Mabilis na naglalakad palayo si Avrielle habang nakasimangot ang kanyang mukha. Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang pakikialam ng dati niyang asawa, at tila maruming langaw itong pilit na dumadapo sa isang masarap na cake. At dahil doon, talagang nasira ang mood niya. "Hey!" Napatigil siya nang
Isang pambihirang pagkakataon na ang dalawang Centurion black cards ay tila nagtatagisan nang dahil lang sa isang kwintas! Napatingin ang salesman sa dalawang black card na nasa kanyang harapan, at hindi ito makapagsalita sa takot na magkamali ng sasabihin. "Mga Sir... Isang kwintas na lang po kas
Kasing bilis ng hangin ang naging paglalakad ni Avrielle habang patungo siya sa parking lot. "Amery! Amery!" Nang abutan siya ni Gab ay agad siyang napalingon nang hawakan nito ang palapulsuhan niya. Hindi siya makatingin dito nang diretso dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata. "Anong nangy
Nakaramdam ng matinding takot si Gab dahil sa nakitang panlilisik ng mga mata ni Brandon. Ngayon lang niya nakitang nagalit nang ganito ang kaibigan. Kahit naman noong iniwan ito noon ni Samantha upang magtungo sa abroad, ay hindi ito naging ganito. Sa tooto lang, half-joke lang naman ang sinabi ni
"Kung hindi seryoso ang isang pagmamahal, hindi ka magdurusa. Kung hindi naman iyon malalim, ay hindi ito muling mabubuhay. Avrielle, hangga't tumitibok ang puso ng tao, hinding-hindi ito mawawalan ng kakayahang magmahal." Bahagyang yumuko si Anton at sinalubong ang mga mata ng kapatid. "Huwag kang
"Kuya Armand!" Bungad ni Avrielle nang sagutin ang kanyang cellphone. "Avrielle! Bakit ba napakahirap mong tawagan? Busy ka ba?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Armand nang magsalita. Napakunot naman ang noo ni Avrielle. "May nangyari ba?" "Tumawag na ba sa'yo si Alex?" "Hindi. Ano bang ibig mo
"Anong tingin mo sa sarili mo, Gab? Tanga ka ba?" Kinusot ni Brandon ang nanlalabo niyang mga mata at saka itinaas ang isang sulok ng kanyang labi. Walang lingon-likod niyang tinungo ang kanyang sasakyan. "Mr. Ricafort, tapos na po ang press conference. Mas dumami po ang negative comments ngayon ka
Nang oras na marinig ni Brandon ang mga salitang iyon, ay mabilis pa sa alas kwatrong gumalaw ang lalaki patungo sa kanya. Sa kagustuhan ni Alex na pilayan siya, ay sinigurado nitong malakas at sigurado ang bawat suntok na pinawalan nito sa katawan niya. Nagdilim ang kanyang mga mata, at siya'y kagy
"Binili ba ni Anton ang villa para sa'yo?" Mula sa tagiliran ay sumulyap si Brandon kay Avrielle. Nasa tono nito ang panlalamig. Napahalukipkip naman si Avrielle at nanggigigil na tumanaw sa bintana. "Paano namang ang isang promding katulad ko ay ma-aafford na magkaroon ng malaking bahay? Syempre,
Malakas na hangin, malakas na ulan, matatalim na kidlat. Kunga tama ang pagkakatanda ni Avrielle, ay kasalukuyang nakatayo si Brandon sa ilalim ng isang puno. Ngunit ang masama, ay habang naroroon ito, ay tumatawag pa ito sa kanya. Gusto yata nitong maging isang kwento na lang at maagang tumagos sa
Biglang dumagundong ang kalangitan at kasunod noon ay ang pagguhit ng matalas na kidlat sa mga ulap. Mukhang uulan na ng malakas. "Halika na, ipagpatuloy na natin ang pagkain. Huwag na natin siyang intindihin." pag-iiba ng usapan ni Avrielle upang kahit papaano ay maalis ang nararamdaman niyang ga
Wala pang tatlumpung minuto, ay naroon na sa harap ng villa ni Avrielle ang sasakyan ni Brandon. Binaba niya ang salaming bintana, at tumingin sa malamlam na ilaw sa labas. Sa kanyang isipan ay naroon ang ideyang napagsosolo sina Amery at Gab sa loob ng bahay. At dahil doon, pakiramdam niya ay nanla
"Tsk. Amery, magagalit ako kapag tinapatan mo ng pera 'yan. Masasaktan ang puso ko." Kumurba ang mga labi ni Gab habang hinihimas ang kanyang dibdib. "Gustong-gusto ko talaga ang mga likha ni Logan. As a matter of fact, plano ko talagang pumunta sa abroad ngayong taon para makabili ng isa... pero h
"Amery, may dala akong regalo para sa'yo. Hindi kita nakita kaninang umaga, kaya naman gusto kong ibigay nang personal sa'yo ito ngayong gabi." "Mr. Olivarez, akala ko ba ay nagkakaintindihan na tayo? I appreciate your kindness, pero hindi ko matatanggap 'yan." pasimpleng tanggi ni Avrielle. "Nags
Mabilis na lumilipas ang mga araw at nalalapit na rin ang kaarawan ni Don Simeon. Maisip pa lang ni Avrielle na malapit na niyang mapasa-kamay ang divorce certificate, ay napupuno na ang puso niya ng halo-halong emosyon. Noong ikinasal sila ni Brandon, wala silang malaking handaan at hindi man lang
Makalipas ang tatlumpung minuto, ay bumaba na si Brandon at nakabihis na ito ng pambahay na damit. Kasunod nito ang mayordomang si Aling Elena habang pababa ng hagdan. Hindi pa man siya tuluyang nakakababa, ay naririnig na niya ang halakhakan ng tatlong babae mula sa sala. "Mukhang kailangan nang
Matapos magsalita ni Brandon, ay natigilan siya. Wala siyang ebidensya, ngunit naisip niyang mas mainam nang ganoon ang iniisip niya sa dating asawa. Katunayan, hiniling pa nga niyang sana'y gawin na lang talaga ni Amery ang bagay na 'yon para kahit papaano ay mawala-wala ito sa sistema niya. "Mas