Home / Romance / Cinderella's Beast / Chapter 19: Unknown Package

Share

Chapter 19: Unknown Package

Author: SUMMERIASWINTER
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Titus! Ang kulit mo talagang bata ka! Sinabi na nga ng mommy mo na hindi ka pwedeng lumabas!" Nauubusan ng pasensya na hinabol ni Ana ang alaga. Kung anak niya lang ang bata ay kanina pa niya ito pinalo sa sobrang tigas ng ulo!

"Let's go, Darwin!" utos ni Titus sa driver na kanina pa naghihintay sa loob ng sasakyan. Umiling na lang ang lalaki sa paraan ng pananalita ng bata. Ni hindi nito alam ang gumalang sa mga nakakatanda. Parang hari kung mag-utos at magsalita.

"Titus!"

Humarurot na ang sasakyan at naiwan si Ana na umuusok ang ilong sa galit. Agad niyang inireport ang pag-alis ng bata kay Katie.

"Papalitan na talaga kita sa susunod! Kaya nga ikaw ang kinuha ko para mabantayan siya nang mabuti pero lagi kang natatakasan! Isa pa talaga at malalagot ka na sa akin!"

Lalong lumukot ang mukha ng babae. Siya pa talaga itong napagalitan. Anong magagawa niya kung sintigas ng bato ang bungo ng anak ng mga ito?

Pilit naman na kinalma ni Katie ang sarili at muling binasa ang mga reports na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Cinderella's Beast   Chapter 20: Muling Pagkikita

    Muling pinasadahan ni Lara ng tingin ang suot na dress na binili sa kanya ni Logan. Kulay nude iyon at lapat na lapat sa balat. Dahil doon ay kitang-kita ang bawat kurba ng katawan ng dalaga. Hindi mababa ang cleavage ngunit mahaba naman ang slit. Lantad tuloy ang kabuoan ng hita niya.Sa likod ni Lara ay si Killian na nakahalukipkip at seryosong pinagmamasdan ang ina. Hindi na nga nakatiis at nagsalita. "Mom, wala ka na bang ibang damit at ganyan ang suot mo?""Hindi ba maganda?""It's too beautiful. Magpalit ka na lang ng damit, mom. Pagkakaguluhan ka lang doon."Hindi umimik si Lara at ipinagpatuloy ang paglalagay ng kaunting make-up. Kung sila-sila lang ay sobrang sexy na ang suot niya ngunit paniguradong may mas higit pa mamaya. Ang damit niya ay magiging simple na lang. Higit doon ay ayaw niyang magmukhang kawawa."Glenda, ikaw na ang bahala dito," bilin niya sa kasama nila sa bahay. Sunod niyang hinalikan si Killian. "Matulog ka ng maaga, okay? Huwag mo na akong hintayin at bak

  • Cinderella's Beast   Chapter 21: Ipis

    Malawak ang pagkakangisi ni Titus habang nagmamasid sa malawak na kitchen ng hotel. Nakasuot ito ng tuxedo at bihis na bihis. Nagdahilan na may nakalimutan kaya nagpasundo kay Darwin pabalik ng mansyon.Ang mga kitchen staff ay hinahayaan lang si Titus dahil kilala ito ng lahat. Mukha pa lang ay malalaman mo na kung sino ang ama ng bata."Hey!" Nilapitan ni Titus ang linya ng mga trolley na handa nang i-serve sa mga bisita. "Yes, sir Titus? May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" "Kaninong table iyan?" Turo ni Titus sa trolley na tulak-tulak ng server."Bustamante po.""Nasaan yung para sa table namin? Zafirti?""Ah. Nandoon po, sir." Itinuro ng lalaki ang kasunod na trolley. "Thanks!" Madali na lumapit doon si Titus. Nagmasid muna sa paligid at nang masigurong busy ang lahat ay dali-daling inilabas ang nasa bulsa, binuksan ang nakatakip na pagkain at may inilagay doon. Nang matapos ay nagtatalon nitong nilisan ang kitchen habang may tagumpay na ngiti sa mga labi.Nakahinga naman nang

  • Cinderella's Beast   Chapter 22: Gustong Makita

    Hindi pa natatapos ng event ay nagyaya na si Lara na umuwi. Kapag nagtagal pa siya doon na nakikita si Titus ay baka hindi na siya makapagpigil pa at lapitan ito.Napapailing naman si Logan habang nagmamaneho. "Masyado mong pinapagana ang emosyon mo, Lara. Unang araw pa lang ito. Makakatagal ka kaya sa mga darating pa? Kapag nagkaharap kayo ng mga taong iyon?"Aminado si Lara sa sinabi ng kaibigan. Ngunit hindi naman niya mapigilan dahil ilang taon na nawalay ang anak sa kanya. Kahit naman sino siguro ay magiging emosyonal din sa ganung sitwasyon."As I said, ngayon lang ito. Hindi na mauulit pa," paniniyak ng dalaga kay Logan.Muling binalingan ni Kaden ang lamesa ng mga Bustamante. Bakante na iyon. Kanina pa pasimpleng pinagmamasdan ng binata ang babaeng ka-date ni Logan. Hindi nga lang niya mapagmasdan nang maayos dahil nagpalit ito ng pwesto sa sekretarya ng lalaki. Tanging ang mahaba nitong buhok at makurba na likod ang nakikita niya."Dad," ani Titus at bumulong sa tenga ng ama.

  • Cinderella's Beast   Chapter 23: Business Dinner

    "Look who's here. Mukhang nawawala ka ata. Bakit ka napadpad dito sa kompanya ko?" Nakataas ang kilay na pinagmasdan ni Logan si Kaden na nakaupo sa sofa. Kahit na wala ito sa teritoryo ay para pa ring hari na umasta base na rin sa pagkakaupo nito."Hindi ako nagpunta dito upang makita ka. Ang gusto kong makaharap ay si Lara Martin. Nandito ba siya?" Walang paliguy-ligoy na turan ni Kaden.Lihim na tumaas ang sulok ng labi ni Logan sa narinig. Inaasahan na niya ito ngunit mukhang napaaga ata. Kabilin-bilinan pa niya sa lahat na kapag may maghanap kay Lara ay sa kanya muna dadaan."At anong kailangan mo sa kanya at personal ka pang pumunta dito? Pwede mo namang tawagan ang aking secretary.""Si Ms. Martin ang kailangan ko, hindi ang secretary mo."Imbes na maasar ay lalo pang napangisi si Logan. Ngali-ngali naman na bigwasan ni Kaden ang pagmumukha ng kaharap upang mapalis ang nang-aasar na ngiti ngunit nagtimpi lang siya."I'm here for business. I've heard that she's working independe

  • Cinderella's Beast   Chapter 24: Pagtakas

    Hindi na mabilang ni Lara kung ilang beses na niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Sinadya niya talagang pumunta ng maaga ngunit kahit anong pagpapakalma ang gawin niya sa sarili ay tensyonado pa rin siya. Ito ang unang pagkakataon na magkikita ulit sila ni Kaden pagkatapos ng limang taon. Ang galit at kirot ay nasa dibdib pa rin niya, parang punyal na malalim na nakatarak."Good evening, Mr. Zafirti!" Agad na inayos ni Lara ang sarili nang marinig iyon. Dumako ang tingin niya sa lalaking palapit sa lamesa. It's been 5 years ngunit sumikdo pa rin ang puso niya. Ang daming nagbago dito at lalo lang na tumingkad ang kagwapuhan. Sayang lang at kay Katie Deogracia lang ito napunta.Tumayo si Lara at sinalubong ito upang makipagkamay. "Good evening. Pasensya na kung napaaga ako."Mataman na pinagmasdan ni Kaden ang mukha ng dalaga at parang may nag-uudyok sa kanya na yakapin ito nang mahigpit. At nang magdaong-palad nga ang kanilang mga kamay ay may nakakakiliting kuryente ang dumaloy

  • Cinderella's Beast   Chapter 25: Multo ng Kahapon

    Naalimpungatan si Lara dahil sa mga narinig na kaluskos na nanggaling sa kusina. Hahayaan na sana niya ito ngunit nang may narinig siyang nabasag ay bumangon na siya upang tingnan kung anong nangyayari sa baba. Malayo pa lang sa kusina ay may naririnig na si Lara na mahihinang mga pagdaing. Pagbukas niya ng ilaw ay parang nakakita ng multo ang dalaga at halos mahimatay sa nakikita."Titus? A-Anong ginagawa mo dito?"Hindi pa masyadong napoproseso ni Lara ang buong sitwasyon nang tumakbo palapit sa kanya ang bata at bigla siyang niyakap ng sobrang higpit. Hindi agad siya nakakilos."Why?.. Why did you abandon me?"Nang marinig ang bulong at basag na boses na iyon ni Titus ay doon lang nagsink-in kay Lara na nandito nga ang anak at nakayakap sa kanya. Bumuhos na rin ang masagana niyang luha at buong higpit itong niyakap pabalik. Kung panaginip ito ay ayaw na niyang magising pa."Bakit mo ako iniwan, mommy? Bakit mo ako pinabayaan?" patuloy na pag-iyak ni Titus.Hindi man alam ni Lara ku

  • Cinderella's Beast   Chapter 26: Timothy Callahan

    Mataman na pinagmasdan ni Kaden ang babaeng nasa harap niya. Seryoso nitong binabasa ang kontrata habang hindi naman niya maalis-alis ang tingin dito. Hindi na napigilan ng binata at bumaba pa ang kanyang tingin sa leeg nito pababa sa bahagyang nakadungaw na cleavage ng dalaga. May kung anong init ang dumaloy sa kanyang katawan nang dumako pa ang tingin ni Kaden sa maliit na bewang at makikinis na hita nito.Kunot-noong nag-angat ng tingin si Lara sa kaharap at naabutan niya ang paninitig nito sa kanyang katawan. Napakuyom siya dahil parang nagdiwang pa ang sistema niya sa kaalamang binibigyan siya ni Kaden ng gaanong klase ng tingin. Somehow, the strong sexual tension between them is still there. Hindi pa rin nawawala sa kabila ng taong nagdaan."Yes? May tanong ka ba sa kontrata?" si Kaden na hindi man lang nahiya na nahuli."Meron," ani Lara at inilapag sa lamesa ang papel na hawak. "Bakit kailangan na dito ako mamalagi? I can do my work without staying here. Pupunta lang ako kapa

  • Cinderella's Beast   Chapter 27: Sexual Rejection

    Napamulagat si Joseph sa narinig. "M-May kambal si boss Kaden?!" pag-uulit pa niya na siyang tinanguan ni Timothy.Hindi makapaniwalang hinawakan ni Joseph ang ulo dahil sa nalaman. Sa sobrang lapit nila ni Carlo sa kanilang amo ay alam na ata nila ang lahat ng sikreto nito. Alam nilang nasa Costa Rica ang ina nito ngunit ang pagkakaroon nito ng kambal ay isang malaking rebelasyon para sa kanya. Doon na napatanong si Joseph."Kung kambal nga sila, bakit ginawa iyon ni Magnus? Bakit niya sinira ang buhay ng kapatid?"Umiling si Timothy. "Wala akong alam tungkol sa rason ni Magnus. Sabihin man natin na may nag-utos at nagbayad ng malaki sa kanya ay hindi iyon basta-basta nauutusan. Unless it's personal. Nasabi noon minsan sa akin ni Kaden na may alitan sila simula pa pagkabata hanggang ngayon.""May ideya po ba kayo kung sino ang nasa likod ng krimen bukod sa kambal ni boss Kaden?" maingat na tanong ni Joseph. May hinala na rin siya pero hanggang hinala pa lang."Meron. Ngunit hindi pa

Pinakabagong kabanata

  • Cinderella's Beast   Special Chapter

    "Oh yeah. Move that ass, baby. Sige. Igiling mo."Napailing si Magnus sa mga pinagsasabi ni Owen sa babaeng nagsasayaw sa harap nito. They were in a club, VIP to be exact. They were enjoying their time before they part ways again."Hmmm.." napaungol ang babae nang malakas na pinalo ni Owen ang pang-upo nito. "Ang ganda ng pwet mo ah. Ang laki. Totoo ba ito? Hindi retoke?" Muling itong pinalo ni Owen na may kasama nang paghimas.Hindi na nakapagpigil si Logan at binatukan ang lalaki. "Tarantado ka talaga. Ang manyak mo talaga.""Aray! I'm just checking her out!" angil ni Owen at naglalambing na niyakap ang babae. Natigil tuloy ito sa pagsasayaw at napaupo sa kandungan ng binata."Did I hurt you, baby?" masuyo nitong tanong at hinalikan pa sa pisngi."H-Hindi naman," sagot naman ng babae na nahihiya.Magnus took the glass of liquor to his mouth as he checked her out. The girl was shy and timid, petite but she has great curves. The total type of Owen.He already know that she's new to t

  • Cinderella's Beast   Epilogue

    "Mommy! Mommy! Mommy! Kailan lalabas si baby?"Kagigigising lang ni Lara ng mga sandaling iyon. Naging maselan ang pagbubuntis niya at nitong mga nakaraang araw ay hirap na hirap talaga siya. Kawawa talaga si Kaden sa kanya noong naglilihi siya. Laging mainitin ang ulo niya at laging ito ang pinag-iinitan niya. Sa madaling araw pa talaga siya nagpapabili ng mga pagkain na mahirap hanapin. Kaya kahit na inaantok ay bumibyahe talaga ang asawa niya kahit sa kabilang bayan pa. Kadalasan ay ayaw niya itong makita at ayaw katabi sa kama. Ang ending tuloy ay sa guest room ito natutulog. Though Kaden confess to her that he usually joins her to bed kapag tulog mantika na siya. Saka lang aalis kapag mag-uumaga na. Ngunit nitong last week nga ay naging sobrang clingy niya sa mister. Kailangang nasa tabi niya ito palagi at nakikita, if not, then iiyak talaga siya. Kaya hindi na pumapasok ng opisina si Kaden at sa kanilang bahay na lang ginagawa ang mga trabaho. Kapag may importanteng meeting na

  • Cinderella's Beast   Chapter 101: Forever

    Malawak ang pagkakangiti ni Katie habang binabaybay ang daan paalis sa kanilang hideout. Dala niya ang lahat ng mga pera na kinuha nila sa bangko. Ang balak niya sana ay kalahati lang ang kukunin ngunit nagbago agad ang isip at kinuha na lahat. Magpapakalayo na muna siya habang nag-iisip ng plano kung paano muling makakabalik sa buhay ni Kaden.Sinulyapan ni Katie ang limpak limpak na pera na nasa likod ng sasakyan at malakas na napahalakhak. Ahh. Iba talaga kapag mautak. Imagine, halos wala siyang ginawa ngunit napunta sa kanya ang lahat ng pera. Sigurado siyang naidispatsa na ng ina niya ang mga kambal. Hindi na rin niya poproblemahin si Lara dahil hawak na ito ni Garry. Wala siyang pakialam kung ano man ang gawin dito ng lalaki. Whatever happens to her, she deserves it!Natigil sa pagtawa si Katie nang mapansin ang sasakyan na nasa likod niya. Kanina pa iyon bumubuntot sa kanya. Lumiko na siya at iba pa, nakasunod pa rin ito. Madali niyang kinuha ang baril na naipuslit kanina at bi

  • Cinderella's Beast   Chapter 100: Reasons

    "I-Ikaw?"... mahinang usal ni Lara pagkakita sa lalaking pumasok sa kwartong kinalalagyan nila. She gulped so hard. Of course, this wasn't Kaden. It was his twin brother, Magnus Zafirti.Sinubukan ni Lara na umusog sa kama ngunit hindi iyon nangyari dahil sa pagkakatali ng mga kamay niya. She was still laying on the bed while struggling to get free. He looks absolutely dark and domineering. Bahagya siyang natakot ngunit kung totoo talaga na may gusto ito sa kanya, he wouldn't hurt nor harm her. Inaasahan niyang si Kaden ang darating but of all people, ang kambal pa nito.Magnus on the other hand only had his eyes on Garry that was writhing in pain on the floor. Unti-unting nilapitan ng binata ang lalaki.Napasuka ng dugo si Garry sa tindi ng tumama sa sikmura niya. Hindi niya alam kung ano iyon, sipa ba o suntok. "Hayop ka! Ang lakas ng loob mo—"Napatigil sa pagsasalita si Garry nang makita ang lalaking basta na lang pumasok ng kwarto at umistorbo sa ginagawa niya."K-Kaden..?" Aga

  • Cinderella's Beast   Chapter 99: Owen's Task

    Kaden was torn between saving Lara and their twins. They identified their location. Two different locations to be exact. At hindi magkalapit kundi magkalayo ang distansya ng bawat lokasyon.He wants to save both of them at the same time. Ngunit iisa lang ang katawan niya. Kung pwede lang hatiin ay ginawa na niya. He was furious. Magbabayad talaga nang malaki ang nangahas na saktan ang pamilya niya. He was hoping that they were alive and safe. If it's the opposite, heaven and earth will collide with his rage.Kaden heard a static on his earpiece. Then Logan's voice echoed next.. "I'm not in the position to say this but I'll take care of the twins from here.. Just focus on saving Lara."Kaden gripped the steering wheel tightly. He wants to do the saving by himself but just like what he said, he can't do it at the same time. Wala siyang gaanong tauhan na isinama. Only the strong and trusted one. Logan and Timothy and more or less 10 men from his underground organization."I'll owe you t

  • Cinderella's Beast   Chapter 98: Gapos

    "Gising!" Napasigaw si Lara at agad na naalimpungatan nang maramdaman ang pagsaboy ng malamig na tubig sa kanya. Her vision was blurry at first until a feet became clear in her eyes. Her gaze moved up until she saw... Katie Deogracia."Ano ha?" Marahas nitong sinabunutan ang buhok niya palikod. "Ilabas mo ngayon ang tapang mo, Lara! Wala kang kakampi dito ngayon. Naiintindihan mo? Walang magliligtas sa iyo dito!"Pinigilan ni Lara ang mapada ing sa sakit sa pagkakasabunot sa kanya ni Katie. She won't show any weakness to her. Hindi na siya nagtaka nang malaman na ito ang nasa likod ng pagka-ambush nila. "Nasaan ang mga anak ko?" matigas niyang tanong dito. She was soaked and cold as hell ngunit hindi niya hahayaan na manginig ang boses niya. Doon niya lang din namalayan na nakagapos ang mga paa at kamay niya sa isang silya. Ipinagpasalamat na lang niya na wala siyang piring sa mga mata."Ang mga anak mo?" Namewang ang babae sa harap niya at malakas na humalakhak. Pinagmasdan niya i

  • Cinderella's Beast   Chapter 97: Magnus's Special Unit

    "Boss! Boss Kaden!" Halos liparin ni Joseph ang distansya mula sa kinatatayuan niya papunta kung nasaan ang amo. Nakakatakot ito ngayon na lapitan ngunit mas natatakot siya sa kung ano ang nangyayari ngayon kina Lara.Ambush? Paanong nangyari iyon? Lumabas ba ang mga ito?"Boss Kaden!—""What the fvck do you want, Joseph?!"Mainit ang ulo ni Kaden ng mga oras na iyon. Wala siya sa opisina. Wala siyang panahon sa mga business niya ngayon. Nagawa na nilang matunton kung nasaan nagtatago si Magnus. They've got into a bloody fight and the son of a bitch manage to escape again. Muling pinagmasdan ng binata ang nabasag na cellphone. Ayaw niya iyong itapon dahil sa mga importanteng larawan na nandoon. Mga larawan kung saan kasama niya sina Lara at ng kanilang mga anak.Mariin muna na lumunok si Joseph bago nagsalita."Boss.. Tumawag si Silver sa akin. Na.. Na-ambush daw sila!""What... did you say?" Pakiramdam ni Kaden ay nanlaki ang ulo niya sa narinig. "Paano iyon nangyari? Lumabas ba s

  • Cinderella's Beast   Chapter 96: Ambush

    "Mommy, pwede ba kaming sumama sa clinic ni uncle Timothy?" Nag-aayos si Lara ng sarili at nandito nga ang dalawa at kinukulit siya na isama ang mga ito."Dito na lang kayo sa bahay. Wala naman kayong gagawin doon at saglit lang ang appointment ko.""Pero, mommy. We want to see the baby. Promise, magbe-behave kami doon at hindi magpapasaway," pakiusap ni Titus na magkandaong palad pa. Napabuntong hininga na lang si Lara. Ang hirap naman kasi na tanggihan ang dalawa lalo na at ganitong nagmamakaawa. Being a mother of twins, double trouble talaga. Mabuti na lang at laging nakaalalay si Kaden sa kanya kahit madaming ginagawa. Isang salita lang nito ay agad na titigil ang dalawa sa pagbabangayan. Sana naman ay hindi na ulit kambal itong pinagbubuntis niya. Apat agad ang anak nila kapag nagkataon."Oh sige na nga," pagsuko ni Lara. "Go back to your room and change. Bilisan niyo ha? Huwag niyong paghintayin ang mommy niyo."Singbilis ng kidlat na bumalik ang mga ito sa silid upang magbihi

  • Cinderella's Beast   Chapter 95: Unexpected Blessing

    "Congratulations, Lara! You're pregnant. Masusundan na naman ang dalawang chikiting mo!" puno ng galak na anunsyo ni Timothy."Totoo? Buntis ako?" pag-uulit ni Lara habang tutop ang bibig.Tumango ang binata na siyang ikinaluha ni Lara. Amidst of all the problems they are facing comes a blessing unexpectedly. Maagang umalis ng bahay kanina si Kaden. Trenta minutos pagkaalis nito saka siya nakaramdam ng pagsusuka at pagkahilo. Ayaw naman niyang istorbohin pa si Kaden kaya si Timothy na lang ang tinawagan niya. Papunta na sana siya sa clinic nito ngunit pinigilan na dahil nagda-drive na ito at dadaanan na lang daw siya sa kanilang bahay.Biglang pumasok ang mga kambal sa silid. Nag-unahan ang mga ito na magsalita. "How was it, uncle Tim? May sakit po ba si mommy?" nag-aalala na tanong ni Killian.Dinama naman ni Titus ang leeg at noo ng ina. "Your temperature is normal, mommy. Ano po ang masakit sa iyo?"Napailing si Lara at napangiti. Tiyak na magtatatalon ang mga ito sa tuwa kapag

DMCA.com Protection Status