Gigi POV Hindi na ako makabalik sa paglalaro ng Tong-its dahil pinagbawalan ako ni ate Tintin na umalis sa inuupuan ko. Grounded daw ako. At yung 5000, si kuya Andrew na muna ang magbabayad kay Tanders. Kakaltasin daw yun sa baon ko. Hindi lang naman yung baon ang inaalala ko eh. Pag nagkataon kasi baka hindi ako payagang gumala ni inay buong linggo. Todo effort tuloy ako para hindi ako isumbong ni ate kina tatay. Kaya eto, kailangang magpa-good shot. Nagpresinta akong buhatin ang anak nila habang kumakain silang mag-asawa. Habang ipinaghehele si Andrea, inis kong tinapunan ng masamang tingin si Tanders na nakangisi sa akin habang nakapulupot ang braso sa beywang ng seksing babae. Yung babae naman, panay ang haplos dibdib ni Tanders. Maya maya pa ay tumayo na ang mga ito at naglakad palayo. Matapos kumain nina ate ay kinuha niya sa akin si Andrea. Worth it ang pagbuhat kay baby, dahil pinayagan na akong mag tong-its. Lagi namang ganito si ate, kahit anong inis niya sakin, sa hul
Gigi POVKinabukasanâĶ.âSakit ng ulo ko!â Ramdam ko na agad ang pamimigat ng ulo ko kahit di pa man ako ganap na nakakamulat. Ang sakit dahil parang may martilyong bumabayo sa loob. Nakadagdag pa ang sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana at tumatama sa aking mukha kaya napahawak ako sa aking sintido.Kikilos pa sana ako para bumangon pero pakiramdam ko ay parang bumigat at nabugbog ang aking katawan. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa tanang buhay ko. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog pero wala akong matandaan.Bakit ba kasi ganito ang pakiramdam ko? âOuch my head!â boses ng lalaki.Parang biglang nawala ang pananakit ng ulo ko at napamulat ang aking mga mata nang marinig ang boses na yun. Parang biglang tinambol ng malakas ang dibdib ko pero diko magawang kumilos. Napahigpit na lang ang hawak ko sa kumot na siyang tumatakip sa aking katawan, hindi ko pa man nakikita ay ramdam kong wala akong kahit anong saplot. Gayunpaman ay parang may humihila sa akin
Gigi POVNang matapos akong magbihis sa banyo ay lumabas na ako. Nadatnan ko si Gray na bihis na rin. Naka-upo ito sa gilid ng kama at mukhang hinihintay lang talaga ako. Nakatingin siya sa akin paglabas ko ng banyo.Hindi ko kayang salubugin ang mga mata niya. Hindi ko kasi maimagine na may nangyari sa aming dalawa. Doktor na siya, samantalang 18 pa lang ako at gagraduate pa lang sa high school. Hindi ko akalaing isang matanda lang pala ang kukuha ng pinakakaiingat-ingatan ko. âIâm sorry... Itâs my faultâĶâ anito sa mababang tono. Tumayo ito at lalapit pa sana sa akin pero umatras ako. Kaya napahinto na lang siya.âIâll take full responsibility for what happened.â anito. Kahit nakayuko ako, alam kong nakatingin siya sa akin at pinakikiramdaman ako.Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Para akong nakalutang dahil sa mga nangyari. Ilang sandali rin na napuno ng katahimikan sa pagitan naming dala
2 months laterâĶ. Gray POV Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay parang may kakaiba na. Kadarating ko lang ngayon galing sa hospital. Bakit parang tahimik yata si mom ngayon? Usually, maririnig ko siyang tumatawa habang nakikipag-usap sa telepono. O kaya naman ay hindi magkandatuto ang mga kasambahay namin dahil sa mga inuutos niya. Napangiti ako nang makita si mom na nakaupo sa sofa. Pero nawala agad ang ngiti ko nang makita siya. In usual circumstances, her posture is always perfect. Her hair is always well-groomed and her every move is always graceful. Palagi din siyang may hawak na mamahaling tea cup na na parang reyna sa kanyang sariling palasyo. Pero ngayon, nakasandal siya sa armrest ng sofa at may hawak na tubig sa halip na kape or wine. Kita ko rin ang guhit sa kanyang noo at halatang nag-aalala. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi. âHi mom. Whatâs wrong?â nag-aalala kong tanong at umupo sa kanyang harapan. Tumuwid ito ng upo at tiningnan niya ako nang may pag-a
Gray POV Sandaling natahimik si DrakeâĶ.. Maya-maya pa ay bigla na lang itong tumawa nang nakakaloko. âSa tingin mo gugustuhin kong makita na matali sa lalaking kagaya mo yung bata? Ikaw lang ang makikinabang dyan sa iniisip mo.â umiiling na sabi nito. Sa sinabi ni Drake, pakiramdam ko ay dead-end na. Mukhang bigo akong lalabas ng opisina niya. Matinding pag-aalala ang naramdaman ko para kay dad. Bagsak ang balikat kong napabuntong hininga. âPapunta ka pa lang, pabalik na ako.â ani Drake at muling ibinalik ang tingin sa hawak nitong papel. Nangyari na, hindi ko na maibabalik ang nangyari at tanging kasal lang naman ang naiisip kong paraan para patunayan na kaya kong panindigan ang nagawa ko. Pero mukhang hindi naman yun ang gusto nilang mangyari. Ni hindi ko nga naramdamang naghahabol sila sa akin. So, wala palang kwenta ang pagpunta ko rito. Pero hindi ako aalis dito nang hindi naaayos ang gusot na pinasok ko . Iâll do whatever it takes to save my dadâs company. âGo ah
Gigi POV âAno ga sa tingin mo ang problema dyan sa robot mo?â tanong sa akin ni Santi habang iniikot ko ang ulo ng aking robot. Nagkibit balikat ako. âKagaya din siguro nung project natin sa Singapore. Sabi nung judge, nasa materials daw.â tugon ko habang hindi maalis alis ang tingin ko sa aking robot at iniikot pa ang braso nito. âKulang kasi tayo sa budget eh. Sayang, tayo sana ang panalo no?â si Nica naman ang nagsalita na may himig panghihinayang. âOkay lang yung guys, second runner up is bad at all.â ani Jeff na palaging positive kung magsalita. Naglalakad na kami sa palabas ng school. Tapos na ang klase namin for today kaya pauwi na kami ngayon. Kaming apat ang lagi na lang magkakasama. Nagsimula ang closeness namin simula ng maging group kami sa Technology and Livelihood Education (TLE) Ako talaga yung mahilig sa mga robot at machines kahit noon pa. Pero habang nagtatagal ay nakakagiliwan na rin ito ng mga kagrupo ko. âOh my gosh, Gi! Andito yung gwapo sa debut mo.â kini
Gigi POV â2 Million, be my girlfriend.â malinaw kong narinig na sinabi niya. Napaisip ako bigla, nananatili pa rin akong nakatayo at napatingin sa kanya. Hindi naman siya mukhang nagbibiro kaya seseryosohin ko ang sinabi niya. Ang laki naman nun, marami na akong robot na magagawa dun. Kaso, diko feel makipag jowa sa matanda. âGusto ko yung 2 Million pero hindi kita type eh. Saka may crush na âko sa school.â umiiling na sabi ko at inayos ang aking bag para umalis na at saka tumayo. âHindi naman natin tototohanin. Magpapanggap lang tayong magboyfriend, ipapakilala kita one time sa parents ko, yun lang pagkatapos malaya ka na after 2 months. â pangungumbinsi niya sa akin at pigil pa rin ako sa kamay. Muli na naman akong napaisip. Tsk! Ang laking halaga nun. Nakakatukso talaga. Ilang taon bago ko pa kitain yun. âDoblehin mo.â walang kagatol gatol na sabi ko. Baka kapag nilakihan niya ay magbagong bigla ang isip ko. Napabitaw si Gray nang marinig niya ang sinabi ko, at malalim siya
Gigi POV Kinuha ko ang cellphone at may idinayal na numero. Ilang ring pa lang ay may sumagot na agad. âHelloâĶâ sagot ng boses sa kabilang linya. âKuya Drake, bakit mo naman inutusan ng ganun si Gray?â walang pasakalyeng tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa halip at tumawa lang ito ng malakas. Maya maya pa ay nagsalita ito. âAno, napasagot ka na ba?â tanong niya. âSyempre malaki ang ibinayad niya eh.â sagot ko. Narinig ko na naman siyang tumawa. Parang tuwang tuwa pa siya. â4 million ang ibinayad niya.ââ pagkukwento ko na mas lalo pa niyang ikinatawa. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ito kasaya sa sinabi ko. Eh para nagsasabi lang naman ako ng totoo. Sabado na at ngayon ko lang naisip na tawagan siya. May gusto lang kasi akong sabihin sa kanya na nung isang araw ko pa inaalala. Tumikhim muna ako bago nagsalita. âAmâĶkuyaâĶ. sana di na makarating kina inay at itay yungâĶ alam mo na.â sabi ko sa nahihiyang boses. Nahihiya ako na ungkatin sa kanya ang tungkol sa nang
Gigi POVKinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay.Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray.FROM SUGAR DADDY:âBakit hindi mo sinabing aalis ka?ââBakit ka umalis?ââKailan ka uuwi?âSiguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang niglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun.FROM SUGAR DADDY:Umuwi ka na!.Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba.âGigi, sagutin mo nga ang tawag ng boyfriend
Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.âFROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply
My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. âPwede po tayong bumili ng Crypto.â saad ko. âCrypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?â tanong niya. âAng sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.â âAnong kinalaman ni Trump?â âOpenly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.â âAnd why XRP?â âSa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni
Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na âto, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. âAng cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.â kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si
Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.âReady ka na ba sa speech mo, Gigi?â tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. âOo naman. Bukas ang balik ko dyan.â sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.âSanti, amâ may itatanong lang ako sayoâĶ may napanood lang akong random video sa FÃĄcebook, hindi ko na maalala yung title eh.â putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.âOh anong tanong mo?â tila naiinip na tanong n
KasalukuyanâĶ.Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.âHalika na iha, malamig dyan sa sahig.â malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwaây tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.âDun na muna po ako sa silid ko.â mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan
Gigi POV Nagtataka akong tumingin kay Chairman Tuazon dahil narinig ko siyang mahinang tumatawa, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakangiti. Nakakapanibago ang itsura nito ngayon, maaliwalas. Malayong malayo sa madilim at nakakatakot na mukha nito noong una ko siyang nakilala. Dumako ang tingin niya sa robot na hawak ko. âIsa ba yan sa mga project mo?â curious na tanong nito. Tiningnan ko muna ang robot at saka muling tumingin at tumango kay Chairman. âAh, si baby Gray po? Opo. Ito po ang mock-up model ko para sa robotic machine.â Kumunot ang kanyang noo. âBaby Gray?â takang tanong nito. Saka ko lang narealized ang sinabi ko at saka napatawa. âIpinangalan ko po kay Gray.â tumatawang sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko na napangiti ang Chairman. Nagugulat ako sa kanya. Kanina at tumatawa ito, ngayon naman ay ngumingiti. Ngiting totoo, hindi ngiting negosyante. âDalawa lang po ang arms nito pero yung totoong machine apat po yun. Pero dito ko po pinagbabasehan an
Mabilis na nagtungo sa kanyang silid si Gigi dahil yun lang ang tahimik na lugar para makapag-usap sila ni Drake ng walang ibang nakakarinig. âKuya..â panimula ni Gigi. âNasa bahay nyo si Chairman Tuazon ngayon at interesado siya sa design mo.â saad ni Drake bago pa man sabihin ni Gigi ang balitang yun. Nagulat si Gigi sa sinabi nito pero nakabawi din agad. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang marami talaga itong galamay. âTanggapin mo.â ani Drake. âPo? Pero sabi mo, ireserba ko yun para sayo.â Hanggang dun lang kasi ang nalalaman ni Gigi, wala siyang idea kung ano talaga ang plano ni Drake para sa kanyang design. Basta nagtitiwala lang siya dito kaya hindi na siya nag-uusisa. âI know, but this is better than my original plan. Trust me, youâre heading the right direction. Ako nang bahala kay kuya Carding, kakausapin ko siya.â wika ni Drake sa kabilang linya. This is Drakeâs new plan, ang matuklasan ni Chairman Eduardo Tuazon si Gigi. Naniniwala si Drake na sa kakay
Bumalik ng salas si Gigi, dala ang tray na may lamang juice at sinukmani. Naabutan niyang magkausap ang kanyang ama at si Chairman na nag-uusap sa tapat ng kanyang mga awards. Naiiling na lang siya. Siguradong, pinagmamayabang na naman ng kaniyang ama ang kanilang bisita. âChairman, juice po saka sinukmani.â wika ni Gigi nang makalapit siya. Kasunod na rin niya si aling Nimfa. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito. Kaya naupo ang mga ito pagkuway tinanggap ang inumin at kakanin na inihain ni Gigi. Pagkuwaây tinikman yun ni Chairman. âMasarap, kayo ba ang nagluto?â tanong nito matapos magustuhan ang kinain. Napangiti si aling Nimfa nang makitang nagustuhan ng bisita ang luto niya. âAko nga, pangmeryenda lang naman.â tugon ni aling Nimfa. Ilang sandali pa ay nagsimula na si Chairman Tuazon na buksan ang topic sa totoong dahilan kung bakit siya napasugod dito. âHindi na ako magpapaligoy ligoy pa.â anito tapos ay tumingin kay Gigi. âIha, nakita ko ang project na ginawa mo sa Singap