Hindi naging madali ang pagbubuntis ni Lara ngunit dahil na rin sa pag-aalaga ni Kaden at sa masusing pagbabantay ni Timothy sa kalusugan ng dalaga ay naging maayos ang lahat. Lumipas ang ilang buwan at inuluwal na nga ni Lara ang mga anak."Congratulations! Ang lulusog ng mga chikiting niyo!" si Timothy na hindi maitago ang tuwa habang pinagmamasdan ang kambal na umiiyak. Hindi naman maipaliwanag ni Kaden ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. He felt so happy he wanted to cry. Ngunit ang pag-aalala ay nabaling kay Lara na walang malay sa kama. "How is she? Wala bang naging problema sa kalusugan niya?"Tinapik ni Timothy ang balikat ng kaibigan. "She's totally fine, don't worry. Sadyang mahirap lang talaga ang manganak. Napagod lalo na at normal delivery. Tingnan mo naman ang kambal, ang lalaki."Nagbuga ng hininga si Kaden at nangingiting pinaglaruan ang mga daliri ng mga anak. The preparation of their wedding is done. Inayos niya at plinano ang lahat ng hindi sinasabi kay Lara. G
Arizona...."Lara, please calm down. Walang mangyayari kung ganitong magwawala ka lang." Sinusubukan ni Logan na pakalmahin ang nagwawalang dalaga ngunit walang nangyari at kailan pa nila itong turukan ng pampakalma. Ayon sa mga doctor ay nagkaroon ito ng matinding trauma sa nangyari dito.Naaawang pinagmasdan ni Logan ang dalaga. Ang ilang bahagi ng balat nito ay nasunog ngunit kaya naman iyong remudyuhan upang mawala."Sir, umiiyak po si baby. Hindi mapatahan."Madali na linapitan ng binata si Killian at kinarga, hinele upang patahanin sa pag-iyak. "Sige na, ako na ang bahala dito," aniya sa katulong. Madaling araw na ngunit heto at nagkakagulo pa sa buong kabahayan. Nalulungkot siya sa nangyari kay Lara ngunit wala naman siyang ibang magagawa kundi ang iligtas ito at ng isa pang anak. Hindi nga rin niya alam kung bakit niya ito ginagawa. Alam ng binata ang plano ng mga Deogracia. Isa lang na bata ang kailangan ng mga ito at kapag nalaman na kambal pala ang anak ni Lara ay hindi
"Titus! Ang kulit mo talagang bata ka! Sinabi na nga ng mommy mo na hindi ka pwedeng lumabas!" Nauubusan ng pasensya na hinabol ni Ana ang alaga. Kung anak niya lang ang bata ay kanina pa niya ito pinalo sa sobrang tigas ng ulo!"Let's go, Darwin!" utos ni Titus sa driver na kanina pa naghihintay sa loob ng sasakyan. Umiling na lang ang lalaki sa paraan ng pananalita ng bata. Ni hindi nito alam ang gumalang sa mga nakakatanda. Parang hari kung mag-utos at magsalita. "Titus!"Humarurot na ang sasakyan at naiwan si Ana na umuusok ang ilong sa galit. Agad niyang inireport ang pag-alis ng bata kay Katie."Papalitan na talaga kita sa susunod! Kaya nga ikaw ang kinuha ko para mabantayan siya nang mabuti pero lagi kang natatakasan! Isa pa talaga at malalagot ka na sa akin!"Lalong lumukot ang mukha ng babae. Siya pa talaga itong napagalitan. Anong magagawa niya kung sintigas ng bato ang bungo ng anak ng mga ito?Pilit naman na kinalma ni Katie ang sarili at muling binasa ang mga reports na
Muling pinasadahan ni Lara ng tingin ang suot na dress na binili sa kanya ni Logan. Kulay nude iyon at lapat na lapat sa balat. Dahil doon ay kitang-kita ang bawat kurba ng katawan ng dalaga. Hindi mababa ang cleavage ngunit mahaba naman ang slit. Lantad tuloy ang kabuoan ng hita niya.Sa likod ni Lara ay si Killian na nakahalukipkip at seryosong pinagmamasdan ang ina. Hindi na nga nakatiis at nagsalita. "Mom, wala ka na bang ibang damit at ganyan ang suot mo?""Hindi ba maganda?""It's too beautiful. Magpalit ka na lang ng damit, mom. Pagkakaguluhan ka lang doon."Hindi umimik si Lara at ipinagpatuloy ang paglalagay ng kaunting make-up. Kung sila-sila lang ay sobrang sexy na ang suot niya ngunit paniguradong may mas higit pa mamaya. Ang damit niya ay magiging simple na lang. Higit doon ay ayaw niyang magmukhang kawawa."Glenda, ikaw na ang bahala dito," bilin niya sa kasama nila sa bahay. Sunod niyang hinalikan si Killian. "Matulog ka ng maaga, okay? Huwag mo na akong hintayin at bak
Malawak ang pagkakangisi ni Titus habang nagmamasid sa malawak na kitchen ng hotel. Nakasuot ito ng tuxedo at bihis na bihis. Nagdahilan na may nakalimutan kaya nagpasundo kay Darwin pabalik ng mansyon.Ang mga kitchen staff ay hinahayaan lang si Titus dahil kilala ito ng lahat. Mukha pa lang ay malalaman mo na kung sino ang ama ng bata."Hey!" Nilapitan ni Titus ang linya ng mga trolley na handa nang i-serve sa mga bisita. "Yes, sir Titus? May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" "Kaninong table iyan?" Turo ni Titus sa trolley na tulak-tulak ng server."Bustamante po.""Nasaan yung para sa table namin? Zafirti?""Ah. Nandoon po, sir." Itinuro ng lalaki ang kasunod na trolley. "Thanks!" Madali na lumapit doon si Titus. Nagmasid muna sa paligid at nang masigurong busy ang lahat ay dali-daling inilabas ang nasa bulsa, binuksan ang nakatakip na pagkain at may inilagay doon. Nang matapos ay nagtatalon nitong nilisan ang kitchen habang may tagumpay na ngiti sa mga labi.Nakahinga naman nang
Hindi pa natatapos ng event ay nagyaya na si Lara na umuwi. Kapag nagtagal pa siya doon na nakikita si Titus ay baka hindi na siya makapagpigil pa at lapitan ito.Napapailing naman si Logan habang nagmamaneho. "Masyado mong pinapagana ang emosyon mo, Lara. Unang araw pa lang ito. Makakatagal ka kaya sa mga darating pa? Kapag nagkaharap kayo ng mga taong iyon?"Aminado si Lara sa sinabi ng kaibigan. Ngunit hindi naman niya mapigilan dahil ilang taon na nawalay ang anak sa kanya. Kahit naman sino siguro ay magiging emosyonal din sa ganung sitwasyon."As I said, ngayon lang ito. Hindi na mauulit pa," paniniyak ng dalaga kay Logan.Muling binalingan ni Kaden ang lamesa ng mga Bustamante. Bakante na iyon. Kanina pa pasimpleng pinagmamasdan ng binata ang babaeng ka-date ni Logan. Hindi nga lang niya mapagmasdan nang maayos dahil nagpalit ito ng pwesto sa sekretarya ng lalaki. Tanging ang mahaba nitong buhok at makurba na likod ang nakikita niya."Dad," ani Titus at bumulong sa tenga ng ama.
"Look who's here. Mukhang nawawala ka ata. Bakit ka napadpad dito sa kompanya ko?" Nakataas ang kilay na pinagmasdan ni Logan si Kaden na nakaupo sa sofa. Kahit na wala ito sa teritoryo ay para pa ring hari na umasta base na rin sa pagkakaupo nito."Hindi ako nagpunta dito upang makita ka. Ang gusto kong makaharap ay si Lara Martin. Nandito ba siya?" Walang paliguy-ligoy na turan ni Kaden.Lihim na tumaas ang sulok ng labi ni Logan sa narinig. Inaasahan na niya ito ngunit mukhang napaaga ata. Kabilin-bilinan pa niya sa lahat na kapag may maghanap kay Lara ay sa kanya muna dadaan."At anong kailangan mo sa kanya at personal ka pang pumunta dito? Pwede mo namang tawagan ang aking secretary.""Si Ms. Martin ang kailangan ko, hindi ang secretary mo."Imbes na maasar ay lalo pang napangisi si Logan. Ngali-ngali naman na bigwasan ni Kaden ang pagmumukha ng kaharap upang mapalis ang nang-aasar na ngiti ngunit nagtimpi lang siya."I'm here for business. I've heard that she's working independe
Hindi na mabilang ni Lara kung ilang beses na niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Sinadya niya talagang pumunta ng maaga ngunit kahit anong pagpapakalma ang gawin niya sa sarili ay tensyonado pa rin siya. Ito ang unang pagkakataon na magkikita ulit sila ni Kaden pagkatapos ng limang taon. Ang galit at kirot ay nasa dibdib pa rin niya, parang punyal na malalim na nakatarak."Good evening, Mr. Zafirti!" Agad na inayos ni Lara ang sarili nang marinig iyon. Dumako ang tingin niya sa lalaking palapit sa lamesa. It's been 5 years ngunit sumikdo pa rin ang puso niya. Ang daming nagbago dito at lalo lang na tumingkad ang kagwapuhan. Sayang lang at kay Katie Deogracia lang ito napunta.Tumayo si Lara at sinalubong ito upang makipagkamay. "Good evening. Pasensya na kung napaaga ako."Mataman na pinagmasdan ni Kaden ang mukha ng dalaga at parang may nag-uudyok sa kanya na yakapin ito nang mahigpit. At nang magdaong-palad nga ang kanilang mga kamay ay may nakakakiliting kuryente ang dumaloy