Isang malaking kaguluhan ang nasangkutan ng mga Gonzaga. Bumagsak ang kanilang reputasyon at ang halos lahat ng kanilang mga tindahan ay wala nang laman. Ang pinakamasaklap pa, hindi na rin nakialam pa si Brandon. Kung hindi nila magagawan ng solusyon ang kanilang problema at maubos na ang perang b
Nakasuot ng sunglasses si Gab, at ang babae naman ay mababakas sa mga mata ang pagkainip. Sa isip-isip naman ni Gab ay naroon ang paghanga niya para kay Avrielle. Hindi niya inasahan na ang magandang babaeng tulad nito na maraming nagkakagusto, ay tumutulong sa mga tauhan upang magbuhat ng mga matt
Nag-iisang naglalakad patungo sa western restaurant si Avrielle. Nakita niya si Gab Olivarez at palihim siyang nabigla ngunit pinanatili niyang kalmado ang kanyang ekspresyon. Tatlong taon silang kasal ni Brandon ngunit inabandona lang siya nito at ginawa lang dekorasyon. Ni minsan ay hindi siya ni
Mula sa seryosong pagsimsim ni Avrielle sa kanyang kape ay nakuha ang atensyon niya ng babaeng kasama ni Gab kanina. Nasa harapan na pala niya ito at tila nagbabagang apoy ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Itinaas ni Avrielle ang isang kilay niya at tinakpan ng isang kamay ang kanyang ilong.
"Madrigal Empire! Western restaurant!" Nagmamadaling bumalik si Gab sa loob ng restaurant. At nang buksan niya ang pintuan, nagulantang siya sa eksenang nabungaran niya. Nakita niyang gigil na hinihila ng kaliwang kamay ni Amery ang buhok ng babaeng kasama niya kanina at inuuntog ang ulo nito sa l
Isang collector ng mga relo si Gab, kaya naman agad niyang napansin ang Patek watch na suot ni Amery sa kanyang pulso. Hindi niya napigilang mapahanga nang mapansing global limited edition iyon. Naisip niyang si Anton Madrigal pala ay galante sa kanyang girlfriend, bagay na hindi kayang gawin ni Ga
Halos manggalaiti si Brandon sa sobrang galit kay Avrielle. "Gusto mo ba akong inisin o galitin? Bakit hindi mo na lang kaya ako sampalin?" Biglang nataranta si Gab. Aaluin na sana niya si Avrielle nang magsalita ito ng malumanay. "Ano bang sa tingin mo, Brandon?" Dahan-dahan itinapat ni Avriell
"Kailangan na kitang dalhin sa ospital. Hindi pwedeng patagalin 'yang dislocation mo." Walang ekspresyon na mababakas sa mukha ni Brandon maliban sa mga mata niyang nandidilim. "Bitawan mo nga ako, Brandon! Noong kasal nga tayo ay walan kang pakialam sa'kin... kaya ngayong divorce na tayo, wala kan
Biglang dumagundong ang kalangitan at kasunod noon ay ang pagguhit ng matalas na kidlatnsa kalangitan. Mukhang uulan na ng malakas. "Halika na, ipagpatuloy na natin ang pagkain. Huwag na natin siyang intindihin." pag-iiba ng usapan ni Avrielle upang kahit papaano ay maalis ang nararamdaman niyang g
Wala pang tatlumpung minuto, ay naroon na sa harap ng villa ni Avrielle ang sasakyan ni Brandon. Binaba niya ang salaming bintana, at tumingin sa malamlam na ilaw sa labas. Sa kanyang isipan ay naroon ang ideyang napagsosolo sina Amery at Gab sa loob ng bahay. At dahil doon, pakiramdam niya ay nanla
"Tsk. Amery, magagalit ako kapag tinapatan mo ng pera 'yan. Masasaktan ang puso ko." Kumurba ang mga labi ni Gab habang hinihimas ang kanyang dibdib. "Gustong-gusto ko talaga ang mga likha ni Logan. As a matter of fact, plano ko talagang pumunta sa abroad ngayong taon para makabili ng isa... pero h
"Amery, may dala akong regalo para sa'yo. Hindi kita nakita kaninang umaga, kaya naman gusto kong ibigay nang personal sa'yo ito ngayong gabi." "Mr. Olivarez, akala ko ba ay nagkakaintindihan na tayo? I appreciate your kindness, pero hindi ko matatanggap 'yan." pasimpleng tanggi ni Avrielle. "Nags
Mabilis na lumilipas ang mga araw at nalalapit na rin ang kaarawan ni Don Simeon. Maisip pa lang ni Avrielle na malapit na niyang mapasa-kamay ang divorce certificate, ay napupuno na ang puso niya ng halo-halong emosyon. Noong ikinasal sila ni Brandon, wala silang malaking handaan at hindi man lang
Makalipas ang tatlumpung minuto, ay bumaba na si Brandon at nakabihis na ito ng pambahay na damit. Kasunod nito ang mayordomang si Aling Elena habang pababa ng hagdan. Hindi pa man siya tuluyang nakakababa, ay naririnig na niya ang halakhakan ng tatlong babae mula sa sala. "Mukhang kailangan nang
Matapos magsalita ni Brandon, ay natigilan siya. Wala siyang ebidensya, ngunit naisip niyang mas mainam nang ganoon ang iniisip niya sa dating asawa. Katunayan, hiniling pa nga niyang sana'y gawin na lang talaga ni Amery ang bagay na 'yon para kahit papaano ay mawala-wala ito sa sistema niya. "Mas
"Siguro nga po..." pabulong na sang-ayon naman ng mananayaw. Malamig ang mukha ni Avrielle nang tanguan niya si Wynona. "Kakastiguhin ko lang ang isang ito. Huwag kang mag-alala, hindi ako sasaktan n'yan." Halos bulungan lang naman ang usapan ng dalawang babae, ngunit bawat salita ng mga ito ay ma
Matapos magsayaw, ay naghawak-kamay at sabay na nag-bow sina Avrielle at ang lalaking kapareha niya. Hindi man masasabing isang formal stage ang kanilang kinatatayuan, at nasa isang private cocktail party lang sila, pero sa mahusay nilang pagsayaw, ay tila paulit-ulit na nag-elevate ang lugar kaya