Gigi POV Doktor na manliligaw? Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni itay. Anong manliligaw ang sinasabi niya? “Ikaw talagang bata ka. Ang bait nung tao, pinagbabawalan mong pumunta rito.” sabi pa ni itay. Kunot noo ko siyang tiningnan. Pagkatapos ay nilingon ko ang pwesto ng mga health workers at nakita ko ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki– si Gray. Naka casual attire lang ito. Simpleng jeans at polo shirt ang kanyang suot. Naka-upo siya katabi ang dalawa pang lalaki na sa tingin ko ay ang mga doktor na sinasabi ni inay. Muli kong ibinalik ang tingin kay Gray. Nagtataka ako kung anong ginagawa niya rito. Hindi naman niya sinabi sa akin na ngayon na pala nya balak magpunta dito sa bahay namin. Alam kong plano niyang kausapin sina itay at inay pero ano naman kaya itong may mga kasama pa siyang ibang tao? Nang mag-angat siya ng mukha, agad na dumako ang tingin niya sa direksyon ko. Nang magsalubong ang mga mata namin ay ngumiti siya sa akin at kinind
Gigi POVLumayo na ako sa kanila dahil hindi ko na ma-take pa ang mga pinagsasasabi niya. Pakiramdam ko kasi ay nanonood ako ng kulto at si Gray ang leader ng kultong itinayo niya. Mukhang mission accomplished ang matanda.Pumasok ako sa loob ng bahay dahil may mga weekend routine pa akong gagawin na kailangan ko pang tapusin. Maglalaba ako today pero papakainin ko muna si baby String Bean, ang aking pet na sobrang cute.Pumasok ako sa kusina at doon ako dumaan papuntang likod bahay. Naglakad ako hanggang sa makalapit ako sa maliit na aquarium na nakapatong sa mababang table, na nakasandal sa likod ng pader ng bahay namin. Sa gilid ng aquarium ay kinuha ko ang isang jar na may lamang mga crickets. Ang iba ay binili ko pa sa vet, at ang iba naman ay hinuli ko lang sa likod bahay. Ito kasi ang favorite na pagkain ni String Bean ko. Sobrang spoiled niya talaga sa akin.Umi-squat ako para itapat ang aking mukha sa aquarium at sinilip ang nasa loob. Sa loob kasi nito ay nakakulong ay natu
Gigi POVAno daw? Tay? Tama ba ang narinig ko?Para akong masasamid sa sinabi niya, mabuti na lang at wala akong iniinom ngayon. Narinig kong tumawa si itay, yung tawang masaya.“Sige kung yun ang gusto mo.” ramdam ko ang kasiyahan sa boses ng ama ko.Mukhang boto talaga siya kay Gray, ni hindi ito tumutol nang tawagin siyang “tay” ni Gray. Kaya naman itong si Gray ay ngiting tagumpay. Unang araw pa lang niya dito, mission accomplished agad.“Salamat din po tay, at pinayagan nyo akong bisitahin at ligawan si Gigi.” magalang na saad ni Gray. Infairness sa kanya, kahit naman fake ang panliligaw niya, kita ko naman na genuine ang kabaitang ipinapakita nito sa pamilya ko. Babaero lang siguro siya pero hindi masamang tao. Hindi naman siguro siya magiging barkada ni kuya Andrew kung hindi maganda ang ugali nito.“Alam mo Gray, kung hindi mo naitatanong, marunong akong bumasa ng ugali ng tao. Unang kita ko pa lang sayo, masasabing kong napaka-maginoo mo at hindi ka babaero.” ani itay.H
Gigi POVNakahiga kaming dalawa ni Santi sa damuhan dito sa ilalim ng malaking puno sa likod ng school namin. Si Nica ay naka-upo sa may bandang ulunan namin habang nagbabasa ng libro. Samantalang si Jeff naman ay kauupo lang sa bench dahil kadarating lang nito. Galing siya sa isang pa niyang kagrupo na puro mga kalalakihan naman, sports ang pinagkakaabalahan nila dun. Pagdating naman sa mga school activities ay sa amin sumasama si Jeff.Dito kaming apat madalas na tumambay na magkakaibigan kapag lunch break. “Kina tita ako titira, pag luwas natin ng Maynila.” sabi ni Nica habang nakatingin ito sa kanyang libro.Ang tinutukoy niya ay kapag nagcollege na kami. Syempre, kailangan namin ng matutuluyan sa Manila.“Mabuti ka pa, ako kasi sa bahay ni kuya eh. Okay na sana kasi mabait naman yung asawa niya kaso strict si kuya sa curfew. Kaya bawal rumampa sa hatinggabi.” sabi ni Santi na lukot ang mukha.“Hoy bakla, hindi ka pupunta ng Maynila para sumali sa Miss Gay. Kaloka ka.” natat
Gigi POV“Si pogi!” malakas na tili ni Santi.Nagulat kaming tatlo sa lakas ng boses nito.“Nakita ko na naman siya.” ani Santi at tumigil pa sa paglalakad para tanawin si Gray. “Siya yung nakita natin sa gate nung isang araw diba. Yung may dalang bulaklak.” tanong ni Nica.“Gigi, sinong pinuntahan niya dito nun?” baling sa akin ni Santi.Nakita kong napatingin sa akin si Jeff. Kaya bigla akong natuliro.“Ewan, baka may nililigawan.” mabilis kong sagot.Biglang sumimangot si Santi.“Kausap niya si Ms. Mendoza. Mukhang may nanalo na.” pairap na anito at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang lingunin ko sila sa gymnasium ay magkausap pa rin ang dalawa.Nagdiretso kami sa classroom namin pero iilan lang ang mga estudyante na nadatnan namin dito sa loob. Napag-alaman namin na kanselado ang isang subject namin dahil mapapavaccine ang karamihan sa mga kaklase ko.“Tara na, punta na rin tayo dun.” pagyayaya ni Nica.Tumayo na silang tatlo para lumabas pero hindi ako umalis sa kinauupuan ko.
Gigi POV Malayo pa lang ay tanaw ko na ang tatlong kaibigan ko na nakapila. Parang gusto ko na ulit umatras, kahit pigilan pa ako ni Jeff. Wala nang epekto sakin ang kagwapuhan niya kung karayom na pinag-uusapan. Kahit pa nga siguro si Jungkook ang kaharap ko. Hindi naman ako hinihimatay kapag binabakunahan. Kaya lang yung anticipation ang kinakatakutan ko. Hindi ako mapakali kapag ituturok na ang karayom. Nakakahiya sa ibang estudyante, magmumukha lang akong ewan at siguradong pagtatawanan lang nila ako. Nagpalinga linga na lang ako at nag-aabang ng kakilalang dadaan para pakiusapan sila na dalhin itong sinukmani kay Gray para hindi ko na kailangang pumunta pa dun. “Gigi!” malalakas na boses ang tumawag sa pangalan ko. Napapikit ako ng mariin dahil kina Santi at Nica lang naman ang boses na yun. Kainis tong dalawang to. Pati tuloy si Gray ay napatingin na rin sa direksyon ko at huli na, nakita na niya ako. Baka ikwento pa nito kay itay kung hindi ako pupunta dun. Kaya mabigat a
Gigi POV “Dalaga ka na talaga bunso.” ani ate Tintin habang pinaplantsa niya ang mahaba kong buhok ko. “Umayos ka pagdating mo dun ha. Wag mong bubwisitin ang parents ni Gray. Wag ka ring sasabat sa usapan kung hindi ka tinatanong” bilin nito pero inirapan ko lang siya. “Ate, diba dapat eh sakin ka mag-alala at baka matapobre ang parents niya. Balita ko nga mayaman sila eh.” Malakas na tumawa si ate. “Kahit kailan hindi ako mag-aalala na may mang-aapi sayo.” anitong pinagtawanan lang ang sinabi ko. Mamaya ay susunduin na ako ni Gray para magdinner kasama ng parents, gaya ng kasunduan namin. Suot ko ang dress ni ate na ipinahiram sa akin. Nang makita kasi niya akong naka-jeans kanina ay agad niya akong pinagpalit ng damit. Hindi daw yun bagay sa pupuntahan ko. Ipinahiram niya sa akin ang isang white dress na hanggang tuhod. Sakto lang ito sa akin. Pinahiram din niya ako ng maliit na hikaw. Nilagyan niya ako ng light make-up para daw hindi ako maputla. Siya rin itong n
Gigi POV Naglalakad na kami ngayon papasok ng restaurant kung saan naghihuintay ang parents niya. “Wag kang kakabahan. Isipin mo na lang na parang normal na dinner date lang ito kasama ang mga kaibigan mo.” wika ni Gray, at parang pinapalakas niya ang loob ko. “Wala naman akong nararamdaman, mukhang ikaw nga itong kinakabahan eh.” sagot ko. Hindi siya umimik sa halip ay huminga ito ng malalim. Mukhang inihahanda ang sarili sa madadatnan namin sa loob. “Wag kang mag-alala – I got this!” sabi ko sa kanya. Itinaas ko ang aking kamay at nagthumbs up pa sa tapat ng kanyang mukha. Napapailing na lang ito at saka umikot ang mga mata. At bago ko pa man maibaba ang kamay kong naka-thumbs up ay agad na niya itong hinablot at mahigpit na hinawakan saka naglakad, kaya napasunod na lang ako sa kanya. Hawak niya ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng isang napaka-eleganteng restaurant. Sa design pa lang ay alam ko nang mamahalin ang mga pagkain dito. Luminga-linga ako at nakit
Gigi POVKinabukasan wala kaming ginawa sa school buong araw kundi ang magpractice ng graduation. Bukas ang last day ng practice. Pagkatapos sa school ay diretso lang ako sa bahay.Tapos na kaming maghapunan at madilim na ang buong paligid nang magpasya akong umakyat sa kwarto. Nagsusuklay ako ng buhok ng makita kong bumukas ang screen ng cellphone ko. Iniwan ko muna ito kanina sa kama nung bumaba ako kanina para kumain. Tatlong text messages at limang missed calls ang nakarehistro, lahat galing kay Gray.FROM SUGAR DADDY:“Bakit hindi mo sinabing aalis ka?”“Bakit ka umalis?”“Kailan ka uuwi?”Siguradong nakauwi na siya kasi alam na niyang wala na ako sa mansion. Kanina ko pa hawak ang cellphone,at nakatitig lang sa screen, nag-iisip kung anong irereply nang niglang magvibrate ito dahil may dumating na namang text message, kaya binasa ko muna yun.FROM SUGAR DADDY:Umuwi ka na!.Saktong narinig ko ang boses ng aking ama mula sa ibaba.“Gigi, sagutin mo nga ang tawag ng boyfriend
Gigi POVBago ko pa masagot ang tawag ay namatay na ulit ito. Nakita kong nagpop-up ang number ni Gray sa telepono ko. Nagpadala siya ng text message.Nakauwi na kaya siya sa mansion or busy pa rin sa hospital? Wala pa siguro siyang pahinga hanggang ngayon.Dinampot ko ang cellphone at binasa ang text message niya.FROM SUGAR DADDY:Please answer my call.Nagsimula ako magtype ng message para ipadala sa kanya.TO SUGAR DADDY:Tulog na ako.Kasesend ko pa lang ng message ay nagreply na agad siya.“FROM SUGAR DADDY:Kung gusto mong gamitin ang computer ko, 1437 ang pin.Sus, akala ko pa naman kung anong importante ang sasabihin niya.Mukhang hindi pa niya alam na nakabalik na ako ng probinsya. Kahit naman siguro malaman niya, wala naman siyang pakialam. Wala naman kaming relasyon, saka yun naman talaga ang gusto niya, yung walang alagaing kagaya ko. Baka nga enjoy pa ito sa hospital dahil nandun ang babae niya, yung matured sigurong mag-isip hindi kagaya ko.Hindi na ako ulit nagreply
My idea naman ako sa gusto niyang mangyari dahil nga tinuruan ako ni kuya Drake sa finance, pero puro theory lang ang mga itinuro niya sa akin. Hindi ko pa nagagawa sa actual or real-life situations. Saglit muna akong nag-isip saka sinagot ang tanong niya. “Pwede po tayong bumili ng Crypto.” saad ko. “Crypto? Hindi ba mas safe kung stock market tayo mag-iinvest?” tanong niya. “Ang sabi nyo po kasi, kailangang dumoble ang pera in 4 months. So, short term po ang goal natin at hindi investment kagaya ng mga stock market which is hindi sasapat sa time frame na ibinigay niyo. At ang nakikita kong pinakamabilis na kitaan is pagbili ng Crypto. Lalo na po ngayon na papalapit na ang U.S. presidential election at nominated si Donald Trump.” “Anong kinalaman ni Trump?” “Openly pro-crypto po si Trump. Ilang beses na rin niyang sinabi na aalisin niya ang strict regulation sa digital assets like XRP, so yun po ang pwede nating bilhin.” “And why XRP?” “Sa ngayon po $0.40 pa lang ang presyo ni
Gigi POVMuntik na akong atakihin dahil sa puting Teddy Bear na ‘to, na mas malaki pa sa akin. Sinipat sipat ko ito para malaman kung saan galing. Wala naman akong nakitang note kahit saan. Nasa kama ko na siya, so ibig sabihin akin na siya.Si Gray lang naman ang pumapasok sa silid ko bukod sa akin kaya nasisiguro kong sa kanya galing ito. Hinawakan ko ang balahibo, napakalambot at ang sarap yakapin. Ilang saglit din akong nakayakap dito at hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang hinahamplos ang malambot na balahibo ng Teddy Bear. Bakit kaya siya nag-uwi nito? Kapalit kaya ito ni baby Gray ko? Naalala ko na naman yung nangyari kahapon kaya nawala na naman ako sa mood. “Ang cute mo, pero nabubwisit pa rin ako sa amo mo.” kausap ko sa Teddy bear.Bigla kong naalala, bukas na nga pala ang practice ng graduation walk kaya kailangan ko nang umuwi sa Batangas ngayon. Dali dali akong tumayo at nagtungo sa banyo para ayusin ang aking sarili. Kailangan ko pang makausap si
Katatapos ko lang magtoothbrush nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone. Nang tingnan ko ito ay nakita kong tumatawag si Santi.“Ready ka na ba sa speech mo, Gigi?” tanong ni Santi nang sagutin ko, naka video call ito.Sa makalawa na ang practice ng graduation namin. Ako ang valedictorian ng batch namin kaya may nakaready na akong speech. “Oo naman. Bukas ang balik ko dyan.” sabi ko. Alam ng mga kaibigan ko na nasa Manila ako pero ang alam nila ay sa bahay ni ate Tintin ako tumutuloy. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang aking totoong sitwasyon. Biglaan kasi, diko rin alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanila.Medyo napapahaba na ang usapan namin ni Santi ng maisipan akong magtanong sa kanya. Kanina pa talaga may gumugulo sa utak ko.“Santi, am– may itatanong lang ako sayo… may napanood lang akong random video sa Fácebook, hindi ko na maalala yung title eh.” putol putol na sabi ko. Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula.“Oh anong tanong mo?” tila naiinip na tanong n
Kasalukuyan….Kahit hindi na ako umiiyak ng malakas ay panay pa rin ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa sahig ng veranda. Parang sinaksak ang puso ko nang makita kung anong ginawa nila sa baby Gray ko.Naririnig ko silang nag-uusap sa likod ko pero wala na akong nauunawaan dahil sa aking pag-iyak.Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay nakita ako ang kamay na nakalahad sa aking harapan, at nang tumingala ako, kita ko si Chairman Tuazon nakatayo sa aking harapan.“Halika na iha, malamig dyan sa sahig.” malumanay nitong sabi.Nakaramdam ako ng kapanatagan ng makita ko ang Chairman, pakiramdam ko ay dumating na rin ang kakampi ko. Dumakong muli ang mata ko sa kamay niyang nakalahad at pagkuwa’y tinanggap yun. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo ako. Pagkatapos ay yumuko ito para damputin si baby Gray sa sahig at ang naputol nitong braso para ibalik sa akin.Walang imik na tinanggap ko yun.“Dun na muna po ako sa silid ko.” mahinang sabi ko habang sumisinghot pa rin ng pan
Gigi POV Nagtataka akong tumingin kay Chairman Tuazon dahil narinig ko siyang mahinang tumatawa, pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakangiti. Nakakapanibago ang itsura nito ngayon, maaliwalas. Malayong malayo sa madilim at nakakatakot na mukha nito noong una ko siyang nakilala. Dumako ang tingin niya sa robot na hawak ko. “Isa ba yan sa mga project mo?” curious na tanong nito. Tiningnan ko muna ang robot at saka muling tumingin at tumango kay Chairman. “Ah, si baby Gray po? Opo. Ito po ang mock-up model ko para sa robotic machine.” Kumunot ang kanyang noo. “Baby Gray?” takang tanong nito. Saka ko lang narealized ang sinabi ko at saka napatawa. “Ipinangalan ko po kay Gray.” tumatawang sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Nakita ko na napangiti ang Chairman. Nagugulat ako sa kanya. Kanina at tumatawa ito, ngayon naman ay ngumingiti. Ngiting totoo, hindi ngiting negosyante. “Dalawa lang po ang arms nito pero yung totoong machine apat po yun. Pero dito ko po pinagbabasehan an
Mabilis na nagtungo sa kanyang silid si Gigi dahil yun lang ang tahimik na lugar para makapag-usap sila ni Drake ng walang ibang nakakarinig. “Kuya..” panimula ni Gigi. “Nasa bahay nyo si Chairman Tuazon ngayon at interesado siya sa design mo.” saad ni Drake bago pa man sabihin ni Gigi ang balitang yun. Nagulat si Gigi sa sinabi nito pero nakabawi din agad. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang marami talaga itong galamay. “Tanggapin mo.” ani Drake. “Po? Pero sabi mo, ireserba ko yun para sayo.” Hanggang dun lang kasi ang nalalaman ni Gigi, wala siyang idea kung ano talaga ang plano ni Drake para sa kanyang design. Basta nagtitiwala lang siya dito kaya hindi na siya nag-uusisa. “I know, but this is better than my original plan. Trust me, you’re heading the right direction. Ako nang bahala kay kuya Carding, kakausapin ko siya.” wika ni Drake sa kabilang linya. This is Drake’s new plan, ang matuklasan ni Chairman Eduardo Tuazon si Gigi. Naniniwala si Drake na sa kakay
Bumalik ng salas si Gigi, dala ang tray na may lamang juice at sinukmani. Naabutan niyang magkausap ang kanyang ama at si Chairman na nag-uusap sa tapat ng kanyang mga awards. Naiiling na lang siya. Siguradong, pinagmamayabang na naman ng kaniyang ama ang kanilang bisita. “Chairman, juice po saka sinukmani.” wika ni Gigi nang makalapit siya. Kasunod na rin niya si aling Nimfa. Naagaw niya ang atensyon ng mga ito. Kaya naupo ang mga ito pagkuway tinanggap ang inumin at kakanin na inihain ni Gigi. Pagkuwa’y tinikman yun ni Chairman. “Masarap, kayo ba ang nagluto?” tanong nito matapos magustuhan ang kinain. Napangiti si aling Nimfa nang makitang nagustuhan ng bisita ang luto niya. “Ako nga, pangmeryenda lang naman.” tugon ni aling Nimfa. Ilang sandali pa ay nagsimula na si Chairman Tuazon na buksan ang topic sa totoong dahilan kung bakit siya napasugod dito. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.” anito tapos ay tumingin kay Gigi. “Iha, nakita ko ang project na ginawa mo sa Singap