"Oh my God Zoey ikaw nga! I miss you my daughter, mommy miss you so much!" Pinaghahalikan ni Claire ang pisnge ng anak niya dahil sa sobrang pagkamiss nito. Halos magdadalawang buwan na siyang wala sa puder ni Zekiel. "I miss you too mommy!" "Zoey? Siya na ba ang apo ko?" Napalingon silang mag-ina dahil sa nagsalita at doon ay nakita ni Zoey ang isang matandang lalaki na mayroong suot na korona at kilala niya ito dahil nakita niya itong kasama ng ina sa TV. "Grandpa!" Agad na tumakbo si Zoey sa Hari at napangiti ang lalaki kaya sinalubong niya ito at binuhat. Si Zoey naman ang humalik ng humalik sa kaniyang lolo. "Grabe lolo di ako makapaniwalang ikaw yan! Hari ka po? Ang galing-galing!" Napatawan si Claire at pinunasan ang kaniyang pisnge na may luha dahil doon. "Haha apo nakikiliti ang lolo tama na," tumigil na ang bata sa kakahalik sa kaniya at nakangiting tumingin dito. "Ang ganda-ganda mo apo, kamukang kamuka mo ang daddy mo," "Kilala mo po si daddy?! Ang gal
"ON my cue," seryosong sabi ni Clark sa kanilang mga kasama dahil kalat-kalat sila ngayon sa dating lugar kung saan siya dinukot noon. Nalaman nila ang pinagtataguan nito dahil kay Zoey, ang sabi ng bata ay nalaman ni Zekiel ang kinalalagyan nito kaya kinuha ang kapatid niya. Tama si Zayne dahil hindi sila nagdalawang isip na sumugod pero naiwan sa palasyo ang Hari at si Zoey. "Go!" Sigaw na sabi ni Clark at magsimula ng mangibabaw sa gitna ng gubat ang putok ng mga baril. Si Claire ay seryosong nakikibaril sa isang tumpok na kalaban na kaniyang nasasalubong. Nag-iba na ang dating lugar na iyon kaya naninibago siya ngayon ngunit pagpasok nila ay pareho silang nagulat ng kuya niya ng mayroong bumagsak na net sa kanila. "Nakita ko na 'to dati kay Camille!" Sigaw na sabi ni Claire sa kaniyang kuya dahil nakita niya ito sa CCTV noong mahuli sila Zekiel. "Magkakampi si Louise at ang Mafia na kalaban natin kaya malamang sa kanila ito galing!" Balik na sabi ni Clark at sinubukang um
"Now, alam ko ng may nagawa ka para sa kapatid ko then tinatanggap na kita sa pamilya namin," Napangiti si Zekiel dahil sa sinabi ni Clark at niyakap naman siya nito sandali at tinapik ang likod. "Akala ko kung ano nang nangyari sayo anak! Natatakot ako kaya sumugod agad kami dito kahit walang maayos na plano," naiiyak na sabi ni Claire. "Yun nga ang plano mommy eh, para tuluyan ng matalo ang kalaban," napakunot ang noo niya dahil doon kaya nag kwento si Zayne. "Sinadya ko po na magpahuli habang si Zoey ay sinadya ko na papuntahin dito para mailigtas kayo. Wala ng kalaban mommy patavy na silang lahat dahil nakaabot na si daddy dito sa taas it means patavy na sila," Hindi makapaniwala si Claire dahil sa sinabi ni Zayne at hindi ma-function ng maayos sa utak niya. "Tama ang anak mo my life," napalingon si Claire kay Zekiel dahil doon. "Si Zayne ang nagplano ng lahat kaya successful ang pagligtas namin sayo," naiyak si Claire dahil sa sinabi ni Zekiel at tumingin sa anak. "Z
"We can finally married now right? And you can finally say yes to me rigth?" Tumango si Claire habang naiyak na ikinangiti ni Zekiel. Naghiyawan ang marami dahil sa nagagagap sa itaas lalo na at nakilala agad nila si Zekiel na isang pinakang kilalang business man sa buong mundo. "Will you marry me Princess Claire Fuentes?" "Say yes! Say yes! Say yes!" Malakas na sigawan ng mga mamamayan sa paligid na ikinangiti ng pamilya ni Claire at nakisabay na 'rin maging ang kambal. "Say yes! Say yes!" Unti-unting tumango si Claire habang umiiyak parin. "Y-yes! Yes, pwedeng pwede Zekiel!" Agad na isinuot ni Zekiel ang sing-sing at tumayo upang pantayan ang dalaga. Pinagmasdan niya ang muka ni Claire at pinunasan ang kaniyang mga luha. "You don't know how much I'm happy right now," nakangiting sabi ni Zekiel. "A-ako din Zekiel sobrang saya ko! Sobrang saya!" Hinalikan ni Zekiel si Claire pagkasabi niya niyon na siyang ikinapalakpalakn ng marami at ang iba ay may kasama pang si
BREAKING NEWS: King Clark is missing! According to the sources he was last found after the council meeting. Our King is not yet to be found, Princess Claire and her family are now in the Palace to take action for the current crisis of the present time! Ang balitang ito ay kalat na kalat na sa buong mundo. Matapos ang limang taong pagiging Hari na si Clark Fuentes ay nagkaroon ng katahimikan at kasaganahan sa Spain. Sa tulong ng mga bagong council na itinalaga ng kanilang Prinsesa ay umunlad ang kanilang bansa at mas nakilala. Sino nga bang hindi makakakilala sa pamilya Fuentes at Gray? Limang taon na ang nakakaraan simula ng bumalik ang Prinsesa at magkaroon ng sariling pamilya. Sa kasalukuyan, patuloy na umuusbong ang kanilang negosyo maging ang kanilang mga taga suporta. Mabilis na kumalat ang balita at ayon sa kanilang rules walang magagawa si Claire kundi ang pansamantalang punan ang posisyon ng kaniyang kapatid at siya ang maging pinuno ng mga ito. “Pero papa kailangan k
CLAIRE “PLEASE papa, pumayag ka na! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa mga anak ko. Papa I’m begging you!” Halos lumuhod na ako sa harapan ni papa para lang payagan niya akong umuwi sa Pilipinas. Nang malaman kong nawawala ang kambal ay talagang inistorbo ko agad si papa para makauwi ako agad. Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko alam kung nasaan sila. Nawawala na nga si kuya Clark maging sila ba naman mawawala? “Claire, anak tumayo ka jan. Papayag naman ako pero—” “Thank you papa!” hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya ng mahigpit ngunit agad niya ‘ding pinutol iyon. “’Yun ay kung papayag si kuya Timothy mo, siya ang magtatakip satin. Don’t you remember na ikaw ang Reyna ngayon? Kapag nalaman nilang wala ka ‘din dito sa palasyo magkakagulo nanaman,” “Don’t worry I’m willing to cover her highness,” Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ng taong iyon at paglingon namin ay nakita namin si kuya Timothy na nagbigay galang saamin. N
Agad na napatayo si Bianca ng makita ako at naitago ang cellphone niya. Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa ginawa niyang pagtago ng cellphone niya. “Oo nga noh? Bakit hindi natin agad naisip na magkakaibigan ‘yang tatlo?” mukang natatauhan na sabi ni Hero. Napabuntong hininga naman ako at binitawan ang kamay ni Zekiel at lumapit kay Bianca. Naupo ako sa harapan niya at tinignan siya ng deretsyo sa mga mata niya. “Bianca, alam mo ba kung saan nangpunta ang kambal? Based sa pagtago mo sa cellphone mo ay alam mo kaya ‘wag mo ng ilihim okay?” ngiting tanong ko sa kaniya na ikinabagsak ng balikat nito at tumango saakin. “Ninang nag-aalala ‘din po ako sa kanila! Hindi ko na sila makontact e! Sabi nila saakin tatawagan nila ako agad kapag nasa Spain na sila!” “Spain?!” Sabay-sabay na tanong namin dahil sa sinabing iyon ni Bianca. Tumango naman siya saamin at binigay saakin ang cellphone niya. “’Yan po ang huling usap ko kay Zayne ninang,” Agad namang lumapit saakin ang iba at tinig
ANG hindi alam ni Claire ang babaeng blondina na sinasabi niya ay walang iba kundi si Zoey. Matapos nilang umalis sa bahay nila ay nagpunta agad sila sa lugar na liblib at walang ganoong tao. ‘Yung tipo ng lugar na hindi pupunta ang mayayaman. Iyon agad ang naisip nila dahil siguradong hindi iisipin ng kanilang ama na doon sila malalagi pansamantala. Kumuha sila ng isang bahay na upahan at binayaran ng pang-isang buwan kahit pa na ang totoo ay dalawang araw lang sila doon. Nagpakilala sila bilang mag-asawa at ang kanilang pangalan ay Lili at Kai Ryan, dahil nagbayad naman sila ay kaagad silang tinanggap sa paupahan na iyon. Maliit lang siya ngunit malinis, which is ‘yun ang mas gusto ni Zoey lalo na at maselan ito. Isang papag lang ang naroon at wala ng ibang gamit. Ayos lang sa kanilang dalawa dahil dalawang araw lang naman sila mamamalagi doon. Habang narooon ay inaasikaso ni Zayne ang kanilang passport at mga pekeng information, saan niya ito natutunan? Bukod sa internet ay