Share

Chapter 41

Penulis: Kara Nobela
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-27 19:52:57
Tintin POV

Inis akong lumabas ng restroom at bumalik sa dating pwesto ko sa tabi ni Andrew.

Pansin ko na parang hindi magkandatuto ang mga babae sa pwesto nila na animoy kilig na kilig.

“Anong merun?” pabulong kong tanong kay Andrew.

“May artista daw.” anito at nagkibit balikat.

“Patay na patay sa kanya ang kapatid ko.” narinig kong sabi ng babaeng katabi ni Natalia. Malamang isa ito sa mga babaeng nasa banyo kanina. Kaboses eh.

“Nakita ko na siya sa malapitan sobrang gwapo talaga.” saad naman ng isa pa nitong kasama.

Naputol ang usapan tungkol sa celebrity nang magsalita ang kabatch nilang lalaki na kadarating lang.

“Ngayon ko lang nalaman na magkatrabaho pala kayo. So doktor din pala si Natalia sa hospital nyo.” anitong nakatingin kay Andrew.

“Yes, she’s our new doctor.” tugon ni Andrew.

“Wow! Magkatrabaho kayo. Galing!” impressed na sabi nito. Humigop muna ng wine si Natalia at saka nagsalita.

“Actually, kaming tatlo ng girlfriend nya. We’re all working in the same hospit
Kara Nobela

Marami pong salamat sa pagbabasa at sa mga nagbigay ng Suporta/Gems. Dahil po sa inyo kaya kahit 1 week old pa lang ay nasa #1 Trending na ang brief – este ang story ni Andrew sa hanay ng mga New Stories. Napasama na rin siya agad sa Daily Hot.

| 47
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Cely Aguirre
Congrats po Author sa stories mo na ito at Yung Your Hero Your Lover (⁠●⁠♡⁠∀⁠♡⁠)(⁠✿⁠ ⁠♡⁠‿⁠♡⁠)
goodnovel comment avatar
Lilibeth Aguinaldo Mercado
alam mo po ms a sobra tlga ganada nag kuwento na eto sana pag naka abot n Ako nag 100 eh sana tuloy prin Ang kuwento po Yung tipo na di maghihintay nag matagal salamat po godbless po syo ms a
goodnovel comment avatar
Lance Jorduela
ganda hahaha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 42

    Tintin POVPakiramdam ko pagkatapos ng reunion na yun ay mas lalo pa akong pinag-iinitan ng mahaderang ex ni Andrew. Parang lagi na lang siyang nakaabang na magkamali ako para sitahin niya sa harap ng mga katrabaho namin. Pati trabaho ko parang dinadagdagan niya pero hindi ko hinahayaan ang sarili ko na mastress sa kanya. Siya lang naman kasi itong bitter at hindi ako.Ang mas mahalaga ay kami ni Andrew at masaya ako. Yun nga lang, dahil sa napaka busy nito palagi ay ngayong na lang ulit kami nagkaroon ng pagkakataon na magdate.., as in romantic date.Gusto kong matapos na agad ang aking ginagawa dito sa nurse station para hindi ko na kailanganing mag-overtime. Mabilis kong inayos ang mga gamit at ni-review ang mga documents para sa mga darating na patient rounds sa next shift. Ang mga files na nasa harapan ko ngayon at napaka importanteng detalye. Ito yung mga results ng mga tests, patients record at mga plan para sa mga scheduled na operasyon.Kanina pa nagba-vibrate ang cellphone k

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-28
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 43

    Tintin POV Out na sana ako pero pasimple muna akong bumalik sa silid ni Mutya. Yumuko ako at marahang binuksan ang pintuan ng silid nito upang matiyak kung walang empleyado ng hospital sa loob. Napatalon ako nang bigla na lang may pumisil sa puwitan ko. “Ay titï ng kabayo!” gulat na sabi ko ng ubod ng lakas. Paglingon ko ay si Andrew ang nakita ko na malawak ang pagkakangiti. “Bastos ‘to!” inismidan ko siya at saka ako pumasok kwarto. “Bakit kasi para kang magnanakaw dyan?” anito na ngingiti-ngiting sumunod sa akin papasok. Mabilis kong nilapitan si Mutya na nakaupo sa kama nito at kausap ang asawang si Drake. “Kumusta ka na Mutya, ayos ka lang?” nag-aalala kong tanong dahil sa pagdurugo niya. Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Ako ayos lang palagi, eh ikaw? Kumusta naman yung gurang mong doktora?” anito na beast mode pa rin. Parehong napatingin sina Drake at Andrew kay Mutya na waring nagtataka sa sinabi nito. “Sino ba kasi yun?” tanong pa ni Mutya. “Si Dra. Nathalia yun,

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-29
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 44

    Tintin POVSobrang kinakabahan ako, eto na nga yung sitwasyon na kinatatakutan ko."Tinanong ko naman po si Dra. Natalia about sa dosage kasi medyo diskumpyado nga rin po ako sa order niya kaso sinabi niya saken na basta gawin ko na lang daw po ang ipinag-uutos niya."Tiningnan ako ni Dra. Subido na tila naiintindihan naman ang aking kalagayan."Kristina, alam kong madalas na ginagawa natin dito yang mga verbal orders, at kahit ako guilty sa ganyang practice minsan. Nakasanayan na natin 'yan dito sa ospital, lalo na sa mga urgent situations— hindi na natin minsan nasusunod ang protocol ng hospital."Nagbuntong hininga muna si Dra. Subido bago muling nagsalita."Pero ngayon, ibang usapan na ito dahil nagkaroon ng problema. Lalo pa’t nagalit kanina yung asawa ng pasyente. Kapag ganitong may adverse effect nang nangyari, every detail iimbestigahan yan ng administration, at dahil walang pirma si Dra. Santos sa order na 'yun, I’m sorry to say pero baka malagay sa alanganin ang sitwasyon mo.

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-29
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 45

    Tintin POV Narinig kong tumutunog ang aking cellphone. Tumatawag ang taksil. Pinatay ko ang tawag at diretsong blocked agad. Sa dami ng text at tawag ko sa kanya kanina ay ngayon lang niya naisipang sumagot, bakit? Dahil tapos na silang mag heart to heart ng babae niya? Agad akong nagpadala ng text message kay aling Linda para ipaalam rito na hindi ako uuwi ng condo, para hindi ito mag-alala at baka tawagan pa niya si donya Agatha. Pagkatapos ay ini-off ko ang aking telepono. Naka-uniform pa akong ng pang nurse at wala akong ibang dala kung ang handbag ko na ginagamit sa trabaho. Mabuti na lang at dala ko ang aking wallet, andito lahat ng pera ko. Ayokong bumalik sa condo at baka puntahan ako ni Andrew sa lugar na yun. Ayoko kong makita ang mukha ng taksil na yun. Naki-usap ako sa kanya na ilipat ako ng ward pero hindi niya ginawa sa pangakong poprotektahan niya ako pero sa huli ay ang dating nobya pala nito ang kanyang unang dadamayan. Siguro kapag napatahan na niya ito ay saka pa

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-30
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 46

    Tintin POV Kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni itay nang unti-unti nitong nakikilala ang lalaking bagong dating at papalapit sa bahay namin. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Galit man ako kay Andrew ay hindi ko magawang tumakbo papasok ng bahay para pagtaguan siya— naroon pa rin kasi ang pag-aalala ko para dito. Mag-aalas tres pa lang ng madaling araw, bakit siya naririto? Ano bang tumatakbo sa utak ng lalaking ‘to, hindi ba niya alam na para siyang pumasok sa lungga ng mga leon? Ban pa siya sa lugar namin. Limang taon niyang ginost ang mga kabaranggay ko pagkatapos niyang mangako na mamumudmod siya ng Viagra sa mga tambay dito, at isa sa mga pinaka-umasa ay ang tatay ko. Kung tutuusin ay madali lang naman para kay Andrew na tuparin ang pangako niya, pero hindi nito ginagawa dahil nag-eenjoy itong panoorin kung paano umirap at sumimangot si itay sa kanya tuwing magkikita ang mga ito. Naglingunan ang mga tambay at tanod na naririto ngayon sa direksyon n

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-30
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 47

    Andrew POV“Pangako, sabay palagi ang shift natin. Kapag narito ka, narito din ako. Kaya isang sigaw mo lang, pakinig ko na.”Niyakap ko ng mahigpit si Tintin at saka hinalikan bago ito sumakay sa taxi, para kahit paano ay mawala ang kanyang pag-aalala. Hindi rin natuloy ang date naming dalawa. Nagkaroon na naman ng emergency sa hospital at hindi ako pwedeng umalis. Kanina sana, kaso isinugod si Mutya at matagal din ang iginugol dun ni Tintin. Nang paalis na sana kami ay ako naman itong may di inaasahang pasyente.Saka ko lang inalis ang tingin sa taxing sinasakyan nito nang medyo nakalayo na ito. Pagbaling ko sa bukana ng hospital ay nakita ko si Natalia. Nakatayo ito at mukhang ako talaga ang inaabangan.“Bakit hindi mo ako nahintay?” may kirot sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. Mukhang kanina pa yata niya kami pinapanood ni Tintin.“Walang kwenta ang usapan na’to.” naiiling kong sabi at lalagpasan sana siya.“Ginagamit mo ba sya para pasakitan ako? Andrew, aminado naman ak

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-01
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 48

    Andrew POV Nadatnan ko si Natalia sa loob ng opisina nito. Halata sa mga mata niya na nag-iiyak ito. Buong akala ko ay dahil sa kaso sa pagitan nila ni Tintin. Isinukbit nito ang bag at mukhang paalis na. “May pupuntahan ka?” tanong ko sa kanya. Tumago ito at pumatak ang mga luha. “May inaasikaso lang akong mga papel. Kailangan kong umalis. My mother passed away yesterday.” malungkot na anito. Hindi agad ako nakapagsalita. Nabalitaan ko nga pala ang tungkol sa pagkamatay ng ina nito ngunit nakalimutan ko na dahil sa pag-aalala kay Tintin. Paano ko siya kokomprotahin kung nagluluksa ito. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Pasensya ka na kung kailangan kong klaruhin ang nangyari bago ka umalis.” Saglit na tumigil si Natalia at seryosong tumingin sa akin. “Is it about your girlfriend?” anito. “Yes.” tugon ko. “I already gave my statement and I’m done–” “Sa kaso nya, baka magkaron lang siya ng few days suspension dahil sa hindi niya pagsunod sa protocol lalo na’t hindi na magsa

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-01
  • Chasing Dr. Billionaire    Chapter 49

    3rd person POVNaka-upo na sina Tintin at Andrew ngayon sa harapan ng mag-asawa. Buong akala nila ay hahampasin ni aling Nimfa si Tintin nang makitang hawak nito ang isang kahoy kaya agad na humarang at yumakap si Andrew kay Tintin. Nais lang palang tumukod ng ginang sa kahoy dahil pakiramdam niya ay mabubuwal siya dahil sa natuklasang may relasyon ang dalawa. “Para akong sasamaan ng lasa dahil sa mga pinag gagagawa nyo!" galit na anito.“If I know, gusto nyo laang magyakapan ni kuya Andrew. Para-paraan pa eh.” sulsol pa ni Gigi.Hindi pinansin ni Tintin ang kapatid na kanina pa siya inaasar.“Bakit ga ho kayo nagagalit nay? Matanda na naman ako, may trabaho na nga ako eh. Nagbabayad na kaya ako ng tax.” lakas loob na binigkas ni Tintin pero sa mababang tono.Pinandilatan lang ito ng kanyang ina.“Hindi yan ang ikinagagalit ko. Si Andrew na nga yang nabingwit mo, magrereklamo pa ga ako?” ani aling Nimfa.“Araw-araw tayong nag-uusap, araw-araw din kitang tinatanong kung may boyfriend k

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-02

Bab terbaru

  • Chasing Dr. Billionaire    84 (Book 2)

    Gigi POVKinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay.Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray.FROM SUGAR DADDY:“Bakit hindi mo sinabing aalis ka?”“Bakit ka umalis?”“Kailan ka uuwi?”Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang niglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun.FROM SUGAR DADDY:Umuwi ka na!.Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba.“Gigi, sagutin mo nga ang tawag ng boyfriend

  • Chasing Dr. Billionaire    83 (Book 2)

    Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply

  • Chasing Dr. Billionaire    82 (Book 2)

    My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni

  • Chasing Dr. Billionaire    81 (Book 2)

    Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si

  • Chasing Dr. Billionaire    80 (Book 2)

    Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. “Oo naman. Bukas ang balik ko dyan.” sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.“Santi, am– may itatanong lang ako sayo… may napanood lang akong random video sa Fácebook, hindi ko na maalala yung title eh.” putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.“Oh anong tanong mo?” tila naiinip na tanong n

  • Chasing Dr. Billionaire    79 (Book 2)

    Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.“Halika na iha, malamig dyan sa sahig.” malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwa’y tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.“Dun na muna po ako sa silid ko.” mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan

  • Chasing Dr. Billionaire    78 (Book 2)

    Gigi POV Nagtataka akong tumingin kay Chairman Tuazon dahil narinig ko siyang mahinang tumatawa, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakangiti. Nakakapanibago ang itsura nito ngayon, maaliwalas. Malayong malayo sa madilim at nakakatakot na mukha nito noong una ko siyang nakilala. Dumako ang tingin niya sa robot na hawak ko. “Isa ba yan sa mga project mo?” curious na tanong nito. Tiningnan ko muna ang robot at saka muling tumingin at tumango kay Chairman. “Ah, si baby Gray po? Opo. Ito po ang mock-up model ko para sa robotic machine.” Kumunot ang kanyang noo. “Baby Gray?” takang tanong nito. Saka ko lang narealized ang sinabi ko at saka napatawa. “Ipinangalan ko po kay Gray.” tumatawang sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko na napangiti ang Chairman. Nagugulat ako sa kanya. Kanina at tumatawa ito, ngayon naman ay ngumingiti. Ngiting totoo, hindi ngiting negosyante. “Dalawa lang po ang arms nito pero yung totoong machine apat po yun. Pero dito ko po pinagbabasehan an

  • Chasing Dr. Billionaire    77 (Book 2)

    Mabilis na nagtungo sa kanyang silid si Gigi dahil yun lang ang tahimik na lugar para makapag-usap sila ni Drake ng walang ibang nakakarinig. “Kuya..” panimula ni Gigi. “Nasa bahay nyo si Chairman Tuazon ngayon at interesado siya sa design mo.” saad ni Drake bago pa man sabihin ni Gigi ang balitang yun. Nagulat si Gigi sa sinabi nito pero nakabawi din agad. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang marami talaga itong galamay. “Tanggapin mo.” ani Drake. “Po? Pero sabi mo, ireserba ko yun para sayo.” Hanggang dun lang kasi ang nalalaman ni Gigi, wala siyang idea kung ano talaga ang plano ni Drake para sa kanyang design. Basta nagtitiwala lang siya dito kaya hindi na siya nag-uusisa. “I know, but this is better than my original plan. Trust me, you’re heading the right direction. Ako nang bahala kay kuya Carding, kakausapin ko siya.” wika ni Drake sa kabilang linya. This is Drake’s new plan, ang matuklasan ni Chairman Eduardo Tuazon si Gigi. Naniniwala si Drake na sa kakay

  • Chasing Dr. Billionaire    76 (Book 2)

    Bumalik ng salas si Gigi, dala ang tray na may lamang juice at sinukmani. Naabutan niyang magkausap ang kanyang ama at si Chairman na nag-uusap sa tapat ng kanyang mga awards. Naiiling na lang siya. Siguradong, pinagmamayabang na naman ng kaniyang ama ang kanilang bisita. “Chairman, juice po saka sinukmani.” wika ni Gigi nang makalapit siya. Kasunod na rin niya si aling Nimfa. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito. Kaya naupo ang mga ito pagkuway tinanggap ang inumin at kakanin na inihain ni Gigi. Pagkuwa’y tinikman yun ni Chairman. “Masarap, kayo ba ang nagluto?” tanong nito matapos magustuhan ang kinain. Napangiti si aling Nimfa nang makitang nagustuhan ng bisita ang luto niya. “Ako nga, pangmeryenda lang naman.” tugon ni aling Nimfa. Ilang sandali pa ay nagsimula na si Chairman Tuazon na buksan ang topic sa totoong dahilan kung bakit siya napasugod dito. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.” anito tapos ay tumingin kay Gigi. “Iha, nakita ko ang project na ginawa mo sa Singap

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status