Ilang oras nang pabiling-biling sa kanyang higaan si Avrielle, ngunit hindi pa rin siya nakakatulog.Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata, ay nakikita niya ang imahe ng gwapong mukha ni Brandon sa kanyang isipan. Hanggang ngayon ay tila nararamdaman pa rin niya ang mainit na palad nito sa kanyang beywang, at naging dahilan iyon ng hindi maipaliwanag na init na unti-unting tumutupok sa kanyang kaibuturan.Mula sa pagkakahiga, ay bigla siyang umupo. Nababalot ng pawis ang kanyang noo at abnormal din ang kanyang paghinga. Pakiramdam din niya ay pulang-pula ang kanyang mga pisngi.Pino-proseso na ang kanilang divorce, kaya't nagtataka siya kung bakit nakakaramdam pa siya nang ganoong damdamin sa kanyang dating asawa.Matapos ang mahaba-habang pagmumuni-muni, ay nakatulog na rin si Avrielle. Ngunit makalipas lang ang dalawang oras ay nagising na rin siya.Tumayo na siya sa kanyang kinahihigaan at nagdesisyong lumabas at mag-kayak para naman mawala ang mga nararamdamang bumabagabag
Makahulugan ang mga sinabi ni Gab, ngunit tila lumalampas na ito sa linya. Ngunit ano pa nga ba ang i-eexpect sa isang Gab Olivarez na kilalang eksperto sa pagiging isang babaero?"Gusto mo talagang mabalian ng mga buto, no?" Nagtatagis ang mga ngiping tanong ni Avrielle, habang pinupukol ng masamang tingin ang lalaking kaharap.Bigla namang napaatras si Gab. Nagdalawang hakbang siya palayo at nagkunwaring isa siyang inosente. "Ikaw naman... Hindi ka naman mabiro. Ganyan ka ba kawalang-puso, Amery? Kung tutuusin, ako ng ang biktima rito. Minura mo ako, ginulpi mo pa ako, tapos minantsahan mo pa 'tong damit ko. Makikipagkita pa naman ako sa Mommy ko. Hindi naman siguro magandang makita niya ako sa ganitong kalagayan. Kung mamarapatin mo, pwede mo ba akong tulungang makapagpalit ng damit?"Naramdaman naman ni Avrielle na tila napasobra yata siya sa pagtrato sa lalaki. After all, kung ikukumpara ito kay Brandon na tila bulag pagdating sa kanya, ay mahilab-hilab naman itong si Gab. Noong
Ilang metro mula sa kinaroroonan nina Brandon, ay naroon sina Avrielle at Gab na magkatabing naglalakad patungo sa kinaroroonan nila.Kahit malayo pa, kapansin-pansin ang pagiging matangkad at kagandahang lalaki ni Gab, samantalang si Avrielle naman ay nakakasilaw ang angking kagandahan. Kung titignang maigi, bagay na bagay ang dalawa para sa isa't-isa.Sa tanawing iyon, ay napakibot-kibot ang mga labi ni Brandon lalo na nang makitang may tangang shopping bag si Gab. Sumagi tuloy sa isipan niya na mukhang magkasama pa yatang nagshopping ang dalawa.Samantala, hindi naman nakita ni Avrielle sina Brandon at Samantha. Busy kasi siya sa pakikinig ng mga jokes ni Gab. Sa katunayan, ay panay pa nga ang tawa niya habang nakikipagbiruan sa lalaki.Si Gab naman ay hindi rin aware sa presensya nina Brandon, kung hindi nga lang natutok ang paningin niya sa kinaroroonan ng mga ito. Sa pagkabigla tuloy ay halos manlaki ang kanyang mga mata."Luh, bakit na nandito, Brandon?"Sa pagkakataong iyon,
Mabilis na naglalakad palayo si Avrielle habang nakasimangot ang kanyang mukha. Hindi pa rin maalis sa isipan niya ang pakikialam ng dati niyang asawa, at tila maruming langaw itong pilit na dumadapo sa isang masarap na cake. At dahil doon, talagang nasira ang mood niya."Hey!" Napatigil siya nang may tumawag sa kanya."Hintayin mo ako!" Sigaw pa rin ni Gab habang nagniningning ang mga singkit na mata."Bad mood na ako. Maglabas ka pa nga ng mga jokes mo r'yan at gusto ko lang matawa."Hindi malaman ni Gab kung iiyak ba siya, o ano. "Wala namang problema. Pero kung gusto mong mag-enjoy, bakit kaya hindi tayo magpunta sa bar ko mamayang gabi?""Ayoko. Hindi ako nakikipag-inuman sa mga lalaking hindi ko gaanong kakilala." Malamig na tumingin si Avrielle kay Gab. "Besides, lagi ka na lang dumidikit sa akin. Hindi ka ba natatakot na masira ang friendship ninyo ni Brandon?""Tang'na! Hiwalay na kayo. Kahit hindi pa tapos ang proseso ng divorce n'yo, papunta na rin iyon do'n. Hindi ko naman
Isang pambihirang pagkakataon na ang dalawang Centurion black cards ay tila nagtatagisan nang dahil lang sa isang kwintas!Napatingin ang salesman sa dalawang black card na nasa kanyang harapan, at hindi ito makapagsalita sa takot na magkamali ng sasabihin."Mga Sir... Isang kwintas na lang po kasi ang natitira."Nag-aalalang napatingin si Samantha kay Avrielle."Iisa na nga lang, kaya nga bibilhin ko na." sagot naman ni Brandon.Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Samantha dahil tila mananalo siya sa pagkakataong ito. Sa katunayan, ay hinihintay na lang niyang iabot sa kanya ng salesman ang kwintas.Naitikom nang mahigpit ni Avrielle ang kanyang mga labi nang makita ang paghahangad sa mga mata ni Brandon para sa kwintas. Naramdaman tuloy niya ang pagbalong ng lungkot sa kanyang puso. Tiyak naman na basta't gusto ni Samantha, ay ibibigay iyon ng lalaki. At pagdating sa nararamdaman niya, kahit kailan ay wala itong pakialam."Huwag mong pansinin 'yan! I-swipe mo na ang card ko at baluti
Kasing bilis ng hangin ang naging paglalakad ni Avrielle habang patungo siya sa parking lot."Amery! Amery!"Nang abutan siya ni Gab ay agad siyang napalingon nang hawakan nito ang palapulsuhan niya. Hindi siya makatingin dito nang diretso dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata."Anong nangyari sa'yo? Dahil ba 'yan kay Brandon?" Nakaramdam ng bahagyang pagbabara ng lalamunan si Gab. Bigla siyang na-guilty kaya naman kinabakasan ng pag-aalala ang kanyang tinig. "I'm sorry... Hindi ko alam na pupunta siya rito sa mall. Kung alam ko lang, hindi sana kita dinala rito."Nasa isip pa rin ni Avrielle ang kahon na binibigay sa kanya ni Brandon kanina. At dahil doon, bahagya siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso. Hindi niya kailangan ng compensation at hinding-hindi niya iyon tatanggapin."Gab..." Bahagyang iniyuko ni Avrielle ang kanyang ulo at inalis sa kanyang makinis na leeg ang kwintas. Kinuha niya ang kamay ni Gab at inipit sa palad nito ang alahas. "Sa iyo 'to. Salamat sa pag
Nakaramdam ng matinding takot si Gab dahil sa nakitang panlilisik ng mga mata ni Brandon. Ngayon lang niya nakitang nagalit nang ganito ang kaibigan. Kahit naman noong iniwan ito noon ni Samantha upang magtungo sa abroad, ay hindi ito naging ganito.Sa tooto lang, half-joke lang naman ang sinabi ni Gab. Ganoon naman talaga ang lalaki. Mayaman ito, makapangyarihan, at may masamang bibig. Minsa'y pinagtatawanan pa nga nito at kinukutya si Brandon. Iniinis lang naman niya ang kaibigan, ngunit hindi niya inaasahan na matatapakan niya ang 'minefield' nito. At ang 'minefield' palang iyon ay ang dati nitong asawa.Namutla ang mukha ng bartender dahil sa takot sa kanyang nasaksihan. Ilang tao ba naman ang pwedeng makakita na ang dalawa sa mayayamang lalaki ng bansa ay nagsusunggaban ng kwelyo?"Brandon... m-mahal mo ba si Amery?" nanghihinang tanong ni Gab nang bitawan ni Brandon ang kwelyo niya.Dito napagtanto ni Brandon na tinamaan siya ng kalasingan. Malakas na malakas ang tibok ng puso n
"Kuya Armand!" Bungad ni Avrielle nang sagutin ang kanyang cellphone."Avrielle! Bakit ba napakahirap mong tawagan? Busy ka ba?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Armand nang magsalita.Napakunot naman ang noo ni Avrielle. "May nangyari ba?""Tumawag na ba sa'yo si Alex?""Hindi. Ano bang ibig mong sabihin, Kuya?"Malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Armand bago ito muling nagsalita. "Nag-inuman kasi kami kagabi. Lasing na lasing kaming pareho. Pagkatapos, may mga binitawan kasi siyang mga salita, eh.Pakiramdam ni Avrielle ay saglit na tumigil ang tibok ng puso niya. Minsan kasi, ang Kuya Alex niya ay may toyo o sumpong. Kapag lasing ito at mayroong sinabi, asahan mong kinabukasan ay gagawin nito kung anuman ang sinabi nito. Kung ang ibang lasing ay hindi na matandaan ang pinagsasasabi kinabukasan, iba ang Kuya Alex niya. Ang ganoong kataas na memorya nito ay isang kasanayan ng isang nangungunang agent."Ano ba kasing sinabi niya?" Nagsisimula nang kabahan si Avrielle."Ang sa
Matapos magsayaw, ay naghawak-kamay at sabay na nag-bow sina Avrielle at ang lalaking kapareha niya.Hindi man masasabing isang formal stage ang kanilang kinatatayuan, at nasa isang private cocktail party lang sila, pero sa mahusay nilang pagsayaw, ay tila paulit-ulit na nag-elevate ang lugar kaya naging top-notch party iyon.Hindi nakalampas sa pandinig ni Samantha ang mga papuri at magagandang salita ng mga tao patungkol kay Amery. Kaya naman, nag-aalab ang selos at inggit sa kanyang mga mata.Noong medyo bata-bata pa siya, ay magaling siyang mag-piano, magaling din siyang kumanta at sumayaw, at madali para sa kanya ang makatanggap ng iba't-ibang parangal. Ngunit kalaunan, noong siya'y nasa abroad, ay na-focus siya sa paghahanap ng mga lalaki para masiyahan ang kanyang sekswal na pagnanasa at magsaya. Kaya naman ngayon, masasabi niyang napakahusay na niya sa kama, ngunit kasabay noon ay nakalimutan na niya ang iba pa niyang mga talento."Nakakabigla naman, honey. Napakagaling palan
Habang nasa party, ay nanatiling nakatayo si Brandon na mayroong malamig na awra. Ang suot niyang itim na suit at leather shoes ay bumabalangkas sa kaakit-akit na linya ng kanyang mga kalamnan. Ang kanyang materyalistikong kagwapuhan ay umani ng paningin ng mga kababaihang naroroon. Samantala, si Samantha naman ay tila asong nagbabantay sa kanyang pagkain. Isa-isa niyang tinitigan nang masama ang lahat ng nahuhuli niyang nakatingin kay Brandon. Kung hindi nga lang niya talagang sinadya si Wynona para mag design ng mga susuotin nilang pangkasal, ay hinding-hindi niya dadalhin si Brandon sa ganitong pagtitipon. Ganunpaman, nananatiling iniignora ni Brandon ang mga nasa paligid niya, ngunit hindi niya namamalayan ang paggagala ng kanyang mga mata na tila may hinahanap sa buong paligid. "Nandito na ulit si Ms. Wynona!" Nang makitang muling lumitaw ang babae, ay kinakabahang hinila ni Samantha ang manggas ng suot na suit ni Brandon. "Honey, puntahan ulit natin siya... Kausapin n
Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan.Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay nagtimpla si Wynona ng isang special na tsaa para sa kanilang dalawa. Naglabas rin siya ng mga pastries na gawa pa ng isang sikat na pastry chef sa ibang bansa. Hindi niya 'yon pinahanda para sa mga bisita sa ibaba dahil tanging kay Avrielle lang niya gustong ipatikim ang mga 'yon."For you, my boss lady.""Hmm... Mukhang mamahalin 'to, ah? Mabango at masarap ang lasa. Hindi rin siya mapakla." Nakangiting puri ni Avrielle matapos sumimsim ng mainit na tsaa. Sa kanyang mga kilos, ay hindi maikakailang isa siyang respetado at kagalang-galang na babae."Wow, mabuti naman at nagustuhan mo." Natawa si Wynona. Sa iba, ang pinapakita niyang ugali ay may pagkamalamig at masu
"Hello, Ms. Wynona! Ako nga pala si Samantha Gonzaga, ang fiancé ni Mr. Ricafort." Matapang na lumapit si Samantha kay Wynona upang makipag handshake.Ngunit sa hindi inaasahan, ay biglang umiwas si Wynona. Hinila pa nito si Avrielle paatras na tila nakakita ng nakakadiring bagay."Hindi ko matandaan na may inimbata akong Samantha Gonzaga rito.""H-Huh?""Hindi ko alam kung kanino ka nakakuha ng invitation, pero hindi talaga kita inimbita rito. Isang private party 'to at hindi pwede ang outsiders kaya makakaalis ka na." Masungit na pahayag ni Wynona. Sa narinig ay biglang namutla ang mukha ni Samantha dahil sa sobrang pagkapahiya. Bigla niyang hinila ang damit ni Brandon na tila nagpapasaklolo."Ms. Wynona, hindi namin alam na isa pala itong private party, we're very sorry. Sa totoo lang, gustong-gusto ng fiancé ko ang mga designs mo, at matagal ka na niyang hinihintay na makauwi rito sa bansa para makilala ka. Therefore, umaasa po ako na maiintindihan n'yo ang nangyari ngayon." Nagp
Nang makita ni Samantha ang napakagandang presensya ni Amery, ay halos magliyab siya sa galit. Ang buong akala niya, kapag nagsuot siya ng damit na pula, ay sa kanya matutuon ang atensyon ng mga tao. Ngunit nang dumating ang babae sa kulay asul na kasuotan, ay bigla nitong inangkin ang limelight kaya tuloy hindi na siya naging kapansin-pansin.Si Brandon naman ay gumulong pababa at paitaas ang Adam's apple dahil sa sobrang pagkabigla. Gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin, ay hindi niya magawa. Ganunpaman, wala pang isang saglit, ay nakalampas na sa kanya si Amery nang hindi man lang siya pinansin. Bumakas tuloy ang lungkot sa kanyang mukha at ang kanyang puso ay nakaramdam ng bahagyang kirot."Oh, Amery! Hindi ko inaasahan na makakakuha ka ng invitation mula sa party na 'to... Nahirapan ka ba?" nanunuyang saad ni Samantha. "Syempre nahirapan ako." Umarko ang isang sulok ng bibig ni Avrielle. "Ang alam ko, ang mga na-invite lang sa party na ito ay ang mga taong malalapit lang kay Ms
"Totoo ba 'yang nabalitaan mo?" Muling tumalim ang mukha ni Brandon."Ako na po mismo ang nagkumpirma, Sir. Nakipag-ugnayan ako sa ahente ni Ava Wey kahapon, at nasabi nga niya sa akin ang tungkol sa pakikipag-ugnayan rin sa kanila ni Ms. Madrigal. Kinumpirma rin po nila sa akin na talagang gustong makipagkumpetensya ng Madrigal Empire sa Ricafort Hotel." Habang nagsasalita ay unti-unting humihina ang tinig ni Xander dahil sa nakikitang pandidilim ng anyo ni Brandon."Ano pa ang nalaman mo?""Sinabi rin po sa'kin ng ahente na bagamat ang Ricafort Hotel ay isa sa may magandang reputasyong hotel sa bansa, kino-consider rin po nila ang Madrigal Empire dahil naging maingay raw po ang hotel na iyon nitong mga nakaraang araw. Kaya ang sabi po nila, titignan nila kung sino ang may mas magandang plano, at kung sinuman ang makakapagbigay ng magandang kundisyon, ay doon po sila makikipag-collaborate."Sa narinig ay malakas na nahampas ni Brandon ang ibabaw ng lamesa.Akala niya ay si Amery lang
Ang masakit na katotohanang iyon ay pilit na ikinubli ni Avrielle sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Magmula nang makunan siya two years ago, kahit minsan ay hindi na siya nangahas na dumaan sa anumang tindahan na nagbebenta ng mga gamit ng bata. Ayaw na rin niyang makarinig ng tungkol sa pagbubuntis at mga sanggol. At kapag nakakakita siya ng mga pictures at videos ng mga baby sa magazines at TV, ay bumabalik ang kirot sa puso niya na mag-isa lang niyang iniinda.Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang malamig na gabing iyon ng bisperas ng Pasko. Nagmamaneho siya noon ng sasakyan kasama si Don Simeon para manood sana sa isang parke ng fireworks display. Ngunit sa hindi inaasahan, ay nagkaroon ng aksidente at nadamay sila sa nagkarambolang mga sasakyan sa kalsada. Para agad na mailigtas si Don Simeon, ay inignora niya ang nararamdamang sakit ng katawan at pinilit niyang magmaneho papuntang ospital para malapatan ng agarang lunas ang matanda.Nang panahon na iyon, ay nagba
Nang makaalis si Alex, ay nanatili sa hardin si Avrielle upang mapag-isa at makapag-isip-isip.Mayamaya ay nagpasya siyang i-chat ang tatlong madrasta niya upang kausapin ang mga ito roon sa hardin.Makalipas lang ang ilang sandali, ay nakita na niyang papalapit ang tatlong babae sa kanyang kinaroroonan. Kung dati ay maiingay ang mga ito kapag magkakasama, ngayon ay tahimik ang mga ito na tila mga napipi sa harapan niya."Mayroon po ba kayong dapat na ipaliwanag sa akin?"Nakahalukipkip na nakaupo si Avrielle sa may pavillion habang seryosong nakatingin sa tatlo. Nagmistula tuloy siyang isang principal na handang manermon ng maiingay na estudyante.Nananatiling tahimik si Lily Rose at ganoon din si Rona. Si Gertrude lang ang mag-isang nagsalita."Bakit mo naman naitanong, Avrielle?"Napahawak si Avrielle sa kanyang noo dahil sa depresyon. Talaga nga namang ang brain circuit ni Gertrude ay tuwid pa kaysa sa isang tuwid na lalaki!"Tinuruan n'yo po ni Tita Lily Rose si Brandon ng leksyo
Nang makabalik sila sa loob ng mansyon, ay agad nahubad ang pagkukunwari ni Avrielle. Kung kanina'y pagiging malakas ang kanyang ipinakita, ngayon ay napalitan iyon ng kahungkagan ng kanyang kalooban. Agad bumakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na lungkot.Hindi maalis sa isipan niya ang nasirang jade bracelet na ibinibigay ni Brandon kanina na siyang nagbibigay ng pait sa puso niya ngayon.Alam naman niyang pinagtatangol lang siya ng mga madrasta niya... pero hindi niya maiwasang isipin na sumobra naman yata ang dalawa. Ang naging pagtrato ng mga ito kanina kay Brandon ay maihahalintulad sa isang basura."Avrielle!"Mula sa malalim na pag-iisip, ay napukaw ng malakas na tinig ni Armand ang pansin ni Avrielle. Hinihingal itong tumatakbo papalapit sa kanya."Nagpang-abot na naman sina Dad at Alex! Nagkasakitan na silang dalawa!"Mula sa likod ng bahay, ay nakita nilang mabilis na naglalakad si Alex patungo sa nakaparada nitong Lamborghini. Madilim at malamig ang awra nito."Ku