"Hindi naman ba siya nagtaka no'ng nakita niya si Aaron?" Tanong ni Vanessa sabay lapag ng isang basong juice sa ibabaw ng mesa. "Thanks, Van. Umm, hindi ko alam pero parang naging interesado siyang kilalanin si Aaron," sagot ko. Nakarating na kami sa bahay ni Vanessa at naikuwento ko na rin sa kan'ya ang mga nangyari kanina sa school. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa may sala samantala si Aaron nasa kwarto niya at nanunuod ng cartoons. Si Vanessa ang nagpapunta sa kan'ya ro'n para malaya kaming makapag-usap at hindi marinig ng anak ko ang pag-uusapan namin. "Masamang pangitain na 'yan, Athena. What if naging interesado siyang kilalanin si Aaron kasi napansin niya na magkamukha sila? Pati nga anak mo napansin niya, eh. Kaya posible talaga na mapapansin niya 'yon. Alam mo 'yong lukso ng dugo? Baka dahil do'n kaya naguguluhan at nagtataka ang anak mo." Natahimik ako at napahawak sa ulo ko. Kanina pa 'ko nag-iisip at nag-aalala para sa kalagayan ng anak ko. Ngayon na nagkita n
Napabuntong hininga ako ng malalim nang muli ko na namang maisip ang mga nangyari kahapon. 'Yong pagkikita namin ni Sir Lim at ang mga napag-usapan namin na nakaiwan ng maraming katanungan sa akin.Nagtataka pa rin ako, at naguguluhan sa mga sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala roon sa sinabi niya tungkol kay Zachariah. Na bigla na lang itong hindi nagpakita sa kan'ya.Bakit? Bakit bigla siyang hindi nagpakita?Hindi ko na dapat isipin ang tungkol do'n pero .. gusto kong malaman kung bakit nangyari 'yon. Pero paano ko malalaman kung hanggang ngayon takot at ayoko pa ring sabihin sa kan'ya ang mga nangyari sa pagitan namin noon, at tungkol sa anak naming dalawa?"Tsk! Huwag mo nang isipin 'yon, Athena. Huwag na," biglang sabi ko sa sarili sabay na napatihaya sa upuan.Nandito na 'ko ngayon sa office at ginagawa ang ipinag-uutos ni Miss Lina, ang supervisor ko. Hindi naman gaano kahirap ang pinapagawa niya dahil tungkol lang naman ito sa bagong software ng department namin. Pero hi
Akala ko kapag natapos ko nang ayusin ang internet niya ay makakaalis na 'ko pero hindi pa pala. Kasi inutusan pa niya 'kong i-sort ang mga files sa laptop niya by year. Hindi na 'to parte ng trabaho ko kasi trabaho na 'to ng secretary niya pero dahil sa boss ko siya at empleyado niya lang ako ginawa ko ang ipinag-uutos niya.Nandito pa rin sa office ang mga kaibigan niya. Mga isa't kalahating oras na 'ata silang nandito. Wala rin naman silang ibang ginawa kundi ang mag-usap about business.Napagtanto ko na mayayaman at kilalang mga personalidad din pala 'tong mga kaibigan ni Sir Zach. Silang tatlo ay mga CEO at tagapagmana rin ng kompanya ng mga pamilya nila. Hindi lang talaga ako makapaniwala na gano'n ang katayuan nila sa buhay. Akala ko kasi mga simpleng mamamayan lang din sila ng Pilipinas pero hindi pala."Sh*t! Ano 'yon?" Usal ko nang maramdaman kong biglang kumulo ang sikmura ko. "Tsk! 'Di pa pala ako kumakain," sabi ko nang mapagtanto na inutusan pala ako ni Sir Zach no'ng ka
Napatihaya ako sa upuan nang matapos kong gawin ang pinapagawa ni Miss Lina. Mabuti na lang natapos ko before lunch para naman makakapagpahinga ako mamaya.Lunes na lunes pero ramdam ko na naman ang matinding pagod. Kahapon wala naman akong ibang ginawa kundi ang magpahinga buong araw at asikasuhin ang anak ko. Pero kapag nandito na 'ko sa trabaho, mauubos talaga lahat ng energy na inipon ko. At ngayon, ten percent na lang ang natira."Thena, may girl's night out mamaya, sasama ka ba?" Tanong ni Paula nang lumapit siya sa'kin at kasunod nito si Maurice na bitbit ang bag at handa nang bumaba sa cafeteria para mag-lunch."Girl's night out? Eh, Monday ngayon, ah?" Sabi ko habang nilalagay sa loob ng bag ko ang mga nagkalat kong gamit sa ibabaw ng mesa."Pantanggal pagod lang, gano'n. Don't worry, hindi naman tayo maglalasing 'tsaka tayo-tayo lang din naman dito sa department natin ang sasama mamaya. No boys, only girls," sagot ni Paula na ikinatawa ni Maurice."Kaya nga girl's night out,
"May sinasabi ka, Athena?"Kaagad kong nilingon si Paula na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa akin. Med'yo tipsy na siya at ewan ko lang kung nakita niya rin ang boss namin."Si sir Zach kasi .. nakita ko-"Wala na siya pagharap ko.".. ro'n.."Saan naman kaya siya nagpunta?Totoong siya 'yong nakita ko. Hindi ako namamalikmata o nag-iimagine na nandito siya. 'Tsaka hindi pa naman ako lasing."Ano sinabi mo, Athena?" Tanong ni Paula habang nilalapit ang tenga sa akin.Umiling na lang ako bilang sagot at ininom ang isang shot ng gin. Um-order na sila ng panibagong alak na hindi ko napapansin. Halo-halo na ang iniinom namin pero sana lang hindi kami gagapang pauwi."Shot pa, Athena. Sulitin na natin ngayon habang may oras pa," wika ni Trixie habang inaabot sa'kin ang panibagong shot ng gin."Ito ba 'yong sinasabi mong hindi tayo maglalasing, Paula?" Nang-aasar na sabi ko at binalingan ng tingin si Paula na ngayon ay tahimik na sa gilid at nakahawak sa ulo niya.Lasing na."Minsan lang
"Agh! Ang sakit," daing ko habang nakahawak sa ulo ko.Jusko, bigla na lang kumirot at sobrang sakit.Nagising kasi ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kahit alarm lang 'yon, nagising ang buong diwa ko. Partida nakainom pa 'yan kagabi.Sana talaga 'di na lang ako uminom, 'yan tuloy nagka-hangover pa.Anong oras na kaya? Kailangan ko nang pumasok sa trabaho at bawal akong ma-late kasi may meeting ang buong department."Oh my god! Late na 'ko," gulat na sambit ko nang makita ko ang oras. Alas otso na pala ng umaga at alas nuebe 'yong meeting. Jusko po! Late na 'ko."Wait .. s-sino ang .."Napahinto ako nang may napagtanto.Ano ang nangyari kagabi?Pa'no ako nakauwi?Sino ang naghatid sa'kin dito sa bahay?"OH MY GOD!" Napasigaw ako sa gulat nang maalala ko na ang mga nangyari kagabi.Uminom kami nina Paula at ang iba pa naming kasama sa office tapos may mga lalaking lumapit sa table namin .. tapos--"S-Si .. sir Zach .." Napatakip ako ng bibig at tuluyang napaupo sa sahig.Ang n
Ako na lang ang naiwan dito sa loob kasama ang boss ko na hindi pa nagsasalita simula no'ng lumabas sina Maurice kanina. Nagta-type siya sa cellphone niya at sa tingin ko may kausap ito pero wala na 'kong pakialam.Hindi pa rin ma-consume ng utak ko ang mga sinabi niya kanina. Naguguluhan pa rin ako at ang dami kong tanong na siya lang ang makakasagot. Gusto kong kausapin sina Maurice para maliwanagan ako pero hindi niya 'ko pinalabas ng opisina niya.Alam kong mali 'yong ginawa namin kagabi pero wala naman akong ginawang masama o nasangkot sa gulo. Ang maling nagawa ko lang naman ay naparami ng inom at umuwi ng lasing.'Di kaya may nagawa ako kagabi na hindi ko lang namamalayan?"What's on your mind? You look awful," biglang sabi niya na nagpatigil sa akin sa pag-iisip.Kanina pa 'ata siya nakatingin sa'kin pero hindi ko lang napapansin."N-Naguguluhan lang po ako sa mga sinabi niyo kanina. Tungkol po ro'n sa gulo na kinasangkutan nina Maurice. Sa pagkakakilala ko sa kanila, hindi ni
"Athena .." "Hmm?" Kaagad akong lumingon, si Von lang pala ang tumawag sa akin. Nakasandal siya sa pinto at may hawak na puting folder. Inangat niya ito para makita ko. 'Yan na 'ata 'yong financial report na hinihingi ko. Kakailanganin ko 'yan para sa proposal na gagawin ko. "Here, pinapaabot ni Miss Christine. May meeting kasi siya kaya hindi niya maiabot sa 'yo ng personal," aniya habang naglalakad papunta sa direksyon ko. Si Miss Christine, ang head supervisor ng finance department at isa rin siya sa mga naging ninang ni Aaron. Mabait siya pero medyo strikta pagdating sa trabaho. "Salamat, Von," sabi ko at maliit na ngumiti sa kaniya. "Walang anuman. Umm, iniisip mo pa rin ba ang mga nangyari kahapon?" Tanong niya, bigla akong nag-iwas ng tingin at sabay na inayos ang mga gamit ko sa mesa. Pero tama siya, iniisip ko nga ngayon ang mga nangyari kahapon. Hindi ko lang inaasahan na dahil sa isang pagkakamali, mawawalan ako ng mga kasamahan sa trabaho. Hindi ko naman masisi si si
"Okay, anak, susunduin na lang kita mamaya," sabi ko habang nakatutok sa ginagawa kong report sa laptop.Kausap ko ngayon ang anak ko sa kabilang linya. Tumawag ito para magtanong kung susunduin ba namin siya mamaya nang daddy niya pagkatapos ng klase niya. Pero ako na lang ang susundo sa kaniya kasi balak mag-overtime ni Zach dahil may kailangan daw siyang tapusin. Hindi rin kasi siya masusundo ni tiya Rosa kasi umuwi ito sa dati naming tinutuluyan para kunin ang ibang mga gamit na naiwan namin doon."Makinig sa teacher, okay? At itago mo na ang phone sa loob ng bag mo. I love you."Pagkatapos kong magpaalam ay binaba ko na rin ang tawag at pinagpatuloy na ulit ang ginagawa ko. Pero bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Zach. Buong akala ko mananatili kaming walang label pero hindi naman pala. Ayaw rin nito na manatili kami sa ganoong sitwasyon."Athena, may lalaki raw na naghahanap sa'yo sa lobby," rinig kong sabi ni Trixie nang makaupo ito s
Ano'ng ginagawa niya rito? Bakit sila magkasama?Hindi naman sa nag-o-overthink ako, pero hindi ko napigilan ang magtaka at masaktan nang makita silang magkasama."Uh, h-hindi ko alam na may .. na may bisita ka pala," sabi ko habang nakatingin sa direksyon ni Lauren.Nakatingin din siya sa akin, pero nakapagtataka kasi malungkot siyang nakatingin sa akin at mugto rin ang mga mata nito na halatang kagagaling lang sa pag-iyak. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. Hindi 'yong masungit at kontrabidang Lauren ang nakikita ko ngayon, kundi ang malungkot at mahinang Lauren.Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit siya nandito?"It's okay, she will leave soon anyway," sagot ni Zach bago lumapit sa akin. Kaagad niya 'kong niyakap nang makarating siya sa direksyon ko at hinalikan ako sa noo na ipinagtaka ko.Ang weird niya, hindi dahil sa ka-sweet-an niya kundi dahil sa sinabi niya."Bakit siya nandito? Bakit kayo magkasama?" Mahinang tanong ko sa kaniya. Pero hindi niya 'ko sinagot sa halip ngin
"Kararating ko lang sa kompanya," sagot ko sa kaniya nang makapasok ako sa main entrance.Kausap ko sa kabilang linya si Vanessa. Ang aga niya 'kong binulabog para lang humingi ng update. Ang feeling na gusto ko pang matulog pero 'di ko na nagawa kasi kinukulit niya 'ko."Kasama mo ba siya? Sabay kayong pumasok?" Usisa nito dahilan para mapabuga ako ng hangin."Hindi ko siya kasama. Maaga siyang umalis ng bahay kasi may private meeting siya kaninang 7 am kaya hindi kami sabay pumasok," tugon ko habang naglalakad patungo sa elevator.Napapahikab pa 'ko habang naglalakad kasi inaantok pa talaga ako. Wala pang 7 am no'ng tumawag siya sa'kin kanina. Ewan ko ba sa kaniya. Ang aga tumawag para lang maki-tsismis sa akin.Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong kausap ko baka binabaan ko na siya ng tawag."Ang sipag naman ng future asawa mo. So, ano ng improvement sa relationship niyo? Nasa anong stage na kayo?" Aniya ngunit halatang kinikilig. Pero hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam kun
"I've loved you for a long time." Aniya habang titig na titig sa mga mata ko. Ngunit bigla na lang pumatak ang mga luha niya dahilan para makaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin niya sa akin, pero naging daan 'yon para malaman ko na nagsasabi nga nang totoo si Yael. At ngayon, nabigyan na ng kasagutan ang mga sinabi niya sa akin.Mahal niya 'ko.Mahal ako ni Zach. Pero kailan pa? Kailan nagsimula?"I met you when I was in 3rd year high school, during the school fair. You were sitting alone on a bench. I was about to approach you, but I was too shy. I wanted to introduce myself to you at that time, but I was afraid you might avoid me. I don’t know if what I felt that time was love at first sight, but since that day, when I saw your sweetest and brightest smile, I didn’t want you out of my sight," pagkuwento niya dahilan para bigla akong mapaisip.Hindi ko na maalala ang mga sinabi niya. Noong high school ako
“Okay ka lang?” Tanong ni Vanessa nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe papunta sa penthouse. Tumango na lamang ako bilang sagot habang nakatingin sa labas ng sasakyan.“Sa tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Yael?” Tanong ko bago tumingin sa kaniya.Ayokong maniwala sa sinabi nito pero may nag-uudyok sa’kin na maniwala sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ito, at kung bakit pero sa tingin ko daan ‘yon para malaman ko ang totoong kasagutan sa mga nangyari noon.“If I based it doon sa kinuwento mo, yes nagsasabi siya ng totoo. Because what's the point if he’s going to lie, right? ‘Tsaka halatang nagsisisi na siya sa ginawa niya sa’yo,” sagot ni Vanessa.Tama siya pero nang dahil sa galit ko ro’n sa tao, hindi ko hinayaan ang sarili ko na maniwala. Kasi mas pinandigan ko ang mga pinaniwalaan ko kaysa sa mga sinabi niya.“You should ask Zach about it, kung gusto mo talagang malaman kung totoo ba ang mga sinabi niya sa’yo. Pero paano kung totoo ‘yon, ano’ng gagawin mo?”“Hindi ko alam, hind
“Mommy, I missed you. Kailan ka po makakauwi rito sa bahay?” Malungkot na tanong ni Aaron, ngunit bakas sa mukha niya na kagagaling lang sa pag-iyak.“I missed you, too, anak. Bukas makakauwi na si mommy d’yan,” sagot ko at pilit na ngumiti sa kaniya.Kausap ko siya through video call kasi hindi ko siya pinayagan na bisitahin ako rito. Ayoko lang kasi na mag-alala siya sa’kin at baka masaktan ko lang siya kapag nalaman niya na hindi kami magkaayos nang daddy niya.Hindi pa niya alam ang nangyari, pero wala akong balak na sabihin ‘yon sa kaniya.“Mommy, nand’yan po ba si daddy sa ospital? Kasama niyo po ba siya?” Tanong nito na ipinagtaka ko.“W-Wala siya rito sa ospital. Alam mo ba kung anong oras siya umalis d’yan?” Sagot ko, at napatingin sa direksyon ni Vanessa. Mukhang alam na nito kung ano ang gusto kong iparating sa kaniya kaya agad siyang lumabas ng kwarto.“Hindi po, mommy, eh. Paggising ko po kaninang umaga, wala na siya rito sa bahay. Pero sabi po niya sa’kin kagabi bibisita
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bigla na lamang akong natahimik dahil sa sinabi niya, pero nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko. At kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.Bakit hindi sinabi sa'kin ni Zach o ni Yael ang tungkol do'n? Bakit bigla rin silang natahimik dahil sa sinabi ni Lauren? Ibig sabihin ba niyon, totoo ang sinabi niya?Putangina. Sobrang sakit ng ginawa nila sa'kin."Hindi ka ba nagtataka kung bakit ikaw ang inutusan ng boss mo na ihatid si Ellie? Well, in the first place hindi naman tama na ikaw ang maghatid sa kaniya since babae ka."Bakit hindi ko naisip 'yan noon? Bakit hinayaan ko ang sarili ko na ihatid siya? Bakit hindi ako humindi sa utos ng boss ko?"Because everything was already planned, Athena! You were the one Ellie’s friends fancied, so they chose you as a gift for him. At ang may pakana nang lahat ng 'yon ay walang iba kundi si Yael!" Galit na sigaw ni Lauren sabay lingon sa direksyon ni Yael.Napatingin ako sa direksyon niya at ni Zach. Wal
“Saan ka nanggaling?” Tanong ko habang nilalagyan niya ng panibagong benda ang paa ko.“Bumili lang ako ng gamot at prutas para sa’yo. I wasn't able to tell you because of what happened earlier," tugon niya bago tumingin sa akin.Napayuko ako dahil sa sinabi niya. Buong akala ko kasi umalis siya dahil nagalit siya sa sinabi ko sa kaniya kanina, pero hindi naman pala. Sa kabila nang nangyari, ako pa rin ang iniisip niya. Pinagsisihan ko tuloy ang mga naging asal ko sa kaniya kanina.“I’m sorry, Athena,” aniya na ikinagulat ko.Bakit siya nag-so-sorry sa’kin? Ako ‘tong may kasalanan at hindi siya."I'm sorry for leaving you here, and I'm sorry if I’ve been too hard on you. I just want to make sure nothing bad happens to you. But please don’t ever think that I don’t care about you, because I always do, Athena,” sensirong sambit niya habang titig na titig sa mga mata ko.Hindi ako nakasagot sa halip nakipagtitigan lang din ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin pero ang gusto
“Nahanap niyo ba siya?” Tanong ko kay Paula at Trixie na kararating lang galing sa isang bar dito sa resort. Ngunit umiling silang dalawa bilang sagot dahilan para mas lalo akong nalungkot.Napatakip ako ng mukha at napabuntong hininga nang malalim. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Mukhang halos ‘ata ng shops, bars, at sa kahit na alin mang sulok nitong resort ay napuntahan na namin. Pero hindi pa rin namin siya nahanap.“Na check niyo ba sa villa na tinutuluyan niya?” Tanong ni Maurice habang nakahawak sa baywang niya, at halatang stress na rin sa paghahanap.“Doon na ‘ko nanggaling pero wala siya ro’n,” sagot ko at tuluyan ng napaupo sa buhangin.Saan ka ba nagpunta, Zach? Kung saan-saan na kita hinanap.Balak ko siyang kausapin, at humingi ng tawad dahil sa mga sinabi ko sa kaniya kanina. Nagpatulong na ‘ko kina Maurice na hanapin siya pero hindi pa rin namin siya nahanap. Imposible naman na umuwi ‘yon, at iwan ako rito. Sa tingin ko naman hindi niya magagawa ‘yon kahit n