Share

City lights
City lights
Author: CuteLazyPig

Prologue

Author: CuteLazyPig
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Mira's POV

"Agent Carper, on your right!" sigaw ng isa sa mga kasamahan ko sa 'di kalayuan.

Agad kong hinagis ang isang baril ko na walang bala sa aking kanan. Tumama ang baril ko sa ulo ng lalaking susugod saakin na ikina tumba n'ya. Binunot ko sa aking hita ang huling baril na meron ako at agad pinaputukan sa ulo ang lalaking binato ko ng baril.

Napangiwi ako nang magtalsikan ang dugo sa aking direksyon. Tumakbo ako sa isang pader para magtago ng biglang may magpaputok sa akin. Dali-dali akong nagtago at pinapaputukan ang sino mang haharang sa aking daan.

"Where are the team!?" sigaw ko sa Earpiece.

Bakit ang tagal nila dumating!? Kanina pa ako tumawag at hanggang ngayon ay wala pa sila! Makakatakas na ang mga kalaban! Argh! I'm out of bullets now! Kainis!

Agad akong yumuko nang biglang sumabog ang nasa itaas ko. Gumapang ako papunta sa isa pang pader para magtago. Tinignan ko ang paligid ko at nagpasalamat nang makakita ng baril sa 'di kalayuan. 

Kailangan kong makuha 'yun! hindi ako makakalabas hanggat 'di ko sila kayang paputukan! I-trap lang nila ako dito! I need to move!

"Agent Santos, Cover me!" sabi ko sa Earpiece kahit na medyo hingal.

"Copy" sagot n'ya.

Tinapon ko ang walang bala kong baril sa 'di kalayuan. Napangiti ako ng marinig ang putukan doon. Tama ako! Kinuha ko ang opportunidad na iyon para tumakbo papunta sa baril. Narinig ko ang putukan sa kung saan ko hinagis ang baril ko kanina. Narinig ko din ang mga pagsabog.

Kinuha ko ang baril at napangiti nang makitang puno ang bala non. Nagtago ako sa isang drum at nagpahinga saglit.

"Get ready! We're gonna trap them! Position!" sabi ko sabay kasa ng baril.

"Copy"

"Copy"

"Copy" sunod-sunod nilang sagot.

Napansin ko kung paano dahan-dahan tumahimik ang paligid. Alam kong ngayon ay naka pwesto na ang team sa paligid nitong rooftop. Hindi ko alam kung nasaan na ang mga huhulihin namin pero nasisiguro ko na nandito pa sila. Hindi sila makakaalis dahil bantay sarado ang chopper nila.

"3..." bilang ko.

Lumuhod ako para maghanda sa pagtayo.Pinusisyon ko ang baril ko at naghanap ng kalaban. Napangiti ako nang makita ang madaming lalaking naka itim na naghahanap din. Itinutok ko ang baril ko sa isa sa kanila.

"2..." bilang ko bago hinawakan ang trigger ng baril.

"1..." dahan-dahan kong kinalabit ang gatilyo habang nakangisi.

"Now!" sigaw ko bago pinagbabaril ang mga kalaban.

Nakita kong magsilabasan ang aking mga kasamahan at sunod-sunod na paputukan ang mga kalaban. Lumakad ako at pinaputukan ang sino mang makita kong nakaitim. Sinipa ko ang lalaking biglang sumulpot sa aking gilid habang binato ko ang isa na lilikudan din sana ang isa kong kakampi.

"Argh!" napapikit ako nang may humampas na kahoy sa aking likod. Tinignan ko nang masama ang isang lalaking naka mask at kita lang ang mata at bibig. Hinawakan ko ang dulo ng kahoy bago pinihit iyon. Nakita kong mapangiwi s'ya sa sakit habang ako ay lalo lamang diniinan ang pagkakapihit. Sinubukan n'ya akong sipain sa tuhod pero nauna ko s'yang tuhudin sa sikmura.

Napaluhod s'ya sa aking harapan bago ko s'ya hinampas ng baril sa ulo. Napabuntong hininga ako pagkatapos makita ang nakabulagtang lalaki. "Ang sakit ng hampas mo!" sigaw ko bago tumakbo ulit sa mga kasamahan.

"Nasaan ang target?" tanong ko kay Agent Denver.

Hawak n'ya ang baril habang nagpapaputok pero nagawa n'ya parin akong lingunin. Tagaktak na ang pawis n'ya at ang dumi na rin ng kanyang damit. May mantsa ng dugo sa bandang laylayan na animong may pinatay s'ya nang malapitan.

Pinaputukan ko ang lalaking babrilin sana s'ya sa likod. Nang makita n'ya ang nangyari ay bigla s'yang ngumiwi.

"Papunta daw sa kabilang rooftop. Doon sila susunduin ng pangalawang chopper nila." sagot n'ya.

My eyes widened after I heard his answer! Seriously? ngayon n'ya lang sinabi!? baka makatakas na ang mga iyon! Argh!

Inis akong tumakbo sa gilid ng rooftop para makita ang kabilang building kung nasaan pupunta ang mga may kagagawan nito. Wala pa sila doon! walang tao sa kabilang rooftop kaya ibig-sabihin ay hindi pa sila nakaka tawid!

Dali-dali akong tumingin sa bawat gilid ng rooftop para makita kung nasaan sila. Pinapuputukan ko ang mga tauhan n'ya na hinaharangan ako. Tumakbo ako sa last na gilid nang wala akong makita sa iba pa.

Agad kong pinaputukan ang mga tao na nagbabalak tumawid sa kabilang building gamit ang isang lubid! nakita nila ako kaya agad din nila akong pinaputukan pero nakayuko agad ako. Agad akong tumakbo papunta sa pinto pababa ng rooftop na ito. Nagulat ako nang may humawak sa aking kanang kamay kaya agad akong umikot at hinampas ang batok nito. Bumulagta s'ya sa sahig pero may isa nanamang lalaki ang sumulpot sa aking kaliwa. Tinutok ko ang baril ko doon at pinindot ang gatilyo kaya s'ya biglang napayuko.

Nagugulat kong tinignan ang baril nang walang bala na lumabas doon!

Shit! ngayon pa talaga!

Nakita kong mapangisi ang lalaking naka itim nang makitang wala na akong bala. Agad kong hinagis ang baril at naghanda sa pagsugod nang lalaki. Sinipa n'ya ako sa tyan ngunit nakaiwas ako. Sinubukan n'ya akong suntukin sa tagiliran ngunit naunahan ko s'ya. Bumaba ako at sinipa s'ya sa paa ngunit nagawa n'yang tumalon. Inis ko s'yang tinignan bago tumayo at hinawakan ang isa n'yang braso at siniko ito kaya s'ya napangiwi. Narinig ko naman ang pagkabali nang buto n'ya. Ouch! Sakit non, Mira! but he deserved it, tsk.

Hinampas ko ang leeg n'ya gamit ang aking palad kaya bigla s'yang napahawak doon. Tinignan ko s'ya habang nakangiti bago kumuha ng kahoy at hinampas s'ya sa ulo.

Easy...

Dali-dali akong tumakbo sa pintuan nang rooftop at bumaba. Kailangan kong maabutan ang may pakana nito! Nang makarating ako sa tamang floor ay nagtago ako sa katabing kwarto nila. Dahan-dahan akong naglakad at sinilip sila mula sa bintana. Kita ko mula sa kinatatayuan ko ngayon na nahihirapan sila makatawid dahil marami silang dala. Hinanap ko ang mastermind pero hindi ko s'ya mahanap!

Where the hell is he!? Hindi s'ya pwedeng makatakas!

Kumuha ako ng bagay na pwede kong magamit. Wala na akong baril kaya kailangan kong mag ingat sakanila. Nakatayo lamang ako at pinakikinggan ang kanilang usapan.

"Mauna kana! Ako na ang bahala sa pera!" rinig kong sabi nang isa sa kanila.

"Oh sige! Magkita na lamang tayo sa kabila" sagot nang isang lalaking boses.

Pinikit ko ang aking mata nang maalala na parang narinig kona ang boses na iyan. Hindi ko matandaan kung kailan pero sigurado akong narinig kona ang boses na iyan. Malalim ang boses na iyon at madiin ang pagkakasalita.

"Guards! Position!" sigaw nang naunang boses.

Napatingin ako sa kabilang building nang makita ang isang chopper na paparating. Nakita ko sa kabilang dulo ng lubid ay wala pang tao. Siguro ay wala pang nakakatawid? ibig-sabihin ay nandito pa ang mastermind! pero sigurado akong hindi ang mga nagsalitang lalaki!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan ng kwartong ito. Sinilip ko sa labas at napabalik muli nang makita na may bantay na sa labas ng kwarto nila. I need to think!

Nagpaikot ikot ako sa kwarto nang bigla akong may masanggi na bagay. Tinignan ko iyon at napangiti nang makita kung ano ito. Agad ko itong pinulot at tinago sa aking likudan. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan nang kwarto. Kinuha ko sa bulsa ko ang tatlong sleeping pins. Para itong needle na may lason na kapag tumama sa isang tao ay agad itong makakatulog.

Hinanda ko ang sleeping pins at sabay-sabay na hinagis sa tatlong bantay sa pinto. Napangiti ako nang makita na sabay-sabay silang bumulagta nang tumama sakanila ang pins.

Nice one!

Maingat akong lumabas ng kwarto. Naglakad ako papunta sa pader malapit sa pinto. Sinilip ko ang hallway kung mayroon pang ibang tao. Napaatras ako ng may marinig pa akong nag-uusap sa bandang dulo.

May bantay pa!

Sinilip ko ang pinanggagalingan ng boses at nakita ang tatlong guards. Sinilip ko ulit ang bintana at nakita na hindi pa sila nakakatawid! Sinilip ko ulit ang tatlong guards sa dulo at nagulat ako nang makita na nakabulagta na sila.

What happened!?

Dahil doon ay nag doble ingat ako. Baka mayroon pang tao dito bukod saakin! hindi nila ako pwede mahuli dahil masisira ang plano ko! Dahan-dahan akong naglakad papunta sa dulo kung nasaan ang tatlong guards kanina. Hawak-hawak ang nag-iisang sleeping pins sa kamay ko na naghahanda sa pagbato.

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong kaluskos. Doon ako humarap at nag simulang maglakad. Rinig ko ang tibok ng puso ko sa kada hakbang na aking ginagawa. Malapit na ako sa isang paliko nang may marinig nanaman ako sa aking kaliwa kung nasaan akong kwarto kanina.

Nagulat ako nang makita na bukas na ang pinto non kahit sinara ko ito kanina. Lumingon ako sa aking paligid at pinakiramdaman ang lahat. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kwartong pinasukan ko kanina.

Isang hakbang na lamang ang kailangan para tuluyang makapasok nang biglang may humigit sa braso ko papasok sa loob kasabay ng pagbukas ng pinto sa tabing kwarto kung nasaan ang kalaban.

Hawak-hawak n'ya ako sa bunganga para pigilan ako sa aking pag-iingay. Sisikuhin ko na sana s'ya sa tagiliran nang bigla s'yang magsalita..

"Wala ka paring pagbabago" ani nang boses sa aking likod.

Unti-unti kong nababa ang aking kamay kasabay nang pagharap ko sa kanya. Nalaglag ang aking panga nang makumpirma na s'ya nga iyon!

"Anong ginagawa mo dito!?" sabi ko at tsaka ko s'ya tinaliman nang tingin.

Napangiwi s'ya saglit bago ngumiti saakin.

"I'm here to help you, obviously" sabi n'ya at nginiwian ako.

Sisikmurahan ko na sana s'ya nang natatawa s'yang umilag.

"I miss you, Mira" bigla n'yang sabi na nakapagpatahimik saakin.

Tinignan ko s'ya sa mata. Napangiti ako nang maalala ang titig n'yang iyan na ilang linggo kong hindi nakita.

"Nate..."

Related chapters

  • City lights   Chapter 1

    New Mira's POV "You need to get inside the house and get the file containing the important data" paliwanag ni Sofia. She's currently the top secret agent here in our corporation. Madami na s'yang natapos na misyon na hindi kayang tapusin ng ibang agent. S'ya ang pinapadala sa mga mission na delikado. She's beautiful inside and out. She's friendly outside the corporation but when it comes to work, she's focus. Hinahangaan ko si Sofia dahil s'ya ang pinaka magaling na agent saamin. Baguhan palang ako dito sa corporation. It took me 2 years to finished the trainings. Dugo at pawis ang inalay ko para makapagpatuloy sa pagiging agent. Sa edad na 15 ay nakitaan ako ng potensyal ng isang pulis para maging secret agent. Sa murang edad ay nagagawa kong mang hacked nang system at makapag isip ng technique sa ilang sigundo lamang. Until th

  • City lights   Chapter 2

    Partners Mira's POV "But I don't want to! ayoko magkaroon ng partner! I can do it alone. I have been the top Agent for almost 4 consecutive years, Kia! I don't need someone to help me" pag-rarant ko kay Kia. She's my bestfriend here in SAC. She's currently in ranked 8. Matalino s'ya when it comes to bombs and other explosive weapons. Magaling s'ya mang hacked katulad ko at halos kasabay ko lang s'ya pumasok dito sa SAC. Ngayon ay nakaupo kami sa sarili kong room. No one is allowed to enter here except her. Dahil sa magkakasunod na taon nang pagiging ranked 1 ko ay ginawan na nila ako ng sariling kwarto dito sa SAH. Masaya naman ako dahil hindi kona kailangan na umuwi sa condo ko dahil alam ko din na hindi na ako safe doon. Sa dami ng missions na natapos ko ay hindi na maganda na basta-basta na lamang ako lumalabas. I always observe the surroundings wh

  • City lights   Chapter 3

    Cat and dog Mira's POV "Ah shit!" madiin ang pagkakahawak ni Nate sa table habang ginagamot ang sugat n'ya. We're still in the office with Tom and one of the medic. Nakataas ang isa kong kilay habang pinaglalaruan ang ballpen. Nakaupo ako sa table habang pinapanood si Nate na gamutin ng medic. Gusto ko humalakhak dahil sa mga d***g n'ya habang ginagamot. I know. It hurts so much. Nabaril na din ako dati nang ilang beses at masasabi ko na masakit talaga iyon lalo na kapag ginagamot ka ng gising. "Be careful!" napasigaw s'ya sa medic ng madiinan nanaman nito ang sugat. Napangisi ako dahilan para mabaling saakin ang atensyon n'ya. He licked his lips before letting out a heavy sigh. Nag-iwas s'ya ng tingin sa direksyon ko. Tumayo ako at lumakad para lampasan s'ya ng pigilan n'ya ako sa kamay. Nilingon ko s'ya at tinaasan ng isang ki

  • City lights   Chapter 4

    Arrival Mira's POV Naglalakad na kami ngayon sa private airport ng Organization. Dala ko ang bag ko at iilang gamit. Tinitigan ko lamang si Nate na mahirapan sa dala n'ya dahil sa may benda n'yang braso. Napansin n'ya ang titig ko kaya napabaling s'ya saakin. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay dahilan para mag-iwas s'ya ng tingin. Napangisi ako dahil doon. Naglakad ako papalapit sa pwesto n'ya. Nang madaanan ko s'ya ay kinuha ko ang isa n'yang bag bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa plane na sasakyan namin. Tinignan ko s'ya mula sa likudan ko at nakita na nakatulala lamang s'ya. Tss. Pumasok ako sa loob ng plane at binigay ang gamit namin sa flight attendant na kasama namin. Dumiretso na ako sa upuan ko at umupo. Nakapikit lamang ako at pinakikiramdaman ang paligid. Naramdaman kong gumalaw ang katabi kong s

  • City lights   Chapter 5

    Black Card Mira's POV "Want some?" Nate asked while holding some chips. Umiling ako dahilan para mabalik s'ya sa kaniyang pwesto. Nahilot ko ang aking paa dahil sa sakit nito. Kanina pa kami naghihintay dito sa tapat ng isang bar. Ito ang bar na pinakamalapit sa hotel at ang pinakamalaking bar dito sa lugar na ito. "Bakit ka kasi nag heels? saan ka ba sa tingin mo pupunta?" singit ni Nate dahilan para samaan ko s'ya ng tingin. Hindi ko din alam kung bakit ko ba naisipan na mag heels. Ang alam ko kasi ay pupunta kami sa isang bar at ang akala ko ay sa loob mismo pero mali ako dahil hindi pala kami papasok! Ang sasakyan na gamit namin kanina ay umalis na din. Walang malapit na shops sa bar kaya heto kami ngayon at nakatayo habang nagtatago. "It's been 3 hours, Nate! wala ka bang balak gawin?" inis kong sabi.

  • City lights   Chapter 6

    Cover up Mira's POV We're now watching the footages from the four cameras we left around the bar. Nakaupo si Nate sa higaan ko habang pinapanood sa laptop ang nangyayari, habang ako ay nakaupo sa isang upuan at nahigop ng kape. Kanina pa kami nanonood sa nangyayari sa Bar ngunit wala talaga kaming mahanap na kakaiba. Naibaba ko ang mug ko nang mangunot ang noo ni Nate habang nanonood. Tumayo ako at pumunta sa tabi n'ya para tignan ang nangyayari sa Bar. Pag silip ko ay nakita ko ang isang Gray na sasakyan na huminto sa entrance ng parking lot. Napatingin ako kay Nate na tutok na tutok sa panonood nang nangyayari. Tinitigan ko ang kuha ng Camera hanggang sa may mapansin kaming kakaiba. "I knew it!" usal ni Nate. Tinignan ko s'ya ng seryoso dahilan para tignan n'ya din ako. Ilang segundo kaming nagtitigan ha

  • City lights   Chapter 7

    Mr. and Mrs. Mira's POV "Hurry up!" I shouted infront of his room. Kanina ko pa s'ya hinihintay. Bihis na bihis na ako habang nag hihintay sakaniya. Seriously? S'ya pa ang hihintayin ko, ah. Nakakahiya naman talaga, Nate! Nag-hihintay na ang sasakyan namin sa lobby. It's almost 6 pm! Tumataas talaga ang dugo ko sakaniya. Nang sa wakas ay bumukas ang pinto ay agad ko s'yang binatukan. Napa-lakas iyon dahilan para makuha namin ang atensyon ng dumaan na tao. Ngumiti ako sakanila at hinimas kunwari si Nate sa braso. "Bakit ba ang tagal mo? It's almost 6!" pagrereklamo ko sakaniya. Napa kamot s'ya sa kaniyang leeg dahil doon. Inayos ko ang damit ko bago nauna sa paglalakad. Pumasok ako sa elevator at sumunod naman s'ya. Inayos ko ang mga gamit ko na dala ko. Bukod sa purse ay may mga gami

  • City lights   Chapter 8

    Memory Mira's POV Tinanggal ko ang suot kong heels. Hinilot ko ang paa ko bago tumalon sa kama.Nakakapagod! Kakauwi lang namin ni Nate galing sa Bar na iyon. Grabe ang pagod ko at tinatamad na akong tumayo! Kinuha ko ang Laptop ko at sinaksak doon ang flashdrive na naglalaman ng mga kuha kanina sa Bar. Pinasa ko ito sa Laptop para ma review ko bukas. Tinatamad na talaga ako ngayon kaya bukas nalang. Pagkatapos kong ipasa lahat ng kuha ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag linis ng sarili. Inabot ako ng ilang oras dahil naka-idlip na pala ako sa tub, buti at nagising ako dahil nilalamig na ang katawan ko. Nag-bihis ako ng aking damit at lumabas na nang bathroom. Pagkalabas ay naabutan ko si Nate na nasa kama ko at may kinakalikot saaking Laptop. "Why are you here, Agent Velasquez?" I said with irr

Latest chapter

  • City lights   Chapter 47

    CornerMira's POVHinigpitan ko ang tali sa bibig n'ya. Rinig ko ang daing mula sakaniya. Umirap ako sa hangin bago s'ya iniwan sa loob.Hinagisan ako ni Denver ng bottled water na agad kong sinalo. Tinignan ko naman si Nate na mag-isa sa sulok habang naka-tingin sa laptop.Hindi n'ya pa rin ako kinakausap. I tried to say sorry but he just ignored me. Bahala s'ya d'yan.Hindi ba s'ya natutuwa? Dahil sa pag-aaway namin ay may nakuha kaming tao. Hindi lamang basta makakatulong sa misyon namin kun'di makakapagpabago ng larong ito.That jerk think that he can easily fool me. Those sweet words and stuff? I'm not that stupid to not know who he is.

  • City lights   Chapter 46

    NumberMira's POVPagkatapos ng pag-uusap namin ni Nate ay hindi ko na s'ya mulin kinibo pa. Bahala s'ya diyan!Hindi dapat ako ang kumausap sakaniya! I can handle this all even without him. I'm used to it, anyway.Padabog akong humiga sa kama ko. Iniisip ko kung bakit ba kami humantong sa ganitong sitwasyon. He's being too bossy these past few days. He didn't even give me a choice and I fucking hate it.He used to obey my rules. He used to always say yes whenever I want to go to somewhere. He knows that I just want the best way to finish this mission.Was I being too selfish?Kasalanan ko ba na sanay akong namumuno? Kasalanan ko ba kung sanay ako na ako lagi ang nasusunod? Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko para sa misyon na ito.Sumobra ba ang pagiging leader ko? O pag act as if ako lang ang nasa misyon?Ngay

  • City lights   Chapter 45

    SweetMira's POVI was so angry that I walked out the room and head towards the elevator. No one was there so I took the chance to burst my anger inside.Nakakainis si Nate! Anong akala n'ya ay wala akong plano? Alam ko naman ang kailangan naming gawin dito, eh!Mali din naman kasi ang gusto n'ya! We need to find Philip but to trigger them this early? Kapag ginawa namin iyon ay mawawalan kami agad ng galaw! Katulad nalang nang nangyari kay Sebastian at Montero!Padabog akong bumaba sa elevator. Nahihiya pa ako dahil sa mga taong nakakita sa pagdadabog ko. Pinilit kong huminahon at nag-tawag ng taxi."Au bar le plus proche, s'il vous plaît" sabi ko. (At the nearest bar, please)"Sur notre chemin" sagot n'ya naman. (On our way)Dahil sa sinabi ko ay ilang minuto pa lang ay binaba n'ya na ako sa tapat ng isang bar. Nag-bayad ako sakaniy

  • City lights   Chapter 44

    ParisMira's POV"We're going to france!?" gulat kong sigaw sa loob ng opisina ni Tom.Tumango s'ya at tinignan si Nate. "He knows what to do" sabi n'ya pa.Tinignan ko naman si Nate bago ngumiwi. Whatever!"So, kailan tayo aalis?" tanong ko bago umupo sa upuan na nasa harap ng table ni Tom."Tomorrow along with Agent Denver and the others" sagot n'ya.Napa-palakpak naman ako dahil sa tuwa. Halata naman ang kabadong mukha ng dalawa. Tumingin ako kay Tom para sana mag-paalam na ngunit inunahan na n'ya ako."Okay, you may go shopping" sabi n'ya.Masaya naman akong tumayo at kumaway pa kay Nate bago mabilis na lumakad papunta sa office ni Kia. Kumatok ako at binuksan ang pinto.Nasa loob s'ya at tila nag-type. Tumingin s'ya sa direksyon ko at nang makita ako ay napangiti agad s'ya. "Shopping?"

  • City lights   Chapter 43

    Never expectMira's POVHindi lang sila Montero! Ayun ang siguradong sagot sa mga katanungan naming lahat. Hindi lamang si Montero, Philip at Sebastian ang sangkot dito."Agent Denver, Check the background of the elite people here in manila. We'll check the other data. Baka may nakatago sa data center na file tungkol sa ilan pang kilalang tao na nalagpasan natin" sabi ko.Agent Denver nodded as a response. He looked at me at Nate before walking out the room. Maybe calling the others.I turned my gaze to Nate who was sitting in the table. Lumapit ako sa tabi n'ya para tignan ang nakuha naming data sa flash drive na nakuha namin kay Sofia.

  • City lights   Chapter 42

    The protectorMira's POVNgayon na kaharap ko na si Sofia ay hindi ako makapaniwala. I used to look up to her but right now, I can't even look at her straight in the eyes!Now, I feel sorry for myself. Ngayon ay alam ko na kung bakit gan'on ang nangyari dati."What does it feel, Agent?" she suddenly said.Tinignan ko lamang s'ya at hindi inabala ang sarili na sumagot. Natawa s'ya ng harahan bago lumapit. Umatras naman ako dahilan para lumaki ang ngiti n'ya.Laugh, bitch. 'Cause you can't even move after this. Enjoy the moment where I can control myself."What does it feel to be the top agent? Na tinitingala pero hindi sigurado na nirerespeto?" sabi n'ya.Hindi pa rin ako sumasagot. "You think it's cool? No, right? Alam ko na alam mo na ang pakiramdam na madaming nakatingin"Binunot n'ya ang baril n'ya dahilan p

  • City lights   Chapter 41

    Unbreakable duoMIRA'S POVI was too happy that I didn't even realize that Nate was staring at me for how many minutes now."What!? Do you have a problem, agent?" I said, giving him a death glare.I saw the others hiding their laughs. Tinarayan ko sila at tinignan ang scene sa office ni Montero.Ngayon na may nawawalang pera sakanila ay alam kong mag-kakagulo. We carry out our plans today.We can't let this opportunity go to waste. Marami kaming ginawa para ma trap dilang dalawa ni Philip."Called the back up once you hear them shoot" I said.Ang balak namin ay pabagsakin si Philip. We need Montero kaya hindi namin s'ya hahayaan na makawala.

  • City lights   Chapter 40

    SeenMira's POVI was too stunned to move. Namamalik-mata lang ba ako? Totoo ba ang nakita kong babae kanina?Hindi ako makagalaw dahil sa pinagsamang gulat at kaunting takot. Bakit s'ya nandito? H-hindi kaya totoo ang mga sinabi nila sa HQ?"What are you doing? They are on the 4th floor" Nate whispered behind me dahilan para magkaroon ako ng lakas na gumalaw at lingunin s'ya.Nang makita ang itsura ko ay nangunot ang kaniyang noo. "Are you okay? What's wrong?" tanong n'ya pa.Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa nararamdaman ngunit nang maisip ang pakay namin sa lugar na ito ay doon lamang ako tuluyang natauhan."I'm sorry. I was about- I-am..Sorry"Hindi ako makatingin dahil hindi ko matanggap na nagkakaganito ako ngayon! On our mission!Huminga ako nang malalim. Pinanood n'ya akong gawin iyon. Tinignan

  • City lights   Chapter 39

    Making move Mira's POV Hindi ako maka-ayos ng tayo dahil sa kalasingan kagabi. Naramdaman ko na si Nate ang nag buhat saakin pabalik sa kwarto ko. Masakit ang ulo kong bbumangon kinaumagahan. Binalot ko ang sarili ko sa kumot habang kinukundesyon ang sarili. Ilang minuto ang lumipas bago ko naisipan na buksan na ang mga bintana kahit na ilaw lamang halos ng HQ ang napasok sa kwarto. Pumasok ako sa bathroom na pikit pa ang isang mata. Nag-hilamos ako at inalala ang mga nangyari kagabi. I knew it! Hindi dapat ako nagpakalasing nang ganon! Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang white towel bago pumunta sa device na naka-dikit sa pader malapit sa pintuan palabas. Lumabas doon ang mukha nila Nate na nag-aayos. "Are you guys ready?" I asked. I saw how Nate looked at me and my back

DMCA.com Protection Status