Chapter 28"Kaney! Hi! " Magiliw na bati ko sa aking sundo. "Ang ingay mo." Masungit na sabi niya sa akin. "Bye, Daciana! " Paalam sa akin ni Oliver."Bye bye, bukas na lang." Paalam rin sa akin ni Mariz."Bye! Chat niyo ako tomorrow ha? " Nakangiting paalam ko sa dalawa. Pinagbuksan naman ako ni Kane ng pintuan ng kotse kaya naman agad akong sumakay. " Bakit ang sungit mo na naman? " Tanong ko kaagad kay Kane ng makapasok rin siya sa kotse. "Wala lang." "Wow, ang ganda naman ng sagot mo." sarkastikong sabi ko sa kanya. "Kasing ganda mo." Maikling sabi niya. "Muntik na sana akong kiligin kaya lang iyong sinabi mong 'wala lang' ay wala ring laman. So, ano? Yung beauty ko parang walang laman. Hindi sincere! My god! Ganda ganda ko naman talaga." Irap ko sa kanya. "Palagi ka na lang may sagot sa mga sinasabi ko." Naiiling na sabi ni Kane. "Talaga! " Kung pwede lang tumalsik ang mata ko sa pag irap, siguro kanina pa iyong sinimot ni Kane. "Tsk." Pinaandar na ni Kane ang sasakyan.
Chapter 29Natapos ang party ng hindi ko pinapansin si Kane. Tanging si Cleeve lamang ang kinakausap ko magdamag. "Kane, huwag kang masyadong mag inom, magmamaneho ka pa pauwi." Paalala ni Kris kay Kane. Tumango lamang ang ito. "Uuna na rin kami, Kristoff." Paalam ni Kane sa kanya. Kami kami na lamang kasi ang naiwan dito. "Bye, Kris. Salamat sa pag invite." Nakangiting sabi ko. "Salamat din, Daciana. Ingat kayo pag uwi ha?" Paalala nito sa amin. "Kane, si Katalina! Nagsusuka na siya." Nakangiwing sabi ni Jade kay Kane. "Teka lang, Vittoria. Pupuntahan ko lang si Katalina." Hindi na ako nahintay na umimik ni Kane at mabilis na dinaluhan ang lasing niya kaibigan. "Fuck! Baka magsuka pa siya sa kotse." Stress na sabi ko. "Isasabay na lang namin siya, Daciana. Sobrang lasing na rin kasi siya. " Malumanay na sabi ni Jade sa akin. "Is it okay? Hindi kasi siya maaasikaso ni Kane sa kotse dahil siya ang magdadrive. Kung ako naman? I can't." Nakangiwing sabi ko kaya naman natawa na
Chapter 30"Daciana, dito!" Rinig kong sabi ni Mariz. Naririto na kasi ako sa napagkasunduan naming lugar. "Hi! Sorry, I'm late. Gosh, tinanghali ako ng gising." Ngarag na sabi ko kaya naman natawa na lang sa akin si Mariz. Ang totoo niyan ay hindi talaga ako nakatulog buong magdamag. Iniisip ko kasi ang pinaggagawa namin kagabi ni Kane. Damn! Mukhang delikado ako. "Mukhang stress ka, a? Ayos ka lang ba? " Tanong naman sa akin ni Oliver. "Yeah, hangover lang. " Nakangiwing sabi ko. "Sus, kaya pala. O siya, mag order muna tayo." Natatawang sabi ni Oliver. Siya na ang nagpunta sa counter ng makuha niya ang order naming dalawa ni Mariz. "Hindi mo yata kasama si Kane?" Pag uusisa ni Mariz. "Susunod na lang daw siya. Buti nga pumayag si Lolo na lumabas ako." Buntong hiningang sabi ko. " Bakit ba kailangan na kasama mo siya? " Nagtatakang tanong sa akin ni Mariz. " Ayaw ko kasi ng may bodyguard. No choice kundi ang pumayag sa kondisyon ni Lolo. "" Sabagay, mukha naman talagang ma
Chapter 31"Wow, it's so beautiful here! " Tuwang tuwa na sabi ko ng marating namin ang peryahan. Maraming ilaw na nakakaaliw tingnan at medyo marami ring tao ngayon. "Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganito? " Tanong sa akin ni Kane habang naglalakad kami. Para naman akong bata na tumango. "Palaging busy sila dad and wala silang time para samahan kami dati sa mga ganitong lugar. " Sabi ko kay Kane habang pinagmamasdan ko ang paligid. "Tara, maglaro tayo doon." Turo sa amin ni Mariz sa isang booth na may mga baril barilan. Sumunod naman kaming tatlo sa kanya. "Magkano ang laro dito kuya? " Tanong naman ni Oliver sa taong naroroon. "Singkwenta pesos po, sampung bala na iyon." "Teka, how can we get the prize? I like that pink one, oh. Sobrang cute niya." Turo ko sa isang stuffed toy na flamingo. "Ah, dapat po at makapagpatumba kayo ng 20 na bola ng sunod sunod." That's easy. "Gusto mo ba iyon? " Tumango lamang ako sa tanong sa akin ni Kane. "Boss, dalawang rounds nga ng bala."
Chapter 32"Salamat sa inyo. Salamat, Daciana ha? Next time ulit." Paalam sa akin ni Mariz. "Salamat din sa inyo. Sobrang nag enjoy ako." Sinserong sabi ko.Nauna na naming ihatid ni Kane si Oliver sa kanila, si Mariz ang huli naming inihatid dahil madaranaan namin ang bahay nila bago sumapit ang Hacienda nila Lolo. "Ingat kayo. Kane, dahan sa pagdadrive." Tumango naman si Kane sa kanya. Nagtuloy ang pagbyahe naming dalawa ng maibaba namin si Mariz. "Thanks for today, I really enjoy it. " Nakangiting sabi ko. "Talaga? Kahit hindi natin nakuha iyong gusto mong laruan? " Kunot noong sabi niya ng mapatingin siya sa akin. "Yeah. It's fine." tawa ko sa kanya. Mukhang masama pa rin ang loob niya dahil hindi niya nakuha iyong pink flamingo kanina. "Pero mukhang gustong gusto mo iyon." Seryosong sabi niya. "Well, hindi naman lahat ng gusto natin ay nakukuha natin." Kibit balikat na sabi ko. "Tsk. " "What? " "Imposible rin ba kitang makuha, Daciana Vittoria? " Seryosong tanong niya s
Chapter 33Dahil sa nalaman ko ay blinock ko na sa social media ko si Cherry at Risha, nagleave na rin ako sa GC namin. Honestly, naiyak ako dahil sa nangyari. Alam ko namang hindi magsisinungaling sa akin si Janine dahil matagal na kaming magkaibigan. Kinabukasan ay pumasok akong mugto ang mata. Napnsin rin iyon nila Mariz pero hindi na sila nagtanong. Hindi konrin sila masyadong kinakausap dahil natatakot akong baka katulad lang din sila nina Cherry. "Daciana? Teka, okay ka lang ba? " Tanong sa akin ni Mariz, recess namin ngayon at naglalabasan na ang iba naming mga kaklase. "Not now, Mariz." Seryosong sabi ko. Natigilan naman siya ngunit hindi na siya nagsalita. Pinigilan niya ring lumapit sa akin si Oliver. Naiwan akong mag isa sa classroom namin. Sumubsob na lang ako sa desk ko. I'm not in the mood today... Tumunog ang cellphone ko kaya naman binuksan ko ito. 'Nasa labas ako ng room niyo. 'Napatingin ako sa labas ng room at nakatayo doon si Kane. Lumapit naman ako sa kanya
Chapter 34"Bye-bye, Daciana. Bukas na lang ulit, magchat ka lang sa amin kapag may problema ha? " Niyakap pa ako ni Mariz. "Don't worry, hindi naman kami snitch. Alam kong iyon ang iniisip mo kaya iniwasan mo kami kanina ni Oliver. " Bulong niya sa akin. "Pasensiya na, Mariz. " Hinging paumanhin ko sa kanya. " It's fine. Basta andito lang kami ni Oliver, for you." Napangiti na lamang ako dahil sa sinabi ni Mariz. Lumapit na rin ako kay Kane dahil nakatayo siya sa harap ng sasakyan ko. "Let's go." Malamig na sabi ko. Wala naman kaming imikan dalawa habang nagmamaneho siya. "May pasok na kami sa isang linggo. Pwede na tayong magsabay..." "Magiging busy ka. Ayokong maabala ka." "Kelan ka ba naging abala sa akin? " Para namang nanuot sa balat ko ang malamig na boses ni Kane. "Simula ng dumating ako ay abala na ako sa mga ginagawa mo, Sylvester." "Nililigawan ka na ba ni Kristoff kaya iniiwasan mo na ako? " Natigilan naman ako dahil sa tanong niya. "No! Saan mo naman nakuha iy
Chapter 35Nanayili pa si mommy ng ilang araw sa Hacienda kaya naman hindi rin kami gaanong nagpapansinan ni Kane. Palagi pa rin naman niya akong inihahatid sundo kaya kahit papaano ay nakakapag usap kami."Ryker, kumusta naman ang pangangampanya mo dito sa atin? Pwede kaming tumulong ng Tito Damon sa campaign. Sabihin mo lamang sa akin kung kailangan mo ng iba pang tulong." Naghahapuna kami ngayon ng magbukas ng topic si Mommy."Okay lang po, tita. May funds na po ako para sa darating na kampanyahan. " Magalang na sabi ni Kuya."Talaga? Mabuti iyan, hijo. Basta ay magfocus ka lamang sa darating na eleksiyon, para napapansin ko kasi na medyo wala ka sa focus ngayon." Natatawa ngunit makahulugang sabi ni Mommy. Napatingin naman ako kay Abby na ngayon ay naglalagay ng juice sa baso ni Mommy. "Tita, I can manage my time. You know me." Bigla namang sumeryoso si Kuya Ryker. Nanatili naman akong tahimik habang palipat lipat ng tingin sa kanila. "Mas kailangan mong pagtuunan ng pansin ang