HABANG nakatitig kay Damira ang tatlong lalaki na tila ba sinusuri nito ang kanyang kaanyuan, hinawakan siya ni Trinity sa braso upang maupo at sumalo sa almusal.
“By the way, this is my husband, Leo…” Nilapitan nito ang lalaking nasa kabisera.
Halata ang katandaan sa mukha ng lalaki dahil sa puting buhok nito ngunit hindi maitatanggi ang kakisigan nito kahit na ganoon. Napansin niya rin na malayo ang agwat ng edad ni Trinity sa asawa nito.
“And, this one on my right is Alexander, our oldest son.”
Nagtagpong saglit ang paningin nila ng lalaki na nagpabilis ng tibok ng puso niya. His groomed beard fits for him. Kung ibang lalaki ang may ganoon, parang ang dumi tingnan ngunit hindi para sa lalaking ito. Para siyang nakakita ng isang Turkish dahil ganoon ang pagkakagawa sa mukha nito.
“The one on my left is Amaury…our youngest.”
Tumango lang siya nang matipid siyang nginitian ng lalaki. Iba naman ang itsura ng lalaking nasa kaliwa. Tila ba magkasing-edad lang silang dalawa.
“So, like what I said, she’s going to live with us—“
“Naghahanap ka na naman ng kasambahay?” tanong ni Alexander habang nagpupunas ng bibig.
“No, she’s not going to be my helper…you’ll know soon. Anyway, can we just have a breakfast first? Hindi maganda ang naging umaga namin ni Damira.”
Naupo ito sa kanyang tabi at sabay silang nagsipagkain.
“What do you do for a living, Damira?” tanong sa kanya ni Leo.
“Ah…cashier po ako sa isang convenience store,” matipid niyang sagot.
“Hindi ka maniniwala na pamangkin siya nina Eddie at Lorna. Do you remember them?” tanong pa ni Trinity sa asawa.
Nangunot ang noo ng lalaki. “Eddie at Lorna…” Mariin pa itong nag-isip. “Hmmm, naalala ko na sila. Sila ‘yong sumugod dito sa gitna ng ulan para manghiram ng pera sa kapatid nilang may sakit.”
Nahinto siya sa pagnguya at mahigpit na hinawakan ang kubyertos. Hindi niya maipaliwanag ang galit na nararamdaman sa ginawa sa kanila ng mag-asawa.
“She’s the one who’s paying for the debts and working for them! Unbelievable. Sabi pa sa akin ni Lennon, si Damira ang sumasalo ng lahat ng gastusin nila sa bahay,” sabi pa ng babae.
Naalala niya ang lalaking iyon na napagbuntunan niya kahapon ng inis.
“Buti na lang sumama ako kay Lennon kanina. Kung hindi, baka hindi lang ‘yan ang inabot niya sa mag-asawa.”
“Are they hurting you?” tanong pa ni Leo sa kanya.
Tumikhim pa siya bago magsalita. “H-hindi naman po palagi. Kapag ano lang po…”
“Bakit hindi ka na lang umalis kung sinasaktan ka naman pala nila?” tanong ni Alexander sa kanya.
Halos mapataas ang kilay niya dahil iba ang tono ng pagtatanong na iyon. Para bang kasalanan niya pa na nag-stay siya sa bahay ng tiyahin.
“H-hindi ganoon kadali ang umalis sa poder ng tita ko. Kung ako lang, hindi naman ako mag-stay ro’n, eh. Mama ko kasi ang iniisip ko.” Nilagyan niya pa ng emphasis sa salitang “mama”. “Kung hindi dahil sa kanya, kahit sa lansangan ako matulog, ayos lang.”
“What a lame excuse,” bulong ng lalaki ngunit sapat para marinig niya. Ikinapanting iyon ng kanyang tainga.
“A-ano’ng sinabi mo?”
Nagtinginan din ang mag-asawa nang marinig ang buwelta ni Damira. Sa pagkakaalam ni Leopoldo, wala pang gumagawa nang ganoon sa anak. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil sa wakas ay mukhang nahanap na nito ang katapat.
“Nevermind. I hope that Trinity is right in letting you live here.” Pinanood niya kung paano nito punasan ang bibig at tumayo. “Now, if you’ll excuse me, I am going to work.”
Muli siyang nakatikim ng saglit na sulyap sa lalaki bago ito umalis. Ngayon pa lang, parang gusto niya na lang umuwi. Damang-dama niya na hindi siya gusto ng lalaking ito na doon tumira.
“I am so sorry for his attitude. May pinagdadaanan lang siya kaya ganyan. You’ll get used to it. Huwag mo na lang siyang pansinin,” sabi pa ni Trinity at niyaya siya muli na magpatuloy sa pagkain.
“By the way, since Alexander is no longer here. I want to tell you that Damira is going to be his fiancée.”
Naibuga niya ang tubig na iniinom dahil sa pagkasamid. Mabilis naman na kumuha ng table napkin si Trinity at ibinigay iyon sa kanya.
“What the hell are you talking about?” hindi makapaniwalang tanong ni Leo sa asawa.
“Why? That’s not a wrong idea, right, Amaury?”
Nagkibit-balikat lang ang bunso. Ngunit si Damira, iiling-iling na tumayo.
“P-pwede n’yo po akong maging kasambahay, tagaluto, tagalinis ng kotse, tagatanggal ng peste sa garden…kaya kong gawin lahat huwag n’yo lang ako ipakasal sa lalaking hindi ko kilala.”
“She’s right, honey. Huwag naman tayong magdesisyon sa mga bagay na sila dapat ang nag-de-decide.”
Tumayo rin si Trinity at bumugtonghininga.
“Damira, this is your only chance. Ayaw na kitang bumalik sa dati mong buhay. Dito, walang mang-aapi sa ‘yo. Lahat ng gusto mo, pwede mong bilhin. Makakakain ka nang hindi ka nagtitipid. Walang ibang taong mag-de-degrade sa ‘yo rito.”
Tumingin ang ginang sa kanilang tatlo. “This is just for a year. Look, I promise that I will shoulder all the medical and hospital bills of your mom once the wedding is done. Itaga mo sa bato, Damira, your mother’s bill will be all cleared.”
“Huwag mo siyang madaliin, Trinity. Kadarating niya lang sa bahay na ‘to,” saway ni Leo sa asawa.
“I am sorry. I just feel that you and Alexander need help that’s why I decided to arrange the marriage. Pero kung sakaling hindi mo naman talaga gusto ang ganitong sitwasyon, I’ll respect your decision.”
Naging payapa ang isang buong araw na iyon ni Damira. Hindi muna niya inisip kung ano ang susunod na mangyayari. She just wanted to live her life right now. Napakatagal niyang pinagdasal ang kalayaang ito. Halos oras-oras yata siyang tinatawag ng mag-asawa upang kumain.
“Ganito po ba talaga rito sa inyo? Every one hour, may dumarating na pagkain?”
Natawa ang dalawa sa tanong niyang iyon. Nandito sila ngayon sa hardin at nilalasap ang sariwang hangin kasabay ang bango ng iba’t ibang bulaklak na naroon.
“Masanay ka na, Damira. Araw-araw kaming ganito rito.”
“HAVE you heard?” bulong ng sekretaya at best friend ni Alexander na si Steve.
“About what?” tanong niya naman habang nakatingin sa mga papeles na pinipirmahan.
“Genesis called a while ago. He’s already here in the Philippines…with Luanne. Alam mo naman siguro kung ano’ng ibig sabihin no’n, ‘di ba?”
Huminto siya sa ginagawa at huminga nang malalim.
“Maybe I can have an agreement with him—“
“Humanap ka na ng babaeng ipapakilala mo dahil kung hindi, itutuloy pa rin niya ang desisyon na ipakasal ka kay Luanne.”
“Alam mong hindi ko kayang gawin ‘yan! Are you crazy?!” Bahagyang tumaas ang boses nito.
“Ikaw ang bahala. I am just saying what the best is for you. Hindi mo naman siguro nakikini-kinita ‘yong sarili mo na mapakasal sa kanya, ‘di ba?”
Hindi siya umimik ngunit alam na nito kung ano ang sagot kaya naman naglakad na ito patungo sa pinto.
“Huwag ka munang uuwi ng villa ngayon. Alam mo naman siguro kung ano ang dadatnan mo ro’n.”
Isang buong araw na silang magkasama ni Steve pero hindi pa niya nakukwento sa lalaki ang dagdag na miyembro ng kanilang pamilya.
Hindi maalis sa isip niya ang nanlilisik na mga mata ng babae sa kanya kanina na tila ba balak siyang kainin nito ng buhay. Napangiti siya. Iyon ang unang beses na may babaeng gumawa ng ganoon sa kanya. He likes that kind of woman.
Nope. Nope. Hindi ikaw ‘yan, Alexander.
Muli niyang ibinalik ang sarili sa ginagawa. Nahihibang na siya. Nahihibang nang talaga.
“GUSTO mo bang sumpain ka ng anak mo, Trinity?” tanong ni Leopoldo habang nasa study room sila.“I know what I am doing so please…” Naupo ang babae sa tabi ng asawa. “I just wanted to help, that’s all.”“Pwede kang tumulong sa ibang paraan. Hindi sa ganito. Akala mo ba hindi napipilitan si Damira sa pinapakiusap mo? Bakit kailangan mo ng kundisyon na ‘yon para lang tumulong sa iba? Kaya naman nating bayaran ‘yon nang walang hinihinging kapalit. Magsabi ka lang.”“I have bigger plans if you would trust me. Kahit ito lang. Wala na akong hihingiing iba sa ‘yo kundi ito lang. This is also for publicity.”Nangunot ang noo ng lalaki. “F-for what?”“May nakapagsabi sa akin na nandito na ang mag-ama sa Pilipinas. Alam mo naman na gustong-gusto ni Genesis na ipakasal si Luanne kay Alexander dahil sa pera at sa apelyido na inaasam ng kahit na sino. Pero si Trinity, wala siyang alam na isa tayong Casablanca. Ni hindi siya nagulat nang makita niya ako, ikaw, sina Alexander, hindi ba?“Hindi siya
MAAGANG nagising si Damira. Nakasuot pa siya ng pajama at loose t-shirt at dahan-dahang binuksan ang seradura ng pinto. Kaliwa’t kanan pa ang tingin niya sa paligid at dinadalanging hindi magsalubong ang landas nila ni Alexander. Alam niyang mali ang nagawa niya sa binata kagabi pero kung hindi siya na-trigger nito, hindi niya naman gagawin ang buhusan ito ng red wine. She tiptoed until she reached the dining area. Wala pang tao roon at tanging mga kasambahay pa lang ang naglilinis. Kaya naman nagpunta siya sa balkonahe ng bahay. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa napakagandang view ng tahanan ng mayamang pamilyang ito. “Enjoying the view?” Agad na bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang boses na iyon ng lalaki—si Alexander. Hindi niya alam kung ano ang ikikilos. Magiging agresibo pa siya sa ganito kaaga o hahayaan niya na lang na laitin siya muli ng lalaki para matulak niya ito pababa. Narinig niya ang mga yabag nitong papalapit sa kanya. Aatras na sana siya
HINDI LANG yata apat na beses na sinumpa ni Damira si Alexander habang naliligo. Naririnig niya ang boses ni Carla na pinamamadali na siya dahil tumawag na naman sa kanya ang lalaki. “Hayaan mo siyang maghintay!” sigaw niya habang palabas ng banyo. “Miss Damira, pasensya na kayo. Napag-utusan lang naman kami ni Sir Alexander.” Nakalatag na sa kanyang kama ang damit sa si Carla mismo ang pumili galing sa mga ibinigay ni Trinity sa kanya. “Bakit ‘yan ang susuotin ko? Pwede namang naka-t-shirt na lang ako at maong na shorts.” Nagkamot-ulo ang dalaga. “Please, Miss. Sundin n’yo na lang ako.” Isa iyong sleeveless V-neck dress na hanggang dibdib ang hiwa. Hindi pa siya nakakapagsuot ng ganyan ka-revealing na damit kahit na hindi naman ganoong makikita ang cleavage niya. “Ayoko niyan!” tanggi nya. “Mabilis lang naman kayo roon, Miss. At saka, si Sir kasi ‘yong susunduin n’yo. Ayaw n’yo naman na magmukha kayong katulong niya, ‘di ba?” pang-e-engganyo pa nito sa kanya. Kaysa makipagtal
BACK TO NORMAL at tila ba walang nangyaring proposal sa airport habang naglalakad sina Alexander at Damira palabas ng lugar. Tikom ang kanyang bibig habang nakikiramdam sa babae. Manaka-naka pa ang pagsulyap niya ngunit kung sakali man, nakahanda na ang pisngi niya sa malutong nitong sampal.Hindi siya mapakali. What he did is wrong. Una, nagpadalus-dalos siya sa desisyong mag-propose sa harap ng maraming tao para lang lubayan siya ni Luanne. Ikalawa, ni hindi man lang niya nabigyan ng heads up ang babae sa gustong mangyari. At ang ikatlo, ni hindi man lang siya nanghingi ng permiso para halikan ito.Mariin siyang napapikit nang maalala ang tagpong iyon. He is still tasting the sweet and minty flavor of Damira’s mouth which is not good for him. Kakaiba ang sensasyong naramdaman niya habang hinahalikan niya ang babae kanina at maling-mali iyon.Umiling siya upang iwaksi sa isipan ang tila ba isang scene sa pelikula.
MATAPOS alisan ni Damira si Alexander, dali-dali siyang dinaluhan ni Trinity. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Pasimple niyang tinago sa bulsa ang singsing bago pa ito makita. “What happened? Why did she slapped you?” nag-aalalang tanong pa nito sa kanya. Nasa likod ang kanyang ama na si Leo at mukhang gusto rin nitong malaman kung anong nangyari. “It’s okay. May kasalanan ako sa kanya. Don’t be mad at her.” “Bakit? Ano bang nangyari?” pag-uulit na tanong ng kanyang ama. “Look, I badly want to explain what happened but I am so tired. Can we talk about it later?” Salitan niyang tiningnan ang dalawa. Napabuntong-hininga si Trinity. “Fine.” Pag-akyat ni Alexander ay saka naman ang dating ni Macario dala-dala ang bagahe ng lalaki. “Nasa’n na sina Sir?” maang na tanong pa nito sa mag-asawa. “Macario, may nangyari ba?” nakataas ang kilay na tanong ni Trinity sa kanilang driver. “Naku, hindi n’yo pa ba alam?” Mabilis nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at pinakita sa mag-asawa a
“PARANG napakaimposible naman niyang sinasabi mo,” ani Amelia matapos ikwento ni Damira ang buong pangyayari habang nasa isang café sila.Pagpasok niya pa lang sa mall, hindi na siya mapalagay sa sulyap na natatanggap niya sa mga taong nadadanan niya. Iba ang impact ng nangyari kanina. Ipinakita pa ni Amelia sa kanya kung ilang libo ang nag-share, comment, at nanood ng video nilang dalawa.“Mukha ba akong nagbibiro? No’ng nasa bahay nila, saka ko lang nalaman na gano’n ang magiging set up ko. Ayoko naman na rin umuwi kina Tita. Muntik-muntikan na nga ako no’ng araw na ‘yon kaya pasalamat talaga ako kay Trinity kasi kinuha niya ako.”“Hmm… hindi na naman kita masisisi kung ma-love at first sight ka kay Alexander kasi grabe naman ka-pogi ‘yon, ‘no! Gwapo rin naman ‘yong bunso niyang kapatid kaso mas bet ko si Xander. Kaso, taken na pala,” pagpaparinig nito.“Ha
MATAPOS ang payapang hapunan, nagpunta ang apat sa study room kung saan may privacy sila upang pag-usapan ang nabuong plano ng mag-asawa kaninang tanghali.“We’re so surprised on what happened earlier,” pagbubukas ni Trinity ng usapan matapos maupo sa tabi ng asawa.“’Yong nangyari kanina, hindi naman talaga dapat nangyari ‘yon kung hindi ako sinundan ni Luanne. Kung tutuusin, pwede ko siyang kasuhan ng stalking dahil alam niya na palapag na ako ng eroplano at alam niya kung anong oras at anong eroplano ang sinakyan ko,” mabilis na sagot ni Alexander na ilang metro ang layo kay Damira.“Can we delete it, right?” pahabol na tanong pa nito.“No,” mabilis na sagot ni Leo.“We can no longer delete it because it is already circulating online. Kahit na burahin natin ang sampung websites or pages na nag-upload no’n, hindi natin alam kung gaano karami pa ang may kopya at balak ma
HILOT-HILOT ni Alexander ang sintido habang binabasa ang isang plot ng love story na nakasulat sa isang buong bond paper. Muli, narito sila sa study room ni Damira, malayo ang sarili sa isa’t isa dahil sa tensyong namamagitan sa kanila.Hindi niya matanggap ang mga nasabi sa kanya nito noong nakaraan. Tila ba naapakan ang pagkalalaki niya nang isampal sa kanya nito ang katotohanang hindi lahat ng babae ay posibleng ma-attract sa kanya.Napabuntong-hininga siya habang itinuon ulit ang atensyon sa papel. Who would have though that his mother will make a cringy love story on how he and Damira met two years ago—without anyone noticing it.Kung tutuusin, napakadali lang sa kanya na kabisaduhin ang mga detalyeng nakalagay ngunit hindi niya talaga malunok ang mga iyon kahit nakakadalawang tasang kape na siya.“You’re going to have an interview with Maximo Oliveros in the afternoon. Please make sure that you have memorized anything because
NANGUNOT ang noo ni Damira nang marinig niya ang malakas at sunod-sunod na katok sa pinto. Tatalikod sana niya nang maramdaman niya ang bigat sa kanyang baywang. “What the fuck?” Dahan-dahan siyang tumingala at nakita niya ang mukha ni Alexander na mahimbing pang natutulog. Nakayakap naman siya sa sarili ngunit ang isang braso nito ay nasa kanyang baywang at ang isa naman ay inunan niya. Nangunot ang kanyang noo. Iniisip niya kung uminom ba siya kagabi matapos magpunta sa ospital. Hindi, eh. Imposibleng uminom ako. Nang maramdaman niyang gumalaw ang lalaki kasabay ang mas malakas na katok sa pinto, tinulak niya ito upang humiwalay ito sa kanya. She heard him grunt while opening his eyes. Lumayo siya. As in nagpunta siya sa kabilang dulo ng kama. Doon niya na-realize na iba na ang damit na kanyang suot at ang damit niya kagabi ay naroon sa upuan—nakaupi. “Finally, you’re awake,” saad sa kanya ng lalaki nang maupo ito. “Ano’ng ginagawa ko rito?” naguguluhang tanong pa niya. “Xan
NAGSALUBONG ang kilay ni Alexander habang papasok sa loob ng kwarto. Kanina, hinanap sa kanya ni Trinity si Damira habang kumakain sila ng hapunan. Ngayong bago siya umakyat, hinahanap naman ni Carla ang babae. Maski siya, hindi niya rin alam kung saan ito patungo matapos silang magkabanggan sa pinto—papasok na siya noon, nagmamadali naman itong lumabas.Tinginan niya ang relo. Alas dose y medya na ng madaling araw. Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number nito sa contacts. Wala naman sigurong masama kung tawagan niya ito at tanungin kung uuwi ba ngayong gabi sa mansyon. Ilang saglit lang, huminto siya.Sa mahigit tatlong buwan na pamamalagi ni Damira sa kanilang tahanan, hindi pa rin niya nagagamay ang ugali nito. Baka naman kung sakaling tawagan niya ito, singhalan na naman siya kagaya ng madalas nitong gawin matapos ang nangyari sa airport.Kahit naman siguro paulit-ulit siyang mag-sorry, hindi pa rin siya nito mapapatawad. Buti na nga lang kahit
HALOS hindi makahinga si Damira nang makita niyang nasa kanyang harapan ang tiyo at tiyahin. Basang-basa siya sa ulan na nagpunta sa ospital dahil sa natangap niyang tawag. Nabangga niya pa nga si Alexander na papasok pa lang noon sa living room. “Bakit kayo nandito?” nanginginig ang boses niyang tanong. “Aba, hindi ba namin pwedeng dalawin ang kapatid ko?” ganting tanong sa kanya ni Lorna. As usual, nakataas na naman ang isang kilay nito sa kanya. “B-bumisita lang sila dito, ‘nak.” Ngumiti sa kanya ang inan si Almira. Inalalayan niya pa ito sa pag-upo mula sa pagkakahiga. “Ikaw, Damira, makakapangasawa ka lang ng bilyonaryo ang laki na agad ng ulo mo. Pa’no pa kaya kung kinasal ka na sa Casablanca na ‘yon,” patutsada pa ni Eddie sa kanya kasabay ang pag-ekis ng dalawang braso. Ito ang reunion na ayaw na ayaw niyang magaganap. Kaya nga pumayag siyang umalis sa poder ng mga ito upang hindi na siya mahamak pero heto siya ngayon—kung t
BAGSAK ang balikat at nakaawang lang ang labi ni Damira nang marinig niya ang dire-direstong pagkukwento ni Alexander matapos niyang kumpirmahin na isa siyang cashier sa convenience store.Sa pagsasalita nito, para bang ang tagal na nilang magkakilala. Hindi niya alam kung paano pinagdugtong-dugtong nito ang kaganapan sa kanilang dalawa na para bang totoong nangyari.“Alam kong darating ‘yong panahon na kung sakali mang malaman ng mga tao na ganito ang sitwasyon sa buhay ni Damira, mamaliitin siya ng mga taong mas nakakaangat sa buhay. That is the reason why we are dating in secret. But now, you can judge all you want because we’re getting married and nothing can stop us from happening it.”Napadiretso pa ng upo si Damira nang maramdaman niya ang pagpisil ng lalaki sa kanyang balikat habang nakaakbay ito sa kanya.“Will your wedding be on a live broadcast?”“It surely will! Ayaw naman naming ipagdamot ang b
TAHIMIK sa kotse ni Alexander habang nasa parking lot pa lan sila ng isang malaking media network. Taliwas sa katahimikang iyon ang ingay sa labas ng kotse. Dagdag pa ang flash ng mga kamera na tila ba tumatagos sa tinted na salamin ng sasakyan.“Sir, sure ba kayo na hindi n’yo kailangan magdagdag ng security? Parang ‘di kayo kaya no’ng tatlong guard na nakaabang sa labas, eh,” tanong pa ni Macario.“We’re going to be fine. If they ask you something, just shut your mouth, okay?” ani pa ng lalaki habang nag-scroll sa cellphone.“No problem, boss.”Parang tambol ang puso ni Damira. Halos matanggal ang lipstick sa kanyang labi dahil kanina pa niya kagat-kagat iyon. Hindi siya mapakali.“Feeling nervous already?” nakangising tanong ng lalaki sa kanya.“K-kinakabahan ako dahil ayoko na mapanood ako ni Mama kung pa’no magkalat sa TV. Hindi ko sinabi s