NATAWA si Levi sa komento ni Jared. "Sinabi mo pa. Alam mo bang do'n sa ospital, para talaga silang mag-asawa na nag-aalala sa isa't isa. Tapos, boom! Dumating si Margaret at nagkagulo na ang lahat," kuwento pa niya. "At ito ang malupit--" Sabay hampas sa sariling hita dahil sa excitement. "May lalakeng bigla na lang kinuha si Katherine sa ospital tapos naabutan namin na--" bago pa man niya matapos ang sasabihin ay mabilis na siyang sinupalpal ni Cain sa bibig."Ang daldal mo talaga kahit na kailan!"Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Jared sa dalawa saka natawa. "Hindi ko alam na nagpapakalasing ka na ng dahil sa babae?" aniya kay Cain.Inalis naman ni Levi ang kamay nito sa kanyang bibig. "E, kung si Katherine lang din naman ang dahilan, why not?!""Anong sabi mo?!" react ni Cain."Ba't ko uulitin, narinig mo naman," ani Levi sabay pakita ng dila, senyales ng pang-aasar.Binato naman ni Jared si Levi ng takip ng bote ng alak. "Hindi mo ba alam ang kasabihan?" Saka umiling-iling. "
NAPAATRAS si Katherine sa gulat nang biglang sumulpot si Levi. Kahit si Luke ay ganoon din ang reaksyon.Naghintay si Levi ng sagot mula sa dalawa pero walang gustong magsalita kaya hinawakan na niya ang braso ni Katherine. "'Lika, sama ka sa'kin may pupuntahan tayo.""Sandali--" si Luke na akma itong pipigilan pero may isa pang lalake ang pumigil sa kanya."Ikaw nang bahala sa kanya," ani Levi sa assistant saka marahang hinila si Katherine."Sa'n tayo pupunta?""Gusto mong makita si Cain, 'di ba, kaya ka nasa labas ng kwarto? Pero wala siya ro'n, lumipat siya sa hide-out ko."Napakunot-noo si Katherine. Kung hindi lang niya kilala si Levi ay iisipin niyang miyembro ito ng sindikato sa pinagsasasabi.Sumakay sila ng elevator paakyat sa itaas na palapag. Habang naghihintay na makarating sa tamang floor ay napapangiti si Levi. Walang duda na tama ang hinala niya na hindi ito kayang tiisin ni Katherine, iyon nga lang ay nagwala na si Cain sa bar kaya ang pagkukunwaring nasaktan ito ay na
NAKAKAKABA ang kulog at kidlat na may pinaghalong malakas na buhos ng ulan. Parang sumasabay sa nararamdaman ni Katherine ng mga oras na iyon. Pinaghalong galit, lungkot at sakit.Dama niya rin ang lamig, gaya ng panlalamig niya nang masaksihan ang tagpo kanina.Nagbabadya ang kanyang luha habang paulit-ulit na sumasagi sa isip ang naabutang eksena. Si Cain na nasa kama habang nasa ibabaw naman si Margaret.Hindi niya gustong umiyak pero tinatraydor na siya ng sariling damdamin kaya mariin na lamang siyang pumikit kaysa pumatak pa ang luha sa mga mata.Ngunit bigla na lang prumeno ang sasakyan at muntik pa siyang mauntog sa upuan ng driver.Bago pa man siya makapagtanong kung anong nangyari ay nakita na niya sa harapan ang isang hindi kilalang sasakyan na humarang sa kanila. Pero hindi iyon ang bumigla kay Katherine kung hindi ang driver ng naturang kotse... si Cain!Madilim at matalim ang tingin nito na nagpakaba kay Katherine.Tinapik niya ang driver. "B-Bilis, Kuya. Umalis na tayo
SAMANTALANG sa mga oras na iyon sa ibang pribadong kwarto ay naroroon si Lian, magdamag na nakabantay sa Ama matapos na sabihin sa kanyang lumubha ang naging kondisyon nito.Pero sa ngayon ay ligtas na ito kaya napanatag na siya kahit papaano.Sa gabing iyon ay nagpasiya na siyang magpahinga dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapagpahinga kahapon.Sa sofa siya pumuwesto at tuluyan nang natulog.Walang kaide-ideya na ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto at palihim na pumasok si Jared na kagagaling lang sa kwarto ni Cain.Ito ang tinutukoy ni Levi na dadalawin niya, si Lian ang sadya niya sa pagpunta sa ospital. Ilang araw na rin kasi itong hindi sumasagot sa tawag maging sa messages ang dalaga. Kaya inalam na niya kung nasaan ito at dito siya dinala ng nakalap na impormasyon.Habang mahimbing itong natutulog ay nilingon ni Jared ang Ama nitong nasa hospital bed. Sa tingin niya ay hindi ito magigising kahit pa mag-ingay siya base na rin sa mga nakakabit na aparato sa
MAHIGPIT na hinawakan ni Jared ang braso ng dalaga saka ito hinila patungo sa pinto."S-Sa'n mo 'ko dadalhin?" ani Lian sabay lingon sa hospital bed. "Ano ba, Jared, bitawan mo 'ko, hindi ako sasama!" Kailangan niyang manatili dahil walang magbabantay sa kanyang Ama."Kapag nagmatigas kay makikita ng lahat sa social media ang s*x scandal natin. Tingnan ko lang kung may mukha ka pang maihaharap," banta ni Jared.Nabigla si Lian. Hindi niya akalaing kaya iyong gawin ng dating nobyo. Pero, malaki na nga pala ang pinagbago nito.At ayaw iyong mangyari ni Lian kaya wala na siyang nagawa kung hindi magpatianod kung saan lugar man siya dalhin nito.Hanggang sa sumakay sila sa kotse at nagmaneho si Jared paalis sa lugar. Panay ang tanong ni Lian kung saan siya nito dadalhin.Kaya tiningnan ito ni Jared nang masama. "Ang ingay mo!"Saka lang natahimik si Lian. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa condominium building.Minsan ng nakapunta si Lian sa lugar nang dalhin siya ni Jar
NANIGAS sa puwesto si Jared nang marinig ang boses nito lalo na nang yakapin ni Sheena mula sa likod.Pagak pa ngang natawa nang harapin ang mapapangasawa, hinalikan sa pisngi para itago ang kalokohang ginagawa.Kahit ang totoo ay matagal ng alam ni Sheena na nambababae ito. Hindi rin siya tanga para hindi malaman na may itinatago ito kanina sa closet kaya nga sinasadya niyang lakasan ang ung*l para marinig ng babae.Hinahayaan niya ang nobyo sa kalokohan hindi dahil sa mahal niya ito kung hindi ay dahil sa kailangan niya ang koneksyon at pera ni Jared.Dahil dito ay unti-unting gumaganda ang estado ng buhay nila. Isang malaking asset si Jared kaya bakit niya pakakawalan?Kesehodang ilang babae pa ang iuwi nito ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya ay ang perang mapapakinabangan ng buo niyang pamilya.MALAPIT na ang bukang-liwayway nang magising si Katherine. Nagtaka pa siya kung bakit nalipat sa hospital bed.Pero hindi niya na lamang pinagtuunan iyon ng pansin at bumangon p
HINDI na nabigla si Katherine sa inasta ni Margaret bago umalis. Kahit nakalabas na ito ay nanatili ang tingin niya sa pinto.Hanggang sa haplusin siya ni Cain sa likod. "Anong iniisip mo?"Lumingon si Katherine. "Inutusan mo ba siyang klaruhin ang naabutan ko kagabi, bakit?""Para hindi ka mag-isip ng kung ano-ano. Gusto kong maging maayos ang pagsasama natin dahil--""Pero pa'no siya? Pa'no ang kagustuhan kong maghiwalay na tayo?"Naglaho ang malamlam na tingin ni Cain saka naging matalim ang tingin. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi na tayo maghihiwalay. Hindi ko na pakakasalan si Margaret at mananatili ang pagsasama natin."Gustuhin man matuwa ni Katherine ay may parte sa puso niyang may agam-agam. Ramdam niyang hindi siya dapat matuwa at makampante dahil paniguradong babalikan siya ni Margaret.Hindi niya maisip na basta na lang itong papayag na magkipaghiwalay kay Cain lalo na ang hindi matuloy ang kasal. Dahil sa pinangangambahan ay hindi naitago ng kanyang eskpres
PABILIS nang pabilis ang kabog ng dibdib ni Katherine habang iniisip kung ano ang sunod na sasabihin nito.Lalo pa na ang tingin ni Cain ay sadyang mapaghinala."... Nagsi-stress eating ka?"Natulala si Katherine sa narinig. Tinitigan niya pa nang mabuti si Cain kung totoo ba iyong narinig niya at hindi lang basta nagha-hallucinate."P-Paki-ulit nga 'yung sinabi mo?" aniya na gustong kamutin ang tenga."Kako, kung nagsi-stress eating ka kaya ka medyo nagkakalaman," tugon ni Cain, na walang kaide-ideya sa totoong kondisyon ng asawa.Nahigit ni Katherine ang sariling hininga saka dahan-dahang nag-exhale. Buong akala niya ay nalaman na nito ang pagdadalang-tao niya.Hindi niya tuloy malaman kung dapat niya bang ikatuwa o hindi na wala pa rin itong ideya."Mabuting nagkakalaman ka pero hinay-hinay lang sa kinakain," ani Cain saka muling pinisil-pisil ang bewang ng asawa.Lumayo naman si Katherine at baka iba na ang mapisil nito. "Gusto mo bang kumain?" aniyang tinanguan nito.Sa nakalipas
SA SINABING iyon ng asawa ay naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Cain.Pinakatitigan niya nang mabuti ang mukha ni Katherine. Hindi ito nabigla sa ibinalita niya at base na rin sa reaksyon ay walang dudang alam nito."Hindi ka nagulat? Matagal mo na bang alam na nagdadalang-tao ka?""Malamang, katawan ko 'to kaya alam ko kung anong nangyayari," sarkasmong tugon ni Katherine."At hindi mo man lang sinabi sa'kin sa dami ng mga nangyari? Ba't mo nagawang ilihim?!" Saka huminga nang malalim. "'Yung nangyaring masama sa'yo no'ng minsan mong tinulungan si Mommy mula ro'n sa nag-snatch ng bag niya. Do'n sa birthday celebration ni Lolo Max na hanggang ngayon ay may bakas pa rin ng sugat mo sa likod. Iyong nahimatay ka sa ospital nang magtalo tayo at dinala ka ni Luke sa kung sa'ng lugar at ngayon, 'tong araw na ito ay dahil buntis ka?! Hindi mo ba naisip ang anak natin sa ginagawa mo?" mahaba niyang litanya."Kaya kong sarili ko, Cain.""Talaga? Kung kaya mo naman pala ang sarili mo, ba't na
TILA pinipiga ang puso ni Cain sa inaakto ng asawa. Ni minsan ay hindi niya nakitang magalit ng ganito si Katherine."Tama na, 'wag mong gawin 'to," bulong niya pa habang mahigpit itong yakap mula sa likod.Lumuwag ang pagkakahawak ni Katherine sa leeg ni Jean kaya ito umubo-ubo. Kumilos naman agad ang mga tauhan na inilayo ang dalaga upang hindi na muling manganib ang buhay.Agad naman tinakbo ni Belinda ang anak saka ito niyakap. Matapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Walang hiya ka, pagbabayaran mong ginawa mo sa anak ko!""Bagay lang sa kanya 'yun. Kulang pa nga kung tutuusin."Sa sinabi ni Katherine ay napasinghap si Belinda. Pero nang humagulgol ang anak ay ito na ang binigyan niya ng pansin."Mommy! Akala ko mamamat*y na 'ko," iyak ni Jean.Nagngitngit ang bagang ni Belinda saka nanlilisik ang mga matang tiningnan si Katherine. "Humanda ka, hindi ko palalampasin ang ginawa mong 'to!""Subukan niyo lang at ako ang makakaharap niyo," anas ni Cain saka ito tiningnan. "Sa
TATLONG ARAW ng napapansin ni Belinda na madalas ang pagkukulong sa kwarto ng anak na si Jean.Labis na siyang nababahala kaya sinadya niya ito. "Anak, pwede ba 'kong pumasok?" aniyang kinakatok ang pinto.Nang walang sumagot mula sa loob ay pinihit niya ang doorknob pero naka-lock naman. "Kung hindi mo 'to bubuksan ay mapipilitan akong pasukin ka sa loob," babala niya pa."'Wag!" hiyaw ni Jean mula sa kabilang dako ng pinto.Ilang sandali pa ay binuksan nito ang pinto saka tiningnan ang Ina na naluluha."Anong nangyayari, ba't ka umiiyak?" kinakabahang tanong ni Belinda. "Magsabi ka para alam ko ang gagawin."Sinabi naman ni Jean ang nangyari tatlong araw na ang nakakalipas."A-Ano?! Bakit mo naman 'yun ginawa?" react ni Belinda sa inamin ng anak."Gusto ko lang naman--" Saka kinagat ang ibabang labi. Hindi niya pwedeng sabihin na ginawa niya ang bagay na iyon ay upang malagl*g ang batang dinadala ni Katherine. Mas lalo siyang mapapahamak kapag nagkataon. "G-Gusto ko lang naman makag
MAGKASABAY na nagtungo sa emergency room sina Katherine at Yohan.Nang maiwan si Jean ay dali-dali naman itong naglakad palayo habang kagat-kagat ang sariling kuko. Kabado sa maaaring mangyari sa matanda."Bu*eset, ang simple-simple lang ng utos ko'y 'di pa nila magawa nang maayos. Ano nang gagawin ko?" Nababahala siyang baka mamatay ang Abuela ni Katherine.Hindi siya pwedeng malagay ulit sa alanganin at baka sa susunod ay hindi na siya tulungan ng sariling pamilya.Samantalang si Katherine at Yohan naman ay narating na ang emergency room ngunit sinalubong ng Nurse upang pigilan. "Pasensya na, Ma'am pero hindi kayo pwedeng lumapit.""P-Pero kailangan kong makita si Lola!" pakiusap ni Katherine."Hindi niyo po talaga pwedeng makita ang pasiyente, kritikal po ang kondisyon niya at pilit na nire-revive ng Doctor."Si Yohan naman na nakaalalay ay kinukumbinsi na itong huminahon, "'Wag mo na lang pilitin. Hayaan natin sila. Ang mas mabuti pa ay maghintay na lamang tayo rito."Sa huli ay h
PANDIDIRI ang makikita sa mukha ng mga babaeng naroon nang tingnan ang mga nagkalat na litrato."Huy, babae! Kung inaakala mong madadaan mo kami sa paiyak-iyak mo. Ba't hindi mo kaya muna tingnan ang itsura mo rito sa litrato?""Ano ba 'yan, nakakadiri!" komento ng isa."Jusko! Mahabaging langit.""Ang baboy naman nito!"Hanggang sa hindi na matigil ang mga ito sa pagkomento. Pagsasabi ng kung ano-anong masasamang salita habang si Katherine ay iiling-iling lang.Alam niya sa sariling gawa-gawa lang ang litrato, edited at imposibleng siya iyon dahil hindi niya magagawang maghubad sa harap ng camera. Mahiga sa kama kasama ang ibang lalakeng na ni sa panaginip ay hindi niya pa nakita."Totoo ba 'to, apo?"Umiling-iling si Katherine. "Hindi, 'La. Kahit na kailan ay hindi ko magagawa ang mga bagay na 'yan.""Sinungaling!" saad ng mga babae sa grupo saka muling pinagtulungan si Katherine.Hinawakan sa magkabilang braso upang hindi makapalag."Ano ba, bitawan niyo 'ko!" sigaw ni Katherine.H
NALUKOT ang mukha ni Katherine sa pagpipigil ng emosyon. Hindi niya gustong umiyak at marinig pa ni Cain mula sa kabilang linya.Kaya mariin na lamang niyang kinagat ang ibabang labi. Mas gugustuhin niya pang masugatan, magdugo ang bibig kaysa malaman nito ang totoo."K-Kung gano'n ay magpakasaya kayo riyan, alagaan mo siya habang buhay, 'wag ka nang bumalik at maghiwalay na tayo!" aniyang ang boses ay nanginginig dahil sa sobrang galit. "Katherine!" hiyaw pang muli ni Cain. "Ano pa bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?""E, ako ba, inintindi mo? Ako ang asawa mo pero ni minsan ay hindi mo man lang ako napagbigyan sa kahilingan ko. Pero isang salita lang ni Margaret ay nagkukumahog ka na!""Wala nang sense 'yang sinasabi mo!"Sa inis at sama ng loob ni Katherine ay pinatayan niya ito ng tawag.Magsasalita pa naman sana si Cain pero 'beep' na lamang ang maririnig mula sa kabilang linya. Sa sobrang inis ay hindi niya napigilan ang sarili at binato ang cellphone na tumama sa pader.S
PUMATAK ang luha ni Katherine sa medical record ng kanyang Abuela."Ang totoo ay hindi na umi-epekto ang gamot na binibigay namin sa kanya," saad pa ng Doctor. "Pini-prevent na lamang na mas lalo pang lumala ang kanyang kondisyon.""K-Kung bigyan niyo po siya ng iba pang gamot? 'Yung epektibo. Pakiusap, Dok. Gawin niyo po ang lahat para sa Lola ko. Hindi ko po siya kayang mawala," humihikbing saad ni Katherine.Mabigat na napabuntong-hininga ang Doctor. Bakas ang lungkot at pakikisimpatya para sa nag-iisang pamilya ng pasiyente pero hindi niya nais na paasahin ito."Ang gamot na binibigay namin ang pinaka-best option. Ilang buwan na kong naghahanap ng gamot na pwedeng ipalit sa binibigay namin pero--" Saka umiling. "Mahirap man para sa'king sabihin ito pero... mas mabuti siguro kung iuwi mo na siya. Sulitin ang nalalabing oras niya rito sa mundo."Ang pigil na hikbi ni Katherine ay tuluyan nang lumakas. Wala na siyang pakialam kung para na siyang batang ngumangawa. Maingay at nakakair
PAG-UWI ni Katherine sa mansion ay dire-diretso lang siya sa kwarto. Matapos ma-lock ang pinto ay saka niya tinawagan si Cain. Gusto niya itong makausap para maitanong kung bakit hindi sinabi na kasama nito si Margaret. Pero nakakailang tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Dalawang oras lang naman ang gap sa Pilipinas at sa bansang pinuntahan ni Cain. Sa madaling salita ay hapon pa lang doon, pero bakit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag? Samo't saring ideya tuloy ang pumapasok sa utak ni Katherine, na kahit anong pigil at saway sa sarili ay hindi niya mapigilang mag-isip ng kung ano-ano. Hanggang sa nakatulugan niya ang pag-iisip. Tuwing hapon pa naman umaatake ang antok niya. Nagising na lamang siya nang may kumatok sa pinto. Pagtingin sa bintana ay madilim na ang kalangitan. Pagod niyang binuksan ang pinto para harapin ang kasambahay na gumambala sa kanyang tulog. "Ma'am, nakahanda na po ang hapunan," anito. Tumango lang si Katherine habang kinukusot ang mata. "Si
NAGSISI si Lian nang ipaalam niya kay Katherine ang tungkol kay Margaret at Cain. Tuloy nawalan ito ng ganang kumain at nagpasiya na lamang na umuwi."Ihahatid na kita," alok niya bilang pampalubag loob sa nagawa."Hindi na kailangan, tapusin mo na lang ang pagkain. Ako na rin ang bahalang magbayad.""Pero sagot ko 'to." Mas lalo tuloy nakokonsensya si Lian pero hindi na ito nagpapigil pa.Sa huli ay wala na rin siyang nagawa at hinayaan si Katherine. Mag-isa niyang in-enjoy ang pagkain kahit medyo nagi-guilty.Paalis na sana si Lian nang makita si Jared na papasok sa restaurant. Bigla siyang pumihit patalikod dahil kung ang binata lang naman ay kaya niya itong harapin pero may kasama, si Sheena.Kahit nasisiguro naman niyang hindi siya nito makikilala ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan.Nagpalinga-linga siya sa paligid, nag-iisip ng paraan kung paano lalabas. Sa huli ay napili na lamang niyang magtungo sa restroom at doon magpalipas ng ilang sandali.Naghugas siya ng kamay saka n