“GUSTO mo bang sumpain ka ng anak mo, Trinity?” tanong ni Leopoldo habang nasa study room sila.
“I know what I am doing so please…” Naupo ang babae sa tabi ng asawa. “I just wanted to help, that’s all.”
“Pwede kang tumulong sa ibang paraan. Hindi sa ganito. Akala mo ba hindi napipilitan si Damira sa pinapakiusap mo? Bakit kailangan mo ng kundisyon na ‘yon para lang tumulong sa iba? Kaya naman nating bayaran ‘yon nang walang hinihinging kapalit. Magsabi ka lang.”
“I have bigger plans if you would trust me. Kahit ito lang. Wala na akong hihingiing iba sa ‘yo kundi ito lang. This is also for publicity.”
Nangunot ang noo ng lalaki. “F-for what?”
“May nakapagsabi sa akin na nandito na ang mag-ama sa Pilipinas. Alam mo naman na gustong-gusto ni Genesis na ipakasal si Luanne kay Alexander dahil sa pera at sa apelyido na inaasam ng kahit na sino. Pero si Trinity, wala siyang alam na isa tayong Casablanca. Ni hindi siya nagulat nang makita niya ako, ikaw, sina Alexander, hindi ba?
“Hindi siya gold digger katulad no’ng mag-ama. Ewan ko ba. Kasing-yaman naman natin sila pero bakit si Alexander pa ang nakursunadahan nila.”
Nanahimik si Leo. Kilala niya si Genesis ngunit hindi niya alam na uuwi pala sa Pilipinas ang dalawa. Noong huling nag-usap sila, nangako ito na hindi na manggugulo at maninirahan na sa America—for good.
“Hindi naman na siguro gano’n ang sitwasyon.”
“I doubt it. But let’s see. Ano pa man ang mangyari, sasabihin ko mamaya kay Alexander na si Damira ang magiging fiancée niya kaysa naman maunahan tayo ng mag-ama. Hindi mo naman siguro gugustuhin ‘yon, ‘di ba?”
Mas lalong hindi nakapagsalita ang lalaki. Of course, hindi niya gusto iyon.
TUWANG-TUWA si Damira nang makabili siya ng mga bagong damit nang hindi man lang nababawasan ang natira niyang sahod. Laking pagpapasalamat niya kina Trinity at Leo dahil kahit papaano ay nakabili rin siya ng bagong damit na matagal niya nang gustong gawin.
Hindi lang iyon dahil binigyan din siya ng mga ito ng silid sa mansyon malapit pa mismo sa balkonahe. Isa iyon sa mga pangarap niya noon na unti-unting natutupad ngayon.
Biglang napawi ang ngiti niya nang maalala si Alexander. Hindi niya gusto ang plano ni Trinity na ipakasal siya sa lalaking arogante na iyon. Uanng tingin pa lang, alam niya nang walang gagawing mabuti.
Napansin niya pa ang pasa nito sa mukha katulad ng sa kanya. Kung saan man galing iyon, wala na siyang pakialam. Tumayo na siya matapos suklayin ang buhok. Ilang beses na rin siyang humiga sa napakalambot niyang kama. Paniguradong magiging masarap ang tulog niya mamayang gabi.
Nakarinig siya ng katok sa pinto kaya naman agad siyang tumayo at binuksan ito. Isang kasambahay na tila ba kasing-edad niya lang ang sumalubong sa kanya.
“Miss, hinahanap po kayo ni Ma’am Trinity. Nasa dining area na po sila.”
“S-sige. Susunod na kamo ako.”
Huminga siya nang malalim bago lumabas ng kwarto. Kinakabahan siya hindi dahil sa muli nilang pagkikita ng lalaki ngunit dahil suot niya ang damit na si Trinity mismo ang pumili para sa kanya.
Isa iyong off-shoulder white floral dress na hanggang tuhod ang haba. Hindi iyon revealing at komportable siya na suotin ito. Nilugay niya ang mahaba at kulot niyang buhok at nagsuot ng tsinelas.
Huminto siya sa bukana ng dining area nang makitang kumpleto ang mag-anak na naroon. Si Amaury ay nakasuot pa ng long neck longsleeve shirt at tila galing pang opisina. Ganoon din si Alexander na tatlong butones ang nakatanggal sa longsleeve polo na suot.
“Damira! You look so beautiful!”
Aatras pa sana siya nang bigla siyang nahawakan ng babae sa kamay. Umiwas siya ng tingin nang mapansin siya ng tatlong lalaki.
“Hindi ba? I told you, bagay sa ‘yo ang ganyang damit, eh. Tara. We’re going to have a dinner.”
Pilit siyang ngumiti at tumabi sa babae. Magkatapat sila ngayon ni Alexander sa upuan. Abala itong hawak ang cellphone kaya kinuha niya rin ang kanya.
Tahimik silang nagsipagkain. Tila ba nakikiramdam sa bawat tunog ng kutsara at tinidor ng bawat isa. Hindi lang isang beses na nagtinginan ang mag-asawa dahil alam ni Leopoldo na kahit ano’ng oras ay pwedeng sabihin ng asawa ang plano nito.
“I didn’t expect that you’re going to be with us tonight, Xander. Is there a problem at the villa?”
“Wala naman. Let me stay for tonight because I am going to Singapore next week.”
“Hmmm.” Tumango-tango lang si Trinity. “By the way, I have an announcement to make.”
Doon na nilukuban ng kaba si Damira. Alam niyang sasabog sa galit ang lalaki sa sasabihin ng ginang.
“So, I already told you couple of times that Damira is going to be with us, right?”
Wala siyang narinig na pagsang-ayon sa mga ito kaya mas lalo siyang kinabahan.
“And she’s not going to be our house helper.”
“Then, why is she here?” tanong ni Alexander.
“She’s going to be your fiancée, Xander.”
Ilang minutong nagkatitigan ang mag-ina. Siya naman ay nanatiling nakayuko lang at nakikiramdam sa susunod na mangyayari.
“N-no. You’re crazy.” Nagawa pang ngumiti ng lalaki at saka sumandal sa upuan.
“This is for real. We decided that since you are ready to start a family, why not start right away? Pareho naman kayong single ni Damira, ‘di ba?”
“Oh my, God!” Napahilamos ng mukha ang lalaki. Para bang gusto na lang ni Damira na malusaw sa kinauupuan para hindi niya na marinig o makita pa ang pagtanggi ng lalaki.
“You already know how much I appreaciate what you’re doing for our family, but this is going too far,” sabi pa nito.
“I know you’re frustrated but I am doing this for your own good. Sana naiintindihan mo ako kung bakit ko ginagawa ‘to.”
“I will never understand that.” Nagsimula nang tumayo ang lalaki. “Did she agree with this?”
Nakatingin sa kanya si Alexander. Hindi niya alam kung oo o hindi ba ang isasagot niya pero kahit alin man doon ay manggagalaiti pa rin ito.
“We’ve already talked about it.”
“Tapos late mong sinabi sa akin? This is ridiculous! Pumayag ka ba?” tanong pa nito sa kanya.
Hindi siya sumagot at nanatiling nakayuko nang bahagya.
“Damira, right?” muli nitong tanong sa kanya kaya naman marahan siyang tumango bilang sagot.
“Pumayag ka ba sa plano ni Trinity?”
Ilang oras niya ring pinag-isipan ang tungkol doon. She just wants the best for her mother right now. Iyon lang, wala nang iba.
“Oo. Pumayag ako—“
“Damn it! Magpapakasal ka sa taong hindi mo kilala? She’s not crazy. You are the one who is crazy right now!”
Hindi niya na napigilan ang sarili kaya tumayo na rin siya. Alam niyang kinagulat iyon ng mga taong nasa dining area.
“Wala akong pakialam sa balak mo pang sabihin. Oh, eh ano kung baliw ako? Kung ayaw mong magpakasal, fine! Walang problema—“
“You’re doing this for the money, right? Magkano ba ang offer sa ‘yo ni Trinity? I can double or triple it—“
Kinuha niya ang baso ng wine na hindi niya pa ginagalaw kanina at isinaboy iyon sa pagmumukha ng lalaki.
“Ang kapal din naman ng mukha mo, ano? Hindi porque mahirap lang ako, pera lang ang tumatakbo sa utak ko. Hindi ako masisilaw ng pera mo, Alexander. Kaya kong magtrabaho para maging kasingyaman mo. Nataon lang na sa magandang pamilya ka galing kaya natatamasa mo ‘tong lahat. Huwag mong nilalahat ‘tong mga kagaya ko baka mamaya, kami pang mahihirap ang tumulong sa inyo pagdating ng araw.”
Nanginginig niyang ibinaba ang baso at humarap sa mag-asawa.
“P-pasensya na kayo pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa kanya. He deserved it. Kota na ako sa ganyan. If you’ll excuse me, I am going to my room now.”
Tumango lang ang dalawa at dali-dali siyang umalis ng dining area. Nang makalayo-layo, sumandal siya sa pader habang nakahawak sa dibdib. Todo ang paghinga niya nang malalim dahil sa intense na pangyayaring iyon.
Hindi siya makapaniwalang nagawa na ang bagay na iyon. Binatuk-batukan niya ang sarili pagkatapos.
“Ang tanga-tanga mo talaga! Hindi mo na dapat ginawa ‘yon!” bulong niya sa sarili.
“Ikaw lang ang nakagawa no’n kay Sir Xander.”
Napalingon siya sa gulat nang makita niya ang babaeng kumatok sa kanyang pinto kanina lang.
“T-totoo ba?”
Tumango ito.
“Diyos ko. Mapapatalsik na yata ako agad sa bahay na ‘to!”
MAAGANG nagising si Damira. Nakasuot pa siya ng pajama at loose t-shirt at dahan-dahang binuksan ang seradura ng pinto. Kaliwa’t kanan pa ang tingin niya sa paligid at dinadalanging hindi magsalubong ang landas nila ni Alexander. Alam niyang mali ang nagawa niya sa binata kagabi pero kung hindi siya na-trigger nito, hindi niya naman gagawin ang buhusan ito ng red wine. She tiptoed until she reached the dining area. Wala pang tao roon at tanging mga kasambahay pa lang ang naglilinis. Kaya naman nagpunta siya sa balkonahe ng bahay. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa napakagandang view ng tahanan ng mayamang pamilyang ito. “Enjoying the view?” Agad na bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang boses na iyon ng lalaki—si Alexander. Hindi niya alam kung ano ang ikikilos. Magiging agresibo pa siya sa ganito kaaga o hahayaan niya na lang na laitin siya muli ng lalaki para matulak niya ito pababa. Narinig niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. Aatras na sana siya
HINDI LANG yata apat na beses na sinumpa ni Damira si Alexander habang naliligo. Naririnig niya ang boses ni Carla na pinamamadali na siya dahil tumawag na naman sa kanya ang lalaki. “Hayaan mo siyang maghintay!” sigaw niya habang palabas ng banyo. “Miss Damira, pasensya na kayo. Napag-utusan lang naman kami ni Sir Alexander.” Nakalatag na sa kanyang kama ang damit sa si Carla mismo ang pumili galing sa mga ibinigay ni Trinity sa kanya. “Bakit ‘yan ang susuotin ko? Pwede namang naka-t-shirt na lang ako at maong na shorts.” Nagkamot-ulo ang dalaga. “Please, Miss. Sundin n’yo na lang ako.” Isa iyong sleeveless V-neck dress na hanggang dibdib ang hiwa. Hindi pa siya nakakapagsuot ng ganyan ka-revealing na damit kahit na hindi naman ganoong makikita ang cleavage niya. “Ayoko niyan!” tanggi nya. “Mabilis lang naman kayo roon, Miss. At saka, si Sir kasi ‘yong susunduin n’yo. Ayaw n’yo naman na magmukha kayong katulong niya, ‘di ba?” pang-e-engganyo pa nito sa kanya. Kaysa makipagtal
BACK TO NORMAL at tila ba walang nangyaring proposal sa airport habang naglalakad sina Alexander at Damira palabas ng lugar. Tikom ang kanyang bibig habang nakikiramdam sa babae. Manaka-naka pa ang pagsulyap niya ngunit kung sakali man, nakahanda na ang pisngi niya sa malutong nitong sampal.Hindi siya mapakali. What he did is wrong. Una, nagpadalus-dalos siya sa desisyong mag-propose sa harap ng maraming tao para lang lubayan siya ni Luanne. Ikalawa, ni hindi man lang niya nabigyan ng heads up ang babae sa gustong mangyari. At ang ikatlo, ni hindi man lang siya nanghingi ng permiso para halikan ito.Mariin siyang napapikit nang maalala ang tagpong iyon. He is still tasting the sweet and minty flavor of Damira’s mouth which is not good for him. Kakaiba ang sensasyong naramdaman niya habang hinahalikan niya ang babae kanina at maling-mali iyon.Umiling siya upang iwaksi sa isipan ang tila ba isang scene sa pelikula.
MATAPOS alisan ni Damira si Alexander, dali-dali siyang dinaluhan ni Trinity. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Pasimple niyang tinago sa bulsa ang singsing bago pa ito makita. “What happened? Why did she slapped you?” nag-aalalang tanong pa nito sa kanya. Nasa likod ang kanyang ama na si Leo at mukhang gusto rin nitong malaman kung anong nangyari. “It’s okay. May kasalanan ako sa kanya. Don’t be mad at her.” “Bakit? Ano bang nangyari?” pag-uulit na tanong ng kanyang ama. “Look, I badly want to explain what happened but I am so tired. Can we talk about it later?” Salitan niyang tiningnan ang dalawa. Napabuntong-hininga si Trinity. “Fine.” Pag-akyat ni Alexander ay saka naman ang dating ni Macario dala-dala ang bagahe ng lalaki. “Nasa’n na sina Sir?” maang na tanong pa nito sa mag-asawa. “Macario, may nangyari ba?” nakataas ang kilay na tanong ni Trinity sa kanilang driver. “Naku, hindi n’yo pa ba alam?” Mabilis nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at pinakita sa mag-asawa a
“PARANG napakaimposible naman niyang sinasabi mo,” ani Amelia matapos ikwento ni Damira ang buong pangyayari habang nasa isang café sila.Pagpasok niya pa lang sa mall, hindi na siya mapalagay sa sulyap na natatanggap niya sa mga taong nadadanan niya. Iba ang impact ng nangyari kanina. Ipinakita pa ni Amelia sa kanya kung ilang libo ang nag-share, comment, at nanood ng video nilang dalawa.“Mukha ba akong nagbibiro? No’ng nasa bahay nila, saka ko lang nalaman na gano’n ang magiging set up ko. Ayoko naman na rin umuwi kina Tita. Muntik-muntikan na nga ako no’ng araw na ‘yon kaya pasalamat talaga ako kay Trinity kasi kinuha niya ako.”“Hmm… hindi na naman kita masisisi kung ma-love at first sight ka kay Alexander kasi grabe naman ka-pogi ‘yon, ‘no! Gwapo rin naman ‘yong bunso niyang kapatid kaso mas bet ko si Xander. Kaso, taken na pala,” pagpaparinig nito.“Ha
MATAPOS ang payapang hapunan, nagpunta ang apat sa study room kung saan may privacy sila upang pag-usapan ang nabuong plano ng mag-asawa kaninang tanghali.“We’re so surprised on what happened earlier,” pagbubukas ni Trinity ng usapan matapos maupo sa tabi ng asawa.“’Yong nangyari kanina, hindi naman talaga dapat nangyari ‘yon kung hindi ako sinundan ni Luanne. Kung tutuusin, pwede ko siyang kasuhan ng stalking dahil alam niya na palapag na ako ng eroplano at alam niya kung anong oras at anong eroplano ang sinakyan ko,” mabilis na sagot ni Alexander na ilang metro ang layo kay Damira.“Can we delete it, right?” pahabol na tanong pa nito.“No,” mabilis na sagot ni Leo.“We can no longer delete it because it is already circulating online. Kahit na burahin natin ang sampung websites or pages na nag-upload no’n, hindi natin alam kung gaano karami pa ang may kopya at balak ma
HILOT-HILOT ni Alexander ang sintido habang binabasa ang isang plot ng love story na nakasulat sa isang buong bond paper. Muli, narito sila sa study room ni Damira, malayo ang sarili sa isa’t isa dahil sa tensyong namamagitan sa kanila.Hindi niya matanggap ang mga nasabi sa kanya nito noong nakaraan. Tila ba naapakan ang pagkalalaki niya nang isampal sa kanya nito ang katotohanang hindi lahat ng babae ay posibleng ma-attract sa kanya.Napabuntong-hininga siya habang itinuon ulit ang atensyon sa papel. Who would have though that his mother will make a cringy love story on how he and Damira met two years ago—without anyone noticing it.Kung tutuusin, napakadali lang sa kanya na kabisaduhin ang mga detalyeng nakalagay ngunit hindi niya talaga malunok ang mga iyon kahit nakakadalawang tasang kape na siya.“You’re going to have an interview with Maximo Oliveros in the afternoon. Please make sure that you have memorized anything because
TAHIMIK sa kotse ni Alexander habang nasa parking lot pa lan sila ng isang malaking media network. Taliwas sa katahimikang iyon ang ingay sa labas ng kotse. Dagdag pa ang flash ng mga kamera na tila ba tumatagos sa tinted na salamin ng sasakyan.“Sir, sure ba kayo na hindi n’yo kailangan magdagdag ng security? Parang ‘di kayo kaya no’ng tatlong guard na nakaabang sa labas, eh,” tanong pa ni Macario.“We’re going to be fine. If they ask you something, just shut your mouth, okay?” ani pa ng lalaki habang nag-scroll sa cellphone.“No problem, boss.”Parang tambol ang puso ni Damira. Halos matanggal ang lipstick sa kanyang labi dahil kanina pa niya kagat-kagat iyon. Hindi siya mapakali.“Feeling nervous already?” nakangising tanong ng lalaki sa kanya.“K-kinakabahan ako dahil ayoko na mapanood ako ni Mama kung pa’no magkalat sa TV. Hindi ko sinabi s
NANGUNOT ang noo ni Damira nang marinig niya ang malakas at sunod-sunod na katok sa pinto. Tatalikod sana niya nang maramdaman niya ang bigat sa kanyang baywang. “What the fuck?” Dahan-dahan siyang tumingala at nakita niya ang mukha ni Alexander na mahimbing pang natutulog. Nakayakap naman siya sa sarili ngunit ang isang braso nito ay nasa kanyang baywang at ang isa naman ay inunan niya. Nangunot ang kanyang noo. Iniisip niya kung uminom ba siya kagabi matapos magpunta sa ospital. Hindi, eh. Imposibleng uminom ako. Nang maramdaman niyang gumalaw ang lalaki kasabay ang mas malakas na katok sa pinto, tinulak niya ito upang humiwalay ito sa kanya. She heard him grunt while opening his eyes. Lumayo siya. As in nagpunta siya sa kabilang dulo ng kama. Doon niya na-realize na iba na ang damit na kanyang suot at ang damit niya kagabi ay naroon sa upuan—nakaupi. “Finally, you’re awake,” saad sa kanya ng lalaki nang maupo ito. “Ano’ng ginagawa ko rito?” naguguluhang tanong pa niya. “Xan
NAGSALUBONG ang kilay ni Alexander habang papasok sa loob ng kwarto. Kanina, hinanap sa kanya ni Trinity si Damira habang kumakain sila ng hapunan. Ngayong bago siya umakyat, hinahanap naman ni Carla ang babae. Maski siya, hindi niya rin alam kung saan ito patungo matapos silang magkabanggan sa pinto—papasok na siya noon, nagmamadali naman itong lumabas.Tinginan niya ang relo. Alas dose y medya na ng madaling araw. Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number nito sa contacts. Wala naman sigurong masama kung tawagan niya ito at tanungin kung uuwi ba ngayong gabi sa mansyon. Ilang saglit lang, huminto siya.Sa mahigit tatlong buwan na pamamalagi ni Damira sa kanilang tahanan, hindi pa rin niya nagagamay ang ugali nito. Baka naman kung sakaling tawagan niya ito, singhalan na naman siya kagaya ng madalas nitong gawin matapos ang nangyari sa airport.Kahit naman siguro paulit-ulit siyang mag-sorry, hindi pa rin siya nito mapapatawad. Buti na nga lang kahit
HALOS hindi makahinga si Damira nang makita niyang nasa kanyang harapan ang tiyo at tiyahin. Basang-basa siya sa ulan na nagpunta sa ospital dahil sa natangap niyang tawag. Nabangga niya pa nga si Alexander na papasok pa lang noon sa living room. “Bakit kayo nandito?” nanginginig ang boses niyang tanong. “Aba, hindi ba namin pwedeng dalawin ang kapatid ko?” ganting tanong sa kanya ni Lorna. As usual, nakataas na naman ang isang kilay nito sa kanya. “B-bumisita lang sila dito, ‘nak.” Ngumiti sa kanya ang inan si Almira. Inalalayan niya pa ito sa pag-upo mula sa pagkakahiga. “Ikaw, Damira, makakapangasawa ka lang ng bilyonaryo ang laki na agad ng ulo mo. Pa’no pa kaya kung kinasal ka na sa Casablanca na ‘yon,” patutsada pa ni Eddie sa kanya kasabay ang pag-ekis ng dalawang braso. Ito ang reunion na ayaw na ayaw niyang magaganap. Kaya nga pumayag siyang umalis sa poder ng mga ito upang hindi na siya mahamak pero heto siya ngayon—kung t
BAGSAK ang balikat at nakaawang lang ang labi ni Damira nang marinig niya ang dire-direstong pagkukwento ni Alexander matapos niyang kumpirmahin na isa siyang cashier sa convenience store.Sa pagsasalita nito, para bang ang tagal na nilang magkakilala. Hindi niya alam kung paano pinagdugtong-dugtong nito ang kaganapan sa kanilang dalawa na para bang totoong nangyari.“Alam kong darating ‘yong panahon na kung sakali mang malaman ng mga tao na ganito ang sitwasyon sa buhay ni Damira, mamaliitin siya ng mga taong mas nakakaangat sa buhay. That is the reason why we are dating in secret. But now, you can judge all you want because we’re getting married and nothing can stop us from happening it.”Napadiretso pa ng upo si Damira nang maramdaman niya ang pagpisil ng lalaki sa kanyang balikat habang nakaakbay ito sa kanya.“Will your wedding be on a live broadcast?”“It surely will! Ayaw naman naming ipagdamot ang b