Share

Chapter 5

Author: Captain Maria
last update Huling Na-update: 2021-10-30 11:54:52

Hindi ko alam kung bakit ganoon pa rin ang trato ni Kuya River sa akin sa kabila ng nalalaman niya. Nagagawa niya pa rin na maging ganoon kabait, at kailan man ay hindi niya ipinaramdam sa akin na ayaw niya akong kasama. Napakabait niya.

“Kumusta? Susunduin namin kayo sa airport. Nag-enjoy ba kayo?” tanong ni Mommy sa akin sa telepono habang inaayos ko ang aking gamit at naghahanda sa pag-alis namin dito sa Batanes.

“O-Oo naman po. Sobrang nag-enjoy po kami. Sobrang maasikaso rin po ni Kuya River. Nakakahiya nga po, eh,” asik ko at napanguso. Totoo kasi iyon.

“Bakit naman?”

“Siya po kasi palagi ang nagluluto at naghuhugas ng mga p-plato. Kapag naman po inaanyayahan ko siyang kumain sa labas… siya rin ang nagbabayad,” sambit ko.

Napatigil ako sa paglalagay ng lotion nang marinig ko ang tawa ni Mommy mula sa kabilang linya. “Mommy, ano pong nakakatawa?” inosenteng tanong ko pa.

“Sabi ko na nga ba at tama kami ng pinili ng Daddy mo para sa iyo. River is such a gentleman! Hindi ba?”

“O-Opo.” Kaso may gusto naman siyang iba at hindi ako 'yon.

“And don't be sad anymore, hija. Kung ang inaalala mo ay ang Tita Roselle mo, she already agreed to the marriage!” maligayang sambit niya na ikinagulat ko

Si Tita Roselle? Pumayag na sa kasal namin ni River?

“T-Talaga po? P-Paanong nangyari iyon?”

“She said that she really wants you for River. Iniisip niya lang na baka may mahal na iba si River. However, I don't know what happened, but she said that River's girlfriend or fling is rude. Basta ang daming insulto na sinabi ni Roselle tungkol sa babaeng iyon at ayoko nang alalahanin pa. Cursing makes me look older! Anyway, tinatawag na ako ng Daddy mo. See you later, sweetie. Mwah!”

“T-Teka lang po, Mommy—!” Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang ibaba ang tawag. 

Naman eh!

Patuloy ang pagmamaktol ko at pag-iisip sa mga sinabi ni Mommy sa buong biyahe lalo na noong nasa eroplano kami. Hindi ko rin naman makausap si Kuya River dahil may kausap yata ito sa telepono. Mukha siyang frustrated at kanina pa nagtitipa sa kaniyang cellphone. Gusto ko pang magtanong kung maayos lang ba siya pero dahil sa dami ng bumabagabag sa akin ay hinayaan ko lang na manahimik kaming pareho.

“Hijo, Hija!” Napatakbo palapit sa akin si Mommy at niyakap ako nang makarating kami sa airport. Si Tita Roselle ang kasama niya at sina Daddy raw ay nasa aming sasakyan.

“Hi po, Mommy!” Nakangiting sambit ko at saka ako napalingon kay Tita Roselle. “M-Magandang gabi po,” nahihiyang usal ko.

“Good evening din. I'm glad to see you again, Charlotte. You've grown beautifully! Malayo pa lang ay bagay na bagay na kayo ng anak ko,” nakangiting papuri niya at lumapit para bumeso. 

“So, let's go? Handa na ang dinner sa bahay,” Mommy said.

Hindi talaga ako komportable lalo na noong makarating kami sa bahay paramaghapunan. Tahimik lang ako habang nakikinig sa aming mga magulang. Ganoon din si Kuya River. Mas… madalas nga lang siyang bumuntong hininga.

“Anyway, why don't we tell them about our surprise?” tanong ni Mommy.

“A-Ano pong sorpresa?” tanong ko sa kanila. Atat na 'kong malaman ang sinasabi nila.

“We decided to have an engagement party for the two of you! Tomorrow! Ngayon sana, kaya lang ay naisip namin ni Roselle na masyado pa kayong pagod,” Mommy said.

Napaawang ang aking bibig at napatitig ako sa mga naroon. Pati si Ate Lorie ay napagkunotan ko na rin ng noo!

“Pardon?” matigas na tanong ni Kuya River.

“I've contacted the catering and design services for tomorrow. The invitations are out, too,” Tita Roselle said.

“Mom? What's with the rush?” tanong ni Kuya River.

Lolokohin ko ang sarili ko kung sasabihin kong hindi ko gusto ito. Pinangarap ko ito. Pinangarap kong makasama siya hanggang sa huling hininga. Pinangarap kong magustuhan niya ako at hayaan akong alagaan siya.

Pinangarap kong makasal sa kaniya, pero hindi naman sa ganitong paraan.

Lalo na kung ayaw naman ni Kuya River.

“There's no rush, hijo. It's just an engagement party. The invitations are also out.” Nanlaki ang aking mata at napalingon ako kay Tito Lucio na parang proud pa sa sinabi.

“D-Daddy? Mommy?” Nilingon ko ang aking mga magulang at napakurap-kurap.

“Yes, sweetie. I picked your dress already!” bulong pa sa akin ng Mommy.

Aapila pa sana ako pero wala na akong magawa nang magsalita ang Daddy patungkol doon.

“Everything is set already. Wala na kayong dapat pang alalahanin. And don't pressure yourselves. This is just a party announcing your engagement. Hindi ba at napag-usapan na natin ito bago pa man kayo makapuntang Batanes?” Napanguso na lang ako at napatungo. Oo nga at napag-usapan namin iyon pero hindi naman namin alam na mangyayari agad!

Wala ba akong kakampi rito? Ate Lorie, tulungan mo ako.

“I hope that it will be okay with River?” Istriktong tanong ni Daddy kina Tito Lucio. Kunot-noo ring tiningnan ni Tito Lucio si Kuya River kaya't walang nagawa ito.

“I-It's fine, Sir,” aniya. Subalit alam kong hindi. Bakit hindi man lang siya umaapila?

"Good. I guess we'll be seeing you tomorrow, then?” tanong ng Daddy. Sa paraan ng pagkakatanong niya ay parang walang maglalakas loob na tumanggi. It’s very authoritative.

Hindi ako mapalagay noong gabing iyon. Pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat. Parang manipulado lahat ng nangyayari at hindi iyon tama.

Halos hindi ako natulog at puro isip at iyak lang ang tangi kong nagawa. Napapaidlip lang ako subalit magigising kalaunan para mag-isip at umiyak muli.

Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Naguguluhan ako sa aking sarili. Oo nga at gustong-gusto ko siya. Gusto ng puso ko na makasal sa kaniya isang araw.

Pero sa tuwing naiisip kong may mahal siyang iba at mamumuhay kami ng ganoon… hindi ko kaya.

Ang isiping kamumuhian niya ako dahil lang sa pag-ibig ko ay hindi ko gustong mangyari kailanman.

“Sweetie, are you okay?” tanong ni Mommy noong hapong iyon habang inaayusan niya ako.

“P-Po? Oo naman po,” pagsisinungaling ko kahit kagabi pa akong binabagabag ng konsensiya ko.

“Sweetie, I know that there's something wrong. Tell me.” Sinuklay ni Mommy ang maalon kong buhok habang nakaharap ako sa salamin at suot ang kulay puting roba.

“W-Wala po talaga… i-iniisip ko lang po si Kuya River.” 

“You should call him by his first name since you're already engaged. Anyway, ano ba ang bumabagabag talaga sa iyo?” tanong niya.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Mukhang inosente ang may pagkabilog kong mga mata. Bahagyang mapula ang natural at hugis puso kong mga labi. Noon ko lang din napansin ang lampas balikat, maalon at maitim kong buhok.

Noon ko napansin na hindi ko gusto ang hugis ng aking mata. Hindi ko gusto ang aking buhok dahil hindi ito tuwid kagaya ng iba. Tapos 'yung katawan ko… hindi rin maganda. Napakapayat at mukhang nagkulang. Idagdag pa ang malaking peklat sa tiyan dahil sa nakaraan.

“Charlotte?”

“Ang pangit ko po pala?”

Napapitlag ako nang iharap niya ako sa kaniya. Kunot ang kaniyang noo at halatang hindi natuwa sa narinig.

“Who told you that? Why are you thinking like that?” istriktang tanong ni Mommy kaya't napakagat na lang ako sa aking labi.

“N-Naisip ko lang po,” asik ko at napatungo.

Bumuntong hininga si Mommy at itinapat sa akin ang isang spaghetti strap na fitted satin dress. May slit iyon sa binti at hindi ko alam kung kakayanin ko bang isuot. Hapit na hapit, eh.

“You're having insecurities because of River's girlfriend?” istriktang tanong niya sa akin. Napalabi ako at nagulat nang bahagya niya akong hilahin palapit sa kaniya.

Ganito madalas si Mommy. Mabait siya at makulit kapag kami ni Daddy ang kaharap. Kapag hindi naman...

“Listen to me, Charlotte Katherine. You are a beauty. And most of all, you are a Belmonte. You are the well-known Belmonte heiress. Didn't you know that girls envy you?” tanong niya. “I'm glad you have that pure heart, pero anak, hindi mo dapat minamaliit at ibinababa ang sarili mo. You’re more expensive than the greatest diamonds.”

Ngumuso ako at marahang tumango kay Mommy. Bumuntong hininga siya bago iniabot sa akin ang dress.

“Wear that. I'll see you later,” nakangiting sambit niya at saka lumabas ng aking kwarto.

Wala na akong nagawa bukod sa sundin siya at isuot iyon bago ako lumabas ng kuwarto. Sinalubong naman ako ni Ate Lorie na may hawak na ilang pagkain.

“Napakaganda mo, CK,” sambit niya.

“S-Salamat po,” asik ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba  ako sa kaniya. Tanging blush-on at lip gloss lang naman ang inilagay sa akin ni Mommy. Wala naman yatang nagbago.

“Cha?” Napalingon ako sa tawag ni Kuya River sa akin. Napakagwapo niya sa suot na coat at polo. Wala siyang tatalo sa kagwapuhan niya lalong-lalo na sa paningin ko.

“K-Kuya River,” nakangiting sambit ko. Nginitian kami ni Ate Lorie bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

Inilahad ni Kuya River ang kaniyang kamay sa akin. Nag-aalinlangan man ay tinanggap ko pa rin iyon.

Pigil ang hininga ko nang hinawakan ang kamay niya. Ikinawit niya iyon sa kaniyang braso para alalayan ako sa pagbaba sa mahabang hagdan ng aming bahay.

Kakatwang sa mga oras na iyon, wala akong pakialam sa hagdan o kahit sa mga taong naroon at pumapalakpak sa aming pagbaba.

Sa kaniya lamang ako nakatingin. Sa seryoso niyang ekspresyon, sa nasasaktan niyang mga mata, at sa mapupula niyang labi. Gusto kong makasal sa kaniya. Sa kaniya lang at wala nang iba.

Lutang pa rin ang isipan ko kahit nagsisimula na ang batian ng lahat. Ang pakikipag-usap nina Mommy at Daddy sa mga taong naroroon ay halos hindi ko inalintana.

Parang sa buong oras ay nakahawak lang ako kay Kuya River, nag-iisip at nasasaktan.

Kagaya noon, kanina pa siyang may tinatawagan at wala sa akin ang atensyon niya o kahit sa kung kanino mang negosyanteng gustong kumausap sa kaniya. Tanging nasa babaeng tinatawagan lang. It breaks my heart. Yet, I have no choice.

“We would like to thank everyone for attending tonight. So? Why don't we hear what the future bride and groom would say?” sabi ni Mommy sa microphone.

“K-Kuya River?” Bulong ko sa kaniya subalit hindi niya ako pinansin. “K-Kuya?”

“Just go, Cha. Okay?” medyo iritadong sabi niya kaya't napatango ako. Tinanggal ko ang aking kamay sa kaniya at saka marahang tumayo para umakyat sa platform.

Hinawakan ko ang microphone na nasa stand. May media sa harap at  kahit nakakasilaw ang bawat flash ng camera nila, hindi nakatakas sa paningin ko ang paglapit ni Tita Roselle kay Kuya River.

“Good evening po. I would just like to thank everyone for coming here tonight—”

“Why didn't you come up there?” tanong ni Tita Roselle kay Kuya River.

“What did you do to Sandra? Iniwan niya ako!” Rinig ko ang pag-aaway ng mag-ina sa gilid. Maaaring maingay ang mga tao at ang media pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ko.

I longed for his love. However, I couldn’t stand this anymore. He’s too good to be true. Too good to be mine.

“Napakasaya ko po na makita kayong lahat dito sa ganitong party na pinangarap ng kahit sinong babae. Pinangarap ko ring maikasal noon sa isang lalaki at sobrang saya ko na magkakatotoo na ang pangarap na 'yon. Napakasaya ko dahil sa wakas… ikakasal na ako sa kaniya. Sa wakas ay nagustuhan niya na ako. Sa wakas ay napansin niya na ang damdamin ko,” nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kawalan. Wala akong gustong tingnan noong mga panahong iyon. Pakiramdam ko ay pipigilan nila akong lahat.

“Pero hindi ganito ang pinangarap ko. Hindi ko naisip na magkakaganito. Sana pala… nag-isip muna ako bago ako nangarap. Sana pala… inisip ko kung gusto niya rin bang makasal sa akin.”

“Charlotte,” tawag sa akin ni Mommy na hindi ko pinansin.

“I've been in love with Kuya River for almost 8 years already. Pero sorry po, Mommy, Daddy. H-Hindi po… ako magpapakasal sa kaniya. I'm sorry to disappoint everyone, but you may all leave now. The engagement is over.” Pinatay at ibinagsak ko ang mic para magtatakbo palayo sa kahihiyan. 

Kaugnay na kabanata

  • Clouds on the Horizon   Chapter 6

    “Mga bwiset. Ang tagal-tagal na noong issue. Ano bang pakialam nila?” galit na galit na sambit ni Nichole na tinawanan ko lang.“Kalma, hayaan mo na sila,” saad ko at marahang hinila ang upuan para sa kaniya. Mahigit isa o dalawang taon na rin siguro noong lumabas sa media ang nangyari sa engagement party pero hindi iyon nawala sa isip ng mga tao. Noong mga unang buwan nga ay halos maririnig ko ang usapan kahit saan ako magpunta. Mabuti at humupa iyon kahit papaano.Nanatili ako at ang aking mga magulang na tahimik sa mga katanungan ng media sa nagdaang taoon at siguro ay kinalimutan na rin nila ang nangyari. Hindi na namin iyon pinag-uusapan sa bahay at madalas ay hindi na rin ako nakikihalubilo sa tuwing nasa bahay ang mga Costales.“By the way, may laka

    Huling Na-update : 2021-11-01
  • Clouds on the Horizon   Chapter 7

    I cried myself to sleep last night and woke up with my sore body. Hindi ko maiangat ang ulo dahil sa sobrang sakit ng aking likod, leeg, at balikat. Paano ba naman kasi at nakatulog akong nakaupo kagabi at ang aking ulo ay nakapatong lamang sa aking tuhod. Iyon sigurado ang dahilan kaya’t ganito na lang kasakit ang katawan ko.The room is a huge mess, and I still have to go to work. Kung pwede lang sanang lumiban ay nagawa ko na.“Ang gulo naman,” sambit ko habang pinupulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig. Pagkalabas ko ay naroon at nagkalat pa ang ilan kong gamit sa sahig dahil sa pagtakbo kagabi.“You think I’ll do that to you? No, Katherine. I’ll never lay my hands on someone as desperate as you.”Napa bunt

    Huling Na-update : 2021-11-02
  • Clouds on the Horizon   Chapter 8

    “Sigurado ka? I-text mo kaya sa akin ang address? Pupuntahan kita riyan para naman may kasama ka.”“Huwag na po, Ate Lorie. Kaya ko na ito. Diyan na lang po kayo sa bahay para naman may mag-asikaso kay Mommy at Daddy habang wala ako,” asik ko.“Pero bibisitahin kita riyan ngayon! Bilin iyon ng Mommy at Daddy mo.”Bahagya akong napatawa at saka tumango na animo'y nakikita niya ako. “Sige po. Itetext ko sa inyo ang address.”“Sige. Sabik na sabik na akong makita ka! Marami tayong pag-uusapan,” aniya at humagikhik bago ibinaba ang tawag.I smiled and breathed heavily when the line ended. Naputol lang ang pagmumuni-muni ko sa mesa nang dumating ang order ko.

    Huling Na-update : 2021-11-03
  • Clouds on the Horizon   Chapter 9

    “Get out,” Lionel said coldly. Tinanggal niya ang kamay sa aking baywang at saka umiwas ng tingin na parang natatauhan. Subalit nanatili akong nakatayo roon, gulat at tulala dahil sa nangyari“I said get out!” his voice thundered, and it almost made me jump.Sunod-sunod ang aking naging pagtango at saka mabilis na inilapag ang mga damit niya bago tuluyang umalis sa kaniyang kuwarto bago pa siya sumabog sa galit.I quickly shut the door and saw Ate Lorie's shocked face which immediately turned into an annoyed one.“Ayos ka lang?” mahinahong tanong niya na hindi ko inaasahan.I simply smiled and nodded at her. Wala siyang nagawa bukod sa bumuntong hininga at tumango. Bigla ay nahiya ako dahil

    Huling Na-update : 2021-11-04
  • Clouds on the Horizon   Chapter 10

    Niyakap ko ang unan at nilaro ang aking mga daliri habang nakahiga sa madilim na kwarto ng hotel.Payapa ang lahat subalit hindi pa rin nawawaglit sa isipan ko ang nakita kanina sa bahay.Pero ano nga ba ang magagawa ko? Gayong hindi niya naman ako gusto. Wala naman kaming relasyon bukod sa pekeng kasal na ito.Besides, why am I even thinking of it? Bakit ba pakiramdam ko ay pinagtataksilan ako? Ni hindi ko rin naman siya gusto. Because until now, my heart still beats for one man. I think so.We stayed silent for a while as he tried to pull himself together. However, the silence was broken when a familiar voice echoed.“P-Papa!” Napa angat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na tinig. Mabili

    Huling Na-update : 2021-11-05
  • Clouds on the Horizon   Chapter 11

    Hindi na umalis si Lionel noong gabing ‘yon. Pero dahil siguro sa mga nasabi ko ay nagalit siya sa’kin. Ilang buwan ang dumaan na hindi niya man lang ako kinakausap o kinikibo at sa totoo lang ay mas gusto ko pa ang mga araw na palagi niya akong sinsinghalan o kaya naman ay sinisigawan.But can he blame me? I can let his cheating pass. Hahayaan ko rin naman siyang makipagkita sa mga babae niya pero huwag naman sana kung kailan narito ang parents ko. He can disrespect me and our marriage as long as he pays respect to my parents.Kagaya ng pagrespeto ko sa Mama niya at kay Tito Max.“Hey, baby. Bakit napakalungkot mo namang tingnan riyan?” Nabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Alejandro na lumalapit sa akin. Kaka baba niya lang sa sasakyan habang ako ay nakasampa pa sa motor at nakati

    Huling Na-update : 2021-11-06
  • Clouds on the Horizon   Chapter 12

    Tahimik akong nakatitig sa wedding ring na ngayon ko lang muling isusuot. Hindi ko naman sinusuot ito sa tuwing nagtatrabaho pero dahil bibisita ako kina Tita at paniguradong… may ilang negosyante ring pupunta roon.Nakasisiguro akong kailangan naming panindigan ni Lionel ang pagiging mag-asawa sa harap nila.‘Paano kung may makakita sa kalandian mo? Ha? Ilugar mo naman!'Parang sirang plaka pa rin iyong nagpapaulit-ulit sa pandinig ko hanggang ngayon. Magmula nang isigaw iyon ni Lionel sa harap ko kahapon ng umaga ay naging laman na iyon ng isip ko.Pero siguro nga ay tama siya. Mas kailangan ko pa yatang mag-ingat. Baka mamaya may bumulusok na issue. Hindi maaaring masira ang reputasyon namin dahil lang sa akin.

    Huling Na-update : 2021-11-07
  • Clouds on the Horizon   Chapter 13

    “Extend the m-marriage, T-Tita?” nangangatal kong tanong. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kaya ko pa ba.“J-Just a little longer, hija? I'll do my best to keep the company stable. I just need a little more time, and 6 months aren’t enough.”Kaya ko pa nga ba? Hindi ko na alam kung paano ko kakayanin. Ang maisip na magtatagal pa ng isa pang taon ang pekeng kasal namin ni Lionel ay parang sumasakal sa akin. Humingi si Tita Lea ng isa pang taon na palugit at aniya’y gagawin niya ang lahat ng makakaya upang mas mapabilis ang lahat.Hindi ako makasagot sa kaniya. Hindi ko masabi kung oo o hindi dahil gusto ko rin namang hingin ang payo nina Mommy at Daddy. Kung ako ang tatanungin ay ayos lang sa akin na magtagal ang kasal at mas makatulong pa.

    Huling Na-update : 2021-11-08

Pinakabagong kabanata

  • Clouds on the Horizon   Epilogue

    When can we say that we’ve moved on from all the pain and heartache? How do we know if we’ve already moved on? How do we know if we’re just forcing ourselves and denying the pain? At higit sa lahat… paano ba tatanggapin ang pagkawala ng ating minamahal?I have lots of questions running in my mind. Habang nakatitig sa puntod ng aking asawa, hindi ko mapigilang itanong sa aking sarili kung paano kinakaya ng mga taong naiiwan ang paglisan ng kanilang minamahal.How can Kuya River… stand strong?Well, maybe he has his little angel that Sandra left to remind him of her love. At si Lionel… ganoon din.“Will you be fine here, Darling?” mahinang bulong ko at hinawakan ang kanyang lap

  • Clouds on the Horizon   Chapter 75

    It still feels unreal. Sa tuwing iminumulat ko ang aking mga mata kada umaga, pakiramdam ko’y hindi totoo ang lahat. When I wake up without him beside me, I’d still wait for him to get out of the shower.But as minutes pass, after realizing everything… that he’s not here anymore… I couldn't stop myself from crying.The past few days were very hard. And it’s not getting any better. Sa bawat araw, parang mas lalo lang akong nasaktan.In the middle of the night, I can still feel him caressing my cheeks. I can always feel his warmth like he never left.“CK…” Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang tinig ni Mom. She caressed my back and hair as she softly whispered. “Do you want something to eat? Mananghali

  • Clouds on the Horizon   Chapter 74

    “L-Lionel, please… wake up. Wake up, please?” pakiusap ko.I tried to run and push his bed as fast as I could. Natatakot akong sa oras na bumagal ang takbo namin… baka hindi na kami umabot. Baka iwanan niya na ako. Baka…“Sweetie,” Mommy called and stopped me from entering the emergency room. Pero hindi ako nagpatinag. Gusto kong pumasok. Gusto kong malaman ang lagay ng asawa ko. Gusto kong naroon ako pagmulat ng kanyang mga mata.“Mommy, please. I k-know he’ll want to see me if he wakes up. G-Gusto ko siyang makitang mabuhay, Mommy. H-He’ll be worried sick if he wakes up without me. Alam ko iyon.” Nabasag ang aking boses habang patuloy na nagmamakaawang papasukin nila ako sa emergency room pero… hindi talaga. Ayaw nila.

  • Clouds on the Horizon   Chapter 73

    At first, I thought I was only serving my revenge because they fooled me. Pero sino bang niloloko ko? I can’t… hold it any longer.I can’t contain my feelings anymore. After kissing her, marrying her legally without her knowing, after I locked her there, at matapos kong makita ang paraan ng titig niya sa kapatid ko, I know I wouldn’t be able to last another day without her knowing that she’s mine.At nang magising ako isang araw sa kanyang tabi… I couldn’t help but feel how much my heart is aching. I realized how stupid I am. She’s fucking innocent!At hindi siya biktima ng pangyayari kundi… biktima ng galit ko. I was the one who harmed her. I was the one who hurted her and traumatized her. Kaya anong… karapata

  • Clouds on the Horizon   Chapter 72

    I did shit the next few days. Umuuwing madaling araw tapos aalis na ulit, I go to bars often, meet few ladies and mess with them in a way we both know. Umabot pa sa puntong ginawa ko iyon… sa bahay mismo.Alam kong napakatanga ko, pero wala akong pakialam. I can’t take Katherine off my mind, and I know that I have to! Kaya lahat ginawa ko para maalis siya sa sistema ko. Pero alam kong palagi ko siyang makikita kaya minabuti kong ituon ang atensyon ko sa iba.But unexpectedly, one night, she… saw me doing it with another woman in our very own house.Fuck, I’m so screwed up.“Katherine?!” sigaw ko nang makita siyang tulala sa amin. She looked stunned. Subalit ang gulat ay napalitan ng takot nang

  • Clouds on the Horizon   Chapter 71

    They say that before people close their eyes, they tend to remember the most beautiful thing that happens to their lives.But no matter how much I’m afraid to die, I don’t think I can still… make it.“Lionel… Lionel, please, wake up!” I stared at my beautiful wife as she cried so much. The last thing I want to see is her shedding tears. Dahil sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, it always felt like I failed my duty as his husband.It always reminded me of those days when I was an ass to her. It always reminded me that until now, I’m still not satisfied dahil pakiramdam ko’y kulang pa ang mga ginagawa ko para makabawi sa kanya.“Hala! S-Sorry, akala ko walang tao!” sigaw ni Katherine at kaagad isinar

  • Clouds on the Horizon   Chapter 70

    “Are you craving for something? Do you want anything in particular? May nararamdaman ka ba?” tanong niya habang naglalakad kami sa may airport. Napatawa na lang ako dahil magmula nang malaman niya kanina ang tungkol sa pagbubuntis ko, hindi na siya magkandaugaga sa pag-alalay sa akin. Sobrang saya ko nang mag-positive ang tatlong pregnancy tests at hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Pero dahil sa reaksyon ni Lionel, sobrang saya ko na totoo ang lahat nang ito. “Are you sure you don’t want anything?” tanong niya nang umiling ako. Kaagad akong napatawa dahil bakas na bakas ko sa kanya ang pagkataranta. “Wala talaga,” sambit ko habang hawak ang kanyang kamay. “Don’t worry about me, okay? I’m really alright.”

  • Clouds on the Horizon   Chapter 69

    That morning, hindi na ako nagulat nang muling magpaalam si Lionel para umalis. He was like that throughout the whole week. Umaalis nang maaga at umuuwi minsan sa gabi o kaya naman ay madaling araw. But there are days when he doesn’t come home at all.Minsan nga ay umuuwi nang madaling araw galing sa ibang bansa nang hindi namin nalalaman. Even though I know that he’s with Kuya River, I can’t help but get worried every time.He thinks that leaving me here in Carles would make me feel at ease and slowly recover from the incident. Pero ang totoo, mas naghihilom ang lahat ng sakit sa tuwing narito siya. Him staying beside me through those painful days did all the job. At sa totoo lang, mas malaki ang naging impact sa akin ng pagkamatay ni Sandra kaysa sa pagtangka ni Alejandro na pagdukot sa akin. And it made me even scared for my husband.

  • Clouds on the Horizon   Chapter 68

    “Do you know anything else?” tanong ko kay Vincent habang nakatitig sa cell phone ni Aaliyah at binabasa ang mensahe ng kanyang ama sa kanya.At habang ginagawa iyon, hindi ko mapigilang maawa sa bata. Alejandro is blessed to have a child. He’s blessed to have a daughter like her. Pero hindi pa siya nakuntento. Why in the world did he want my wife? I get that he likes her, but I never realized that it’ll be to this extent.Unless, there are deeper reasons. But whatever they are, it will still be invalid.“Iyan lang. Kailangan mo ba ang cell phone?” tanong niya.Kaagad akong umiling at saka ibinigay iyon ulit sa kanya. I’ve read enough.“Aalis na ako. That’s all I need to k

DMCA.com Protection Status