"GUSTO ko siyang hanapin, okay? And, walang nangyari sa amin. Gusto ko lang...ulit siyang makita.. " sinabi ko sa kaibigang si Emily. Her expression was bored, as always. Natataranta na ako kaka-explain sa kanya tungkol sa nangyari noong nakaraang buwan. Pero siya patuloy lang na tumatango at ngumingiti.
Hindi niya ako pinaniniwalaan. I know.
"Come on. I'm telling a fact..." Umayos ako ng upo sa upuan ko. May table na pumapagitna sa amin ni Emily. Nagka-kape kaming dalawa ngayon sa malapit na cafe ng condo unit niya dahil sunday ngayon at walang pasok.
At isang linggo na rin akong hindi pumapasok. Because of that night, now, I can't think properly. Muntik na nga akong ma-detention dahil sa pagsabat ko sa professor namin noong nakaraang linggo. Well, nagsisisi naman ako. No need to tell the whole story.
"Novelyn, just accept it. Baliw ka na nga sa lalaking 'yo—"
"Pwede ba, Emily? Huwag mong sirain ang araw ko?" Napailing ako at sumimsim sa kape na hawak hawak ng kanan kong kamay. Malalim ang iniisip ko dahil hindi ko pa rin mahanap si Zander.
Noong araw na nagising ako sa hotel ng kapatid ko, wala na siya. He left me there alone. Not naked, but still, he left me. Ako lang mag isa. Akala ko ba gentleman ang lalaking 'yon? Before, noong mga bata pa kami, he used to call me 'my lady'. Napaka inosente niya noon. Maliit rin siya. Matangkad ako sa kanya ng kaunti noong nasa bahay ampunan pa lang kami. Pero ngayon, mas matangkad na siya sa akin.
I missed those moments a lot. Ang dami ng nagbago. Noon, palagi pa kaming pumupunta ng buong pamilya ko para tumulong sa mga bata sa ampunan. But now, everything changed. Just so fast.
"Naisip ko lang, para kasing masyado ka ng sumusubra. Palagi ka nalang nakasunod sa kanya noong nalaman mong malapit lang pala siya sayo. Baka mapabayaan mo ang pag aaral mo niyan..." Napatingin kaagad ako sa kaibigan ko. Tipid siyang ngumiti sa akin pero hindi ako ngumiti pabalik. Matalim ko lang siyang tinitigan.
"Ang plastic mo. Kailan ka pa nag alala sa akin?"
"Ngayon. Hindi ba halata?" Napatawa siya. Napailing ako bago inikot ang mga mata ko. Tumayo na ako at nagpaalam kay Emily. Pupunta ako ngayong apartment ni Ate Jane. Asawa siya ng kapatid kong lalaki. Nakakatandang kapatid ko.
She told me na buntis siya at need niya ng makakausap ngayon. So, pupunta ako para naman mawala na muna sa isipan si Zander. Ang sakit na ng ulo ko dahil sa mga nangyayari. Noong gabing iyon, sa school, plus pa sa daddy ko na ngayon ay galit sa akin. Late na raw kasi ako umuwi kagabi. Well, ganoon talaga 'pag masipag maghanap.
Nag-drive ako papunta sa apartment ng asawa nang kapatid ko. Agad akong kumatok sa pintuan nang nasa harapan na ako.
"You came. Thank you talaga, Nove, ah? Hindi pa alam 'to ng kuya mo. Sana maintindihan mo..." Tipid lang akong ngumiti at sinamahan siya sa loob ng apartment. My brother's not around. Siguro ay nasa trabaho pa iyon.
"Kailan niyo po ba nalaman na buntis kayo?" tanong ko.
"Noong isang araw lang. Nabigla nga ako. At medyo natakot rin. But, I'm happy. Ewan ko lang sa kuya mo..."
"Magiging masaya 'yon, don't worry. Sasapakin ko siya 'pag inayawan niya ang bata!" Tumawa ako. Ganoon rin si Ate Jane kaso mahina lang.
"Paano niyo nalaman na buntis kayo?" Umayos ako ng upo sa sofa. Ngumiti siya at ganoon rin ang ginawa.
"PT ang ginamit ko. Tatlong PT na. Gusto ko sanang ipakita iyon sa kuya mo 'pag nandito na siya, pero kinakabahan pa ako..."
"PT? Ano 'yon? Saan 'yon bibilhin?" Napalunok ako matapos ma-realized ang sinasabi.
Why, Nove?
Palihim akong napailing.
Nag usap kami ni Ate Jane at halos kalahating minuto iyon. Nakaupo kami sa sofa at kumakain rin ng prutas. Puro tawanan at kwentuhan lang ang nangyari, hanggang sa bigla nalang tumawag si papa sa akin. Nakasimangot kong sinagot ang tawag bago nagpaalam kay Ate.
Lumabas ako ng pintuan. Nasa apartment pa rin ako at sa tingin ko, maya maya ay aalis na ako. Dahil na rin sa kausap ko ngayon si daddy. Siguradong may ipapagawa na naman siya sa akin.
"Dad, nasa apartment ako nila kuya. Kailangan ako ni Ate Jane, okay? Si Albert nalang..." tukoy ko sa driver niyang palagi niyang kasama.
Pinagmamasdan ko ang paligid ng lugar na hinintuan ko. Nasa floor pa rin ako ng apartment nila kuya, pero malayo layo na. Malapit ako sa hagdanan habang seryoso na kausap si daddy sa cellphone.
"May trabaho siya. Bakit ba ayaw mong sumama sa akin sa school, ha? Isang event lang naman iyon..." Umiling ako.
"Ayaw ko..." Napansin ko ang mga taong humahakbang papalapit sa akin. Nasa harapan ako ng hagdanan kaya makikita ko talaga kung sino ang mga dadaan.
Isang babae at tatlong lalaki. Ang babae ay may mahabang buhok na hanggang bewang. Naka-floral dress siya na siyang ikinatawa ko ng mahina.
She's Kate. I know her, right? Siya kasi iyong palaging kasama ni Zander. Siya rin iyong pinapaaral ng pamilya ko. I glared at her even though she won't notice me. She's busy talking with her boy friends. Napakahinhin niya kung kumilos, pero alam kong nasa loob pa rin ang kulo ng isang 'yan.
I wonder...
"Wait, ang bibilis niyo." Nakikinig sa cellphone na napatingin ako sa likuran nila Kate. Nabigla ako pero hindi ko pinahalata. Tumango lang ako na para bang nakikinig pa rin sa mga satsat ni daddy sa kabilang linya.
"Lester, sigurado ka na dito iyong kapatid mo nakatira? Baka namali lang tayo..." rinig kong sinabi noong isang lalaki na kasama nila. Ni isa sa kanila ay wala ang atensyon ko. Naroon lang sa lalaking iniwan akong mag isa sa hotel ng kapatid ko.
For almost a month, nagpakita ka rin. Para akong baliw kakahanap sayo, tapos ngayon nandito ka na.
Umayos ako ng tayo at ngumiti.
"Hi, nawawala ba kayo? Need some help?" Nang lalagpasan na sana nila ako, agad akong nagsalita dahilan nang pagkakatigil nila. Ibinaba ko ang cellphone na hawak ko. Agad na napatingin sa akin iyong tatlong lalaki. Kate was whispering something to Zander. Kaya hindi nakatingin sa akin ang lalaki at hindi ko agad siya nakulong sa mga titig ko.
Nainis ako at palihim na napairap.
"Ah, Oo sana, e. Nasaan rito iyong apartment ni Lesley Miranda? She's my sister..." sabat noong isang lalaking may brown na mga mata. Humarap siya sa akin at pinakatitigan ang katawan ko.
"I'll ask the manager. Please, wait a moment.." sinabi ko bago iniwas ang paningin sa kanya. I looked at Zander to know what his reaction is, and there, I saw how he gasp when our eyes met. Agad ko siyang matagal na tinitigan habang siya ay nanlalaki ang mga mata. Ang nagk-kwento na si Kate ay natigil at sinundan kung sana siya nakatingin.
"Hi there. What are you looking at?" plastic kong tanong at saka kinindatan si Zander. Agad niyang iniwas ang paningin sa akin at tatalikod na sana nang magsalita iyong lalaking kumausap sa akin kanina.
"Pwede mo ba kaming tulungan para mahanap iyong room ng kapatid ko? If that's okay sayo, miss sexy..." Nagtawanan ang dalawa niyang kasama at siya naman ay nakangiti lang. Sa likod niya ay si Zander, nakaharap na at nakamasid sa aming dalawa.
"Sure. Pero, I want him to go with me. Pupuntahan muna namin ang manager..." sinabi ko habang nakaturo kay Zander. Hindi makapaniwala ang reaksyon ng lalaki at agad na nakarinig ako ng tikhim ni Kate.
"Sorry. Hindi pwede ang boyfriend k—"
"Excuse me? Bakit sumasabat ang maid ninyo?" Napangiti ako nang laglag ang panga siyang napatingin kay Zander. Para siyang bata na humihingi ng kakampi. Nagtawanan ang dalawang lalaki at iyong kausap ko lang ang tipid nanapangiti. Napansin ko ang pagiging seryoso ni Zander.
"Sure. Take him. But, pagkatapos nito, are you free? Pamilyar ka kasi. Nagkita na ba tayo sa bar dati?" tanong ng kaharap ko.
Yes, I remember him. Isa siya sa kaibigan ni Zander doon sa bar. Pero hindi siya iyong nagbigay sa akin ng alak. Malayo ang itsura niya sa lalaking iyon.
"No. Ibang tao siguro iyong nakilala mo doon..." Mahina akong tumawa at nagsimula ng lumapit kay Zander na ngayon ay hindi mapinta ang mukha. Ilang singhap ang napansin ko kay Kate habang pinagmamasdan ang lakad ko.
Hinawakan ko si Zander sa braso and lucky me, hindi siya pumalag. Naglakad kami ng sabay papalayo sa mga kaibigan niya at ngayon ko lang napansin na nasa bulsa ko na pala iyong phone ko.
Mamaya ko nalang aasikasuhin si dad. This time, itong taong 'to naman.
Nang makalayo at papasok na sana kami sa isang elevator, naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad. Napaharap ako sa kanya nang nagtataka.
"What?"
"What? Really? Ano ang ginagawa mo dito?"
Naniningkit ang mga mata na pinagmasdan ko ang lalaking 'to. Medyo tumaas ang boses niya at hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya.
"Excuse me? I'm here because this is my brother's—"
"I don't care. Please, kung sino ka man. J-Just please leave. My friends are not your friends para ganunin mo lang. Hindi kayo close ni Kate—"
"Close rin ba tayo para pagsabihan mo 'ko? Who are you, huh?" I smirked. Nakita ko siyang napatigil sa pagsasalita at naiwas ang paningin sa akin.
"I...I'm sorry. Those words are not really my—"
"Tsk. Why did you leave anyway?" Sumeryoso ako at pansin ko ang pagtataka sa mukha niya.
"What do you mean? I mean, yes, pamilyar ka sa akin. But, have we met? Sa...bar? At sa..." Nanlaki saglit ang mga mata niya at mabilis na napalunok.
"Yes," sinabi ko nang walang hiya. Hindi siya makatingin sa akin.
"W-Wala akong matandaan..." bulong niya.
"Hmm, month had passed. Buntis ako. Two weeks." Walang kibuan na naganap sa amin. Nakayuko lang siya at sigurado akong nagulat siya sa sinabi ko.
Even me. Pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Naisip ko kasi iyong kalagayan ni Ate Jane. She's pregnant. Naisip ko kanina, what if ako rin? Para na rin mas mapalapit siya sa akin.
Kabaliwan 'to pero wala na akong maisip na paraan.
"S-Seryoso ka ba talaga?" Tumango ako kahit na nag aalinlangan at nanghihinayang.
He didn't remember me at all. Hindi sa bar, kung hindi noong pagkabata. Akala ko ngayon ay makikilala na niya ako. The bar I went to last month was kinda dark. Akala ko rason niya lang iyon kaya hindi niya ako natandaan.
But I was wrong. Earlier, iyong paglaki ng mga mata niya, akala ko ay naaalala na niya ako. But, I was wrong again. Mali na naman ako. At nakakainis dahil hindi ako maalala ng lalaking mahal ko.
Simula pa noong bata. I already fell for him. Kahit na ganoon pa ka bata ang edad ko.
"Hindi ka naniniwala?" taka ko dahil sa pa unti unti siyang humahakbang papalayo. Lumapit ako sa kanya pero umiling siya at pinatigil ako.
"H-Hindi dapat iyon nangyari. Iyon lang ang inisip ko buong linggo matapos ang gabing iyon. Akala ko...panaginip lang 'yon..." sinabi niya, natataranta ang ekspresyon.
"What—"
Tinalikuran niya ako at agad na linayuan. Naglakad siya papalayo. Hahabulin ko na sana siya nang biglang may humawak sa braso ko.
"Hey, ayos ka lang?" My brother. Nandito na siya pero wala akong pakialam. Kinuha ko ang braso ko sa kamay niya at agad na tumakbo sa parte kung saan dumaan si Zander.
Sumisinghap ako habang lumilinga sa paligid.
Sa hagdanan na ako dumaan, pero sa iba. Hindi ako dumaan kung nasaan iyong mga kasama ni Zander. Binilisan ko ang paghakbang habang magulo ang isipan.
Mali ba iyong ginawa ko? Ayaw niya ba na mabuntis ako kung mangyari man? Kasi...posible ngang may nangyari sa amin. Kahit na wala naman akong nararamdaman sa katawan ko matapos ang araw na iyon, malakas ang pakiramdam ko na may nangyari nga.
Parang may kirot sa dibdib ang naramdaman ko. Puno ng pagtataka at galit ang isipan ko tungkol sa mga nangyari kay Zander.
Nag iba na siya. Ibang iba na siya.
Nang makalabas sa apartment. Wala na akong Zander na nakita. Natataranta na napakamot ako sa ulo bago napamura sa isipan.
Patuloy pa rin siya na umaalis at lumalayo. Kagaya ng sinabi ko noon, iyong gusto ko ay pilit akong inaayawan.
2 ARAW ang lumipas at nakikinig ako ngayon sa balita ni Emily. Nagpatulong na rin ako sa kanya sa paghahanap.
"Nasa park siya ngayon kasama si Kate at iyong Lester. Pero siguro mamaya uuwi na din siya sa apartment niya. Mas ayos kung doon mo nalang siya kakausapin..."
"Kakausapin? You think that's enough? Iniwan niya ako sa hotel at tinakbuhan niya ako matapos malaman na buntis ako—"
"Kung ako ang nasa pwesto niya, malamang ganoon rin ang gagawin ko. Sino ba namang lalaki ang gustong makasama ka—"
"Pwede ba, Emily? Sakyan mo muna ang mga sasabihin ko? Huwag ka munang maging kontradiba, please lang..." Inikutan ko siya ng mata. Nasa kuwarto ko kaming dalawa. Nakabihis na ako at naghihintay nalang sa buong sasabihin niya.
"Tsk."
"Ano pa? Alam mo ba kung saan ang address niya?" Tumango siya. May ipinakita siya sa akin sa cellphone niya at agad rin naman akong napatango.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko. Sa bilis ng pagpapatakbo ko, kulang nalang ay may humabol sa akin na pulis. Para akong magnanakaw sa banko dahil sa pagmamaneho ko.
"This time, sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala pa..." bulong ko. Seryoso ang mukha ko at galit lang ang nararamdaman.
Nang nasa harapan na ng apartment niya, agad akong naglakad papalapit sa pintuan at kumatok.
Walang tao dahil walang nagbukas sa akin ng pintuan. Bumuga ako ng hangin at tatalikod na sana para sa sasakyan ko nalang sana siya hihintayin, pero natigil ako sa paglalakad dahil sa pagkabigla sa nakita.
He...was standing straight while looking at me with those big eyes. Ang inosente niyang tingnan. Ang bilis ng pag atras niya at paglunok habang pinamamasdan ang mukha ko.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?"
"Why? Scared? Tinakbuhan mo pa ako..." sinabi ko at unti unting lumapit sa kanya.
"U-Uhm..." Umatras siya.
"You naughty boy. Bakit ka umalis?" paos kong tanong at agad na hinaplos ang dibdib niya. Napasinghap siya at pinagmasdan lang ako.
Napataas ang sulok ng labi ko.
"Pasok tayo sa loob?" aya ko na para bang pagmamay ari ko itong lugar niya.
"Whoever you are, please leave. I...I am not really—"
"Oh, please. Call me Nove. Nagawa na natin 'to, 'di ba? And...pinalayas ako sa amin because of you. You're rude. Now you want me to leave..."
Natahimik siya. Bumuga siya ng hangin at nanatiling nasa ibaba ang paningin.
"My dad kicked me out. Nalaman nila na buntis ako kaya nila ako pinalayas. Ikaw ang ama kaya maging responsable ka." Umayos ako ng tayo at parang nakaramdam ng excitement dahil sa mga kawalang hiyaang nasabi.
"A-Ano ang gusto mong gawin ko? Hindi ako ready sa mga ganyan. May pag aaral pa ako..." sinabi niya, malalim ang boses.
Kaagad na nawala sa labi ko ang ngiti. Wala akong sinabi. Blanko ang isip ko kaya hindi ako nagsalita. Lumapit lang ako sa kanya at agad siyang sinampal ng malakas sa pisngi.
Ang seryoso niyang reaksyon ay agad na nawala sa mukha niya. Naging malambot ang ekspresyon niya at lalapit na sana sa akin.
"I...I'm sor—"
"Kung handa ka sa kama, dapat ay handa ka rin sa responsibilidad mo," seryoso ang tono ng boses ko. Kitang kita ko ang pagsisisi sa mga mata niya.
Because of what I heard from him, susuko na sana ako. Susuko na ako sa lahat. Dahil sa totoo lang, hindi ganyan na Zander ang minahal ko. Hindi ganyang Zander ang hinangaan ko noong bata ako.
Ang layo layo na niya.
Tatalikod na sana ako para makaalis nang bigla nalang niya akong ipinaharap sa kanya at agad na sinakop ang labi ko. Nabigla ako roon pero nanatiling seryoso ang ekspresyon ko.
Ilang mumunting halik ang iginawad niya sa labi ko at saka sa pisngi ko.
"S-Sorry...Pamilyar ka sa akin. Iyon lang. Kaya ako kinakabahan. Pero iyong sinabi ko kanina about sa pag aaral ko, hindi pa nga ako ready. But you're right. This is my responsibility. I'm sorry. Okay, you'll stay here. Pasensya na talaga..."
IYONG punto niya sa sinasabi niya ay...tinatanggap na niya iyong bata? Ngunit..."B-Bakit mo iyon ginawa?" tanong ko, natataranta dahil sa paghalik niya. Umatras lang siya ng kaunti bago nakagat ang pang ibabang labi."I'm...sorry. Hindi ko sinasadya," sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin kaya tumango nalang ako. Pinapasok niya ako sa apartment niya at nag usap kami roon tungkol sa mga bagay na ayaw niyang ginagawa rito sa lugar niya."Ayaw kong...madumi ang kusina. Ako ang magluluto sa ating dalawa. May mga sasabihin pa ako mamaya dahil aalis pa ako. May trabaho ako sa oras na ito. Sa isang kuwarto ka na muna. Magpahinga ka roon dahil baka napagod ka..." Sumang ayon lang ako.Ibang iba siya sa lalaking halimaw na nakausap ko noong gabing iyon. Iyong paghalik niya sa akin nang mapusok noon, ibang iba sa paghalik niya sa akin kanina."Kung nagugutom ka, may pagkain sa ref. T-Tawagan mo ako kapag may problema..." Nahihiya niyang inilahad sa akin ang phone niya na
DALAWANG araw na ang lumipas at paulit ulit ang nangyayari sa aming dalawa. Maaga akong nagigising at naliligo habang si Zander ay nagluluto. Sabay kaming kumakain. Matapos iyon, aalis kaagad siya para maghanap nang panibagong trabaho. Bakasyon pa naman daw kaya pwede pa siyang makahanap.Natatawa nalang ako dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa akin. Para rin daw sa bata. Sa tingin niya talaga wala akong pera? I know he shouldn't be doing this. It's part of my plan, wala akong magagawa. If he wants to help me, then thanks to him. May kaunting pagkakapareho naman pala sila ng batang Zander na kaibigan ko."Good morning..." bati niya kinaumagahan. Naka pajama ako at oversize na t-shirt. Wala akong bra dahil komportable ako roon.Nguniti ako at umambang hahalikan na sana siya sa pisngi, ngunit bigla nalang may tumawag sa kanya sa cellphone niya. Napatikhim siya at napakamot sa noo bago sinagot ang tawag. Nagpaumanhin pa siya sa akin."Sige lang," sinabi ko habang pekeng ngumingiti.
ILANG buwan na ang lumipas nang malaman kong malapit lang pala siya sa pinagtatrabahuan kong Cafe. Matapos ang ilang araw, buwan at taon na paghihintay at paghahanap sa lalaking kinababaliwan ko, ngayon, nahanap ko na siya.He was standing infront of his classmates habang may salamin sa mata. Maputi ang suot niyang uniform at walang kusot. Base sa narinig ko sa kaibigan ko, graduating na siya at last year na niya ito sa college. Ang layo layo na niya sa lalaking gusgusin at mahiyain dati. Napakatangkad at maskulado na ng katawan niya. I wonder kung ano ang magiging reaksyon niya 'pag nakita ako."Hoy. Kailan ka matatapos diyan? Earlier, sa labas ka ng school nila at hinihintay siyang lumabas. Now, he's with his friends sa restau, nakasunod ka pa rin. Are you crazy or something?" I frowned when someone touched my back. Liningon ko si Emily at nakita ko siyang hindi makapaniwala ang ekspresyon. Bumuga ako ng hangin bago inalis ang kamay niya na naroon pa rin malapit sa balikat ko."Come
STUDY, Eat and sleep. Paulit ulit lang iyan na nangyayari sa akin noong bata ako hanggang sa nag 18 ako. I'm an adult now and I can do whatever I want. The only problem is, iyong gusto ko ay pilit akong tinatakasan at inaayawan.Napatingin ako sa lalaking nakatitig sa akin at nakita siyang bumaling agad sa mga nagsasayawan sa dance floor nang makalingon ako. Nasa isang table kami na wala ang mga kasama niya. Ako lang at siya pero...malayo siya sa akin dahil hindi raw pwede. I'm confused pero hindi nalang ako nagsalita. Maybe, hindi niya lang talaga ako matandaan."Kilala mo ba si Nove Basañes?" tanong ko. Dahan dahan siyang lumingon sa akin tapos tinuro niya ang sarili niya. Gusto ko sana siyang ikutan ng mata dahil sa inis pero sa itsura niya ngayon...ang inosente niyang tingnan. Tumango ako."Hindi. Sino siya?" Bigla akong nakaramdam nang pinagsamang inis at pagtataka. Matapos makita sa mukha niya ang pagtatanong, agad na bumuga ako ng hangin.Medyo bumigat ang dibdib ko dahil sa hi

"GUSTO ko siyang hanapin, okay? And, walang nangyari sa amin. Gusto ko lang...ulit siyang makita.. " sinabi ko sa kaibigang si Emily. Her expression was bored, as always. Natataranta na ako kaka-explain sa kanya tungkol sa nangyari noong nakaraang buwan. Pero siya patuloy lang na tumatango at ngumingiti.Hindi niya ako pinaniniwalaan. I know."Come on. I'm telling a fact..." Umayos ako ng upo sa upuan ko. May table na pumapagitna sa amin ni Emily. Nagka-kape kaming dalawa ngayon sa malapit na cafe ng condo unit niya dahil sunday ngayon at walang pasok.At isang linggo na rin akong hindi pumapasok. Because of that night, now, I can't think properly. Muntik na nga akong ma-detention dahil sa pagsabat ko sa professor namin noong nakaraang linggo. Well, nagsisisi naman ako. No need to tell the whole story."Novelyn, just accept it. Baliw ka na nga sa lalaking 'yo—""Pwede ba, Emily? Huwag mong sirain ang araw ko?" Napailing ako at sumimsim sa kape na hawak hawak ng kanan kong kamay. Malal