Share

Chasing Dr. Billionaire
Chasing Dr. Billionaire
Author: Kara Nobela

Kabanata 0001

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2024-11-11 15:24:27

Tintin POV

“Sige na po ate Beth, last na po talaga to… promise!”

Kanina pa nakikiusap si Tintin sa charge nurse ng department nila na siyang nag-aasikaso ng schedule ng mga nurse sa hospital na pinagtatrabahuhan niya.

“Hay naku Kristina, palagi mo na lang sinasabi yan. Nakailang last ka na sa akin. Ilang beses na rin kitang pinagbigyan.” mariing tanggi ni Beth.

“Hindi naman pwedeng lagi na lang nating papalitan yang schedule mo, para lang ka-shift mo palagi si dok.’ patuloy nito.

“Promise talaga, last na to. Hayaan nyo po kapag ikinasal kami ni Dok Andrew kayo ang una kong padadalhan ng invitation. Tapos dun ko pa kayo ipupuwesto sa VIP table.” buong kumpiyansang saad ni Tintin.

Tumawa naman ng malakas sina Beth at iba pang mga nurse na naroroon ngayon.

“Yan ang gusto ko kay Kristina, lakas ng fighting spirit. Sige ipagpatuloy mo lang yan.” sulsol pa ni Sara, isa sa mga nurse. Ngumiti si Tintin dito at humarap kay Beth ng taas noo. Tinaasan naman siya ng kilay ni Beth.

“Nagpapatawa ka ba? Yung maging boyfriend mo nga lang si dok suntok na sa buwan, kasal pa kaya?” natatawang komento ni Beth.

“Sige makinig ka sa mga yan kung gusto mong tumandang dalaga.” dugtong pa nito.

Bagsak ang balikat na umupo si Tintin. Mukhang hindi nga talaga siya pagbibigyan ni Beth na ngayon ay may binabasang text message na kare-received lang nito.

“Ang lakas mo kay Lord, nagtext si Josie, nakikipagpalit ng schedule niya this week, darating daw ang magulang niya.” anito.

Umaliwalas ang mukha ni Tintin sa narinig.

“O kita mo na ate Beth, mismong langit na yung gumagawa ng paraan na magkasama kami. Destined kasi kami, hindi pa lang niya narerealized yun.” anito. Napailing lang ang may edad na nurse sa sinabi niya.

“Oy kayo hindi ko to ginagawa para kay Kristina ha, nagkataon lang na may nakikipagpalit. Ayokong may maririnig na kinukunsinti ko siya sa kabaliwan niya.” paglilinaw ni Beth sa mga katrabaho.

“Gusto kong malaman nyo na fair ako sa inyong lahat.” dugtong pa nito.

“Wag kayong mag-alala ate Beth wala namang magrereklamo kahit gawin nyo yan, sino ba namang hindi nakakaalam na patay na patay tong si Kristina kay dok. Kahit nga yung mga pasyente dito alam na alam nila.” tumatawang sabi ni Mae, isa sa mga nurse.

Napuno ng tawanan ang nurse station. Sino ba namang hindi? 4 months nang nagtatrabaho si Tintin sa Neumann Hospital at 4 months na ring siyang vocal sa nararamdaman niya kay dok Andrew.

Si Andrew Rufino ay ang kanyang long time crush. 17 years old pa lang siya ay crush na crush na nya ito. Kapatid kasi ito ni Drake Rufino na asawa ng bestfriend niyang si Mutya. Si Drake ang CEO nang kompanyang nagmamay-ari ng Neumann Hospital. Ilang taon na lang ay isasalin na rin kay Dr. Andrew ang pamamalakad sa lahat ng hospitals na pagmamay-ari ng pamilya nito. 30 years old si Andrew at ito ang pangalawang taon niya bilang ganap na doktor.

Nung 17 pa lang si Tintin ay pangarap na niya ang makatapos ng kursong HRM ngunit nang malaman niyang estudyante ng medicine si Andrew ay biglang nag-iba ang kanyang pangarap. Naging pangarap niya si Andrew… este ang makatapos ng kursong nursing. 22 years old na siya ngayon at kagagraduate lang niya ng college.

Nang makagraduate siya ay nag-apply siya sa hospital kung saan naroon si Andrew. Hindi naman nahirapang mag-apply sa hospital na yun si Tintin dahil malakas nga ang kapit niya sa itaas.

“Hindi ka ba natatakot na maging biyenan sina Don Antonio at Donya Agatha? Balita ko nakakatakot daw yung si Don Antonio?” curious na tanong ni Beth kay Tintin. Sumabat si Sara.

“Ilang beses ko na nakita si Don Antonio, grabe ang lakas ng awra. Nakaka-intimidate talaga, Nakakatakot at baka mali ang masabi mo. Si Donya Agatha naman, sobrang sosyal, nagmumukha akong mabaho kapag lumalapit siya sa amin.” salaysay ni Sarah.

“Bakit naman ako matatakot kung maganda naman ang intensyon ko sa anak nila?” balewalang sagot ni Tintin. Nagtawanan ang mga naroroon ngayon.

“Isa pa, kinausap ko na kaya si Don Antonio. Ang sabi ko, pakakasalan ko ang anak niya pagkagraduate ko.” ani Tintin.

“Seryoso ka? Paano mo naman siya nakausap?” di makapaniwalang tanong ni Beth.

“Sa binyag ng apo niya. Isa ako sa mga ninang. Bestfriend ko kasi yung manugang nila.” ani Tintin.

“Talaga? Oh eh anong sagot sayo ni Don Antonio?” pahabol na tanong ni Beth.

“Sabi niya Goodluck!” ani Tintin.

Muli na namang napuno ng tawanan ang nurse station.

Totoo ang sinabi ni Tintin. Nung tumayo siyang ninang sa panganay na anak ni Mutya ay kasama nila sa iisang table ang mga Rufino dahil parang pamilya na rin ang turing ng mga ito sa kanila.

“Andrew, pagkagraduate ko ng nursing, pakakasalan kita.” balewalang sabi ni tintin habang kumakain sila. Napailing na lang si Andrew sa kanya dahil nasanay na rin ito kay Tintin na palaging nagtatapat ng damdamin tuwing nagkikita sila.

Dahil dun ay katakot takot na sermon ang natikman nya mula sa kanyang ina nang makauwi sila. Ganunpaman ay napatawa niya ang supladong si Don Antonio dahil sa sinabi niya.

“Good luck!” anito na nakangiti sa inosenteng si Tintin na noon ay first year college pa lang.

“Kapag naging kayo, sagot ko na ang first date nyo.” pabirong tugon ni donya Agatha na cute na cute sa kanya.

Basta may event sa buhay ni Mutya ay palagi silang imbitado. Kung ilag ang mga tao sa pamilya Rufino, kakaiba itong si Tintin. Hindi kasi nito narerealized na mga bigating tao ang mga ito dahil napaka-inosente ng dalaga. Isa pa ay naging normal na sa kanya ang makita palagi ang pamilya ng mga Rufino.

******

“Sino na naman ang kinulit mo ngayon para lang makipagpalit ng schedule sayo?” naiiling na tanong ni Andrew nang makitang si Tintin na naman ang makakasama niyang nurse ng gabing yun.

“Wala ah. Grabe ka namang magbintang dyan, nakakasakit ka ng damdamin ah.” painosenteng tugon ni Tintin.

Bago pa man makapagsalita si Andrew ay naagaw na agad ang atensyon nila ang isang stretcher na parating at mabilis na itinutulak ng dalawang nurse. Mabilis na pinuntahan yun ni Andrew upang saklolohan. Awtomatiko na sinundan siya ni Tintin dahil normal na sa kanila ang eksenang yun sa emergency room.

Biktima ng pananaksak ang lalaking pasyente. Mabilis naman yung naagapan ni Andrew. Samantalang si Tintin naman ay kanina pang gustong masuka dahil sa dami ng dugo. Hindi naman siya palaging ganito.

Dumadaan lang talaga minsan na nakakaramdam siya ng ganun lalo na at sobrang dami ng dugong dumadaloy.

Mas matindi pa nga siya nung intern pa lang siya sa probinsya. Mabilis siyang masuka ngunit nakasanayan na rin niya ang makakita ng dugo kaya kahit paano ay hindi na siya naaapektuhan, subalit paminsan minsan ay dumadaan talaga na sinasamaan siya ng lasa kagaya ngayon. Nilalabanan lang talaga niya ito dahil si Andrew ang kasama niya ngayon, siguradong magagalit na naman ito dahil hindi ito ang unang beses na masusuka sa harapan nito pag nagkataon. Nung nakaraan ay nagsuka talaga siya sa harapan nito. Diring diri naman si Andrew dahil pati ang white coat nito ay natilamsikan ng isinuka ni Tintin.

Laking pasalamat niya ng natapos ang pagtahi sa sugat ng pasyente na hindi siya nasuka. Naglakad na papaalis si Andrew at kasunod si Tintin nang unti unting makaramdam ng panghihina ang dalaga at bago pa man siya tuluyang nawalan ng malay ay agad siyang kumapit sa likod ni Andrew.

********

Tintin POV

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Mukha agad ni Andrew ang aking nasilayan. Nakaupo ito sa gilid ng hinihigaan ko.

“Umuwi ka na at magpahinga.” bungad nito sa akin. Ramdam ko agad sa boses nito na hindi ito natutuwa sa nangyari.

“Ayos lang ako.” tanggi ko.

“Bahala ka. Pasalamat ka at ako lang ang nakakita sayo. Bakit ba kasi nagnurse ka kung takot ka naman sa dugo?” anito at tumayo.

“Ipalilipat kita sa regular medical ward. Simula bukas dun ka na naka-aasign.” anito.

“Andrew… wag naman!” naiiyak kong sabi.

“Kapag nalaman ng management na takot ka sa dugo baka mas lalo ka pang mamroblema.” ani Andrew.

“Andrew–”

“This conversation is over. If you want to plead, talk to the higher-ups, but I won’t put up with this anymore. Pinalusot na kita noong una, but it won’t happen again.“ mariing sabi nito bago tuluyang umalis.

Bagsak ang aking balikat at parang gusto kong maiyak ng mga oras na yun. Lumabas na rin ako. Nakita kong nagmamadaling lumapit si Liezel sa akin, ang pinaka close kong katrabaho dahil halos sabay lang kaming natanggap dito sa hospital.

“Anong nangyari sayong bruha ka? Nakita kong buhat buhat ka ni dok kanina.” pabulong na tanong nito.

“Hinimatay ako. Lintik na dugo kasing yun, kung kelan duty ako tsaka nagpakitang gilas.” inis na sagot ko habang naglalakad kami.

“Ipapalipat tuloy ako ni dok sa medical ward. Mahihirapan na tuloy akong mapasagot siya.” padabog kong sabi.

“Gayumahin mo kaya?” ani Liezel. Natawa ako sa sinabi nito.

“Nagpapaniwala ka naman sa ganun.” nawala tuloy ang inis ko.

“Totoo yun, Sabi ng kuya ko, yung kaibigan daw niya ganun ang ginawa sa nililigawan, ayun asawa na ngayon. Dalawa na ang anak. Sa albularyo daw yun humingi ng tulong.” seryoso sabi ni Liezel.

Napatigil ako sa narinig at nilingon siya.

“Seryoso ka? Baka ginu-gudtym mo lang ako ha” paninigurado ko.

“Bakit naman kita lolokohin, eh alam kong naman kung gano mo kagusto si dok.” buong sinseridad na sagot ni Liezel.

“Talaga? Samahan mo ko dun sa albularyong sinasabi mo.” parang bigla tuloy akong nabuhayan ng loob.

“Oo ba, pareho naman tayong off sa Thursday, puntahan natin yung sinasabi ni kuya na albularyo.” suhestyon ni Liezel na agad ko namang sinang-ayunan.

“Okay sige!”

**************

3rd Person POV

“Dadasalin mo lang itong nakasulat sa pulang papel. Dapat ay kumpleto ang mga gamit na nasa listahan. Pagkatapos ay ipapainom mo sa kanya yang recipe ng gayuma na tinimpla mo. Nakasulat na rin dyan ang ingredients.” wika ng albularyo.

“Kapag naman gusto mong alisin ang bisa ng gayuma ay itong asul na papel naman ang dadasalin mo. Pareho lang naman ang recipe ng gayuma at mga gamit na kokolektahin mo."

Ipinapaliwanag nito kay Tintin ang lahat ng mga dapat niyang gawin at paano timplahin ang gayuma. Inabot din nito ang listahan ng mga dapat kolektahin ni Tintin upang makumpleto ang orasyon.

Listahan ng mga dapat kolektahin para sa orasyon:

●Kandila

●Picture ng taong manggagayuma

●Picture na taong gagayumahin

●Brief ng taong gagayumahin (Kailangang gamit na at hindi pa nalalabhan)

.

Napamulagat sina Tintin at Liezel sa nabasa

“Ay sigurado ga ho kayo dine tatang, kailangan ga talaga ng brief?!?!” gulat na tanong ni Tintin. Dahil sa pagkagulat ay hindi na naikubli ang puntong batangas nito.

“Tandaan mo, hindi basta brief, dapat yung ginamit niya at hindi pa nalalabhan.” seryosong tugon ng albularyo.

“Paano ko naman ho makukuha yun? Ano? Sasabihin ko sa kanya na -Andrew.., pwede ba akina lang yang brief mo tutal marumi na?” hindi maipinta ang mukha ni Tintin dahil imposible ang hinihingi ng albularyo.

Tumawa naman tumawa si Liezel dahil sa sinabi niya.

“Nasa sa inyo naman yan kung gagawin nyo o hindi. Hindi ko kayo pinipilit, Kusa kayong lumapit sa akin, ako naman ay tumutulong lang.” pagalit na sagot ng albularyo.

Napabuntong hininga na lang si Tintin. Imposible ang hinihingi sa listahan ni manong albularyo.

“Sya sige na nga, magkano ga ho at nang kami eh makalayas na dine.” ani Tintin.

“1000 na lang sa yo.” tugon ng albularyo.

Napakamot ng ulo si Tintin.

“Ang mahal naman!” pabulong na sabi niya.

“Ano yun?” tanong ng matanda.

“Wala ho, sabi ko aalis na kami.” ani Tintin.

Lumabas sila ni Liezel sa bahay ng albularyo na hindi masaya. Hinatid naman sila ng tanaw ng matandang albularyo.

“Diba sabi mo nurse ang mga yan?” tanong nito sa asawang babae na umaasiste sa kanya.

“Ay bakit ang tatanga? Hanggang ngayon ay nagpapaniwala pa rin sa mga gayuma.” nakabungisngis na sabi nito. Pinagtawanan ng mag-asawa ang magkaibigang kaaalis lang.

.

Samantalang inis pa rin si Tintin dahil sa listahan ng orasyon..., naghihintay sila ngayon ng masasakyan pauwi.

“Pasensya na, hindi ko naman alam na ganun pala kahirap mang gayuma.” ani Liezel na nakikisimpatya sa kaibigan.

Naglabas ng malalim na buntong hininga si Tintin. Kinuha niya sa bag ang kanyang cellphone at dinayal yun. Nagring ang phone number na tinawagan nya.

“Hello.” wika ng nasa kabilang linya kaya nagsalita si Tintin.

“Hello Mutya .., kailangan ko ng tulong mo!”
Kara Nobela

Ang kwento po ito ay Book 2 ng Your Hero Your Lover (Drake & Mutya). Natutuwa po akong makita kayong muli. Salamat po dahil naririto ulit kayo para sundan ang storya nina Andrew at Tintin. Sana po kahit paano ay napangiti ko kayong muli. God bless everyone!!!

| 30
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Fam O. Marcelino
Very bad ang gayuma. unGodly yan ah!
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
aii dios ko sa imo tin²...... brief?nya c mutya Ang utosan mo?...
goodnovel comment avatar
Sheila Naldo
Pwede masubokan ipicteb ba Ms a
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0002

    Tintin POV “Nababaliw ka na bestfriend!” hindi makapaniwalang usal ni Mutya sa kabilang linya. “Sige na Mutya, promise ngayon lang to. Para sa future ng mga pamangkin mo, isang brief lang ang kailangan ko.” pag-uulit ko. Narinig kong tumawa ng tumawa si Mutya sa kabilang linya. Nakakadala ang

    Last Updated : 2024-11-11
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0003

    Tintin POV Hindi ako nagbibiro ng sabihin kong magbe-beauty rest ako. Pagkagaling sa hospital ay dumiretso agad ako sa condo unit na ipinagamit sa akin nang mag-asawang Drake at Mutya. Pag-aari daw ito ng mga Rufino. Nung una ay nahihiya pa ako pero sila na rin ang nagsabi na matagal na raw walang

    Last Updated : 2024-11-11
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0004

    Tintin POV Binalikan ko ang mga plastic bag na dala ko. Kitang kita ko sa mukha nina ate Beth at mga kasamahan kong nurse ang pagtataka dahil sa nasaksihan nila kanina. “Alis na’ko, see you na lang tomorrow.” wika ko. “Anong nangyari sa inyo ni dok. Ba’t ka niya binuhat?” tanong ni ate Beth.

    Last Updated : 2024-11-11
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0005

    Tintin POV 30 minutes na akong naghihintay ng dumating si Andrew sa coffee shop na usapan namin ay magkikita kami. Nananadya talaga ang lalaking to na mag pa late. Alam na alam ko na ang style ni Andrew. Mamaya pa ang kanyang pasok, samantalang kanina pa ako nakapag-out kaya mahaba ang oras ko para

    Last Updated : 2024-11-13
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0006

    Tintin POV Kainis! Kaninang kanina pa ako naghihintay ng text ni Andrew hanggang ngayon wala pa rin. Pagkarating na pagkarating ko kanina mula sa trabaho ay gumayak na agad ako dahil sobrang excited ako na manonood kami ng sine ngayon. Kaso pasado alas singko na, anong oras pa kaya kami makakapanoo

    Last Updated : 2024-11-13
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0007

    Tintin POV“Ano, hindi ka inihatid ni Andrew pauwi?” gulat at hindi makapaniwalang sabi ni Mutya sa kabilang linya.Tinawagan ko kasi agad si Mutya upang ikwento na kagagaling lang namin ni Andrew mula sa sinehan kaso nauwi naman ang usapan namin sa reaksyon ni Mutya na hindi makapaniwala sa ginawa

    Last Updated : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0008

    Tintin POVIbinaba ko ang telepono at buong pagtatakang tumingin sa nagpakilalang Gray.Samantalang isinuksok nito sa kanyang bulsa ang cellphone at ngumiti sa akin.“Can I?” anito na humihingi ng permiso na maupo sa harapan ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay naupo na agad ito.“Hindi makakarating

    Last Updated : 2024-11-14
  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0009

    Grabe, ang gwapo talaga ng taong to! Swerte naman ng magiging asawa nito.“Ilan na anak mo?” tanong ko. Binibiro ko lang siya. Alam ko namang sine setup kami ni Andrew.Nakita kong parang nasamid ito.“Okay ka lang?” sabay abot ko ng napkin sa kanya.Tinanggap namn nya yun at ipinunas sa kanyang bib

    Last Updated : 2024-11-14

Latest chapter

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0139

    Gray POV Sandaling natahimik si Drake….. Maya-maya pa ay bigla na lang itong tumawa nang nakakaloko. “Sa tingin mo gugustuhin kong makita na matali sa lalaking kagaya mo yung bata? Ikaw lang ang makikinabang dyan sa iniisip mo.” umiiling na sabi nito. Sa sinabi ni Drake, pakiramdam ko ay de

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0138

    2 months later…. Gray POV Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay parang may kakaiba na. Kadarating ko lang ngayon galing sa hospital. Bakit parang tahimik yata si mom ngayon? Usually, maririnig ko siyang tumatawa habang nakikipag-usap sa telepono. O kaya naman ay hindi magkandatuto ang mga kasambahay

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0137

    Gigi POVNang matapos akong magbihis sa banyo ay lumabas na ako. Nadatnan ko si Gray na bihis na rin. Naka-upo ito sa gilid ng kama at mukhang hinihintay lang talaga ako. Nakatingin siya sa akin paglabas ko ng banyo.Hindi ko kayang salubugin ang mga mata niya. Hindi ko kasi maimagine na may nangya

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0136

    Gigi POVKinabukasan….“Sakit ng ulo ko!” Ramdam ko na agad ang pamimigat ng ulo ko kahit di pa man ako ganap na nakakamulat. Ang sakit dahil parang may martilyong bumabayo sa loob. Nakadagdag pa ang sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana at tumatama sa aking mukha kaya napahawak ako sa aking

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0135

    Gigi POVHindi na ako makabalik sa paglalaro ng Tong-its dahil pinagbawalan ako ni ate Tintin na umalis sa inuupuan ko. Grounded daw ako.At yung 5000, si kuya Andrew na muna ang magbabayad kay Tanders. Kakaltasin daw yun sa baon ko. Hindi lang naman yung baon ang inaalala ko eh. Pag nagkataon kasi

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0134

    Gigi POVHabang nasa biyahe ay lihim akong natatawa dahil siguradong pumuputok na ang tumböng ng gurang na yun dahil sa galit. Ang sabi pa naman nung bata ay 1,200 lang ang halaga ng lahat ng kakanin nito pero sinabi kong 5,000 ang ibabayad ng doktor na yun. Umusok man ang ilong niya sa galit ay h

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0133

    3rd Person POV Panay ang vibrate ng cellphone ni Gray habang naglalakad sa loob ng hospital. Kanina pa siya tinatawagan ni Meredith. Alam na niyang magiging ganito ito ka-clingy. Sanay na siya sa mga babaeng naikama niya na after may mangyari sa kanila ay hindi na siya tatantanan. In-off na muna n

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0132

    Gray POV Nagkukumahog akong pumasok ng restaurant kung saan naghihintay sina mom and dad. Habang naglalakad ay inaayos ko ang aking damit ganun na rin ang aking buhok dahil hindi ko na masyadong naayos ang aking sarili sa pagmamadaling makalabas ng hotel. Lalapitan pa sana ako ng isang staff ng re

  • Chasing Dr. Billionaire    Kabanata 0131

    Gray POV Location: Manila Vzzz… Vzzz.. Vzzz.. Walang tigil na pagvibrate ng cellphone ang nag pagising sa akin, sinabayan pa ng malakas na tunog ng ringtone. Napangiwi ako dahil antok pa rin ako. Ibinaling ko ang aking ulo sa ibabaw ng unan. Nakapikit kong kinapa sa bedside table ang telepono na

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status