Kabanata 1
Nanginig ang kalamnan ni Eunice nang marinig ang pagdating ng sasakyan ni Terrence. Halos mabitiwan na niya ang hawak na baso dala ng sari-saring emosyong naramdaman nang maisip na nakauwi na naman ang kanyang asawa.
She's sore, weak, and emotionally tired, pero may magagawa ba siya? Asawa niya ang lalakeng papasok na ngayon ng bahay at nagdadala ng kilabot sa kanyang pagkatao.
"Eunice!" Sigaw ni Terrence mula sa sala.
Halos mapatalon si Eunice sa kinatatayuan. Nailapag niya ang baso sa counter at inilapat nang mariin ang mga labi sa isa't-isa habang nakasara ang kanyang mga mata. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Ang anak niya, kailangan niyang maging matatag para sa anak niya.
"Eunice! Damn it, hindi mo ba ako naririnig?!" May halo nang pagkapikon ang tono ni Terrence.
Bumuga ng hangin si Eunice bago niya inayos ang kanyang sarili. She has to remain strong in front of him. Hindi niya pwedeng ipahalata rito na nangangatog na ang tuhod niya sa takot.
"N—Nasa kusina ako!" Sigaw niya ngunit bahagyang nanginig ang kanyang tinig.
Ilang sandali pa ay nadinig na niya ang mga yapak patungo sa kusina kaya napakuyom siya ng kamao sa tela ng dress niyang halos lumuwag na sa kanya dahil sa laki ng binaba ng timbang niya.
"There you are." May lambing ang tinig ng asawa niya pero kinilabutan pa rin siya lalo na nang manigas siya sa kinatatayuan nang pumunta ito sa likod niya para yakapin siya.
Eunice inhaled a sharp breath when she felt Terrence kissing her exposed shoulder. Her muscles tensed in disgust and fear, but she knew Terrence will never give a damn. Wala naman kasi talaga itong pakialam sa kanya at sa batang dinadala niya.
Napasinghap siya nang haplusin ni Terrence ang sinapupunan niyang hindi pa ganoon kaumbok dahil tatlong buwan pa lang ang bata pero sa lahat yata ng nagbubuntis ay siya lang ang takot na takot mahawakan ng ama ng dinadala niya.
Maybe because she knew Terrence was an unfaithful husband, pero ito pa ang may ganang sabihing baka hindi nito anak ang dinadala niya. Halos makalmot niya ang mukha nito noong sabihin nito iyon sa kanya matapos nilang makumpirmang buntis nga siya, pero si Terrence pa ang may lakas ng loob na dampian ng sampal ang pisngi niya.
Her breathing hitched when Terrence pressed his body against her back. "Kumusta na ang mag-ina ko?" Bulong nito sa kanya.
Gusto niyang matawa. Mag-ina? Putang ina halos gutumin nga sila? At kung saktan siya, akala mo ay hindi siya nagdadalang tao!
Kinalas niya ang braso ni Terrence na nakayakap sa kanya pero kaagad siyang hinatak ng asawa at inipit ang magkabila niyang pisngi gamit ang kamay nito. Napakahigpit. Lagi naman itong ginagawa ni Terrence sa kanya pero hindi pa rin siya masanay-sanay sa sakit.
Nag-aalab sa galit ang mga mata ni Terrence. Natatakot na talaga siya rito. Malakas ang hinala niyang tumitira ito ng bawal na gamot dahil hindi nito kinakaya ang paglubog ng kumpanya ng pamilya nito, pero wala naman siyang mahingan ng tulong para makumpirma ang hula niya.
Hindi naman ito mapanakit noon. Terrence was once her ideal man. Iyon bang marunong mag-alaga at umunawa sa kanya noong magkasintahan pa lang sila. She was a medic while Terrence took over his father's company. Okay naman sila noon eh. Kaya nga napasagot siya nito ng oo. Kaya nga sila nagpakasal at nagsama bilang ganap na mag-asawa.
Pero simula noong nagsimula nang malugi ang kompanya nina Terrence noong isang taon, nagbago ito. Sinubukan naman niyang iparamdam sa asawa na kasama siya nitong haharap ang problema pero sinolo lahat ni Terrence at sinara nito ang pinto sa mundo—pati sa kanya. Gusto niyang maniwala sa asawa. Gusto niyang isipin na problemado lang talaga ito kaya palaging mainit ang ulo. Pero sumosobra na ito. Natuto na itong manakit ng pisikal. Ang sampal ay naging hampas. Ang hampas ay naging suntok. Ang pag-ibig ay naging kalbaryo.
Paano sila umabot sa ganoon? Hindi iyon ang pinangakong buhay sa kanya ni Terrence. He promised to honor their marriage by giving her the love she deserves, pero siya na lang itong nagbibigay. Noong unang sinabi ni Terrence na gusto na nito ng anak, nagresign siya sa trabaho bilang medic para maalagaan niya ang sarili niya at mabilis magbuntis pero dahil meron siyang PCOS ay medyo natagalan silang bumuo, hanggang sa pumutok na nga ang problema sa kumpanya. Palugi na ito at si Terrence ang sinisisi ng ama sa pagbagsak ng pinaghirapan nito.
There were nights when Eunice doesn't want to sleep with him, but he will force her. Naiiyak na lang siya kasi parang unti-unti nang nawala ang respeto ng asawa niya sa kanya. Akala niya ay iyon na ang pinakamalalang magagawa nito, hindi pala dahil nagsimula na rin itong manakit. Nang mabuntis siya nito dahil sa pamimwersa, inakusahan pa siyang kinakalantari ang isa sa bodyguards sa mansyon. Takot na takot siya nang itutok ng asawa ang baril sa ulo ng bodyguard nilang si Gilbert.
Para siyang natrauma. Hindi niya makakalimutan ang itsura ng asawa niya noong araw na iyon. Parang hindi na niya ito kilala, at hindi na ito ang lalakeng pinakasalanan niya.
Lumandas ang luha sa pisngi ni Eunice habang impit na humihikbi dala ng pagdiin pang lalo ni Terrence sa mukha niya. "Huwag mo kong binabastos kapag kinakausap kita. Baka nakakalimutan mong ako ang nagpapalamon sayo." May pagbabanta nitong ani bago lalong inipit ang mukha niya.
Napadaing si Eunice sa sakit ngunit wala siyang magawa. Di hamak na mas malaki ang asawa sa kanya at kahit na anong gawin niya, alam niyang hindi niya magagawang pantayan ang lakas nito.
"Ito ang tatandaan mo, Eunice. Nasa pamamahay kita at dala mo ang pangalan ko kaya umakto ka ng naaayon sa gusto ko. Naintindihan mo?!" Sindak ni Terrence.
Napaigtad siya sa takot saka tumango-tango. Nang pakawalan siya ng asawa ay napahikbi siya lalo na nang para itong baliw na bigla na lang nagbago ang mood at hinapit siya para yakapin. Tinatanong pa siya nito kung ano ang gusto niyang bilhin nito para sa kanila ng baby.
Nagsabi na lang siya ng ice cream kahit wala pa siyang gustong kainin dahil sa sama ng loob. Nagpaalam naman ito na lalabas lang para bumili. Siya naman ay halos mabuwal at humagulgol dala ng awa sa sarili.
No woman deserves to be treated this way. Ano ba ang pagkukulang niya? Hindi ba sapat na pinadama lang niya kay Terrence na kasama siya nito anumang problema ang dumating? Bakit kung saktan at pagsamantalahan siya ng asawa ay parang wala itong pagmamahal sa kanya?
Natatakot siya para sa sarili niya at sa anak niya. What if one day, Terrence will just lose his mind and accidentally kill her? Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ng asawa niya, pero sa itsura nito ngayon, alam niyang may malaking posibilidad na mangyari.
Para siyang tinanggalan ng hollow blocks sa dibdib nang madinig niya ang pag-alis ng sasakyan ng kotse. Alam niyang sandali lang mawawala si Terrence pero gusto niyang sulitin ang oras para pakalmahin ang sarili niya.
Her hand touched her tummy while her lips were pursing to supress her sobs. Napakasakit na parang isinasampal sayo ang katotohanang maling tao ang napili mo. Sa tuwing pinagbubuhatan siya ng kamay ng asawa, parang nanliliit siya. She was afraid to seek help from the authorities. Asawa pa rin niya ito at kahit baliktarin ang mundo, naroon ang takot niyang mas lumala lang si Terrence kapag sinampaham niya ito ng kaso. Siguro nga ay ganoon siya katanga pero anong magagawa niya? Pinasok niya ang pagsasamang ito.
Tumuwid siya ng tayo nang makarinig ng mga yapak patungo sa kusina. Alam niyang imposibleng si Terrence iyon. She's a keen observer, and she's become familiar with people's footsteps.
Inanggulo niya ang ulo paharap sa pinto at pilit ngumiti kay Gilbert, ang bodyguard na pinagbantaan ni Terrence na papatayin dahil sa pakikipagrelasyon sa kanya.
Gilbert is too young for his job. Halos katutuntong lang nito ng bente anyos pero dahil sa husay sa armas at hand to hand combat, kinuha siya ni Terrence na bodyguard. Ang akala ni Eunice ay aalis na ito sa trabaho matapos itong tutukan ng asawa niya ng baril, pero nakipagtitigan lang ito sa asawa niya at sinabing hindi siya magreresign dahil wala naman daw silang relasyon ni Eunice.
He's such a brave boy, and Eunice was lucky he was seeing her as his older sister. Naroon ito palagi kapag kailangan niya ng kakwentuhan kaya nga sila napagbintangang magkarelasyon.
Gilbert's expression soften when he saw her tears. Bumuga ito ng hangin at malungkot na umiling. "Ate, hanggang kailan mo titiisin 'to? Maawa ka naman sa sarili mo."
Mapait siyang ngumiti habang hinahaplos ang kanyang tiyan. "Asawa ko si—"
"Asawa? Sana siya rin naiisip niyang asawa ka niya at hindi punching bag o parausan. Tangina." Nagtagis ang bagang nito at iniwas ang matalim na tingin sa kanya.
Hindi nakakibo si Eunice. Ramdam niya ang galit ni Gilbert at alam niyang dala iyon ng awa sa kanya. Kung tutuusin, ito kasi ang nakakasaksi sa lahat. Noong binato siya ni Terrence noon ng baso at tumama sa likod ng ulo niya, imbes na dalhin siya sa ospital ay si Gilbert ang inutusan nitong gamutin siya. Halos gusto nang bunutin ni Gilbert ang baril noon at itutok sa sariling amo pero pinigilan siya ni Eunice.
Nadinig ni Eunice ang marahas na pagbuntong hininga ni Gilbert. "Kahit h'wag mo nang gawin para sa sarili mo kung tingin mo kasalanang iwan ang asawa mo. Gawin mo na lang para sa bata, ate. Parang awa mo na. Ganyan na ganyan sayo ang ate ko, at ganyan din siya kamartir na umasang magbabago pa ang asawa niya pero ano? Napatay silang mag-ina. Hindi mo naman siguro gustong umabot doon."
"Pero Gilbert, h—hindi naman siguro aabot sa puntong iyon. T—Tsaka wala akong pupuntahan. Kapag umuwi ako sa pamilya ko, ibabalik lang din nila ako kay Terrence pagkatapos pangaralan na lahat ng mag-asawa dumaraan sa pagsubok at kailangan ko lang maging matatag." Malungkot niyang tugon. Humapdi na naman ang sulok ng mga mata niya nang maalalang hindi nga rin niya maaasahan ang sarili niyang pamilyang sobrang naniniwala kay Terrence.
Tinupi ni Gilbert ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. His built was perfect for his age. Siguro dahil lagi itong nagwowork out kaya naalagaang mabuti ang bawat hibla ng muscle nito.
"Paano kung kaya kitang tulungan? Nakausap ko na rin ang ibang trabahador. Alam nila ang pinagdadaanan mo at handa rin silang tumulong, ate."
Nanlaki ang mga mata niya. "A—Alam nila?" Hindi makapaniwalang tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga nagtatrabaho sa coffee beans plantation, sa likod na bahagi ng lupaing pinamana kay Terrence. Stay out ang mga katulong nila sa mansyon magmula noong nagsimulang manakit ang asawa niya, takot yatang may makaalam.
Tumango si Gilbert. "Hindi bulag, pipi, o bingi ang mga nasa paligid mo, Eunice. Ikaw lang itong ayaw imulat ang isip mo sa katotohanang wala nang pag-asa ang asawa mo. Tingin mo ba hindi mapapansin nina kuya Roger at Manong Lary ang mga pasa mo kapag pinapatawag sila rito sa mansyon? Sila pa itong nakiusap sa aking kumbinsihin ka."
Bumagsak ang mga balikat niya. "Hindi ako pwedeng magsumbong sa mga pulis kung iyan ang solusyong naiisip niyo. Alam niyo namang maraming koneksyon ang asawa ko sa mga pulis."
"Alam namin 'yon kaya isang paraan pa ang naisip namin. Si Manong Lary, sabi niya naghahanap daw ng magiging personal nurse iyong amo nila dahil napilitang magresign yung nurse ng anak nila. Pwede kang mag-apply doon. Hindi ba medic ka noon? Balita ko nagmed school ka na eh pinatigil ka lang ni Sir Terrence no'ng nagpakasal na kayo. Nasabihan na raw ng anak ni Manong Lary ang amo nito at pumayag na ikaw ang pumalit basta doon ka raw magsstay."
Napakurap siya. Pagkakataon na niya ito. Baka sakaling matauhan ang asawa niya kung iiwanan niya muna sandali para makapag-isip. Ayaw man niyang aminin pero umaasa siyang babalik pa ito sa dati alang-alang sa baby nila.
Pero kaya ba talaga niyang iwan si Terrence?
Nahaplos niya ang wedding ring niya. Tanga nga yata talaga siya dahil naniniwala pa rin siya rito.
Bumuntong hininga si Gilbert, nadama ang pag-aalinlangan niya. "Ate, palayain mo naman ang sarili mo. Sana hindi mo na hintaying lumipas muna ang mga taon at masasaksihan ng anak mo ang pananakit ng tatay niya sayo. Hindi mo naman deserve 'yan. Napakabuti mong asawa at kaibigan. Parang awa mo na, ate. Tulungan mo naman kaming tulungan ka. Ayoko sanang sabihin ito sayo pero noong nilinis namin ang kotse ni Sir, may nakita roong mga gamit na condom at ilang gamit pang droga.
Naluha na lamang siya sa narinig. Siguro nga ay dapat siyang makinig kay Gilbert. Ayaw niyang pati ang anak niya ay madamay sa sama ng loob na nararamdaman. Ganoon pala kapag naging ina na. May mga desisyon nang mahihirapan kang gawin kasi kailangan mo nang isaalang-alang ang anak mo.
Sumara ang mga mata niya at napahawak ang nanginginig niyang mga kamay sa kanto ng lababo. Umaagos ang kanyang luha, ngunit kailangan niya itong gawin. Masakit ang puso niya dahil sa nalaman. Kung ganoon ay totoong gumagamit ng droga ang asawa niya at nakikipagtalik sa iba.
Cheating is the worst form of betrayal. Hindi niya lubos maisip na aabot sila sa ganito samantalang napakaganda ng kwento ng pagmamahalan nila.
Huminga siya ng malalim bago niya muling tinignan si Gilbert. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi at kahit na masakit, tinango niya ang kanyang ulo bilang tugon.
"S—Sabihin niyo sa akin ang plano. Siguraduhin niyo lang na walang mapapahamak sa inyo."
Kabanata 2Mahigpit ang hawak ni Eunice sa brush habang pinapasadahan niya ang kanyang mahabang buhok. She has a natural midnight black hair that effortlessly shines. Bumagay ito sa maliit na korte ng kanyang mukha, pati sa bilugan niyang mga matang tinernuhan ng makapal at tumitikwas sa haba niyang pilik-mata. Ang kanyang kutis ay parang gatas kaya madalas siyang tawaging manika noon ng mga nakakakilala sa kanya. Hindi rin naman kasi siya tumataba kahit pa anong lakas niyang kumain.She has the body and the height of a model, but she preferred to flip pages of medical books than her hair while smiling at the camera. Sanay siya sa mga bagay na hindi madalas puriin ng mga tao. Kaya nga naging medic siya kasi hindi naman niya kailangan ng mga parangal. Gusto niyang magligtas ng buhay kahit na babae siya—pero heto naman siya ngayon, hindi magawang iligtas ang sarili nang mag-isa.Napalunok siya habang nakatitig sa kanyang repleksyon sa
Kabanata 3"My brother's room is right next to yours. Beverly, his last nurse, cleared the room already so you are free to rest now. Mukhang pagod ka pa sa byahe. My wife knows some basic stuff pagdating sa pagmo-monitor sa kapatid ko kami muna ang bahala while you're trying to get a hang of the place." Malumanay at naroon ang kurba sa labi na ani ni Klinn bago nito hinawakan ang knob ng isang kwarto. Mayamaya ay bumuntong hininga ito at pumakla ang ekspresyong nakaguhit sa mukha. "I trust the man who recommended you, Miss David so I hope pwede rin naming ipagkatiwala ang sikretong ito tungkol kay Keios. You see, my brother's career depends on how much we can keep his real state hidden from the world."Bagama't hindi pa gaanong nagsi-sink in sa utak ni Eunice na ang lalakeng ni-rescue nila noon sa isang aksidente dalawang taon na ang nakararaan ang siya ring magiging pasyente niya, kumunot pa rin ang kanyang nuo sa pagtataka.Keios
Kabanata 4Aligaga ang mag-asawang Klinn at Cassy dahil sa ibinalita ni Eunice. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala kaya naman agad nilang tinawagan ang doktor ni Keios pati na ang ibang kapatid nina Klinn.Eunice stayed in the room with Cassy and Klinn while they were waiting for the doctor. Minomonitor ni Eunice ang vital signs ni Keios habang kinakausap ito ng mag-asawa ngunit napansin ni Eunice na nakasunod sa kanya ang mga mata ng binata.Keios has a pair of intimidating and cold brown eyes. Bilugan ang mga ito at tinernuhan ng mahabang pilikmata't makapal na kilay kaya naman kung seryoso kang tititigan nito ay makakadama ka ng takot.But she wasn't afraid. Tila mas bakas pa nga niya ang pagtataka sa mga mata ni Keios habang nakatingin ito sa kanya."How are you feeling, bro? Gusto mo ba ng tubig?" Malumanay na tanong ni Klinn.Sandaling tinapunan ni Keios ng ting
Kabanata 5Nanlalamig ang mga kamay ni Eunice habang nakaupo siya sa visitor's chair sa opisina ni Klinn. Ilang sandali matapos niyang ipahawak kay Keios ang kanyang tiyan ay dumating ang doktor nito kasama ang assistant nito. Eunice was supposed to help Dr. Jimenez, too but Klinn excused her.Alam ni Eunice paglabas pa lang ng silid ni Keios ay marami na siyang kailangang ipaliwanag. The look on the couple's faces shouted nothing but disappointment. She didn't have to ask why anymore. Siguro ay ineexpect ng mga itong honest sila ni Lukas simula pa lang.Nagpapabalik-balik sa kanila ni Lukas na nakaupo sa katapat na visitor's chair ang tingin ni Klinn. Nakaupo ito sa kanyang swivel chair at nakakalso ang mga siko sa mesa. Ang mga palad nito ay nagkahawak habang panay ang pagpapakawala nito ng mararahas na buntong hininga tapos ay iiling.Eunice bit her bottom lip when another disappointed sigh escaped Klinn's lips.
Kabanata 6Matindi ang pagkaka-igting ng panga ni Keios habang nakatingin sa ibang direksyon. Nakaupo ang kapatid niya sa gilid ng kama, pilit siyang kinukumbinse na manatili si Eunice sa kanilang serbisyo pero ayaw niyang pumayag."I said I want a new nurse, Klinn." Matalim niyang tinignan ang kapatid sa mga mata.Klinn frustratingly rubbed his palm on his face. "Bakit ba kasi? Eunice seemed nice."Inis na napaismid si Keios. "Nice?" Tumaas ang kanyang kilay. "Nice people cannot take my attitude, Klinn.""Try her." Tila naghahamong ani ni Klinn saka ito tumayo at nilagay ang magkabilang palad sa baywang. "Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataong magstay bilang nurse mo at hintayin mo na siya mismo ang mapundi sayo?"Lalong dumilim ang ekspresyon ni Keios dahil hindi pa rin nagpapatalo ang kanyang kapatid. "She's fucking pregnant, Klinn." He fired back with gritted teeth. Bakit ka
Kabanata 7May maliit na kurba sa labi ni Eunice habang inaayos ang mga bulaklak na Carnation sa vase. Tapos na niyang linisin ang buong living room sa tulong ng kasambahay ng mag-asawang Klinn at Cassy. Jelai is a hyper woman. Iyon kaagad ang napansin ni Eunice sa dalagang maid pero pasalamat din siya sa kadaldalan nito dahil kahit paano ay naokupa ang isip niya ng mga kwento nito at walang humpay ang kanyang pagtawa."Alam mo ba ate Eunice? Si Ma'am Cassy? Akala ko talaga mamamatay na 'yan noon sa sobrang lungkot. Halos minsan nga hindi na umaabot sa loob ng bahay. Sa pinto pa lang hagulgol na ang peg nun." Kwento na naman ni Jelai.Nahinto sa paggupit ng stem ng bulaklak si Eunice para lingunin si Jelai na prenteng nakaupo sa sofa at may hawak na magazine. "Bakit naman? Aren't the in good terms before?"Pumakla ang ngiti ni Jelai at kumislap ang awa sa mga mata nito. "Hindi kasi naging maganda noon ang sitwasyon
Kabanata 8Tahimik lamang si Eunice habang nakasakay sa front seat ng kotse. Si Lukas ang nagmaneho para sa kanila patungo sa kaibigang doktor ni Vhon at nakaupo naman sa back seat ng sasakyan sina Vhon at Keios. Habang nasa byahe, hindi maiwasan ni Eunice na magtaka pa rin kung bakit ginusto ni Keios na sumama sa kanila gayong malamig ang pakikitungo nito sa kanya. She wanted to ask him, pero sa tuwing tinitignan siya ni Keios habang blangko ang ekspresyon sa mga mata nito, umuurong ang dila niya at nawawalan siya ng lakas ng loob upang kausapin ito."Eunice, are you taking vitamins? Para kasing maputla ka." Ani Vhon habang nasa byahe sila.Napalingon si Eunice sa likod ngunit mas nauna niyang nasalubong ang seryosong mga mata ni Keios. Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso. May iba talagang epekto sa kanya si Keios kahit hindi niya iyon aminin sa sarili niya. Siguro ay dahil malaki ang pagkagusto niya rito noon bago niya naki
Kabanata 9Hindi mapigilan ni Eunice ang mapalunok ng sariling laway habang sinasalinan niya ng ice cream ang kanyang bowl. Si Keios ay tahimik lamang na nakamasid sa kanya, tila marami pang nais sabihin o itanong at hinihintay na lamang na maging bakante muli ang kanyang atensyon.May matipid na ngiting gumuhit sa mga labi ni Eunice nang ipalag niya sa harap ni Keios ang bowl nito. Naroon sila sa sala ng mansyon, ang ibang mga kasama sa bahay ay siguradong mahimbing nang natutulog kaya naman dama nila ang katahimikan ng gabi.Eunice scooped on her ice cream. Nang tuluyang malasahan ng kanyang dila ang pagkaing hinihingi ng kanyang tiyan ay halos mapaungol siya habang nakasara ang mga mata.She savored every taste of it, and Keios devoured himself with the sight of Eunice licking her spoon.Gumalaw ang panga ni Keios at uminit ang kanyang pakiramdam. Bakit ganito? Hindi niya maipaliwanag kung bakit
EpilogueKEIOS never imagined himself to be as happy as he is after he married Eunice in front of thousands of people. Their wedding was envied by many, especially when their love story was told during his vow. Marami ang naiyak sa naging buhay nila, ngunit kung gaano karaming luha ang pumatak sa awa, doble naman dahil sa tuwa nang sa wakas, naidugtong na rin niya ang kanyang apelyido sa kanyang asawa.It was like a dream he never made when he was young. Buong buhay niya ay ang football lamang ang tanging minahal niya, ngunit nang dumating si Eunice, Keios realized there's still a lot of space in his heart for other dreams.He became really close with his Dad. They get to watch games at home along with his brothers, they go out of town as a family, and they became each other's biggest fans in their own chosen paths.Nang manganak si Eunice sa kanilang anak na si Keison, halos hindi nila nahawakan ang anak dahil napa
Kabanata 30MALAKAS ang kabog ng puso ni Keios habang hawak ang bola ng kanyang ama. Naroroon siya sa locker area at ihinahanda ang kanyang puso. From the locker, he can hear people cheering so loudly already.He missed this. He missed his number 5 Huskeez uniform. He missed the adrenaline rush he feels every time he hears the loud cheers. And he missed the feeling of belongingness that thrums in his veins whenever he's on the field.But he is different now from the Keios people last saw playing more than three years ago. Ngayon, hindi na malamig ang mga mata ng Keios na lalabas sa field dahil lang alam niyang wala rin sa lugar ang taong gusto niyang makita siyang naglalaro. Because the man he wanted to show off to is here, sitting next to him, wearing a coach uniform."You ready?" Tanong ng kanyang ama.Ngumiti siya at pinasadahan ng tingin ang magiging teammates niya sa larong ito.
Kabanata 29KAHIT gustuhin ni Eunice na salubungin ang tingin ni Terrence, hindi niya pa rin magawa. Her heart is pounding violently, no longer because of her love towards the man she married, but because of the fury thrumming in her veins.Nanatili siyang nakatitig sa kanyang mga kamay na nakapatong sa mesa. Nanginginig ang mga ito at kung hindi niya ipagsasalikop, natatakot siya sa maaaring magawa ng mga ito."Eunice."His voice sounded very different from how he used to call her. May pag-alo na sa tono nito, hindi tulad noon na kinikilabutan siya tuwing nadidinig ito. Still, she remained silent, with lips pursing hardly together.Nadinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Nagpunta ako rito dahil sinabi ng mga magulang mong dadalaw kayo ng anak nat—""A—Anak ko." Tuluyan siyang nagkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang tingin nito. "Anak ko."
Kabanata 28KEIOS kept his strong facade as he stared at his Dad. Sanay na siya sa malamig at galit nitong titig mula pa noong magbinata siya. Siya lamang ang bukod-tanging anak nitong nanindigan sa kanyang pangarap.He remembered how hard his dad slapped him when he refused to take the course his dad wanted for him.He remembered how he called him useless when he sneaked out of their house just to join trainings to be a football player.And he remembered how he ignored him when he showed his first ever football uniform.His dad did nothing but crash his dream, at sa pangalawang pagkakataon, haharap na naman siya rito upang ipaglaban ang kanyang pangarap.Marahas na nagtaas-baba ang mga balikat ng kanyang ama bago ito tumingin sa kanya. Seryoso ang mga mata at malinaw na nais siyang sindakin upang itigil niya ang ginagawa niya."How long are you still goi
Kabanata 27KITANG-KITA ni Eunice ang pagsingkit ng mga mata ni Rebecca nang lumabas sila ni Saki patungo sa sala kung saan prente na itong nakaupo. Nahinto ito sa pag-uutos sa katulong na ipaghanda siya ng maiinom at nang magtama ang kanilang mga mata, Rebecca waved her hand to the poor maid as if she owns the house.Tumaas ang kilay nito sa kanya. "So the rumors are true? The whore is here."Saki's teeth gritted. Kung hindi lang nito hawak si Harmony ay siguradong sumugod na ito kay Rebecca. Mas nanggigigil pa man din ito habang si Eunice ay pilit na kinakalma ang sarili. She doesn't want to step down low to the self-proclaimed fiancee' of the man she's in love with kaya nang muntik humakbang si Saki patungo rito dahil sa narinig, agad niya itong hinawakan sa braso.Nabaling sa kanya ang galit na mga mata ni Saki ngunit pilit niya itong nginitian. "Let me handle this. Malaki na masyado ang atraso nito sa akin."
Kabanata 26NAHIHIYANG binaba ni Eunice ang kanyang tingin sa dibdib ni Keios nang sa pagdating nila sa mansyon ng mga Ducani ay naroroon ang ama nina Keios kasama ang kanyang nakatatandamg kapatid na sina Kon at Klinn. It's already been over a year, but the fear of staring back at Khalil Ducani still makes her feel...unwelcomed.Nadama niya ang marahang pagpiga ni Keios sa kanyang balikat bago ito tumikhim. "Dad..."His dad didn't answer for a moment, ngunit dama ni Eunice ang pagtaas ng tensyon sa paligid.She heard his dad sighed heavily. Mayamaya ay tumayo ito. "In my office. Now."Nagkatinginan sila ni Keios. Seryoso ang ekspresyong nakaukit sa mga mata nito ngunit pinilit pa rin siyang gawaran ng matipid na ngiti bago nito dinampian ng halik ang tuktok ng ulo ni Harmony."I'll just talk to him. Si Manang na ang magdadala sa inyo sa kwarto ko."Napalunok si Eun
Kabanata 25EUNICE stroke her hair when she noticed Harmony was already gone. Maging si Keios ay wala na rin sa silid na tinutulugan nila kaya nang matapos ang morning routines niya ay lumabas siya ng kwarto upang hanapin ang dalawa.Tinatanghali talaga siya ng gising dahil kay Keios. Paano ay naniniguro ang magaling na iyon at talagang ginagabi-gabi siya. Ang kuya Kon nito, talagang gumamit pa ng connections para lang makapag-emergency leave siya. Nahihiya tuloy siya sa ospital dahil dalawang buwan pa lamang siya mahigit sa trabaho ay ganoon na ang ginawa ng kuya ni Keios. Gusto raw kasi nitong masulit ng kapatid ang oras kasama silang mag-ina.When she heard Harmony's cooes coming from the kitchen, sandali siyang huminto sa pinto at sumandal sa door frame. Tahimik niyang pinanood ang dalawa. Harmony is sitting on her high chair Keios bought while Keios is leaning down to feed her.Hindi niya talaga napipigilang ma
Kabanata 24FROM the gentle kisses on her neck and shoulder, to the controlled clutching on her hair when he angled her head, Eunice can feel how much Keios is savoring their moment. His rough palm on her belly makes her bite her lower lip, her thoughts of forever with him brought a different level of happiness."Eunice..." Bulong ni Keios sa kanyang tainga bago siya hinalikan muli sa leeg.Dumaing siya nang umakyat ang palad nito sa kanyang dibdib hanggang sa hinatak nito pababa ang telang pumipigil upang tuluyan niyang madama ang init ng palad nito.Her boobs are not too big nor too small, yet when Keios held the left one and get it a squeeze that made her see stars in her head, she felt too little for his beastly moves.His kisses traveled to her spine to her side. Napa-angkla ang kanyang braso sa balikat nito nang lumandas nang tuluyan ang ngayon ay pumupusok na nitong mga halik patungo sa kanya
Kabanata 23NAPAILING na lamang si Eunice nang sa pag-uwi niya ay nadidinig na naman niya ang mga kantahan sa likod ng bahay. Sa halos isang buwang pagpapabalik-balik ng magkapatid na Ducani sa bahay ni Madam A, hindi na siya pinatahimik ni Keios at mga kasama sa bahay.They never asked about them, thou. Tila ba kung anuman ang nalaman nila mula sa magkapatid tungkol sa namagitan sa kanila ni Keios noon, pinili nilang irespeto ang desisyon niyang itikom ang bibig, ngunit syempre, hindi mawawala ang mga kantyawan tuwing lalapitan siya ni Keios.Paglabas niya ng silid pagkatapos makapagshower at makapagbihis, saktong lumabas ng kusina si Queenie at Boyong. May mga dala ang mga itong bilao ng pancit at iba pang pagkain kaya dali-dali siyang lumapit para tumulong."Sinong may birthday?" Tanong niya."Yung asawa raw ni Sir Kon. Kasama nila ngayon dito. Naroon kaming lahat sa kubo nandoon din s