Kabanata 7
May maliit na kurba sa labi ni Eunice habang inaayos ang mga bulaklak na Carnation sa vase. Tapos na niyang linisin ang buong living room sa tulong ng kasambahay ng mag-asawang Klinn at Cassy. Jelai is a hyper woman. Iyon kaagad ang napansin ni Eunice sa dalagang maid pero pasalamat din siya sa kadaldalan nito dahil kahit paano ay naokupa ang isip niya ng mga kwento nito at walang humpay ang kanyang pagtawa.
"Alam mo ba ate Eunice? Si Ma'am Cassy? Akala ko talaga mamamatay na 'yan noon sa sobrang lungkot. Halos minsan nga hindi na umaabot sa loob ng bahay. Sa pinto pa lang hagulgol na ang peg nun." Kwento na naman ni Jelai.
Nahinto sa paggupit ng stem ng bulaklak si Eunice para lingunin si Jelai na prenteng nakaupo sa sofa at may hawak na magazine. "Bakit naman? Aren't the in good terms before?"
Pumakla ang ngiti ni Jelai at kumislap ang awa sa mga mata nito. "Hindi kasi naging maganda noon ang sitwasyon nila tapos na-comatosed pa si Sir Klinn ng four years. Isipin mo, four years ding halos lumuha ng dugo si Ma'am Cassy makalapit lang kay Sir Klinn. Kung ako yun, hmp! Baka naghanap talaga ako ng iba kesa pinagtatabuyan ako."
Nakaramdam ng awa si Eunice ngunit sa huli, nanaig ang bilib niya kay Cassy. Hindi niya inakalang dumaan ang dalawa sa ganoong tagpo ng kanilang buhay. Kung titignan kasi ang mga ito ngayon, para bang kasisimula lang ng love story nila at sobrang sariwa pa ng pagmamahal na nadarama nila para sa isa't-isa.
Kumirot ang puso niya nang maalala kung gaano rin kainit ang pagmamahal nila ni Terrence noon. Hindi niya alam kung bakit sila humantong sa ganito, sa isang sitwasyong tila bangungot na walang katapusan.
Napabuntong hininga siya at pilit na ngumiti. "Napakaswerte ni Sir Klinn. Hindi lahat ng babae ay kayang tiisin ang sakit. Women are often weakest when struck in their hearts. Minsan sa sobrang sakit ay kusa na lang namamanhid ang puso at isang araw, magigising ka na lang na wala ka nang maramdamang pagmamahal." Tinuloy niya ang paggupit sa stem ng bulaklak. "Kaya ikaw, Jelai ha? Huwag kang basta papasok sa relasyon kung alam mong hindi pa handa ang puso mo. Madaling tanggalin ang label pero yung kirot sa puso? Hindi."
"Ate Eunice, hindi pa naman talaga ako ready. Iaahon ko pa sila tatay sa hirap. Marami pa akong pangarap. Pupunta pa ako ng iba't-ibang bansa at hahaplusin ko pa ang abs ni Shawn Mendes." Humagikgik ito.
Natawa tuloy si Eunice. "Ikaw talaga puro ka kalokohan!"
Pinuno ng kanilang halakhak ang silid hanggang sa bumukas ang main door at pumasok ang mag-asawang Klinn at Cassy. Nakasunod naman sa kanila ang isang lalakeng kung tatantyahin ni Eunice ay nasa five ten din ang taas. Hindi ganoon kalakihan ang pangangatawan nito at moreno ang kutis ngunit napakaganda ng bilugan nitong mga mata. Manipis din ang mga labi nito at kaunting galaw lang ng bibig ay lumalabas na ang dimples nito sa magkabilang pisngi. May pilat ito sa kanang cheekbone ngunit nakadagdag lamang ito sa dating ng binata.
"Eunice, Jelai." Nakangiting tawag ni Cassy. "This is Vhon. Siya ang bagong nurse ni Keios."
Tumayo si Jelai at ngumiti, halatang nagpipigil na magpakita ng kilig sa binata. "Hello, kyah. Jelai po. Super-maid nila Ma'am Cassy. Single but not ready for jowas yet."
Mahinang natawa si Vhon dahil sa sinabi ni Jelai, pati ang mag-asawa at si Eunice.
"Nice to meet you, Jelai. Mukhang magkakasundo tayo." Magalang na tugon ni Vhon bago nabaling kay Eunice ang tingin nito. Sumilay kaagad ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata nang matitigan ang mga mata ni Eunice. "Hi..."
Eunice smiled back and slightly nodded her head. "Hello. I'm Eunice."
"Siya ang former nurse ni Keios but since she has a condition, we had to find a new one but Eunice is super nice." Singit ni Cassy saka nginitian si Eunice.
Sandaling sinulyapan ni Vhon si Cassy dahil sa sinabi nito ngunit agad ding ibinalik ang tingin kay Eunice. Hindi alam ni Eunice ngunit tila may kislap sa mga mata ng nurse nang muling magtama ang mga mata nila.
Eunice avoided visiting Keios' room since the last time she went there. Siya pa rin ang naghahanda ng pagkain nito at naglilinis ng silid nito kapag lumalabas sila para sa check ups ni Keios ngunit hindi na muling nag-krus ang landas nila sa nakalipas na dalawang linggo. Kahit pa sabihing hindi naman ganoon kalawak ang mansyon, hindi pa rin sila nagkikita.
Sa totoo lang ay hinihintay lang naman niyang kusa silang magkita. Halata kasi niyang ilag ito sa kanya at hindi niya maintindihan kung bakit. Nang magising naman ito ay parang ayos naman sila. Sinabi pa ngang totoo siyang nakikita nito saka siya nginitian. Nang malaman nitong hindi nito maigalaw ang mga binti, doon ito nagsimulang pakitunguhan siya ng iba.
Sa kabila ng treatment ni Keios, hiling pa rin niyang isang araw ay makalakad muli ito. Makukuntento na lang din siya siguro sa panonood ditong maglaro kung sakaling magpatuloy ang malamig na pakikitungo nito sa kanya.
Sumapit ang araw ng Linggo. Halos magtatatlong linggo na rin silang hindi nagkikita ni Keios. Madalas ay si Nurse Vhon ang kanyang kakwentuhan tungkol sa lagay ni Keios at sa ilang bagay-bagay.
Dahil wala ang hardinero ay naisipan ni Eunice na diligan ang mga bulaklak. Wala rin ang mag-asawa dahil ang mga ito raw ang sumama kay Jelai para maggrocery. Si Lukas naman ay hindi na nila kinuha pa sa mansyon dahil lalake ang nurse na nakuha para kay Keios. Paminsan-minsan ay pumupunta si Lukas sa kanya para magbalita.
Ang huli nga nitong kwento ay nasa ospital daw si Terrence pero tikom daw ang bibig nito. Sinasabi pa raw nitong wala raw itong maalala sa nangyari at sinabi pa nitong umalis daw siya isang araw bago naganap ang pagkakabaril. Hindi rin daw ito nagpaumbestiga o nagsampa man lang ng kaso kina Gilbert. Isang bagay na sobrang pinagtataka ni Eunice.
Napabuntong hininga si Eunice nang maalala na naman ang binalita ni Lukas. Binabagabag talaga siya ng kung anumang tumatakbo sa isip ng asawa niya at bakit iyon ang sinabi nito sa mga pulis. Kung anumang balak ni Terrence ay sigurado siyang hindi iyon maganda kaya mas nag-aalala siya para sa anak niya at sa mga taong naiwan sa hacienda.
"Baka malunod ang mga halaman."
Biglang nagbalik sa reyalidad si Eunice nang marinig ang pamilyar na tinig. Nang lingunin nito ang likod niya ay naroon na pala si Vhon—tulak ang wheelchair ni Keios.
"Vhon..." Pagak siyang ngumiti bago umiling. "Napalalim lang ang iniisip ko."
Ngumiti si Vhon. "Halata nga. By the way, may clinic ang kaibigan ko sa bayan. She's an OB-Gynecologist. Pwede kitang samahan sa kanya sa day-off ko."
"Talaga?" Nahaplos ni Eunice ang kanyang tiyan. "Oo nga pala hindi ko pa napapa-check up si baby."
"Great! Sa Friday wala akong pa—"
"May asawa kang tao bakit ka nandito?" Bigla na lamang sabat ni Keios. Bumaba ang tingin ni Eunice sa matalim kung makatingin nitong mga mata.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Eunice nang mapansing nakaigting ang panga ni Keios na para bang naiinis ito. Wala naman siyang maalalang ginawa rito pero para bang iritable ito kapag nasa paligid siya.
"Mahabang kwento ho ang tungkol sa asawa ko." Magalang pa ring tugon ni Eunice.
Tumaas ang isang kilay ni Keios. "That doesn't change the fact that you have a husband. Anong klaseng asawa ba ang meron ka at hinahayaan kang magtrabaho? You're pregnant. Dapat ay siya ang nag-aalaga sayo at siya ang sumasama sayo sa check ups mo."
Mapaklang napangiti si Eunice. "Gago."
Nanlaki ang mga mata ni Keios ngunit mayamaya ay nagsalubong muli ang mga kilay nito. "Minura m—"
"You asked me what type of husband do I have? Sinagot ko ho kayo. Gagong tipo ang asawa ko." May bahid na ng pait ang tinig niya at lumamig na rin ang kanyang ekspresyon.
Keios seemed stunned with what she said. Ilang sandali itong hindi nakatugon. Mayamaya ay iniwas nito ang tingin at pinagsalikop ang mga palad. "Bakit mo pinili kung gago pala?"
Eunice doesn't know why she felt bitterness in Keios' tone. Ayaw din siyang tignan nito habang hinihintay ang sagot niya kaya wala siyang nagawa kung hindi muling humarap sa mga tanim at tinuloy ang pagdidilig.
Malungkot siyang ngumiti habang nakatitig sa mga bulaklak na nababasang tubig. "Hindi mo naman kasi malalaman ang tunay na kulay ng isang tao kapag sobrang mahal mo. Dahil ang gugustuhin lang tignan ng mga mata mo ay ang pagmamahal niyo. Kung..." She sighed and gently touched her tummy. "Kung pwede ho sana ay ayaw ko munang mapag-usapan ang tungkol sa asawa ko. Masama raw ho sa buntis ang mga bagay na nakakapagpasama ng loob."
Keios didn't reply. Binalot sila ng katahimikan hanggang sa si Vhon na ang bumasag nito.
"So magpapa-schedule na ako ng check up mo, Eunice? Pwede din kitang ipaalam kay Ma'am Cassy at Sir Klinn." Prisinta ni Vhon.
Lumingon si Eunice at sasagot na sana nang biglang nagsalita si Keios. "You don't have to, Vhon." Matalim na nilingon ni Keios ang nurse niya bago nito binaling ang tingin kay Eunice.
Keios' gaze locked hers for seconds, making her feel the things she wasn't permitted to feel in the first place. Hindi niya maiwasan, dahil sa mga mata ni Keios ay naroon ang guhit ng selos, pagkadismaya...at pagnanasa.
Keios breathed deeply and looked away, as if he's struggling to control something with in him. Humigpit din ang hawak nito sa armrest ng wheelchair.
"Take us to the doctor tomorrow." Keios gulped. "Ako ang sasama kay Eunice."
Kabanata 8Tahimik lamang si Eunice habang nakasakay sa front seat ng kotse. Si Lukas ang nagmaneho para sa kanila patungo sa kaibigang doktor ni Vhon at nakaupo naman sa back seat ng sasakyan sina Vhon at Keios. Habang nasa byahe, hindi maiwasan ni Eunice na magtaka pa rin kung bakit ginusto ni Keios na sumama sa kanila gayong malamig ang pakikitungo nito sa kanya. She wanted to ask him, pero sa tuwing tinitignan siya ni Keios habang blangko ang ekspresyon sa mga mata nito, umuurong ang dila niya at nawawalan siya ng lakas ng loob upang kausapin ito."Eunice, are you taking vitamins? Para kasing maputla ka." Ani Vhon habang nasa byahe sila.Napalingon si Eunice sa likod ngunit mas nauna niyang nasalubong ang seryosong mga mata ni Keios. Bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso. May iba talagang epekto sa kanya si Keios kahit hindi niya iyon aminin sa sarili niya. Siguro ay dahil malaki ang pagkagusto niya rito noon bago niya naki
Kabanata 9Hindi mapigilan ni Eunice ang mapalunok ng sariling laway habang sinasalinan niya ng ice cream ang kanyang bowl. Si Keios ay tahimik lamang na nakamasid sa kanya, tila marami pang nais sabihin o itanong at hinihintay na lamang na maging bakante muli ang kanyang atensyon.May matipid na ngiting gumuhit sa mga labi ni Eunice nang ipalag niya sa harap ni Keios ang bowl nito. Naroon sila sa sala ng mansyon, ang ibang mga kasama sa bahay ay siguradong mahimbing nang natutulog kaya naman dama nila ang katahimikan ng gabi.Eunice scooped on her ice cream. Nang tuluyang malasahan ng kanyang dila ang pagkaing hinihingi ng kanyang tiyan ay halos mapaungol siya habang nakasara ang mga mata.She savored every taste of it, and Keios devoured himself with the sight of Eunice licking her spoon.Gumalaw ang panga ni Keios at uminit ang kanyang pakiramdam. Bakit ganito? Hindi niya maipaliwanag kung bakit
Kabanata 10Hindi mapigilan ni Eunice ang mapangiti habang nakikita kung gaano kapursigido si Keios sa kanyang therapy. It's already been a month since Keios decided to undergo this journey, and Eunice was happy she's slowly seeing its effect on Keios.Iba si Keios sa karaniwang nagdaraan sa ganoong klase ng therapy. Unang maaapektuhan sa pasyente ay ang mental health nito kaya naman bilib siya kay Keios dahil tila napkahusay nitong magkontrol ng sariling utak.Unlike other patients who'll usually cry in frustration for not being able to do the things they've been doing their whole life, Keios seems to be just too focused on the end result—ang muli nitong magamit ang mga paa.Ang kuya Klinn nito ay nagulat nang sabihin ni Eunice na gusto nang mag-undergo ni Keios sa therapy. Sinubukan na kasi nila itong kausapin noon ngunit tinapatan lamang sila ng frustrations at self-pity ni Keios kaya tuwang-tuwa si K
Kabanata 11Napakunot ng noo si Eunice nang makita ang mga tauhan ni Klinn na ibinababa mula sa guest room ang isang queen size bed. Pati si Vhon ay tumutulong palibhasa ay hindi na siya masyadong kinakailangan ni Keios magmula nang magsimula ito ng therapy.Everyone is really happy with Keios' fast progress. Kahit paano, kaya na nitong ilipat ang sarili mula sa wheel chair patungo sa upuan. Nagagawan na rin nitong itindig ang sarili kapag may kinakapitan at kapag ginagamit nito ang bars para subukang humakbang, sobrang saya ni Eunice tuwing halos nakakalahati ni Keios ang distansya.Inipit ni Eunice ang walis sa kili-kili niya at nagtanong kay Vhon. "Saan niyo ilalagay 'yan?""Sa kwarto ni Sir Keios dito sa ibaba. Hindi pa niya kayang gumamit ng hagdan pero naiirita na raw siya sa hospital bed kaya ipinababa na lang ni Sir Klinn 'tong kama."Napatango-tango si Eunice. Kung sabagay, mas madali
Kabanata 12Halos maiyak na kakatawa si Eunice habang pinanonood nila ang latest episode ng paborito niyang American TV show. Nasa kwarto sila ni Keios. Kumakain siya ng ubas habang si Keios naman ay tahimik lamang na nilalaro ang kanyang buhok at paminsan-minsan ay inaamoy pa ito."Your hair really smells nice." He sniffed her again that made her look towards him. "Anong shampoo mo?""Basta may vanilla." Simple niyang tugon habang pigil ang ngiti. Paano ba naman, napakahilig magtanong ni Keios ng kung ano-anong bagay tungkol sa kanya at kinabukasan, nagugulat na lamang siyang may stock na siya ng mga ito.He licked his lower lip before he gently massaged her nape. Tumindig tuloy ang mga balahibo niya sa paghagod ng palad nito. "Anong brand?""Ayan ka na naman. Balak mo yatang magpaka-sugar daddy."Gumuhit ang mult
Kabanata 13Mahigpit ang hawak ni Eunice sa kutsilyo habang naghihiwa siya ng gulay para sa ilulutong ulam, ngunit sa totoo lang, ang isip niya ay wala sa ginagawa. Rebecca's arrival threatened a huge part of her heart pero sino ba naman kasi siya para makadama ng selos dito? Rebecca, after all, was Keios' girlfriend. Kung naghiwalay ba ang mga ito ay hindi niya alam.Napabuntong hininga siya nang maalala na naman kung paano siyang hinagod ng tingin ni Rebecca. Hindi siya ang tipo ng babaeng nagpapa-api sa kapwa babae noon, ngunit magmula nang danasin niya ang mga paghihirap sa kamay ng sarili niyang asawa, pati ang tiwala niya sa sarili ay naglaho na rin.She used to have a lot of admirers. Parati rin siyang nililista ng mga kaklase para sumabak sa mga pageants ngunit mariin niyang tinatanggihan. Para sa kanya ay hindi siya para sa harap ng camera kahit maraming gustong kumuhang photographers noon para gawin siyang model
Kabanata 14HALOS umusok ang ilong ni Rebecca nang ulitin pa ni Keios ang sinabi na tila pinamumukha ritong hindi nito pwedeng basta apihin o laitin sa Eunice sa harap niya.Nang ibaling ni Rebecca ang tingin kay Eunice, nalunok ni Eunice ang sarili niyang laway sa talim ng titig na ipinukol nito sa kanya bago siya muling pinasadahan ng tingin.Umismid si Rebecca. "Looks like you hit your head pretty hard that you already lost your good taste in women." She flipped her hair and stormed out, halatang inis na inis dahil sa bilis ng lakad nito.Napabuga ng hangin si Eunice. Nang tignan niya ang halatang gulat ding si Vhon, lalong bumagsak ng kanyang mga balikat. Now they will finally know what's the real deal between her and Keios. Hindi sa ayaw niya. Nahihiya lang talaga siya dahil tingin baka isipin ng mga ito, buntis na siya't lahat ay lumandi pa siya sa amo niya.Yes, she said she'll sta
Kabanata 15GUSTONG maluha ni Eunice nang ibalita sa kanya ni Junaira na magiging malakas ang kanilang laban sa korte kung sakaling ang mga tauhan mismo sa hacienda ang kukuning testigo laban sa pananakit ni Terrence. Magiging mas mabilis din daw ang pagproseso ng annulment dahil sa dami ng nilabag na batas ng kanyang asawa."Do not worry about what you've done to him. Gagawin ko ang lahat para mapatunayang self-defense ang nangyari." Dugtong ni Junaira.Napag-usapan pa nila ang maraming bagay tungkol sa kaso ni Eunice. May mga tinanong din sa kanya ito na maaaring magpalakas pa sa kanilang laban. Isa lamang ang inaalala ni Eunice. May connections ang pamilya ni Terrence sa mga kilalang judge sa bansa. Dati ring parte ng military force ang mga tiyuhin at kapatid nito kaya nag-aalala siyang maapektuhan ng impluwensya nito ang kanilang laban.But Junaira told her she will do everything to win the case. International l
EpilogueKEIOS never imagined himself to be as happy as he is after he married Eunice in front of thousands of people. Their wedding was envied by many, especially when their love story was told during his vow. Marami ang naiyak sa naging buhay nila, ngunit kung gaano karaming luha ang pumatak sa awa, doble naman dahil sa tuwa nang sa wakas, naidugtong na rin niya ang kanyang apelyido sa kanyang asawa.It was like a dream he never made when he was young. Buong buhay niya ay ang football lamang ang tanging minahal niya, ngunit nang dumating si Eunice, Keios realized there's still a lot of space in his heart for other dreams.He became really close with his Dad. They get to watch games at home along with his brothers, they go out of town as a family, and they became each other's biggest fans in their own chosen paths.Nang manganak si Eunice sa kanilang anak na si Keison, halos hindi nila nahawakan ang anak dahil napa
Kabanata 30MALAKAS ang kabog ng puso ni Keios habang hawak ang bola ng kanyang ama. Naroroon siya sa locker area at ihinahanda ang kanyang puso. From the locker, he can hear people cheering so loudly already.He missed this. He missed his number 5 Huskeez uniform. He missed the adrenaline rush he feels every time he hears the loud cheers. And he missed the feeling of belongingness that thrums in his veins whenever he's on the field.But he is different now from the Keios people last saw playing more than three years ago. Ngayon, hindi na malamig ang mga mata ng Keios na lalabas sa field dahil lang alam niyang wala rin sa lugar ang taong gusto niyang makita siyang naglalaro. Because the man he wanted to show off to is here, sitting next to him, wearing a coach uniform."You ready?" Tanong ng kanyang ama.Ngumiti siya at pinasadahan ng tingin ang magiging teammates niya sa larong ito.
Kabanata 29KAHIT gustuhin ni Eunice na salubungin ang tingin ni Terrence, hindi niya pa rin magawa. Her heart is pounding violently, no longer because of her love towards the man she married, but because of the fury thrumming in her veins.Nanatili siyang nakatitig sa kanyang mga kamay na nakapatong sa mesa. Nanginginig ang mga ito at kung hindi niya ipagsasalikop, natatakot siya sa maaaring magawa ng mga ito."Eunice."His voice sounded very different from how he used to call her. May pag-alo na sa tono nito, hindi tulad noon na kinikilabutan siya tuwing nadidinig ito. Still, she remained silent, with lips pursing hardly together.Nadinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Nagpunta ako rito dahil sinabi ng mga magulang mong dadalaw kayo ng anak nat—""A—Anak ko." Tuluyan siyang nagkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang tingin nito. "Anak ko."
Kabanata 28KEIOS kept his strong facade as he stared at his Dad. Sanay na siya sa malamig at galit nitong titig mula pa noong magbinata siya. Siya lamang ang bukod-tanging anak nitong nanindigan sa kanyang pangarap.He remembered how hard his dad slapped him when he refused to take the course his dad wanted for him.He remembered how he called him useless when he sneaked out of their house just to join trainings to be a football player.And he remembered how he ignored him when he showed his first ever football uniform.His dad did nothing but crash his dream, at sa pangalawang pagkakataon, haharap na naman siya rito upang ipaglaban ang kanyang pangarap.Marahas na nagtaas-baba ang mga balikat ng kanyang ama bago ito tumingin sa kanya. Seryoso ang mga mata at malinaw na nais siyang sindakin upang itigil niya ang ginagawa niya."How long are you still goi
Kabanata 27KITANG-KITA ni Eunice ang pagsingkit ng mga mata ni Rebecca nang lumabas sila ni Saki patungo sa sala kung saan prente na itong nakaupo. Nahinto ito sa pag-uutos sa katulong na ipaghanda siya ng maiinom at nang magtama ang kanilang mga mata, Rebecca waved her hand to the poor maid as if she owns the house.Tumaas ang kilay nito sa kanya. "So the rumors are true? The whore is here."Saki's teeth gritted. Kung hindi lang nito hawak si Harmony ay siguradong sumugod na ito kay Rebecca. Mas nanggigigil pa man din ito habang si Eunice ay pilit na kinakalma ang sarili. She doesn't want to step down low to the self-proclaimed fiancee' of the man she's in love with kaya nang muntik humakbang si Saki patungo rito dahil sa narinig, agad niya itong hinawakan sa braso.Nabaling sa kanya ang galit na mga mata ni Saki ngunit pilit niya itong nginitian. "Let me handle this. Malaki na masyado ang atraso nito sa akin."
Kabanata 26NAHIHIYANG binaba ni Eunice ang kanyang tingin sa dibdib ni Keios nang sa pagdating nila sa mansyon ng mga Ducani ay naroroon ang ama nina Keios kasama ang kanyang nakatatandamg kapatid na sina Kon at Klinn. It's already been over a year, but the fear of staring back at Khalil Ducani still makes her feel...unwelcomed.Nadama niya ang marahang pagpiga ni Keios sa kanyang balikat bago ito tumikhim. "Dad..."His dad didn't answer for a moment, ngunit dama ni Eunice ang pagtaas ng tensyon sa paligid.She heard his dad sighed heavily. Mayamaya ay tumayo ito. "In my office. Now."Nagkatinginan sila ni Keios. Seryoso ang ekspresyong nakaukit sa mga mata nito ngunit pinilit pa rin siyang gawaran ng matipid na ngiti bago nito dinampian ng halik ang tuktok ng ulo ni Harmony."I'll just talk to him. Si Manang na ang magdadala sa inyo sa kwarto ko."Napalunok si Eun
Kabanata 25EUNICE stroke her hair when she noticed Harmony was already gone. Maging si Keios ay wala na rin sa silid na tinutulugan nila kaya nang matapos ang morning routines niya ay lumabas siya ng kwarto upang hanapin ang dalawa.Tinatanghali talaga siya ng gising dahil kay Keios. Paano ay naniniguro ang magaling na iyon at talagang ginagabi-gabi siya. Ang kuya Kon nito, talagang gumamit pa ng connections para lang makapag-emergency leave siya. Nahihiya tuloy siya sa ospital dahil dalawang buwan pa lamang siya mahigit sa trabaho ay ganoon na ang ginawa ng kuya ni Keios. Gusto raw kasi nitong masulit ng kapatid ang oras kasama silang mag-ina.When she heard Harmony's cooes coming from the kitchen, sandali siyang huminto sa pinto at sumandal sa door frame. Tahimik niyang pinanood ang dalawa. Harmony is sitting on her high chair Keios bought while Keios is leaning down to feed her.Hindi niya talaga napipigilang ma
Kabanata 24FROM the gentle kisses on her neck and shoulder, to the controlled clutching on her hair when he angled her head, Eunice can feel how much Keios is savoring their moment. His rough palm on her belly makes her bite her lower lip, her thoughts of forever with him brought a different level of happiness."Eunice..." Bulong ni Keios sa kanyang tainga bago siya hinalikan muli sa leeg.Dumaing siya nang umakyat ang palad nito sa kanyang dibdib hanggang sa hinatak nito pababa ang telang pumipigil upang tuluyan niyang madama ang init ng palad nito.Her boobs are not too big nor too small, yet when Keios held the left one and get it a squeeze that made her see stars in her head, she felt too little for his beastly moves.His kisses traveled to her spine to her side. Napa-angkla ang kanyang braso sa balikat nito nang lumandas nang tuluyan ang ngayon ay pumupusok na nitong mga halik patungo sa kanya
Kabanata 23NAPAILING na lamang si Eunice nang sa pag-uwi niya ay nadidinig na naman niya ang mga kantahan sa likod ng bahay. Sa halos isang buwang pagpapabalik-balik ng magkapatid na Ducani sa bahay ni Madam A, hindi na siya pinatahimik ni Keios at mga kasama sa bahay.They never asked about them, thou. Tila ba kung anuman ang nalaman nila mula sa magkapatid tungkol sa namagitan sa kanila ni Keios noon, pinili nilang irespeto ang desisyon niyang itikom ang bibig, ngunit syempre, hindi mawawala ang mga kantyawan tuwing lalapitan siya ni Keios.Paglabas niya ng silid pagkatapos makapagshower at makapagbihis, saktong lumabas ng kusina si Queenie at Boyong. May mga dala ang mga itong bilao ng pancit at iba pang pagkain kaya dali-dali siyang lumapit para tumulong."Sinong may birthday?" Tanong niya."Yung asawa raw ni Sir Kon. Kasama nila ngayon dito. Naroon kaming lahat sa kubo nandoon din s