagang epekto. Hindi ko pa talaga kayang humarap sa maraming tao kung sa akin nakapokus ang kanilang atensiyon.Hindi naman minadali ni Alexander ang aking paggaling. Batid niya na hindi basta-basta gagaling agad ang taong nagsa-suffer ng mga ganitong klaseng sakit sa loob lamang ng ilang araw. "Hoy, beshy!" Napapitlag ako nang marinig ko ang malakas na boses ng kaibigan ko kasabay ng pagpitik ng kanyang mga daliri sa harap ng mga mata ko. "Ikaw pala, bestie. Bakit? May kailangan ka sa akin?" "Ano ka ba? May problema ka ba? Kanina pa ako nagsasalita sa harapan mo ay wa