Share

Kabanata 5

Penulis: Kara Nobela
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-13 12:34:30

Tintin POV

30 minutes na akong naghihintay ng dumating si Andrew sa coffee shop na usapan namin ay magkikita kami. Nananadya talaga ang lalaking to na mag pa late. Alam na alam ko na ang style ni Andrew. Mamaya pa ang kanyang pasok, samantalang kanina pa ako nakapag-out kaya mahaba ang oras ko para maghintay.

“Bakit hindi ka pa umorder habang wala ako.” yun agad ang bungad niya sa akin.

Sinadya kong wag muna umorder dahil gusto kong matagal ako matapos magkape para hindi kami agad matapos sa date namin.

“Hinintay talaga kita. Anong klaseng date ito kung mag-isa lang akong magme-merienda?”

“Okay.” tumalikod ito at naglakad palapit sa counter para umorder.

Habang umoorder siya ay nagtetext naman ako sa isang katrabaho ko tungkol sa schedule namin. Itinigil ko lang ang pagtetext nang bumalik na si Andrew sa lamesa namin bitbit na ang dalawang kape.

Lihim akong napangiwi ng bigyan niya ako ng iced latte.

“Salamat.” matamis ko pa rin siyang nginitian.

“Anong pag-uusapan natin?” maayos naman itong makipag-usap ngunit wala ka talagang makikita kahit konting kilig sa mga mata niya. Ganun pa rin siya makitungo sa akin, kaibigan pa rin. Professional pa rin kahit pagdating sa bagong relasyon namin, yun bang parang ginagawa lang niya ang tungkulin.

“Akala ko ba, marami ka ng naging girlfriend? Dapat alam mo, na kapag nasa relasyon, hindi mo kailangan ng dahilan para magkita o magdate.”

Hindi nito napigilang mapatawa.

“Alam mo Tintin, kung hindi ka lang cute at nakakatawa, dapat nabuwisit na ako sayo ngayon dahil sa mga ginagawa mo.” anito habang iniinom ang kape niya.

“Alam mo Andrew, kung hindi ka lang gwapo, hindi ko pagtya-tyagaan yang ugali mo.” ganti ko naman.

Aba at napangiti pa ang mokong ng tinawag ko siyang gwapo.

“Maraming namang gwapo dyan, bakit kasi nagtyatyaga ka saken. Kung gusto mo ipakilala kita sa mga kakilala ko.”

“Ang gusto ko kasi, gwapo na doktor pa.”

“Hayaan mo’t ipapakilala ko sayo yung kaibigan kong si Dr.Gray. Gwapo yun bagay kayo. ”

“Oi Andrew, ipapaalala ko sayo na date natin to. Narito ka bilang boyfriend ko.., hindi matchmaker.”

Sumandal sa Andrew sa inuupuan.

“O bakit hindi mo iniinom yang kape? Ano, bored ka na sa akin? Pwede mo na akong i-break kung turn off ka na saken.” pabiro nitong puna nang makitang hindi ko ginagalaw ang kapeng bigay niya.

Alinlangan kong ininom ang kape. Kahit ayaw ko nang inorder niya ay ininom ko pa rin para hindi siya maturn-off sa akin, sabihin pa niya ang arte-arte ko at hindi girlfriend material.

“Bakit naman ako makikipagbreak sayo eh, eh first day natin ngayon bilang magboyfriend.” sagot ko.

“Correction, it’s our 2nd day. Counted na yung kahapon.” anito

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Talagang binabarat ako ng lalaking ito ah. Hindi na lang ako nagreklamo dahil gagawan ko na lang nang paraan para mapalapit ang loob niya sa akin sa natitira pang 5 araw simula bukas.

“Okay basta bukas manood tayo ng sine, wag kang tatanggi dahil alam kong off mo bukas. Alam ko kung anong schedule mo.”

“Bakit? Anong merun bukas?”

“3rd daysarry natin.” ewan ko ba kung san ko nakuha yung salitang yun. Basta bigla ko na lang naisip, para-paraan lang para may maidahilan kung bakit ko siya niyayaya lumabas ulit.

“Tintin, alam kong never ka pang nagka boyfriend, pero ipapaliwanag ko sa yo na hindi kailangang lumabas ng magboyfriend araw-araw.”

“Iba naman tayo Andrew. 7 days lang ang ibinigay mo sa akin. Sige, okay lang saken na saka na tayo manood ng sine, basta i-eextend mo ang pagiging magboyfriend natin eh.”

Napakamot naman ng ulo si Andrew.

“Okay, sige bukas.” naiiling nitong sabi.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Mrs. de leon kanina.

“Uminom ka ng maraming gatas bago tayo manood ng sine bukas ha.”

“Bakit naman?” tanong nito bago humigop ng kape. Nakangiti na agad ito dahil akala siguro niya ay magbabato na naman ako ng pick-up line.

“Baka kasi mauhaw ka sa loob ng sinehan, dedehen mo pa ako.” walang patumpik tumpik kong sabi.

Kitang kita ko kung paano nito naibuga ang kapeng iniinom niya. Mabuti na lang at hindi siya nakaharap sa akin, kung hindi baka nabasa nako. Napahagalpak ako nang tawa sa naging reaksyon niya. Ang sarap niya talagang biruin.

Medyo umuubo ubo pa ito ngayon habang pinupunasan ng napkin ang kanyang bibig.

“Sino bang pinagkaka-usap mo at natututo ka na ng mga ganyang salita? Ang bata mo pa para magbiro ng mga ganyan.”

“Andrew, baka nakakalimutan mo, 22 na ako. Hindi na ako yung 17 years old na kilala mo. Buksan mo yang mga mata mo para makita mong dalaga na ako.”

“Kahit pa, lalaki ako at hindi ka dapat nagbibitaw ng mga ganyang jokes sa mga lalaki.”

“Nagbibiro lang ako noh. Unless gusto mo rin, hindi talaga kita tatanggihan.”

Nanlaki lalo ang mga mata ni Andrew. Mukhang sesermunan na naman ako.

“Joke lang, dika na nasanay saken.” tuwang tuwa na naman ako sa reaksyon nito.

Sa bandang huli ay napapayag ko rin siya na sumama sa akin na manood ng sine bukas. Nang maubos nya ang kanyang kape ay nagpaalam na agad ito sa akin. Akala mo naman ay palaging nagmamadali, if i know gusto lang niya akong takasan agad.

“Ihahatid na kita.” wika ko.

“What?” gulat na tanong ni Andrew.

“Diba papunta ka sa trabaho ngayon? Sabi ko, ihahatid na kita. Dyan lang naman sa tapat ang hospital eh.”

Napatawa naman si Andrew.

“Kapag nagka boyfriend ka ng totoo, siguradong mapapasaya mo siya ng todo.” anito na hindi mawala wala ang ngiti sa labi.

“Bakit? Totoo namang boyfriend kita ah.”

“Okay, sinabi mo eh. May pupuntahan pa ako, kaya dimo na ako kailangang ihatid.” anito habang naiiling na lang at tumayo na sa kinauupuan

“Para-paraan para umiwas.” hindi kasi ako naniniwala na may daraanan pa siya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

“Kailangan kong icheck ang sched ko bukas kaya wag mo akong kukulitin. Itetext na lang kita what time at kung saang sinehan tayo magkikita.”

Sigurista talaga sa isip-isip ko. Hindi na ako umangal dahil okay na sa akin na pumayag itong manood kami ng sine. Magni-ninja moves na lang ako bukas sa sinehan.

“Okay.” pagsang-ayon ko.

Agad na itong umalis. Hindi ko naman siya pinigilan at kinulit pa. Akala siguro ni Andrew ay naniniwala ako na may dadaanan pa siya ngayon. Kaya lang naman hindi ko siya kinulit dahil, nag-aalburuto na kasi ang aking tyan ngayon. Yun ang dahilan kung bakit iced coffee lang ang palagi kong inoorder. Hindi lang dahil sa paborito ko yun. Mahina kasi ang tiyan ko sa gatas kaya hindi ako umoorder ng latte pero hindi yun alam ni Andrew.

Dali-dali akong tumakbo sa restroom bago pa man ako abutin dito sa labas. Mabuti na lang at nakaalis na siya at hindi ako inabot sa harapan niya. Kung nagkataon, nakakahiya baka ibreak niya agad ako.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 6

    Tintin POV Kainis! Kaninang kanina pa ako naghihintay ng text ni Andrew hanggang ngayon wala pa rin. Pagkarating na pagkarating ko kanina mula sa trabaho ay gumayak na agad ako dahil sobrang excited ako na manonood kami ng sine ngayon. Kaso pasado alas singko na, anong oras pa kaya kami makakapanoo

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-13
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 7

    Tintin POV“Ano, hindi ka inihatid ni Andrew pauwi?” gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Mutya sa kabilang linya.Tinawagan ko kasi agad si Mutya upang ikwento na kagagaling lang namin ni Andrew mula sa sinehan kaso nauwi naman ang usapan namin sa reaksyon ni Mutya na hindi makapaniwala sa ginawa

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 8

    Tintin POVIbinaba ko ang telepono at buong pagtatakang tumingin sa nagpakilalang Gray.Samantalang isinuksok nito sa kanyang bulsa ang cellphone at ngumiti sa akin.“Can I?” anito na humihingi ng permiso na maupo sa harapan ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay naupo na agad ito.“Hindi makakarating

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 9

    Grabe, ang gwapo talaga ng taong to! Swerte naman ng magiging asawa nito.“Ilan na anak mo?” tanong ko. Binibiro ko lang siya. Alam ko namang sine setup kami ni Andrew.Nakita kong parang nasamid ito.“Okay ka lang?” sabay abot ko ng napkin sa kanya.Tinanggap namn nya yun at ipinunas sa kanyang bib

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 10

    Tintin POV 5th day na namin ngayon ni Andrew. Alam kong pang-umagang shift na siya ngayon. Malapit nang matapos ang shift ko pero hindi pa rin siya nagtetext sa akin. Gusto ko sana siyang puntahan sa ER kaso busy ako. Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay nagtungo agad ako sa pwesto niya. Nari

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 11

    Tintin POVWalang puknat ang aking pag iyak kahit kanina pa akong nakauwi dito sa condo. Ang sakit ng puso ko ngayon. Bakit ba naman kasi na sa lahat naman ng tao, kung sino pa yung mahal ko siya pa ay siya pang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Pagdating ko

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 12

    Tintin POV Mahina kaming nagbubulungan ni Mutya habang naglalakad kami papunta sa mini bar na nasa basement ng bahay nila. “Bakit ba kailangan yung brief pa ni Andrew at yung nagamit na?”usisa ni Mutya. Napasimangot naman ako. “Aba ay malay ko ga sa albularyong yun. Basta nakalagay sa listahan n

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 13

    “Minsan lang ako magyaya ha, bawal ang hindi malasing” bungad ni Mutya sa dalawa. “Babe, may pasok pa kami bukas.” ani Drake. Pinandilatan ni Mutya ang asawa. “Kayo may-ari ng kumpanya, anong kinakatakot mo? Sige di bale na lang. Tulog na tayo.” tumayo ito at tumingin sa amin ni Andrew “Kayong d

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-14

Bab terbaru

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 218

    Gigi POV Ano daw? Misis? Tama ba ang narinig ko? Muli akong napatingin sa kanya, nakangiti lang ito sa akin. Nasa tabi namin ang parents ko kaya medyo nahiya tuloy ako dahil alam kong narinig nila ang sinabi ni Gray. Pero nang lingunin ko ang mga magulang ko, nakangiti lang ang mga ito at hin

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 217

    Gigi POV “Ay si dok pala. Kumusta po.” bati ni Santi nang makilala si Gray, ganun din si Nica. Tumango si Gray sa mga ito. “Congrats.” bati niya sa mga kaibigan ko. Pagkuway muling sumeryoso at dumako ang tingin kay Jeff. “Pasensya na, pero may pupuntahan pa kami ng girlfr—” “Ninong!” k

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 216

    Gigi POV Anong ginagawa nya rito? Dapat ay nasa trabaho siya ngayong oras na ito. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya rito sa mismong araw ng graduation ko. Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na. Parang huminto ang oras at bigla akong nabingi. Yung

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 215

    Gigi POV Kinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay. Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako n

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 214

    Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang te

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 213

    My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 212

    Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa ak

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 211

    Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian n

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 210

    Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-i

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status