"Sa tingin mo kaya masaya na si Gabriela kung saan man siya naroon ngayon?" ani ni Lucas kay Celina. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Celina bago sumagot sa tanong na iyon ng binata.
"Of course, ayon nga sa narinig ko sa isang Bible Exposition, ang buhay ng tao ay hiram lamang, mamamatay tayong lahat at saka tayo huhukuman," sagot ni Celina sa binata. Biglang tumindig ang balahibo ni Lucas sa mga salitang binitawang iyon ng dalaga. Pagdakay nagpasya na rin silang umalis. Alas nuwebe na ng gabi nang mapasulyap si Lucas sa kanyang orasan. Pumasok na sila sa kotse at mabilis iyong pinaharurot ng takbo ni Lucas. Napasulyap siya kay Celina sa rearview mirror, pansin niyang malalim ang iniisip nito. Hindi mawala sa isip ni Celina na isa pala siyang Del Fuego, pero ang ikinalulungkot niya, matatanggap ba siya ng ina nina Hercules at Hugo? Natatakot siya, paano kung siya ang magiging dahilan nang pag-aaway ng mag-asawang Del Fuego. Pero gusto niya pa ring kausapin ang ama kung bakit nagkarelasyon ito sa kanyang ina. Saka lang niya na-realized na siya ay isang bunga nang pagkakamali, isang kahihiyan sa mga Del Fuego. Imposibleng maipakilala siya ng kanyang ama bilang Del Fuego, ngunit hindi na iyon mahalaga sa kanya, ang mahalaga'y nakilala na niya ito at kuntento na siya doon. "Are you okay?" pukaw ni Lucas sa dalagang malayo ang tingin. Kung hindi niya ito tinanong malamang ay nakatulala pa rin ito. "Ha? Ahmm..., I-I'm fine," sagot niya sa binata at napasulyap dito, saka lang niya napansin na nakarating na pala sila sa kanyang apartment. "Buksan mo ang gate, ipa-park ko sa garahe ang sasakyan, dito muna ako magpalipas ng gabi," utos ni Lucas sa kanya, nagulat si Celina sa tinuran ng binata. Really? Aba! Biglang nabuhay ang dugo ng dalaga. Pagkakataon nga naman. Napansin ni Lucas ang kakaibang ningning sa mga mata ng dalaga. Napansin niya ang pilyang ngiti sa mga labi nito. Mabilis na tumalima si Celina. Nang maipasok na ni Lucas ang sariling kotse ay sabay na silang pumasok sa loob ng apartment. Nagpresinta si Lucas na siya ang magluluto ng dinner. Tumaas ang kilay ni Celina at saka ngumiti ng matamis. "Tanggalin mo kaya 'yang polo mo, may nagpo-polo bang magluluto?" saad ni Celina sa binata, lumapit agad siya sa binata at siya na ang nagtanggal ng polo nito. "Tanggalin mo, ba't pati abs hinimas mo pa! Come on, Celina. I'm starving!" inis na utos sa kanya ni Lucas. "I told you, I want to seduce the CEO of Montenegro. Pero mukhang malabo, e, grabe ka kung makapagpigil. Baka sa kapipigil mo riyan mautot ka pa," nakangising turan ni Celina. At dahil sa inis ni Lucas ay itinapon niya ang polo sapul sa mukha ang dalaga. "Sue you, Celina!" asik nito at hinarap ang maliit na kusina nang dalaga. Saka ngumisi si Lucas. Hindi na iyon nakita pa ni Celina dahil umakyat na ito sa taas para maligo. Pagkapasok na pagkapasok ni Celina sa kanyang silid. Ini-lock niya agad iyon at saka siya sumigaw dahil nga sa matinding kilig, imagine si Lucas Montenegro ang cook niya ngayong gabi, wow naman ang haba ng hair niya 'di ba? Mabuti nalang talaga soundproof ang kwarto niya. Nagmamadaling tinungo niya ang kanyang wardrobe at naghanap ng short na shorts at isang sleevless. Napangiti siya ng kunin niya iyon at inilapag sa kanyang kama. Feeling niya talaga para silang mag-asawa. Excited na siyang matikman ang luto ni Lucas. Pumasok siya sa kanyang banyo at saka naligo. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis agad siya. Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Umikot-ikot pa siya saka tuluyang lumabas ng kanyang silid habang kumakanta ng kantang Fallin. Eksakto namang bumaba na si Celina at luto na ang ulam na niluto ni Lucas. Adobong manok at Kare-kare. Nang maamoy iyon ni Celina napahawak siya sa kanyang sikmura. Natakam siya sa amoy niyon. Pero mas nasorpresa siya nang makitang naka-topless ang binata, tanging apron lang ang suot nito na may drawing na kulay pink na bulaklak, what the f-ck! Celina naman, kalma lang, iyong laway mo baka tumulo. Napalunok siya at pagdaka'y lihim na sinita ang sarili. Mas mabubusog yata siya sa nagluto ng ulam kesa niluto nito. "Kain na tayo," balewalang turan ni Lucas sa nakatulalang dalaga, kinuha ni Lucas ang kutsara at saka iyon isinubo sa nakaawang na bibig ni Celina. "Ano ba! Loko nito!" reklamo ni Celina saka siya bumalik sa reyalidad, mukhang siya pa ang na-seduce ng mokong na 'to, a. Saka siya napangisi. Napasulyap si Lucas sa dibdib ni Celina. F-ck! Ramdam niyang nagngangalit ang kanyang alaga. Alam niyang sinasadya nito iyon. Hindi siya makapag-concentrate sa pagkaing kinakain. Napansin rin niyang ganadong kumakain ang dalaga. "Ang swerte ko talaga 'pag ikaw ang naging husband ko, ang sarap mong magluto, at ang yummy pa ng abs mo," dire-diretsang saad ni Celina sa kanya, habang todo-subo ito sa pagkain. Pinipigilan ni Lucas ang mapangiti. "Shut up! Just eat, will you!" sita niya sa dalaga. "Ba't kase ayaw mong tanggapin ang pag-ibig na ipinapahayag ko sa'yo? Ewan ko ba sa'yo kung ano'ng ayaw mo sa'kin," palatak ni Celina kay Lucas. "I've told you, hindi ang katulad mo ang gusto ko," prangkang sagot ni Lucas. Nakaramdam ng kirot si Celina sa sinabing iyon ng binata pero nanatili pa rin siyang nakangiti sa harapan nito. "Dahil ba sa mahirap ang angkang pinanggalingan ko," mahinang saad ni Celina sa binata. Tila naman may humaplos sa puso ni Lucas. Aaminin niya, may punto ang sinasabi ng dalaga. Hindi naman siya matapobre pero iyon ang isang hadlang para pigilan ni Lucas ang kanyang puso na huwag mahulog sa dalaga. Pero tama ba ang ugaling meron siya? "Kaya nga huwag mo nang ipilit pa ang iyong sarili sa'kin," diretsang tugon ni Lucas. Para iyong punyal na sumasaksak sa puso ni Celina. Paano pa kaya kung malaman ng binata na isa siyang anak sa labas. Isang anak ng pagkakamali. Anak ng isang mistress. Pinipigilan ni Celina ang sarili na huwag mapaluha sa harap ni Lucas. Nagpaalam muna si Celina sandali kay Lucas. Tinungo niya ang comfort room na nasa baba at pumasok siya roon mabilis na isinarado ang pintuan. At saka nag-uunahang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Nakatingin si Celina sa sariling repleksyon sa salamin. Pero parang inamin na rin ni Lucas na may chance na magugustuhan siya nito kung hindi lang siya ng anak isang mahirap. Sabagay, siya lang naman ang nagmahal. Samantalang si Lucas nama'y napatingin sa pintuan ng comfort room. Nasaktan n'ya ba ang dalaga? Bakit nakaramdam siya nang emptiness at kirot sa dibdib, masama bang maging prangka? Ayaw niyang umasa si Celina, kaya nga todo-iwas siya rito. Nawalan nang ganang kumain si Celina. Inayos niya ang sarili bago lumabas ng banyo. Cool lang ang kanyang aura nang tinungo niya ang mesa. Napasulyap siya kay Lucas at saka napangiti. "Sorry, bigla akong natae, e," nasabi na lamang n'ya para iwas sa awkward moment. Pero hindi man lang ngumingiti ang binata bagamat tinitigan lang siya nito ng maitim. "Ako pa ba lolokohin mo? I'm sorry, I just want to be frank. Ayokong umasa ka sa wala, sana maintindihan mo nalang iyon, and stop seducing me, Celina," may diing tugon ni Lucas sa dalaga na ngayo'y nililibang ang sarili sa pagligpit ng kanilang mga pinag-kainan. "You can't stop me, Lucas. Then fired me as you're secretary. Kaya mo bang pakawalan ang isang tulad ko?" nagulat si Lucas sa sinabing iyon ni Celina. Hindi nakapagsalita si Lucas, magaling si Celina bilang sekretarya niya. At aminin man niya o hindi sa sarili, mas magaling pa nga ito kaysa dati niyang sekretarya na si Caren. "Ano'ng connection sa pagiging sekretarya mo sa personal na isyu natin? Alalahanin mong negosyante ako Celina," seryosong turan ni Lucas sa dalaga. "Alam ko, pero hindi mo ako mapipigilan sa gusto kong gawin, at least prangka ako sa feelings ko para sa'yo, hindi tulad mo na ang dami mong echoss," inis na sagot ni Celina at tinungo ang lababo para hugasan ang kanilang pinagkainan. Umigting ang panga ni Lucas sa sinabing iyon ng dalaga. Napalingon siya sa nakatalikod na si Celina na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. Hindi napigilan ni Lucas ang sarili na suyurin nang tingin ang nakakaakit nitong alindog. Biglang nag-init si Lucas. Damn it! Napalunok siya ng mapadako ang tingin niya sa malakurba nitong katawan, what a perfect butt, her long flawless legs that every man would die to touch! Bullsh-t!!! Naikuyom ni Lucas ang mga kamay at iniwan niya ang dalaga. Pumanhik na siya sa taas para maligo. Inukopa niya ang isang silid na naroon since dalawa naman ang silid ng apartment na 'yon. Narinig ni Celina ang mga papalayong yabag ni Lucas, tanda na pumanhik na ito sa taas. Nagpakawala siya ng marahas na hininga ng matapos siya sa ginagawa. Kumuha siya ng isang bottle ng wine at isang kopita at tinungo ang kanyang maliit na living room para aliwin ang sarili sa panonood ng telebisyon. Nakadagan pa rin sa puso niya ang bigat na mga sinasabi sa kanya ni Lucas. Asshole! "BAKIT kailangan mo pang ipa-DNA test si Celina, Hugo. Hindi pa ba sapat ang DNA test na ipinapakita ni Hercules?" tanong ni Micah sa asawa. "I have to make sure na anak nga ni dad si Celina, paano kung hindi naman pala?" seryoso ang mukha ni Hugo. "Mom, carry me please....," ani ng cute na si Joshua sa ina. Napangiti si Micah at dumukwang siya para kargahin ang apat na taong gulang na si Joshua. Pinupog niya ito ng halik sa mukha at todo ngisi naman ang bubwit. Saka muling napasulyap si Micah sa seryoso pa ring si Hugo. "Hugo, pwede ba kitang matanong kung bakit ka nagdududa kung anak nga ba ng daddy mo si Celina? Hindi ba napatunayan naman iyon ni Hercules? Patunay pa rin ang DNA test na ipinakita niya sa dad mo, hindi ba may nangyari sa kanila ng ina ni Celina no'ng 18 pa si Hercules? 'Yan ay kung naalala mo pa no'ng sinabi mo 'yan sa'kin," ani ni Micah na pati siya'y naguguluhan na rin. "And did you think sapat na para maniwala tayong anak nga siya ni dad? Did you think aakto ako ng ganito kung wala akong ibang nadiskubre, for pete's sake Micah inaalala ko si Mommy, ang sabi ni dad isang beses lang may nangyari sa kanila no'ng ina ni Celina," mahabang paliwanag ni Hugo kay Micah. Naputol lamang ang pag-uusap nilang mag-asawa nang marinig ni Hugo ang pag-ring ng kanyang cellphone. Nagpaalam muna siya saglit sa kanyang mag-ina saka sinagot ang tawag. MULA SA KANYANG bag, naisipan ni Celina na basahin ang isang sulat na ibinigay sa kanya ng ina. Nanginginig ang mga kamay nang buksan niya iyon. Mahaba ang naturang sulat. Hindi pa man niya naumpisahang basahin ay nag-uunahan nang tumulo ang kanyang mga luha. Nang nasa kalagitnaan na siya nang sulat, napatakip sa bibig si Celina. Saka siya napapailing. Mapaglaro ba talaga ang tadhana sa kanya? "WHAT do you mean Hercules?!" inis na tanong ni Sandro sa anak, kasalukuyan silang nasa opisina sa bahay nilang mag-asawa. "Here's the evidence and all the proofs dad, hindi mo anak si Celina, anak siya ng namayapa mong kapatid na si Tito Daniel Del Fuego. Nabalitaan kung nag-hired ng isang private investigator si Hugo. At ngayon ay kasalukuyan pa lamang itong naghahanap ng mga proof and evidences. Hindi ko kapatid si Celina at lalong hindi mo siya anak," paliwanag ni Hugo sa ama. "Ipapaalam ba natin ito kay Tita Carolina dad?" tanong ni Hercules sa ama. "Huwag muna, Hercules. Sa ngayon, kailangan nating alagaan si Celina at subaybayan siya," ani ng Ginoo. "Pero isa pa rin siyang Del Fuego, wala na akong question pa, mas napanatag ako ngayon kung gayunman ay hindi nagbunga ang isang gabing may nangyari sa amin ni Felicidad," ani ni Sandro at saka siya napaupo sa sariling swivel chair. LAHAT NG KATOTOHANAN tungkol sa kanyang pagkatao ay nakasulat sa sulat ng kanyang ina. Humagulgol si Celina. Paano nagawa ng ina niya ang pagkakamaling iyon? Kailangan niyang hanapin si Carolina Del Fuego na asawa ni Daniel Del Fuego na siya niyang tunay na ama. SA ISANG MALAKING mansion ni Carolina Del Fuego kung saan nasa sarili siyang hardin, nakahawak sa isang magandang larawan ng isang batang sanggol. Napangiti siya sa tuwing maalala ang kanyang anak. At saka napaluha siya ng ipinanganak niya itong patay na. Napahawak siya sa kwintas na nasa kanyang leeg, katulad iyon ng kwintas na ipinasuot niya sa kanilang unica hija ng namayapa niyang asawa na si Daniel Del Fuego. "HOY! ano ka ba, tulala ka na naman diyan, may problema ka ba?" pukaw ni Diane sa kaibigang si Celina, absent si Leny kaya silang dalawa na lamang ngayon ang magkasama. Kasalukuyan silang nananghalian. Kumurap-kurap si Celina, at saka ibinaling ang atensiyon sa kanyang pagkain, nawalan na siya ng ganang kumain. Ginugulo siya ng sulat-kamay ng kanyang namayapang ina. May malaki siyang katanungan kung bakit iyon nagawa ng kanyang ina. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Susmaryusep! Celina naman, ano nga kaseng problema mo, ako 'pag nainis sa'yo sasabunutan na kita," biro ni Diane sa lumuluhang kaibigan. "Hindi ba pwedeng maging baliw ako minsan? E, gusto kong ilabas lahat ng sakit, e, ewan ko ba, Diane. Nalilito na ako kung sino ba talaga ako, ang sakit lang kase, e, dagdagan pa itong puso ko na sobrang baliw sa isang taong binalewala lang ang inuukol kong pagmamahal, pwede bang umiyak kahit ngayon lang?" saka nag-uunahang tumulo ang mga luha ni Celina, at saka siya humagulgol. Naalarma naman si Diane at hinimas-himas ang likod ng kaibigan, gulat man siya sa reaction nito pero hahayaan niya muna itong ilabas ang lahat ng bigat sa dibdib nito. Saka na siguro niya tatanungin ang kaibigan sa problema nito kung handa na nitong sabihin sa kanila kung ano mang bumabagabag dito. "Sige lang ilabas mo lang lahat 'yan," ang tanging nasabi na lamang ni Diane sa kaibigan.Nakatitig lang si Celina sa kwintas na kasama ng sulat na ibinigay sa kanya ng kanyang namayapang ina. Wala siyang idea kung ano'ng koneksiyon ng kwintas sa tunay niyang pagkatao. Ano bang meron sa kwintas na 'to at ba't sinabi ng kanyang ina na kailangan raw niya itong itago at paka-ingatan? Hugis puso ang pendant at may nakaukit na letrang A.Napasulyap siya sa kanyang bintana. Nakatanaw sa madilim na kalangitan na ang tanging nagpapaganda, ay ang mga nagkikislapang bituin. Saka siya nagpakawala ng buntong-hininga at itinago ang kwintas sa kanyang bag. Inayos niya muna ang kanyang kama, nanalanging muna siya bago nagdesisyong mahiga. Hiling niya sana sa Dios na gabayan siya nito sa pagtuklas sa kanyang tunay na pagkatao. At saka niya kinuha ang unan at niyakap. Hanggang sa hilahin na nga siya nang antok."SA TINGIN MO KAYA dad, nagkarelasyon si Tito Daniel at ang ina ni Celina? 'Di nga ba magkaibigan silang matalik? Paano kung si Celina pala ang bunga? May posibilidad bang nagtaks
"Ano'ng ibig mong sabihing alam mo?" kunot-noong tanong ni Hercules kay Celina. "Dahil sa sulat na 'to ni inay," sagot ni Celina kay Hercules at saka inabot sa binata ang sulat ni Felicidad. Maagap iyong kinuha ni Hercules at matamang binasa."Where's the necklace?" tanong ni Hercules nang matapos basahin ang napakahabang sulat.Mula sa bag ni Celina ay kinuha niya ang kwintas. At ipinakita kay Hercules, tigagal ang binata. Confirm, siya nga ang tunay na anak ni Senyora Carolina Del Fuego. Pero ang akala nila'y patay na ang batang iyon, malaking kuwestiyon iyon para kay Hercules. Ano nga bang misteryo ang nangyayari at napunta kay Felicidad ang bata, at ano'ng ibig sabihin nito sa sulat na delikado ang buhay ni Celina? "Alam kong hindi mo ako kapatid at lalong hindi ako anak ni Mr. Sandro Del Fuego, si Daniel Del Fuego ang ama ko, at si Carolina ang ina ko, ayon na rin sa sulat ni inay, pero hindi ko alam kung ano'ng koneksiyon ng kwintas na ito sa tunay kong pagkatao, sinasaad sa s
"May engrandeng masquerade party ang mga Del Fuego at kailangan kita do'n as my partner," tugon ni Lucas kay Celina. Lihim na napangiti si Celina. It was her own party, ipakikilala siya bilang si Astraea Del Fuego ng kanyang ina. Pero hindi n'ya mapigilang kabahan sa nalalapit na gabi ng party. Paano kung may biglang manggulo doon? Pero imposible, narinig niyang secured lahat ang mga security guards, body guards, cctv footages, hidden cameras and electronic devices sa pagdadausang party. Walang kawala ang suspect kung sakali mang pumaroon ito. Maliban nalang kong professional ang kasama ng suspect pagdating sa mga hacking system. Paano kung hindi lang pala ito mag-isa? That's a big problem. Pero alam niyang hindi kailanman papalpak ang pinsan niyang si Hugo. Marami itong mga kakilalang secret agent from CIA. "Mabuti naman ang isang kaakit-akit na tulad ko ang napili mong maging ka-partner, akala ko nga maghahanap ka pa ng iba since galit ka nga sa'kin," sagot ni Celina sa binata."S
Mula sa waiter na may dalang tray ay kumuha ng isang kopita si Celina. Akmang iinumin na sana n'ya iyon nang bigla itong kunin ni Lucas mula sa kanya. Napasimangot si Celina. Inisang lagok lang iyon ni Lucas. Iginiya siya ng binata sa isang mesa kung saan sila mauupo. Nang mapansin ni Celina ang oras ay agad siyang nagpaalam saglit kay Lucas. Kailangan na niyang puntahan ang kanyang ina para makapagbihis na siya. Mabuti nalang at pumayag agad si Lucas. Bahala na kung ano'ng isipin nito. Malapit nang mag-umpisa ang masquerade party.Halos liparin ng mga paa ni Celina ang likuran ng malaking stage. At nakita nga niya roon ang kanyang ina. Nakangiti ito nang makita siya."Astraea, anak magbihis ka na, andiyan na ang mga make-up artist at ang designer nang isusuot mong damit, pumili ka nalang sa loob ng dressing rooms kung alin ang gusto mong suotin. Dinamihan ko na para makapili ka," nakangiting turan ng kanyang ina, napangiti siya at humalik sa pisngi nito sabay yakap at mabilis na tin
Nilapitan ni Lucas si Celina. Halatang nalasing na ang dalaga. Wala siyang choice kundi ang buhatin ito. Bridal style pa. Lihim na napangiti si Celina. Ikinawit niya ang dalawang kamay sa batok ng binata. Hindi naman talaga siya lasing, nakainom lang. Amoy niya ang mabangong cologne ng binata na tila nakakaliyo, naalala niya ang nangyari sa kanila kanina. Muntik na talagang may mangyari sa kanila, kaya lang ang daming sagabal. Pero sa pag-uwi nilang ito ay sisiguraduhin niyang may mangyayari sa kanila. At walang makakapigil sa planong namumuo ngayon sa utak niya. "Alam mo bang masakit dito," saad ni Celina sa binata, sabay turo sa bandang puso niya, nakikinig lang si Lucas. "Ang sakit-sakit, Lucas, 'yong parang sinaksak ka nang makailang ulit? Ano bang dapat kong gawin para mahalin mo ang isang babaeng hamak na mahirap na tulad 'ko?" pagod na saad ni Celina sa binata. Naantig ang puso ni Lucas sa tinurang iyon ng dalaga. Tila ba may kunting kirot siyang naramdaman nang sabihin nito
Araw ng Sabado kaya naisipan ni Celina na pumasyal sa inang si Carolina. Bago pa man siya tuluyang makababa mula sa hagdanan ng kanyang apartment tumunog ang kanyang cellphone. Hindi na siya nag-aksaya pang tingnan ang caller. Agad niya itong sinagot."Celina," narinig n'ya ang boses ng pinsang si Hercules. Biglang binundol nang kaba ang kanyang dibdib nang mabatid ang kakaibang timbre ng boses ng pinsan."Hercules, bakit?" maagap niyang sagot."Ang mama mo...," tila nanghihina nitong tugon sa kanya."Damn you! Ano'ng nangyari? Come on, tell me..," ani ni Celina nanginginig ang kanyang kamay habang hawak ang sariling cellphone. Halos hindi magkandauga si Celina nang pumasok siya sa sariling kotse. Dahil sa kanyang panginginig na may halong kaba hindi niya maiayos ang pagpasok ng susi sa ignition. Hindi niya alam pero nag-uunahan nang tumulo ang kanyang mga luha. Sa inis niya'y ibinato niya ang sariling cellphone. At nang mai-start niya ang kotse'y pinaharurot niya ito nang takbo. Hal
"Sir, heto na po ang mga files," ani ng isang private investigator na in-hired ni Lucas. Kunot-noong nakatingin si Lucas sa mga files. Ibig sabihin sinadyang tanggalin ang break ng sasakyan ng dalaga. At sino namang gagawa no'n?"Gusto kong alamin mo at imbestigahan mo kung sino ang nasa likod nang krimeng ito," utos ni Lucas sa PI na kaharap. Agad naman itong tumalima at saka ito umalis.Napasandal ang binata sa kanyang swivel chair at napahimas sa batok. Muling hinarap ang sariling laptop. Sino na man kayang magtatangka sa buhay ng dalaga? At bakit siya nagkaro'n ng interes at nag-aksaya ng oras para alamin ang naging dahilan nang pagka-aksidente ni Celina? Ipinilig na lamang ni Lucas ang kanyang ulo. Of course, obligasyon niya iyon dahil tauhan niya si Celina, at isang magaling pang sekretarya. Aminin man niya o hindi sa sarili, labis siyang nag-alala para sa dalaga, hindi n'ya mapangalanan ang damdaming lumukob sa kanya. Basta ang alam niya, gusto niya itong protektahan.Habang ab
"Kumusta na, Hercules? Nagawan mo na ba nang paraan, how about Dra. Esperanza?" kabadong tanong ni Celina sa pinsan. Nasa may gazebo sila ngayon naka-upo. Tulad pa rin ng dati nakapalibot ang mga police at bodyguards sa mansion ni Carolina Del Fuego."Hindi siya pagdududahan ni Lucas, ginawan ko na 'yon nang paraan. All you have to do is ang pagiging best actress mo, since 'yan ang ginusto mo gampanan mo 'yan nang maigi, Astraea. Paalala ko lang sa'yo, walang kasinungalingan na hindi nabubunyag, kamumuhian ka ni Lucas lalo kung sakaling malaman n'ya ang pagsisinungaling mong 'yan," tugon ni Hercules sa pinsang tila namumutla sa kaba."Nakausap mo na ba si tita, Carolina?" "Oo, at ipinagtapat ko na sa kanya ang lahat, pati na rin ang pagpapanggap kong may amnesia ako," sagot ni Celina sa binatang tila may malalim na iniisip.Napansin ni Celina ang biglang pagtahimik ni Hercules. Napakunot-noo tuloy siya. May problema ba ang pinsan niya? Pumitik siya para matauhan ito. Nagulat naman an
Nagulat si Alina nang ibato ng kaniyang ina ang kopitang may lamang alak sa sahig. Nagkapira-piraso ang mga iyon. At naglikha iyon ng malakas na ingay sa kabuuan ng bahay. At mabilis ang kilos ng Ginang, mula sa mesa ay pinulot nito ang baril at itinutok nito iyon sa isang tauhan at kasunod niyon ang malakas na putok niyon. Humandahusay ang lalaki sa harapan ni Alina, at saka siya napasigaw nang malakas."Enough, Alina! Hanggang ngayon ba nama'y hindi ka pa sanay na may pinapatay akong tao sa harapan mo?" sigaw ni Matilda sa nagpapanic na dalaga.Tinakpan lang ni Alina ang kanyang dalawang tainga at saka tumakbong umalis papunta sa kanyang kwarto. Hanggang kailan ba matatahimik ang kanyang ina? Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito. Kailangan niyang maisuplong ang ina sa mga police bago pa ito makapatay ulit ng tao. Hindi na n'ya kaya ang mga pinanggagawa nito. Kailangan niya lang nang tiyempo.KASALUKUYANG sinusubuan ni Norain ang anak niyang si Lance. Pasimple siyang nakikinig
Mabuti nalang at nailigaw ni Lucas ang mga humahabol sa kanila. Agad na kinuha niya ang cellphone at saka may tinawagan. Napasulyap siya kay Celina. Halatang hindi pa ito nakakahuma sa insidente. Nagpakawala nang marahas na hininga si Lucas. "Are you okay?" tanong ng binata sa hinihingal na dalaga.Napasulyap si Celina sa binata at saka tumango. Napasapo siya sa sariling dibdib. Pagkatapos ay inabot sa kanya ni Lucas ang isang bottle ng mineral water, agad niya iyong kinuha mula rito at saka mabilis na ininom. Sh-t! She was still in shock. Biglang huminto ang kotse nang binata sa isang condo-unit. Sumunod lang si Celina sa binata. May kinuha itong swipe card. Nang makalapit na sila sa pintuan ng unit nito ay in-swipe nito iyon at saka awtomatikong bumukas ang pintuan ng condo unit ng binata. Pagpasok nila sa living room may kinuha si Lucas na isang remote control, napamangha si Celina sa malawak na living room, it was bright and spacious. The spaces are often visually delimited. Nan