Share

Kabanata 0004

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2024-11-11 15:42:57

Tintin POV

Binalikan ko ang mga plastic bag na dala ko. Kitang kita ko sa mukha nina ate Beth at mga kasamahan kong nurse ang pagtataka dahil sa nasaksihan nila kanina.

“Alis na’ko, see you na lang tomorrow.” wika ko.

“Anong nangyari sa inyo ni dok. Ba’t ka niya binuhat?” tanong ni ate Beth.

Napatawa naman ako nang maalala kung paano kami nag-agawan ni Andrew sa cellphone.

“Wala, nabuhat lang niya ako sa sobrang tuwa kasi sinagot ko na sya.”

“Natuwa? Parang hindi naman. Para kayong magkapatid na nag-aaway.”

“Hindi ganun, masaya lang siya kasi kami na.” binuhat ko ang mga plastic bag.

“Totoo Kristina, kayo na?” tanong ni Liezel na mukhang siya lang ang sumeryoso sa sinabi ko.

“Kelan ba naman ako nagsinungalin?” wika ko.

Mukhang wala namang naniniwala sa akin. Sino nga bang basta maniniwala na ganun kabilis ko mapapasagot si Andrew eh kung kani kanina lang ay sinabutahe niya ang date namin.

“Sige, una nako, Kita kits na lang bukas.” paalam ko sa kanila. Saka na lang ako nagkukwento sa kanila.

Masaya akong uuwi dahil kami na ni Andrew kahit pa napilitan lang ito. Basta sisiguraduhin kong maiinlove siya sa akin bago matapos ang isang linggo.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan ng hospital ay isang lalaking nagmamadali ang sumalpok sa akin kaya tumalsik at napaupo ako. Nabitawan ko rin ang mga plastic bag na hawak ko.

Napapikit ako habang pinipisil ang aking balakang.

“Aray ko naman…” daing ko.

“I’m sorry Miss!” narinig kong sinabi ng lalaki.

Sinubukan kong tumayo. Nakita kong inilahad nang nakabangga sakin ang kanyang kamay upang tulungan ako. Tinanggap ko yun para mabilis akong makatayo. Agad kong pinagpagan ang aking puwitan dahil sa alikabok. Napatingin ako sa lalaki ng marinig ko itong magsalita.

“Ayos ka lang miss?” tanong nito.

Tumango ako at tumingin sa kanya.

Napapilig ako ng makita ang itsura nito. Nasa romance novel ba ako, bakit bidang lalaki yata itong kaharap ko?

"Oppa?” usal ko nang makita kung gaano kaguwapo ang lalaking nasa harapan ko.

“Ha?”

“Wala… ayos lang ak— Naku naman! Yung pagkain ko!” nanghihinayang na sabi ko ng makita na kumalat ang mga lunch boxes.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi naman pala natapon ang laman. Yumuko na lang ako at isa-isang dinampot ang mga yun at ibinalik sa bag. Napansin kong tumutulong na rin sa pagdampot ang gwapong lalaki. Hindi ko siya pinigilan dahil kasalanan naman niya kaya natapon yun.

“Salamat!” wika ko nang maisilid kong lahat ng lunch boxes sa plastic bag.

“Mukhang marami kang pasasalubungan ah.” anang lalaki. Natawa naman ako sa sinabi niya.

“Hindi, mag-isa lang ako sa bahay. Akin lahat yan.” sagot ko habang ibinubuhol ang bag para siguradong hindi na ito mabubuksan kahit pa mabitawan ko ulit.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki. Nang lingunin ko siya ay nakatingin ito sa mukha ko na parang amuse na amuse sa aking sinabi. Hindi siguro siya makapaniwala na ako lang mag-isa ang uubos nitong mga pagkain.

“Malakas akong kumain.” proud ko pang sinabi. Ngumiti ito na lalo pa nitong ikinagwapo.

“Hindi halata sayo.” nakangiting sabi nito.

“Nasa romance novel ba ako?” hindi ko na talaga mapigilang sabihin ang kanina pang tumatakbo sa isip ko.

“Bakit?” tanong nito.

“Kasi ang gwapo mo!” sagot ko. Wala lang naman sa akin yun dahil marunong talaga ako mag-appreciate ng magagandang mukha, mapa babae man o lalaki.

“Pwede bang ikaw na lang ang leading man ng buhay ko?” Kanina pa kasi ako kating kati na ibato ang pick up line na to. Nakita kong umaliwalas ang kaniyang mukha at halatang natawa sa aking sinabi. Ayan, kumpleto na ang araw ko, may bumili na rin ng linya ko.

“Joke lang, may boyfriend nako.” sabay bawi ko.

Bigla kong naalala si Andrew. Hay, sana ganito rin siya kung magreact sa mga banat ko. Binuhat ko ang mga plastic bag at walang sabi sabi na iniwan ko ang lalaki.., saka ako naglakad papalayo sa hospital para umuwi na.

Pagkarating na pagkarating ko sa condo ay agad kong inilagay sa fridge ang mga dala kong pagkain. Excited na akong ibalita sa bestfriend ko na kami na ni Andrew.

“Diko alam kung good news yan Tin. Pwersahan talaga?” wika ni Mutya sa kabilang linya.

“Sa ngayon lang to Mutya. Sa loob ng 7 days, makikila niya ako at siguradong maiinlove na siya sa akin. Dun naman nagsisimula yun diba?”

“Oo pero ewan ko lang sa sitwasyon nyo.” natatawang tugon ni Mutya sa kabilang linya.

Hanggang sa matapos kaming mag-usap ni Mutya ay napapabuntong hininga na lang ito kapag naaalala kung paano ko binlackmail si Andrew.

Basta positive ako na makukuha ko ang puso niya. Wala pa akong nakikilalang tao na ayaw sa akin. Si don Antonio nga na tinatawag nilang super suplado daw, kapag nakikita ako, malayo pa ay nakangiti na agad sa akin at palaging kinukumusta kung napasagot ko na daw ang anak niya.

Ngayong kami na ni Andrew ay mapapagtuunan na nya ako ng pansin at malalaman niyang madali lang naman pala akong mahalin.

“Weh di nga?” dudang sabi ni nurse Maricel na kasabay ko sa shift habang papunta kami sa kwarto ng pasyente na paiinumin namin ng gamot.

“Oo nga, kami na talaga kahapon pa.” proud kong pag kumpirma sa kanya.

Pagkapasok ko pa lang kaninang umaga sa trabaho ay ipinamalita ko na agad na kami na ni Andrew. Lahat ng makausap ko ay binabalitaan kong kami na kahapon pa. Wala namang hindi nakakaalam na dinidiskartehan ko siya noon pa. Wala nga lang basta maniwala nang sabihin kong kami na.

“Ay naku kung ako sayo Tintin, kalimutan mo na yang si dok. Andrew. Halata namang wala siyang gusto sayo. Ang ganda mo naman, sinasayang mo lang oras eh ang daming gwapong dyan. Kagaya nung bagong doktor dito sa hospital, nakita mo na ba?”

“Hindi ko pa nakikita. Mas gwapo pa kesa sa boyfriend ko?”

Napatawa naman si Maricel nang banggitin ko ang salitang boyfriend. Ayaw talaga niyang maniwala.

“Mag kasing gwapo.” ani Maricel at sinakyan na lang ako sa pagpupumilit kong boyfriend ko na si Andrew.

“Ah.., eh kung kasing gwapo pala siya ni Andrew, aba eh gwapo nga.” saad ko.

“Lakas talaga ng tama mo kay dok.” ani Maricel. Nasa loob na kami ng silid ng pasyente.

“Good morning po?” halos sabay namin bati ni Maricel sa matanda. Binati rin naman niya kami.

“San ko ba siya pwedeng yayain kung magde-date kami?” baling ko kay Maricel. Nag-isip naman ito.

“Yayain mong manood ng sine.” ani Mrs. de Leon, ang matandang pasyente. Bigla akong napatingin dito.

Tama sa sinehan, bakit nga ba hindi ko naisip yun?

“Lola tama ka dyan.” nakangiting tugon ko.

“Makakatsansing ka pa paminsan minsan.” pabirong sabi ng matanda.

Nanlaki pareho ang mga mata namin ni Maricel at saka nagtawanan.

“Lola, kaya ka naha-highblood eh.” pabiro kong tugon sa sinabi niya.

“Siguraduhin mo lang na nakainom na siya ng gatas bago kayo magsine.”

“Bakit naman po?”

“Aba eh baka mauhaw sa sinehan ang boyfriend mo, baka biglang dumede sayo”

Hagalpakan kami ng tawa ni Maricel dahil hindi namin inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ng matanda.

“Ay kung ganun, dalawang araw ko siyang hindi paiinumin para uhaw na uhaw.” ganting biro ko naman. Ngayon ay si Mrs. de leon naman ang tumawa.

“Ano kayang reaksyon ni dok kapag sinabi mo yan sa kanya.” ani Maricel.

“Titingnan ko mamaya.” balewala kong sagot.

“Hindi ka nahihiyang sabihin sa kanya?” nakangiwing sabi ni Maricel.

“Bakit naman, boyfriend ko naman siya ah, at saka dun din naman ang punta nun, bakit patatagalin ko pa.” Nagbibiro lang naman ako dahil sinasakyan ko lang ang kapilyahan ng matandang pasyente.

“Hay naku Kristina, siguradong mawiwindang sayo si dok niyan kung hindi mo isesensor ang bibig mo.”

“Joke lang.” natatawa kong sabi.

***********************

NOTE FROM KARA:

Guys, kung naghahanap po kayo ng mapanakit, may thrill at masalimuot na story -- paki skip na lang po nitong story nina Andrew & Tintin, baka kasi mabored lang kayo sa story na 'to dahil ROM-COM lang po ito. Pasensya na po kung hindi ito pasok sa panlasa nyo -- wala pong pilitan at wag nyo na lang po itong basahin para hindi kayo mainis sa akin, para bati pa rin tayo. Isinulat ko ito para magkaroon ng konting break sa mga medyo mabibigat na story na nababasa nyo. Wag nyo rin pong hanapin or ikumpara ito sa YOUR HERO YOUR LOVER because I aim to give each story its own uniqueness para hindi ito magmukhang copycat. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. God bless everyone!

SPOILER ALERT: Hindi po mamamatay ang bida.

Yours truly,

KARA NOBELA

**********************
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Mona Or
ang ganda po nakakatawa
goodnovel comment avatar
Gene Darden
Mula ng mabasa ko ang My hero my lover... nahook na ako sa mga stories mo Ms. Kara... ito yong hinahanap kung story, sobrang saya at nakakatanggal ng stress. Sorry nalang sa iba dyan na ayaw at namimintas pa... ang hirap nyong pasayahin. Kaya go lang Ms. Kara, avid fan mo na ako♡♡♡
goodnovel comment avatar
Emilie Baylosis Forbes
hahahah ganda nga eh! simula palang ng story mo Author para na Akong sira katatawa sa joke ni Tintin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0005

    Tintin POV 30 minutes na akong naghihintay ng dumating si Andrew sa coffee shop na usapan namin ay magkikita kami. Nananadya talaga ang lalaking to na mag pa late. Alam na alam ko na ang style ni Andrew. Mamaya pa ang kanyang pasok, samantalang kanina pa ako nakapag-out kaya mahaba ang oras ko para

    Last Updated : 2024-11-13
  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0006

    Tintin POV Kainis! Kaninang kanina pa ako naghihintay ng text ni Andrew hanggang ngayon wala pa rin. Pagkarating na pagkarating ko kanina mula sa trabaho ay gumayak na agad ako dahil sobrang excited ako na manonood kami ng sine ngayon. Kaso pasado alas singko na, anong oras pa kaya kami makakapanoo

    Last Updated : 2024-11-13
  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0007

    Tintin POV“Ano, hindi ka inihatid ni Andrew pauwi?” gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Mutya sa kabilang linya.Tinawagan ko kasi agad si Mutya upang ikwento na kagagaling lang namin ni Andrew mula sa sinehan kaso nauwi naman ang usapan namin sa reaksyon ni Mutya na hindi makapaniwala sa ginawa

    Last Updated : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0008

    Tintin POVIbinaba ko ang telepono at buong pagtatakang tumingin sa nagpakilalang Gray.Samantalang isinuksok nito sa kanyang bulsa ang cellphone at ngumiti sa akin.“Can I?” anito na humihingi ng permiso na maupo sa harapan ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay naupo na agad ito.“Hindi makakarating

    Last Updated : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0009

    Grabe, ang gwapo talaga ng taong to! Swerte naman ng magiging asawa nito.“Ilan na anak mo?” tanong ko. Binibiro ko lang siya. Alam ko namang sine setup kami ni Andrew.Nakita kong parang nasamid ito.“Okay ka lang?” sabay abot ko ng napkin sa kanya.Tinanggap namn nya yun at ipinunas sa kanyang bib

    Last Updated : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0010

    Tintin POV 5th day na namin ngayon ni Andrew. Alam kong pang-umagang shift na siya ngayon. Malapit nang matapos ang shift ko pero hindi pa rin siya nagtetext sa akin. Gusto ko sana siyang puntahan sa ER kaso busy ako. Pagkatapos na pagkatapos ng shift ko ay nagtungo agad ako sa pwesto niya. Nari

    Last Updated : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0011

    Tintin POVWalang puknat ang aking pag iyak kahit kanina pa akong nakauwi dito sa condo. Ang sakit ng puso ko ngayon. Bakit ba naman kasi na sa lahat naman ng tao, kung sino pa yung mahal ko siya pa ay siya pang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Pagdating ko

    Last Updated : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0012

    Tintin POV Mahina kaming nagbubulungan ni Mutya habang naglalakad kami papunta sa mini bar na nasa basement ng bahay nila. “Bakit ba kailangan yung brief pa ni Andrew at yung nagamit na?”usisa ni Mutya. Napasimangot naman ako. “Aba ay malay ko ga sa albularyong yun. Basta nakalagay sa listahan n

    Last Updated : 2024-11-14

Latest chapter

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0127

    To my wonderful readers,Maraming Salamat po at nakaabot kayo hanggang dito. Hindi ko po akalain na tatatak sa mga readers ang characters nina Gigi & Dr. Gray. Marami pong nagmessage sa akin at nagrequest na gawan ko rin ng kwento ang dalawang ito. Wala po talaga kasi ito sa plano kaya may naunang

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0126

    “Mas pogi ka naman nang di hamak kesa sa manong na yun noh.” sabay bawi ni Gigi dito. “Yan ang gusto ko sayo eh. May bagong labas na Iphone kaya ibibili kita.” biro ni Andrew. Naiiling na lang si Tintin sa dalawa. Close na talaga ang dalawang ito. Lalo na si Gigi dahil mabilis itong makakaungot

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0125

    “Eh si kuya Andrew?” tanong ni Gigi. “Nandyan lang yan sa labas, may kinakausap.” ani Tintin. Napangiti si Gigi nang malamang walang ibang tao kundi sila lang magkapatid. “Teh, hawakan mo itong cellphone ko, Magtitiktok ako tapos kunan mo ako habang nagsasayaw ha.” ani gigi at inabot ang cellp

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0124

    3rd Person POV Hay kung bakit ba naman kasi nakalimutan pa niya ang cellphone at wallet niya. Paano tuloy niya babayaran ang kinain niya. Hindi naman ito mahal dahil sandwich at kape lang and inorder niya kaso kahit piso ay wala siya. Natanaw niya ang isang lalaking papalabas na tutok sa cellpho

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0123

    Muli akong bumalik sa kama at tumabi kay Andrew. Umayos kami ng pwesto na magkatabi sa ilalim ng kumot at awtomatiko niya akong niyakap. “I love you hon… kumusta ka, masakit ba?” nag-aalala niyang tanong habang nakatingin sa akin. “Oo.” nahihiya kong sagot. “Di mo naman ako dinahan dahan eh.” N

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0122

    Napapikit ako nang may namumuo na namang kiliti akong nararamdaman. Ang simpleng pagdantay na ginagawa niya ay mas naging agresibo pa. Biglang bumalikwas si Andrew at bumaba ito ng kama saka tumayo sa dulo. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hilahin ang mga paa ko kaya padapang napadaus-os ako pa

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0121

    “Ooooohhh..” daing ko at hindi ko mapigilang mapaliyad habang hinahagod ko ang kanyang buhok. “Andrew…” hindi ko mapigilang banggitin ang kanyang pangalan nang maramdaman kong ipinasok nya ang kanyang daliri sa aking kalooban. Napangiwi ako ngunit mas nanaig ang sarap na dulot nito. Hindi ako mag

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0120

    (SPG) ANG PAGTATAPOS Tintin POV “Andrew?” Abot- abot ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong hinihila. Saan ba kami pupunta at bakit parang galit na galit siya? Ano bang kasalanan ko? Hindi niya binitiwan ang aking kamay habang patungo

  • Chasing Dr. Billionaire   Kabanata 0119

    Umoo kami at hindi ko alam kung napansin nila ang pagkakailangan namin ni Tintin. Maya maya pa ay natanaw na namin si Rose na tumatakbo pabalik sa pwesto namin. “Eto na yung suka. Pasensya na, medyo natagalan, may nakapagsabi kasing may nabibiling ointment dun sa tindahan dahil may mga dikya nga ta

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status