NAGISING ANG buong diwa ni Damira nang marinig niya ang kalansing ng kaldero sa ibaba. Tiningnan niya ang wall clock—alas singko y medya pa lamang ng umaga ngunit tila ba maagang magsisimula lang araw para sa kanya.
Agad siyang bumangon kahit hindi pa nakapagsuklay. Mabilis niyang tinali ang magulong buhok habang nagmamadali na bumaba ng hagdan.
“Buti naman nagising ka. Akala ko kailangan ko pang itapon ‘yong dalawang kaldero para bumaba ka na.”
Si Lorna iyon. Tiyahin niya sa side ng ina. Forever nang nakataas ang mga kilay nito sa kanya, alam niya iyon. Siya naman ay forever nang ha-highblood-in lalo na’t ganito palagi ang isasalubong sa kanya mapa-umaga man o gabi.
Thirty years na siyang naninirahan sa bahay ng tiyahin. Ayaw siyang pakawalan ng mga ito dahil siya lang ang nagbibigay sa kanila ng pera upang mabili ang luho at makapagsugal. Liban pa roon, may pagkakautang silang siya ang nagbabayad. Wala naman siyang choice dahil wala rin naman siyang mapupuntahan kung sakali.
Pasalamat na lang siya, kahit papaano ay nakakatulog pa siya ng apat hanggang limang oras kahit na bugbog na bugbog siya sa trabaho.
Matapos siyang alisan ng tiyahin sa kusina, agad siyang nagsaing at nag-init ng tubig dahil paniguradong magigising na rin ang napakagaling niyang tiyuhin.
Natapos siya sa gawaing-bahay ng alas siete ng umaga. Siya pa ang nagluto ng ulam, naghugas ng plato at nagwalis ng buong bahay. Ikinapapasalamat na lang niya na ang tiyahin niya ang naglalaba ng underwear nilang mag-asawa dahil baka hindi niya na kayanin kung pati iyon ay lalabahan niya nang mano-mano.
“Aalis na po ako,” walang gana niyang paalam habang nanonood ng telebisyon ang dalawa.
“Bumili ka ng ulam para mamayang gabi tutal sasahod ka na naman,” ani Eddie habang nakatutok sa pinapanood.
As usual, sino pa bang bibili ng pangangailangan nila kundi siya. Isa pang ikinapagpapasalamat niya ay walang anak ang dalawang ito dahil baka pambili ng diaper, gatas, at iba pang kailangan ay kakarguhin niya pa. Kung ganoon nga, aba’y sisibat na siya!
Mas maigi pa para sa kanya na sa kalsada matulog kaysa aabusuhin lang ng mga ito ang kabaitan niya.
“Damira!”
Nilingon niya ang katrabahong si Amelia—humahangos itong patungo sa kanya.
“Ano ‘yon?”
“May nagpunta rito kaninang naka-motor. Bumbay yata ‘yon o baka akala ko lang bumbay.”
“Oh, bakit daw?”
“’Yong utang daw ng tiyuhin mo…” Hindi pa masabi nang maayos ng babae ang sasabihin dahil alam nitong manggagalaiti siya.
“Diyos ko naman!” Napasapo siya sa noo.
“Sorry. Sinabi ko na lang na wala ka pa.”
“Binayaran mo?”
Dahan-dahang umiling ang babae habang iniisip kung tama bang iyon ang sinagot nito.
“Good. Dahil kahit ako, hindi ko babayaran ‘yong utang nila. Aba, hindi lang dalawang utang ang binabayaran ko sa kanila linggo-linggo tapos…” Huminga siya nang malalim. “Diyos ko, nakakahiya talaga. Pasensya ka na, Amelia.”
“Bakit kasi hindi ka pa umalis?”
“Gustong-gusto ko nang umalis.”
“Eh, bakit nga hindi ka pa umalis?” pag-uulit na tanong nito.
“Si Mama kasi…”
“Ano’ng meron kay mama mo?”
“Sabi niya kasi, mag-stay muna ako kina Tita habang hindi pa siya okay. Wala akong ibang mapupuntahan kung sakali. Hindi naman pwedeng do’n ako tumira sa ospital, ‘di ba? Ayoko rin na makita si Mama sa worst days niya. Baka hindi ko kayanin…”
Si Amelia naman ang napabuntong-hininga.
“So, ano’ng balak mo?”
“Sana ‘no? May tao na lang na kumupkop sa akin para makaalis na ako sa bahay na ‘yon. Kahit gawin nila akong kasambahay, ayos lang. Tutal, pinagmumukha naman nila akong katulong sa bahay. Sana may ibigay si Lord na maging dahilan ng pag-alis ko ro’n.”
“’Sus! Siguraduhin mo lang na sure ka r’yan sa gusto mong mangyari, ha? Be careful what you wish for,” babala pa sa kanya ng babae.
“Hirap na hirap na ako, Amelia. Thirty-three na ako. Ni hindi nga ako makapag-me time dahil sinasabi nilang wala akong karapatan para gawin ‘yon. Gusto ko naman makapagpahinga. Gusto ko naman makatakas sa problemang hindi naman sa akin pero inaako ko para kay Mama.”
Nanahimik ang babae. Tinapik siya nito sa balikat bago pumasok sa loob ng convenience store kung saan ay cashier silang dalawa.
Mula nang lumala ang cancer ng kanyang ina matapos maka-graduate ng college, nilaan niya ang kanyang sarili sa pagtatrabaho upang matustusan ang pangangailanga nito sa ospital. Ngunit dahil nakikitira sila sa tiyahin, hati ang naging resposibilidad niya simula pa noon.
Ni hindi siya nakatikim ng kahit isang beses na maging mabuti ang mga ito sa kanya. Ewan niya ba. Napakamalas lang niya sa buhay na ito.
“EDDIE PASCUAL!”
Tatlong malalakas na katok ang narinig ng mag-asawa sa pinto. Agad silang nagmadali na bumaba dahil mukhang sisirain ng tao sa likod na iyon ang bahay nila.
“Kilala mo ba ‘yan, Ed?” tanong pa ni Lorna habang nasa likod ng asawa.
Umiling lang ang lalaki at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang mga iyon. Lalaking mga nakasuot ng security uniform at isang lalaking humarap sa kanila matapos niyang buksan ang pinto.
“L-Lennon…” uutal-utal na sabi niya habang niluluwangan ang pinto.
“Aba, himalang nakilala mo pa ako, Eddie.” Pinamulsahan siya ng lalaki.
“Wala ka na bang balak magbayad sa utang mo? Hindi na nga namin pinadagdagan ng interest pero kahit isandaan araw-araw, hindi mo pa rin kayang ibigay.”
“P-pasensya ka na. Hindi kasi ako makapagtrabaho ngayon dahil ilang araw na akong may sakit. Kung…kung gusto mo, puntahan mo ‘yong pamangkin ko. Sa kanya ka—“
Humagalpak ng tawa ang lalaki.
“Mukha bang nakikipaglaro ako sa ‘yo? Kung hindi ka makakapagbayad, isasama na lang kita sa amo ko para do’n ka makapagpaliwanag—“
“T-teka. ‘Yong pamangkin naming na si Damira…siya ang nagbabayad ng utang namin. Totoo ‘yon! Kahit itanong n’yo pa sa kanya. Sasahod ‘yon ngayon. Kung gusto n’yo, puntahan n’yo siya kung saan siya nagtatrabaho. Kahit siya, magsasabi sa inyo ng totoo. Hindi naman nagsisinungaling ‘yon, eh. Please…” pagmamakaawa ni Lorna sa lalaki. Ibinigay nito ang address kung saan nagtatrabaho si Damira.
Salitang tinitigan ni Lennon ang mag-asawang tila maiihi na sa kinatatayuan dahil sa takot sa kanya.
“Kapag hindi nagsabi ng totoo sa akin ang pamangkin n’yo, alam n’yo na kung saan tayo susunod na magkikita, ha?”
Tatango-tango lang ang dalawa habang paalis siya kasama ang mga kasamahan. Pagpasok niya sa kotse, agad niyang binasa ang nilalaman ng sinulat ng babae—Damira Pascual at ang address ng convenience store kung saan ito nagtatrabaho.
“Pupuntahan ba natin ‘yan?”
“Yeah. I just need to check on something…”
DUGUAN ang nguso, pikit ang isang mata, at may pasa ang panga—ganyan umuwi si Alexander sa masyon ng mga Casablanca ngayong gabi. Halos napatayo ang kanyang ina na si Trinity at napaawang naman ang labi ni Amaury na bunsong kapatid nito.“Sorry I am late for dinner…” aniya pa at saka tumabi sa kapatid.Makikita sa mukha ni Don Leopoldo ang galit ngunit hinawakan ni Trinity ang kanyang kamay.“Sa’n ka na naman nakipagbasagan ng mukha?” malamig na tanong niya.“U-umawat lang ako sa mga lasing do’n sa bar—““Bouncer ka na ngayon?” sarkastikong tanong niya habang nginunguya ang sirloin steak na nakahain ngayong gabi.“Dad…”“L-let’s eat first, okay? Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Nasa harap tayo ng pagkain,” saway sa kanila ng ginang at agad namang natahimik ang lahat.Dadalawa na nga lang ang anak niya, ganito pa ang nangyayari. Magmula noong mangyari ang isang masalimuot na bagay sa buhay ni Alexander, hindi niya na ito nakausap nang sarilinan. Umiiwas na ito sa kanya. Alam niya ang d
SA PAG-AKBAY NI Trinity kay Damira, alam niyang naguguluhan pa ito sa mga nangyayari.“T-teka!”Agad na lumapit sa kanila si Lorna at hinawakan sa magkabilang balikat ang pamangkin. Umiwas pa si Damira ng tingin dahil sa galit.“P-paano ‘yong mama ni Damira? Pa’no kapag nalaman niya na hindi na siya sa amin nakatira. Binilin siya ng kapatid ko sa akin.”Tumaas ang kilay ni Trinity. “That’s not your problem anymore. Ang isipin ninyo ay kung paano ninyo mababayaran ang pagkakautang ninyo sa akin. Hindi ko na pababayaran ang interest. Bayaran ninyo ang sampung libo na inutang ninyo.”‘Teka…” Sumunod naman ang asawa nitong si Eddie. “Paano kami makakapagbayad kung kukunin n’yo sa amin si Damira?”Mas lalong tumaas ang kilay ni Trinity dahil para bang isa siyang kontrabida sa sitwasyong ito.“Hindi ako makapaniwalang may mga tao pa palang kagayan ninyo. Aba, magbanat kayo ng buto! Nakakahiya sa mga mas matatanda pa sa inyo na nakakaya pang maghanapbuhay!”“Sandali! Papiliin natin si Damira
HABANG nakatitig kay Damira ang tatlong lalaki na tila ba sinusuri nito ang kanyang kaanyuan, hinawakan siya ni Trinity sa braso upang maupo at sumalo sa almusal.“By the way, this is my husband, Leo…” Nilapitan nito ang lalaking nasa kabisera.Halata ang katandaan sa mukha ng lalaki dahil sa puting buhok nito ngunit hindi maitatanggi ang kakisigan nito kahit na ganoon. Napansin niya rin na malayo ang agwat ng edad ni Trinity sa asawa nito.“And, this one on my right is Alexander, our oldest son.”Nagtagpong saglit ang paningin nila ng lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso niya. His groomed beard fits for him. Kung ibang lalaki ang may ganoon, parang ang dumi tingnan ngunit hindi para sa lalaking ito. Para siyang nakakita ng isang Turkish dahil ganoon ang pagkakagawa sa mukha nito.“The one on my left is Amaury…our youngest.”Tumango lang siya nang matipid siyang nginitian ng lalaki. Iba naman ang itsura ng lalaking nasa kaliwa. Tila ba magkasing-edad lang silang dalawa.“So, like wha
“GUSTO mo bang sumpain ka ng anak mo, Trinity?” tanong ni Leopoldo habang nasa study room sila.“I know what I am doing so please…” Naupo ang babae sa tabi ng asawa. “I just wanted to help, that’s all.”“Pwede kang tumulong sa ibang paraan. Hindi sa ganito. Akala mo ba hindi napipilitan si Damira sa pinapakiusap mo? Bakit kailangan mo ng kundisyon na ‘yon para lang tumulong sa iba? Kaya naman nating bayaran ‘yon nang walang hinihinging kapalit. Magsabi ka lang.”“I have bigger plans if you would trust me. Kahit ito lang. Wala na akong hihingiing iba sa ‘yo kundi ito lang. This is also for publicity.”Nangunot ang noo ng lalaki. “F-for what?”“May nakapagsabi sa akin na nandito na ang mag-ama sa Pilipinas. Alam mo naman na gustong-gusto ni Genesis na ipakasal si Luanne kay Alexander dahil sa pera at sa apelyido na inaasam ng kahit na sino. Pero si Trinity, wala siyang alam na isa tayong Casablanca. Ni hindi siya nagulat nang makita niya ako, ikaw, sina Alexander, hindi ba?“Hindi siya
MAAGANG nagising si Damira. Nakasuot pa siya ng pajama at loose t-shirt at dahan-dahang binuksan ang seradura ng pinto. Kaliwa’t kanan pa ang tingin niya sa paligid at dinadalanging hindi magsalubong ang landas nila ni Alexander. Alam niyang mali ang nagawa niya sa binata kagabi pero kung hindi siya na-trigger nito, hindi niya naman gagawin ang buhusan ito ng red wine. She tiptoed until she reached the dining area. Wala pang tao roon at tanging mga kasambahay pa lang ang naglilinis. Kaya naman nagpunta siya sa balkonahe ng bahay. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa napakagandang view ng tahanan ng mayamang pamilyang ito. “Enjoying the view?” Agad na bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang boses na iyon ng lalaki—si Alexander. Hindi niya alam kung ano ang ikikilos. Magiging agresibo pa siya sa ganito kaaga o hahayaan niya na lang na laitin siya muli ng lalaki para matulak niya ito pababa. Narinig niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. Aatras na sana siya
HINDI LANG yata apat na beses na sinumpa ni Damira si Alexander habang naliligo. Naririnig niya ang boses ni Carla na pinamamadali na siya dahil tumawag na naman sa kanya ang lalaki. “Hayaan mo siyang maghintay!” sigaw niya habang palabas ng banyo. “Miss Damira, pasensya na kayo. Napag-utusan lang naman kami ni Sir Alexander.” Nakalatag na sa kanyang kama ang damit sa si Carla mismo ang pumili galing sa mga ibinigay ni Trinity sa kanya. “Bakit ‘yan ang susuotin ko? Pwede namang naka-t-shirt na lang ako at maong na shorts.” Nagkamot-ulo ang dalaga. “Please, Miss. Sundin n’yo na lang ako.” Isa iyong sleeveless V-neck dress na hanggang dibdib ang hiwa. Hindi pa siya nakakapagsuot ng ganyan ka-revealing na damit kahit na hindi naman ganoong makikita ang cleavage niya. “Ayoko niyan!” tanggi nya. “Mabilis lang naman kayo roon, Miss. At saka, si Sir kasi ‘yong susunduin n’yo. Ayaw n’yo naman na magmukha kayong katulong niya, ‘di ba?” pang-e-engganyo pa nito sa kanya. Kaysa makipagtal
BACK TO NORMAL at tila ba walang nangyaring proposal sa airport habang naglalakad sina Alexander at Damira palabas ng lugar. Tikom ang kanyang bibig habang nakikiramdam sa babae. Manaka-naka pa ang pagsulyap niya ngunit kung sakali man, nakahanda na ang pisngi niya sa malutong nitong sampal.Hindi siya mapakali. What he did is wrong. Una, nagpadalus-dalos siya sa desisyong mag-propose sa harap ng maraming tao para lang lubayan siya ni Luanne. Ikalawa, ni hindi man lang niya nabigyan ng heads up ang babae sa gustong mangyari. At ang ikatlo, ni hindi man lang siya nanghingi ng permiso para halikan ito.Mariin siyang napapikit nang maalala ang tagpong iyon. He is still tasting the sweet and minty flavor of Damira’s mouth which is not good for him. Kakaiba ang sensasyong naramdaman niya habang hinahalikan niya ang babae kanina at maling-mali iyon.Umiling siya upang iwaksi sa isipan ang tila ba isang scene sa pelikula.
MATAPOS alisan ni Damira si Alexander, dali-dali siyang dinaluhan ni Trinity. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Pasimple niyang tinago sa bulsa ang singsing bago pa ito makita. “What happened? Why did she slapped you?” nag-aalalang tanong pa nito sa kanya. Nasa likod ang kanyang ama na si Leo at mukhang gusto rin nitong malaman kung anong nangyari. “It’s okay. May kasalanan ako sa kanya. Don’t be mad at her.” “Bakit? Ano bang nangyari?” pag-uulit na tanong ng kanyang ama. “Look, I badly want to explain what happened but I am so tired. Can we talk about it later?” Salitan niyang tiningnan ang dalawa. Napabuntong-hininga si Trinity. “Fine.” Pag-akyat ni Alexander ay saka naman ang dating ni Macario dala-dala ang bagahe ng lalaki. “Nasa’n na sina Sir?” maang na tanong pa nito sa mag-asawa. “Macario, may nangyari ba?” nakataas ang kilay na tanong ni Trinity sa kanilang driver. “Naku, hindi n’yo pa ba alam?” Mabilis nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at pinakita sa mag-asawa a
NANGUNOT ang noo ni Damira nang marinig niya ang malakas at sunod-sunod na katok sa pinto. Tatalikod sana niya nang maramdaman niya ang bigat sa kanyang baywang. “What the fuck?” Dahan-dahan siyang tumingala at nakita niya ang mukha ni Alexander na mahimbing pang natutulog. Nakayakap naman siya sa sarili ngunit ang isang braso nito ay nasa kanyang baywang at ang isa naman ay inunan niya. Nangunot ang kanyang noo. Iniisip niya kung uminom ba siya kagabi matapos magpunta sa ospital. Hindi, eh. Imposibleng uminom ako. Nang maramdaman niyang gumalaw ang lalaki kasabay ang mas malakas na katok sa pinto, tinulak niya ito upang humiwalay ito sa kanya. She heard him grunt while opening his eyes. Lumayo siya. As in nagpunta siya sa kabilang dulo ng kama. Doon niya na-realize na iba na ang damit na kanyang suot at ang damit niya kagabi ay naroon sa upuan—nakaupi. “Finally, you’re awake,” saad sa kanya ng lalaki nang maupo ito. “Ano’ng ginagawa ko rito?” naguguluhang tanong pa niya. “Xan
NAGSALUBONG ang kilay ni Alexander habang papasok sa loob ng kwarto. Kanina, hinanap sa kanya ni Trinity si Damira habang kumakain sila ng hapunan. Ngayong bago siya umakyat, hinahanap naman ni Carla ang babae. Maski siya, hindi niya rin alam kung saan ito patungo matapos silang magkabanggan sa pinto—papasok na siya noon, nagmamadali naman itong lumabas.Tinginan niya ang relo. Alas dose y medya na ng madaling araw. Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number nito sa contacts. Wala naman sigurong masama kung tawagan niya ito at tanungin kung uuwi ba ngayong gabi sa mansyon. Ilang saglit lang, huminto siya.Sa mahigit tatlong buwan na pamamalagi ni Damira sa kanilang tahanan, hindi pa rin niya nagagamay ang ugali nito. Baka naman kung sakaling tawagan niya ito, singhalan na naman siya kagaya ng madalas nitong gawin matapos ang nangyari sa airport.Kahit naman siguro paulit-ulit siyang mag-sorry, hindi pa rin siya nito mapapatawad. Buti na nga lang kahit
HALOS hindi makahinga si Damira nang makita niyang nasa kanyang harapan ang tiyo at tiyahin. Basang-basa siya sa ulan na nagpunta sa ospital dahil sa natangap niyang tawag. Nabangga niya pa nga si Alexander na papasok pa lang noon sa living room. “Bakit kayo nandito?” nanginginig ang boses niyang tanong. “Aba, hindi ba namin pwedeng dalawin ang kapatid ko?” ganting tanong sa kanya ni Lorna. As usual, nakataas na naman ang isang kilay nito sa kanya. “B-bumisita lang sila dito, ‘nak.” Ngumiti sa kanya ang inan si Almira. Inalalayan niya pa ito sa pag-upo mula sa pagkakahiga. “Ikaw, Damira, makakapangasawa ka lang ng bilyonaryo ang laki na agad ng ulo mo. Pa’no pa kaya kung kinasal ka na sa Casablanca na ‘yon,” patutsada pa ni Eddie sa kanya kasabay ang pag-ekis ng dalawang braso. Ito ang reunion na ayaw na ayaw niyang magaganap. Kaya nga pumayag siyang umalis sa poder ng mga ito upang hindi na siya mahamak pero heto siya ngayon—kung t
BAGSAK ang balikat at nakaawang lang ang labi ni Damira nang marinig niya ang dire-direstong pagkukwento ni Alexander matapos niyang kumpirmahin na isa siyang cashier sa convenience store.Sa pagsasalita nito, para bang ang tagal na nilang magkakilala. Hindi niya alam kung paano pinagdugtong-dugtong nito ang kaganapan sa kanilang dalawa na para bang totoong nangyari.“Alam kong darating ‘yong panahon na kung sakali mang malaman ng mga tao na ganito ang sitwasyon sa buhay ni Damira, mamaliitin siya ng mga taong mas nakakaangat sa buhay. That is the reason why we are dating in secret. But now, you can judge all you want because we’re getting married and nothing can stop us from happening it.”Napadiretso pa ng upo si Damira nang maramdaman niya ang pagpisil ng lalaki sa kanyang balikat habang nakaakbay ito sa kanya.“Will your wedding be on a live broadcast?”“It surely will! Ayaw naman naming ipagdamot ang b
TAHIMIK sa kotse ni Alexander habang nasa parking lot pa lan sila ng isang malaking media network. Taliwas sa katahimikang iyon ang ingay sa labas ng kotse. Dagdag pa ang flash ng mga kamera na tila ba tumatagos sa tinted na salamin ng sasakyan.“Sir, sure ba kayo na hindi n’yo kailangan magdagdag ng security? Parang ‘di kayo kaya no’ng tatlong guard na nakaabang sa labas, eh,” tanong pa ni Macario.“We’re going to be fine. If they ask you something, just shut your mouth, okay?” ani pa ng lalaki habang nag-scroll sa cellphone.“No problem, boss.”Parang tambol ang puso ni Damira. Halos matanggal ang lipstick sa kanyang labi dahil kanina pa niya kagat-kagat iyon. Hindi siya mapakali.“Feeling nervous already?” nakangising tanong ng lalaki sa kanya.“K-kinakabahan ako dahil ayoko na mapanood ako ni Mama kung pa’no magkalat sa TV. Hindi ko sinabi s
HILOT-HILOT ni Alexander ang sintido habang binabasa ang isang plot ng love story na nakasulat sa isang buong bond paper. Muli, narito sila sa study room ni Damira, malayo ang sarili sa isa’t isa dahil sa tensyong namamagitan sa kanila.Hindi niya matanggap ang mga nasabi sa kanya nito noong nakaraan. Tila ba naapakan ang pagkalalaki niya nang isampal sa kanya nito ang katotohanang hindi lahat ng babae ay posibleng ma-attract sa kanya.Napabuntong-hininga siya habang itinuon ulit ang atensyon sa papel. Who would have though that his mother will make a cringy love story on how he and Damira met two years ago—without anyone noticing it.Kung tutuusin, napakadali lang sa kanya na kabisaduhin ang mga detalyeng nakalagay ngunit hindi niya talaga malunok ang mga iyon kahit nakakadalawang tasang kape na siya.“You’re going to have an interview with Maximo Oliveros in the afternoon. Please make sure that you have memorized anything because
MATAPOS ang payapang hapunan, nagpunta ang apat sa study room kung saan may privacy sila upang pag-usapan ang nabuong plano ng mag-asawa kaninang tanghali.“We’re so surprised on what happened earlier,” pagbubukas ni Trinity ng usapan matapos maupo sa tabi ng asawa.“’Yong nangyari kanina, hindi naman talaga dapat nangyari ‘yon kung hindi ako sinundan ni Luanne. Kung tutuusin, pwede ko siyang kasuhan ng stalking dahil alam niya na palapag na ako ng eroplano at alam niya kung anong oras at anong eroplano ang sinakyan ko,” mabilis na sagot ni Alexander na ilang metro ang layo kay Damira.“Can we delete it, right?” pahabol na tanong pa nito.“No,” mabilis na sagot ni Leo.“We can no longer delete it because it is already circulating online. Kahit na burahin natin ang sampung websites or pages na nag-upload no’n, hindi natin alam kung gaano karami pa ang may kopya at balak ma
“PARANG napakaimposible naman niyang sinasabi mo,” ani Amelia matapos ikwento ni Damira ang buong pangyayari habang nasa isang café sila.Pagpasok niya pa lang sa mall, hindi na siya mapalagay sa sulyap na natatanggap niya sa mga taong nadadanan niya. Iba ang impact ng nangyari kanina. Ipinakita pa ni Amelia sa kanya kung ilang libo ang nag-share, comment, at nanood ng video nilang dalawa.“Mukha ba akong nagbibiro? No’ng nasa bahay nila, saka ko lang nalaman na gano’n ang magiging set up ko. Ayoko naman na rin umuwi kina Tita. Muntik-muntikan na nga ako no’ng araw na ‘yon kaya pasalamat talaga ako kay Trinity kasi kinuha niya ako.”“Hmm… hindi na naman kita masisisi kung ma-love at first sight ka kay Alexander kasi grabe naman ka-pogi ‘yon, ‘no! Gwapo rin naman ‘yong bunso niyang kapatid kaso mas bet ko si Xander. Kaso, taken na pala,” pagpaparinig nito.“Ha
MATAPOS alisan ni Damira si Alexander, dali-dali siyang dinaluhan ni Trinity. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Pasimple niyang tinago sa bulsa ang singsing bago pa ito makita. “What happened? Why did she slapped you?” nag-aalalang tanong pa nito sa kanya. Nasa likod ang kanyang ama na si Leo at mukhang gusto rin nitong malaman kung anong nangyari. “It’s okay. May kasalanan ako sa kanya. Don’t be mad at her.” “Bakit? Ano bang nangyari?” pag-uulit na tanong ng kanyang ama. “Look, I badly want to explain what happened but I am so tired. Can we talk about it later?” Salitan niyang tiningnan ang dalawa. Napabuntong-hininga si Trinity. “Fine.” Pag-akyat ni Alexander ay saka naman ang dating ni Macario dala-dala ang bagahe ng lalaki. “Nasa’n na sina Sir?” maang na tanong pa nito sa mag-asawa. “Macario, may nangyari ba?” nakataas ang kilay na tanong ni Trinity sa kanilang driver. “Naku, hindi n’yo pa ba alam?” Mabilis nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at pinakita sa mag-asawa a