Nakatali kasi ang katawan at kamay niya sa upuan kaya hindi siya makagalaw. Sinubukan niyang ilayo ang kaniyang muka ngunit muling hinawakan iyon ni Camille at mas mahigpit kesa kanina. "Look at me!" Galit na sigaw ni Camille kaya wala itong ibang nagawa kundi ang tumingin. "Nakikita mo itong sugat na ito?!" Diin na sabi ni Camille. "Oo, panget mo nga eh," mas nangigil si Camille dahil sa sinabi nito at sinampal siya na ikinabaling ng kaniyang muka sa kabilang parte. "B*tch! Kapag kinakausap ka ng maayos sumagot ka! Ipaparanas ko 'rin sayo 'tong naranasan ko! Papapangitin kita dahil hindi mo deserve 'to!" Hinablot ni Camille ang korona na suot niya na ikinalaki ng mata ni Claire dahil sagrado ang korona na iyon at nasa batas nila na bawal itong ipahawak sa ibang tao. "Saakin ito nababagay," "Ibalik mo yan! Hindi pwede sa'yo yan!" Hindi siya pinakinggan nito at talagang isinuot pa ito ng babae sa kaniyang harapan kaya wala siyang nagawa kundi ang panoorin nalang ang nangya
Tumulo ang kaniyang luha at napahawak ng mahigpit sa kaniyang tiyan. 'No please... Baby wag...' taimtim na panalangin ni Claire sa kaniyang tiyan hanggang sa narinig niya ang pagtawa ng dalawa. Napatingin siya sa mga ito at walang pagdadalawang isip na tumakbo siya upang maabot ang baril na nasa lamesa at agad na itinutok sa mga ito. "B-buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit!" iyak na sabi ni Claire sa dalawa na ikinatigil nila sa pagtawan at tinan siya. "Go, k!ll us. Look at your hands nanginginig oh," Napatingin si Claire sa kaniyang kamay at nanginginig na ito dahil sa sakit na nararamdaman niya at sa takot na baka mawala ang bata na nasa sinapupunan niya. Nakita niya ang korona na nasa harapan niya at pinulot ito pagkatapos ay sinuot at itinutok muli ang baril sa dalawa. "W-walang kinatatakutan ang isang prinsessa," Mabilis ang naging kilos ni Claire at ipinutok ang baril ngunit nakaiwas ang dalawa at mabilis na nakakuha ng baril si Camille at pinutok kay Claire na ik
Natigilan si Louise dahil sa sinabi ng lalaki at mabilis na bumalik sa ala-ala niya ang totoong dahilan na pilit niyang kinakalimutan at sinisisi ang babae dahil sa kaniyang pagkakamali. Isang business man si Louise at marami ang gustong magpabagsak sa kaniya ang kaso ay idinamay ang kaniyang mahal sa buhay at nawala doon si Melodie. Nagkataon lang na sila Claire ang unang hiningan ng tulong ng dalaga para mag sumbong at tulungan siya. Pilit niya iyong tinatago dahil sa sakit na naramdaman na nawala ang kapatid at nawala ang babaeng unang minahal niya, si Claire mismo. Mahal na mahal niya si Claire ngunit inagaw lamang ito ni Zekiel kaya ngayon ay naghihiganti siya. Kung hindi niya makukuha si Claire ay gusto niyang maging ganoon din din si Zekiel. "Remembering the past? Then good bye Louise," Itinutok ni Clark ang kanitang baril dito pero nagsalita ang lalaki. "Hindi niyo kami mapapatay! T-tutulungan nila kami! Nangako sila saamin nantutulungan nila kami!" Napakunot ang noo ni
"IN the count of three," Seryosong sabi ni Zekiel habang nasa dulo sila ng garden ng building kung saan nagtatago si Timothy bihag ang pamilya niya. "One...Two...Three...NOW!" Mabilis na nagsikilusan ang mga tauhan ni Zekiel dahil sa signal niya na iyon at ng makarating sila sa underground way ay mayroong dalawang tao ang nagbukas niyon at ng mabuksan ay sunod-sunod silang pumasok sa loob. "Go! Go! Go!" mahinang sabi ni Dylan sa mga tauhan nila na nauuna sa pagpunta sa loob. "Make sure to make a light," bulong din ni Hero sa isang tauhan na ikinatango nito. Nang wala ng ibang papasok ay sumunod na silang tatalo. Kaunti lamang ang isinama nila sa underground dahil look out ang iba at lalabas din naman sila kapag natapos na ang patibong na iyon. Pagkarating nila sa loob ay isa itong open space na halatang hindi na nagagamit. "Magsimula na kayo gaya ng napagplanuhan," Nagsitanguan ang mga ito at kaniya-kaniya na silang gawa ng pa-in. Ang napagusapan nila ay iyong mahahab
Pagakasabi ni Zekiel niyon ay agad niyang binaril ang mga kalaban na ikinasunod ng dalawa at kaniya-kaniya silang baril sa bawat kalaban na sinusubukang pumunta sa kanila. Dahil nga tatlo sila ay mabilis nilang natalo ang mga ito na ikinasaya ng dalawa. "Finally!" sabi ni Hero. "Makakauwi na tayo! Kiel tara na bilis!" nauna ng tumakbo si Dylan kaya napailing ang dalawang natira at sumunod dito. Huminto si Dylan sa isang pinto na alam nilang kinalalagyan nila Louise. "Ikaw na pala mauna Kiel hehe," kamot batok na sabi ni Dylan dito. "Yan kasi nagmamagaling duwag naman pala," pang-aasar ni Hero kaya sinamaan siya ng tingin ni Dylan. Si Zekiel naman ay walang pag-aalinlangan na sinipa ang pinto na ikinabukas niyon. Ngunit nagulat siya ng makitang wala ng buhay si Louise at Camille na naliligo sa sariling dugo sa sahig. "D-Daddy!" Napatingin siya sa tumawag sa kaniya at mabilis na tumakbo sa kambal. "Zoey! Zayne!" Niyakap niya ng mahigpit ang mga ito at umiyak sa kaniya ang
Tumango si Clark sa tanong niya. "Ang sabi ng doctor ay pagod na pagod ang katawan mo lalo na ng tamaan ka ng bala sa balikat," Napahawak si Claire sa kaniyang balikat at wala na siyang sakit na maramdaman doon. Kaya naman pala wala ng sakit dahil isang linggo na siyang tulog. "Ang kambal kuya?! Anong nangyari sa mga anak ko?!" Gulat na sabi niya ng maalala ang kaniyang mga anak. "Kumalma ka nga Claire, ayos na sila. Pinababantayan ko sila sa tauhan natin kaya maayos na ito," napahinto si Claire sa paghehesterical dahil doon at napabuntong hininga nalamang. "Pasensya na kuya Clark, natatakot lang ako na may mangyaring masama sa pamilya ko." napatango naman si Clark dahil sa sinabi ng kapatid dahil naiintindihan niya ito. Wala pa man siyang sariling pamilya ay alam niya dahil ganoon din siya sa pamilya nila. "Oo nga pala kuya alam na ba ni Papa na andito ako?" umiling si Clark dahil sa tanong niya. "Walang alam si Papa. Itinago kita Claire dahil gusto ko ikaw ang kakausap kay
Siya ang ama ni Timothy at asawa ni Kaithy. Ang kanang kamay ng Hari, ng ama niya. Siya ang nagturo sa kanila noon na makipaglaban kaya hinding-hindi niya makakalimutan ang lalaki dahil napakalaki ng naging parte nito sa buhay niya. "I miss you so much tito!" humiwalay na siya sa pagkakayakap at hinawakan ng lalaki ang kaniyang pisnge. "I coudn't believe that you will grow up into a beautiful lady," napangiti lalo si Claire dahil doon. "Magaling si mama mag alaga tito," nawala ang ngiti ng lalaki dahil sa sinabi niya. "I'm sorry about your mother," "It's okay tito, tanggap ko na po. Si papa ang inaalala ko," Marunong makaintindi ng tagalog ang papa ni Timothy ngunit hindi makapagsalita dahil hindi naman siya lumaki sa Pilipinas di tulad ng asawa at anak niya dahil matagal ang mga itong nasa pilipinas. "Sige mauuna na ako, mamaya nalang po tito," ngumiti sa kaniya nag lalaki at tumango. Mabilis na kumalat sa buong palasyo ang balitang anjaan na ang prinsessa at marami ang
'Breaking News: Matapos ang isa't kalahating decadang paghahanap sa Reyna at Princessa ng Spain ay sawakas nahanap na ang mga ito, ngunit sa kasamaang palad ay wala na ang Reyna at tanging ang Prinsessa na si Princess Claire nalang ang nabuhay. Kalat na 'rin ang balita na ilang taong namalagi ang dalawang royal blood sa Pilipinas kung saan sila ay nagpanggap na isang ordinaryong mamamayan.' Pinatay ni Zekiel ang TV dahil sa kaniyang napanood na balita. Ilang araw na ang nakalipas ng pumunta doon sila Timothy upang magpasama sa kaniya sa pagkuha ng bangkay ng sumakabilang buhay na Reyna. Gustong-gusto na niyang makita si Claire ngunit hindi niya magawa dahil wala siyang karapatan na magtanong ukol sa dalaga. Lalo na ngayon na kilalang-kilala na ito sa buong mundo at kalat na kalat ang kakaibang nangyari sa kanilang mag-ina. "Daddy!" napalingon siya sa pinto at nakita niya na magkasunod na tumatakbo ang kambal. "May news na po ba about kay mommy?" nakangiting sabi ni Zoey. "Wa