Welcome to the sequel story of Claire and Zekiel! After a year madudugtungan na natin ang storya ng pagmamahalan nila! Again paalala ko lang po na THIS BOOK IS WORK OF FICTION lalo na ang part ng tungkol sa monarch family, gawa-gawa ko lang po lahat kaya don't cancel me guys lalo na napaka-impossible na mangyari ito sa totoong buhay! Malaki po respeto ko sa mga monarch family lalo na sa Spain! Thank you sa susubaybay Kimmie's! ~B.NICOLAY/Ms.Ash
CLAIRE “PLEASE papa, pumayag ka na! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa mga anak ko. Papa I’m begging you!” Halos lumuhod na ako sa harapan ni papa para lang payagan niya akong umuwi sa Pilipinas. Nang malaman kong nawawala ang kambal ay talagang inistorbo ko agad si papa para makauwi ako agad. Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko alam kung nasaan sila. Nawawala na nga si kuya Clark maging sila ba naman mawawala? “Claire, anak tumayo ka jan. Papayag naman ako pero—” “Thank you papa!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya ng mahigpit ngunit agad niya ‘ding pinutol iyon. “’Yun ay kung papayag si kuya Timothy mo, siya ang magtatakip satin. Don’t you remember na ikaw ang Reyna ngayon? Kapag nalaman nilang wala ka ‘din dito sa palasyo magkakagulo nanaman,” “Don’t worry I’m willing to cover her highness,” Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ng taong iyon at paglingon namin ay nakita namin si kuya Timothy na nagbigay galang saamin. N
Agad na napatayo si Bianca ng makita ako at naitago ang cellphone niya. Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa ginawa niyang pagtago ng cellphone niya. “Oo nga noh? Bakit hindi natin agad naisip na magkakaibigan ‘yang tatlo?” mukang natatauhan na sabi ni Hero. Napabuntong hininga naman ako at binitawan ang kamay ni Zekiel at lumapit kay Bianca. Naupo ako sa harapan niya at tinignan siya ng deretsyo sa mga mata niya. “Bianca, alam mo ba kung saan nangpunta ang kambal? Based sa pagtago mo sa cellphone mo ay alam mo kaya ‘wag mo ng ilihim okay?” ngiting tanong ko sa kaniya na ikinabagsak ng balikat nito at tumango saakin. “Ninang nag-aalala ‘din po ako sa kanila! Hindi ko na sila makontact e! Sabi nila saakin tatawagan nila ako agad kapag nasa Spain na sila!” “Spain?!” Sabay-sabay na tanong namin dahil sa sinabing iyon ni Bianca. Tumango naman siya saamin at binigay saakin ang cellphone niya. “’Yan po ang huling usap ko kay Zayne ninang,” Agad namang lumapit saakin ang iba at tinig
ANG hindi alam ni Claire ang babaeng blondina na sinasabi niya ay walang iba kundi si Zoey. Matapos nilang umalis sa bahay nila ay nagpunta agad sila sa lugar na liblib at walang ganoong tao. ‘Yung tipo ng lugar na hindi pupunta ang mayayaman. Iyon agad ang naisip nila dahil siguradong hindi iisipin ng kanilang ama na doon sila malalagi pansamantala. Kumuha sila ng isang bahay na upahan at binayaran ng pang-isang buwan kahit pa na ang totoo ay dalawang araw lang sila doon. Nagpakilala sila bilang mag-asawa at ang kanilang pangalan ay Lili at Kai Ryan, dahil nagbayad naman sila ay kaagad silang tinanggap sa paupahan na iyon. Maliit lang siya ngunit malinis, which is ‘yun ang mas gusto ni Zoey lalo na at maselan ito. Isang papag lang ang naroon at wala ng ibang gamit. Ayos lang sa kanilang dalawa dahil dalawang araw lang naman sila mamamalagi doon. Habang narooon ay inaasikaso ni Zayne ang kanilang passport at mga pekeng information, saan niya ito natutunan? Bukod sa internet ay
NAGLALAKAD-LAKAD muna sila Zekiel at Claire matapos nilang bumaba ng eroplano. Mayroon na silang tutuluyan at hindi na mahirap pumunta doon ngunit naisip nila na maglakad para makapag-isip kung saan sila maghahanap sa kambal. Malaking advantage na kabisado ni Claire ang lugar lalo na’t sila ang namumuno sa bayan ang kaso ang kambal hindi. Kaya nag-aalala sila. Sa gitna ng kanilang paglalakad at pag-uusap ay nakarinig sila ng humihingi ng tulog. “Tama ba ang narinig ko? Tagalog na salita ‘yun diba?” takang tanong ni Claire at nagkatinginan silang mag-asawa. Sapat na iyon para ma-gets nila na may nangangailangan ng tulong. Aalis na sana si Claire para puntahan ang sumisigaw ng pigilan siya ng asawa. “No, my life! Kapag iniligtas mo sila tayo ang pag-iinitan ng mga ‘yon! Sigurado ako na isa sa mga grupo ng mafia ang mga taong ‘yon!” alalang sabi ni Zekiel sa asawa at pinanliitan naman siya ng mata ni Claire. “So, hahayaan mo nalang na mapahamak ang kapwa natin? Kababayan pa,” natahi
CLAIRE “TAMA ba na iniwan natin sila? Paano kung hindi nila alam ang daan pabalik at makaharap nanaman ng mga mafia?” Nag-aalala kong tanong sa asawa ko habang naglalakad kami ngayon. Iniwan kasi namin si Lili at Kai sa may park dahil sinabi nila na gagala ‘daw ang mga ito. Sa totoo lang hindi ko alam kung magaan ang loob ko sa kanila, siguro dahil sa nangyaring pagliligtas namin sa dalawa. Tyaka gandang-ganda talaga ako kay Lili! “My life, malalaki na ‘yun. Tyaka si Kai na ang bahala, kapag nawala sila edi hindi siya karapat dapat na maging asawa ni Lili.” Napalingon ako kay Zekiel. Napapansin ko na hindi sila magkasundo ni Kai, mabait naman si Kai palagi pa nga’ng nakangiti pero itong asawa ko mukang hindi nagustuhan si Kai. Sabagay hindi ko siya masisisi, over protective kasi siya saakin pero si Kai hindi niya kayang iligtas ang asawa. Hindi ko naman siya masisisi dahil ordinaryong tao lang naman sila. Nalaman ko mula sa kanila na Filipina pala ang parehong mommy nila at taga
Biglang hinawakan nI Zekiel ang kamay ko at ilalagay na sana sa likod niya ngunit pinigilan ko siya. “It’s been a long time princess,” Agad akong napangiti dahil doon at tumakbo sa gawi niya’t niyakap siya ng mahigpit. “Hazel!” Agad niyang sinuklian ang yakap ko at narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya. “Still the same princess huh? Did you really age?” pinalo ko siya sa braso niya dahil sa sinabing iyon at mas tinawanan lang ako. “You made me worried Hazel, don’t just appear out of nowhere. Lalo na kanina tinaggal niyang makulit mong kaibigan ang contact lenses niya,” Napahiwalay kami ni Hazel sa pagkakayakap ng dumating si Zekiel na ang sama ng tingin saakin kaya nagtago ako sa likod ni Hazel. “Don’t worry Keil, I will scare you more next time.” Sinamaan siya ng tingin ni Zekiel si Hazel pero wala namang pakialam ang isang ‘to. Siya nga pala si Hazel Reign. Isa siyang mafia leader, nakilala ko siya four years ago, doon sa time na mayroong nagtangka kay kuya Clark. Tinulun
“KUYA sigurado ka ba dito?!” Kinakabahan na tanong ni Zoey sa kaniyang kambal habang papalapit na sila sa isang lugar na kung saan ay may party na nagaganap. “Calm down Zoey, just trust me.” Seryosong sabi ni Zayne na ikinasimangot lang ng kambal at tahimik na sumunod dito. Nasabihan naman siya ng maayos ni Zayne. Pagkaalis nila sa lugar kung nasaan ang magulang nila kanina ay deretsyo sila sa mall para mamili ng formal dress, new wig and new contact lenses. Ayon kay Zayne ay papasok sila sa isang party na kung saan mayroong daan papunta sa underground ng mafia world. Noong una ay hindi siya makapaniwala lalo na’t iyon ang unang beses na nakarinig siya ng ganoon pero nang makita niyang seryoso ang kuya niya ay hinayaan nalang niya ito. Pagpasok nila sa lugar na sinasabi ni Zayne ay hindi maiwasan ni Zoey na mamangha dahil sa daming tao sa loob niyon at sumasayaw sa gitna. Mayroong mga nasa gilid at umiinom, ang iba ay nag-uusap, tila isang bar! “Wow! This is my first time kuya! L
SAMANTALANG sa loob nang silid kung saan naroon ang ama ni Hazel ay mayroong mahabang lamesa na sigurado sila Claire na kakasya ang halos kinse o bente na katao dahil sa haba niyon. Binati nilang mag-asawa ang emperor na ikinangisi nito. “You two are too formal, didn’t you bring anything gifts from me like a gun or a sword?” Nagkatinginan si Claire at Zekiel dahil doon at hinawakan ni Zekiel ang kamay ni Claire at hinarap ang emperor. “It was from the past emperor Alfonso.” Seryosong sabi ni Zekiel na lalong ikinangisi ni Alfonso at tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo. “Forgive my insolence behavior your majesty. Welcome to the mafia hide out,” yukong sabi nito kay Claire at muling nag-angat ng tingin at tinignan si Zekiel. “You’re still the same Zekiel Gray, fireless just like your majesty here,” lingon na sabi niya kay Claire na ikinangiwi ni Claire. Sa totoo lang ay gusto niyang umirap dahil sa sinabi nito, hindi naman siya galit sa emperor pero dahil nga sa ginawa ng mga nasa