CHAPTER TWO
[Warning! Contains Violence]TWO WEKS LATER..News about Mario "The Bulldog" Blanco's death was already widespread in the City gaining different reactions from the residents. May ibang natutuwa, may ibang nalungkot at nagalit sa gumawa nito kay Mario, at may iba namang natakot.Ang mga natutuwa ay 'yong mga taong naging biktima ng kawalanghiyaan ni Mario. Either pamilya ito ng mga pinatay nito o ng mga niri-rape nitong mga babae.'Yong mga nalungkot at nagalit naman ay ang pamilyang Blanco at ang mga totoong kaibigan at mga taong nakikinabang sa mga pinanggawa ni Mario "The Bulldog".Ang mga natakot ay 'yong mga maliliit na taong partner ng Bulldog sa mga illegal nitong negosyo. Natatakot silang baka sila na ang isusunod at na baka mawalan na sila ng negosyo at pagkakikitaan.Ngunit lahat naman nang mga organisasyon na nag-operate sa underground ng lungsod ay natuwa. Nawala na kasi ang kinatatakutan nilang tao, ibig sabihin, malaya na ulit silang makakapag-operate sa buong lungsod nang hindi kinukutungan ng Bulldog.Ngunit may kaunting takot pa rin silang naramdaman lalo na at hindi nila kilala ang taong pumatay kay Mario na ayon sa balita ay pumasok lang umano sa bahay ng Bulldog at doon ito binaril.Gamit ang kanilang mga tauhan at koneksyon, dalawang bagay lang ang nalaman nila tungkol sa taong nasa likod ng pagkamatay ng notorious na Mario "The Bulldog". Una, isa itong bilanggo na kakalaya lang at pangalawa, may grupo itong tinatawag na Lion Mob.For someone who can kill Mario as easily as that, napakabadoy naman pakinggan ng pangalan ng grupo nito. But the fact that this person is almost unknown to them all made him even more dangerous.Kaya hindi nila maaaring baliwalain ang taong ito.Sa kabilang banda, si Dom naman ay patuloy lang sa pag-aasikaso at pagtatag ng kaniyang reputasyon sa Lungsod.Matapos bayaran ang media, ibinalita ng mga ito ang pagkamatay ni Mario sa buong bansa. Dahil dito naging kilala ang Lion Mob sa buong San Diego City dahil inutusan din sila ni Dom na sabahin na sila ang pumatay kay Mario.Ngunit dahil sa bago sa pandinig ng lahat ang Lion Mob, hindi nila alam kung ano ang mayroon sa grupong ito lalong lalo na ang mga taong nasa likuran nito.Ang tanging alam lang nila ay ito ang organisasyon na nasa likod ng pagkamatay ng notorious na Mafia Leader ng lungsod.Sa loob din ng dalawang araw matapos mamatay si Mario ay sinubukan ng City Police Chief na hulihin si Dom, ngunit isang tawag niya lang sa koneksyon niya sa Regional at National Office ng mga ito, ay bumahag agad ang buntot ng hepe at naging bulag at bingi nalang sa mga nangyayari.The City Police realized that the Lion Mob is way, way more powerful than the group of Mario.Dahil si Mario, hanggang dito lang sa Mindanao ang impluwensya. May koneksyon ito sa ibang lungsod at probinsya pero hindi ganoon karami.Samantalang itong Lion Mob, ay protected ng mga matataas na opisyal ng bansa.With this, the police could not do anything with this group.Sa loob ng nakalipas na dalawang linggo, hawak narin ni Dom ang lahat nang mga naiwang negosyo ni Mario tulad ng droga, smuggling ng armas at iba pang illegal na transaksyon.Ngunit ang mga legal na business ng Bulldog, tulad ng Department Stores at Construction Firms ay nanatiling hawak ng mga pamilya nito.Pinuntahan na rin ng mga tauhan ni Dom ang lahat nang mga safe houses ni Mario sa buong San Diego City, at ang lahat nang mga tauhan nitong lumaban ay pinagpapatay nila at ang natira ay pinilit niyang magtrabaho sa ilalim ng kaniyang mga tauhan.Dahil dito, ang dating isang higit lang sa isang daang bilang ng mga tauhan niya ay naging higit sa dalawang daan agad sa loob lamang ng dalawang linggo.Sa pamamagitan din ng illegal na paraan nakuha niya ang bahay ni Mario at nakapangalan na ito sa kaniya, kaya ngayon ginagawa muna niya itong pansamantalang Head Quarters habang sinisimulan na ang paggawa ng kaniyang mansyon sa pook kung saan dating natirik ang kaniyang bahay.Yes. Bahay niya iyong binisita niya dalawang linggo na ang nakaraan.Ang bahay na naging saksi kung paano siya naghirap at nasaktan matapos siyang ahasin at iwanan ng kaniyang dating asawa.Ang bahay na iyon ang naging saksi kung paano siya nakulong nang walang kasalanan dahilan upang humantong siya sa ganito.Ang dahilan kung bakit, ang dating napakabait at matatakutin sa diyos na Dominic ay naging isang mamatay tao.Ito ang dahilan kung bakit pinili niyang dito gumawa ng simula sa San Diego City kahit na nasa Maynila naman ang pangunahing negosyo ni Salvatore na ipinagkatiwala nito sa kaniya bago ito namatay.Dahil gusto niyang paghigantihan ang kaniyang dating asawa at ang lalaking ipinagpalit nito sa kaniya.Dalawampong taon siyang naghirap sa loob ng bilangguan upang bayaran ang kasalanang kailanman ay hindi niya ginawa.Siguro, kung hindi dahil kay Salvatore, mamamatay siya sa bilangguan na iyon nang hindi man lang makaganti sa lahat nang mga may utang sa kaniya.Pero dahil pinagbigyan siya ni Satanas ng pagkakataong makapaghiganti, sisiguraduhin niyang iiyak ng dugo ang kaniyang dating asawa at ang lalaki nito.He will let them suffer fate worse than death."Boss, we're here.."Bumalik sa kasalukuyan ang kaniyang ulirat nang marinig niyang magsalita si Kris, ang kaniyang Right-Hand man.Huminto ang kanilang sinakyang bulletproof SUV sa isang malaking gusali na may limang palapag na pagmamay-ari ng pinakamayamang negosyante rito sa pulo ng Mindanao - ang mga Valdez.Pagkatapos bumaba ng kaniyang mga tauhan mula sa dalawang SUVs na pumagitna sa kanila, ay bumaba narin siya at walang lingon-lingon na pumasok sa main entrance ng building."Nasa fifth floor daw ang opisina ni Mr. Valdez, Boss." Sabi ng isa sa kaniyang mga tauhan matapos tanungin ang isang security guard na nag babantay sa entrance door.Kahit na may mga dalang baril ang kaniyang mga tauhan, hindi na nakapalag ang security guard, dahil maliban sa nag-iisa lang ito at marami sila, sadyang pinapakita rin ng ilan sa kaniyang mga tauhan ang kanilang tattoo sa leeg na isang kulang pulang liyon.Ito ang logo ng Lion Mob na ipinakita ng media. Kaya isang sulyap lang sa kanilang tattoo, nakilala agad ito ng security guard."Sinamahan lang namin ang aming Boss. Wala kaming gagawing masama rito." Sabi ni Kris sa guard nang makita itong pinagpapawisan at tila ba takot na takot, tinapik pa niya ito sa balikat habang kumumpas sa apat na kasama na magpaiwan dito sa baba.Pagkatapos nito ay umakyat na sila sa top floor ng building kung saan naroon ang office ni Mr. Valdez. Sakay ang elevator ay narating agad nila ang fifth floor nang wala pang isang minuto."Mga Sir, excuse me-"Isang guard ang lumapit sa kanila upang tanungin sana sila kung ano ang pakay nila, ngunit naudlot ang sasabihin sana nito nang may limang armadong kalalakihan ang biglang sumulpot mula sa hagdanan ng building. Ito ang mga tauhan ni Dom na umakyat nalang sa hagdan dahil hindi na sila kasya sa elevator.Dahil nag-iisa lang din ito, pinagpapawisan agad ang guard sa takot lalo na nang makita nito ang mga tattoo sa leeg ng mga kalalakihang nasa harap."Saan ang opisina ng Boss mo?" Tanong ni Kris dito habang nakangisi."B-ba-banda r-roon p-po, Boss." Nauutal sa takot na tugon ng guard habang pinagpapawisan."Salamat." Tugon naman ni Kris sabay tapik sa balikat ng guard. "Maiwan muna kayo rito." Sabi naman niya sa limang kasama na umakyat sa hagdan na tinugon naman ng mga ito ng tango.Pagkatapos ay pinuntahan na nila ang opisinang itinuro ng guard.Pagpasok nila rito ay tinanong agad ni Kris ang babaeng nakaupo sa isang table na mukhang sekretarya."Mr. Valdez is still in the middle of their board meeting, I'm afraid that you have to wait for them to finish, Sir." Sabi ng sekretarya sabay sulyap sa isang heavy glass door sa kaliwang bahagi ng opisina na may nakasulat na "Conference Room"."No need.." Tugon naman ni Dom at walang sabi-sabing pumasok sa conference Room kasunod si Kris at ang lima pa apat pang mga tauhan niya habang nanatili naman sa labas ang dalawa.Papalag sana ang sekretarya ngunit matapos hawiin ng dalawang lalaki ang kani-kanilang leather jackets kung saan lumitaw ang baril sa kanilang tagiliran ay natahimik nalang ang sekretarya habang nakaupo sa upuan nito.Pagpasok naman nina Dom sa loob ng conference room ay gan'on nalang din ang pagkagulat ng mga tao sa loob na lahat ay mga malalaking negosyante rin dito sa Mindanao.Walang kilala si Dom ni isa sa mga ito maliban nalang kay Mr. Valdez na nakaupo sa kabisera nga mesa. At nakilala lang din ito ni Dom dahil nakikita niya ito sa mga magazines at dyaryong binabasa."Who are you? What's the meaning of this?" Galit at seryosong tanong ni Mr. Valdez habang tinitigan ng masama sina Dom."Dominic Filipe, current Boss of the Lion Mob Mafia.. I am here to buy the fifty percent share of the Mindanao Summit Corporation." Seryoso rin at diretsang tugon ni Dom sabay hila ng upuan malapit kay Mr. Valdez - the CEO of this conglomerate."What? HAHAHA! Are you kidding me?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Valdez habang tumatawa."Do I look like kidding to you?" Seryoso pa ring sabi ni Dom sabay hugot ng kaniyang baril at ipinatong ito sa ibabaw ng mesa."Are you trying to threaten us?" Matapang na tanong ng isa sa mga taong narito sa loob ng conference room."No. I am trying to make a negotiation." Tugon naman agad ni Dom."Bullshit!" Tugon naman agad ng isa pang may katandaan nang lalaki na nakaupo malapit kay Mr. Valdez. Galit nitong ibinagsak sa mesa ang dalawang kamay at matalim na tinitigan si Dom."Do you think you can just barge in here while we're having a meeting just because you're the Boss of that shitty mafia?!" Galit na patuloy nito. "Mindanao Summit Corporation is not something you can afford to offend, brat! We're the top 10 richest company in asia. Do you think a mere Mafia like yours can threaten us? You're dreaming--"Bang!Hindi na natapos nga lalaki ang mahabang lintanya nito nang paputukan na ito ni Dom ng baril. Natumba naman agad ito matapos tamaan sa balikat."Anyone else?" Sabi pa niya sabay patong ulit ng baril sa ibabaw ng mesa na parang wala lang nangyayari."I am here to buy some company shares from you. And I am asking you all in a nice and legal way.. Please don't disappoint me." Dagdag pa niya sabay titig sa mga taong narito sa loob na ngayon ay pinagpapawisan na dahil sa nangyari."Don't treat us like a child, brat. Bumalik ka sa kung saang lungga ka galing at--"Bang!Isang middle aged na lalaki ulit ang nagsalita ngunit hindi pa ito tapos nang paputukan na naman ito ni Dom ng kaniyang baril, matapos tamaan sa balikat nito ay natumba rin ito sa sahig kasama ang inupuan.Isang nakakabinging katahimikan ang biglang namagitan sa lahat habang unti-unti nang dumanak sa puting marmol na sahig ang dugo ng dalawang lalaking nakahandusay rito."I just want to buy five percent shares from each and everyone of you.. If you can't do that, then tell me right away so that I can decide which of your family member am I going to kill first." Malamig paring saad ni Dom habang nagsimula nang mainip sa kahihintay."Damn you! Don't you dare drag our family--"Bang!Tumba ulit ang lalaking magsasalita sana."I am getting bored. If anyone of you utter a single word which is not connected to what I came here for, will surely end up like them." Wika niya habang hindi man lang nag-iba ang ekspresyon ng mukha sa kabila ng ingay na ginagawa ng tatlong sugatang lalaking nakahandusay sa sahig na parang naghihingalo na."I.. I will sell you five percent of my shares.""Same goes with me..""Me too."Sunod-sunod na sabi ng matatandang membro ng board habang nanginginig na itinaas ang mga kamay."Mr. Valdez, what are you waiting for? They want to sell me five percent of their shares.. Make the necessary documents and transfer these shares in my name." Seryosong sabi niya dahilan upang tawagan ni Mr. Valdez ang kaniyang legal officer at pinagawa ito nga mga legal na dokumento na hiningi niya.Dahil narin sa takot sa kaniya ay sumunod narin ang ibang mga membro ng board sa tatlong naunang nagbenta ng kanilang shares. Maging si Mr. Valdez ay walang nagawa kung hindi ang magbenta narin ng five percent ng kaniyang share.Pagkaraan ng ilang oras, nasa fifty three percent shares din ang nabili ni Dom. At matapos utusan si Kris ay agad niyang nabigyan ng bayad ang mga lalaking kaharap sa pamamagitan ng bank transfer.Inutusan narin niya ang ilan sa mga tauhan na dalhin sa pinakamalapit na hospital ang tatlong binaril niya bago pa maubosan ng dugo ang mga ito."I am a fair person when it comes to business. So, despite having the majority share in this company, I won't get the position of the CEO from you. Tama na sa akin na maging majority owner ng kompanyang ito. Have a nice day, gentlemen." Sabi niya sabay tayo mula sa kinauupuan at umalis ng conference room nang nakangiti sa lahat na para bang walang nangyaring pilitan at takutan."That man is really ruthless.."Mahinang bulong ni Mr. Valdez habang pinunasan ang mga pawis na noo sabay hinga nang malalim nang makalabas na ng conference room si Dom at ang mga tauhan niya.CHAPTER THREE[Warning! Contains Explicit Scenes not suitable for young audience]After taking more than fifty percent share and become the majority owner of the Mindanao Summit Corporation, Dom then announced to the underground community of Mindanao that the entire island will be under his hand. At isa lang ang ibig sabihin nito, lahat nang mga underground transactions sa buong kapuluan ng Mindanao ay mangangailangan ng kaniyang basbas. Kung hindi, ita-trato itong lantarang pagri-rebelde sa kaniyang pamumuno.Of course, the big shots of the Mindanao underground community laughed at his remarks. Para sa kanila, isa lamang musmos ang Lion Mob, kaya wala itong karapatang sabihin ang gan'ong mga bagay. Hindi porke't napatay ng mga ito si Mario "The Bulldog" Blanco ay katatakutan na siya ng karamihan. Dahil sa underground ng Mindanao, para lamang isang sisiw si Bulldog kung ikokompara sa ibang mga malalaking boss."Dominic Filipe, the Boss of the Lion Mob Mafia. An ex-convict and one of th
CHAPTER FOURIn an island situated somewhere in the seas between the Islands of Mindanao and Visayas, lies a small mountain covered with coconut trees and green vegetations.From a distance, a white winding line can be seen going around the mountain to its top. It's a concrete road that served as the only access to the huge and luxurious Villa sitting at the top of the mountain.Ang Villa na ito, na pag-aari ng taong siya ring nagmamay-ari ng buong isla na si Don Celestino, ay napapaligiran ng sementadong pader na nilagyan ng live wires sa tuktok dahilan upang kahit na hindi gaano kataas ang pader na ito ay siguradong walang makakapasok sa kaniyang malawak na bakuran kung hindi dadaan sa malaking gate sa harapan.Sa magkabilang dulo ng gate naman ng Villa ay makikita ang dalawang matataas na guard house na nagsilbing watch tower. Sa itaas ng bawat guard house na nito ay nakapwesto ang dalawang lalaki na maya't mayang nakatingin sa buong paligid.Isa rin sa kapansin-pansin sa mga guard
CHAPTER FIVE"Mr. Valdez! What a pleasure to have you here.." Nakangiting bati ni Dom sa kasalukuyang CEO ng Mindanao Summit Corporation pagkalabas niya ng kaniyang bahay."Quit being smug and kneel in front of me. Your life is now hanging in a thread. So if I were you, I'd return those shares that you've forcefully taken from our investors, before I am still nice." Seryoso at matigas na wika ni Mr. Valdez sa kaniya habang tinitigan siya ng matalim."Oh. So you're acting brave now.. Is it because of the sniper positioned over there?" Tugon naman niya rito sabay turo sa direksyon kung saan naroon ang gusali ng city tourism na hindi pa napatapos ng Gobyerno.Nag-finger gun pa siya at kumindat sa direksyon ng gusali dahilan upang pagpawisan si Mr. Valdez.Pssp.Pssp.Pssp.At hindi pa rito natapos ang sopresa. Dahil bigla pang bumunot ng baril si Dom at mabilis na pinutukan ang mga lalaking papasok na sana ng gate mula sa labas.Kung walang silencer ang kaniyang baril, siguro ay inatake n
CHAPTER SIXHindi mapakali si Autumn habang nakaupo sa sofa ng opisina ng kanilang CEO. Kung dati ay hindi man lang siya makaramdam ng kahit na kaunting kaba sa tuwing pupunta siya rito, ngayon naman ay halos madurog na ang kaniyang dibdib sa bilis at lakas ng pintig ng kaniyang puso habang hinihintay ang bago nilang Boss.Mabait sa kaniya si Mr. Valdez, siguro, dahil 'yon sa relasyon nito sa kaniyang Daddy. Kaya kahit ilang beses pa siyang pabalik-balik sa opisinang ito, hindi talaga siya nakaramdam ng gantiong kaba at takot.Pero sa totoo lang, ayaw talaga sana niya ng gano'n, ayaw niyang binibigyan ng special treatment. Kaya nga siya nag-trabaho at nagsumikap nang hindi ginagamit ang kaniyang apilyedo diba? Dahil gusto niyang maging successful sa buhay sa sarili niyang efforts.She's been in this company for five years now.Nagsimula siya bilang isang simple office staff. Hanggang sa na-promote bilang team leader, naging supervisor at sa kalaunan ay naging Manager ng Marketing Depar
CHAPTER SEVENIT'S BEEN TWO WEEKS simula no'ng naging adviser siya ng kanilang bagong CEO.Nailibing na rin si Mr. Valdez kaya balik na ulit sa full operation nito ang buong kompanya.No'ng una, akala ni Autumn mahihirapan siya sa bago niyang function, pero hindi pala. Dahil nakakapag-trabaho pa rin naman siya ng matiwasay bilang Marketing Manager. Saka lang kasi siya tinatawag ng bago nilang CEO kapag may gusto itong itanong sa kaniya.His questions mostly involved concerns that needs careful decision making, at dahil aminado itong baguhan lang sa sistemang ito, hindi kaagad ito makapag-desisyon ng impromptu, kaya tinatawag siya nito at tinatanong.Hindi niya talaga maintindihan ang taong 'yon, kasi hindi naman nito tinanggal ang secretary ni Mr. Valdez, kaya bakit kailangan pa siya nito? Kung tutuosin nga mas magaling pa sa kaniya 'yong secretary dahil mas matagal pa 'yong nagta-trabaho rito sa kompanya kaysa sa kaniya. Mas may alam 'yon sa mga bagay na pinanggagawa ng CEO.Sinadya
CHAPTER EIGHTPATULOY NA UMALINGAWNGAW ang malalakas at sunod-sunod na putok ng mga baril sa paligid. Alam niyang isa sa kaniyang mga tauhan ang tinamaan at wala siyang ideya kung buhay pa ba iyon dahil wala na siyang panahon upang i-check ito.Siguro kung wala siyang ibang kasama, mahihila pa niya iyon at maitago mula sa mga kalabang hindi nila nakikita.Ngunit kasama nila si Autumn ngayon kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang umatras upang ibalik sa sasakyan ang dalaga dahil mas magiging safe ito roon. Habang umaatras sila ay nasa likuran niya si Kris at binibigyan siya nito ng cover fire."Quiet!" Matigas niyang utos kay Autumn dahil tili itong nang tili. Malakas ang sigaw nito kaya nakakabingi.Sa kalagitnaan ng putukan ay ligtas niya itong nadala at naipasok sa bullet proof SUV niya.Paalis na sana siya nang bigla siya nitong yakapin ng mahigpit sa leeg at hinila palapit sa katawan nito. At dahil hindi niya ito inaasahan ay napasubsob siya sa ibabaw ng katawan nito.Babang
CHAPTER NINE"S-SIR.. S-sorry po.. S-sasabihin ko na po kung sino ang nag-utos sa amin. Huwag n'yo lang pong gawan ng masama ang pamilya ko.." Matapos marinig ang inutos niya kay Frank ay biglang nataranta ang dalawang lalaking nahuli nila at agad itong nagmakaawa sa kaniya.Nawala ang nanunuyang ngisi sa mukha ng mga ito. He had hit their reverse scales kaya napakadalinh nagbago ng isip ng mga ito.Hindi rin kasi akalain ng mga ito na may hawak siyang system na kayang-kayang ma-trace ang isang tao sa pamamagitan lang ng finger prints ng mga ito. Ito 'yong napakagandang project ng gobyerno na nakakatulong sa kanila upang madaling tukoy ang kung sino mang mga kriminal na gusto nilang tukuyin as long as makukuha nila ang fingerprints ng mga ito.A very useful system to find and trace criminals, but a very dangerous one when in the hands of someone like Dom."Si Don Magno po ang nag-utos sa amin kapalit ng malaking halaga at proteksyon sa mga pamilya namin. Agad po naming tinanggap dahil
CHAPTER TEN[Warning! Disturbing Contents ahead! Read at your own risk]Sa loob ng bente kwatro oras na preparasyong ginawa ni Dom bago pumunta rito sa meeting place ng Council of Dons, he got enough of the needed personal information of his targets, thanks to his IT expert and Frank.Sa tulong ni Frank, agad na nalaman ni Dom kung sino-sino ang membro ng pamilya ng bawat membro ng Council. At katulad ng mga babaeng pinapar@usan niya sa tuwing makakaramdam siya ng k@libugan, hindi rin masasabing desente ang ilang kapamilya ng mga target niya. Kaya naman hindi na siya nahirapang mag-adjust sa kaniyang pinaplano.He hated women because of his ex-wife. Pero hindi naman niya nilalahat. May kaunting respeto pa rin siya sa ilang may respeto rin sa kanilang sarili. Particular lang talaga ang pagiging bastos niya sa mga babaeng wala ring respeto sa kanilang mga sarili. Tulad nalang ng mga babaeng naka-bra at panty lang habang sumasayaw at nang-aakit ng viewers sa social media platforms.Ang m
CHAPTER FORTY FIVE[Warning! Contains Explicit Scenes not suitable for young audience]"DOM, 'eto na po ang babaeng ni-request ninyo," magalang na wika ng Prison Director sabay muwestra ng kamay sa babaeng hawak ng dalawang Jail Guards. Nakalagay sa likuran ang dalawang kamay nito at naka-posas iyon.Kapansin-pansin din na wala man lang nakiusyuso sa paligid to think na isa itong Maximum Security Compound para sa mga lalaki pero may dinalang babae ang mga jail guards. Kaya halatadong normal lang ang ganitong gawain ng management. Ibig ding sabihin nito ay hindi ito ang unang beses na may ganitong senaryo."Mmm." habang nakatayo sa pintuan ng kaniyang quarter ay pasimpleng sinulyapan ni Dom ang babaeng dinala sa kaniya ng Director. "Good Job, Director. It's earlier than what I have expected," napangisi naman agad siya ng bahagya pagkatapos makilala ang babae sabay tapik sa balikat ng direktor.Sa susunod na araw palang ang lunes na siyang binigay nitong petsa para dalhin nito sa kaniya
CHAPTER FORTY FOURSA PAGDAAN ng maraming taon, patuloy na namumuhay si Dom sa loob ng mala-impyernong kulungan. Ngunit hindi katulad no'ng unang taon niya rito, naging marangya naman ang buhay niya sa ilalim ni Salvatore.Naging parang impyerno lang ito dahil sa kasamaang araw-araw niyang ginagawa.Hindi niya na kasi mabilang kung ilang tao na ang napatay niya rito - mula man sa kaniyang misyon o mula sa halos araw-araw na riot at away na kinakasangkutan niya.Ngunit nagbunga naman ang lahat nang kasamaang ito dahil ginawa na rin siyang right-hand-man ni Salvatore dahil sa pinakita niyang performance. Nagkaroon pa talaga siya ng sariling quarter no'ng mapatay niya ang nakatira sa quarter 2 na isang political prisoner.Isa itong korap na politiko, kalaban ni Salvatore sa mga illegal na negosyo. Naghahari-harian kasi ito sa loob simula no'ng napabagsak ni Dom ang Carsel Group na isa sa pinakakilala at kinatatakutang grupo. May mga goons at prisoner guards ito kaya naging arogante. At d
CHAPTER FORTY THREE[Warning! This chapter contains fighting scenes that depicts violence! Read at your own risk]SA NANGYARING riot na iyon, na maituturing na isa sa pinakamalaking rambulan sa kasaysayan ng Maximum Security Prison na ito ay napag-alaman nina Dom na umabot sa dalampo't apat ang napatay. Kabilang na rito ang labing siyam na dati niyang mga kakusa at limang membro ng Carsel Group - kasama na si Miguel na isa sa mga lider nito.Ngunit katulad nang mga nagdaang pangyayaring riot, pinalabas din ng Prison Management na tumakas ang mga ito dahilan upang mapatay ng mga bantay na PNP Special Action Forces matapos manlaban.Wala namang ibang nasabi ang mga prisong nasangkot sa riot na iyon dahil ang mga jail guards at ang mga lider lamang ng mga inmates ang tinanong ng media.Magiging malaki kasi itong kahihiyan ng Management kung malalaman ng lahat ang totoong nangyayari. Kasi lalabas na hindi pala kaya ng mga ito ang umawat ng mga nag-aaway na priso.Isa pa, magiging kaduda-d
CHAPTER FORTY TWO[Warning! This chapter contains disturbing scenes that depicts violence! Read at your own risk]SA SUMUNOD na mga taon sa pananatili niya sa loob ng Maximum Security Prison ay naging bihasa na si Dom sa lahat ng mga masamang pinanggagawa niya.Sisiw nalang sa kaniya ang pagbi-benta ng droga.Ang pagpatay ng mga taong kalaban ni Salvatore sa loob ng kulungan.Sa loob ng mga nagdaang taon, ay umabot na sa dalampong katao ang napatay niya, lahat ay dahil sa utos ng kaniyang Boss.No'ng unang beses niyang pagpatay ay halos hindi siya pinatulog ng kaniyang konsenya. Kahit ilang ulit niyang ipinangalandakan sa sarili na masamang tao 'yong pinatay niya ay hindi pa rin siya tinantanan ng kaniyang konsenya.Isang buwan pa ang lumipas bago siya nakapag-move on doon.At nang tumanggap na naman siya ng bagong misyon kung saan papatay na naman siya ng isang rapist na kasapi ng Carsel Group, ay gano'n pa rin ang epekto niyon sa kaniya matapos niyang mapatay ang target.Ngunit no'
CHAPTER FORTY ONE"GOOD Job, Dom," masayang wika ni Salvatore nang salubungin siya nito. "I heard what you did. And you really did a good job out there," dagdag pa nito habang napakaluwang ng ngiti.Anim na buwan na ang nakalipas simula no'ng pumayag si Dom na maging isa sa mga tauhan ni Salvatore.At sa loob ng panahon na ito ay nakapagtapos na siya ng tatlong misyon. Syempre, tatlo palang ang nagawa niya dahil ginugol niya sa training at pag-aaral ang halos kabuoan ng anim na buwang iyon.Binigyan siya ni Salvatore ng personal trainer para sa Martial Arts at combat sports. Binigyan din siya nito ng trainer sa paghawak at paggamit ng baril. May sarili rin siyang tutor na nagtuturo sa kaniya ng mga bagay na gusto niyang malaman pagdating sa academics.At sa loob lamang ng anim na buwang ginugol niya sa training at pag-aaral ay para siyang naging ibang tao kompara sa kung ano siya dati. Nagawa niyang lahat ito hindi lang dahil sa likas na matalino siya sa academics kaya madali siyang n
CHAPTER FORTY"AHH," mahinang d***g ni Dom sa bawat pagdampi ng bulak na binasa ng alcohol na kasalukuyang ginagamit ng isang magandang nurse bilang disinfectant sa kaniyang sugat.Nasa loob sila ngayon ng Quarter 1 na pagmamay-ari ng Rossi Mafia. Napakalalim kasi ng sugat ni Dom at muntik na siyang mawalan ng malay kanina.Pagkatapos magsitakbuhan no'ng mga kalaban kanina ay kaagad siyang dinala ng mga tauhan ni Salvatore sa quarter nito. At dahil isa itong high profile inmate na may koneksyon sa mismong management ng kulungang ito ay nagagawa nitong makakuha ng personal nurse na siyang mag-aasikaso sa kanila kung sakaling magkaroon sila ng sakit.Isa ito sa mga special privilege na ini-enjoy mga mga mayayamang inmates dito sa loob."Thank you so much for saving him, Boss," magalang na wika ni Damian sa middle aged na lalaking kampanteng nakaupo sa malambot na sofa ng quarter na kinaroroonan nila."It's nothing. Alam mo naman ako, ayaw ko talaga 'yong makakita ng taong pinagtutulungan
CHAPTER THIRTY NINEONE MONTH LATER..PARANG naging impyerno ang buhay ni Dom sa loob ng kulungan. Pinoprotektahan nga siya ng kaniyang mga kakusa sa pamumuno ni Damian Wayne, ang kanilang Selda Mayor, ngunit pagkalabas naman niya ay palagi nalang may umaatake sa kaniya.Bugbog lang naman ang inabot niya sa tuwing inaatake siya ng mga membro ng Carsel Group, hindi kagaya noong nakaraang buwan na nanatili talaga siya sa Prison Infirmary nang halos dalawang linggo dahil sa laki ng pinsala sa kaniyang mukha. Mabuti nalang talaga at hindi naapektuhan ang kaniyang facial features, may mga peklat nga lang iyong natira dahil sa sugat na tinamo niya.Awang awa man sa kaniya ang kaniyang mga kakusa ay hindi naman siya kayang ipagtanggol ng mga ito dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Miguel.Sa tuwing bubugbogin siya ng mga ito ay magkakaroon talaga ng riot. At sa bawat riot na ito ay palaging may nasusugat ng malubha. Wala pa namang namatay, pero 'yon na nga, napakaraming nadadamay.Ilang
CHAPTER THIRTY EIGHT[Warning! Contains Disturbing Contents that depicts violence! Read at your own risk]INIHANDA na ni Dom ang sarili sa anumang posibleng mangyayari sa kaniya nang tumapak ang kaniyang mga paa sa entrance ng Building 4 na sinasabing hawak ng Carsel Group. Ang mismong grupong naka-engkwentro niya at ng mga ka-grupo kaninang umaga.Dahil oras ng kainan ngayon para sa hapunan nila ay napakatahimik ng buong building habang naglalakad siya kasama ang mga Jail Guards na naghatid sa kaniya patungo sa kaniyang magiging selda.May mangilan-ngilang mga priso pero tahimik lang ang mga ito habang tinitigan sina Dom.Hanggang sa makarating si Dom sa kaniyang magiging selda ay gano'n pa rin ang nangyari, napakatahimik.Tinawag naman ng mga Jail Guards ang mayor ng kaniyang magiging selda upang makilala siya nito. Ilang saglit lang ay dumating ang mayor at nakangiti pa nitong ni-welcome si Dom. Pagkaalis ng mga Jail Guards ay tinulungan pa siya nitong mailagay sa lagayan ng mga da
CHAPTER THIRTY SEVEN"OHHH, akala ko bahag ang buntot ninyong lahat. So, may matapang pa pala sa inyo. Good. Good. Good. Since ilang oras na rin akong hindi nakasapak ng tao, papatulan ko na ito," nakangising wika ng lalaking nasa pinakaunahan ng grupong humarang sa kanila nang makita nitong umabante si Dom."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Carsel Group 'yang nasa harap mo gag0!" mahina ngunit matigas na banta ni Boss Choy kay Dom nang madaanan niya ito habang pasugod sa grupong nasa harapan.Ngunit walang pakialam si Dom kung sino itong nasa harapan niya. Basta malaki ang atraso ng amo ng mga ito na si Don Antonio sa kaniya. Kaya pagkarinig palang niyang galamay pala ito ng kinasusuklamang tao ay biglang dumilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng kontrol sa sarili.Sa kabila ng mahigpit na banta ng kanilang Mayor ay wala sa sariling sinugod ni Dom ang Carsel Group. Agad naman siyang sinalubong ng lider ng mga ito.Isang malakas at solid na right hook ang pinakawalan ng lider