Alexander PovTahimik akong umiinom ng alak sa sulok ng bar na pagmamay-ari ni Edzel, ang best friend ko. Actually, co-owner din ako sa bar na ito. Dalawa kaming nagtayo sa negosyong ito dahil pareho kaming mahilig sa night life noong nag-aaral ako ng college abroad. Sabay kaming nag-graduate at bumalik sa bansa. Nag-open kami ng bar para kapag gusto naming uminom o mag-relax kapag may oras sa aminh mga busy schedules ay hindi na namin kailangan pang maghanap ng bukas at hindi mataong bar. Ngunit hinayaan kong si Edzel na lang ang mag-isang mag-manage ng bar dahil marami na akong responsibilidad sa balikat ko. Magmula nang bumalik ako sa bansa ay ako na ang namahala sa mga negosyong dati ang mom ko ang namamahala. Ngayon ay ako na ang CEO ng Reed Conglomerate. Nago-operate ito sa iba't ibang sektor tulad ng real estate, banking, at marami pang iba. Siguro, ang uri ng pamumuhay na mayroon ako ang siyang dahilan kung bakit hindi tumigil si Elara para magtagumpay ang plano nitong maging
Elara PovKanina pa ako nakahiga sa kama ngunit hindi ako makatulog. Naligo na nga ako para mapreskuhan ang pakiramdam ko at makatulog agad ngunit wala iyong epekto. Hanggang ngayon ay mulat pa rin ang mga mata ko at pabiling-biling sa higaan. Para bang maalinsangan sa katawan.Humugot ako ng malalim bago nagpasyang bumangon at bumaba sa kama. Kinuha ko ang nakasampay na puting bathrobe at isinuot bago ako lumabas sa kuwarto ko. May terrace sa tabi ng aking silid kaya nagpasya akong doon magpahangin at magpa-antok. Humawak ako sa barandilya at tumingala sa kulay blue na kalangitan. Maliwanag ang bilog na buwan kaya naman kitang-kita ko rin kung gaano kaaliwalas ng kalangitan. Napakatahimik pagmasdan ang mga ulap na marahang gumagalaw sa ihip ng hangin. Bigla tuloy akong naiinggit sa kanila. Mabuti pa sila, payapa sa itaas samantalang ang isip ko ay parang ulap na gumagalaw sa kahit saang panig dahil sa malakas na hangin na tumatangay sa kanila.Iniisip ko ang sinabi ni Liam sa akin.
Elara PovHindi ako masyadong nakatulog sa sofa kaya maaga akong nagising. Nagdesisyon akong umakyat sa silid ko para maligo dahil papasok ako sa office ng maaga. Doon na lang din ako kakain ng breakfast. Habang paakyat ako sa hagdan ay nakasalubong ko ang katulong na si Mercy."Good morning, Elara. Ba't ang aga mo yatang nagising ngayon?" bati niya sa akin nang nakangiti."Maaga akong pupunta sa office kaya gumising ako ng maaga," sagot ko sa kanya. Lihim akong nagpasalamat na nauna akong nagising bago pa man siya makababa sa sala kaya hindi niya ako nakitang sa sofa natulog.Tumango lamang si Mercy bago nag-excuse para gawin na ang nakagawian nitong trabaho sa ganoong oras. Ako naman ay itinuloy ang pagpunta sa silid ko. Nadatnan kong tulog pa rin si Alexander sa kama ko pagpasok ko sa silid. Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Gusto ko pag nagising na siya ay nakaalis na ako sa bahay niya. Mas mabuting wala na ako rito bago pa siya magising.I just took a quick shower. K
Alexander PovHindi mapigilan ni Edzel na pagtawanan ako matapos marinig ang ikinewento ko sa kanya. Sinabi ko kasi sa kanya ang ginawa ni Elara sa akin habang lasing ako."It's not funny, bro. Naiinis ako," nakasimangot na sabi ko sa kanya. Huminto naman siya sa pagtawa ngunit halatadong pinipigilan lamang nito ang sarili para huwag matawa."I think I started to like Elara, bro. Mabuti nga at hinila ka niya na para ng bigas at pinatulog sa kama niya kaysa naman hinila ka niya papuntang banyo at foon pinatulog," komento nito habang napapailing at natatawa pa ng bahagya. Ini-imagine siguro nito kung ano ang hitsura ko habang hinihila ni Elara at lalo na iyong sinabi nitong hinalik-halikan ko raw ang sahig dahil nagha-hallucinate ako na may diyosa sa harapan ko, kung totoo man ang sinabi niya at hindi lamang niya ako ginogoyo.Kahit anong ungkat ko sa aking isip ay hindi ko talaga maalala na ginawa ko ang bagay na sinabi ang babaeng iyon. Ini-imagine ko pa nga lang ang sarili ko na hina
Elara PovNapaganda ng panaginip ko. Naglalakad daw ako paakyat sa stage para tanggapin ang trophy bilang winner sa Intercontinental Fashion Designer Competition. Suot ko ay mahaba at makintab na pulang evening gown na umaabot hanggang sa aking talampakan at may mahabang slit sa kaliwang hita na nage-exposed sa maputi at makinis kong balat. Napakasaya ko dahil sa wakas ay natupad na rin ang matagal ko nang inaasam na mangyari. Ang mag-uwi ng trophy at karangalan para sa bansa ko at siyempre para makilal ang pangalan ko sa mundo ng pagdi-disenyo. Sa panaginip ko ay napakaraming tao ang nakatingin sa akin at lahat sila ay nakangiti. Lahat sila ay masaya sa karangalang nakamit ko. Maraming nagkikislapang camera mula sa mga photographer at media mula sa iba't ibang bansa ang kumukuha sa akin ng litrato. Hindi na ako takot sa maraming tao. Kaya ko nang humarap sa kanila nang nakangiti at nakataas ang noo.Ngunit nang tatanggapin ko na ang trophy ay bigla na lamang akong nagising sa napak
Elara Pov"Congratulations, Elara! Sinasabi ko na nga ba't ikaw ang mananalo sa contest." Tuwang-tuwa na iniabot ni Liam sa akin ang napakagandang trophy na napanalunan ko sa katatapos pa lamang na designer's competition. Kung ini-expect ng kaibigan ko na ako ang mananalo sa contest ay kabaliktaran naman ang iniisip ko. Maraming magagaling na fashion designer ang kasali sa contest kaya hindi ako nag-expect na mananalo ako. Masaya na nga ako kahit makapasok lamang sa top ten ang design ko, iyon pa kayang ako ang manalo? Kaya naman sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.Kadarating pa lang ni Liam mula sa ibang bansa kung saan ginanap ang contest. Ang kaibigan ko ang nag-proxy sa akin at siyang tumanggap ng award. Kahit anong tanong sa kanya ng mga reporter kung sino si EN ay wala silang nakuhang impormasyon sa kanya. Ang EN ay nagmula sa Elara Nobleza na siyang tunay kong pangalan. Nag-alyas ako dahil ayokong may makaalam sa tunay kong pagkatao. Hindi naman ako naging fashion designer
Elara Pov"Sagutin mo ang tanong namin, Miss. Ikaw ba ang asawa ni Mr. Alexander Reed na isang bilyonaryo?" tanong ulit sa akin ng reporter."Bigyan mo naman kami ng tips paano makakasungkit ng mayamang bilyonaryo,"sabi naman ng isa pang reporter.Paulit-ulit ang tanong nila. Nakangiti sila sa akin na para bang masaya sila na nakapangasawa ako ng bilyonaryo ngunit sa kalooban nila ay pinagtatawanan nila ako. Kinukutya. Dahil iniisip nila na pinikot ko lamang si Alexander kaya niya ako pinakasalan. Pera lamang niya ang habol ko sa kanya. Ang tingin nila sa akin ay walang pinagkaiba sa tingin sa akin ng mga ka-schoolmate ko noon. Iyong klase ng tingin na may ginawa akong kasalanan. Isang imoral na kasalanan na hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng tao.Unti-unting bumalong ang luha sa aking mga mata. Tinakpan ko ng mga palad ko ang aking magkabilang tainga at bahagyang napayuko. Ang katawan ko ay nanginginig at nagpapawis. Nahihirapan akong huminga. Bakit nila ito ginagawa sa akin? An
Elara Pov Pag-uwi ko sa bahay ay hindi na ako nagtaka nang makita kong naghihintay sa akin si Alexander. Nakaupo ito sa sala at agad na tumayo nang makita akong pumasok sa loob ng bahay. "Bakit ngayon ka lang, Elara? Kanina pa ako naghihintay sa'yo. Alam mo ba kung anong oras na?" may halong inis ang boses na sita sa akin ni Alexander. "Sinabi ko ba na hintayin mo ako? At baka nakakalimutan mo na nasa contract agreement natin na uuwi ako kung kailan ko gusto at wala tayong pakialamanan sa isa't isa," inis na paalala ko sa kanya. Hindi umimik si Alexander at tumitig lamang sa akin. "Tell me, why are you waiting for me?" tanong ko kahit na nahuhulaan ko na kung bakit nagtiyaga siyang maghintay sa akin hanggang ganitong oras. Sinadya ko talagang umuwi ng dis-oras ng gabi para pagdating ko sa bahay ay tulog na ang lahat. Nanatili muna ako sa bahay ni Liam at doon na rin ako kumain ng hapunan bago nagpahatid sa kanya pauwi sa bahay. "I just want to know if you're okay. Nakita ko k
ElaraNang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng silid ni Alexander at nakahiga sa kama. Sa tabi ng kama ay nakaupo sina Rona at Alexander habang nagbabantay sa akin. Gumalaw ako para malaman nilang gising na ako."You finally woke up, Elara. Labis akong nag-alala sa'yo," natutuwang bulalas ni Alexander na siyang unang nakapansin sa akin. Tinulungan niya akong makabangon sa kama at maupo na lamang. "Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?"Mabagal akong umiling. "Okay lamg ako.""I'm sorry, Elara. Hindi ko sinasadyang maitulak ka sa fountain. Gusto ko lang naman kayong pigilan ni Marion sa pag-aaway," paumanhin ni Rona sa akin, hinawakan nito ang isa kong kamay at marahang pinisil. "Kasalanan ko rin ang nangyari. Kung hindi lang kita iniwan para samahan ang kaibigan ko sa pag-iikot sa bawat table ng mga bisita niya ay hindi ka sana malalapitan ng babaeng iyon. I don't know that she was holding a grudge against you because you married my brother. Nagkataon namang kaib
ElaraHindi ko na mabilang kung ilang beses akong lumunok ng laway at palihim na humugot ng malalim na buntong-hininga habang kaharap ang sa mesa ang tatlong babaeng lumapit sa akin. Nasa isang birthday party kasi ako ngayon at tahimik na kumakain sa mesa na pang-apatan ngunit mag-isa lamang akong nakaupo.Si Rona ang nagsama sa akin sa party. Wala naman daw akong gagawin sa bahay ngayong gabi kundi ang matulog lang kaya pinilit niya akong isama. Hindi sana niya ako mapipilit na sumama sa kanya ngunit sumang-ayon si Alexander sa kapatid nito na sumama ako sa party para raw paminsan-minsan ay makisalamuha ako sa ibang tao. Napansin kasi nila na kapag may party o event na pupuntahan sila ay hindi ako sumasama. Hindi naman kasi nila alam na kaya mas gusto kong manatili na lamang sa bahay ay dahil nag-aalala akong umatake ang aking social phobia at mapahiya lamang ulit ako sa harapan ng maraming tao katulad ng nangyari sa akin noon. Ayokong matuklasan ni Alexander na siya ang dahilan kung
ElaraPareho kaming tahimik na nakaupo ni Alexander sa sofa at tila walang nais na maunang magsalita. Ayokong maunang magsalita dahil wala naman akong sasabihin sa kanya. Siya ang nagpunta rito kaya siya ang may sadya sa akin. Ngunit parang hinihintay niya muna kung ano ang sasabihin ko kaya hindi rin siya nagsasalita."Paano mo nalaman kung nasaan ang bahay ko?" Hindi ako nakatiis sa awkward na katahimikang bumabalot sa amin kaya napilitan na akong maunang magsalita."I secretly followed you," sagot ni Alexander sa mahinang boses. "Nagising ako nang bumangon ka sa kama kaya nang lumabas ka sa silid ko ay agad din akong bumangon at nagbihis pagkatapos ay dali-dali akong lumabas sa kuwarto para sundan ka.""Nagpanggap kang tulog pa para masundan mo kung nasaan ang bahay ko?" nakasimangot na sabi ko sa kanya. Para pala akong temang na labis ang pag-iingat na huwag siyang magising tapos iyon pala ay gising na pala siya at nagpapanggap lamang na tulog."I'm sorry. I have no choice. I kno
ElaraAlam kong lasing si Alexander at baka nanaginip siya kaya niya ako hinalikan ngunit hinayaan ko siya sa ginagawa niya. Hindi ko lang siya hinayaan kundi tinugon ko pa ng buong puso ang kanyang mga halik. I missed him so much. At ngayon ay natutugunan ang pananabik ko sa kanya."Uuhmm," hindi ko napigil ang mapaungol sa pagpasok ng dila niya sa aking bibig at ekspertong nilaro ang aking dila na natuto na ring makipaglaro sa dila niya.Naramdaman ko ang pagpasok ng isang kamay niya sa loob ng suot kong blouse at sinapo ang dibdib kong natatabingan pa ng bra. Gumalaw ang kamay nito sa loob ng damit ko at minasahe ang dibdib ko. Hindi siguro ito nakuntento kaya may pagmamadaling hinubad nito ang suot kong blouse at isinama na ang suot kong bra. Tumitig ako sa mukha ni Alexander dahil parang hindi siya lasing kung kumilos. Para bang alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Ngunit nakapikit ng mariin ang mga mata nito kaya hindi ko alam kung nagtutulog-tulugan lang ba siya at kunwari
Alexander "Huwag mo akong pakialaman, Edzel! Wala kang pakialam sa akin! Hayaan mo akong uminom. Gusto kong malasing, okay?" Tinabig ko ang kamay ng kaibigan ko nang akmang aagawin niya ang bote ng beer na hawak ko. It's been three days magmula nang umalis sa bahay si Elara at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko sa kanya. Pinuntahan ko siya sa kompanya nila ngunit ang sabi ni Liam ay naka-leave daw ang kaibigan nito. Ayaw naman naman niyang sabihin sa akin kung saan ang bahay ni Elara kaya hindi ko siya mapuntahan kung nasaan man siya ngayon. Pakiramdam ko ay pinagtataguan niya ako.Natatakot ako. Natatakot ako na baka pagbalik niya sa bahay ay may dala na siyang divorce papers. To hell with that divorce paper. Ayokong makipag-divorce sa kanya. Inaamin ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Ngunit gusto ng mga kanyang ama na makipag-divorce siya sa akin. I know, dahil ito sa ginawa ko sa kanya noon na ngayon ay pinagsisiha
Elara "Elara! Elara!"Bigla akong napabalikwas sa higaan nang marinig ko ang malakas na boses ng nag-aalala kong kaibigan sa labas ng pintuan ng bahay ko. Kahit na inaantok pa ako dahil halos mag-umaga na nang sa wakas ay inantok ako ay bumangon pa rin ako sa kama at pinagbuksan ang kaibigan ko."It's too early— Naudlot ang sasabihin ko nang bigla akong niyakap ni Liam ng mahigpit pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan."I'm glad you're okay. I'm sorry I just came now. Kagigising ko lang kasi kaya kababasa ko pa lang sa text mo. Nang mabasa ko ang message mo ay agad kitang pinuntahan," sabi niya sa akin habang nakayakap ng mahigpit. "I'm okay. Pero hindi ako ngayon kasi gusto mo nang durugin ang mga buto ko," hindi ko napigilan ang magreklamo sa kanya.Agad naman niya akong pinakawalan at hinila papasok sa loob ng bahay at iniupo sa sofa."Nakilala mo ba kung sino ang taong nagtangkang pumasok sa bahay mo kagabi?" muling tanong nito, bagama't kalmado na ito ay nasa tinig pa rin ang
ElaraTahimik ang gabi at manaka-naka na lamang ang mga nagdaraang sasakyan sa kalsada. Malalim na rin ang tulog ko at ang tunog ng mangilan-ngilang sasakyan na nagdaraan sa kalsada ay hindi nakakagambala sa mahimbing kong pagtulog. Medyo malapit kasi sa highway ang bahay ko kaya hindi puwede na hindi maririnig mula sa labas ang tunog ng mga sasakyan sa labas.Habang mahimbing ang tulog ko ay bigla na lamang akong nagising na para bang may gumising sa akin. Agad kong sinipat ang oras sa cellphone ko na nakalagay sa gilid ng unan ko. Pasado alas dos ng madaling araw na pala. Wala pang eight ng gabi ay natulog na ako, pinilit palang matulog ang sarili ko para makapagpahinga ako sa pag-iisip kay Alexander.Maingat akong bumangon sa kama para lumabas sa silid ko. Nakaramdam kasi ako ng uhaw at maalinsangan ang paligid kaya siguro ako nagising. Kumuha ako ng isang baso ng malamig na tubig sa refrigerator at sinaid ang laman. Nabawasan ang alinsangan sa katawan ko nang maramdaman ko ang p
Elara Tahimik lamang ako habang naghahapunan kami nina Alexander at Rona. Nakikita kong pasulyap-sulyap sa akin ang magkapatid ngunit hindi naman sila nagtatanong sa akin. Pagkatapos naming kumain ay nag-excuse agad ako at umakyat sa silid ko. Sa silid ko ako nagtungo at hindi sa silid ni Alexander. Ilang minuto pa lamang akong nakakapasok sa silid ko nang marinig ko ang sunud-sunod na katok sa pintuan. Ini-expect ko na si Alexander ang kumakatok kaya hindi na ako nagulat nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan at hinayaan siyang pumasok sa loob bago ito isinara. "What's the problem, Elara? Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik mo? Ni hindi ka nga nagsalita habang kumakain tayo kanina. Hindi mo kami pinansin ni Rona na para bang wala kang nakikitang tao sa paligid," ani Alexander pagkapasok niya sa silid ko. "Tell me what's the problem. Haharapin natin iyon ng magkasama." Huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa mata. "Nagpunta r
ElaraUmalis ako ng bahay at nagtungo sa bahay ng kaibigan ko. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko kaya ang bigat-bigat ng dibdib ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin kay Rona ang pinag-usapan namin ni Papa lalo na kay Alexander. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mararamdaman niya kapag nalaman niyang nagtungo sa bahay niya ang mga magulang ko para pag-usapan ang pakikipag-divorce ko sa kanya.Sa bahay ni Liam ako nagtungo dahil wala naman pasok sa office ngayon. Kung hihintayin ko pa na dumating ang Monday para makausap ko siya at mailabas ang bigat na nasa loob ng dibdib ko ay baka bigla na lamang itong sumabog kapag hindi ko na napigilan.May susi ako sa bahay ni Liam kaya hindi na ako kumatok. Ginamit ko na lamang ang susi ko para makapasok sa loob. Katulad ko ay may spare key rin siya sa bahay ko kaya kapag gusto niyang magtungo sa bahay ay hindi na rin niya kailangan pang kumatok.Pagbukas ko ng pintuan ay agad na napakunot ang aking noo nang maamoy ko ang amoy-alak sa