MY CEO's REGRETS, paki-add naman po sa library nyo kung di nyo pa nababasa. Maraming salamat!
Tintin POVNarinig kong tumutunog ang aking cellphone. Tumatawag ang taksil. Pinatay ko ang tawag at diretsong blocked agad. Sa dami ng text at tawag ko sa kanya kanina ay ngayon lang niya naisipang sumagot, bakit? Dahil tapos na silang mag heart to heart ng babae niya?Agad akong nagpadala ng text message kay aling Linda para ipaalam rito na hindi ako uuwi ng condo, para hindi ito mag-alala at baka tawagan pa niya si donya Agatha. Pagkatapos ay ini-off ko ang aking telepono.Naka-uniform pa akong ng pang nurse at wala akong ibang dala kung ang handbag ko na ginagamit sa trabaho. Mabuti na lang at dala ko ang aking wallet, andito lahat ng pera ko.Ayokong bumalik sa condo at baka puntahan ako ni Andrew sa lugar na yun. Ayoko kong makita ang mukha ng taksil na yun. Naki-usap ako sa kanya na ilipat ako ng ward pero hindi niya ginawa sa pangakong poprotektahan niya ako pero sa huli ay ang dating nobya pala nito ang kanyang unang dadamayan. Siguro kapag napatahan na niya ito ay saka pa l
Tintin POVKitang kita ko ang pagkunot ng noo ni itay nang unti-unti nitong nakikilala ang lalaking bagong dating at papalapit sa bahay namin.Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Galit man ako kay Andrew ay hindi ko magawang tumakbo papasok ng bahay para pagtaguan siya— naroon pa rin kasi ang pag-aalala ko para dito.Mag-aalas tres pa lang ng madaling araw, bakit siya naririto? Ano bang tumatakbo sa utak ng lalaking ‘to, hindi ba niya alam na para siyang pumasok sa lungga ng mga leon?Ban pa siya sa lugar namin. Limang taon niyang ginost ang mga kabaranggay ko pagkatapos niyang mangako na mamumudmod siya ng Viagra sa mga tambay dito, at isa sa mga pinaka-umasa ay ang tatay ko. Kung tutuusin ay madali lang naman para kay Andrew na tuparin ang pangako niya, pero hindi nito ginagawa dahil nag-eenjoy itong panoorin kung paano umirap at sumimangot si itay sa kanya tuwing magkikita ang mga ito.Naglingunan ang mga tambay at tanod na naririto ngayon sa direksyon ni An
Andrew POV“Pangako, sabay palagi ang shift natin. Kapag narito ka, narito din ako. Kaya isang sigaw mo lang, pakinig ko na.”Niyakap ko ng mahigpit si Tintin at saka hinalikan bago ito sumakay sa taxi, para kahit paano ay mawala ang kanyang pag-aalala. Hindi rin natuloy ang date naming dalawa. Nagkaroon na naman ng emergency sa hospital at hindi ako pwedeng umalis. Kanina sana, kaso isinugod si Mutya at matagal din ang iginugol dun ni Tintin. Nang paalis na sana kami ay ako naman itong may di inaasahang pasyente.Saka ko lang inalis ang tingin sa taxing sinasakyan nito nang medyo nakalayo na ito. Pagbaling ko sa bukana ng hospital ay nakita ko si Natalia. Nakatayo ito at mukhang ako talaga ang inaabangan.“Bakit hindi mo ako nahintay?” may kirot sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Mukhang kanina pa yata niya kami pinapanood ni Tintin.“Walang kwenta ang usapan na’to.” naiiling kong sabi at lalagpasan sana siya.“Ginagamit mo ba sya para pasakitan ako? Andrew, aminado naman ak
Andrew POV Nadatnan ko si Natalia sa loob ng opisina nito. Halata sa mga mata niya na nag-iiyak ito. Buong akala ko ay dahil sa kaso sa pagitan nila ni Tintin. Isinukbit nito ang bag at mukhang paalis na. “May pupuntahan ka?” tanong ko sa kanya. Tumago ito at pumatak ang mga luha. “May inaasikaso lang akong mga papel. Kailangan kong umalis. My mother passed away yesterday.” malungkot na anito. Hindi agad ako nakapagsalita. Nabalitaan ko nga pala ang tungkol sa pagkamatay ng ina nito ngunit nakalimutan ko na dahil sa pag-aalala kay Tintin. Paano ko siya kokomprotahin kung nagluluksa ito. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Pasensya ka na kung kailangan kong klaruhin ang nangyari bago ka umalis.” Saglit na tumigil si Natalia at seryosong tumingin sa akin. “Is it about your girlfriend?” anito. “Yes.” tugon ko. “I already gave my statement and I’m done–” “Sa kaso nya, baka magkaron lang siya ng few days suspension dahil sa hindi niya pagsunod sa protocol lalo na’t hindi na magsa
3rd person POVNaka-upo na sina Tintin at Andrew ngayon sa harapan ng mag-asawa. Buong akala nila ay hahampasin ni aling Nimfa si Tintin nang makitang hawak nito ang isang kahoy kaya agad na humarang at yumakap si Andrew kay Tintin. Nais lang palang tumukod ng ginang sa kahoy dahil pakiramdam niya ay mabubuwal siya dahil sa natuklasang may relasyon ang dalawa. “Para akong sasamaan ng lasa dahil sa mga pinag gagagawa nyo!" galit na anito.“If I know, gusto nyo laang magyakapan ni kuya Andrew. Para-paraan pa eh.” sulsol pa ni Gigi.Hindi pinansin ni Tintin ang kapatid na kanina pa siya inaasar.“Bakit ga ho kayo nagagalit nay? Matanda na naman ako, may trabaho na nga ako eh. Nagbabayad na kaya ako ng tax.” lakas loob na binigkas ni Tintin pero sa mababang tono.Pinandilatan lang ito ng kanyang ina.“Hindi yan ang ikinagagalit ko. Si Andrew na nga yang nabingwit mo, magrereklamo pa ga ako?” ani aling Nimfa.“Araw-araw tayong nag-uusap, araw-araw din kitang tinatanong kung may boyfriend k
Tintin POV “Tay san nyo po ba talaga dinala si Andrew?” nag-aalala kong tanong habang nag-aalmusal kami. Nang magising kasi ako ay hindi ko na makita ito. Nasa labas naman ang sasakyan nito. Ini-unblock ko na ang number niya para itext ito ngunit hindi naman nagrereply. Naka-ilang tawag na rin ako pero panay lang ang ring. “Wag kang mag-alala, nagpapahinga laang yang boypren mo kaya wag mong kulitin.” relax na sagot ni tatay. Kita kasi niyang panay ang tawag ko sa number ni Andrew. “Kaninang madaling araw laang eh ipinagtatabuyan mo yun tao, tapos ngay-on kung makapag-alala ka, talo mo pa ang ina niya.” saad ni inay. “Baka po kasi kung ano nang ginawa ni itay sa kanya.” nag-aalala kong sambit. “Eh ano naman sa palagay mo ang gagawin ko sa taong yun?” maktol ni itay. “Malay ko ho sa inyo. Baka pinagsuot nyo ng Tback.” naiiyak kong sagot. Sabay sabay na bumunghalit ng tawa ang tatlo dahil sa sinabi ko, lalo na si Gigi. “Nandun… sa likod ng bahay. Pina-akyat ni tatay sa
3rd Person POVNang umakyat na si Tintin sa silid nito kagabi ay isinama naman ni mang Carding si Andrew sa bahay nina Mutya at Drake upang doon patulugin. Sinabing babalikan siya nito kinabukasan.Alas otso pa lang ng umaga ay gising na si Andrew. Nakaligo at nakapagbihis na rin siya. Nagulat pa siya ng makita si mang Carding sa salas na nagkakape.“Magandang umaga po.” magalang niyang bati dito.Binati naman siya ng kapitan. Tumayo ito at naglakad papuntang kusina. Sinundan ito ni Andrew. Pagpasok ni Andrew ay may mga pagkain na sa lamesa.“Mag-almusal ka na.” anang kapitan na naka-upo na sa may dining table habang patuloy ang pag-inom ng kape.Lihim namang napa-isip si Andrew. Pakiramdam niya ay para siyang bibitayin. Bubusugin muna bago tigokin. Ganunpaman ay nagpasalamat pa rin siya dito at nagsimula na ring sumandok ng kakainin.“Kain po tayo.” alok niya kay mang Carding. Tumanggi naman ang matanda. Tinikman ni Andrew ang kape, at nasarapan siya. Tamang tama lang ang pagkakati
Tintin POV“Tara na, uwi na tayo. May paghahandaan pa tayo para bukas.” yaya ni itay.Nauna na itong naglakad kasunod ay si Drake. Nakapulupot naman si Gigi kay inay habang naglalakad patungo sa sasakyan. Naiwan kami sa likod ni Andrew. Hanggang ngayon ay nakatingin lang kami ni Andrew sa isa't isa. Hindi ko alam, pero parang bigla na lang natunaw lahat ng sama ng loob sa aking dibdib. Ano ba kasi ang iniiisip ko at nakuha ko pang magalit sa kanya? Bakit ko ba siya pinagdudahan, eh kahit kelan naman puro magaganda lang ang ipinakita niya sa akin.Sana naisip ko yung Andrew na kilala ko bago ako nagpadalos dalos ng desisyon. Ang lalaking ito– nasa kanya na halos ang lahat, isang pitik lang ng daliri niya ay makukuha niya kahit sinong babaeng magustuhan, pero heto siya gagawin ang lahat para sa akin, kahit pa magmukha siyang katawa-tawa sa lahat. Simula’t sapul ay wala siyang ibang ipinakita sa akin kundi kabutihan, hindi niya deserve na basta basta ko na lang siya huhusgahan.Nahiya t
3rd Person POV Hay kung bakit ba naman kasi nakalimutan pa niya ang cellphone at wallet niya. Paano tuloy niya babayaran ang kinain niya. Hindi naman ito mahal dahil sandwich at kape lang and inorder niya kaso kahit piso ay wala siya. Natanaw niya ang isang lalaking papalabas na tutok sa cellphone nito habang naglalakad. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang kape at sinalubong ang lalaki kaya bumangga sila sa isa't isa. Kunyari ay napa-upo sya at nabitawan ang kanyang kape kaya bumagsak yun sa sahig. Nagulat ang lalaki nang makita ang itsura niya. “Miss okay ka lang?” gulat na tanong nito. Tiningala niya ang lalaki. “Hindi ka kasi nag-iingat.” pagalit na sabi niya. Kumunot naman ang noo ng lalaki. “Miss, ikaw ang bumangga sa akin.” anitong nakayuko sa kanya. Tumititg siya sa lalaki at pinilit niyang wag kumurap hanggang sa manakit na ang kanyang mga mata at nagsimula nang humapdi. Konting konti na lang at tutulo na kaya hindi talaga siya kumurap-- at gaya ng gusto nyang man
ANG PAGTATAPOS Tintin POV “Andrew?” Abot- abot ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong hinihila. Saan ba kami pupunta at bakit parang galit na galit siya? Ano bang kasalanan ko? Hindi niya binitiwan ang aking kamay habang patungo kami sa pamilyar na daan, patungo sa aming tinutuluyang cottage. “Andrew bakit ka ba nagmamadali?” pakiramdam ko kasi ang mapapasubsob ako kung hindi kami mag-iingat. Tuloy tuloy lang kami hanggang sa marating namin ang cottage. Mabilis nabuksan ni Andrew ang pintuan. Isinandal niya ako sa pader at pasarang tinulak nito ng ubod nang lakas ang pintuan na nagpaigtad sa akin. Sunod ay ako naman ang kanyang binalingan. Nagsalubong ang aming mga mata, kapwa naghahabulan ang aming mga hininga. Kitang kita ko ang pagtaas baba ng dibdib ni Andrew na titig na titig sa akin, kaya mas lalong lumalalim ang aking paghinga dahil sa kaba. Tatanungin ko pa sana siya kung anong nagyayari nang bigla niyang sapuhin
Andrew POVNasa pavillion na ang mga kaibigan ko at nag-aalmusal kaya niyaya ko na rin si Tintin. Masaya ako na kasundo ni Tintin ang mga kababaihang kasama ng aking mga kaibigan. Kahit naman umiiwas ako ay todo asikaso ko pa rin ang almusal niya. Maya-maya pa ay nagpaalam ang mga kababaihan upang magbonding kung saan at naiwan kaming mga kalalakihan dito sa pavillion.“What?!?!”Punong puno ng pagpoprotesta ang tono ng boses ko dahil sa sinabi ni Gray.“Oh etong cellphone ko, basahin mo. Nagkasakit daw yung laboratory technician kaya late na-process yung test mo. So bukas pa darating ang result.” anito at inilapag ang kanyang cellphone para basahin ko.Napatayo ako sa aking kinauupuan at malakas na napahampas sa lamesa sa aking harapan.“F*ck!!!” malakas na mura ko.Lahat naman ng mga kasama namin ay napatingin sa amin ni Gray. Takang taka ang mga ito at nilapitan kami. Dahil dun ay nalaman nila ang nangyayari. Hindi yun nakatulong dahil mas lalo itong nakadagdag nang inis ko dahil i
Andrew POV“Congrats Andrew! Ginulat nyo kami.” bati ni Dr. Gray.“Salamat!” tugon ko.Saglit akong bumisita sa hospital ngunit hindi rin ako magtatagal. Inaayos ko lang ang pagpa-file ng aking leave at resignation ni Tintin.“Hindi mo na talaga ako binigyan ng chance na makalapit ha.Talagang binakuran mo na agad ang asawa mo.” ani Gray. Naningkit ang aking mga mata na tumingin kay Gray.Itinaas naman ni Gray ang mga palad.“Hey, relax, sport naman ako. Marunong akong tumanggap ng pagkatalo.” anito na napangisi dahil sa naging reaksyon ko.“Bakit ka ba naririto at iniwan ang asawa mo sa honeymoon nyo? Hindi na ba kaya ng tuhod?” pabirong sabi ni Gray.“Red tide.” mabilis kong sagot. Hindi ko maitago ang disappointment. Tumawa ng malakas si Gray dahil sa narinig. Tumawa ito ng tumawa na ikina-iling ko.“Kaya pala sa lahat ng bagong kasal na nakita ko, ikaw lang itong mukhang stress.”Maya maya pa ay tumigil na ito sa katatawa.“Sabagay sa panahon naman ngayon, hindi na kailangang mag
Tintin POVKahit wala akong balak matulog ay kusa na akong napaidlip sa loob ng cottage na mag-isa. 4pm na nang magising ako.May text message akong nareceived mula kay Andrew. Kasama na raw niya ang mga kaibigan niya. Itext ko na lang daw siya kapag gising na ako at pupuntahan niya ako dito sa cottage para sunduin. Inayos ko muna ang aking sarili at saka ako lumabas. Natanaw ko ang mga batang naglalaro ng bubbles at naaliw akong panoorin sila. Nakalimutan ko na tuloy na itext si Andrew. Malapit lang ako sa nagtitinda ng bubble tea at natakam akong bigla. Pumila ako para bumili.“Honey, anong ginagawa mo rito? Bakit hindi mo kasama ang asawa mo?” mula sa pamilyar na boses ng isang lalaki na nasa likuran ko. Mabilis akong napalingon dito. Napangiti ako nang makilala ang nagsalita– si Gray. Nabanggit nga ni Andrew sa akin na kasama daw si Gray sa barkada nila.“Nakatulog kasi ako. Akala ko magkakasama na kayo.” tugon ko.“Bubble tea?” tanong nito na nakatingin sa tindahan. Tumango nam
Andrew POVPanaka-naka kong sinusulyapan ang aking maybahay. Himbing na himbing ito sa pagkakatulog habang nagmamaneho ako. Nilisan na namin ang reception sa kagustuhan kong masarili agad ang aking asawa. Didiretso kami sa hotel dito sa Batangas, na pinabook ni kuya Drake sa kanyang sekretarya upang doon kami tumuloy sa unang gabi namin ni Tintin bilang mag-asawa.Kasal na kaming dalawa at wala nang makapipigil sa amin na gawin ang matagal na naming hindi magawa-gawa. Sa tagal ng aking pagpipigil ay nakasisiguro akong buntis agad si Tintin sa susunod na buwan dahil isasagad ko talaga ng todo at wala itatapon– lahat pasok sa asawa ko.Nakababa na ako’t lahat ng sasakyan ay tulog pa rin ito. Tinungo ko ang pintuan sa gilid nya at marahang binuksan yun. Yumukod ako at dinampian siya ng halik sa labi. Hindi pa rin ito gumigising kaya muli ko siyang hinagkan, mas matagal. Saka pa lang siya nagising.“Andrew” anito at mapungay ang mga matang tumingin sa akin, tila inaantok pa. Kapag gani
To my wonderful readers, Maraming salamat po at nakarating kayo hanggang dito. Samahan nyo po ako sa natitira pang mga chapters para sa pagtatapos ng love story nina Dok Andrew at Tintin! Abangan nyo rin po ang susunod kong akda na PLANNING HIS WEDDING, light drama po siya. Pahinga muna sa comedy, naaamoy ko na mga ut0t nyo. Medyo busy po ako this month kaya sisimulan ko siya sa unang linggo ng January 2025. Paki-abangan na lang po sa inyong mga inbox. Sa promotion ay madali naman pong makikilala ang aking book cover dahil iisa lang ang frame ng book covers ng aking mga storya. This is your author KARA NOBELA, I write romantic comedies and heartwarming love stories. My writing focuses on blending love, humor and comforting warmth that make readers fall in love, smile, laugh and feel deeply connected to the story. From the bottom of my heart, thank you for reading and embracing my stories. Here’s to many more adventure — Let’s keep falling in love together! Ituloy na po n
3rd Person POV Masayang binibilang ni Gigi ang perang inabot ng kanyang ate Tintin nang makasalubong si Andrew sa salas. Mabilis niyang ibinulsa ang pera upang hindi ito makita ng lalaki. “Okay na kuya Andrew, palit na tayo ng kwarto.” malawak ang ngiting anito sa future bayaw sabay thumbs up. Naiiling na nilagpasan ni Gigi ang lalaki nang makita niya kung gaano ito kasaya habang nagpapasalamat sa kanya, na akala mo’y nanalo sa lotto. Muli niyang sinulyapan si Andrew at nakita niyang nagkukumahog itong umakyat sa hagdan para puntahan ang ate niya. “Ano kayang ipinakain ni ate at patay na patay si kuya Andrew sa kanya?” bulong niya sa sarili. Naupo siya sa sofa at saka nag-inat-inat. Muli siyang tumayo upang kunin ang cellphone na ipinatong niya kanina sa tabi ng telebisyon. Pumunta siya sa kusina upang magtimpla ng kape at saka muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa sofa. Sinimulang niyang itipa ang keyboard ng cellphone at nagtext sa kanyang mga magulang ng magkabukod. OKAY NA PO.
1 HOUR AGO.... Gigi POV “Bakit po nay?” Kinakabahan kong tanong ng hilahin ako ni inay pagkagaling nito sa kusina. Naku naman, baka nabisto na niyang pinakialaman ko ang alkansiya niya. Para 500 lang, babayaran ko naman talaga yun, lalo na at binigyan ako ni ate ng two thousand. “Pumunta ka kay Mutya, kunin mo yung lingerie na hinihingi ko.” pabulong na sabi ni inay. Napatingin ako sa kanya at hindi ko mapigilang matawa. “Si inay lumalandi pa–” Kaltok sa ulo ang inabot ko. “Para sa ate mo yun.” mahinang sabi ni inay. Napakamot ako ng ulo. Lumapit si inay sa akin upang idikit ang kanyang bibig sa aking tenga. “Pagkakuha mo ng lingerie, gumawa ka ng paraan para maisuot yun ng ate mo ngayong gabi. Gumawa ka rin ng paraan para pasukin siya ni Andrew.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni inay, napatakip pa ako ng bibig. Tama ba ang naririnig ko? “Nay, ayos ka lang? Naiintindihan nyo ga ho ang inuutos nyo?” paniniguro ko. “Basta sumunod ka na laang.” ani inay.