"At ikaw pala ang nagbuko ng tungkol sa sikreto ko! Gago ka talaga, Armand!" Naningkit ang mga mata ni Alex at tinitigan ng masama ang nakatatandang kapatid. "Pisain ko kaya 'yang itlog mo?!" "Hoy! Bakit ganyan ka kung makapagsalita sa'kin? Wala kang galang, ah! Huwag mo akong pigilan, Avrielle. Ka
Nang matapos ang press conference, ang magandang imaheng binuo ni Senyora Carmela nang mahabang panahon para sa anak, ay biglang gumuho. Nang umuwi sa mansyon si Shaina, halos buhatin ito ng mga katulong dahil pagod na pagod ito at latang-lata. "Mommy... Iganti n'yo po ako! Kailangang malinis ko a
Noon, sa military academy, sina Brandon at Alex ay itinuturing na 'evils and poisons' ng batch nila. Silang dalawa palagi ang mahigpit na magkalaban sa bawat kompetisyon. Nang matapos ang graduation, ang bawat isa ay nagkaroon na ng sariling mga landas, at mula noon ay wala nang naging balita pa tu
Madrigal Empire Habang nasa office, ay naglalaro na naman ng paborito niyang mobile game si Avrielle. Sa harapan niyang lamesa, ay mayroong isang bote ng beer at fried chicken. Paborito niyang kainin ang mga iyon habang naglalaro. Walang-wala ang anumang mamahaling pagkain sa buong mundo kung ihah
Nang gabi ring iyon, ang Rolls-Royce na pag-aari ni Anton ay matyagang naghihitay sa labas ng hotel. Mula nang dumating iyon doon, ay naagaw na niyon ang naiinggit na mga mata ng mga tao sa paligid. Ngunit sa isang bahagi ng kalsada, ay palihim na nagmamanman ang isang itim na Maybach. Sa loob nito
Nang sandaling pumasok sa antigong gate ng mansyon ang sinasakyan nina Avrielle at Anton, ay masayang nagtakbuhan ang mga kawaksi upang ipakalat ang balita. "Hala, nandito na sila!" Halos magkakasabay na sigaw ng mga ito at maayos na pumila sa magkabilang gilid ng pintuan ng sasakyan. "Welcome home
"Dad, narito na po kami!" Masayang sigaw ni Avrielle habang patungo sila sa living room. "Bakit naman napakatagal ninyo? Halos masuka na ako sa gutom, eh." Reklamo ni Senyor Alejandro habang nagmamadaling sumalubong sa mga bagong dating. Sa tabi nito, ay naroon si Armand. "Napakaganda mo naman tal
"Bro, napasobra yata ang pagbibiro mo kay Dad. Kahit ganoon 'yon, alam naman nating mabait 'yon." seryosong saad ni Anton kay Alex. "Sino ba ang nagsabi sa'yong nagbibiro ako? Seryoso ako." "Hay naku, ang labo mo talaga..." naging malamig ang mga mata at tono ni Anton. "Tsk. Bakit ka ba nagagalit
"Binili ba ni Anton ang villa para sa'yo?" Mula sa tagiliran ay sumulyap si Brandon kay Avrielle. Nasa tono nito ang panlalamig. Napahalukipkip naman si Avrielle at nanggigigil na tumanaw sa bintana. "Paano namang ang isang promding katulad ko ay ma-aafford na magkaroon ng malaking bahay? Syempre,
Malakas na hangin, malakas na ulan, matatalim na kidlat. Kunga tama ang pagkakatanda ni Avrielle, ay kasalukuyang nakatayo si Brandon sa ilalim ng isang puno. Ngunit ang masama, ay habang naroroon ito, ay tumatawag pa ito sa kanya. Gusto yata nitong maging isang kwento na lang at maagang tumagos sa
Biglang dumagundong ang kalangitan at kasunod noon ay ang pagguhit ng matalas na kidlat sa mga ulap. Mukhang uulan na ng malakas. "Halika na, ipagpatuloy na natin ang pagkain. Huwag na natin siyang intindihin." pag-iiba ng usapan ni Avrielle upang kahit papaano ay maalis ang nararamdaman niyang ga
Wala pang tatlumpung minuto, ay naroon na sa harap ng villa ni Avrielle ang sasakyan ni Brandon. Binaba niya ang salaming bintana, at tumingin sa malamlam na ilaw sa labas. Sa kanyang isipan ay naroon ang ideyang napagsosolo sina Amery at Gab sa loob ng bahay. At dahil doon, pakiramdam niya ay nanla
"Tsk. Amery, magagalit ako kapag tinapatan mo ng pera 'yan. Masasaktan ang puso ko." Kumurba ang mga labi ni Gab habang hinihimas ang kanyang dibdib. "Gustong-gusto ko talaga ang mga likha ni Logan. As a matter of fact, plano ko talagang pumunta sa abroad ngayong taon para makabili ng isa... pero h
"Amery, may dala akong regalo para sa'yo. Hindi kita nakita kaninang umaga, kaya naman gusto kong ibigay nang personal sa'yo ito ngayong gabi." "Mr. Olivarez, akala ko ba ay nagkakaintindihan na tayo? I appreciate your kindness, pero hindi ko matatanggap 'yan." pasimpleng tanggi ni Avrielle. "Nags
Mabilis na lumilipas ang mga araw at nalalapit na rin ang kaarawan ni Don Simeon. Maisip pa lang ni Avrielle na malapit na niyang mapasa-kamay ang divorce certificate, ay napupuno na ang puso niya ng halo-halong emosyon. Noong ikinasal sila ni Brandon, wala silang malaking handaan at hindi man lang
Makalipas ang tatlumpung minuto, ay bumaba na si Brandon at nakabihis na ito ng pambahay na damit. Kasunod nito ang mayordomang si Aling Elena habang pababa ng hagdan. Hindi pa man siya tuluyang nakakababa, ay naririnig na niya ang halakhakan ng tatlong babae mula sa sala. "Mukhang kailangan nang
Matapos magsalita ni Brandon, ay natigilan siya. Wala siyang ebidensya, ngunit naisip niyang mas mainam nang ganoon ang iniisip niya sa dating asawa. Katunayan, hiniling pa nga niyang sana'y gawin na lang talaga ni Amery ang bagay na 'yon para kahit papaano ay mawala-wala ito sa sistema niya. "Mas