"PALAGI akong nasa tabi mo Claire, minsan sa isang buwan pumupunta ako dito sa Pilipinas para dalawin kayo ni mama," Magkatabi silang magkapatid na nakaupo sa harapan ng puntod nang kanilang ina. Matapos ang kanilang muling pag-kikita ay nagpasiya sila na magkwentuhan sa harapan ng mama nila habang si Timothy naman ay nakabantay sa paligid dahil dalawang maharlika ang kaniyang kasama lalo pa at ang susunod na Hari ang nandito. "Palagi? Alam ba ni mama ang bagay na ito?" takang tanong ni Claire sa kaniya na ikinatango naman ni Clark. "Alam ni mama Claire, ako ang unang-unang nakahanap sa inyo nang hindi ko pinapaalam kahit kanino gaya na 'rin ng bilin ni mama saakin. Wala kang kasalanan Claire, hindi umalis si mama at iniwan kami basta-basta dahil may dahilan siya," napakunot ang noo ni Claire dahil sa sinabi nang kaniyang kuya habang pinaglalaruan ang kaniyang kamay. "Dahilan? Anong dahilan kuya Clark?" dahil sa tanong niya ay napaharap sa kaniya si Clark at sumeryoso ang muka
"Dear Claire, Anak alam ko kapag binabasa mo ito ay wala na ako at alam ko rin na kapag binabasa mo to ay bumalik na ang ala-ala mo at kasama mo na ang kuya mo. Anak gusto kong humingi nang tawad sayo, nakalimutan kita Claire, nag focus ako sa kuya mo kasi ayoko na maranasan niya ang naranasan ko bilang Reyna. Ayoko na matahin siya nang mga council, ayoko na gawin siyang laruan nang mga ito kaya sinanay ko siya tulad nang alam ko. Ngunit sa kabila nu'n ay hindi ko napansin na napapag-iwanan na pala kita, alam mo ba nung ipinanganak kita hindi ako umaalis sa tabi mo? Kasi una palang alam ko na ikaw yung tipo ng babae na hindi makabasag pinggan, hindi nga ako nagkamali dahil bawat training niyo binabantayan kita. Sinasabi ko sa kuya mo na mas turuan ka pa para gumaling ka. Ayoko na balang araw na yang kabaitan mo ang ikababagsak mo. Nang iligtas mo ang Kuya mo ay doon ko nakita na kaya mo, na namana mo saakin ang pagiging matigas ang ulo na kinaiinisan ng papa mo. Nakita ko ang pani
MATAPOS mag-usap ni Zekiel at Zayne ay inihatid na niya ang anak sa kwarto nito at pinatulog. Nangako siya kay Zayne na ililigtas niya si Claire kaya hindi na siya natulog matapos ang gabing iyon at ginawa ang lahat upang makahanap ng clue tungkol sa dalaga. Naupo si Zekiel sa kaniyang table at nag-isip nang paraan na mas mapapadali sa paghahanap dito, natigilan siya nang makita niya ang CCTV monitor sa kaniyang harapan biglang pumasok sa isip niya na tignan kung sino ang kasama ng dalaga. "Hindi ko pinalalabas si Venice nang walang kasamang body gaurd," wala sa sariling banggit ni Zekiel at naalala niya na tinanong nila ang mga bantay ngunit sabi nila ay wala silang namataan na hindi nila alam kung sino ang kasama ni Claire. "Impossible," sabi ni Zekiel at agad na kinalikot ang computer at hinanap ang CCTV monitor noong isang gabi. Maya-maya ay nakita niya na umalis si Claire at hinabol pa ito nang kaniyang anak, ngunit ang mas nakakuha nang attention niya ay ang nakita niyang dri
"ALAM ko na buntis ka Claire, buntis ka sa pangatlo mong anak hindi ba?" natigilan si Claire sa pagkain dahil sa sinabi ng kaniyang kuya Clark at napatingin dito at ngumiti nang pilit. "Alam mo pala kuya," alanganin niyang ngiti dito na ikinatango nito. "Of course I know binabantayan ko kaya kayo, kahit si Zayne," nagulat si Claire dahil sa sinabi ni Clark sa kaniya. "Nakilala ko na ang anak mong si Zayne, sa kanilang kambal si Zayne ang pinakang makulit pero matalino katulad mo. Nagpakilala ako sa kaniya noon nilait pa nga ako," nakasimangot na sabi nito at binalikan ang nangyari nang mag-kita sila ng pamangkin. "Paano kuya?" hindi makapaniwalang sabi ni Claire. "Kapag pumupunta ako dito ay saglit lang, sinundan ko si Zayne isang beses at nahuli niya ako. Akala ko tatawag siya ng tulong kasi sinusundan ko siya ngunit hindi. Ang sabi niya saakin kung di daw ba ako naiinitan sa suot ko. Kakaibang bata yang si Zayne, mukang makabasag pinggan pero malakas pala. Sinubukan ko siya
"Puntahan natin siya Kiel!" sabi ni Bea na ikinatango naman ni Hero at Dylan. "T-tama dapat natin siya puntahan," wala sa sariling sabi ni Zekiel at agad na tumayo kaya napangiti si Zayne dahil doon at inantay ang ama. "Son you lead the way okay?" sabi ni Zekiel sa anak na ikinatango naman ng bata at hinawakan ni Zekiel ang kamay nito at sabay silang lumabas ng office ngunit nagulat siya ng pagbukas nang pinto ay sumalubong sa kanila ang muka ni Claire. Nabalot ng katahimikan ang paligid, kakatok na sanang muli si Claire dahil hindi siya pinagbubuksan. "A-Ah hi?" alanganing sabi ng dalaga at nagulat siya ng bigla siyang yakapin ni Zekiel nang sobrang higpit. Hindi man niya aminin ay na miss niya rin ang presensya nang lalaki, kahit pa na may galit siya dito dahil sa nakita niya noong huli silang magkita ay hindi niya itinatanggi na na-miss niya ang presensya nito. "D-Don't do that again please," tahimik na sabi ni Zekiel habang umiiyak na siyang ikinagulat ni Claire dahil hi
(Scene bago mapunta sila Zoey sa Pilipinas)"ANO?! Wag kang mag biro ng ganiyan hindi totoo yan!" Naiiyak na sabi ni Quinn sa telepono dahil sa kaniyang narinig na balita. "Just read my email," pagkasabi niyon ng taong kausap ni Quinn sa telepono ay ibinaba na niya ito kaya dali-daling kinuha ni Quinn ang kaniyang laptop at hinanap ang email nito. Ang hindi alam ng dalaga ay andoon si Zoey kanina pa at nakikinig sa usapan nila. Hindi sinasadya nang bata na makinig ngunit narinig niya ang pangalan ng kaniyang ina kaya nanatili siya doon. Pagkabukas niya nang email at agad na tumulo ang kaniyang mga luha. Isa itong news about kay Zekiel sa paghahanap sa isang babaeng nagngangalang Venice Sanchez. "Tita anong nangyari kay mommy?" Nagulat si Quinn dahil sa kaniyang narinig at napatingin sa kaniyang likod at nakita doon si Zoey kaya agad niyang sinarado ang kaniyang laptop at pinunasan ang kaniyang mga luha. "W-Wala maayos lang ang mommy mo," nauutal na sabi nito kay Zoey pero umilin
"A-Anong sinungaling Zoey?" takang tanong nito sa bata. "Niloko nila ako tita! Ang sabi ni mommy may trabaho siya pero andito siya kay daddy! At hindi niya manlang ako pinakilala, tapos akala ko ba naaksidente siya tita?!" "A-Akala ko din," naguguluhang sagot niya sa bata. "A-AT si kuya! Kaya pala ayaw niya akong ipakilala kay daddy kasi ayaw nila ako maging parte ng pamilya!" nagulat si Quinn dahil doon at hindi makapaniwalang nakatingin dito. "P-Paano mo nakilala si Zayne?" dahil sa tanong ni Quinn ay natigilan sandali si Zoey sa pagiyak. "You knew," "Huh?" "You knew tita! Alam mong nandito si mommy! Alam mong magkakasama sila! Alam mo may kambal ako!" hindi nakasagot si Quinn dahil sa sinabing iyon ni Zoey kaya muli itong napaiyak dahil doon. "M-Mga sinungaling kayo!" napatakip ng muka si Zoey dahil doon na ikinayuko ni Quinn at hinayaan nalamang ang bata na umiyak. Ngunit nagulat siya ng maya-maya ay narinig niya na nahihirapang huminga ang bata. "Zoey?" "T-Tit
"Mommy!" hahabulin sana ni Zayne ang babae ngunit pinigilan niya ang anak na ikinatingin ng mga ito sa kaniya. "Hayaan niyo na siya," nagulat ang mga ito sa sinabi ni Zekiel lalo na ng bumalik ito sa loob nang office niya. "Daddy ganon nalang yun?!" sigaw sa kaniya ni Zayne habang ang iba naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Hahayaan mo si mommy umalis?! Akala ko ba mahal mo siya?!" napapikit si Zekiel dahil sa sinasabi ng kaniyang anak at napahilot sa kaniyang sintido. "Oo naman, mahal ko siya. Mahal na mahal," sagot niya dito "Ayun naman pala eh! Edi sundan natin siya!" hindi na napigilan ni Zekiel ang sumigaw dahil sa sobrang pag-iisip niya. "Hindi mo ba narinig?! May anak siya Zayne! Hindi tayo ang pamilya niya kaya siya aalis!" natigilan ang bata dahil sa sinabi ng ama at tumulo ang luha nito sa mga mata. "Anong anak—" napahinto sa pagsasalita si Bea ng pigilan siya ni Hero at umiling ito sa kaniya. "Problema nila yan hindi saatin Bea," walang nagawa an