Blair Castro
“WHAT RESEMBLANCES? TALAGA BANG PANININDIGAN MONG MABUTING BABAE 'YANG KABIT MO, LUKE? HOW COULD YOU COMPARE MY DAUGHTER TO HER?!”
Umawang ang labi ko dahil sa sagot ni Alicia. Suminghap ako at sarkastikong natawa. Talagang pinanindigan niya na anak niya si Lira! The nerve!
Iritado akong pumasok sa loob ng bahay saka isinara ang pinto. Hindi ko na inintindi ang patuloy na pag-aaway nina Lukas at Alicia. Dumiretso nalang ako sa kusina at naiiling na nagtimpla ng kape.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at hindi na nakatulog pa ulit. Bandang alas kuwatro ng umaga nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan sa tapat. Agad akong sumilip sa bintana at nakita si Alicia na nagmamaneho ng kotse.
Nagtaas ako ng noo. Wala si Lukas na palagi siyang inihahatid sa labas kapag umaalis siya.
Gusto kong matawa sa nasaksihan ko. Nagsisimula na
Blair CastroHINDI pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Lukas. Kanina pa ako dito sa loob ng kwarto pero tulala pa rin akong nakatingin sa kamay ko na hinawakan niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagkakabuhol-buhol ang hininga ko at hindi ako makapag-isip ng matino.Ano nga kayang sinasabi ni Lukas kanina? Anong ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya? Naalala na ba niya ang nangyari sa amin five years ago?Marahas akong napailing saka sinapo ang mukha ko. Sabay-sabay ba talagang lalabas ang katotohanan? Grabeng pasabog naman 'yon kung sakali. Tiyak na wala nang kawala si Alicia pero natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga anak ko lalong-lalo na si Lira na siyang higit na apektado sa kasinungalingan ni Alicia. Kung pwede ko lang ipaliwanag sa kaniya ang lahat ngayon.Inubos ko ang oras ko sa pagtunganga sa kawalan. Nang bandang alas kuwatro ay nagtex
Blair CastroHINDI ko nakita si Cloud kinabukasan. Wala rin ang kotse niya sa labas at tanging note lang ang nakita ko na umuwi siya sa condo niya. Malinis na rin ang mga naiwan naming kalat sa kusina kagabi.Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi kasabay ng pagbalik ng alaala sa akin kung paano niya ako hinalikan kagabi.Marahas akong napailing. No! Ang baboy ko! Ano nalang iisipin ng parents ni Cloud? Ano nalang ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang nararamdaman ni Cloud? Ayokong mawala ang naging pangalawang magulang ko. Natatakot na ulit akong mag-isa.Sinapo ko ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang nafufrustrate ako dahil sa nangyari. Kagabi ay napanaginipan ko pa ang nangyari sa aming dalawa ni Cloud. Paulit-ulit sa isipan ko ang senaryong 'yon.Lumipas ang maghapon na halos wala akong nagawa. Ang tanging nasa isip ko ay
Blair CastroMAHIGPIT kong hinawakan ang sirang pinto ng kwarto ko. Humigpit rin ang pagkakahawak ko sa tuwalyang nasa balikat ko pa rin. Pagkatapos kong talikuran si Lukas kanina ay lakas loob akong bumalik dito sa kwarto ko.Napailing ako at bumaba ulit. Naupo ako sa nag-iisang upuan sa sala saka mariing ipinikit ang mga mata ko. Napalunok ako nang bumalik sa isipan ko ang mukha ng lalaki kanina. Sigurado ako na siya rin 'yung inutusan ni Alicia noon para patayin ako. That bitch! Wala nga siya dito pero hindi talaga siya titigil hangga't hindi ako nabubura sa landas niya. Akala niya ay papayag ako sa pagkakataong ito? Hindi!Hindi na ako na nakatulog. Puyat na puyat ako kinabukasan at halos nanlalata ang katawan ko. Bandang alas cinco ng umaga nang may kumatok sa pinto ng bahay ko. Halos mawala ang antok ko nang mapagbuksan ko si Lukas na agad sinalubong ang mga mata ko.
Blair CastroNAGLUTO si Cloud at habang naghuhugas siya ng mga plato ay nasa sala ako. Hindi ko mawaglit sa isipan ko ang mga sinabi niya kanina. Mabuti na nga lang at hindi na siya nagsalita pa ulit tungkol doon. Nag-angat ako ng mukha at natanaw ko si Lukas mula sa nakabukas na pintuan ng bahay ko. Lumapit siya sa may gate ng bahay ko at nakita niya ako. Sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya.Ayoko sanang lumapit pero nang hawakan niya ang gate ay mabilis akong napatayo at naglakad palabas. May bakas ng emosyon sa kaniyang mga mata na hindi ko mapangalanan.Nang makalapit ako sa kaniya ay nagulat ako nang hilahin niya ako at isinandal sa gilid ng gate. Malalim ang titig niya sa akin at tila may galit sa kaniyang mga mata.“We already met five years ago, right?”Halos mapugto ang hininga ko sa tanong niya. Nangunot ang noo ko at saka ako umi
Blair CastroNAPATINGIN ako kay Cloud matapos niyang maglapag ng hiniwang mansanas sa harapan ko. Nandito ako sa kusina habang nakaupo sa stool at tulala. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Lukas kagabi sa akin. Sobrang laki ng epekto sa akin ng mga binitawan niyang salita. Iyong banta niya lalo na nang sabihin niya ang mga nalaman niya tungkol sa akin.“Okay ka lang?” tanong ni Cloud matapos maupo sa harapan ko.Napatango ako saka tipid na ngumiti. “Oo. May iniisip lang ako.”“Hmm! About what?”Tumikhim ako. “Tungkol sa kambal.”Nunkang sabihin ko sa kaniya na iniisip ko ang ginawa at sinabi ni Lukas kagabi.“'Wag kang mag-alala. Kumpiyansa ako sa magiging resulta ng test,” aniya saka kumuha ng isang hiwa ng mansanas saka kinain.Tumango nalang
Blair CastroIBINALIK ko kay Alicia ang paningin ko. Gigil, selos at galit ang nakita ko sa kaniyang mga mata bago niya padaskol na itinapon ang shades niya at sumugod sa akin.“ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!” malakas ang sigaw na pinakawalan niya habang pinipilit akong abutin. Hawak na kasi siya ni Lukas at pilit na inilalayo sa akin.Hindi ako nagsalita. Imbes ay nanatili akong nakatingin kay Alicia na mas lalong nanggigil sa panunuod ko sa pagwawala niya.“ANG LANDI LANDI MO TALAGA! MANG-AAGAW! KABIT!”“Alicia, stop!”Iniwan ko ang basura sa gilid ng gate ng bahay ko saka tumalikod na pero nakawala si Alicia kay Lukas at nahila ang buhok ko.“ALICIA!”Wala akong planong patulan siya pero nang makaladkad niya ako at masadsad ang binti ko sa simento ay hindi
Blair CastroMAAGANG umalis si Cloud kinabukasan. Ibibili niya raw ako ng oven para maipagbake ko si Lira. Excited naman ako sa gagawin ko. Sana lang ay tanggapin ni Lira ang ibibigay ko sa kaniya.Habang hinihintay ko si Cloud ay inayos ko ang mga gagamitin ko. Panay ang sulyap ko sa orasan at nang dumating si Cloud ay agad akong nagsimula.“Sige, tingnan natin kung paano magbake ang isang Blair Castro,” ngingiti-ngiting sabi ni Cloud.Natawa ako na sinulyapan siya. “Malalaman mo kung gaano ako kasarap magbake,”“Hmm. Tingnan natin.”Nginitian ko lang siya saka nagpatuloy sa ginagawa. Sinigurado kong tama ang timpla at magiging masarap sa panlasa ni Lira ang ginawa ko. Matapos ko itong ilagay sa oven ay nilingon ko si Cloud. Naupo ako sa harapan niya habang naghihintay kaming maluto ang cookies.
Blair CastroNAKAUWI ako sa bahay na iniisip pa rin ang naging reaksyon ni Dr. Marasigan matapos akong makilala. Hindi ko maintindihan ang dahilan ng ginawa niya pero malakas ang kutob ko na may itinatago siya. Kung tungkol saan ay hindi ako sigurado.Bumuntong-hininga ako saka inayos ang mga cookies na ginawa ko. Inilagay ko ito sa lalagyan—siniguradong maayos at kaaya-kaya ang hitsura bago ko isinara ang lalagyan.Lumabas ako ng kusina bitbit ang lalagyan ng cookies saka sumilip sa katapat ng bahay. Nakabihis na lumabas ng bahay si Lira at hindi ko alam kung sino ang kasama niyang lalabas.Habang wala pa ang kasama niya ay dali-dali akong lumabas para lapitan siya. Agad niya akong nakita.“Lira,” ngumiti ako.Iniangat ko ang hawak ko. “Gumawa ako ng cookies. Pwede mo bang tikman?”Tumingin s
Blair Castro-de MarcoPINAGMAMASDAN ko si Owen na tinuturuang tumugtog ng gitara si Lira. Abalang-abala sila sa sarili nilang mundo. Ganoon rin si Onyx na nakahiga sa sofa at nanunuod ng basketball. Nasa kabilang sofa naman si Brielle na hawak ang iPad niya at may kung anong ginagawa.Napangiti ako. It's been ten years since I gave birth to Brielle at ngayon ang tenth birthday niya.Hindi na nasundan si Brielle, ayaw na ni Lukas na magbuntis ako dahil baka himatayin na raw siya sa susunod. Ayoko na rin naman talagang sundan pa si Brielle, tama na ang apat na anak.“My,” ani Brielle na napansin ako. “Si dada, nasaan na po?”Bilang request kasi niya ay kakain lang kami sa labas ngayong 10th birthday niya. Pumayag naman si Lukas na may meeting lang sandali sa opisina.Tuluyan akong bumaba ng
Blair Castro-de MarcoNAKANGITI kong pinagmamasdan ang mag-aama habang kumakain sila ng cake. Pagkatapos naming hiwain ni Lukas ang wedding cake ay sinubuan namin ang isa't-isa saka niya nilapitan ang triplets at pinakain. Karga-karga naman ng dad ni Lukas si baby Brielle.“Dad,” nilapitan ko ang ama ni Lukas. Ngumiti siya sa akin habang giliw na giliw sa bunso ng mga de Marco.“She's so beautiful, Blair,” aniya habang hinahalikan ang pisngi ni Brielle.Hinawakan ko ang kamay nito saka muling tiningnan ang ama ni Lukas. “Kumain ka na po muna, dad. Ako na muna kay Brielle.”Umiling siya at ngumiti. “Nope. I like carrying her. Doon ka na sa asawa mo. Enjoy your wedding.”Tumango nalang ako at iniwan silang maglolo matapos kong halikan ang noo ni Brielle. Nang bu
Lukas de MarcoWHO would've thought that I'll marry twice when I presumed then that no one will ever like me because I'm a rugged and snob man? I don't even have an ex-girlfriend. I drowned myself in studying and proving my worth to my father who hates me then after my mother died giving birth to me. Thinking about my previous life made me sigh. When I married Alicia, I was happy because at last, I found a woman who will love me but when I learned about her lies, my dreams shattered.Nakakapanghinayang lang na marami akong pangarap para sa aming tatlo nina Lira pero it turns out na mali palang nangarap ako kaagad dahil hindi pala totoo ang mga nakita at ipinakita niya sa akin. Although our love was real, it doesn't give her the rights to lie about my kids and made a fool out of me. I loved the wrong woman.“Dude!”&
Blair CastroISA sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay noong nasilayan ko ang triplets nang isilang ko sila. Kasunod niyon ay ang mga pangit na pangyayaring maituturing ko nalang na masamang panaginip. Isang panaginip na hindi maaaring iwasan at hindi ko inasahan.After everything that happened, hindi ko na alam kung tama bang sabihin ko na worth ang lahat ng paglaban at hirap ko gayong marami akong nasaktan at nasagasaang tao. Firsly, Alicia, na naghangad ng mas higit sa naabot niya. Ang kaniyang ama na nasaktan ng husto sa pagkawala ng kaisa-isang anak niya. Si Cloud na naghangad ng pagmamahal na hindi maaring masuklian at labis na nasaktan sa bandang huli at ang iba pang mga taong nadamay sa gulo namin ni Alicia. Gayunpaman, wala akong pinagsisisihan dahil naitama ko naman ang lahat at nabawi ang una palang ay akin na.Ngayon
Lukas de MarcoI KEPT on walking back and forth. Paulit-ulit kong ginugulo ang buhok ko habang naghihintay sa delivery room. Sumilip ako at napalunok nang makita ang asawa ko na nakahiga at napapalibutan ng mga nurses. Sa paanan niya ay nakatayo ang babaeng doktor. Napatingin siya sa akin saka ngumiti. Alanganin naman akong gumanti ng ngiti saka nilingon ang mga bata.Mali si Blair, hindi magpapanic ang mga bata kapag narinig ang sigaw niya. Ako ang magpapanic at hihimatayin pa yata dahil ninenerbyos ako habang kalmado ang triplets na kausap sa telepono ang tito Adrian nila. They're calling everyone, telling them about the news.I took a deep sigh, and looked at Blair again. She was nodding whilst talking to the doctor. God, she looked so scared.I remember the article I've read. Hindi ko makalimutan kong paano ipinaliwanag ng article kung gaano kasakit
Blair CastroMABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Natapos ang theraphy ni Onyx at mayroon siyang regular monthly check-up. Maayos ang kalagayan niya at sinigurado sa amin ng doktor na magaling na siya. Ipagdasal nalang raw namin na 'wag magkaroon ng relapse kaya ganoon nga ang ginagawa namin.Napahawak ako sa tiyan ko at ngumiwi nang bigla itong humilab. Umawang ang labi ko nang sumipa rin ang munting de Marco sa tiyan ko.May na ngayon at kabuwanan ko na. Nag-advice ang doktor ko na palagi akong maglakad-lakad at gawin raw namin ni Lukas ang bagay na 'yon tuwing gabi lalo ngayong kabuwanan ko para daw hindi ako gaanong mahirapan sa pagluwal sa bata. Ang lalaking abusado naman, palaging idinadahilan ang bagay na 'yon sa akin.“DADDY!!!”Napatingin ako sa may pintuan nang magsisigaw si Lira. Pumasok siya sa bahay at n
Blair CastroKATATAPOS lang namin ni Lukas kumausap ng wedding planner. Talagang excited na excited siyang ikasal kami. Panay ang halik niya kamay ko bawat sagot niya sa tanong ng wedding planner na kinuha niya, hindi ko naman maiwasang mahiya at pamulahan ng mukha dahil panay ang ngiti sa amin ng babae.“Bakit ka ba halik ng halik?” Siniko ko si Lukas nang makaalis ang wedding planner.Binitawan niya ako at sumandal sa sofa. “Titig na titig kasi sa 'kin. Di ka ba nagselos?”Tumawa ako. Talaga ngang titig na titig sa kaniya ang babae kanina. Hindi ko nalang pinapansin dahil mabait at maayos naman siyang kausap.“Hoy!” Kinalabit ako ni Lukas. Nakasimangot siya. “Hindi ka ba talaga nagseselos?”Tinitigan ko siya. “Sino sa amin ang mas maganda?”
Blair CastroNATATAWA ako habang pinagmamasdan sina Adrian at Ryu na binubully si Owen. Nalaman kasi nila mula kay Lukas ang nangyari at sumama nga sila pag-uwi ni Lukas para tingnan ang makulit na bata. Ayon at inaasar nila.Medyo bumabalik naman na sa normal ang mukha at katawan ni Owen pero may pantal pa rin.“Mukha kang tinapay na umalsa, pareng Owen.” Tawang-tawa pa na sabi ni Ryu.Lumingon sa akin ang anak ko, humihingi ng tulong pero hindi ko rin napigilang matawa kaya lalong natawa ang mga tito niya.“Owen, sana sinabi mong gusto mong magpataba. Bukas pag okay ka na, hanap tayo ng basil,” pang-aasar naman ni Adrian.Bumaba mula sa itaas si Lukas na basa ang buhok at nakasuot nalang ng pambahay. Pag-uwi niya ay agad siyang naligo at hindi ko alam kung bakit excited na excited siya.
Blair CastroINAAYOS ko ang mga bulaklak na naipon na sa vase sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay hindi pumapalya si Lukas sa pagbibigay sa akin ng bulaklak.“Mommy!!!!”Gulat akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marahas itong bumukas. Pumasok si Lira na hingal na hingal at nanlalaki ang mga mata. Agad ko siyang nilapitan. Pawis na pawis siya. “Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?”“Si kuya Owen po, mataba na!”Natigilan ako. Ano raw? Tumayo ako ng tuwid at namaywang. “Niloloko mo yata ako e. Anong mataba? Kumakain ba si kuya Owen mo? Anong kinakain niya?”Ngumuso siya. “Mommy, tunay po! Nasa likod po kami kanina tapos nag-akyat po siya sa puno tapos bigla po siyang kinati tapos tumaba na siya. Malaki na pisngi ni kuya.”Nami