"Itigil mo 'yan, Gab!" Nang tuluyang pumutok ang baril, ay matagumpay na naiwasan iyon ni Alex. Ngunit, tumama iyon sa manipis na katawang biglang yumakap sa kanya, at ang balikat niyon ang napuruhan ng bala. Bagamat hindi tunay na baril iyon, ay hindi naman pwedeng maliitin ang kabagsikan niyon.
"Luh? Okay ka lang, Gab?" Tila gustong matawa ni Avrielle dahil sa narinig. "Ikaw talaga, Mr. Olivarez... Mukhang naparami ang baon mong jokes ngayon, huh?" "Hindi ako nagbibiro, Amery. Seryoso ako." Parang gustong mapikon ni Gab at gusto niyang yugyugin ang mga balikat ni Amery, ngunit nagpigil si
"Tatlong taon kitang naging asawa, at sa loob ng mga panahong 'yon, palagi mong sinasabi na mahal mo 'ko... Pero tignan mo ngayon ang sarili mo, sa mga ginawa mo, alin doon ang nagpakita ng pagmamahal mo sa'kin?! Sa tingin mo ba ay tanga ako?!" Marahil, dala ng kalasingan, ay biglang sumambulat ang
Ilang segundo lang mula nang galit na galit na lumabas ng kwarto si Avrielle, ay pumasok naman si Gab. "Nag-away ba kayo? Dinig na dinig ko kayo sa labas." Nagtatakang tinitigan ni Gab ang kaibigan, ngunit nang mapansin ang marka ng lipstick sa gilid ng labi nito, ay tila gusto niyang maiyak. "F-Fv
"At ikaw pala ang nagbuko ng tungkol sa sikreto ko! Gago ka talaga, Armand!" Naningkit ang mga mata ni Alex at tinitigan ng masama ang nakatatandang kapatid. "Pisain ko kaya 'yang itlog mo?!" "Hoy! Bakit ganyan ka kung makapagsalita sa'kin? Wala kang galang, ah! Huwag mo akong pigilan, Avrielle. Ka
Nang matapos ang press conference, ang magandang imaheng binuo ni Senyora Carmela nang mahabang panahon para sa anak, ay biglang gumuho. Nang umuwi sa mansyon si Shaina, halos buhatin ito ng mga katulong dahil pagod na pagod ito at latang-lata. "Mommy... Iganti n'yo po ako! Kailangang malinis ko a
Noon, sa military academy, sina Brandon at Alex ay itinuturing na 'evils and poisons' ng batch nila. Silang dalawa palagi ang mahigpit na magkalaban sa bawat kompetisyon. Nang matapos ang graduation, ang bawat isa ay nagkaroon na ng sariling mga landas, at mula noon ay wala nang naging balita pa tu
Madrigal Empire Habang nasa office, ay naglalaro na naman ng paborito niyang mobile game si Avrielle. Sa harapan niyang lamesa, ay mayroong isang bote ng beer at fried chicken. Paborito niyang kainin ang mga iyon habang naglalaro. Walang-wala ang anumang mamahaling pagkain sa buong mundo kung ihah
Sa living room ng mansyon, naroon ang nag-aalalang si Samantha. Ang mga katulong naman ay nagkanya-kanya ng tago sa bawat sulok upang mag-abang ng maiinit na eksena na pwede nilang pagtsismisan mamaya. Alam nilang magkakaroon ng aberya, dahil hindi naman lingid sa kaalaman nila na naroon ang dating
Agad na inutusan ni Brandon ang mga katulong upang linisin ang kwarto ni Chuchay. Si Avrielle naman ay nanatili sa tabi ng dalaga habang inaalo ito. "Hindi na ako matatakot... Hindi na ako matatakot... Nandito na ang ate Amery ko..." Twenty years old na si Chuchay, ngunit dahil isa itong autistic,
Bahagyang natigilan si Avrielle, ngunit agad din namang nakabawi. "O-Okay lang ako. Ang tanungin mo ay si Chuchay kung okay ba siya." Dahil sa pagkabigla ay agad nagdilim ang mga mata ni Brandon kasabay ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa mga braso ni Shaina. "Aray, Kuya! Pakawalan mo na ang mga
"Ella, narito ako sa Ricafort Mansion. Pumunta ka rito at sunduin mo ako." "Hala, bakit po kayo nandyan?" bakas ang pagkabigla sa tinig ni Ella. "Mahabang kwento. Basta't sasabihin ko na lang sa'yo kapag narito ka na." Matapos ang kanilang pag-uusap sa telepono ay deretso nang umakyat si Avrielle
Bahagyang napakurap-kurap ang mga mata ni Avrielle, gumapang rin ang kilabot sa makinis niyang balat. "Paano mo nalamang size 36 ang paa ko?" Nanatili naman ang seryoso at kalamigan sa mukha ni Brandon. "Mukha kasing maliit kaya hinulaan ko na lang." Bahagyang naitago ni Avrielle ang mapuputi niy
"Napagkasunduan natin kagabi na pupunta ka sa Ricafort mansion upang kunin ang mga gamit mo." Pinakawalan na ni Brandon ang mga kamay ni Avrielle, pagkatapos ay humawak na ito sa manibela. "Pupunta naman ako mamaya, kaya hindi mo na kailangang gawin 'to!" "Hindi ako naniniwala sa'yo." Ini-start n
Hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang almusal. Nang bata pa lamang si Avrielle, sa tuwing siya'y malungkot o galit, ay nagpupunta siya sa back garden at magtatago sa isang maliit na cave roon. Doon siya mag-uukit ng mga galit niyang salita habang umiiyak. At ngayong twenty four years old
Kasalukuyang nagpapahinga si Avrielle sa sala ng kanyang villa nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi na siya nag-abalang tignan kung sino ang caller nang sagutin niya ang tawag na 'yon. "Hello!" "Mukhang mabilis ka nang sumagot sa tawag ngayon, huh?" Ang tono ni Brandon ay mababa, pak
"Avrielle!" Nang marinig ang pagtawag na 'yon, ay biglang napalingon si Avrielle. Nakita niya ang dalawang itim na mamahaling sasakyan na magkasunod na nakaparada hindi kalayuan sa kanila. Naroon sina Anton at Armand na nakatayo sa harapan ng mga sasakyan, kapwa nakasuot ng mamahaling suits ang mg