Share

Chapter 31

Chapter 31

"Wow, it's so beautiful here! " Tuwang tuwa na sabi ko ng marating namin ang peryahan. Maraming ilaw na nakakaaliw tingnan at medyo marami ring tao ngayon.

"Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganito? " Tanong sa akin ni Kane habang naglalakad kami. Para naman akong bata na tumango.

"Palaging busy sila dad and wala silang time para samahan kami dati sa mga ganitong lugar. " Sabi ko kay Kane habang pinagmamasdan ko ang paligid.

"Tara, maglaro tayo doon." Turo sa amin ni Mariz sa isang booth na may mga baril barilan.

Sumunod naman kaming tatlo sa kanya.

"Magkano ang laro dito kuya? " Tanong naman ni Oliver sa taong naroroon.

"Singkwenta pesos po, sampung bala na iyon."

"Teka, how can we get the prize? I like that pink one, oh. Sobrang cute niya." Turo ko sa isang stuffed toy na flamingo.

"Ah, dapat po at makapagpatumba kayo ng 20 na bola ng sunod sunod."

That's easy.

"Gusto mo ba iyon? " Tumango lamang ako sa tanong sa akin ni Kane.

"Boss, dalawang rounds nga ng bala."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status