Chapter 24Pagkauwi namin ni Kane ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para maligo. Katulad ng ng sinabi niya kanina ay ibinili muna niya ako ng milktea bago kami umuwi. "Si Kane po? " Tanong ko kay Manang Lucinda ng makababa ako. Suot ang isa ko pang pares ng uniform ay bumaba na rin ako agad."Umalis na si Kane, Hija. Nagmamadali nga siya." Sabi sa akin ni Manang."Ayos ka lang ba, hija? Kaya mo bang bumalik sa eskwelahan? " Tanong pa niya sa akin."Oo naman po, Manang. Okay na po ako." Nakangiting sabi ko."Hay naku, ang mga kabataan talaga ngayon. Hindi ko akalaing may mang aaway pa sayo dahil lamang sa isang lalaki. Halika, kumain ka muna. Ipinagluto kita ng sinigang. " malumanay na sabi sa akin ni Manang kaya naman mas lalong lumaki ang ngiti ko." Salamat, manang. " naglalambing akong humawak sa kanya at sabay kaming nagtungo sa kusina. Doon ay inabutan namin si Abby na naghahain ng pananghalian." Hi, Abby! Sabay sabay na tayong kumain. " aya ko sa kanila. Katulad ng mga una k
Chapter 25Napabuntong hininga na lamang ako pagkababa ng sasakyan ni Kuya."Vittoria.""Yes, kuya? " Lingon ko sa kanya.Napabuntong hininga naman si Kuya."I'm sorry. Hindi dapat iyon nangyari. Ang alam ko ay hiwalay na si Joseph sa nobya niya dahil iyon ang sinabi sa akin ni Konsehal. Hayaan mo at kakausapin ko rin ang anak niya.""No need, Kuya. Huwag na nating pag usapan ang tungkol doon, tapos na iyon." Malumanay na sabi ko."Narinig ko pa kanina na inirereklamo mo iyong pampusod mo ng buhok. Ibibili na lang kita ng bago." Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya."Kuya, parang sinusuhulan mo ako." Tawa ko pa."Gift yun sa akin ni Ate Blace kaya talagang nag init rin ang ulo ko. " Dagdag ko pa."Yeah. I know how you take care of those things." Malumanay na sabi ni Kuya."Sorry din kuya. First of school pa lang, napatawag ka kaagad. Nagpromise pa naman ako na hindi ako makakaapekto sa candidacy mo." Napabuntong hininga kong sabi. "It's fine. Katulad nga ng sabi mo ay hindi mo na
Chapter 26"Daciana Vittoria! " Dumagundong ang boses ni Lolo Isidro sa loob ng kabahayan dahil sa galit na boses ni Lolo."Lolo." Napaatras ako dahil sa takot. "Ano itong nalaman kong napaaway ka na agad sa eskwelahan? Kararating ko lamang at iyon agad ang bungad sa akin ng Kuya Ryker mo. " galit pa ring sabi nito." Lo, hindi naman ako ang nagsimula. Isa pa, hindi naman ako nakipag away. Inaway lang po ako... " takot ko pa ring sabi sa kanya." Sinabihan na kita na huwag gagawa ng kalokohan dahil makakasama iyon sa kandidasiya ng kuya mo. " " Lolo, bakit mo pinapagalitan si Vittoria? " lumapit sa akin si Kuya Ryker habang ako ay umiiyak." Hindi niyo naman ako pinatapos kanina sa sinasabi ko. Hindi si Vittoria ang nagsimula, Lo. Inaway siya ng nobya ni Joseph dahil lamang lapit ito ng lapit sa apo mo. " malumanay na sabi ni Kuya." Ano? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? " Napalitan ng pag aalala ang ekspresyon ni Lolo Isidro dahil sa sinabi ni Kuya."Hindi niyo nga po kasi ako p
Chapter 27Naging smooth na naman ang mga sumunod na araw. Araw na ngayon ng biyernes at huling araw ko na ng pasok. "Damn, I'm waiting for this day! Bukas ay Saturday na." Excited na sabi ko ng makapasok ako sa kotse ko. Pinayagan na ako ni Lolo na magmaneho ng sarili kong sasakyan, kaya naman excited din ako tuwing papasok ako. "Anong meron bukas? " "Oh, fuck! " Gulat na gulat na sabi ko biglang umimik si Kane. "What are you doing here, Sylvester?! " "Wala naman. " Kibit balikat na sabi nito sa akin. Sa lumipas na mga araw ay palagi kaming nakakapag usap ni Kane. Hindi na rin siya ganoong kasuplado sa akin simula ng may mangyari sa manggahan. "Ihahatid na kita sa school, susunduin na lang kita mamaya. May pupuntahan tayo pagkaawas mo." Malumanay na sabi niya at napataas naman ang kilay ko dahil doon. "At saan naman tayo pupunta? " Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Kila Kristoff, birthday ng Lola niya. Hindi ba siya nagchat sayo?" "Ngayon ba yun? Nasabi niya nga sa akin, na
Chapter 28"Kaney! Hi! " Magiliw na bati ko sa aking sundo. "Ang ingay mo." Masungit na sabi niya sa akin. "Bye, Daciana! " Paalam sa akin ni Oliver."Bye bye, bukas na lang." Paalam rin sa akin ni Mariz."Bye! Chat niyo ako tomorrow ha? " Nakangiting paalam ko sa dalawa. Pinagbuksan naman ako ni Kane ng pintuan ng kotse kaya naman agad akong sumakay. " Bakit ang sungit mo na naman? " Tanong ko kaagad kay Kane ng makapasok rin siya sa kotse. "Wala lang." "Wow, ang ganda naman ng sagot mo." sarkastikong sabi ko sa kanya. "Kasing ganda mo." Maikling sabi niya. "Muntik na sana akong kiligin kaya lang iyong sinabi mong 'wala lang' ay wala ring laman. So, ano? Yung beauty ko parang walang laman. Hindi sincere! My god! Ganda ganda ko naman talaga." Irap ko sa kanya. "Palagi ka na lang may sagot sa mga sinasabi ko." Naiiling na sabi ni Kane. "Talaga! " Kung pwede lang tumalsik ang mata ko sa pag irap, siguro kanina pa iyong sinimot ni Kane. "Tsk." Pinaandar na ni Kane ang sasakyan.
Chapter 29Natapos ang party ng hindi ko pinapansin si Kane. Tanging si Cleeve lamang ang kinakausap ko magdamag. "Kane, huwag kang masyadong mag inom, magmamaneho ka pa pauwi." Paalala ni Kris kay Kane. Tumango lamang ang ito. "Uuna na rin kami, Kristoff." Paalam ni Kane sa kanya. Kami kami na lamang kasi ang naiwan dito. "Bye, Kris. Salamat sa pag invite." Nakangiting sabi ko. "Salamat din, Daciana. Ingat kayo pag uwi ha?" Paalala nito sa amin. "Kane, si Katalina! Nagsusuka na siya." Nakangiwing sabi ni Jade kay Kane. "Teka lang, Vittoria. Pupuntahan ko lang si Katalina." Hindi na ako nahintay na umimik ni Kane at mabilis na dinaluhan ang lasing niya kaibigan. "Fuck! Baka magsuka pa siya sa kotse." Stress na sabi ko. "Isasabay na lang namin siya, Daciana. Sobrang lasing na rin kasi siya. " Malumanay na sabi ni Jade sa akin. "Is it okay? Hindi kasi siya maaasikaso ni Kane sa kotse dahil siya ang magdadrive. Kung ako naman? I can't." Nakangiwing sabi ko kaya naman natawa na
Chapter 30"Daciana, dito!" Rinig kong sabi ni Mariz. Naririto na kasi ako sa napagkasunduan naming lugar. "Hi! Sorry, I'm late. Gosh, tinanghali ako ng gising." Ngarag na sabi ko kaya naman natawa na lang sa akin si Mariz. Ang totoo niyan ay hindi talaga ako nakatulog buong magdamag. Iniisip ko kasi ang pinaggagawa namin kagabi ni Kane. Damn! Mukhang delikado ako. "Mukhang stress ka, a? Ayos ka lang ba? " Tanong naman sa akin ni Oliver. "Yeah, hangover lang. " Nakangiwing sabi ko. "Sus, kaya pala. O siya, mag order muna tayo." Natatawang sabi ni Oliver. Siya na ang nagpunta sa counter ng makuha niya ang order naming dalawa ni Mariz. "Hindi mo yata kasama si Kane?" Pag uusisa ni Mariz. "Susunod na lang daw siya. Buti nga pumayag si Lolo na lumabas ako." Buntong hiningang sabi ko. " Bakit ba kailangan na kasama mo siya? " Nagtatakang tanong sa akin ni Mariz. " Ayaw ko kasi ng may bodyguard. No choice kundi ang pumayag sa kondisyon ni Lolo. "" Sabagay, mukha naman talagang ma
Chapter 31"Wow, it's so beautiful here! " Tuwang tuwa na sabi ko ng marating namin ang peryahan. Maraming ilaw na nakakaaliw tingnan at medyo marami ring tao ngayon. "Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganito? " Tanong sa akin ni Kane habang naglalakad kami. Para naman akong bata na tumango. "Palaging busy sila dad and wala silang time para samahan kami dati sa mga ganitong lugar. " Sabi ko kay Kane habang pinagmamasdan ko ang paligid. "Tara, maglaro tayo doon." Turo sa amin ni Mariz sa isang booth na may mga baril barilan. Sumunod naman kaming tatlo sa kanya. "Magkano ang laro dito kuya? " Tanong naman ni Oliver sa taong naroroon. "Singkwenta pesos po, sampung bala na iyon." "Teka, how can we get the prize? I like that pink one, oh. Sobrang cute niya." Turo ko sa isang stuffed toy na flamingo. "Ah, dapat po at makapagpatumba kayo ng 20 na bola ng sunod sunod." That's easy. "Gusto mo ba iyon? " Tumango lamang ako sa tanong sa akin ni Kane. "Boss, dalawang rounds nga ng bala."