Tiara's POV
It's been a week since I started studying in this school, and until now, even the shadow of Nikolaj Sullivan is nowhere to be found.
I sighed.
Saan ko ba kasi makikita ang lalakeng iyon? I don't want to ask my classmates naman since medyo mailap sila sa 'kin and I don't even know why. Siguro I'm not their cup of tea? Kasi scholar? Kalokohan.
Social inequality really sucks kung ganoon.
"Tulala ka nanaman, Tiara. Do you mind if I ask you what's on your mind?" Napabaling ang tingin ko kay Yana nang tanungin niya ako. We're at the canteen right now, eating peacefully.
"Ah, wala naman. Just thinking random things," I lied. I don't want her to know about my plan because I want to keep it private as much as possible. Mas mabuti ng ako lang ang nakakaalam na may hidden agenda ako kung bakit pumasok ako sa paaralan na ito.
Mukha namang kumbinsido siya sa sinabi ko at hindi na muling nagtanong pa. Maya-maya ay napaharap ako kay Yana no'ng ako naman ang may naisip na tanong.
"Yana, alam mo ba kung saan madalas tumambay 'yong The C.haos?" Yana stopped eating at tumingin sa 'kin. Ngitian niya ako nang nakakaloko na para bang may naisip na kalokohan.
"Bakit? Pupuntahan mo sila? Hmm, ang alam ko meron silang Practice Room sa school na ito, doon sila nagpa-practice tuwing lalaban sila sa ibang school o magpe-perform dito sa mismong school. Naging tambayan na rin nila 'yon kinalaunan." Napatango-tango ako sa sinabi ni Yana. I asked her where I can find that place at mabuti na lang ay sinagot niya ito nang maayos.
"Sama ako kapag pupunta ka, ha?" wika niya. Pabiro ko naman siyang inirapan at tinapos na lamang ang kinakain ko. Natawa naman siya sa ginawa ko at pinagpatuloy na lang din ang pagkain.
I will come at that place pagkatapos ng klase. Sisiguraduhin ko munang nakauwi na si Yana para hindi maghinalang pupunta ako roon.
I don't want to keep secrets from Yana dahil siya lang ang halos nakakasama ko sa paaralan na 'to but I also have no choice because I want to keep it confidential. Telling my plan means telling her how fucked up my life is.
Ayokong kaawaan ako ng iba dahil sa nangyari sa buhay ko, that's why I want to keep it a secret.
Maya-maya ay tumunog na ang schoolbell, hudyat na magsisimula na ulit ang klase. Dahil doon ay nagsimula na kaming maglakad ni Yana pabalik sa Main Building.
Yana and I parted our ways when we entered the entrance of the Main Building.
Umakyat na 'ko sa hagdanan at nang makatungtong sa third floor ay agad na 'kong pumasok sa classroom ko. Dire-diretso akong naglakad at umupo sa aking upuan, not even throwing a glance to my classmates who keep on looking at me. Wala naman akong mapapala sa tingin nila, anyway.
Maya-maya ay dumating na ang aming professor. Inayos ko ang aking upo at tahimik na nakinig na lamang sa klase.
-
After a long discussion about Human Resources Management, tumunog na rin ang school bell."So, that's for today, class! Class dismissed," paalam ng aming professor at niligpit na ang kaniyang gamit.
Sa wakas.
Kanina pa kasi ako hindi mapakali sa upuan ko dahil baka hindi ko na maabutan si Nikolaj kapag pumunta ako roon sa Practice Room na sinasabi ni Yana.
Nang makalabas ng classroom ay agad akong bumaba upang salubungin si Yana.
Pagbaba ay nahagilap kaagad siya ng aking mga mata dahil panay kaway niya sa 'kin habang malawak ang ngiti. Kinawayan ko siya pabalik at lumapit na sa kaniya.
"Ano? Pupunta ka sa Practice Room? Sama ako, Tiara! Sabay na tayo papunta roon," bungad na saad niya sa 'kin.
Paano ba 'to? Paano kapag nalaman niyang balak kong pumunta roon mag isa nang hindi niya nalalaman? For sure, she will be mad at me dahil baka iniisip niyang ayaw ko siyang kasama!
Sorry, Yana, but I hope you can forgive me for this.
"Ano ka ba! Hindi ako pupunta roon, 'no. Ayaw kong isipin nila that I'm stalking them secretly. 'Tsaka I'm not really a fan of them, so why would I go to that place?" I lied. I pinched my finger secretly as my punishment for lying infront of her face.
I feel so bad for doing this ngunit hindi pwedeng may makaalam. Ayokong may makaalam, even Yana.
She looked at me with her suspicious eyes that's why I got nervous. Did she notice that I'm lying to her? No way!
"Bakit mukha kang hindi mapakali riyan? Pinagpapawisan ka pa, oh!" I bit my lower lip dahil mukhang bistado pa atang nagsisinungaling ako sakaniya.
Ganoon ba ako kahalata na kinakabahan ako?
Mas lalo akong kinabahan nang mas lumapit pa sa 'kin si Yana na may pagdududa sa kaniyang mga mata. Damn, my heart is now beating so fast!
"Tell me, Tiara. Natatae ka ba? Pwede kita samahan sa CR." Napatampal ako sa aking noo pagkatapos ni Yana sabihin 'yon.
Kahit kailan ay puro kalokohan talaga itong si Yana! Kinabahan pa naman ako dahil akala ko nahalata niyang nagsisinungaling ako.
Sinamaan ko siya ng tingin when she burst out a laughter after seeing my reaction.
"Hindi ko alam ang gagawin ko sayo, Yana. Puro ka kalokohan!" wika ko. But instead of stopping, mas humagalpak pa siya ng tawa kaya ang iba ay napapatingin na sa amin!
I stopped her right away at laking pasasalamat ko nang huminahon na siya sa kaniyang pagtawa. Napailing-iling na lang ako habang bahagyang natatawa dahil sa eksenang ginawa ni Yana kanina.
"Mauuna na 'ko, Yana. Pupunta pa ako sa office ni Ms. Fatima dahil may itatanong ako sakaniya tungkol sa subject niya." I lied once again. Sana ay tanggapin pa ako ni Lord sa Langit.
"Okay, mag-iingat ka sa pag-uwi mo mamaya, ha! Babye!" wika niya at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik and patted her back lightly.
Nang maghiwalay kami ay doon na siya naglakad papalayo sa 'kin, 'tsaka lang ako naglakad ulit nang masiguro kong nakalabas na siya sa gate ng school.
Finally.
Yana said that the Practice Room is in the West Building. Tumigil ako sa paglalakad at nilibot ang mga mata ko.
So, this whole school is consisting five buildings, excluded doon ang building kung saan makikita ang mga faculties.
Main, North, South, West, and East. Ayan ang tawag sa mga buildings dito sa school.
Main Building ang tawag sa building namin because it's in the center, North Building naman dahil matatagpuan ito sa taas ng Main Building, South Building dahil nasa ibaba naman ito ng Main Building, ganoon din sa West and East. In short, nakapabalibot ang apat na natitirang building sa Main Building. That also explains why they used the Four Cardinal Directions to name the buildings. It was clever for me though, dahil mai-identify mo kaagad ang isang building by just knowing kung saan sila nakapwesto.
Kung sino man ang architect ng school na 'to, he did a great job.
Nang mahagip na ng mata ko ang West Building ay naglakad na ako papunta roon. Konti na lang ang estudyanteng naglalakad-lakad dahil dismissal na ng mga klase. Mabuti na rin iyon so that no one would suspect me that I'm secretly stalking the band members of The C.haos, especially Nikolaj Sullivan.
Pumasok na ako sa West Building at nilibot ang mga mata ko. Nothing's new and special at all, dahil kung ano ang interior design ng Main Building ay ganoon din naman sa iba pang mga buildings.
"Hmm, sabi ni Yana ay nasa second floor daw iyon," I mumbled and started to walk upstairs. Nang makatungtong sa second floor ay halos wala ng estudyanteng naglalakad.
I continued to walk until I finally saw the Practice Room. Hindi ako nahirapan sa paghahanap dahil sa pinto ay may naka-attach doon na, "Practice Room: The C.haos."
Favoritism is obviously occuring here dahil may nakalaan talaga na room kung saan sila pwede mag practice anytime.
I took a deep breathe when I finally managed to hold the door handle of their room.
Sisilip lang ako at kung walang tao, edi better luck next time.
Dahan-dahan ko na itong pinihit at mas lalo akong kinabahan when I finally opened the door. It's not locked!
"Hello? What are you doing?" Halos mapatalon ako sa gulat when someone talked behind me! Agad akong lumingon sa taong 'yon, nagulat ako dahil ang sumalubong sa 'kin ay isang magandang babae, wearing a beautiful smile!
She looks like a goddamn goddess, for real!
Simpleng uniform lang ang suot-suot niya but she can still deliver it very well. Is she a model? No, for sure, she is a model! Ang ganyang klaseng ganda ay makikita mo lang sa mga fashion magazines kaya sigurado akong modelo ang isang ito.
I smiled back at her at nagsalita to answer her question, "Ah, I just wanna try my luck kung makikita ko rito si Nikolaj since I'm really a fan of him." I tried my best to hide my nervousness because she caught me in the act a while ago! And I know that she can sense it.
"Oh, Nikolaj Sullivan?" Her face lighten up when I mentioned his name. Kilala niya ba ito personally? I think so.
Nagulat ako when she held my hand and looked me in the eyes.
"B-Bakit?" nauutal na tanong ko dahil ang lapit ng mukha niya sa 'kin!
"I noticed that you look like me, pero mas maganda nga lang ako," she said. Tinaasan ko siya ng kilay at inagaw ang kamay ko sa kaniya dahil nairita ako sa sinabi niya. As if naman na pinangarap kong maging kamukha siya?
Aalis na sana ako when she held my wrist.
"Tell me. Do you want something from Nikolaj? Like a picture with him, his shirt, or his autograph?" Agad akong napabalik sa aking pwesto when she mentioned the autograph!
Ngumiti naman siya when she saw me did that.
"Got you! So, what do you want from him? I can help you with that! Just tell me," masayang wika niya habang winawasiwas ang kamay naming dalawa na magkahawak.
"His autograph sana..." nahihiya kong saad at iniwas ang tingin ko sa kaniya. Hinawakan niya naman ang baba niya at tumango-tango.
"Bakit autograph lang? Ayaw mo ba ng litrato kasama siya? Mas maganda kaya iyon," she said. Umiling naman ako bilang sagot na hindi ko kailangan ng litrato kasama siya.
Pirma lang ang kailangan ko at wala ng iba pa.
"Bakit naman?" tanong niya sa 'kin. Kabado naman akong lumunok at tumingin sakaniya.
Bakit ba ang dami niyang tanong? Pwede niya namang tulungan na lang ako sa pagkuha ng autograph ng lalakeng iyon!
"Is that even necessary to know?" I asked her without any hesitation. She seems a bit shocked after I said that.
"O-Of course! I need a valid reason so that Nikolaj will let me have his autograph for you!" aniya.
I sighed and looked away. Gaano ba kahalaga ang autograph ng lalaking iyon at bakit kailangan pa ng valid reason to have his autograph? Hindi ba puwedeng gusto ko lang?
Nakakainis! I want to keep it a secret so bad ngunit sasayangin ko ba ang opportunity na 'to? I don't want to miss this opportunity either.
I looked at her. She seems reliable to me, hindi siya 'yong tipo ng taong mukhang hindi mapagkakatiwalaan.
But can I really trust her?
I guess, I have no choice. This is a great opportunity that I must grab for the sake of my brother's last wish. Hindi puwedeng sayangin ito, Tiara.
Huminga akong malalim at sinimulan ng sabihin ang lahat sa kaniya.
Sinabi ko ang tungkol sa aking kapatid, na iyon ang huli niyang hiling sa 'kin before he died. I didn't mention that my parents were also dead dahil ayokong magmukhang nagpapaawa.
"Your brother is so lucky to have you as your sister! Kainggit," tanging nasabi niya pagkatapos kong mag kwento. Malungkot naman akong ngumiti sa kaniya.
"So, pasado na ba iyon para makuha ko ang autograph ni Nikolaj Sullivan?" Ngumiti naman siya sa 'kin at hinawakan ang balikat ko pagkatapos kong sabihin iyon sakaniya.
"Yes, but in exchange of one condition." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. What does she mean? Ibig sabihin ay may kapalit ang gagawin niya para sa 'kin? What the! Bakit sinabi ko pa ang dahilan ko kung gano'n? This girl is starting to irritate the hell out of me!
"Wala ng libre sa panahon ngayon. This favor is just a piece of cake lang naman. You'll just need to pretend as me at my engagement party tomorrow since may pagkakahawig tayong dalawa! Paano kasi ay wala na akong ibang mahihingian ng pabor na gano'n. All of my friends were invited at the party kaya bawal din sila." Napanganga ako sa sinabi niya. Piece of cake lang para sa kaniya ang bagay na 'yon? Pwes, sakin hindi!
Praning ba ang babaeng ito at ang lakas ng tamang hindi siputin ang kaniyang nobyo sa mismong engagement party nila? What's wrong with these people nowadays?
I looked at her intently.
"What? I will be your proxy? Paano kapag may nakaalam na nagpapanggap lang ako? There's no way that I will do that!" singhal ko sakaniya. I rolled my eyes at her dahil malaking gulo ang aabutin ko oras na malaman na nagpapanggap lang ako, 'no!
She rolled her eyes as well at binaling ulit ang tingin sa 'kin.
"Ano ka ba! Do you think I will let you get caught? Of course not! And besides, the theme of that engagement party is a masquerade theme that's why half of your face will be covered," she said.
"What if I get caught, then? Sasaluhin mo ba ako?" tanong ko sa kaniya. Starting to get interested.
"Of course, girl! And besides, dadating ako roon bago pa dumating ang mga magulang ko kaya you don't have to worry about that. It's just that na may aasikasuhin lang talaga ako sa araw na 'yon," saad niya.
Damn, she's good at convincing people, huh?
Napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita ulit siya.
"Sagot ko naman ang lahat, 'no! Your gown, accessories, kotse na maghahatid sundo sayo, at iba pang mga bagay na kakailanganin mo. I can also pay you if you want."
Wala na, she already convinced me! This girl really knows how to play her words to convince people.
"F-Fine! Tell me the details of it, just make sure that I won't get caught. Ano ba ang mga dapat kong gawin bukas?" I have no choice. I need to do this. Opportunity na mismo ang nalapit sa 'kin kaya hindi pwedeng tanggihan ko na lamang ito.
Nagulat ako nang yakapin niya ako while muttering the words, "thank you", na para bang she succeeded on something.
I sighed and just hugged her back. Bakit parang napakabigat ng favor niya para sa 'kin kahit na magpapanggap lang naman ako in just an hour? O baka nga hindi abutin ng oras.
This feeling is kinda weird.
Wala naman sigurong mangyayaring masama sa araw na iyon, 'di ba? Magpapanggap lang ako at pagkatapos, kakalimutan ang bagay na iyon na para bang hindi nangyari sa buhay ko 'yon.
I sighed for the nth time.
Walang mangyayaring masama, Tiara.
Sana.
"Are you ready, Tiara?" I looked hopelessly to Quisha when she asked me that. Mukha ba akong okay sa paningin niya? I don't think I look okay right now, lalo na't nandito na kami sa mismong tapat ng venue na pagdadaungan ng engagement party niya. I'm wearing a tube gold dress that has a slit on the left side. Exposed na exposed ang left leg ko dahil medyo mahaba ang slit sa may bandang left side ng dress which made me really uncomfortable. It was kinda revealing for me, but Quisha insisted that it was not kaya wala rin akong nagawa noong nag reklamo ako sa kanya. She will also pay me for this kaya ano nga bang karapatan ko para magreklamo? "I don't think I'm ready for this," I said to her nang magsimula na kaming maglakad papasok. Quisha said to me na sa ibang daan kami papasok
"So, you're really getting married, huh?" Nangunot ang noo dahil ayon agad ang salubong ng nasa gitna when we finally reached their table. Tinignan ko sila isa-isa. Halos hindi nagkakalayo ang height nilang apat kung titignan nang mabuti. It seems that they are made to be one. Kung pagsasama-samahin silang apat ay paniguradong kakaibang tensyon ang mararamdaman mo dahil sa aura nila. It literally screams power and authority. 'Yong tipong manliliit ka talaga oras na tumabi ka sa kanila. Palihim kong iniwas ang tingin ko ng gumawi ang tingin ng isa sa 'kin. Napalunok ako at binagsak na lamang ang tingin ko sa lamesa dahil ayokong salubungin ang tingin na itinapon niya sa 'kin. I heard that guy chuckled dahil sa inasta ko when he glanced at me. Nakagat ko pa ang pang-ibaba kong labi dahil sa kahihiyan! What's so funny? Natutuwa ba siyang nakikita niyang nai-intimidate
Tiara's POV"Tonton, ate missed you so much na. It's been a week since you left me. Bakit naman ang aga ninyo akong iniwan nila mama?" I asked emotionally. Nandito ako ngayon sa puntod ng aking kapatid, visiting him again because of loneliness. Mag-isa na lamang ako sa buhay ko at wala na akong masasandalan kundi ang sarili ko na lamang.My little brother died due to cancer in blood. Yes, a leukemia. Iniisip ko nga kung bakit sa kapatid ko pa nangyari ang bagay na iyon ngunit kahit maglupasay pa ako rito ay hindi na muling maibabalik pa ang buhay ng aking kapatid.I sighed and looked at the bright sky. Inaalala ko ang huling hiling ng kapatid ko sa akin bago niya ipinikit ang kanyang mga mata."A-Ate, get Kuya Nikolaj's autograph for me, okay? D-Dapat ay nakadisplay 'yon sa bahay kapag n-nakuha mo na. Ate, papahinga na ako, ha? P-Pagod na pagod na po ang mga mata ko eh. I-I'll sleep na po, ate. I love y-you so muc
Tiara's POVBusy ako sa panonood ng TV nang biglang mag ring ang cellphone ko. I looked at it and it was an unregistered number.Sinagot ko ito."Good day, ma'am! Is this Tiara Mari Chua?" salubong ng caller sa 'kin."Yes, ako nga. What do you want from me?" I said back politely."I just want to inform you that you got accepted in our University! Do you still remember me? I was the one who assist you when you applied for our scholarship."Napatayo ako sa aking kinauupuan at bahagyang napatili pagkatapos sabihin ng babae 'yon!Kinagat ko ang ibabang labi ko to stop myself from shouting more dahil kausap ko pa rin ang babae. Baka kung ano pa ang isipin sa 'kin kapag nagkataon."Y-Yes po, ma'am! May I know po kung kailan ako papasok? Wala pa po kasi akong uniporme at mga gamit na gagamitin," saad ko. Panigurado ay ramdam niya kung gaano ako ka-excite ngayon dahil halatang-halata 'yon sa boses ko. Sino ba an

Tiara's POVIt's been a week since I started studying in this school, and until now, even the shadow of Nikolaj Sullivan is nowhere to be found.I sighed.Saan ko ba kasi makikita ang lalakeng iyon? I don't want to ask my classmates naman since medyo mailap sila sa 'kin and I don't even know why. Siguro I'm not their cup of tea? Kasi scholar? Kalokohan.Social inequality really sucks kung ganoon."Tulala ka nanaman, Tiara. Do you mind if I ask you what's on your mind?" Napabaling ang tingin ko kay Yana nang tanungin niya ako. We're at the canteen right now, eating peacefully."Ah, wala naman. Just thinking random things," I lied. I don't want her to know about my plan because I want to keep it private as much as possible. Mas mabuti ng ako lang ang nakakaalam na may hidden agenda ako kung bakit pumasok ako sa paaralan na ito.Mukha namang kumbins