Share

Chapter 103

Author: inKca
last update Huling Na-update: 2025-01-18 16:28:48

Nakaramdam ng matinding takot si Gab dahil sa nakitang panlilisik ng mga mata ni Brandon. Ngayon lang niya nakitang nagalit nang ganito ang kaibigan. Kahit naman noong iniwan ito noon ni Samantha upang magtungo sa abroad, ay hindi ito naging ganito.

Sa tooto lang, half-joke lang naman ang sinabi ni Gab. Ganoon naman talaga ang lalaki. Mayaman ito, makapangyarihan, at may masamang bibig. Minsa'y pinagtatawanan pa nga nito at kinukutya si Brandon. Iniinis lang naman niya ang kaibigan, ngunit hindi niya inaasahan na matatapakan niya ang 'minefield' nito. At ang 'minefield' palang iyon ay ang dati nitong asawa.

Namutla ang mukha ng bartender dahil sa takot sa kanyang nasaksihan. Ilang tao ba naman ang pwedeng makakita na ang dalawa sa mayayamang lalaki ng bansa ay nagsusunggaban ng kwelyo?

"Brandon... m-mahal mo ba si Amery?" nanghihinang tanong ni Gab nang bitawan ni Brandon ang kwelyo niya.

Dito napagtanto ni Brandon na tinamaan siya ng kalasingan. Malakas na malakas ang tibok ng puso n
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
AncunaWell58425
linggo Ngayon author damihan mnang updates agahn m nmn ung updates nito damihan mopa
goodnovel comment avatar
Rubina Mantukay Pa
nice story...more updated
goodnovel comment avatar
Sarra Hernandez
paisa.isa.author ang update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 104

    "Kuya Armand!" Bungad ni Avrielle nang sagutin ang kanyang cellphone."Avrielle! Bakit ba napakahirap mong tawagan? Busy ka ba?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Armand nang magsalita.Napakunot naman ang noo ni Avrielle. "May nangyari ba?""Tumawag na ba sa'yo si Alex?""Hindi. Ano bang ibig mong sabihin, Kuya?"Malalim na buntong-hininga ang pinawalan ni Armand bago ito muling nagsalita. "Nag-inuman kasi kami kagabi. Lasing na lasing kaming pareho. Pagkatapos, may mga binitawan kasi siyang mga salita, eh.Pakiramdam ni Avrielle ay saglit na tumigil ang tibok ng puso niya. Minsan kasi, ang Kuya Alex niya ay may toyo o sumpong. Kapag lasing ito at mayroong sinabi, asahan mong kinabukasan ay gagawin nito kung anuman ang sinabi nito. Kung ang ibang lasing ay hindi na matandaan ang pinagsasasabi kinabukasan, iba ang Kuya Alex niya. Ang ganoong kataas na memorya nito ay isang kasanayan ng isang nangungunang agent."Ano ba kasing sinabi niya?" Nagsisimula nang kabahan si Avrielle."Ang sa

    Huling Na-update : 2025-01-19
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 105

    Nang oras na marinig ni Brandon ang mga salitang iyon, ay mabilis pa sa alas kwatrong gumalaw ang lalaki patungo sa kanya. Sa kagustuhan ni Alex na pilayan siya, ay sinigurado nitong malakas at sigurado ang bawat suntok na pinawalan nito sa katawan niya. Nagdilim ang kanyang mga mata, at siya'y kagyat na yumuko. Halos hindi siya makaiwas dahil masyadong mabilis ang mga naging kilos."Dalawang suntok pa lang 'yon!" Napapikit pa si Alex habang may bakas ng panunuya ang tinig.Hindi nakatakas sa paningin ni Brandon ang pag-aapoy ng mga mata ng lalaki kaya't naging sunud-sunod ang naging paghinga niya.Ilang taon na mula nang magretiro siya sa military. Bagama't hindi siya tumitigil sa pagwo-work out, ngunit hindi sapat iyon dahil matagal na panahon na siyang hindi nakikipaglaban. Nagre-rely na lang siya sa kanyang excellent basic skills at muscle memory.Nagpatuloy ang labanan ng dalawa. At dito, napagtanto ni Brandon na tila pamilyar ang bawat paggalaw ng kalaban. May mga bakas kasi ito

    Huling Na-update : 2025-01-21
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 106

    "Luh? Okay ka lang, Gab?" Tila gustong matawa ni Avrielle dahil sa narinig. "Ikaw talaga, Mr. Olivarez... Mukhang naparami ang baon mong jokes ngayon, huh?""Hindi ako nagbibiro, Amery. Seryoso ako." Parang gustong mapikon ni Gab at gusto niyang yugyugin ang mga balikat ni Amery, ngunit nagpigil siya dahil naalala niyang may injury ito roon."Mr. Olivarez, sa pagkakatanda ko, nagkalinawan na tayo tungkol dito, 'di ba? Gusto mo pa bang ulitin ko ang mga hindi magandang nasabi ko para lalo mong maintindihan?""Oo na nga... Alam ko namang basted na ako sa'yo." Matamang tinitigan ni Gab si Avrielle at pagkatapos ay mapait na napangiti. "Alam ko rin namang kayo na ni Anton Madrigal. Pero gusto ko lang sabihin sa'yo, na kahit anong mangyari, nandito lang ako palagi sa likod mo. Wala akong pakialam kung maging reserba mo lang ako, o maging isang kabit."Hindi malaman ni Avrielle kung ano ang ire-react niya. Inakala pa yata ni Gab na isa siyang playgirl!Ganunpaman, aliw na aliw siya sa phoen

    Huling Na-update : 2025-01-22
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 107

    Ilang segundo lang mula nang galit na galit na lumabas ng kwarto si Avrielle, ay pumasok naman si Gab."Nag-away ba kayo? Dinig na dinig ko kayo sa labas." Nagtatakang tinitigan ni Gab ang kaibigan, ngunit nang mapansin ang marka ng lipstick sa gilid ng labi nito, ay tila gusto niyang maiyak. "F-Fvck you, Brandon!"Nakagat ni Brandon ang kanyang labi. Biglang nawala ang kanyang pagkalasing.Kailanman ay hindi pa siya nakipaghalikan sa babae nang siya ang nauuna. Sa dalawang beses na lumapat ang mga labi ni Samantha sa kanya, ang babae ang palaging nag-iinitiate kaya hinahayaan niyang mahalikan nito ang gilid ng kanyang labi. Kaya ngayong hinalikan niya si Amery, ay nagulat siya sa kanyang sarili dahil nagmistulang baliw siya sa pag-angkin sa mga labi nito. "Marami akong nainom na alak kaya wala pa ako sa sarili ko." Bahagyang sumandal si Brandon sa headboard ng kama habang ang kanyang isang kamay ay minamasahe ang kanyang mga kilay. "Hindi ko na ako iinom ulit nang marami... napapa-t

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 108

    Nang matapos ang press conference, ang magandang imaheng binuo ni Senyora Carmela nang mahabang panahon para sa anak, ay biglang gumuho.Nang umuwi sa mansyon si Shaina, halos buhatin ito ng mga katulong dahil pagod na pagod ito at latang-lata."Mommy... Iganti n'yo po ako! Kailangang malinis ko ang pangalan ko!" Nagpalahaw siya ng iyak dahil pakiramdam niya ay sirang-sira na ang kanyang pagkatao. "Binabash na ako ng lahat ng tao sa social media... Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila!""At ano namang gusto mong gawin ko?! Dapat ko bang sampalin ang pagmumukha ni Brandon, at pagkatapos ay makiusap akong bumaba siya sa pagiging CEO para sa isang bobang katulad mo?!" Galit na dinuro ni Senyora Carmela ang mukha ni Shaina. "Ano bang sinabi ko sa'yo bago ka umalis kanina? Binilinan kita na kabisaduhin mong mabuti ang kodigong ginawa ko. Binilin ko rin na huwag kang maglalagay ng makeup. Sinabi ko na sa'yo na dapat ay ipakita mo ang sinseridad mo nang wala kang anumang kolorete sa mu

    Huling Na-update : 2025-01-25
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 109

    Noon, sa military academy, sina Brandon at Alex ay itinuturing na 'evils and poisons' ng batch nila. Silang dalawa palagi ang mahigpit na magkalaban sa bawat kompetisyon.Nang matapos ang graduation, ang bawat isa ay nagkaroon na ng sariling mga landas, at mula noon ay wala nang naging balita pa tungkol kay Alex.Namilog ang mga mata ni Brandon. Imbes na matuwa dahil natuklasan na niya ang pagkatao ng lalaking umatake sa kanya, ay mas nasabik siya sa unti-unting pagtanggal ng misteryo sa totoong pagkatao ni Amery.Alam niyang wala na siyang malalaman pa tungkol kay Alex dahil pinananatili ng academy ang confidentiality ng bawat estudyante. Wala na ring pakialam pa si Brandon tungkol doon... Ang mahalaga ay nalaman niyang kapatid ito ni Amery.Sa puntong iyon, ay may kumatok sa pintuan. Nagmamadaling nagtungo roon si Xander upang pagbuksan ang kung sinumang nasa labas."Hello, Secretary Xander!"Si Ella ang nasa labas ng pintuan at nakipagkamay kay Xander."Narito po ako dahil sa utos

    Huling Na-update : 2025-01-25
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 110

    Madrigal EmpireHabang nasa office, ay naglalaro na naman ng paborito niyang mobile game si Avrielle. Sa harapan niyang lamesa, ay mayroong isang bote ng beer at fried chicken. Paborito niyang kainin ang mga iyon habang naglalaro.Walang-wala ang anumang mamahaling pagkain sa buong mundo kung ihahambing sa barbecue, hotpot, at fried chicken.Bigla tuloy naalala ni Avrielle ang tatlong taong pagiging asawa niya kay Brandon. Nagawa niyang tiisin ang allergy na dulot ng usok kapag nagluluto siya. At para palaging mahandaan ng masasarap na pagkain ang dating asawa, ay nagsusuot na lang siya ng mask.Sumagi rin sa isipan niya ang pangatlong asawa ng kanyang ama na eksperto sa pagluluto ng iba't-ibang pagkain. At dahil sa skill na iyon, ay nahuli nito ang kiliti ng isang Senyor Alejandro Madrigal.Naisip tuloy niya no'n na kapag ipinagluto niya ng masasarap na pagkain si Brandon, ay makukuha rin niya ang pagmamahal nito. Dahil doon, pasikretong nag-aral siya sa isang prestihoyosong culinary

    Huling Na-update : 2025-01-26
  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 111

    Nang gabi ring iyon, ang Rolls-Royce na pag-aari ni Anton ay matyagang naghihitay sa labas ng hotel. Mula nang dumating iyon doon, ay naagaw na niyon ang naiinggit na mga mata ng mga tao sa paligid.Ngunit sa isang bahagi ng kalsada, ay palihim na nagmamanman ang isang itim na Maybach. Sa loob nito, ay naroon si Brandon na tila may matang lawin habang nakatingin sa sasakyan ni Anton.Hindi nagtagal, nakita ni Brandon ang paglabas ni Amery ng hotel na kasunod ang sekretarya nito. Takaw-tingin ang pananamit ng dati niyang asawa. Sa katunayan, nitong mga nakaraang pagkikita nila, ay palagi itong maganda at ismarteng tignan. Karamihan sa mga isinusuot nito mula sa blazer, pants, at stilettos ay galing sa mga high-end brands.Maganda at agresibo, iyon ang tamang paglalarawan sa porma ng dati niyang asawa.Ngunit sa nakita niya ngayon, light make up lang ang nakalagay sa maliit nitong mukha. Ang itim na itim nitong buhok ay maayos na nakalugay. Nakasuot ito ng aqua blue silk dress na hakab

    Huling Na-update : 2025-01-27

Pinakabagong kabanata

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 125

    Matapos magsayaw, ay naghawak-kamay at sabay na nag-bow sina Avrielle at ang lalaking kapareha niya.Hindi man masasabing isang formal stage ang kanilang kinatatayuan, at nasa isang private cocktail party lang sila, pero sa mahusay nilang pagsayaw, ay tila paulit-ulit na nag-elevate ang lugar kaya naging top-notch party iyon.Hindi nakalampas sa pandinig ni Samantha ang mga papuri at magagandang salita ng mga tao patungkol kay Amery. Kaya naman, nag-aalab ang selos at inggit sa kanyang mga mata.Noong medyo bata-bata pa siya, ay magaling siyang mag-piano, magaling din siyang kumanta at sumayaw, at madali para sa kanya ang makatanggap ng iba't-ibang parangal. Ngunit kalaunan, noong siya'y nasa abroad, ay na-focus siya sa paghahanap ng mga lalaki para masiyahan ang kanyang sekswal na pagnanasa at magsaya. Kaya naman ngayon, masasabi niyang napakahusay na niya sa kama, ngunit kasabay noon ay nakalimutan na niya ang iba pa niyang mga talento."Nakakabigla naman, honey. Napakagaling palan

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 124

    Habang nasa party, ay nanatiling nakatayo si Brandon na mayroong malamig na awra. Ang suot niyang itim na suit at leather shoes ay bumabalangkas sa kaakit-akit na linya ng kanyang mga kalamnan. Ang kanyang materyalistikong kagwapuhan ay umani ng paningin ng mga kababaihang naroroon. Samantala, si Samantha naman ay tila asong nagbabantay sa kanyang pagkain. Isa-isa niyang tinitigan nang masama ang lahat ng nahuhuli niyang nakatingin kay Brandon. Kung hindi nga lang niya talagang sinadya si Wynona para mag design ng mga susuotin nilang pangkasal, ay hinding-hindi niya dadalhin si Brandon sa ganitong pagtitipon. Ganunpaman, nananatiling iniignora ni Brandon ang mga nasa paligid niya, ngunit hindi niya namamalayan ang paggagala ng kanyang mga mata na tila may hinahanap sa buong paligid. "Nandito na ulit si Ms. Wynona!" Nang makitang muling lumitaw ang babae, ay kinakabahang hinila ni Samantha ang manggas ng suot na suit ni Brandon. "Honey, puntahan ulit natin siya... Kausapin n

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 123

    Matapos bumati at makipagbeso ni Wynona sa kanyang mga bisita, ay dinala niya si Avrielle sa loob ng kanyang studio. Lingid sa kaalaman ng iba, ay matalik talaga silang magkaibigan at kapatid ang turingan nila sa isa't-isa. At tulad ng dati, ay napuno na naman sila ng chikahan at tawanan.Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay nagtimpla si Wynona ng isang special na tsaa para sa kanilang dalawa. Naglabas rin siya ng mga pastries na gawa pa ng isang sikat na pastry chef sa ibang bansa. Hindi niya 'yon pinahanda para sa mga bisita sa ibaba dahil tanging kay Avrielle lang niya gustong ipatikim ang mga 'yon."For you, my boss lady.""Hmm... Mukhang mamahalin 'to, ah? Mabango at masarap ang lasa. Hindi rin siya mapakla." Nakangiting puri ni Avrielle matapos sumimsim ng mainit na tsaa. Sa kanyang mga kilos, ay hindi maikakailang isa siyang respetado at kagalang-galang na babae."Wow, mabuti naman at nagustuhan mo." Natawa si Wynona. Sa iba, ang pinapakita niyang ugali ay may pagkamalamig at masu

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 122

    "Hello, Ms. Wynona! Ako nga pala si Samantha Gonzaga, ang fiancé ni Mr. Ricafort." Matapang na lumapit si Samantha kay Wynona upang makipag handshake.Ngunit sa hindi inaasahan, ay biglang umiwas si Wynona. Hinila pa nito si Avrielle paatras na tila nakakita ng nakakadiring bagay."Hindi ko matandaan na may inimbata akong Samantha Gonzaga rito.""H-Huh?""Hindi ko alam kung kanino ka nakakuha ng invitation, pero hindi talaga kita inimbita rito. Isang private party 'to at hindi pwede ang outsiders kaya makakaalis ka na." Masungit na pahayag ni Wynona. Sa narinig ay biglang namutla ang mukha ni Samantha dahil sa sobrang pagkapahiya. Bigla niyang hinila ang damit ni Brandon na tila nagpapasaklolo."Ms. Wynona, hindi namin alam na isa pala itong private party, we're very sorry. Sa totoo lang, gustong-gusto ng fiancé ko ang mga designs mo, at matagal ka na niyang hinihintay na makauwi rito sa bansa para makilala ka. Therefore, umaasa po ako na maiintindihan n'yo ang nangyari ngayon." Nagp

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 121

    Nang makita ni Samantha ang napakagandang presensya ni Amery, ay halos magliyab siya sa galit. Ang buong akala niya, kapag nagsuot siya ng damit na pula, ay sa kanya matutuon ang atensyon ng mga tao. Ngunit nang dumating ang babae sa kulay asul na kasuotan, ay bigla nitong inangkin ang limelight kaya tuloy hindi na siya naging kapansin-pansin.Si Brandon naman ay gumulong pababa at paitaas ang Adam's apple dahil sa sobrang pagkabigla. Gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin, ay hindi niya magawa. Ganunpaman, wala pang isang saglit, ay nakalampas na sa kanya si Amery nang hindi man lang siya pinansin. Bumakas tuloy ang lungkot sa kanyang mukha at ang kanyang puso ay nakaramdam ng bahagyang kirot."Oh, Amery! Hindi ko inaasahan na makakakuha ka ng invitation mula sa party na 'to... Nahirapan ka ba?" nanunuyang saad ni Samantha. "Syempre nahirapan ako." Umarko ang isang sulok ng bibig ni Avrielle. "Ang alam ko, ang mga na-invite lang sa party na ito ay ang mga taong malalapit lang kay Ms

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 120

    "Totoo ba 'yang nabalitaan mo?" Muling tumalim ang mukha ni Brandon."Ako na po mismo ang nagkumpirma, Sir. Nakipag-ugnayan ako sa ahente ni Ava Wey kahapon, at nasabi nga niya sa akin ang tungkol sa pakikipag-ugnayan rin sa kanila ni Ms. Madrigal. Kinumpirma rin po nila sa akin na talagang gustong makipagkumpetensya ng Madrigal Empire sa Ricafort Hotel." Habang nagsasalita ay unti-unting humihina ang tinig ni Xander dahil sa nakikitang pandidilim ng anyo ni Brandon."Ano pa ang nalaman mo?""Sinabi rin po sa'kin ng ahente na bagamat ang Ricafort Hotel ay isa sa may magandang reputasyong hotel sa bansa, kino-consider rin po nila ang Madrigal Empire dahil naging maingay raw po ang hotel na iyon nitong mga nakaraang araw. Kaya ang sabi po nila, titignan nila kung sino ang may mas magandang plano, at kung sinuman ang makakapagbigay ng magandang kundisyon, ay doon po sila makikipag-collaborate."Sa narinig ay malakas na nahampas ni Brandon ang ibabaw ng lamesa.Akala niya ay si Amery lang

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 119

    Ang masakit na katotohanang iyon ay pilit na ikinubli ni Avrielle sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso. Magmula nang makunan siya two years ago, kahit minsan ay hindi na siya nangahas na dumaan sa anumang tindahan na nagbebenta ng mga gamit ng bata. Ayaw na rin niyang makarinig ng tungkol sa pagbubuntis at mga sanggol. At kapag nakakakita siya ng mga pictures at videos ng mga baby sa magazines at TV, ay bumabalik ang kirot sa puso niya na mag-isa lang niyang iniinda.Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang malamig na gabing iyon ng bisperas ng Pasko. Nagmamaneho siya noon ng sasakyan kasama si Don Simeon para manood sana sa isang parke ng fireworks display. Ngunit sa hindi inaasahan, ay nagkaroon ng aksidente at nadamay sila sa nagkarambolang mga sasakyan sa kalsada. Para agad na mailigtas si Don Simeon, ay inignora niya ang nararamdamang sakit ng katawan at pinilit niyang magmaneho papuntang ospital para malapatan ng agarang lunas ang matanda.Nang panahon na iyon, ay nagba

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 118

    Nang makaalis si Alex, ay nanatili sa hardin si Avrielle upang mapag-isa at makapag-isip-isip.Mayamaya ay nagpasya siyang i-chat ang tatlong madrasta niya upang kausapin ang mga ito roon sa hardin.Makalipas lang ang ilang sandali, ay nakita na niyang papalapit ang tatlong babae sa kanyang kinaroroonan. Kung dati ay maiingay ang mga ito kapag magkakasama, ngayon ay tahimik ang mga ito na tila mga napipi sa harapan niya."Mayroon po ba kayong dapat na ipaliwanag sa akin?"Nakahalukipkip na nakaupo si Avrielle sa may pavillion habang seryosong nakatingin sa tatlo. Nagmistula tuloy siyang isang principal na handang manermon ng maiingay na estudyante.Nananatiling tahimik si Lily Rose at ganoon din si Rona. Si Gertrude lang ang mag-isang nagsalita."Bakit mo naman naitanong, Avrielle?"Napahawak si Avrielle sa kanyang noo dahil sa depresyon. Talaga nga namang ang brain circuit ni Gertrude ay tuwid pa kaysa sa isang tuwid na lalaki!"Tinuruan n'yo po ni Tita Lily Rose si Brandon ng leksyo

  • Chased By My Zillionaire Ex-Husband   Chapter 117

    Nang makabalik sila sa loob ng mansyon, ay agad nahubad ang pagkukunwari ni Avrielle. Kung kanina'y pagiging malakas ang kanyang ipinakita, ngayon ay napalitan iyon ng kahungkagan ng kanyang kalooban. Agad bumakas sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na lungkot.Hindi maalis sa isipan niya ang nasirang jade bracelet na ibinibigay ni Brandon kanina na siyang nagbibigay ng pait sa puso niya ngayon.Alam naman niyang pinagtatangol lang siya ng mga madrasta niya... pero hindi niya maiwasang isipin na sumobra naman yata ang dalawa. Ang naging pagtrato ng mga ito kanina kay Brandon ay maihahalintulad sa isang basura."Avrielle!"Mula sa malalim na pag-iisip, ay napukaw ng malakas na tinig ni Armand ang pansin ni Avrielle. Hinihingal itong tumatakbo papalapit sa kanya."Nagpang-abot na naman sina Dad at Alex! Nagkasakitan na silang dalawa!"Mula sa likod ng bahay, ay nakita nilang mabilis na naglalakad si Alex patungo sa nakaparada nitong Lamborghini. Madilim at malamig ang awra nito."Ku

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status